B-arcs
B1.Disturbance
But all in vain; good queen, it will not be:
She hath assay'd as much as may be proved;
Nasa loob kami ng bus at hinihintay na lang ang ibang myembrong hindi pa nakakarating. Tama! Sa loob ng bus ay ang basketball team at ang volleyball team!
Nasa dulo ako at katabi ko ang ibang teammates ko habang nasa unahan naman si Chad at nakikipag-usap sa ibang ka team niya. Dala-dala ko ngayon ang kopya ng Venus and Adonis ni Shakespeare. Gusto ko sanang magpatulong sa pagsasalin sa ibang linyang hindi ko maintindihan.
"Cruz! Late ka na naman! Akala ko ba di ka sasama!" Sigaw ng coach nila sa kararating lang na si Brent.
"Always late but worth the wait!" Ngumisi siya at natagpuan agad ang titig ko.
Kinindatan niya pa ako habang papunta sa upuan niyang mas malapit sa akin.
"Brent, where's your Porsche, dude?" Sabi nung katabi niya.
"Oo nga, Brent." Napatalon ako nang narinig kong nagsalita si Chad. "`kala ko ba di ka sasama sa bus kasi babyahe ka gamit ng Porsche mo?"
Humikab si Brent, "Oo nga eh. Kaso tinamad ako."
Si Brent ang isa sa mga taong kahit wala pa dawng driver's license noon ay malaya ng nakakapagpatakbo ng mga sasakyan sa syudad.
Nakakainis masyado ang angas niya. Sana hindi mahawa si Chad sa kanya! Syempre! Di naman talaga mahahawa si Chad dahil siya ang... White Prince! Tama! White Prince, si Chad.
Crush na crush ko na talaga siya.
Pagkatapos ng isang oras na byahe, dumating na kami sa exklusibong beach resort. Undeveloped pa ang resort kaya wala masyadong tao. Puti ang buhangin, ang sarap ng buhangin! Sa malayo, may makikita kang mukhang maliliit na isla at bato.
"Okay, team!" Sigaw ni Coach Mariz.
Nag assemble kami sa harapan niya at ganun din ang mga basketball varsity sa coach nila.
"Sumunod kayo sakin para sa dorms niyo! Dalawang araw lang tayo dito kaya wala dapat maaksaya na oras!"
Sumunod kami sa kay Coach Mariz.
"Akala ko naman magiging masaya `to. Yun naman pala, hindi natin talaga kasama ang Basketball Team sa training." Sabi nung isang teammate ko.
Okay lang naman ang tutulugan namin. Dorm type. Double deck ang mga kama.
"Oh my! Bakit ganito? Hindi ko alam na ganito? I thought suites?" Reklamo nang reklamo si Chloe sa loob.
"Team! Let's go!" Pumito si Coach Mariz at nagsilabasan kami.
Nag jogging kami sa tabing dagat. Sulit naman kasi nandun rin ang Basketball Team. Kinawayan pa nga ako ni Chad ng nalagpasan namin silang nag wa-warm up.
"Hoy, Alvarado!" Tinabihan ako ni Chloe. "Wala si Ara Cruz dito kaya walang mag tatanggol sayo! Tumigil ka nga sa pag flirt mo kay Chad!"
"Hindi naman ako nakikipagflirt ah. Magkaibigan lang talaga kami."
"So? Magkaibigan din naman kami ah? As in close! Kaya wa`g kang masyadong feeling!" Pinandilatan niya ako at linagpasan.
Ano bang problema ng Chloe na yun? O sige na, crush ko na nga si Chad kung crush. Pero ano naman ngayon? Crush ko lang naman yun at wala naman yung gusto sakin.
Alam kaya ni Chad na may gusto si Chloe sa kanya?
Napatanong ako sa sarili ko nang nakita kong nag uusap silang dalawa habang nag wa-warm up kami.
"Okay, team! Sisimulan na natin ang drills!" Sigaw ni Chloe na may ngiti sa mukha.
Tinitigan niya pa ako na parang may karatula sa noo niyang, 'I win'.
Nakakairita yung ekspresyon ng mukha ni Chloe. Pinag iinitan niya pa ako, dalawang beses akong pinapaulit sa mga drills. Buti na lang ilang sandali ay dumating si Coach at inalis siya sa pwesto niyang nagbabantay sa amin.
Pagdating ng tanghalian, kasama namin ang basketball team. Ang sarap din ng pagkain dito ah. Seafoods.
"Chad, diba allergic ka sa shrimp at crabs?" Narinig ko si Chloe kung saan.
"Oo eh. Sayang nga! Masarap pa naman ang mga iyan."
So... allergic pala si Chad sa mga iyon. Tiningnan ko silang dalawa at ayan na naman ang mga malademonyitang-tingin ni Chloe sa akin. May karatula ulit sa noo niyang, 'you lose'.
Siguro nga alam na ni Chad na may gusto na si Chloe sa kanya. Baka nga M.U. silang dalawa eh.
"Hey..."
Bigla akong tinabihan ni Chad habang nakaupo ako sa buhangin, nagpapahangin at nagpapahinga. Mamaya kasi mag di-drills ulit kami. Yung iba kasi naligo sa dagat. Yung iba naman ay kasama ang ibang players ng basketball team.
"Hi!" Sabay ngiti ko at talon ng puso.
"Kamusta ang Venus and Adonis?"
"Maganda! Nagustuhan ko. Dala ko nga eh, magpapatulong sana ako sa`yo. Di ko kasi masyadong naiintindihan ang Old English eh."
"Talaga? O sige ba, tutulungan kita. Gusto ko kasi si Shakespeare kaya halos lahat ng pieces niya, may background knowledge ako. Isa sa mga paborito ko ang Venus and Adonis niya."
"Ako kasi, Romeo and Juliet lang ang alam ko sa kanya." Nakakahiya naman yung sinabi ko. Pero totoo naman! Hay! Si shakespeare kasi eh, di ko maintindihan! "Tsaka yung Sonnet 116. Naisaulo ko yun nung second year ako."
"Ah ganun ba? Sino ba ang paborito mong writer?" Tanong niya ng may matamis na ngiti sa mga labi.
Kinikilig ulit ako! Ang bilis ng tibok ng puso ko!
"Hindi naman kasi ako mahilig magbasa eh. Pero nagustuhan ko ang Pride and Prejudice ni Jane Austen."
"Gusto ko rin yun! Magaling talaga si Jane Austen."
Nakakahiya tuloy dumugtong. Kasi naman, isang nobela lang din ni Jane Austen ang nabasa ko.
"Chad!" Sigaw ng naka trunks lang na si Brent.
Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko ang mayabang niyang ngiti, abs at ang maangas na titig.
"Maxine, laway mo oh!" Sabay tawa niya.
Nakakahiya! Naabutan niya akong nakatitig sa kanya! Imbes na matawa din ako sa kahihiyan, pinagtagpo ko ang mga kilay ko at pinandilatan siya.
"Ano ba naman kayong dalawa! Wa`g nga kayong mag mukmok dito! Maligo tayo! Tara na!"
"Tara, Max!" Inimbita ako ni Chad.
"Ahh... okay lang. Di na. Dito lang ako." Sabi ko.
"Why? Don`t know how to swim?" Tanong ni Brent.
"Wala lang. Okay lang ako dito." Sabi ko.
"Oh. Okay." Nginitian ako ni Chad.
"Hey if you don't know how to swim, I`m just here, I can save you." Andyan na naman ang nakakapanindig balahibong ngiti nitong si Brent.
Umiling na lang ako habang nakangisi si Brent.
Kahit kailan, istorbo lang talaga yang si Brent na yan! Linayo niya si Chad sakin!
B2.Sprain in the heart
Pagkatapos ng konting pagkakataon para magpahinga, agad kaming pinabalik para mag practice. Di ako nahirapan kasi di naman ako naligo samantalang mukhang tinatamad na ang iba.
Nagjogging ulit kami, drills, at kung anu-ano pang mga pag s-spike sa bola. Lagi akong napupuri ni Coach dahil sa nakakabasag mukha kong spike.
"Saan mo ba hinuhugot yung lakas ng spike mo, Maxine?" Tanong nung isang second year na rookie.
"Hindi ko alam eh. Basta iniispike ko lang."
"Hoy! Maxine Alvarado! Tatlong beses mong ulitin yung drills na para sayo?" Sigaw ni Chloe.
"Huh? Bakit? Eh diba-"
"Sino bang captain dito? Diba ako? Sumunod ka na lang!" Pinandilatan niya ako.
May ginawa kasi ulit si Coach kaya si Chloe na naman ang nag babantay.
Pagbalik ni Coach, nag practice game kami. Ibang klase pala pag sa buhangin ka naglalaro, kasi nakaka-ubos ng stamina.
"de Silva, Team A. Alvarado, Team B..."
Dumating na rin ang Basketball team na mukhang kagagaling lang sa kanilang Practice Game. Pawis na pawis sila habang pumipwesto at mukhang manonood pa yata sa game namin.
Naku! Ayun si Chad! Nakangiti siya sa akin! Nginitian ko rin siya at pumwesto na. Sakin ang first service. Kalaban ko pa sina Chloe kaya dapat galingan ko `to!
Naramdaman ko rin ang tension ng mga team mates ko, kasi naman nandyan ang basketball team!
"Alvarado, service. Team B."
Napapalakpak ang teammates ko ng nakuha ko ang unang score sa service ko.
"Go Alvarado! Galing mo! Ganda pa!" Sigaw nung hindi ko kilalang taga Basketball Team.
"Oy astig Max! Kilala ka talaga ah!" Sabi ng teammate ko.
Syempre, nakaiscore din ang kabilang team. Para saan ba ang pagiging Team Captain ni Chloe kung hindi siya magaling? Magaling siya sa pagpaplano at diskarte. Madali niyang napapasunod ang teammates niya. Ako naman, umaasa lang sa sasabihin ng assistant team captain na ka grupo ko. Pag talon at ang puwersa lang ng spike ko ang maipagmamalaki ko.
Uminit ang laban. Naramdaman ko `to sa kalagitnaan. Nang lamang ang Team A sa amin.
Sa huli, tumabla ang iscore. Pagod na ako! Naiinis ako sa pagod na naramdaman ko. Kulang na lang eh humilata na ako sa guhangin at magpahinga. Kaso hindi pwede eh! Gusto kong manalo! Mananalo kami! Naalala ko ang mga doble at tripleng drills ko ngayong araw na `to. Kaya siguro halos maubos ang puwersa ng spike ko dahil doon!
"Maxine!" Sigaw ng assistant team captain namin nang tinira ni Chloe ang pamatay niyang tira para matalo na kami.
Alam ko. Sa taas ng inabot ng bola, ako ang inaasahan nila.
"Mine!" Sigaw ko.
Tumalon ako gamit ang buong lakas ko at inabot ang bola, inispike pabalik sa kabila!
Napatalon ang teammates ko nang napasamin ang huling score! Pero hindi ako makangiti nang naramdaman ko ang naipit ko muscles sa wrist.
Pumikit na lang ako habang pinalibutan ako ng nag aalala kong teammates. Tumakbo na rin si Coach papunta samin.
"Yung first aid kit!" Sigaw niya.
Halos maiyak ako sa napakasakit na pagkaipit ng muscles.
Napawi ang lahat nang nakita kong si Chad ang humawak sa kamay ko habang pinupulupot ang band.
"Masyado mo yata nagamit ang pag i-ispike mo. Magpahinga ka muna. Dalhin niyo siya sa clinic ng dorm!" Sabi ni Coach sa teammates ko.
Nandun parin si Chad sa harapan ko hawak-hawak ang kamay ko.
"Chloe!"
"Yes, coach!"
Hinatid nila ako sa clinic. At syempre, nasa tabi ko si Chad. Wala namang imik si Chloe. Pinaupo ako sa kamang pang pasyente talaga.
"Okay ka lang?" Tanong ni Chad.
Kinikilig ako! Hawak-hawak niya parin kasi ang kamay ko! Halos tumili na nga ang teammates ko sa sinabi niya eh. Uminit tuloy ang pisngi ko.
"O-Okay na." Dahil sa`yo. "Salamat."
Ngumiti siya at mukhang masaya nang narinig ang sinabi kong okay na ako.
"Don`t over exert yourself." Sabi ni Chad.
Grabe! Puputok na ang mga arteries ko sa kakilig dito!
"Hay naku syempre! Sinong hindi magiging okay kung hawak-hawak ng mahal niya ang kamay niya, diba? Tsss." Singit ng panirang si Chloe.
Natigilan si Chad at napabitiw sa pagkakahawak sa kamay ko.
"Uy! Mahal daw!" Sigaw nung isang taga basketball team.
"Totoo ba yun, Max? Gusto mo si Chad? Ayieee!" Tanong ng assistant team captain namin.
HALA! Anong sasabihin ko!!! Oo! Totoong gusto ko siya! Pero hindi ko naman alam kung mahal nga ang tawag dun! Atsaka, nakakahiya namang umamin! At nakakahiya ring mag maangmaangan!
Tiningnan ko si Chad. Mukhang nag iba ang ekspresyon niya habang nakatingin sa akin. Ang bulong-bulungan sa paligid ay mas nakakapgpasaliwa sa nararamdaman naming dalawa.
"Uh," Humupa ang bulong-bulungan at muling tumingin ang mga tao sa akin.
Grabe! Sobrang nakakahiya `to! Oh God! Anong gagawin ko? Bakit ako nasa ganitong sitwasyon?
"Mahal mo siya, diba? Maxine?" Singit ulit ni Chloe na mejo natatawa na ngayon.
"Uh," Aamin na ako!
Biglang ngumiti si Chad at tinapik ng marahan ang ulo ko. Para lang tumatapik ng aso ah?
"Bata ka pa, Max. `Di ako naniniwalang mahal mo ako. Kung totoo man yun, puppy love lang yan. Kalimutan mo na lang." Ngumiti siya. "Magpahinga ka na."
Halos mapanganga ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit pero parang hinampas ako ng sangkaterbang palakol.
"Guys, iwan muna natin siya para makapagpahinga."
Natahimik ang lahat at lumabas na sa clinic ng walang kahit anong angal sa sinabi ni Chad. Habang nakangisi si Chloe ng abot tenga bago umalis at si Chad naman ang sumarado sa pintuan.
WHAT WAS THAT?
Napahiya ba ako? Malamang! Ngingisi ba ang Chloe na yun kung di ako napahiya? At sinong nagpahiya sakin?
Si...
Chad?
Napayuko ako habang tinitingnan ang kamay kong kanikanina`y hawak-hawak niya.
Her pleading hath deserved a greater fee;
-Venus and Adonis, W.S.
B3.Hurt
Hindi ko alam kung papaano at bakit pero parang kinukurot ang puso ko. Parang binabasag ito unti-unti...
Yinakap ko ang dalawang tuhod ko habang nakatingin sa puting kurtina sa loob ng room.
"Puppy love?"
Nagsimulang bumuo ang mga luha ko sa mga mata. Hindi ko alam kung bakit umiiyak ako. Hindi naman ganun ka grabe yun ah pero bakit ganito? Ngayon pa lang ako nagkaganito!
Napahikbi ako ng marahan. Hindi ko mapigilan! Natatawa ako sa nangyayari sa akin. Pero hindi ko parin talaga mapigilan!
"It`s not something that deserves so many tears." May biglang sumulpot sa puting kurtina.
Halos mapatalon ako pero imbis na ganun, nagmadali na lang akong punasan ang mga luhang nasa pisngi ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Tiningnan ko siya ng may poot sa mga mata.
Inalis niya ang puting kutinang naka hadlang sa paningin ko. Nakita ko ang isang malaking bintanang tinuro niya.
Yeah, I know! Diyan siya pumasok! Of course! Illegal!
"Kinakamusta ka."
Umupo siya sa kama ko at hinawakan ang kamay kong nanginginig. Agad kong binawi ang kamay ko.
Tumayo siya at napabuntong-hininga.
"Ano bang nakita mo sa lalaking iniiyakan mo`t nag-aaksaya ka pa ng panahong iyakan siya?"
"Ano ba ang nakita ng mga babaeng umiiyak dahil sa`yo at nag-aaksaya pa sila ng panahong iyakan ka?"
Natigilan siya.
Mas lalo akong umiyak. Sa harapan niya. Nakakainis siya! Ano bang alam niya! Wala, diba?
Hikbi ako ng hikbi habang nakatunganga siya sa harapan at walang ginagawa kundi hayaan ako at tingnan lang akong umiiyak siguro para aliwin ang sarili niya. Si Maxine Alvarado, umiiyak!
"Anong pa bang ginagawa mo dito? Umalis ka na nga! Wala kang alam! Palibhasa hindi ka marunong magmahal! Palibhasa ikaw `tong nananakit eh!"
Hikbi parin ako ng hikbi!
Ayokong sabihin ang mga iyon. Pero naiirita ako sa kanya. Nakikita niyang umiiyak ako dito pero nakatunganga lang siya diyan at tinitingnan ako. Anong klaseng lalaki siya?
Tiningnan ko siya at nakita ko ang isang ekspresyong ngayon ko lang nakita. Seryoso, malamig at galit.
Humiga ako at binalewala siya.
Lumapit siya sa kama at tinaas ang kumot ko, "Magpahinga ka." At umalis din naman agad.
She's Love, she loves, and yet she is not loved.
-Venus and Adonis, W.S.
Nakatulog ako. Pagkagising ko, gabi na pala kaya lumabas ako ng clinic at tumambad sakin ang halos nagpaparty ng mga teammates ko sa tabing dagat. Kumakain silang lahat at may kumakantang live band sa harapan.
"Maxine, kumain ka na!" Sigaw ng assistant team captain. "Okay ka na ba?"
May ganung tingin parin siya sa akin hanggang ngayon. Tinging naaawa o naiilang dulot ng nangyari kanina.
"U-Uh... O sige."
"Sige na! Kumuha ka na dun!" Sabay turo sa buffet na nasa harap.
Wow! Gutom na gutom pala ako!
Kaya lang, nawalan ako ng gana ng may mga narinig ako sa kabilang table na nagbubulungbulungan...
"Nabasted siya? Ni Chad?"
"Ang sakit nun!"
Sabay tawanan ng mga babaeng may pasulyap-sulyap pa sa akin.
Umiling na lang ako habang pumwesto ako mag-isa sa table. Ang lamig pa naman ng simoy ng hangin.
"Oi `tol! Nabasted na yata si Maxine kay Chad! Ano na? Ligawan mo na! May pag-asa ka na!" May narinig akong ganun kung saan pero binalewala ko na lang. Nagtawanan sila at mukhang pinagkakatuwaan lang yung nangyari.
Pero nabigla ako nang natahimik. "Shhh!"
"Okay ka na?" Tumingala ako at nakita ko ang taong tatabi sa akin. Si Chad.
Halos mailuwa ko ang kinakain ko.
"O-Okay na."
Hinawakan niya ulit ang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit binawi ko `to imbis na sana ay titingnan niya lang.
Nagkatinginan kami.
"S-Sorry." Sabi niya.
"Sorry din."
Katahimikan.
"Ano nga pala yung ipapatulong mo sana sa Venus and Adonis?"
"Uh, yun ba? Wala na... Uh, okay na siguro yun. Mejo kaya ko na... Salamat."
Nakakailang kasi `to.
"Go Brentttt!" Nagtitinisan ang boses ng mga teammates ko.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero nakita ko si Brent na tinutulak papuntang stage. Tawa sila ng tawa.
Naiinis parin ako sa tuwing naaalala ko siya na pumuntang clinic kanina. Tapos ngayon, tatawa tawa lang siya habang nakikipaglandian sa mga babaeng yan.
Tapos, eto namang si Chad, nasaktan na nga ako kanina pero nagpakita parin siya sakin ngayon na parang walang nangyari.
"O sige na! Dahil mapilit kayo..." Ngumisi si Brent sa stage ng live band.
Sa itsura niya, kakanta yata siya.
"Sigurado ka?"
"Oo." Nginitian ko si Chad.
"Nga pala, sa`yo na yung kopya, di mo na kailangang ibalik sakin yun."
"Talaga? Salamat."
"Kakanta na ako!"
Nagtilian ang lahat ng babae sa beach.
May binulong si Brent sa banda at agad tumugtog ng isang pamilyar na kanta. My favorite song!
Natigilan ako habang pinagmasdan siya. Hindi lang yata ako eh, lahat yata kami.
"This song is for the girl who`ve hurt me."
"Yiiieeeeee! Sino kaya yun?" Sigaw nila.
Napatawa ng mahinahon si Chad.
"Who can hurt Brent Cruz?"
Napatingin ako sa kanya habang umiiling.
"We watch the season pull up its own stakes and catch the last weekend of the last week..."
Hindi naman talaga ako nabigla sa ganda ng boses ni Brent. Parang tulad nung original na kumanta. Hindi ako nabigla dahil parang inaasahan ko nang may magandang boses na lalabas sa bibig niya dahil sa kagandang lalaki niya.
Ano daw yung iniisip ko?
"You have stolen my... heart..."
B4.Command
Pero pagkatapos ng training camp, hanggang dun na lang rin ang lahat. Hindi na ako masyadong kinakamusta ni Chad. Siguro tuluyan na siyang nailang sa akin.
Minsan, nakikita ko naman si Brent na may kasamang babae. Mga babae.
Balita ko nga naghalikan daw silang dalawa ni Lia. Si Lia yung pangalawa sa pinakamaganda sa grupo ni Ara. Syempre, si Ara ang pinaka maganda.
Mas pinili ko na lang ring manahimik at iwasan na si Chad at Brent.
Sa mga corridors, hindi na rin ako masyadong pinapansin ni Chad. Ilang beses nga kaming hindi nagkasalubong pero hindi nagpansinan.
"Ang sarap talaga ng hangin dito..."
Isang pamilyar na boses ang nagsalita habang nakaupo ako sa paboritong lugar ko sa skul na `to. Si Chad pala!
"Uh, oo eh."
Nagtaka ako. Bakit niya ako pinapansin ngayon samantalang hindi naman talaga siya namamansin na.
Umupo siya sa tabi ko.
"Haaay!"
Nakatingin siya ng diretso sa tanawin habang ako ay titig na titig sa gwapo niyang mukha.
"May nang aaway pa ba sa`yo?"
"Huh?"
Bigla kong naisip si Chloe at ang iba pang mga teammates at kaklase kong, hindi naman nang-aaway pero, nang-aalipin.
"Pasensya ka na, hindi na kita masyadong pinapansin..." Humiga siya sa tabi ko.
Nakatingin lang ako sa kanya.
Sikat si Chad at alam ng lahat yun. Siguro kaya ako inaaway ng mga kaklase ko dahil napansin nilang malapit ako sa kanya. At ngayong mag iilang buwan ng di niya ako pinapansin masyado, wala na rin masyadong pakealam si Chloe sa akin. Di tulad noon na lahat ng gagawin ko ay pinapakealaman niya.
"Okay lang." Naiinitindihan ko naman yun.
Siguro hindi niya ako pinapansin dahil naiilang siya sa nangyari nung training camp. Di ko naman siya masisisi. Atsaka, ako rin naman eh, ayaw ko na rin siyang pansinin. Nakakailang at nakakaasiwa kung papansinin ko pa siya pagkatapos ng kahihiyang iyon.
"May date ka na ba sa prom?" Tanong niya.
Napalunok ako sa sarili kong laway! Kinabahan ako at pinagpawisan ng todo-todo!
"W-Wala."
Pero... alam ko. Hindi ako ang magiging date ni Chad. Sa lahat kasi ng Seniors, siya lang ang hindi pwedeng pumili ng date dahil inaasahan na siya ang idi-date ni Clara Montesclaros, ang pinakamatalino sa juniors. Siya ang susunod sa yapak ni Chad kaya napagdesisyunan ng silang dalawa na ang magpapares para sa gabing iyon. Silang dalawa rin ang naatasang mag organize nun kaya hindi na rin ako aasa ng kahit ano.
At sa gabing iyon... ang buong araw at buong gabing iyon... ang kaarawan ko.
"Wala pa."
Napabuntong hininga siya.
"Narinig ko inimbita ka raw ni Martin Mercado, Enzo Santos at Yael Escudero?" May bakas ng ngiti sa mukha niya pagkatapos niyang mabanggit ang mga pangalan.
"Oo eh."
"Bakit di ka pumayag ng kahit isa sa kanila?" Nakangiti siya.
Aray ano ba yan! Namumula na yata ako dito, nakakatunaw kasi ang mga tingin niya.
"Uh, kasi... wala naman akong kilala sa kanila. Ayokong hindi ko kilala ang kadate ko."
Natawa siya, "Pero kilala ang tatlong iyon ah. Si Martin at Yael parehong basketball varsity. Tapos si Enzo kilalang tennis player at modelo."
"Hindi naman yun ang ibig kong sabihin. Hindi ko sila kilala ng lubusan eh..."
"Naku! Alam ko na yata kung bakit maraming nang-aaway sa`yo na mga babae." Tawa siya ng tawa.
"Bakit?"
"Hindi mo kasi nakikita eh. Halos lahat ng mga sikat na lalaki sa skul, tinatanggihan mo."
Napabuntong-hininga ako. Ayaw ko lang naman kasing magkaroon ng date tapos di ko naman talaga kilala. Sana pwede kong dalhin si Carlo, yung kapaitid ko. Kaso, kailangan sa Seniors mamili eh. Ang bilang kasi ng Senior boys and girls at Junior boys and girls ay magkapareho lang. Kaya impossibleng walang date ang kahit isa sa kanila.
"O sige, kung pipili ka ng date, sabihin mo sakin kung sino... ako na ang bahalang magsasabi kong mabait siya o hindi. Okay, Max?" Tumayo si Chad at aalis na yata.
"O sige... I'll try."
"Gotta go." Ngumiti siya. "I'm sorry for being so busy. I missed you. I wish I can be your date." At umalis siya ng tuluyan.
CHAAAAAAAAAAAAD! I miss you too! Este...
Tiningnan ko siya hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Yinakap ko ang mga tuhod ko.
Hindi ako makakahanap ng date nito! Si Chad ang gusto kong makadate! Pero hindi pwede! Hindi pwede! At sigurado akong mas maiilang ako kung siya ang kadate ko.
Balita ko halos 80% sa Juniors at Seniors may ka date na eh! Ang alam ko, ang date ni Ara ay si William Buffardessi, yung half Italian na classmate ko. Ang ka-date naman daw ni Chloe ay si Robert Lim, pagkatapos niyang tanggihan si Enzo Santos! At ako? Wala pa! Pwede namang pumunta kahit walang kadate ah?! DIBA?
Halos sabunutan ko na ang sarili ko sa pag-iisip ng kadate! SINO ANG IDI-DATE KO?
"Be my date..." May biglang tumalon galing sa sanga ng punong katabi ko.
Agad kong iniba ang ekspresyon ko. From lost to mad!
"Huh?"
Andyan na naman yung kayabangan ng aura niya at ang ngiti niyang parang walang insecurities sa katawan.
"Be my date." Inulit niya `to. Ngayon, mas naramdaman kong hindi imbitasyon ang pagkakasabi niya, kundi utos.
Brent Damien Cruz. :(" title="Angry" border="0" class="smiley" style="vertical-align: bottom; ">
B5.Brentology
Asa pa ako? Alam kong maaring kalahati ng buong papulasyon sa Juniors ay naniniwalang ang kanilang date ay si Brent Damien Cruz. At hindi ako maaring maging parte sa kalahating papulasyon na iyon.
Pumunta ako sa prom ng mag isa. Maaga ako para hindi magkagrand entrance.
"Lady Maxine Theodora Alvarado with her date... Ehe-ehem... I mean, Lady Maxine Theodora Alvarado."
Mabilis kong tinahak ang red carpet at agad ng pumwesto sa table na nakatalaga sa akin. Pink ang kulay ng gown kong kahapon ko pa binili.Happy birthday to me! Sariwa pa sa akin ang Chocolate Mousse ni mama na kinain ko kanina bago ako nimake-upan.
"Lady Cecilia Evangelista and Lord Jeffrey Leandro Ortiz."
Si Lia... Yung rumored girlfriend ni Brent!
"Lady Clara Angela Montesclaros and Lord Richard Martinez."
WHOA! Ang gwapo gwapo ni Chad! Naka tuxedo siya. Dark blue ang kulay ng tie niya! Sobrang gwapo! New haircut! Halos malaglag ang mata ko.
Sa harapan ang table nila. May isang table pa mula sa akin kaya madali ko siyang makita!
"Lady Ara Ysabel Cruz and Lord William Burffardessi..."
"Uy si Ara! Dinig ko, Chanel daw yung dress niya!"
Ang ganda ni Ara! Puti ang soot niya. Puting may sequins na pink. Buti na lang at si William ang pinili niyang date! Kasi wala sa Juniors ang makakapantay sa kagandahan niya. Masyado siyang maganda para makadate ni kahit kanino sa Junior boys, at siguro si William lang, na half-Italian, ang mejo makakapantay nun.
Si Ara... kung ganun, ang susunod ay si?
"Lady Chloe de Silva and Lord Robert Adrian Lim."
Wala pa si Brent? Sino kayang date ng mokong na yun?
Halos natapos ng matawag ang lahat ng estudyante pero walang Brent na pumasok. Okay lang siguro kung kung sinu-sino lang yung hindi pa dumarating, kaso sikat siya at halata sa lahat na hinahanap siya. May lumapit na nga kay Ara para magtanong kung nasaan na ang kapatid niya pero...
"He`ll be here soon."
Yun lang ang nasagot niya.
Puno na ng bulong-bulungan ang paligid. Kahit na may instrumental naman na background sounds pero mas nangingibabaw ang bulung-bulungan.
"Sorry I'm late."
Agad siyang inispot-light at...
"Finally, Lord Brent Damien Cruz." Hindi na nag microphone si Mrs. Torregoza na teacher namin sa speech pero dinig na dinig ng lahat. "Alone?"
"Yeeep! I`m alone!" Sabi niya habang tinatahak ang red carpet.
Mas lalong nagbulung-bulungan ang mga tao. Naka tuxedo din si Brent Cruz, kulay puti. Bagay na bagay sa kanya. Kumikinang siya at mas lalo siyang nakakasilaw dahil sa ngiti niya.
"Si Lia? Di Pwede kasi Senior din siya!"
"Pero diba rumored girlfriend niya rin si Rosalie na third year?"
"Asus! Kilala niyo naman yan! Sa dami yata ng babae niyan, di na nakapili kaya hayan! Walang date!"
"Diba equal number lang? Sinong walang date sa Juniors?"
"Si Maxine Alvarado."
"Ay oo! Narinig ko, sa lahat ng pinopormahan ni Brent na mga babae, wala daw ni isa sa kanila ang niyaya niya! Bakit kaya?"
"The Junior-Senior Night will now start!"
Dalawang oras ang program at pagkain. Pagkatapos nun ay ang sayawan naman. Si Clara Montesclaros at Chad ang unang sumayaw at sinundan ng ibang cotillion.
Sa tingin niyo may pag-asa akong maisayaw si Chad?
Nagsayawan na halos lahat. Nakita ko nga si Brent na sinayaw si Lia at yung si Rosalie at pati na rin yung Alison na umiyak sa CR nun. Hindi ko na mabilang ang mga sinayaw niya. Siya kasi yung madali kong nakikita sa dancefloor dahil sa soot at dating niya. Nasaan kaya si Chad? Sa tingin niyo isasayaw niya ako?
*Krriiiing!-Kriiiing!*
"Hello, ate?" Humikab pa si Carlo, ang kapatid ko yung tumawag sakin.
"Carlo?"
"Ano? Nasa labas na kami ng Plaza Maria Clara nina mama at papa."
Grabe, buong pamilya pa talaga ang susundo sa akin huh?
Sinabihan ko kasi sila na limang oras lang ako sa Prom. Wala rin naman akong dahilang magtagal dito. Pero sandali lang... limang oras? Sa halos tatlong oras ko dito wala ni isang yumaya saking makipagsayaw? Hay naku! Nakakaawa naman ako, jusko!
"O sige, sige! Aalis na ako! T-Teka lang!"
Nagmadali na akong itago ang cellphone ko at tumayo na para umalis. Sa huling pagkakataon, tiningnan ko ang dancefloor. Nakita ko si Chad, kasayaw si Chloe. Nice. Siguro hindi niya na nga ako maisasayaw. Hindi na, diba? Aalis na ako eh.
Napabuntong-hininga ako at umalis na.
Pero nasa garden pa lang ako may humila na sa braso ko at umambang isasayaw ako.
"Hi, Lady Maxine Theodora Alvarado. It`s your birthday, right? Happy birthday! Nice night! Lalo na pag ikaw ang kasayaw." Ngumisi siya, nakakapanindig balahibo.
Paano nalaman ng mokong na `to na birthday ko ngayon?
"Brent Damien Cruz!? The nerve! Sa tingin mo isasayaw kita?"
"Can`t help it?" Sabay tingin sa mga paa kong sumusunod na sa pagsasayaw niya.
Tinitigilan ko ang pagsasayaw ko at binigyan siya ng pinakagalit kong mukha.
"I never thought someone could be as beautiful as you when angry."
"Shut up! Engliserong playboy!"
Nakakainis, kung nagagandahan siya sa mukha kong galit eh ano na lang ang gagawin ko? At hindi naman ako naniniwala sa sinasabi niya! Ano ako bale? Syempre linya niya yan sa mga babae niya! Liar!
"Kung iniisip mong mapapabilang ako sa dami ng babae mo, nagkakamali ka oi! Nasa ibang channel ka po! Brent Cruz, di ako tulad ng mga babae sa skul na `to na madali mong nauuto!"
Nakakainis! Nakangiti siya habang ako dito naiinis!
"Nangungulelat man ako sa Chemistry, pero di ako mangungulelat sa Brentology! Excuse me! At least may naipagmamalaki ako, one step smarter ako sa lahat ng babaeng binobola mo-"
Bigla niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako ng diretso.
Pagkahalik niya, naubusan ako ng ideya sa mga sasabihin pa! Ang gusto ko lang ay itulak siya papalayo. Butterflies in my stomach, heart skipping a beat, that can't be safe.
"The only way to shut you up, eh?"
Sa likuran niya, nakita ko si Chad. Galit, pula ang pisngi, nagkasalubong ang mga kilay at mukhang nakita ang buong eksena.
"Chad!"
Nag walk-out siya.
Ngayon, nagdududa ako. Ang buong eksena ba ang nakita niya o ang kissing-part lang?
BRENT CRUZ!!! Kasalanan mo `to!
At dito ang hangganan ng pantasya ko kay Chad. Este, ito ang hangganan ng lahat. Pagkatapos ng Prom, hindi na ulit kami nagkita. Oo, hindi na ulit. Gumraduate na sila. Sa wakas! Wala ng Brent Cruz sa buhay, pero ibig sabihin nun, wala na rin si Richard Martinez. Nawala siya dahil pinili niyang umalis sa gabing iyon. Hindi niya dininig ang tawag ko. Naiwang nakangisi si Brent Cruz habang ako`y mangiyakngiyak na tinatawag si Chad.
Labels: Invisible Man
raindrops are falling like tears, jonaxxstories;