Chapter 23 Who Will Win Her Heart?
Chapter 23 Who Will Win Her Heart?
Jini Punzalan: Sure. Ano?
Padabog kong sinarado ang locker ko. TAKTE. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Kanina kasi pagdating ko sa skul linapitan ako ng isang taga-Communications at sinabi saking..."Nagbreak na pala kayo ni JR Te? Masakit ba?" Tinawanan pa nila ako. Kaya siguro hindi nila ako inaaway noon dahil alam nila na nasa likod ko lagi si JR. At ngayon, sigurado akong pagtatawanan ako ng lahat ng mga nakakakilala sakin. Pagkatapos akong mabasted ni Kenjie, ngayon naman, iniwan ako ni JR. SHOOOCKS. Bakit ako andito sa situation na eto?
"Jini."
Napalingon ako sa pagkabigla...Nabuksan ko din ang locker ko at nahulog ko ang mga gamit ko. Dali-dali kong inaayos ang lahat at wala na akong pakealam kung saan ko nailagay ang alin. Basta ang importante ay malagay ko sila sa locker. Pinunasan ko ang mga luha ko at tumakbo. Hindi ko kasi maharap si King eh. :'( Nagtataka siguro yun kung bakit ko sya iniwasan. Ayokong makita nya akong umiiyak o ano. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa nakarating ako sa gilid ng soccerfield. Nabunggo ko ang isang babae.
"Sorry Miss, okay ka lang ba?" Ako na nga yung nakabunggo sya pa ang nagsorry.
"Sorry din kasalanan ko." Yumuko ako dahil ayokong may makakita ng luha ko.
Pero nung nakita ko na ang kanyang mukha, unti-unti kong naaalala ang babaeng sinagip ni JR doon sa resort.
"Ako nga pala si Andrea. Asan ba ang cafeteria dito, ate?" Tinawag nya akong ate?
Tiningnan nyang mabuti ang mga mata kong basa pa sa mga luhang iniluha ko.
"Ate? Anong nangyari sayo? May problema ba?" Agad nyang binigay sakin ang dala-dala nyang panyo.
"Ate, napakasagrado po ng mga luha, dapat hindi mo yan ipinapakita basta-basta. Pero, mukhang may problema ka talaga." Ang bait nya.
"Huh? O-okay lang ako!" Basag ang boses ko. Pinilit ko na ring ngumiti dahil naaawa ako sa mukha nyang maamo pero malungkot dahil lang malungkot ako.
"Ate, ako nga pala si Andrea. Ikaw?"
"Ako si Jini."
"Jini? Ikaw yung bestfriend ni JR?"
HAAAAAAAAAAAA? Ano daaaw? "Huh?"
"Uhm, ako yung sinagip nya dun sa resort, nasabi ba nya sayo o baka kasali ka sa Camera Club at andun ka?"
"Uh---Oo andun ako. Uhm... Oo, AAAAH. hehe. naaalala ko na." Hindi na ako organisadong kumilos. Bumilis ang tibok ng puso ko. KINAKABAHAN ank.
"Sinabi kasi nya sakin na sasali daw ako sa Camera Club sa first day of school eh, saan nga pala ang Camera Club office at ang cafeteria, pasensya na kasi first day ko lang ngayon at freshmen pa ako." Maamo talaga ang mukha nya. PArang anghel. King - girl version. In speaking of King, baka galit yun sakin kasi hindi ko sya pinansin sa locker room. Pasensya ka na king. Tamaan na sana ako ng kidlat dahil ako na ang pinakamasang tao sa mundo. Ay, hindi pala, mas masama pala sakin si JR.
"Uh. Samahan na kita dun." I mean, dun sa Camera Club. Sasali din naman kasi ako dun eh. :)
"Talaga? Salamat!" Kumislap ang maaamo nyang mga mata.
Naglakad kami patungong CC office.
"Ate, alam mo? Ang sama pala ni JR anuh? Tsaka, uhm, may girlfriend na ba sya? kasi, sabi kasi ng mom nya na bantayan ko raw sya." Nakagat ko ang dila ko.
"Aray....-"
"Ayos ka lang ba ate?"
"Ayos lang ako. Uhm, ano ulit ang tanong mo?"
"May girlfriend na ba si JR Te?"
"Uh. Wala," WALA NA. :'(
"GANUN?" Kumislap ang mga mata nya at ngumiti.
"Ate? MAsakit po bang masaktan? Kasi, pakiramdam ko mahal ko na si JR eh. Para kasi syang prinsipe ko nung sinagip nya ako sa resort."
Para akong hinagisan ng napakalaking bola at pinagulong-gulong. Hindi ako makapagsalita dahil namamanhid ang dila ko. Buti nga hindi katawan ko ang namamanhid, kung hindi baka hindi kami nakarating sa CC office. Oo, nakarating na kamis a CC office.
"Ate, eto na po ba yun?"
Tumingin sya sakin.
"Ate, ba't di ka nagsasalita?"
"HUh? Ahhh.. Oo, eto na ang CC office."
"Bakit andaming tao?"
"Natural lang yun dahil marami ang gustong maging parte ng CC eh."
Nabigla ako dahil habang papalapit kami sa maraming taong yun - eh unti-unti nila kaming binibigyang-daan.
"Ate? Siguro sinabi ni JR sa mga taong to na dadating ako kaya ganyan na lang sila kung maka asta?"
Napailing ako.
"Joke lang ate. Kaw naman di mabiro."
Pero kung titingnan kong mabuti, lahat ng tao dito ay nakatingin sakin. :'( Nung nakapasok na kami. Sinalubong kami ni Tanya at Kenjie.
"Jini, nagbreak--"
"SHHHHH.."
Hinila ko si Tanya at Kenjie sa ibang parte ng office. Mabutri na lang at naengganyo si Andrea sa mga pictures sa dingding kaya hindi nya pinansin ang pagkaladkad ko sa kanila.
"Wag nyong banggitin ang tungkol samin ni JR sa harap ni Andrea - ng babaeng kasama ko. Mahal nya kasi si JR."
"Ano namang pakealam ko--?" Umangal ang malditang si Tanya.
"Jini. Okay ka lang ba? Sinasabi ko na nga ba eh, sasaktan ka lang nung JR na yun! Kung makita ko sya baka hindi ako makapagpigil---"
"Kenjie. okay lang ako!" Yumuko ako. WAAAAH. Akala nya siguro na totoo talaga ang pagBFGF namin ni JR. Ang nararamdaman ko lang ata ang totoo sa lahat ng ginawa namin eh.
"Jini, pwede ba tayong mag-usap?"
Napalingon si Kenjie, Tanya, ako at Andrea sa lalaking nagsalita. Si King... May nakita akong papel na hawak-hawak nya sa kamay nya. Mukhang pamilyar ah.
"Sure. Ano?" Pinilit kong ngumiti.
"Pwede sa labas?" Seryoso sya ah?
Bakit kaya?
---
King Alvarez: I like you
"Jini."
Umiiyak sya? Siguro masyado siyang nasaktan sa break-up nila ni JR. Grabe talaga si JR, pati si Jini, napakawalang-awa nya. Umiyak si Jini habang umalis sa locker room. Hindi man lang sya tumingin sakin. Nagmamadali ata syang ayusin ang locker nya. UH. Tumingin ako sa ibaba at may nakita akong isang papel na nahulog - galing ata sa locker nya.
"JINI!" Sumigaw ako at nagbakasakaling marinig pa nya pero mukhang nakalayo na ata sya.
Pinulot ko at hindi ko sinasadyang mabasa ang pinakaunang mga salitang nakasulat.
"Darkness Contract."
Nagpatuloy ako sa pagbabasa.
"Rule number one..."
Ano to? Tiningnan ko ang pinakahuling mga salita - pangalan ni Jini at pangalan ni JR ah? Di kaya? Inalipin kaya ni JR si Jini? Baka naman kaya biglang naging si Jini at JR dahil sa kay Hayley? At kaya pumayag si Jini dahil sa kontratang ito? Tama. Mukhang yun na nga siguro ang dahilan.
Pero, kung ano man ang nagpapayag kay Jini at ginawa nya ito - wala akong pakealam. Mali talaga ang ginawa nilang dalawa, ang linlangin ang mga tao. Kaya siguro sila nagbreak dahil wala na si Hayley. Kailangan kong makausap si Jini.
Pero, bakit umiiyak si Jini kanina?
Naglakad-lakad ako kung saan-saan para hanapin si Jini. Sa cafeteria, soccerfield... Ngunit si JR ang nakita kong nakatingin sa malayo habang nagpapahangin...
"JR."
"King kaw pala." Ngumiti sya.
Huminga ako ng malalim.
"Bakit kayo nag break ni Jini?"
Tumingin sya sakin. Kahit nakakatakot ang kanyang mga tingin, hindi ko pa rin iniwasan.
"Sya ang nakipagbreak sakin... sabi nya, hindi nya na daw ako mahal!"
"Talaga?"
Huminga sya ng malalim. Magtatanong na sana ako sa kanya patungkol sa kontratang nakita ko, kaso umalis sya ng hindi nagpapaalam.
Bago sya tuluyang makaalis... sinigawan ko sya ng... "JR! KUNG HINDI MO KAYANG ALAGAAN SI JINI, AKO ANG MAG-AALAGA SA KANYA."
Tumigil sya sa paglalakad. Akala ko haharapin nya ako, pero hindi pala. Tuluyan na syang umalis.
Nagpatuloy ako sa paghahanap kay Jini... At sa wakas, nakita ko sya... sa Camera Club Office...
"Jini, pwede ba tayong mag-usap?"
Nakita nya ang hawak kong papel. Ilinagay ko agad sa bulsa ko para hindi sya magtaka. Kasama nya si Tanya at Kenjie. Andito din si Andrea - yung family friend ng pamilya namin, siguro mag-aapply sya sa CC.
"Sure. Ano?" Ngumiti sya kahit namumugto pa ang kanyang mga mata.
"Pwede sa labas?"
Umalis ako at sinundan naman nya ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang nakarating na kami sa soccerfield. Umupo ako sa isang bench.
"Bakit King? May problema ba?" Tumingin ako sa mga mata nyang mabigat na mabigat parin ang dinadala. "AHHH! May nakalimutan ako, si Andrea, hindi ko nasabi sa kanyang aalis ako. Nakuuuu... baka anong mangyari sa kanya... patay ako kay JR." binulong nya sa kanyang sarili ang 'patay ako kay JR.'
"Bakit Jini? Bakit naman magagalit si JR sayo dahil lang kay Andrea."
"Ahh. hehe. Wala, hehe..."
"Jini. Bakit kayo nagbreak ni JR?"
"Huh? Uhm... sya ang nakipagbreak sakin eh... sabi nya di na daw nya ako mahal. sige ah!"
Aalis na sana sya pero hindi ko hinayaan. Hinawakan ko ang kamay nya at yinakap sya mula sa likuran.
"Jini, hayaan mo, ako ang mag-aalaga sayo kung hindi nya kaya."
"Pero King... sya ang mahal ko."
"Mahal mo sya? Totoo ba yan? O baka naman napilitan ka lang?"
"Anong ibig mong sabihin?"
Mas lalo kong hinigpitan ang pagkayakap sa kanya nung nakita ko si JR na nakatingin saming dalawa sa malayo. Kaya lang, agad kinalas ni Jini ang pagkakayakap ko.
"King... alam kong todo-todo ang pag-aalala mo sakin, pero di mo na kailangang gawin to. Mahal ko si JR, kaya--"
Ipinakita ko sa kanya ang kontrata. Lumingon ako kay JR, nakita nya na hawak ko ang kontrata. Parehong nabigla si Jini at JR.
"Anong??? King..."
"Alam ko na kung ano ang nangyayari? Pinilit ka lang ba ni JR na maging boyfriend nya?"
Lumingon ako sa tinatayuan ni JR, ngunit wala na sya doon. Siguro, umalis na dahil natakot sya sa nakita nyang hawak ko. Tama nga siguro ang hinala ko.
"TAMA ka. =') Lahat ng yun, dahil lang sa kontratang yan!"
Unti-unting umiyak si Jini.
"King, wag mong sabihin kahit kanino please?"
Napayuko sya at umiyak ng umiyak. Halatang pinipigilan nya ang kanyang mga luha. Pero bakit nga ba sya umiiyak kung sa kontratang eto lang pala nila binase ang relasyon nila?
"Mahal ko sya! Kasalanan ko to." Patuloy sya sa pag hikbi.
"Mahal na mahal ko na sya ngayon. Kasalanan ko ang lahat ng to. Bakit ba kasi ako pumayag? Kung bakit ba kasi ako nagpakatanga? Bakit ba kasi---..."
Yinakap ko sya... Awang-awa ako sa kanya. Lahat ng babaeng mapapalapit sa kay JR ay mamahalin talaga sya. Kahit na ganun yun, pero ewan ko kung anong ginawa nya sa mga babaeng pinaibig nya. TOO bad, Jini is another victim. Ang sama nya talaga.
"Jini. I like you. At matututunan mo akong mahalin kung papayagan mo ako."
Patuloy sya sa paghikbi.
"Pero, alam kong si JR ang gusto mo. Ni minsan, hindi ko naisip na hindi totoo na kayo ni JR dahil pareho kayong magaling umarte - o baka naman, pareho nyong mahal ang isa't-isa."
Umiyak sya ng umiyak.
---
Jini Punzalan: ayaw kitang makita
PATAY. Wala na. Ang contract nalaman na ni King. Nakayakap ako sa kanya ngayon at hindi ko mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Natatakot ako sa mga mangyayari. Baka may mangyari pang masama. Si Andrea, papaano na to? Ang mama ni JR. Si King. At higit sa lahat, si JR. Si JR na mahal na mahal ko. Mahal din kaya nya ako? Paano ko ipaglalaban ang pag-ibig ko sa kanya kung hindi ko alam kung magugustuhan ba nya na ipag laban ko sya? Paano ko ipaglalaban ang pag-ibig ko sa kanya kung ang gusto ng lahat ay si Andrea? Paano ko sasaktan ang isang inosente at nagmamahal na babaeng katulad ni Andrea? Kung tutuusin, pareho lang kami. Pero, ganun pa man, mas nauna ako sa kanya kaya dapat...ARGH.--
"Jini. Why don't you lean on me?"
Napalingon kaming dalawa ni King kay KENJIE.
"Huh?"
Pinunasan ko ang mga luha ko.
"Bakit kailangan pa sa pinsan ni JR? Baka lahi na nila ang ganyan, lahi na nila ang manakit ng mga nagmamahal sa kanila, hindi ka pa ba natututo?"
Napatunganga ako sa mga sinabi nya.
"Halika na nga!"
Hinila ako ni Kenjie.
"Pare, napaka-sama ng ugali mo! Pinagsasalitaan mo ako ng ganyan samantalang - ikaw...may nagawa ka ba? Hindi mo ba nasaktan si Jini?"
"Tama na yan!" Nagtititigan na ang dalawa.
Sa totoo lang, ngayon ko lang nakita si King na ganito. Nakakatakot at palaban. Hindi umuurong at talagang handang manakit. Kung sakaling may kumalabit sa kanilang dalawa, sigurado ako magsusuntukan na sila. Todo-todo ang pagtititigan na parang may kuryenteng lumalabas sa kanilang mga mata. Napalingon ako sa gilid dahil may naramdaman akong lumapit.
"Naaalala nyo ba yung pabula ng leon at buwitre?" Si JR.
Napalingon kaming tatlo sa kanya. Tumitig sya sakin at umayos ako. Basang-basa ako sa pawis at grabeh - ang oily ng face ko. DRAMA-DRAMA pa kasi eh. AHAHAHA. >:D
"--nag away ang leon at buwitre para lang sa kanilang hapunan - isang daga."
Parang, nainis ako sa sinabi nya ah? Kahit papanu kasi, hindi naman ako ganun ka tanga. Naging scholar ako dahil MATALINO AKO. HEHE.. Kaya nung sinabi nya yun, mabilis ang pick-up ko at nalaman kong ako ang naging daga sa sinasabi nyang istorya. Tumitig ulit si JR sakin.
"Ang daga - para sa hapunan. Kaso, masyado nilang inatupag ang pag-aaway at pag-aagawan sa daga, kaya, dahil sa katangahan ng dalawa, hindi nila namalayan na nakatakas na pala ang daga."
Parang gusto ko ring tumakas tulad nung sinasabi nyang daga sa istorya.
"Kaya lang..." Hinawakan nya ang kamay ko. "Ang daga ngayon, ay magiging hapunan ng SAWA."
Walang hiya! SAWA. Nakakatakot yun. Hinila nya ako. Akala ko walang gagawin si King at Kenjie... Pero, pareho nilang hinila ang kamay ko ng sabay.
"JR. Napakawalang hiya mo naman! Pagkatapos ko syang ipinaubaya sayo gagaguhin mo rin pala sya? Ano ka? I want her back! Hindi na kita papayagang saktan sya ulit." Nanggagalaiti si Kenjie.
"JR. Alam ko na ang mga kalokohang ginagawa mo! Sana, isipin mo naman ang nararamdaman ni Jini."
Ang baet talaga ni King! Pagkatapos nyang sabihin sakin na gusto nya ako, ang damdamin ko pa rin ang iniisip nya! WAAAH. Sana sya na lang ang minahal ko. Sigurado ako, hindi nya ako sasaktan.
"Ano? Hindi naman iniisip ng magaling mong pinsan ang nararamdaman ni Jini eh! Kahit kailan, hindi."
Nakapagtataka na hindi parin nagsasalita si JR.
"Wala ka namang alam eh! kaya pwede ba, wag ka ng sumingit."
May point si King, hindi nga kasi alam ni Kenjie ang tungkol sa kontrata. Teka, masyado na yata akong nawiwili sa pakikinig sa pagtatalo ng dalawang yo. Kinalas ko ang kamay ko at umalis. Hindi ako sumama kay JR dahil kapag sasama ako sa kanya, mas lalo lang akong maguguluhan. Hindi ako sumama kay King dahil alam kong hindi ko talaga kayang suklian ang pagmamahal nya. Hindi ako sumama kay Kenjie dahil ayokong umasa sya na magkakabalikan pa kami - ngayong walang-wala na akong nararamdaman sa kanya.
Noon, ang tanging iniisip ko ay ang paglimot lang kay Kenjie. Noon, pinipilit kong umarte na mahal ko si JR. Ngayon, nakalimutan ko na si Kenjie at gusto ko namang kalimutan si JR. :'( Pero, bago ko sya kakalimutan, dapat kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. WIN OR LOSE - i'm gonna die. Alam nyo kung bakit? Kung sakaling mahal nya nga ako (asa pa ako), hindi ko to malayang maipapahayag dahil sa mabait na si Andrea. At kung sakaling, hindi nya nga ako mahal malalagutan na ako ng hininga. Nasobraan ko ata ang panlilinlang sa sarili ko na boyfirend ko sya, na mahal ko sya, na mahal nya ako, kaya ayan tuloy - nakuha ko ang hinahanap ko. AKO NAMAN ANG NAHIHIRAPAN.
Natulugan ko na ang pag-iisip. Nasa loob pala ako ng cafeteria. Yun kasi ang pinakamalapit dun kanina. Kung sa CC ako, andun si Andrea. Kung sa room ako - panigurado kaklase ko si JR. Kung sa library, masyado namang malayo. Kung sa CR, baka may marinig na naman akong masamang bagay tungkol sakin. Saan pa ba ako pwedeng pumunta? Sa soccerfield - eh dun nga naganap yung nakakapigil-hiningang pangyayaring yun? Napahikab ako at itinaas ko ang dalawa kong kamay - stretching. Ang haba ng tulog ko. Inalis ko ang mga kung anu-anong bagay sa mata ko at dumilat ng maayos. Lumantad sakin ang dalawang mata ng demonyong si JR.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Tama bang umiiyak habang natutulog?"
"Ano?"
Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko. Agad kong inayos ang buhok ko (pero sa tingin ko hindi parin umayos). Napansin kong marami-rami parin ang tao sa cafeteria kahit mukhang alas5 na sa hapon. ABA'T alas5 na ah? Diu bale, first day of skul kaya wala sigurong prof na pumasok. Tumayo ako at sa walang pag-aalinlangan...TUMAKBO.
WAAAH. Sana, habang tumatakbo ako, para akong bag na may butas at lahat ng mabibigat na bagay sa loob ko at unti-unting naiiwan sa bawat hakbang ko. TAKBO... TAKBO... Para akong hinahabol ng isang pulutong ng pulis. Si JR, ang walang hiyang yon? Nagawa pang magpakita sakin na parang walang nagyari. Wala ba talaga syang puso? Di ko naman sya masisisi dahil wala naman sa kontrata na maiinlababo ako sa kanya o sya sa akin. Pero, napaka UNFAIR naman ata. Pero---- AHHH.---
Dinaganan nya ako. Ang walang hiyang yun?! Ang bigat kaya nya't dinaganan nya ako? Para akong daga na dinaganan ng KALABAW. PUCHAAA. ang sakit ng likod ko, mabut na lang at sa soccerfield (o gitna nga ng soccerfield) pala ako dinala ng dalawang pangahas kong paa.
Hindi ako makagalaw, dahil sa sakit ng likod ko, at dahil na rin sa----nasa taas ko sya. WALANG HIYA. na pipicture out nyo ba kaming dalawa? Sa gitna pa ng soccerfield? NAPAKALAKING ESCANDALO!
"Aray"
"Ano ba? Ba't ka ba bigla-biglang tumatakbo?"
Nagkatinginan kami. Amoy na amoy ko ang pabango nya, ang buhok nya. Ang isang kamay nya nakahawak pa sa isang kamay ko. WAAAH. Bakit ba ayaw nyang umalis sa taas ko? Gusto nya ba ang posisyon na to? PUCHAAA. JR naman eh, habang malapit ang mukha mo mas lalo kong nararamdaman na mahal na mahal kitaaaa eh. PWEDE BAH?
"JR. ano ba? Hindi ka ba aayos?"
Sinabi ko yun ng hindi man lang nag-iisip. Este, nag isip naman ako eh, talagang ayoko lang talaga ng ganun. Para kasing gusto nya rin ako, o baka naman umaandar lang ang pagiging playboy nya? Ang pangit naman kung mabiktima nya ako, magkaibigan kami kaya't alam ko dapat - mas alam ko dapat - ang mga kilos nya pagdating sa mga babae.
Umayos sya at umupo sa gitna ng soccerfield. (kasi nga, andun kaming dalawa). Nakita kong namumula sya. :D
"Ano bang ginagawa mo? Ba't mo ba ako sinusundan ha?"
"Ano? At ikaw? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, bakit bigla ka na lang tumatakbo dyan?"
"E sa ayaw kitang makita eh!"
"Bakit ayaw mo akong makita? Apektado ka ba sa break-up natin?"
KATAHIMIKAN.
Talagang wala syang pakealam no? Kahit na simpleng tanong lang yung huli, pero masakit yun para itanong sa isang taong nagmamahal.
Napaiyak ako. Syempre, hindi sa harapan nya, tumalikod ako. Hikbi ako ng hikbi - at hindi ko naman ma GETS kung bakit ko naisipang takpan ang dalawang butas ng ilong ko. NAPAKA GAGA ko talaga minsan.
"Hoy! Ano ka ba? Wag mo nga yang pigilan? Panu kung mamatay ka dyan dahil hindi ka makahinga?"
Tinanggal nya ang mga kamay ko sa ilong ko. At Oo, nakita nya akong umiyak.
"Jini-"
Mukhang mataas ang sasabihin nya, kaya lang...
"JR? Jini? Kanina ko pa kayo hinihintay, sabi kasi ni Tita ikaw daw ang maghahatid sakin, JR?"
Si Andrea. :'(
---
Amy Andrea Tanseco: Bye JR!
Ano kayang ginagawa ng dalawang to dito? Maistorbo nga?
"JR? Jini? Kanina ko pa kayo hinihintay, sabi kasi ni Tita ikaw daw ang maghahatid sakin, JR?"
Hehe. Totoo naman yun eh. Sabi ni Tita. Tsaka, hindi ako susunduin ni Papa o ng driver kasi may business trip sila. HAAAY.
"Uh. Andrea? Ah. sige, aalis na ako!"
Umalis si Ate Jini. Si JR na lang at ako ang naiwan. Nginitian nya ako at... "JINI! Ihahatid na kita?" Bigla syang umalis sa harapan ko at naunang maglakad. Una pa kay Jini. Sumunod na rin ako. Talagang close sialng dalawa ano? Saan na yun si King? Bakit kami lang tatlo? Di bale na nga! Makasama lang ang mahal ko, sapat na!!!
Pumasok kami sa sasakyan. Sa front sit ako sumakay, si Ate Jini naman ay sa likuran. Si JR ang magdi-drive. Unang sakay ko pala dito sa sasakyan nya ah! WOW. Escited na ako. Magaling kaya syang magmaneho? When he started the engine, ang bilis. Ang bilis nyang magmaneho.
"JR, ang bilis mong magmaneho ah? Ang galing pa!"
Ngumiti sya sakin at naramdaman kong mabilis ang tinok ng puso ko. Habang hawak nya ang manibela at nakatingin sya sa daanan, nahahalata kong sumusulyap sya sa salamin sa harapan. Tinitingnan nya kaya si ATE Jini? Tumingin ako sa likuran at nakita ko si Ate Jining natutulog na halatang nahihirapan sa pagkakasandal nya sa maluwag na upuan.
"JR. Stop the car!"
"Huh?"
"Lilipat ako sa likuran!"
"Bakit naman?"
Dahan-dahan nyang tinabi ang sasakyan. Tatabihan ko sana ang kawawang si Ate Jini. Kaya lang, paghinto ng sasakyan, nagising din sya.
"Ay. Ayus ka lang ba ate Jini? O baka gusto mo tabihan kita para may masandalan ka?"
"Naku. wag mong isipin ang babaeng yan, kahit saan naman yan natutulog eh, sa cafeteria...sa bahay ng may bahay...sa tabi ng kung sinu-sino."
"Ano? H-Hindi ako natutulog."
"ASUS, asa ka pa! Si Andrea na nga ang nakahuli sayo eh! Tsaka, nga pala! Magkakilala na pala kayo?"
Pinaandar nya ulit ang sasakyan.
"Huh? Oo, inihatid nya ako sa CC. At nagkataon pang bestfriend mo pala sya! Ang saya ng araw na to!"
"Mabuti at masaya ka."
Mabuti at masaya ako? WOW. Gusto nya akong maging masaya? Kung alam nya lang na sya ang nagpapasaya sakin. Ang sarap ng pakiramdam na katabi sya ngayon sa loob ng sasakyan nya. Feeling ko, girlfriend nya ako. WOW.
"Uh. JR, nainlove ka na ba?"
"Huh? Ano bang pinagsasabi mo?"
"Hindi pa ano? Kasi playboy ka! Ang sama mo!"
"Huh? Isipin mo na ang gusto mong isipin. Bakit? Inlove ka na sakin no?"
Sapul. Ano sya? Bakit ko naman sasabihin? Ika nga...'but I can't spell it out to you...no it's never gonna be that simple.'
"Huh? A-Ano? A-anong pinagsasabi mo?"
Hininto nya ang sasakyan. Tinitigan nya ako ng nakakatunaw na titig. AHWWWWWWWW.. AWWWWWWW. Ang guwapo nyaaaa... WAAAH. Unti-unting lumapit ang mukha nya sakin.
"Huh?" Napailing ako.
"Pumikit ka!"
Pumikit ako. :D Hahalikan nya ako? Kaso, unti-unti kong narinig ang tawa nya... :'(
"Jini?! Ano? Ba't ka parang nakakita ng multo ha?"
Hindi nya ako hinalikan. Pero, ayos lang. Nakalimutan ko kasi na andyan si Jini. Nakakahiya naman ata eh.
"A-Ano? Natutulog ako eh!"
"Natutulog? Kulang na lang nga lumabas yung mga mata mo eh!...Tsaka, Andrea, may dumi ang mukha mo eh, inalis ko lang... >:D " WAAAH. I'm thinking too much.
Pinaandar nya ulit ang sasakyan at humarurot. Mabilis naman kaming nakarating sa bahay. Bumaba na ako, bumaba din si Ate Jini.
"Andrea! Sige! Ingat ka huh?"
"Sige! Salamat ate Jini! I hope we'll be good friends?!"
Magpapatulong sana ako sa kanya sa kay JR. Kaya lang, wala sa bokabularyo ko ang unang mag-move sa mga lalaki. Maghihintay na lang ako. May kumpyansa naman ako sa sarili ko eh. Sigurado ako. :) Bumalik na si Ate Jini sa sasakyan...
"Bye JR!"
Kumaway sya at kinindatan ako. Umalis ang sasakyan, pero tinatanaw ko parin. Ilang sandali ang nakalipas, huminto ito.
Baka...baka...may sasabihin o nakalimutang sabihin si JR. Tumindig ang balahibo ko sa tuwa.
Nakita kong lumabas si Ate Jini sa sasakyan at lumipat sa frontsit. I'm really thinking too much. DAMMNNNITT! One way of hurting yourself is expecting. :( Makapasok na nga sa loob ng bahay.
Labels: Loving Darkness
raindrops are falling like tears, jonaxxstories;