<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

O-arcs



O-arcs





O1.Nasaktan ka ba?





"Baka naman, gusto mo na siya." Sabi ni Emily sakin nang nakitang nakatunganga lang pagkatapos ng klase namin.

2nd Semester na. Nag bakasyon ako kasama ang pamilya sa Palawan kaya ayun, kahapon pa kami nakabalik. At hindi pa kami nagkikita ni Brent.

Napabuntong-hininga ako at nagligpit ng gamit.

"Di no! OA! Imposible."

Ilang araw na rin ang nakalipas simula nung nangyari yun. Ang alam ko, busy parin si Brent sa business. Samanatalang si Ara naman ay di pa nakababalik ng school.

Kakatapos lang din ng Intergames. Nanalo naman kami, buti na lang.

Papalabas kami ng room ng bigla kaming inabutan ni Kitchie.

"Hi Max! Congrats! Champion kayo!"
"Thanks!"

Napansin ko ang pag iilangan ni Emily at Jason pero binalewala ko na lang yun kasi eto si Kitchie ngiting-ngiti na nakikipag usap sakin.

"Kamusta naman kayo niChloe? Okay na ba kayo? Tsaka si Ara, nakabalik na ba?"
"Ang alam ko, di pa eh. Di ako sure."
"Uh, ganun ba..."
"Bakit?"

Gusto niya parin yatang makipagkaibigan kay Ara kahit ganun na ang ipinakita sa kanya.

"Kawawa naman siya. Hindi niya naman kasalanan yun eh. Tsaka di naman labag sa batas ang pakikipagrelasyon sa faculty. Haaay."
"Magiging okay din siya, wa'g kang mag-alala." Sabi ko. :o

Kelan ba nagkaroon ng interes itong si Kitchie kay Ara.

"Sana nga no...-"
"Kitchie!!!" Tawag ng mga kasama niya kanina.
"Oo, andyan na... Sige Max, see you around!"
"Aryt!"

At umalis din naman.

Kaya heto ako kasama ang dalawang tahimik na `to.

"Hoy, ano ba kayo? Kung may problema kayo sa isa't-isa pag usapan niyo yan. Dyusko naman." Sabi ko.
"Wala naman." Sabay pa silang dalawa sa pagsabi nun.

Hay naku naman...

"Cruz? Brent Cruz?"

Aray naku! May bumunggo pa saking babae. Hindi niya naman namalayan.

"At Catherine San Juan? Di nga? Sila na?"

Natigilan ako nang narinig ko iyon. :o :o :o :o :o :o :o :o









 :o

















Tiningnan ko ang babaeng nakabundol sakin na nag sabi ng kahindik-hindik na 'tsismis' na yun.

Palayo na siya nang palayo.

Brent Cruz? Catherine San Juan? Kitchie? Sila na?








"Max, what's the prob?" Tanong ni Jason nang napansing natulala ako habang nakatingin sa bumunggo sakin.
"Nasaktan ka ba, Max?" Tanong ni Emily.

Napatingin ako sa kanya. Inayos niya ang eye glass niya at...

"I-I mean... may masakita ba sayo?"

Nasaktan?

"Binunggo ka diba? May masakit ba? Ba't natigilan ka?"




O2.Misses





Nawala lang ako sa sembreak tapos may ganun na agad? Three weeks lang yun! Three weeks lang yun para magkaroon agad ng ganun.

"Ang totoo, narinig ko nga din yun sa teammates ko. Alam mo naman sila, maraming nagkacrush kay Kitchie dun sa kanila kaso nakakaintimidate nga lang daw dahil beauty queen at matalino."

Ang sama kong nakatingin kay Jason. Di naman namalayan ng mokong kaya talak lang siya nang talak.

"Pero ibang klase din naman talaga si Brent ano? Well, what do we expect? Syempre, halos mga FHM models nga ang dinidate nun, si Kitchie pa kaya palalampasin niya." Napansin niya ang mga tingin ko. "Don't get me wrong, Max ah? Maganda ka! Sobra! Crush ka din ng mga teammates ko along with Ara Cruz. Uso lang talaga ngayon si Kitchie dahil sa pagkakalink niya kay Brent."
"Wala naman yang pakealam kung crush ba siya ng teammates mo eh, kay Brent lang yan affected."
"OA ka ha! Hindi no! Syempre, nag-aalala lang ako para kay Kitchie!"

Sila naman ngayon ang masama ang tingin.

"Alam niyo na, di ko kasi ma imagine kung paano pinormahan ni Brent si Kitchie... at kung bakit naman nagpaloko si Kitchie dun sa kanya."

Patuloy ang katahimikan nila kasama ang masamang tingin sa akin.

Akala ko ba Miss Teen Philippines, matalino... LOL! Sasabihin ko sana to sa kanila, pero di ko na nagawa, ang sasama na talaga kasi ng tingin nila eh.

"Anyway, patingin ng schedule niyo." Para mawala kami sa topic na iyon.

Habang tinitingnan ko ang schedule nila at kinukumapara sa akin, tahimik na naman ang dalawa. Ibang-iba sa kanila noon. Hay naku!

Torpe plus a girl who doesn't show her feelings = dead end.

Bakit Max? 

A boy who show his feelings
 (Brent) plus a denial queen = ?? Dead end din?

Argh! Ano ba yang iniisip ko! Kainis!

"Maxxx!!!" Sabay hug sakin galing sa likuran!
"Ara! nakabalik ka na?! Wow!" Yinakap ko din siya.
"Oo! Actually, dapat last week of last sem pa ako nakabalik, kaso tinatamad ako eh. Kaya sa bahay na lang ako nag take ng final exams. At heto!" Umikot siya. "I'm back!"

"Wow! Buti naman at nakabalik ka na, Ara! I was worried." Biglang sabi ni Jason. "U-Uh I mean..."
"Do I know you?" Tiningnan ni Ara si Jason.

Ayan na naman ang cruel side ni Ara.

"Well anyway, thank you!" Tumingin ulit si Ara sakin.

Si Jason naman parang nahiya sa sinabi niyang bigla. Mas lalong naging awkward ang moment nilang dalawa ni Emily.

"Let's go na, Max! You have no class na, right?" Sabay hawak ni Ara sa kamay ko papunta kung saan.
"H-Huh? Saan? U-Uhm, Emily, Jason... Mauna na ako, see ya tomorrow!"

Kumaway na lang sila at ngumiti. Ito talagang si Ara, di man lang nakita na kasama ko silang dalawa. Bigla-bigla na lang akong kinukuha.

Daming nakatingin sa amin, lalong lalo na kay Ara. Nadaanan pa namin si Chloe na mukhang nabigla dahil nandito si Ara.

"Ara!" Sabay salubong nina Lia, Ashley at Tasha sa kanya. "See ya tomorrow!"
"Yeah, girls! Bye muna!" Sabay kaway niya.

Linagpasan lang namin ang mga usisero. Pagkalabas namin ng gate, naghihintay ang Mercedes-Benz GL.

Pinasakay niya ako agad tapos siya naman sa front seat.

"I wanna make cookies again! This time, lagyan natin ng nips! Bumili ako ng cook book!" Sabay bigay sakin ng sandamukal na cook book! "Let's make brownies!" Ang laki ng ngisi niya sabay pinaandar ni Coach Paul ang sasakyan.

Papunta kami sa bahay nila.

"At miss ka na ni Brent."



 :o :-[


O3.The call






"Paul decided to resign. Pero you see, its not a violation naman. Before siya nagresign, naresolve na yung case. Okay na ako, okay na rin siya." Sabi ni Ara sakin papasok kami ng bahay nila.

Si Coach... Paul naman nasa likuran namin.

Kinurot ni Paul ang pisngi ni Ara.

"So Max, better call me Paul nalang. Haha! I'm not your Coach anymore."
"Sinong pumalit sayo, Coa-I mean, Paul?"
"Hindi ko pa alam eh."
"Don't worry Max, di ka magagalaw ni Chloe dun. That girl! Gaga talaga siya! Kung gusto niya si Chad, edi mag sila! Yun ay kung gusto din siya ni Chad. Hahaha!"

Oo, naririnig ko ang mga sinasabi ni Ara pero sobrang kaba na ako ngayon kasi eto nga, kakapasok lang namin sa bahay nila...Brent...

"By the way, Max, saan nga pala ang victory party ng volleyball team?" Tanong ni Paul.

Meron pala nun? :o

"Uh, di ko alam eh..."
"Ganun ba? I heard my victory party kayo this coming Friday."
"Mag memeeting pa kami bukas kaya bukas ko pa siguro malalaman."

Tumango naman siya. Umupo si Paul sa living room at napabuntong-hininga.

"Wala ba si Brent?" Tanong niya kay Ara.
"He's here."

Kinabahan naman ako dun. :-[






"Anyway, babe, dito ka muna o dun sa table sa labas. Magluluto muna kami."
"Aryt!"

Hinalikan ni Coach Paul si Ara sa noo at tumayo papuntang garden table nila.

Pagkatingin ko sa labas, saka naman pumasok ang naka-darkblue jersey. Knights. Number 1. Pawis na pawis at hinihingal pa.

"Paul!" Sabay high five nila.

Dala-dala niya pa ang bola. Nakatingin agad sakin.

Natigilan naman ako dun sa tingin niyang parang weird. Nakatingin siya pero parang wala lang.

"Brent, shower ka muna." Sabay hila sakin ni Ara papuntang kitchen.

Si Brent naman sinusundan kami.

Pagkadating sa kitchen, andun nga siya, umiinom ng tubig samantalang binabasa kong pabalik-balik ang recipe ng brownies. Paulit-ulit dahil wala akong maisip kundi... siya.

"Flour, chocolate bar, ano pa yung nandyan Max?" Kumukuha naman si Ara ng mga ingredients. "Ugh! Wait, yaya--" Tapos umalis ng kitchen.

Shucks! Kami lang dalawa ni Brent dito sa kitchen.

Pumunta siya sa likuran ko at tiningnan ang cook book na tinitingnan ko.

"Brownies? Wow! Gusto ko yan."

OMG! Hindi ko alam kung paano ako re-react. :-X







"Tulad ng pagkagusto mo kay Kitchie."

Nagkatinginan kami. Seryoso ang tingin niya.



*Kriiing-Krinnnng!*



Kinuha niya ang cellphone ko nasa mesa katabi ng ibang recipe book.

Tiningnan niya muna bago binigay sakin.

"Si Chad, sagutin mo..."

Umalis siya sa kitchen.


O4.Okay lang ba?





Bweset! Kainis naman talaga si Brent!

"H-hello, Chad?"
"Max? Hmm, hehe nakaka istorbo ba ako?"
"Hi-Hindi naman. Ba't ka napatawag?"

Napapadalas ang tawag ni Chad sa akin. Kahit nung bakasyon namin sa Palawan halos tumatawag siya araw-araw.

"Hmm, I just want to ask you if you're free sa Sunday."
"Sunday? Hindi ko pa alam eh, siguro."
"Ahh.. O sige, tell me if you're free. Wanna watch a movie? Maraming magagandang showing ngayon."
"O-Ow! Oo ba! Sige, sasabihin ko sayo kung free ako at papayagan ako."
"O sige, sige."
"hehehe."
"So, okay. Will call you later, aryt?"
"Okay Chad."
"Bye."
"Bye..."

Binaba ko ng may ngiti pa sa labi ko. :-[

"Si Chad? Nanliligaw ba siya sayo?"

Ngek! Nandyan na pala si Ara.

"H-Hindi!"
"Ba't siya tumatawag?"
"May tinanong lang."
"Ahh, ang alam ko, crush ka niya. Do you like him, too?"
"Weh? Di nga!? Impossible."
"Do you like him?"

Uminit ang pisngi ko.

"Brent's losing?" Ngumiti si Ara.

Nakanganga lang ako habang nag-iisip ng sagot sa lahat ng binato niyang tanong.

"No. Of course not. I know mahihirapan siya. And whatever is your decision, I'll always like you for him. At di rin ako naniniwalang hindi magiging kayo o hindi kayo magkakatuluyan."

Ngumisi siya sa akin. Her words marked with finality.

"Sila na ni Kitchie, diba? Paano magiging kami?"

Nawala ang ngisi niya.

"Kitchie? Who the hell? Some girl from FHM?"
"Hindi, yung Miss Teen Philippines noon. Uh, Catherine San Juan."
"Ew! Of course not." Sabay mix niya sa ingredients.

Ano ba ang totoooooo??? Maxine! Galing yun kay Ara! Edi yun yung totoo! Pero paano kung di pinapakilala ni Brent kay Ara dahil alam niyang bad vibes si Ara dun? ARGHH!

"TADAAAH!"

Sigaw ni Ara nang palabas na kami sa bahay nila at papunta dun sa garden na may table.

Whoa! Doon pala nagbabasketball si Brent, may nakita akong court sa malayo. Basketball court at Badminton Court sa bahay nila! Grabeh!

Linapag namin ang brownies sa table. Parang may pinag-uusapan silang nakakatuwa dahil naabutan namin silang nagtatawanan.

Lumapit si Ara kay Paul at hinalikan niyo ito sa noo.

"Masarap yan! Tinikman namin! Let's eat!" Sabi ni Ara. "Tawagin ko muna si Yaya for the juice. Umalis naman siya.

Nagkatinginan kami ni Brent. Linapit niya ang upuan sa tabi niya sabay...

"Sit here."
"K."

Umupo naman ako.

Nakita kong nakangisi si Paul.

"Bagay na bagay kayo!" Sabi niya.
"Haha! Kung pwede sana yang excuse para sagutin niya ako, eh matagal ng kami."

Nagtawanan sila. :-[

"Whatever, Brent.:-X

Dumating na si Ara kasamang ang mga yaya nila at kumain kami din naman kami.

"Babe, punta tayong poolside, hayaan muna natin ang dalawang `to dito." Sabi ni Paul.
"Sige sige!!!" Evil smirk naman ni Ara.
"Oy, wala namang ganyanan!"
"Byeeeeee!" Nagtawanan silang dalawa palayo.

Ang sweet-sweet.

"Are you dating Chad?" Bigla niyang tinanong.
"Hindi."
"Do you wanna date him?"

Napatingin ako sa kanya... Nakangisi siya. Err. Anong isasagot ko? I like Chad, pero... :O

"Ayaw ko kasing idate mo siya, ang gusto ko ako ang i-date mo... Okay lang ba yun sayo?"




O5.Brentism





"Grabe yung topak mo, Brent no?" Sabi ko. "Di ba pwedeng magseryoso ka na? Please?"

Pinandilatan ko siya.

"Bakit ka nagagalit diyan eh seryoso naman ak-"
"Seryoso? Kanino? Sino saming dalawa ni Kitchie ang siniseryoso mo?"

Nakangisi parin siya.

"Nagseselos ka ba?"

Ang sarap talagang sapakin ng isang `to! Bwiset!

"Hindi! Ang feeling mo talaga! Galit ako, di mo ba nakikita? Ang lakas lakas talaga ng loob mong pumorma no? Kala mo naman gusto ka ng lahat ng babae. Pinagsasabay-sabay mo."
"Sakit mo namang magsalita. Don't be so reckless naman." Sabi niya ng seryoso ang mukha. "Naaalala mo ba noon, nung na injured ka... Naalala mo pa ba yung sinabi mo sakin?"

Tahimik na lang ako. Di ko maalala eh.

"Di mo naaalala? Alam mo bang tumatak yun sa isipan ko."

Napabuntong hininga siya.

"'Palibhasa hindi ka marunong magmahal! Palibhasa ikaw `tong nananakit eh!', yun yung sinabi mo sakin."

Naaalala ko na ngayon. Yung ibig sabihin niya ay nung umiyak ako dahil kay Chad!

Para namang na guilty ako. Pero... Weh? Ano naman ngayon? Kasama lang `to sa package ng pagka playboy ni Brent. Kasama na dun ang pagiging convincing actor at persuasive speakerKaya mag iingat pa ako ngayon lalo.

"Hanggang ngayon naiisip ko parin yun. To think na ikaw pa ang nagsabi sakin nun. Ang babaeng masyadong nakakaapekto sa akin. All this time, ikaw `tong walang alam at nananakit sa akin eh... Hindi mo lang nakikita."

Brentology 101: Wag maniwala sa kahit anong sabihin ni Brent tungkol sa nararamdaman niya... dahil... dahil wala naman talaga siyang nararamdaman. Di siya marunong makiramdam.

"Bakit? Nasaktan ka dun kasi totoo diba?>:(



I know... Pati ako nagagalit narin sa sarili ko. Errr. I'm so confused. :'(



"Makinig ka, Brent. Kahit anong sabihin mo sakin, hinding hindi ako ma-fa-fall sayo. Brentism... Yan ang tawag sa mga bobong nagpapaloko sayo. Unang tapak ko sa school nung highschool, alam ko ng notorious na manloloko ka at mambobola sa babae. Nung nag isang linggo na ako sa school na yun, napatunayan ko na. Kaya hinding hindi mo ako masisisi kung bakit ito ang opinion ko sayo-"
"I know..."

Parang nawalan siya ng sasabihin.

"Pero di ibig sabihin nun na hindi kita mahal..."

This is ridiculous. :'( :'( :'( :-[

"Brentism?" Ngumisi siya.

Gwapo talaga ng leche.

"Wa'g mo nga akong daanin sa pag ngiti-ngiti diyan. Usap-usapan sa buong campus na kayo na ni Kitchie. Wa'g mo siyang saktan."

ERRR. Ano daw? :'(



"Huh?" Tumawa siya. "See? Yan ang hirap sa inyong mga babae... Narinig lang kung kanino, naniniwala agad. Bakit naman magiging kami, eh ikaw naman ang gusto ko."
"May rason kung bakit pinag uusapan yun ng mga tao sa skul. Kaya wa'g mo kong sisihin kung pinaniwalaan ko iyon agad."
"Okay, okay! Sa 3 weeks na nandun ka sa Palawan, nag party ako kasama ang barkada. Eh nandun din siya sa bar, nagkataon. Nag usap kami, socialize, diba? Yun lang. Exchange numbers... That was all. And a little dancing..."

Bar!? Bar!? Hindi pa ako nakakapunta sa isang bar!

'That was all.' Huh? Exchange numbers?

"Tapos? Text kayo ng text so naging kayo?"
"Whut? No! It's just a friendly gesture. Tsaka, tinitext naman kita araw araw nun ah. WALA AKO NI ISANG TEXT NA NATANGGAP SAYO. That was the most frustrating thing ever happened to me."

Anak ng teteng kinikilig naman ako ngayon. :o




Max, ibang klase din mood swing mo. Kanikanina lang kinakabahan ka na magkikita kayo, tapos nagalit ka, ngayon naman, ewan! Confused, magpamental ka na!

"Siguro text din kayo ng text ni Chad nun. Crush mo diba? Sinong makakatanggi."
"Wala akong load ng 3 weeks, pwede wa'g mo kong pangunahan."
"O ano pang problema natin? Di kami ni Kitchie, wala kayo ni Chad, nagselos ka, nagselos ako, pero okay na tayo. Ba't di parin nagiging tayo?" Nakangisi na naman.



Sinapak ko na ang dibdib... Wow! Ang tigas. May abs jan! I can only imagine! HAHA! Err...

 ::)

"Wa'g mo nga akong pagtripan! Hindi ako nagseselos! Feelingero!"
"Brentism?" Tumawa siya at mukhang nag isip. "Napaka-amazing mo talaga." Sabay kurot sa ilong ko.
"Aray.>:(
"Alam kong may feelings ka na sakin..."

EWWW! :o

"Let's drag it out of you, Max. You just declared war..." Nakangisi siya, parang may masamang binabalak.

Kinabahan naman ako sa sinabi niya...

Brentism, Brentology...

War.

I declared war against the dark prince...







Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText