<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Step 51-60


[STEP #51] Bridgette Reah Francisco: Dito ka muna!



Nakatunganga siya sa harapan ko at pinaglalaruan ang mga bulaklak na binigay niya sa akin. Andito na kami sa bahay at kami lang dalawa. HEP! Hindi ko siya pinagnanasaan ha? Hinihintay ko lang na umalis siya kaya nakaupo parin ako dito sa living room at di pa nagbibihis. Ganoon din siya.

"Rico?"
"Hmmm?" Tumingin siya sa akin kaya binawi ko ang tingin ko.

"Di ka pa ba uuwi? Alas dose na ah?" Sabi ko.

Tumayo siya habang kinukuha yung coat at mukhang aalis na. AWW. Aalis na talaga siya? Hehe, pasensya na, hindi ko mapigilan ang bunganga ko. Palapit na siya ng palapit sa pintuan. Ang lokong `to, di man lang nagsalita!

"O, san ka pupunta?" Tanong ko.
"Akala ko ba pinapalayas mo na ako?" Tinitigan na naman niya ako.

Nagdududa na talaga ako na may multiple personality disorder siya. Weather-weather ang mood at asta niya. Minsan makulit, minsan sweet, minsan seryoso, minsan bad. grrr.

"Pinalayas ba kita? Ang sabi ko lang naman eh umuwi ka na dahil malalim na ang gabi! May pasok pa bukas!" Sabi ko pero di na naman ako makatingin sa mga mata niya.

Bumalik siya sa sofa at umupo. Ano na naman ba ang problema niya?

"Dito na muna ako ngayong gabi." Sabi niya.
"HAAAAAA~!?" Nanlaki ang mga mata ko.
"Nakikita ko kasi sa mga mata mo eh," he smiled.

Ano? Di nga ako makatingin sa mga mata niya eh. Kaya sinubukan kong tingnan ulit siya. Nakita kong nakapangalumbaba siya, nakangiti habang tinitingnan ako.

"Nakikita ko sa mga mata mo na ayaw mong iwan kita!"
"Ha~! *coughs*" Aray, I was choked with my own saliva! "Ang kapal mo din, noh?"

"Pasalamat ka nga at sasamahan kita ngayong gabi!"
"SALAMAT HAAA?" I rolled my eyes.
"You're welcome! Wala naman kasing pasok ang whole medical department bukas kaya yun. Tsaka, pinagkatiwala ka ng mama at papa mo sakin eh." Sabi niya.

Napakamot ako sa ulo.

"Kung ganun, dito ka lang sa sofa matulog! Sa kwarto na ako! Wala ka naman palang pasok eh, meron akong pasok at marami akong gagawin bukas!" Sabi ko habang tumatayo.

Hindi naman siya umimik. Nakasandal ang buong katawan niya sa sofa at mukhang pagod na pagod na siya. Pumasok na ako sa kwarto, naligo, nagbihis...

"1:15am." Binigkas ko ang oras sa digital clock katabi ng kama ko. "Argh, di ako makatulog!"

Kamusta naman kaya si Rico dun? Wala namang lamok sa bahay namin kaya siguro okay lang yun dun. Wala ba talagang lamok dito o sa mga kwarto lang ang walang lamok? Bumangon ako para...uminom ng tubig... hehe... Dinalhan ko na rin siya ng kumot para kung sakali...

Ganoon parin ang posisyon niya nung iniwan ko siya kanina. Nakasandal ang buong katawan sa sofa at mukhang... tulog na siya.

"Haaay naku. Parang bata." Bulong ko habang lalagyan na sana siya ng kumot.

Bigla niyang kinuha ang kamay ko at napasinghap ako nung mas lalo akong lumapit sa mukha niya.

"Hoy Rico! Gising ka no?" Sabi ko.

Naku, ang lapit lapit ko sa mukha niya at kung hindi ito iimik ngayon baka hahalikan ko nalang siya ng palihim. LOL.

"Panu mo nalaman?" He smiled but his eyes were still closed.
"Walang hiya~!"

Napaupo ako sa tabi niya dahil hindi na ako makawala sa pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Gette, dito ka lang!" Sabi niya at isinandal niya ang kanyang ulo sa leeg ko.
"Uhhh, ibibigay ko lang naman sana `tong kumot eh."

Nakapikit parin ang mga mata niya at sa tingin ko, he is half awake and half asleep. Naiisip ko tuloy na kawawa naman siya.

"Hayaan mo, sasagutin mo rin ako!" Bulong niya.
"HA~!"

Ricoooooooooooo! Naaawa pa naman ako sayo! Napaka arrogante naman niya. GRRR.

"Gette, kung hindi mo ako gusto, gagawin ko ang lahat! Sa ayaw't sa gusto mo, magugustuhan mo ako!"

ABA~! So, talagang naniniwala siya na wala akong gusto sa kanya? Dapat ba akong maniwala sa mga sinasabi niya? Na gusto niya ako, na mahal niya ako? Nakakatakot kasi eh. Paano na si Sandy? I mean, possible bang magkagusto siya sa akin kahit na alam na alam naman nating lahat na si Sandy ang gusto niya? Nakakaduda naman kasi. At tsaka nakakatakot kung maniniwala ako sa kanya. Paano na lang kung si Sandy parin pala ang gusto niya? Paano na lang kung kapag kami na bgla niya na lang aminin sa akin na si Sandy parin ang sigaw ng kanyang puso? At isa pa, kung magtatanong naman ako sa kanya kung bakit niya ako gusto o bakit ayaw niya na kay Sandy, baka isipin nito na may gusto ako sa kanya.

Mabuti na yang iniisip niya na wala akong gusto sa kanya para naman mahirapan siya! At di lang yun, papahirapan ko talaga siya! Humanda siya! Mahal niya pala ako huh? Makikita niya! Sinaktan niya ako ng lubos kaya pahihirapan ko din siya ng lubos!

"Gette, gising na. 9 am ang pasok mo ngayon hindi ba?" Nakita ko ang mukha ni Rico.

Yinakap ko siya.

"Gette, ano ba?"
"Dito ka muna!"

Kaya tinabihan niya ako, habang natutulog sa sofa.

ANOOOOO~!? Binigyan ko ng second look ang mukha ni Rico at nakita kong nakangiti siya habang nakatingin sa akin.

OMG~! I thought it was a dream!

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH~!"



[STEP #52] Bridgette Reah Francisco: NAKAKATABA NG PUSO!



Nakatunganga ako sa harap ng mesa habang pinapanood siyang naghahanda ng breakfast ko. Nakangiti siya habang ginagawa ang kanyang trabaho. Hindi ko pa na bo-blow dry ang buhok ko dahil na s-stress na ako sa mga pangyayari.

"Kain ka na!" Sabi niya habang ipinapakita sakin ang I'm-a-nerd-before-smile niya.

Nararamdaman ko ring sa likod ng I'm-a-nerd-before-smile niya ay ang you-are-dreaming-about-me-thoughts ang loko. Tinitigan ko lang ang pagkain.

"Sigurado ka bang wala yang lason?" Biro ko.
"Wala naman." Ngumiti ulit siya.
"Eh... Gayuma?" Sabi ko habang sinusubo ang pagkaing inihanda niya.
Mas lalo pa siyang ngumiti at mas fierce na ang mga mata niya ngayon, "Di na kailangan!"

Muntik na akong mabulunan. Binigyan niya naman ako agad ng tubig. AWW, maalaga talaga siya noh? Perfect doctor! Kaso, kailangan niya ng mag-aalaga sa kanya eh. Lahat na lang ata gusto niyang alagaan, pero wala namang nag-aalaga sa kanya! Hayaan mo... HEEEEEEP! Hindi! Hindi ko siya sasagutin! Itataga natin sa diamond diba? But just in case na mag change ang mind ng mga ka-deal ko, hehehe, wa'g kayong mag-alala, pahihirapan ko naman siya eh.

"Masarap ba?"
"Uh, nalasahan ko ang gayuma eh!" Biro ko ulit.
"Huh? Baka gusto mo lang aminin sa akin na may gusto ka na?"

Ack!

"Naaah! Hindi naman ako tatablan ng gayuma, may agimat ako laban diyan! I'm a playgirl, remember?" Ngumiti ako at nakita kong hindi siya masaya sa sinabi ko.

HEHEHE. Myyy, I'm such a devil! Kaya tahimik lang siya habang nakatingin sa akin na kumakain. Ano ka ngayon Rico? HAHAHAHA~! Hindi ako maaawa sayo! Este, hindi ako magpapahalatang naaawa ako sayo!

Pumasok na ako sa kotse niya, uhhhh, mukhang sineryoso niya talaga yung sinabi ko kanina ah? Anyway, parusa niya na yun! BUTI NGA SA KANYA! Nang maranasan niya namang sinasaktan siya no! LOL. Nasaktan na nga pala siya! Pero... aaaah basta. Ihahatid niya ako ngayon sa school! Yipeeeee.

"Uhhh, Rico, uuwi ka na pagkatapos mo akong ihatid sa school?" Tanong ko habang tinatanaw siyang nagda-drive at nakatingin sa kalsada.
"Siguro."
"Aaaah."

Sumulyap siya sa akin nung tumingin ako sa labas ng bintana kaya sumulyap din ako sa kanya nagbabakasakaling maabutan ko ang mga mata niya.

"Bakit? Gusto mo hintayin kita?"

Buti na lang may seatbelt ako, kundi baka tumilapon na ako sa tanong niya.

"Duh! Hindi ako bata! Hindi ko kailangan ng sundo!" Sabi ko.

Ano bang gusto niyang isagot ko? Na gusto kong hintayin niya ako? Like who the hell would answer those words. Ilang sandali ang nakalipas, nakarating na kami sa school. Maraming tao ang dumadaan at tumatambay malapit sa parking lot na napili niya kaya nagdadalawang isip akong lumabas dahil alam ko na ang iba sa kanila ay dumalo kahapon.

Nakikiramdam pa ako sa paligid at kumukuha ng magandang tyempo sa paglabas sa sasakyan ni Rico. Siguro, dito siya nagpapark madalas. Habang nagmumuni-muni ako dito tungkol sa mga strategy sa paglabas ko sa kotse niya eh natulala na lang ako nung nakita ko na siyang umikot at binuksan ang pintuan at nag-aabang sa paglabas ko sa kotse. Parang gusto kong mag alburoto at sumabog dahil sa mga ginagawa niya.

"S-Salamat, p-pero sana di mo na lang ginawa!" Sabi ko.

Ano ba yan, feeling ko tuloy tinatanggihan ko ang isang bilyon! BAHALA SIYA! Nakita ko na ang mga mapanlait na mga mata at mga bunganga na ready na sa tsismisan tungkol sa akin! And I'm pretty sure that it's about me. Ako lang naman ang villain dito eh! Si Rico, mabait, gwapo, matalino and etc. Ako, MALANDI... and blahblahblah.

"Rico, salamat at pasensya ka na! Baka madamay ka lang sa mga usap-usapan tungkol sa akin eh! MY IMAGE IS NOT LIKE YOURS." Sabi ko habang naglalakad patungo sa building namin.

Kahit na alam kong pinag-uusapan na ako ng lahat ng tao dito ngayon, okay lang basta sana wala silang masabi kay Rico. Okay lang kung sabihin nilang nilalandi ko si Rico basta wa'g lang nilang pagsalitaan ng masama si Rico. Of course, they won't kasi wala naman yun sa imahe niya eh. Well anyway, mas bato pa ako sa bato kaya...

"At ang kapal din pala ng mukha mo no?" Sumalubong sa akin ang namumulang pisngi ni Sandy at mukhang galit na galit siya.

OH NO! Tatlong minuto na lang, klase ko na! This is not good.

"Ginawa ka lang date sa party, inanyayahan mo na sa bahay niyo!"

ABAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! Mukhang alam ko kung saan patungo ang usapang ito ah?

"HA~! Oh, so you are jealous?" Nakikita kong nagpapakita na ang mga luha sa gilid ng mga mata niya.
"No I'm not! Sinasabi ko lang na bukod dun, may dalawang lalaki pang nag-aaway dahil sa iyo! Napaka war freak mo! Lahat na lang ginugulo mo!" Nakita ko si Aaron na papunta din sa building namin at may bandage sa mukha.

Don't tell me! It's Hiro and Aaron? Pero, di naman yun dahil sa akin ah!?

"Sure ka? O baka naman gumagawa ka ng istorya."
"Walang duda! Ikaw ang dahilan dahil silang dalawa ay may gusto sayo at nalilink sayo! Don't pretend b1tch!"
"You know what, youre just jealous! Kung gusto mo palang i-date si Rico at i-uwi siya sa inyo, ba't di mo tinanggap yung offer ko? At sana naman Sandy, i confirm mo muna kung bakit nag-away yung dalawa! Kasi, yung mga sinasabi mo sa akin ay NAKAKATABA NG PUSO!"

And now she's crying. OMG, what a cry baby! No, really I need to hurry. Ma late na naman ako, then I`ll steal the spot light and then yada-yadaaaaa. Ganun ganun na lang lagi ang nangyayari sa akin atr sinisisi pa ako ng mga taong `to kahit sila naman ang may kasalanan kung bakit ganito ang galit nila sa akin. GEEEZ. Aalis na sana ako pero may pahabol pa siya.

"Gette, akala mo siguro ako lang no!? Marami pa sila na sawang-sawa na sa paglalandi mo sa lahat ng lalaki dito sa school! Pero alam mo kung ano ang kaibahan ko sa kanila? Ako: mahal ni Rico, sila: mahal si Rico."

Suminghap lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Salamat haaaa? Sa paalala. Kung ganun, dapat pala maging maingat, baka may mga bitag na sa dinadaanan ko.



[STEP #53] Bridgette Reah Francisco: Ewan ko.



"ANOOOO?! Hindi nga?" Sabi ni Sam habang nakaupo sa harapan ko dito sa loob ng cafeteria.

ISinabi ko sa kanila ang lahat ng nangyari sa party.

"Kaya naman pala andami kong naririnig na pangalan mo kanina pa." Sabi ni Anya.
"Tapos? Ano, Gette? Anong gagawin mo?" Nakapangalumbaba si Sam habang pinoproblema ang mga nangyayari sa buhay ko.
"Naku ewan ko. Bahala siya!" Sagot ko.
"Anong bahala siya? Kailangan mong mag decide no! Di naman pwedeng habambuhay ka na lang niyang liniligawan!"
"Ay ewan ko talaga! Eh hindi ko pa naman confirmed na may gusto nga talaga yung nerd na yun sa akin!"
"So, kung ma confirm mo na?"

Tinitigan ko siya.

"EEEWAN ko." Sabi ko.

Napabuntong hininga si Anya at Sam.

"OMG, I don't like this." Sabi ni Anya. "I mean, panu na lang kung si Sandy pala talaga ang gusto niya? Come on, alam nating tatlo kung ano yung mga nagawa niya for Sandy noon."
"Yun nga rin ang inaalala ko eh." Sabi ko.
"HA~! So, mananalo na talaga ako sa pustuhan kung nagpustahan tayo!" Sabi ni Sam.

Umiling ako. Habang nakikita ang isang grupo ng babaeng (na mukhang nakita ko na at nasaktan na ako nito noon) papalapit sa amin.

"OMG, Andyan na naman. Namaga yung braso ko noong last encounter ko sa kanila ano naman ngayon?"

"Bridgette... Reah... Francisco..." Simula nung isa. "Lahat na lang talaga ginagawa mong guinea pig!"
"Hmmm?"
"Sinasali mo lahat ng lalaki sa experiment mo! Kung gusto mong maghanap ng sayo, lumipat ka sa all-boy's school!" Sabi niya.

Alam nyo ba na sawangsawa na talaga akong makinig at makipagtalakan sa mga ganitong klaseng tao!? Kaya kinuha ko na ang bag ko at nagmadaling umalis. At hinawakan na naman niya ang braso ko. Kaya unti-unti kong tinanggal ang mga daliri niyang mahigpit na nakakapit sa mga braso ko.

"Miss. Kung sino ka man, pasensya na, I don't talk to strangers." Sabi ko habang kumawala sa kanila.

Nakita ko si Anya at Sam na mukhang konting kalabit na lang eh matatawa na.

"Tigilan niyo na nga yan! Hindi naman kasalanan ni Gette kung magkagusto nga si Rico sa kanya!" Sabi ni Aaron.

WAW. Sa isang iglap, naging prince charming siya. He is still cute kahit may bandage sa mukha niya. Bago ko pa marinig ang ibang pwedeng sabihin nung mga babae, umalis na ako kasama sina Anya at Sam.

"Balita ko gumanti daw si Hiro sa kanya!" Sabi ni Anya.
"Oo. Pagkatapos daw ata nung party. Nagkaalitan sila nung high school diba? Kaya naman pala may bandage ang mukha niya!"

Umupo kami sa bench malapit sa soccer field.

"Tsss. Kawawa naman si Aaron! Si Hiro pa ang kinalaban." Sabi ni Anya habang nakatingin sa wrist watch niya.

Ilang sandali ang nakalipas, umalis na si Anya at Sam dahil may pasok sila. Dumating naman si Aaron at sinamahan ako.

"Si Hiro ang may gawa niyan?" Tanong ko without looking at his face.
"Yeah.... Uh, Gette, liniligawan ka ba ni Rico?"
"Huh? E-Ewan ko. Bakit?"
"Alam mo naman diba? Si Sandy yung gusto niya."

Umihip ang malakas na hangin.

"Ewan ko."
"Alam kong liniligawan ka niya. At alam ko ring gusto mo siya... pero... hindi ba si Sandy talaga ang gusto niya?"
"Ba't di si Sandy ang linigawan niya?"
"Hindi ko alam."
"Kung gusto niya si Sandy, edi ligawan niya! Wala naman akong pakealam sa kanila!" Sabi ko.
"Nagkikita parin sila hanggang ngayon!"

Tahimik lang ako habang nakikinig sa kay Aaron.

"Nakita ko sila kanina pagkatapos ng klase natin, magkasama. Walang pasok sina Rico ngayon diba? Pero pinuntahan niya si Sandy."

HAHAHAHAHA~! Wala ngang pasok si Rico ngayon, at hinatid niya ako dito kaya siya nandito kanina. Pero ba't di pa siya umuwi? May usapan ba sila ni Sandy?

"Ahhh. Ganun ba? Ewan ko."

OMG, Ewan ko kung ilang beses ko ng nasabi ang 'ewan ko' ngayon. Kasi naman eh, wala akong masabi. HUHU~! Sumisikip ang dibdib ko habang naiisip kong magkasama si Rico at Sandy. Kasi alam ko naman na kung totoo ang sinasabi ni Aaron, wala na talaga akong laban. I`m hopeless. Kaya, pinilit kong pumunta sa parking space kung saan pinark ni Rico ang sasakyan niya kanina. And guess what - andun parin!

HINDI PA SIYA NAKAALIS. AT SINO NAMAN ANG KASAMA NIYA NGAYON? Could it be?



[STEP #54] Bridgette Reah Francisco: Sigurado ka?






*TING----TING----TINGTONG*

Umalis na ang prof ko sa pinaka huling klase ko ngayong araw na `to. Ewan ko pero simula nung nakita kong andun parin yung sasakyan ni Rico at narinig ko ang mga sinabi ni Aaron, parang nanlamig na ang araw ko.

"Gette! Uuwi ka na?" Tanong ni Hiro.
"Uh, hindi pa. Hihintayin ko pa sina Sam at Anya." Sabi ko ng walang kabuhay-buhay.

Habang liniligpit ko ang mga gamit ko, nakita kong nakatingin lang sa malayo si Aaron. Siguro, natatakot parin yun kay Hiro.

"Gette, pupunta ka mamaya sa 1720?" Tanong niya.
"Uhhhm, Siguro. Oo."

Bigla ko kasing nararamdaman na parang di na ako masyadong nakakapunta dun! Tsaka wala namang masama kung pupunta nga ako dun eh, kasi wala namang pasok bukas.


"Kung ganun,sana magkita tayo mamaya. Miss na kasi kita!" Sabi ni Hiro.

Napatingin ako sa mga mata niya at hinaplos niya ang buhok ko.

"Nga pala, saan ka ngayon, wala kang pasok diba?" Kinindatan niya ako.

HAAAY, Hiro creeps me out. Pero anyway, mukhang may gusto parin siya sakin pero pinipigilan lang niya. Pinukpok ko ang ulo ko. Gette, wag ka ngang ganyan! Nagpunta kami ni Hiro sa mga bench katabi ng soccer field, at natatanaw ko sa kinauupuan namin ang sasakyan ni Rico. Hindi parin siya nakakaalis. My God! Saan ba sila nagpunta ni Sandy? SHUCKS. I'm worried.

"Ba't mo naman naisipang sumama sa akin?" Tanong ko kay Hiro.
"Wala lang, gusto ko lang malaman kung kamusta ka na ba talaga." Sabi niya.
"Okay lang naman ako. Eto, single... hehe." Biro ko. (Pero totoo naman!)

Tumawa at tumango siya.

"May pinopormahan ka ba ngayon?" Tanong ko.
"Wala pa. hehe."
"Bakit naman?" Ow Gette, what a lame question.
"Wala pa akong makita eh." He smiled.

Tiningnan ko ulit ang sasakyan ni Rico at andun pa rin. Ano ba talaga? Uuwi na lang kaya ako para makapagbihis na ako at pumunta sa 1720 at mag lasing? JOKE. Kasi naman eh, yung mga sinabi sakin ni Aaron pa balik-balik sa tenga ko at ang sakit sa ulo.

"May hinahanap ka?" At mukhang namalayan ni Hiro ang pagiging balisa ko.
"Ah. Huh? Wala!" I faked a smile.
"Really?" Tapos nag evil-smile siya.
"Yeah!" Sabi ko ng nag-aalinlangan.

Tumayo siya at... "Alis na ako, Gette. Andito na ata ang chaperon mo!" sabi niya sabay tingin sa likuran ko.

Sumulyap na rin ako sa likuran para makita ang tinutukoy niyang chaperon ko, SI RICO! Ack~!

"Ba't ka andito?" Sabi ko habang papaalis si Hiro.

Nakatingin lang siya kay Hiro at naghihintay na umalis na ng tuluyan bago siya sumagot... "Hinihintay ka!"

GRRR. Hinihintay o baka naman may usapan kayo ni Sandy?

"Really?" Sabi ko na may halong pagdududa.

Noong nakapasok na kami sa sasakyan niya, tiningnan ko ang paligid at nag-imbestiga kung meron bang mga bakas na iniwan si Sandy.

"May hinahanap ka?" Tanong niya.
"Uh, wala!"

Tinext ko na sina Anya at Sam na magkikita na lang kami mamaya sa 1720 dahil sa mokong na `to. Ilang sandali ang nakalipas, pinaandar niya na ang sasakyan. Hinintay ko pa ang traffic para lang makapagtanong at ma interrogate siya! Syempre, wala naman kasi akong ebidensya sa mga pagdududa ko.

"4:30 na ah, hindi ka ba umalis ng school?" Tanong ko.
"Hindi."
"Bakit?"
"May tiningnan lang ako. Tsaka, balak ko na talagang ihatid ka pauwi."
"Sino ang kasama mo?"

Tiningnan niya ako at mukhang siya naman ang may pagdududa sa mga tanong ko.

"Mga kaibigan ko."
"AHH."

O GOD. What an excuse, nagdududa na ako. Totoo ba talaga yan? GRRRR. Pagnagkataon talaga, naku! Ano pang itatanong ko para mahuli siya.

"Ano ang inasikaso mo?"
"About school at marami pa."

Geeez, ba't di niya sinasabi sa akin na magkasama sila ni Sandy? Sana naman maging honest siya kahit alam niyang mukhang magdududa ako. Mas nakakaduda kasi kung di niya sasabihin, parang may tinatago!

"Sigurado ka?"

Tinitigan niya na naman ako. Kaya napatingin ako sa traffic lights, "Rico, green na ang light!" Sabi ko habang natataranta.

Pinaandar niya naman ng walang imik at di man lang nagsalita o sinagot ang pinakahuling tanong ko. NO WAY! Talagang nagdududa ako. Mukhang meron talaga siyang tinatago! Baka may gusto parin siya kay Sandy! Tanungin ko na lang kaya kung nagkita ba sila ni Sandy? Pero baka magduda siya at isipin niyang nagseselos ako! Paano ko gagawin `to? GRRRR~! Hihindi na lang muna ako ng payo kina Anya at Sam. Hindi muna ako maniniwala sa mga sinasabi niya, kasi mahirap na.







[STEP #55] Bridgette Reah Francisco: Uuwi na... ako... sh1...t.


"Nakakaduda naman kasi!" Sabi ko habang inaayos ang pagkakaupo ko.

Andito ako sa 1720 at walang alam si Rico na pupunta ako dito. Ba't ko naman sasabihin sa kanya? Si ko naman siya boyfriend!

"Naku, sinasabi ko na nga ba! Mahal pa nun si Sandy!" Sabi ni Sam habang sinisiko siya ni Anya.

Tiningnan ko silang dalawa na parang palihim na nagtatalo.

"Kung ganun nga, ano namang bago?" Sabi ko.
"A-Ah. Hindi naman siguro, Gette! Obserbahan mo muna! Wa'g kang mag-isip ng ganyan!" Sabi ni Anya.

Nakita ko si Hiro na paparating kaya tinigilan namin ang pag-uusap tungkol kay Rico. Umupo siya sa tabi ko. Nag-usap silang tatlo at mukhang normal lang naman ang gabing ito. Kaya lang, wala na ako sa pag-iisip ko, hindi ko kasi alam kung ano ang solusyon ng pagdududa ko. Kung ano ang motibo ni Rico at kung may masama ba talaga siyang binabalak! Pero sa pagkakakilala ko sa kanya, hindi naman siya nanggagamit. Napabuntong hininga ako.

"Si Sandy na." sabi ni Anya.

Nakita ko si Sandy na umakyat sa stage at mukhang magsisimula na siyang kumanta. Muntik ko ng makalimutan, part-time job pala ni Sandy ang pagkanta dito.

"This song is dedicated to the person I'm loving now..." Sabi ni Sandy sa stage.

Pakiramdam ko huminto ang pintig ng puso ko nung nakita ko si Rico sa kabilang table na nakaupong mag-isa at nakatingin lang kay Sandy.

"Si-Si-Si Rico!" Sabi ko.

Gustong-gusto kong magtago at tumakbo kung saan hindi ako makikita ni Rico. Baka kasi mamaya, magrereconcile silang dalawa sa harapan ko at makita niya akong nasasaktan! Ayokong mangyari yun, that's a big slap on my face.

"G-Gette?" Kanina pa pala ako tinatawag ni Hiro.
"H-Huh?"
"Naku, yan na nga ba ang sinasabi ko!" Sabi ni Sam.

Nagsimula ng kumanta si Sandy and I'm still cluless. Si Rico naman, hindi parin ako nakikita.

"Sam, Anya, Ano? Magpapakita ba ako sa kanya o...." Tanong ko.

At nabigla ata silang tatlo. Syempre, parang first time ko atang magtanong sa iba kung anong gagawin ko. Pati si Hiro mukhang hindi makapaniwala na ngumiti na lang siya.

"Ano?" Tanong ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin.

Kung hindi ako magpapakita sa kanya, baka mangyari ang mga di ko gusto. Kung magpapakita naman ako sa kanya, baka may marinig akong di ko gusto! Either way, masasaktan ba ako? TELL ME!

"Gette, sit still." Sabi ni Hiro. "Manonood lang tayo!"

So, I'm going to watch it!?

Pagkatapos ni Sandyng kumanta, mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko. Now I'm nervous. Papunta siya kay Rico. Tinitingnan ko naman ang reaction ni Rico pero hindi ko alam kung ano. ARGH, AM I GOING TO WATCH IT! Bumuntong hininga ako. At parang hindi ako huminga nung nakita kong yinakap ni Rico si Sandy. Dahil medyo dumami na ang tao, hindi naman siguro ako papansinin. At mukhang nabigla din sina Sam, Anya at Hiro sa nangyari kaya hindi din sila makapagreact. Nagwalk-out ako. Syempre, sa likod ako ni Rico dumaan para naman di ko sial maistorbo. Mahirap na, baka malaman niya na mahal ko pala siya at maawa pa siya sakin dahil nasaktan niya ako.

"Gette!!!!!!!!!!!!" Narinig kong sumigaw si Hiro at nangibabaw pa ang boses niya sa boses ng mga tao at music sa loob ng bar.

"Ouch!" Sabi ko habang nabunggo ko ang waiter na may dalang inumin.

Nabasag lahat ng dinadala niya at nakuha ko ang atensyon ng mga tao sa bar. Mukhang pati rin ang atensyon ni Rico, pero di ko na lang kinumpirma.

"Okay ka lang ba, miss?" Tanong nung waiter.

Nakita ko ang mga kamay kong dumudugo dahil nahawakan ko ang mga basag na baso sa sahig. OMG, PERSTAYM KOOOOONG MAKAKITA NG GANITONG PAGDUDUGO. And worst, dugo ko pa ang nakikita ko.

"Gette, are you okay?" Sabi ni Hiro habang nakikita ko sina Anya at Sam na papunta sa akin.

"Okay lang ako... hehehe. Uuwi na... ako... sh1...t."

Nahihilo ako.



[STEP #56] Bridgette Reah Francisco: Maliit na sugat lang yan!




Masyadong maliwanag at mukhang wala na ako sa bar. Saan `to? Nakita ko si Rico nakaupo sa tabi ko habang pinagmamasdan ang paggamot ng sugat ko.

"Gette, okay ka lang?" Tanong ni Hiro na nasa harap ko.

Nakaupo ako sa isang higaan. Natatanaw ko si Sandy, si Anya at Sam malapit kay Hiro.

"O-Ok lang-."
"Miss, ayusin mo naman yan!" Nabigla ako sa pagsigaw ni Rico sa nurse na mukhang kaga-graduate lang.
"O-Opo."

Ang bata-bata pa ng mukha ng nurse at mukhang natakot kay Rico.

"A-Aray." Masakit yun ah! Kinuha pala yung glass sa palad ko.

At mukhang nagsisink-in na naman sa utak ko na may dugo sa harapan ko. NAHIHILO NA NAMAN AKO.

"M-Miss, Uh, Humiga ka muna..." Sabi nung nurse.

Grabe, pinagpapawisan na ako ng malamig. Hindi pa nga kasi ako nasugatan eh, ang pangit pala ng feeling. ARGH.

"Ako na nga lang!" Sabi ni Rico habang kinuha ang kamay ko at siya na mismo ang gumamot.

Nanood naman ang nurse.

"Hoy, hoy, Rico. Alam mo ba ang ginagawa mo?" Sigaw ni Hiro habang pinapanood si Rico na ginagamot ng mabuti ang mga sugat ko.

Syempre, alam niya ang ginagawa niya! LOL. Hilong-hilo parin ako.

"N-Nasaan tayo?" Tanong ko.
"Sa ospital, Gette!" Sabi ni Sam habang kaharap ang cellphone niya.

Tiningnan kong mabuti si Sandy at mukhang kagagaling niya lang sa iyakan. AAAAAAAAH~! Naaalala ko na! Diba nagyakapan sila?

"Tapos na." Sabi ni Rico.

Tiningnan kong mabuti ang mga kamay kong may bandage.

"Masakit. Nakakatakot." Sabi ko.

Ang mga kamay ko mukhang namumutla. Poor hands. :'(
Kinuha ni Rico ang kamay ko habang pinagmamasdan ko ang nurse na papaalis. Binawi ko ang kamay ko pagkaalis ng nurse dahil nakita ko naman si Sandy na mukhang iiyak na.

"O-Okay lang ako! Sam, Anya, Hiro, balik na tayo!" Sabi ko habang pinilit na tumayo at kinukuha ang bag.

Pinipilit ko na ring ngumiti at di ko pinansin si Rico. Nabigla ako nung nakita kong seryoso ang mga mata niya habang pinipigilan ako sa pagtayo, hinawakan niya ang mga braso ko.

"R-Rico, ano bah? Lalaki ang gastos k-kung-"
"Hiro, Anya, Sam, Sandy, pwede bumalik na kayo ako na ang bahala kay Gette!" Sabi niya.

"HA?"
"Tama na Hiro, bumalik na lang tayo!" Sabi ni Sam.
"Ako na nga ang maghahatid kay Gette!" Sabi ni Hiro.

Nakita ko si Sandyng umalis, "Rico... salamat." Yun ang mga huling salitang sinabi niya.

"Hiro. tara na!" Pilit ni Sam at Anya.
"O-Oi! Ako, wa'g nyo naman akong iwan!" Sigaw ko sa kanila habang papalabas sa private room ng ospital na hindi ko parin alam kung saan.

"Gette, tama na. Magpahinga ka na lang muna."
"Duh! Maliit na sugat lang yan!" Sabi ko.
"Pero nahihilo ka diba?" Sabi niya habang nakangiti.
"Anong-..."
"Takot ka pala sa dugo!" Sabi niya.

MAGPAPAHINGA AKO? LALO AKONG MAPAPAGOD DITO! Kami lang dalawa at hindi ko na naman maintindihan kung masaya ako o naiinis.



[STEP #57] Bridgette Reah Francisco: Sinisigurado ko lang naman




"Ba't ka ba nagmamadaling umalis kanina? Tsaka, di mo sinabi sa akin na pupunta ka dun!?"
"HA~! At may gana ka pang magtanong ng ganyan?"

Sinabi ko ba talaga yun? Ang tono ko parang asawang nagseselos. NOOOOO~! Nakatingin lang siya sa akin at para bang binabasa ang iniisip ko kaya hindi ako tumingin sa kanya.

"May tinatago ka na naman ata, ba't di ka makatingin sa akin?"
"W-Wala ah."

Teka nga, ba't ako nakikipag-usap sa kanya? Si Sandy ang gusto niya diba? ANO BAAAAAAAAAAAAAH? Mag tatanong na nga lang ako sa kanya. HINDI PWEDE! Hindi ko pa nga siya sinasagot at hindi niya pa alam na mahal ko siya...

"Eh Ikaw, anong ginagawa mo dun?"

AT BAKIT KAYO MAGKAYAKAP NI SANDY? HA~~~? HA~~~!? HAAAAAAAAAAA~!?

"Ah yun ba? Nakita mo pala ako dun?" Nakatingin lang siya sa mga mata ko at mukhang binabasa na naman ang aking isipan.

ANOOOOOOOOOOO BAH? GINAGALIT MO ATA AKO EH! Ba't di mo sagutin ng maayos. Naku, naku, naku, asan na ba yung bag ko? Sa pagkakaalam ko may dala akong palakol eh. Asan na ba yun?

"Hehe. Ang totoo... yinaya ako ni Sandy..."

NABASAG ANG PUSO KO. :'(

"Sabi niya kasi na lahat daw ng kakantahin niya ngayong gabi ay para sa akin. Hindi nga sana ako sasama pero sinabi niya na hindi na raw siya manggugulo sayo o sa ating dalawa... kung sakali... kaya pumunta na ako."

AAAAAAAAAAAH~! Ganun pala yun? Napaisip ako at nagflashback ang mga nangyari sa akin. EH ANO NAMAN YUNG YAKAP-YAKAP EFFECT? Gosh, I'm not convinced.

"Bago kasi nag Heart's Festival eh pabalik-balik siya sa mga klase ko at gusto niya daw akong makausap. Lagi ko naman siyang pinagbibigyan."

EH BA'T MO NAMAN SIYA PINAGBIBIGYAN? Asan na yung bag ko sabi eh, may palakol dun! GRRR... AT WALA PA SIYANG EXPLANATION SA YAKAP-EFFECT!

"May problema ka ba?" Tanong niya habang pinagmamasdan akong nag-iisip.
"Wala naman! Umalis ka na lang kaya?" Sabi ko. OOPS!

"Huh? Ba't naman?"
"Eh naiinis ako sa pagmumukha mo eh!" I rolled my eyes.

Wala na akong magagawa, nasabi ko na yung mga salitang yun.

"Pangit ba ako?" Tanong niya.

Napaka vain naman ng tanong mo. Sipain kita diyan eh.

"Oo. Ampangit mo!" Sabi ko.

Nakita kong sumimangot ang mukha niya. Ba't gumugwapo siya pag sumisimangot? WAAAAAH. Ehem.

"Ba't ka ba galit sakin?" Tanong niya.
"eh ikaw! Ba't di ka nagagalit sa akin?"
"Ba't naman ako magagalit sayo?"

GRRR. Sinabunutan ko siya kahit masakit sa kamay ko. Kasi naman, ba't humantong sa ganito ang usapan namin? Yung gusto ko lang naman malaman eh kung bakit sila nagyakapan ni Sandy at kung MAHAL NIYA PA BA SI SANDY?

"Aray." Nakita ko ang kamay kong may bandage at namumula. "OMG, dugo."
Ngumiti siya. "Malayo yan sa bituka!" Biro niya.

NAKAKAINIS.

"Alam mo ikaw, masyado kang maarte!" Sabi niya.
"Diba kasi nga sinabi ko sayo umalis ka na lang!? Di naman kita kailangan dito eh."
"Ayoko."
"Nakakainis ka, masyado kang REKLAMADOR tapos ayaw mo palang umalis dito. Tumahimik ka na lang kaya!"

Ngumiti na naman siya.

"Hoy Rico, umalis ka na nga kasi sabi. Naiirita na talaga ako sa pagmumukha mo!"
"Ang sakit naman."

GRRRR. BULLLLSHYET. Nakakainis na talaga siya.

"Mabuti nga yang masaktan ka riyan para makaalis ka na at bumalik ka na dun sa NERD mong Sandy!" Sabi ko.

OOOOPPS!

"Nagseselos ka ba kay Sandy?"

OH NO.

"Ba't naman ako magseselos?" Di parin ako makatingin sa mga mata niya.
"Yinakap lang naman ako ni Sandy kanina dahil nagpapasalamat siya sa pagpunta ko! Eto naman oh!" Sabi niya habang kinurot ang pisngi ko.
"Ba't ka nagpapaliwanag? Di ko naman sinabing magpaliwanag ka ah? Tsaka, di naman ako nagseselos!"
"YEAH, YEAH. Alam ko po. Mabuti na yung magkaliwanagan tayo!"
"Ganyan ka naman lagi eh! Kapag may liniligawan ka, ginagawa mo ang lahat at pinipilit mo talaga ang sarili mo kaya di na ako nagtataka." Sabi ko.

OOPPPPS~~~!

"Ganito ka rin kay Sandy diba?"

Hindi na talaga mapipigilan ang pagtatalak ko.

"Hmmmm, I don't know. Wala pa naman akong sinigawan noon eh. Tsaka, it's different."
"Different ka dyan!"

Ngumiti siya... "Selos ka?"
"Hindi sabi! Sh1t!"
"Baka nakalimutan mong liniligawan kita at NERD ako, di rin ako popular sa mga babae."

HINDI POPULAR KA RIYAN. Muntikan na nga akong mamatay dahil hinarangan ako ng fans club mo. BULAG KA BA?

"Kaya nga eh. Sinisigurado ko lang naman na may gusto ka nga sa akin. Syempre ayoko atang liniligawan ako pero di naman pala ako gusto!"

Ngumiti siya.

"Pero hindi ibig sabihin na may gusto ako sayo ha!" I rolled my eyes.

Pero hindi parin natanggal ang ngiti sa mukha niya.



[STEP #58] Bridgette Reah Francisco: Anong...



"So, ganun pala? Eh yun naman pala, Gette eh!" Sabi ni Sam.
"Edi sagutin mo na siya!" Dagdag ni Anya.

"Sagutin? Ayoko nga. Naiinis kasi ako sa thought na..."

"THOUGHT NA????"

Nakita ko si Sandy na naglalakad mag-isa at napabuntong hininga ako.

"Don't tell me naiinsecure ka sa kanya?" Sabi ni Sam.
"Di ah!" Agad ko namang sinagot.
"OOOOOWS? Naiinis ka dahil si Sandy yung mahal niya NOON?"
"Hindi... basta, ewan ko!"
"OMG, I`m soooo sure, naiinsecure ka nga kay Sandy! HAHAHA"

Nagtawanan ang dalawa.

"Hindi nga kasi sabi eh!" Bawi ko.

Insecure ba ako kay Sandy? Siguro nga. Gusto ko lang naman i compare kung sino ang mas mahal ni Rico sa aming dalawa. I mean, kung yung pagmamahal niya noon kay Sandy kumpara sa pagmamahal niya sa akin ngayon. Hindi kasi maalis sa isip ko na inaway nga ako ni Rico noon dahil kay Sandy, kaya siguro sobrang mahal niya si Sandy noon. At ngayon, ako daw yung mahal niya pero, ganun rin ba niya ako ka mahal tulad nung kay Sandy?

"GETTE!"

Si Rico!

"Uhhh, Sige ah, Gette, Rico, alis na kami ni Anya! BYE~!" Umalis ang dalawa kaya kami na lang ng Ricong `to ang natira.

"Wala ka ng pasok diba?" Tanong niya sa akin.
"Oo."
"May pasok pa ako eh."
"So?"
"Ang taray talaga nito!" Ngumiti siya.

Alam mo Rico, ewan ko ha pero pag wala ka hinahanap kita, pero pag andyan ka parang ang sarap mong kutusan!

"Anong oras ka uuwi?"
"Ewan ko."
"i-text mo ako ah?"
"kay."
"Ano bang nangyayari sayo? Ngumiti ka naman diyan!"

Tiningnan ko siya...

"Oh, oh! Ano na naman yang tingin na yan? May nagawa ba akong masama?"
"Wala naman."
"Ba't parang palaging mainit ang ulo mo sa akin!?"

Nakakainis ka kasi! NAKAKAINIS KAAAAAAAAAAAAA~! You make me love you kahit na magkaibang-magkaiba ang ugali natin!

"Gette," Lumingon si Rico sa likuran ko.
"O, Hiro." Sabi ko at nakikita ko si Hiro na nakaabang sa akin at mukhang may sasabihin.
"May sasabihin kasi ako sayo, pero sige mamaya na lang!" Sabi niya habang nakatingin kay Rico.
"Hindi, sige. Aalis na ako, Gette. Hintayin mo ako ah?" Sabi ni Rico habang pinipilit na ngumiti.


Umalis agad si Rico at hindi niya na ako pinagsalita. Anong nangyari dun? SELOS? Tskk... Anyway...

"Ano?" Tanong ko kay Hiro.
"May naghahanap sayo!"
"Huh?"

May naghahanap sa akin? Ba't kay Hiro ako hinanap?

"Ex mo raw."
"HA?"
"I mean, MGA ex mo raw!"
"Anong..."


[STEP #59] Bridgette Reah Francisco: Umalis na kayo!!!



"Balita ko kasi may kinahuhumalingan ka na daw ngayon, gusto ko lang namang makilala!" Sabi ni Ney (isa sa mga ex kong nagsipuntahan dito sa school namin).
"Huh? eh ako ang unang nagsabi niyan kanina ah! Nang-aagaw ka ata ng dahilan." Sabi ni Jericho.

Napabuntong hininga ako. Buti na lang at apat lang pala ang andito. Akala ko pa naman lahat na, impossible din naman kasi yung iba nasa ibang bansa na. Habang nag-iisip ako dito eh nagtatalo ang apat. Hindi ko alam kung may nag-set-up ba nito o ano?

"Teka nga! So... ba't ba talaga kayo andito? Tapos na tayo diba?" Sabi ko.
"Gette, hindi ako sumipot sa date natin noon dahil hinarangan ako ni Hiro!" Sabi ni Jericho na parang bumubuo ng pag-asa sa aming dalawa.

DUH! Mabuti nga yung di siya sumipot para may dahilan akong iwanan siya.

"Blahblahblah. Pwede ba, Jericho? Wala na yan. Tsaka, ba`t ba talaga kayo andito?" Tanong ko.

Linapitan ako ng kanina pang tahimik na ex ko at isa sa pinakapaborito ko... si Thunder.

"Sino ba ang tinutukoy ng pinsan kong kinahuhumalingan mo raw ngayon?" Bulong niya sa tenga ko.

GEEEZ.

"Anong kinahuhumalingan? Atsaka, sino ang nagsabi sayo?"
"Hoi, hoi Thunder! Tigil-tigilan mo nga yang paglapit kay Gette! Bigwasan kita riyan!" Sigaw ni Yael.
"PWEDE BA! Tumigil muna kayo sa pagsasalita! May tinatanong ako kay Thunder! Bwusit!" Tinitigan ko si Thunder.
"Pinsan ko nga pala si Aaron Alonzo. Kilala mo ba siya? Sa kanya ko kasi nalaman ang balitang nagbago ka na raw!"

Nanlaki ang mata ko.

"Anong nagbago?" Sabi ko.
"Seryoso ka na raw sa isang lalaki, and worst hindi daw karapatdapat ang lalaking yun dahil NERD!" Sabi ni Thunder.

*SLAAAAAAAAAAAAAAAAAAP***

"Ouch! HAHAHAHAHA~!" Nagtawanan ang tatlo at mukhang naisahan nila si Thunder.
"S-Sorry!" Sabi ko nung nakita ko ang namumulang pisngi ni Thunder. "Ikaw naman kasi eh! Wala namang taong hindi karapatdapat!" Sabi ko.

Nakita ko si Rico kasama si Hiro kaya sumulyap ako sa orasan ko.

"Kung ganun, Gette! Ba`t di ako? Ba`t di ako? Dahil di ako karapatdapat?" Sabi ni Thunder habang linalagay ang mga braso niya sa pader sa likuran ko para di na ako makawala.

Nakita kong tumakbo at nagmamadaling pumunta si Hiro at Rico sa amin.

"Dapat lang yun sayo Thunder!" Sabi ni Ney. "Alam nyo ba kung anong sinabi ni Gette sakin noong nag break kami? Na hindi pa daw siya ready!" Napatingin si Yael at Jericho. "Kaya ngayon, Gette. Siguro naman ready ka na!"

"Tumigil nga kayong apat! Bumalik na kayo! Ayoko sa inyo!" Sigaw ko.

DARN KARMA.

"Anong ayaw mo sakin, Gette!" Sabi ni Thunder habang lumalapit at lumalapit pa ang kanyang pisngi sa akin.

Nabigla ako nung sinuntok siya ni Rico. Nagkasuntukan silang lahat: Si Hiro at Rico, at ang apat kong ex.

"TAMA NA NGAAAAA~!" Sabi ko habang nakikita ko sa malayo na papunta doon ang iba pang kampon ni Hiro.

Naku, magkakagulo na ata.

"Thunder, umalis na kayo at wa`g na kayong bumalik! Hindi kita gusto, okay!" Sabi ko.
"Bakit Gette? Sino ba ang gusto mo? `tong gag0ng `to?" Sabay turo kay Rico.

Sinuntok ulit ni Rico.

"Rico, tama na nga yan!" Sabi ko.

"Siya ba yung nagustuhan mo, Gette?"
"Thunder~!!!!!!!!!!!! Tama na sabi ehhh~!" Galit na galit na talaga ako sa mga gag0 kong ex na `to.

Nakakahiya na ang pinaggagagawa nila. Tsaka, tiningnan ko ang paligid at ako lang ata ang babae dito. GRRR.

"Thunder, tama na nga yan!" Sabi ni Yael na umawat kay Thunder. "Pabayaan na lang natin. Kung yang nerd talaga ang gusto niya!"

Tiningnan ako ni Rico at hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko. Si Yael talaga!!!! GRRR.

"Sige na! Umalis na kayo!!!" Sabi ko.

"Gette, kami na ang bahala dito, iuwi mo na si Rico. Baka mamaga yung pisngi niya!" Sabi ni Hiro.
"HAH?"
"Oo. Sige na, Gette!"

Napatingin ako kay Rico habang pinapanood ang pagtaboy ng mga barkada ni Hiro kina Thunder.





[STEP #60] Bridgette Reah Francisco: Akala ko ba hindi ka makagalaw?




"Ba`t pa kasi kayo nakipagsuntukan?" Tanong ko habang ginagamot ko ang namamaga niyang pisngi.

"Arayy."

Napatigil ako.

"Sorry. Nadamay ka pa sa gulo ko!" Sabi ko.

I'm so guilty! Dapat kasi sakin lang yung karmang yun! HAAAAI. Nadamay pa siya! And to think na masyado pa akong harch sa kanya!

"Ang dami mong ex ano?"

Napatingin ako sa kanya.

"I'm sure mas marami pa dun ang ex mo. Baka nga hindi pa yun nagkakalahati eh!" Dagdag niya.

Ewan ko kung anong dapat kong i-react pero ganun pa man, mukhang nainis ako sa sinabi niya. Hindi ko naman alam kung bakit!

"Oo. Marami pa dun! At mukhang gusto mo atang mapabilang?" Sabi ko habang nagdadabog at kinukuha ang bag sa malapit na mesa.
"Ayoko nga! Syempre, I want to be your last!"

I rolled my eyes. Akala mo huh? Hindi mo na ako madadala sa mga ganyan mo! HEH! Hindi ibig sabihin na dahil mahal kita eh madali lang akong lambingin.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya.
"Uuwi na ako!"
"Huh? Eh di pa nga ako healed eh!"
"Healed ka jan! Gusto mong maging doktor diba? Heal yourself!"
"Gette naman..."

*DIIIIIIIIIIIING-DOOOOOOOOOOOOOONG*

Tumunog ang doorbell bago ako makalabas sa bahay nila. Nagkatinginan kaming dalawa. Sino naman ang pupunta sa kanila sa ngayong oras ng gabi?

Binuksan ko ang pintuan at nakita ko si... si Sandy.

"Uh... Nabalitaan ko kasing... uh... nakipag-away daw si Rico kanina. Nag-aalala lang naman ak-"
"AAAAAAAAAAH~ Okay. Naku! Good timing, talaga grabe ka noh? Oo, pumasok ka. Wala kasing GAGAMOT sa SUGAT NIYA eh!" Sabi ko habang nagiging-hysterical at mejo paiba-iba na ang tono ng boses.

Nakita kong nagkasalubong ang mga kilay ni Rico at tumayo sa sofang hinihigaan niya. Nabigla pa ako dahil pumasok ngang talaga ang bruha. Come to think of it, pinapasok ko nga naman siya. Kaya lang, hindi ko lubos maisip na ganun ka kapal ang pagmumukha niya at talagang pumasok nga siya. NAKUUUU!

"Ah, ako nga pala ang dahilan kung ba't napaaway siya. Sorry ha? pinag-alala ba kita?" Sabi ko kay Sandy.

"May dala nga pala akong ulam. Baka lang kasi hindi ka pa kumain, Rico. Namamaga ang pisngi mo ah, gagamutin ko."
"Ahhh. Sandy, salamat ah?"

GEEEEEEEEEEEZ. Hindi ko na alam kung aalis ba ako o magmamasid muna dito. hindi ko rin naman pwedeng paalisin si Sandy dahil baka talagang ma OBVIOUS na. I mean, obvious naman eh. Tsaka sinabi ng mga ex ko. Pero kung gagawin ko naman ang mga bagay like itataboy ko si Sandy-----noooo! O sige, mag mamasid muna ako dito.

"Uh, Sandy salamat ah pero ayos lang ako!" Sabi ni Rico.
"Ahh, kung ganun, ilalagay ko na lang dito ang dala kong ulam."
"Sige, salamat."
"Namamaga ang pisngi mo..."
"Ayos lang ako."

Naku Sandy, hindi siya maayos, sige nga ipakita niyo sa akin ang paglalampungan ninyo ng mahimasmasan ako dito.

"Gette," Napalingon ako kay Rico.
"Huh?"
*Puppy eyes* "Ang sakit o." Sabay turo sa namamaga niyang pisngi.
"Huh?"
"Gamutin mo."

WTF? Eh sinabi niya kay Sandy na ayaw niya diba?

"Ba't ako?" Sabi ko.
"Ano, Rico? Masakit pa?" Tanong ni Sandy habang kumukuha ng ice.

Agad kong inagaw kay Sandy yung ice at tinulak ko siya papalabas ng bahay, pagkatapos nun eh umiyak siya ng umiyak kaya sinipa ko siya at namatay. ----- Akala niyo ginawa ko yun? Hindi ata. HUHU

Lumapit si Sandy kay Rico at ginamot ng dahan-dahan ang pisngi ni Rico.

Nabigla ako dahil pumiglas si Rico. "Sandy, si Gette na lang ang ipaggamot mo sa akin."

Nabigla si Sandy pero wala na siyang nagawa. Pati ako, wala na rin akong nagawa. Nakakatakot pa dahil habang ginagamot ko, panay ang ngiti niya sa akin habang nakatitig lang si Sandy sa amin.

Ilang sandali ang nakalipas, mukhang natauhan si Sandy at... "Ihahanda ko na ang pagkain mo." At tumakbo sa kitchen.

"Ba't siya andito?" Tanong ko.
"Ewan ko."
"Pumupunta ba siya dito palagi?"
"Hindi naman."

I tried hard to keep myself from asking too much question about her.


"Pakainin mo ako ah?" Sabi niya.
"Huh?"
"Hindi ako makagalaw dito."
"Eh nakagalaw ka pa nga kanina eh!"
"Huh? eh kanina yun eh. Ngayon hindi na. Ang sakit ng katawan ko, binugbog ako nung mga ex mo."
"Ikaw kaya ang bugbugin ko diyan!"

"Eto na..." Sabi ni Sandy dala-dala ang pagkaing para kay Rico.

Umalis ako sa tabi ni Rico para BIGYANG DAAN SI SANDY. Of course, I'm not that type.

"Uh, Gette kumain ka na ba? May ulam pa doon." Sabi niya sabay turo sa kitchen.
"Ah. Sige." At ako naman ay pumunta sa kitchen.

Wag kayong magalit sa akin ah! Gusto ko lang naman tikman yun para alam niyo na... pintasin kung hindi masarap. LOL

Tinikman ko at MASARAP. HUWALANG HIYA. Naisip ko tuloy na baka nag mo-moment na yung dalawang yun doon at baka sinusubuan na ni Sandy si Rico. Kaya bumalik agad ako doon at...

Nakita ko si Rico na kumakain habang nakatingin lang si Sandy sa kanya.

"Akala ko ba hindi ka makagalaw?" Tanong ko.

HAHAHA~! Mukhang nagpapapansin lang ata itong mokong na `to sa akin ah? Kaya naman pala.

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText