<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Stage 66-70


Stage 66.
what happened?







Pagkatapos kong sootin ang kabibili lang ni mommy na itim na dress at nagsoot ng deadly black pumps, agad akong nakarating sa Core. As usual, maraming tao. Bago ako nakapasok, nakita ko si Brent, yung pinsan ni Bench, papalabas.

"I was about to call you and... there you are!" Tumawa siya.
"Bakit? Nasan si Bench?"
"Nandun sa loob."

Ginulo ni Brent ang buhok niya. Halos magkamukha sila ni Bench. Soft ang feature ng mukha ni Brent at si Bench naman lutang na lutang ang pagiging evil. PAreho silang matangos ang ilong at halatang may dugong espanyol. Magkasingtangkad at magkasing gwapong ngumiti. Pero ang ngiti ni Bench, may dalang dimples.

"Sabi ko sa kanya umalis na kami. Sinamahan ko lang eh. Kailangan kong umalis din agad dahil pupunta pa ako sa bahay ng girlfriend ko."

Tumaas ang kilay ko. Ganun ka inlove ang isa pang playboy na 'to?

"Tatawagan na sana kita para magkaayos na kayo. Man, he's too broken." Umiling siya. "Tama na yan! I know you care for him." Sabi ko.
"Yes, that's why I'm here."

Nag evil-smirk siya. I gave him a what-are-you-smirking-at look. ::)

"I'm not sure if that's sarcasm, though. alam mo kasi, Denise..." Lumapit siya at halos ibulong ang mga nalalaman niya.

Kanina may nakita akong babaeng tingin nang tinging kay Brent, kapal muks di na nahiya sa balat, pero sige na nga... Kawawa naman kasi hanggang tingin lang. Pero sana naman wa'g masyadong obvious na parang tumutulo na ang laway.

"He tried, you know, tried to get rid of his feelings for you nung pumunta kami ng Hawaii. Pero walang nangyari. Bukang-bibig ka niya." Nagkibit balikat siya. "It's do or die for him. Sink or swim... though he did not expect to be sunk."
"He sunk cuz of the secrets he kept. It's all his fault." Sabi ko.
"So you came here to tell him that? You better not... coz I tell you, he's really broken right now and I can't do anything about it. Ikaw lang ang paraan. Ikaw ang sagot. So don't tell me that you came here to-"
"No, Brent. I'm fetching him right now. My love is greater than my pride."
"FINALLY!"

Tapos na ring ang phone niya. Ipinakita niya ang tumatawag. It says 'Maxine A. Cruz'. He's replacing his grilfriend's surname with his. He is definitely crazy and in love.

"Got to go! Bye! Ingat kayo! Don't let him drive, kay? Text kuya Joe."

Pumasok ako sa Core at nakipagbeso sa ilang kakilala ko. Amoy sigarilyo at tequila na sa loob. Maraming sumasayaw at nagkakasiyahan. Nakita ko si Bench sa table na napapalibutan ng couch. Mag-isa at nakasandal ang ulo sa sopa, nakapikit ang mga mata. Habang papalapit ako, nakikita ko yung mga boteng nakalatag sa table. Gilbeys, San Mig Light, Jack Daniel's, at Bacardi. WHAT THE F? at sila lang ni Brent ang umiinom kanina ah? Tapos di naman mukhang lasing si Brent kaya siguro ininom nitong mokong lahat! GOD!

Tatawagan ko na sana si Kuya Joe nang bigla akong nagtago. I saw Muse! Ginising niya si Bench at umupo kasama niya sa sopa.

I'm gonna eavesdrop, you know. Lumapit ako at nagtago sa isa pang sopa. And I kinda look and feel ridiculous. Umupo na lang ako ng maayos, siguro di naman nila ako makikita lalo na pag nakatalikod ako. ??? ??? ???

Bench, anong nangyari?” Pambungad na tanong ni Muse kay Bench nang dumilat nang dumilat si Bench.
Denise?

Gusto kong tumawa sa reaksyon ni Bench. Di umimik si Muse. :-X

Oh God, why are you here?” Dagdag ni Bench nang natauhan.
Bench, Hindi ko maintindihan yung text mo sakin na umalis na ako at ayaw mo na akong makita. Bakit? Wala naman akong ginawang masam-
MARAMI KANG GINAWA AND I’M BLAMING MYSELF FOR TRUSTING YOU!” Halos sigaw na sabi ni Bench. Halata na frustrated siya. “At ba’t ka nandito? Diba sabi ko sayo pinuputol ko na ang ugnayan natin.
Bench, magkaibigan tayo. Wala akong-
You don’t even deserve to be called a friend. To me, you’re a stranger now. You better go to the fcking airport and leave, Muse. I don’t need you here now, tomorrow, or any other time. Ayoko ng may ugnayan tayo kahit cellphone number man lang. I am disgusted with what you did! It’s better if you don’t show your face to me again!
Ano bang nangyayari? Anong sinabi ni Denise sayo? Sinabi ko lang naman ang totoo ah?”

Kinabahan naman ako sa sinabi ni Muse.

Anong totoo? Napapakasalan kita?

Tahimik si Muse. Napabuntong-hininga si Bench.

Hindi! Yung totoo. Na mahal mo siya-
Don’t you dare tell me that Denise is lying cuz I know she’s not! Ikaw ang sinungaling! Noon, akala ko na mali yung ginawa ni Denise sa atin, nanghimasok siya. Pero ngayon, I can’t explain how thankful I am about it! I couldn’t imagine life with you. And I couldn’t imagine life without her. Kahit anong gawin mo, wala ka ng magagawa. My godamn heart belongs to her. At kahit di niya to tanggapin, kanya parin ‘to! So you better back off now. I sent you an airticket that leaves tonight pero di mo sinipot right? I’m gonna pay for the whole airplane just get out of my sight!

Narinig ko ang paghikbi ni Muse pero mejo naistorbo ako sa sinabi ni Bench. Na touch at parang gusto kong umiyak sa saya. This is what I’e been waiting for since that day... ang sabihin niya na nakatulong sa kanya yung ginawa kong pagpapalayo kay Muse.

This made me more secured. :'(

Bench, please! Benc-

Napalingon na talaga ako sa table nila at nakita kong hinahalikan ni Muse si Bench. Si Bench naman panay ang tulak niya kay Muse papalayo.

Naweirduhan nga yung mga tao eh. Bago pa may maka video o may makapicture, sumulpot na ako sa harapan nila at hinila ang little red dress ni Muse na soot niya parin hanggang ngayon pagkatapos ko siyang sabuyan kanina ng milk tea. So disgusting!

Ngayon, nakahandusay siya sa sahig at biglang-bigla sa ginawa ko. >:( >:( >:( >:(





Stage 67.
I'll give you everything








Napatayo si Bench at lumiwanag ang mukha nang nakita ako. Tinignan ko lang siya... sa galit ko kay Muse, di ko magawang ngumiti sa kay Bench.

"Denise, Godamn it, that's not how it seems!" Sabi niya biglang naging defensive.

"Kita mo Bench?! Si Denise ang masama!" Sabi ni Muse habang tinuturo ako.

"Cut that crap, Muse!!! You will never have my sympathy or my heart!" Sabi ni Bench ng mahinahon. "Just go!"


Umiyak si Muse sa sinabi ni Bench. Tumitingin na ang mga tao samin at parang nagiging eskandalo na.

"I'm sorry, Bench. Sorry..." Sabi ni Muse.

Hinawakan ko ang kamay ni Bench. Ikinabigla ito ni Muse at pati na rin ni Bench. Di siya makapaniwalang hawak-hawak ko ang kamay niya.

"Let's go, Bench." Sabi ko.

Hiyang-hiya na ako sa bar na 'to. Ang tanging rason kung bakit di pa kami pinapalabas dito ay dahil kilala si Bench ng lahat.

"Alis na tayo." Dagdag ko.

Bakas parin sa mukha ni Bench ang pagka mangha. Hindi ko na tinagalan ang pagtitig ko sa kay Bench dahil baka yakapin niya ako o halikan sa saya at ayaw ko namang magkalat ang pictures namin sa social networking sites na ganun. Amoy na amoy ko na rin ang alak sa bawat hininga niya. Baka hindi ito makapagpigil ngayon dahil sa impluwensya ng alak.

"I will never let you take Bench away from me, Muse. Put that in your mind, btch." Kumuha ako ng 5 thousand pesos sa purse ko.

Take note: Five thousand! Ilang damit din ang mabibili ko sa F21 niyan ah? Para dapat yan sa 'monthly shopping' pero isasakripisyo ko para sa scene na 'to. Actually, may natira pa naman sa bahay na mas malaki-laking halaga pero ang iniisip ko yung mga damit sa Forever 21 na di ko mabibili para sa ingratitang Muse na 'to.

"Here. Pay for your own flight cuz I won't let Bench spend another peso for your freakin flight back to your own bukid. Pag di mo 'to binili ng ticket, I swear to God, di na kita bibigyan ulit ng pera. Mamumulubi ka dito sa Maynila at mamamatay sa gutom. Papangit ka at pagpipiyestahan ng mga daga sa lansangan. And if I ever see your face again, I will charge you harassment and make sure you rot in prison, Muse. You're no longer a minor, di ka na sasaluhin ng DSWD."

Kinuha ko ang iPhone ko at pinicturan ang P5000 pesos kung saan mukha niya ang nasa background.

"There. Some evidence." Hinarap ko ang camera ko sa kanya.

Ngumisi ako ng plastic at tinapon sa harapan ang pera.

"Diba sabi mo di ako nagbabago? kung ano ako noon, ganoon parin ako ngayon. See? Nagbago ako. I got better. Now be gone, Muse."
"Napakawalang hiya mo!" Tapos umamba ulit na sasabunutan ako kung saan linapitan na siya ng mga bouncer at pinalabas habang umiiyak at hiyang-hiya sa ginawang eksena.

Nang lumingon ako kay Bench, nandoon siya at bumalik sa pag-upo sa sopa. Kinabahan ako at akala ko affected sa ginawa ko sa kay Muse. Yun naman pala, half-asleep na ang mokong. He's so drunk! Very drunk!

"Hello?" Tinawagan ko si Kuya Joe na nasa labas na pala. "Kuya Joe. I need help. Si Bench, tulog na yata." Sabi ko.

Nasa likuran ko si Bench at naka-upo sa sopa habang ako ay nakatayo at tinatawagan si Kuya Joe. Naputol ko agad ang mga sinabi ko dahil hinila ni Bench ang baywang ko papunta sa kanya.

Napaupo tuloy ako at nabitawan ang phone sa bigla.

"BENCH!"

God, this drunk man!

Ngayon ay inaamoy at hinahalikan na yata ang buhok ko.

"Bench!" Sabi ko at kinalas ang nakapulupot niyang kamay.
"I love you." Sabi niya. "So much."

Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang lakas niya para idilat ang mga mata at ayusin ang buhok kong mejo na 'disarrange'. Nilagay niya ang mga nagulong buhok sa tenga ko.

"God I'll give you everything." Aniya.

Umiling ako.

"You're drunk." Sabi ko.

Ngumisi siya at hinalikan ako sa pisngi.

"I wish I was even drunker so I can tell you how exactly intense I feel about you."

Yinakap niya ako at pinikit ang mga mata. Ilang sandali ang nakalipas ay dumating si Kuya Joe.





Stage 68.
Denise, stay with me.





"Tagal mo naman, Kuya. Bilisan na natin at parang naloloko na 'tong alaga mo."
"Sir..." Sabay tapik ni Kuya sa likuran ni Bench.

Inirapan ko si Kuya Joe.

"BENCH! Gising!" Sigaw ko kaya napatalon siya at agad tumayo. "Let's go! Kuya Joe is waiting!" Sabi ko.

Tumawa si Kuya Joe. Kasi naman, may pa tapik tapik pang nalalaman eh di yan gigising kung ganun! Hmp!

Nasanay ang mokong kaya sandal siya nang sandal sakin kahit sa likuran ng SUV.

"Bench! Bench!" Sabay tulak ko sa ulo niya papalayo. "I know you're not that drunk to do that! Wa'g mo akong lokohin! Yung boobs ko yata ang pinupunterya mo eh!" Sabi ko.

Ngumisi siya at nakasandal parin sa balikat ko.

"I love you." Sabi niya ulit.

Hindi ko talaga masagot sa hiya or something. Uminit ang pisngi ko lalo na nung sumulyap si Kuya Joe at yung isa pang guard na nasa front seat saming dalawa. Halos di ko nga maitago ang ngiti ko nang sinabi niya yung bigla eh.

"I can imagine life without everyone else, but not without you, Denise." Hinigpitan niya pang lalo ang pagpulupot ng braso niya sa baywang ko.

Nakapikit parin siya.

"Stay with me tonight, please?" Sabi niya.

Hindi ko parin siya sinagot. Drunk Bench is drunk.

"Mahal na mahal kita, alam mo yun?" Sabi niya naman. "Di mo parin ako sinasagot. Mahal mo rin ba ako?"

Ngayon, di ko na mapigilan ang tawa ko. HAHA!

"Stop laughing at me, its not funny." Sabi niya at nagseryoso bigla. "I'm actually thinking of ways how to get over you at narealize kong walang paraan, really. I spent my whole damn life thinking bout you, being with you, loving you... at wala ng makakapantay pa dun. No one will ever."
"Even the hottest model?" Tanong ko habang nakangisi at nakatingin sa daanan.
"Even the hottest freakin model in the world. You're all the best for me. You are everything in one, for me. Pag nainlove ka sakin, I'm gonna give my damn name... papakasalan kita sa pinakamahal na lugar at tingin ko parin di ko pa naiibibigay ang lahat sayo. I will promise you everything and I'll wish you'll be content with me and my faithfulness and loyalty."

Is Bench really drunk or something?

"I'm not gonna let you go. Lahat ipapangako at tutuparin ko basta ipangako mo din sa akin na mahal mo ako at ako lang ang mamahalin mo..."

Gosh. I actually want to cry. Alam kong sweet siya kahit di lasing. Pero parang na realize kong iba pala talaga pag narinig mo lahat ng gusto mong marinig sa taong halos wala sa sarili - no scripts, no pick ups, just plain old truth.

I love you, too, Bench. You're drunk and I won't say it cuz you won't remember anyway.

"Stay with me, tonight, please?"

Yun parin ang linya niya nung nandoon na siya sa kwarto at hinatid na namin nina Kuya Joe.

"No, Bench. Uuwi ako." Sabi ko habang inaayos ang ulo niya sa higaan at tinatanggal ang sapatos niya.
"Please..."
"Malapit na ang exams, mag-aaral pa ako." Sabi ko.
"Di mo na kailangang mag-aral."

LOL!

"No, Bench. Mag-aaral ako." Sabi ko.

Nakapikit parin ang mga mata niya.

"Got to go. Sleep tight, ayt?"
"Denise, stay with me." Sabi niya. "Please! I'm drunk..."
"You're just drunk, wala kang sakit. Uuwi ako Bench. Need to study."

Hinatid ako nina Kuya Joe sa bahay at natulog na rin. Pina-manmanan ko na rin si Muse upang makasigurado. Sa airport siya natulog nang gabing yon at umalis na papuntang Davao first flight.






Stage 69.
Alagaan mo ako.





Buong araw ako ng linggo nag-aral para sa finals. Text nang text si Bench sakin habang nag-aaral ako. Sobrang hang-over niya siguro kaya nagkulong sa condo niya buong araw kahapon. Buti na lang din kasi baka puntahan niya pa ako sa bahay at maiistorbo pa ako sa pag-aaral ko. May bagyo din naman kahapon kaya ayaw ko ring lumabas.

Bench:
Ba't di mo masabi sakin ang 3 words?

Reply ko:
We'll talk soon, Bench. Not now. Nag-aaral ako.

Bench:
Yun lang naman ang gusto kong marinig...

Reply ulit:
I'm busy.

Bench:
Busy din ako pero may time naman ako lagi para sayo. :'( Bakit ayaw mong sabihin? Di mo ba ako mahal?

GRRRR!

Reply:
Kulit mo! Sabi mag uusap tayo next time eh.

Bench:
Okay :(

Kainis pa nga, halos oras-oras nag titext ng sad face sakin parang bata. Sasabihin ko rin naman, ba't atat pa ang mokong!

Pagdating ko ng school, parang iba na ang pakiramdam ko. Maraming nangyari nung weekend pakiramdam ko magkaka straight As ulit ako sa semester na 'to.

"Denise!" Sigaw ni Eliana sa malayo habang kumakaway. "Lika dito!!!" Sabay hila niya sakin sa mga coridors kung saan may vandals tungkol sakin.
"Ano? May bagong vandal? Gusto yata nilang masumbong ulit!" Sabi ko.

Pero nagkakamali ako... Bumungad sakin sina Candice, Jenny at iba pang kaibigan ni Lance na tinatanggal ang vandals gamit ang sponge at sabon.

Tumingin sila sakin na parang hiyang-hiya sa ginagawa nila.

"I'm sorry, Denise." Nasa likuran namin ni Eliana si Lance.

Malungkot at guiltyng-guilty.

"Hindi ko alam na sila pala ang may gawa nito. Galit sila sayo, pero maling magalit sayo, you're just being yourself." Aniya.

Ngumiti na lang ako tinignan ang mga babaeng pinagpapawisan na sa pagkuskos sa dingding.

"Denise! Lika na, magsisimula na exam natin." Tinawag ako nina Nina at Abby.

Silang dalawa na lang ang kasakasama ko sa school. Paano ba naman kasi, si Tanika umiiwas na sakin dahil sa issue ni Yuan Tan at Eliana.

"Okay."

Confident ako nang matapos ko yung exam. Pupunta na sana kami ng Cafeteria nina Abby at Nina nang tumatakbo papunta sakin si Eli pagkalabas agad namin ng classroom.

Hiningal siya sa harapan ko at parang nagmamadali.

"D! D, may exam pa ako. Tumawag si Tito sakin di pumasok si Bench sa work may sakit daw ayaw pumunta ng ospital papupuntahin nalang nina tito yung doktor mamayang lunch si tita galing na ng condo tapos umalis din para mag attend ng meeting sa kompanya... PUNTAHAN MO SI BENCH! MAY EXAM AKO!" Papalayo na siya nung sinabi niya ang huling pangungusap.

WHAT THE EF? Totoo ba yun or isa na naman 'to sa mga pakana ni Bench?

That devil! Magbabayad siya ng mahal sakin kung puro kasinungalingan lang ang mga sinabi niya kay Eli! Well, I'm sure hindi si Eliana ang gumawa ng istoryang yun (alam niyo naman yun, mejo nagpapa-uto kay Bench)! SIGURADONG SI BENCH! Mga pakulo talaga ng mokong!

Sige at pupunta ako sa condo niya at malalagot siya sakin kung di totoong may sakit siya!

LOL! Parang mali yung sinabi ko ah? Dapat masiyahan ako kung di totoong may sakit siya! Ah basta! ewan!

Sarado ang pintuan ng condo pagkarating ko. Ginamit ko ulit yung susi ko. May nakita akong mga pagkaing nakalapag sa mesa ng dining room.

Mukhang totoo nga, galing dito si Tita.

Kumatok ako sa pintuan ng kwarto ni Bench at nakita siyang nakapulupot sa comforter niya at natutulog. Naka full ang aircon! Agad kong hininaan at hinawakan ang noo niya.

SYET ITS TRUE! May lagnat siya! At sobrang init niya! THIS CRAZY MAN BAKIT NAKA FULL AP YUNG AIRCON KANINA KUNG MAY LAGNAT PALA SIYA?

"Denise?" Nagising ko siya nung pinatay ko ang aircon.

Umupo siya sa higaan at hinawakan ang ulo niya.

"Ano bang nangyayari sayo?" Tanong ko habang hinahawakan ang leeg niya.
"May sakit, obvious ba?"

Umiling ako.

"Ang sungit! Mr. Grumpy Devil. May sakit na nga nagsusungit pa." Sabi ko at kinuha ang thermometer para tignan ang lagnat niya.

38.5... Mataas ah? :o

"Bakit ayaw mong pumunta ng ospital?" Sabi ko sabay ayos sa comforter niya.
"Hinihintay kita."

Lumingon ako sa kanya at nakita ko ang ngisi niya.

PARANG AGAD AKONG TINAMAAN NG KIDLAT SA BILIS NG LIGHT BULB SA UTAK KO.

"Anong ginawa mo kahapon?" Tanong ko.
"Dito lang sa condo-"
"Di ka ba lumabas?"
"Uh nag jogging?" Tumaas pa ang kilay niya.

Sinapak ko na ng unan. >:( >:( >:(

"NAG JOGGING KA EH MAY BAGYO KAHAPON BUONG ARAW UMUULAN TAPOS NAG JOGGING KA SA LABAS! Nananadya ka ba Benjamin Jimenez?"

OMG! Alam mo yung feeling na parang granadang sasabog sa inis. Ganon ako ngayon!

"Kaya ka naman pala nilalagnat eh! Hay nako! Diyan ka na-"

Aalis na sana ako sa kwarto nang bigla niyang hinila ang baywang ko. Full force na bumagsak kami sa kama niya.

"Ano ba!?"
"Diba sabi mo di mo ako iiwan kung may sakit ako?" Nakayakap siya sakin at nakapikit.

Damang-dama ko ang init ng katawan niya dahil sa lagnat.

"Hindi nga eh! Kukunin ko sana yung meds mo at tubig. Bitiwan mo na nga ako!" Pumiglas ako pero di talaga ako makawala.

"You're my medicine." Sabi niya at nakayakap parin sakin.

Inaamoy niya na naman ang buhok ko. Hinawakan ko ang braso niya at halos nakakapaso ang fever niya.

"Bench, stop it! Kailangan mo na talagang magpacheck-up, magpagaling... Kasalanan mo din 'to eh. hay nako! Bitiwan mo na ako para makapaghanda ako ng ice pack or soup or something." Saka niya ako pinakawalan.

"Alagaan mo ako." Sabi niya ng dilat na dilat ang mga mata at nakahiga sa kama.

Napailing nalang ako. Boy this man is hot! Nakikita ko yung abs niyang nakalatag habang nakahiga siya sa kama. Inaayos ko nalang ang kumot niya. He is hot, literally, kaya nga dapat gamutin at alagaan.

"Matulog ka muna habang titignan ko kung anong magagawa ko sa kitchen-"
"I don't want to close my eyes because you might leave me when I'm not looking. But I'm afraid to keep them open because I couldn't stand to watch you walk away." Seryosong sinabi niya sakin. Ang mga mata niyay halos tagos sa puso at kaluluwa ko.

It's on the tip of my tongue, the 3 magic words. I'm saving it for the best moment pero mukhang nahikayat niya ako ngayong banggitin ito. Seryosong seryoso siya na para bang wala nang mas mahalaga para sa kanya kundi ito. Yung mukhang parang tulad nung sabi ni Brent, do or die, sink or swim, but this time, I won't let him sink again...

"I won't leave you, Bench. I'll stay cuz I love you, okay?"

Nalaglag ang panga niya at bumangon ng diretso para yakapin ako ng mahigpit
.



Stage 70.
I feel the same, Denise






Nakatulog siya pagkatapos nicheck-up ng doctor at pinainom ng gamot. Ang sabi ay konting flu lang. Pinakain ko rin siya ng lugaw nung dumating ang mommy niya at sinabi sa kanyang sa bahay nila matulog pero ayaw niya.

"Denise, can I ask you a favor?" Tanong ni tita (mommy ni Bench) bago siya umalis.
"Yes, po. Anything..."
"Pwede bang bantayan mo muna si Bench dito? I'll be back tonight maybe around 6pm to check or maybe get him from here."

Tinignan ko ang wristwatch ko, 12 noon.

"Okay po."
"Wala ka bang exams?" Tanong niya.
"Tapos napo kanina yung dalawa." Sabi ko.
"Oh no! So meron pa bukas? Umuwi ka na lang muna at mag-aral, tatawagan ko na lang si-"
"No, tita. Okay na po ako. Ilang araw na po akong nag-aaral." Ngumiti ako. "Di po ako nag-aaral pag talagang malapit na ang mga exams kasi nabubura sa utak ko yung lessons..."
"Okay. Are you sure?"

Umo-o naman ako at guminhawa ang mukha niya sa sinabi ko.

Iniwan kami ni tita sa condo. Tulog si Bench kaya tinabihan ko na lang since inaantok na rin naman ako.

Kinuha ko yung ilang damit ko sa closet niya. Meron talaga akong stock na damit dito sa condo niya ewan ko kung para saan. Minsan kasi nag s-sleepover kami ni Eliana dito kaya meron akong damit.

Tumabi ako kay Bench sa kama at ilang sandali lang ay nakatulog na...

Nagising ako sa isang room na puno ng kulay pink na balloons sa kisame.

"Asan ako?" Tanong ko sa sarili ko nang umayos ako at tinignan ang katabi kong wala na.

Where's Bench? Nananaginip ba ako? But it looks real!

Basket basket na bulaklak ang nakita kong nakapaligid sa kama. May mga red rose petals pa na nakalatag sa tabi ko.

"Bench?" Sigaw ko nang biglang bumilis ang pintig ng puso ko.

This can't be!!! Uminit ang pisngi ko at damangdama ko ang mainit na dugo na dumadaloy dito habang hinahawakan kong nakangiti ang magkabilang cheeks ko.

"Yes?" Pumasok ang isang lalaking naka puting longsleeve, buttondown shirt at nakaputing pants din.

Mukha siyang anghel galing langit except that he's Benjamin Jimenez.

Nakangisi siya at may dalang balloon na hugis puso at kulay pula. May nakasulat ditong, 'I love you.'

Ngumisi pa ako lalo. Magulo ang buhok niya at mukhang kakagaling lang sa tulog  pero mas lalo siyang gumwapo dahil dito. Lutang na lutang ang kanyang dimples dahil sa ngiti niyang halos abot tenga. Matangos ang kanyang ilong at mapupungay ang mga mata.

"I love you, Denise!" Sabi niya sabay pakita sa balloon na hawak-hawak.

My gosh! Bakit ganito? Surprise! Tapos ang gwapo pa nung nagsurprise sakin samantalang naka spaghetti strap at sweat shorts lang ako. Ni hindi ko pa nakikita ang mukha ko sa salamin, baka may dumi ako o baka magulo ang buhok ko!

Nilapit niya sakin ang heart-shape balloon at tinalikod ito...

Sa likuran ng balloon, may nakasulat na... "Will you marry me?"

Ngumisi siya lalo.

"Please?"
"OH MY GOD YOU'RE PROPOSING!" Sabi ko kahit na nagpropose na siya noon sakin, biglang-bigla parin ako.

Pumasok ang daddy at mommy ni Bench pati narin sina mommy at daddy na pumapalakpak.

"YES!" Sabi ko sa sobrang saya.

Pero may mas masaya pa sakin! Binuhat ako ni Bench galing kama at hinalikan ako sa pisngi.

"So its settled then!" Sabi ni tito kay daddy na kitang-kita sa likuran ng glasses niya ang luha sa mga mata. "We'll gonna do it soon!"

OMG! SOOONNN AGAD?

"Are you sure, Denise?" Sabi ni daddy.

Speechless si mommy habang hinahaplos ang likuran ni dad.

"Antonio, its my daughter!" Sabi ni Daddy. "She's my only child... and she's only 19... Hindi ko yata kaya..." Sabi ni daddy pero tinatawanan lang siya ni tito.
"Goodness, attorney." Humahalakhak parin si tito. "He's my son... only son, too. I couldn't give him up and marry any other girl than Denise. Pero yes, naiintindihan kita since you know Bench is kinda... you know..." Sinulyapan niya pa si Bench.

Si Bench naman sumimangot kay tito.

"..NOON yun, I must add. Dahil alam ko naman na mula pa noon, silang dalawa lang ang nag-iintindihan. At sigurado akong sila ang magkakatuluyan, tignan mo naman ngayon." Sabi ni tito habang tinuturo kami.

Binaba ako ni Bench. Masyadong manyak 'tong isa. Kung di ko siya kinurot, di ako ibababa.

"Tito..." Sabi ko bigla. "I want to be engaged to Bench. Wala akong doubts at mahal ko talaga siya, mahal na mahal, at sigurado akong mahal niya rin ako, maaring mas higit pa sa pagmamahal ko sa kanya. But I don't want to rush." Sabi ko na ikinabigla ni Bench.
"What?" Sumimangot siya sakin. "Sana nagdala ako ng pari-"
"Shh, Bench! Siguro naman kung mahal niya ako, kahit di pa kami kasal, he'll stick to me. At sigurado naman akong siya lang ang mamahalin ko. Cuz I want to graduate sa law school bearing my dad's family name."
"You can always bring Gozon kahit kasal na tayo..." Tumango pa si Bench na parang nanghihimok sakin.

Inirapan ko na lang siya.

"Tsaka sigurado ako, kung ikakasal kami ni Bench baka bukas agad magkababy ako, gusto ko munang tapusin ang pag-aaral ko bago ako magkaroon ng pamilya." Sabi ko.

You know, Bench! He'll think everything's okay pag kasal na. Wala ng pakealam kung ilang anak ang magagawa kasi kaya niya namang buhayin kahit limang dosena! GRRR!

"WHAT!? Bakit? Ayaw mong magka baby?" Tanong ni Bench. Hysterical na.
"No Bench! Gusto kong magkababy, but not now... Pag-aaral muna." Sabi ko.

Pumalakpak ang mommy ni Bench at nilapitan ako ng daddy niyang ngayon ay mangiyak-ngiyak na rin tulad ni daddy.

"God, I wouldn't give up my son to anyone except for you, Denise." Sabi ni tita sa malayo.

Tinapik ni tito ang balikat ko.

"Well, then. Sorry, son!" Sabi ng daddy niya nakangiti ulit. "Looks like you have another 5 years to persuade your fiancee!" Tumawa siya.

"I can always wait." Sabi ni Bench. "Ang importante ay nalaman niyong ganito ako ka seryoso sa kanya. I can always wait, tito." Sabi ni Bench kay daddy. "Kung mahalaga sa kanya ang pag-aaral, mahalaga na rin yun sakin."

Pagkatapos ng ilan pang usapan nila tungkol sakin habang kumakain sa dining room ng condo ni Bench... Nagkaroon na rin kami ng oras para mag-usap ni Bench na kami lang dalawa sa kwarto niya.

"Dad's going to name some of our properties under you." Sabi ni Bench sabay halik sa noo ko.
"WHAT?"
"Di pumayag ang daddy mo. You should persuade him..."
"What? No! Dapat lang!"

His eyes narrowed.

"You know what, I'm starting to think you're not really serious with me."

Sinapak ko na.

"What? Sabi mo tayo talaga ang magpapakasal, ba't ayaw mo ng ganun? Pinayagan kita na ipostpone ng 5 godamn years ang kasal tapos kahit ito, ayaw mo?"
"Saka na yang mga ganyan pag kasal na tayo! errr! please, Bench!" Sabi ko habang tinitignan ang mga mata niyang nagdududa na.
"You think you can escape? No, you won't... I'm not gonna let you." He told me almost a whisper.
"I won't escape, Bench." Sabay ngisi ko. "Kahit isama mo ako sa impyerno, sasama ako, makasama lang kita. I have to stay with you cuz I'm not myself without you."
"I feel the same, Denise. I won't be Benjamin Jimenez, without my Mrs. Jimenez." Sabay yakap niya sakin. "So don't you dare leave me."

For a second, I wanted to marry him soon than what I have planned... But I think this is more than enough for me. I can always marry him whenever I want to cuz Benjamin Jimenez is in love with me. He's given me his world.




Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText