<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Fall 6-10


6th Fall

Serene Cruz: hindi na ako magwawala sa kaba!

Binasa ko ang diary ko noong elementary at high school. Minarkahan ko na rin ng DOWNFALL CHRONICLES sa labas.

"No noo... I can`t believe I did those things! And Oh my God, everything is heartbreaking!" Sabi ko sa sarili ko habang hinihintay si Sophie at Mina sa YM. It`s been three years!

Susunugin ko na talaga ang diary na `to! Hindi na talaga `to magpapatuloy! HINDING HINDI NA! My Heartbreaking Chronicles are over. OVER.

Alam n`yo, may GIRLFRIEND na daw si Dae... last month lang daw naging sila. And so? HAHAHAH >:D Isang nagngangalang Francine ang naging girlfriend niya! Well, I`m curious... ano kaya ang mukha ng Francine na yan? Sabi ni Mina, sumasali daw yun ng mga beauty contest! WHEW, siguro maganda yun!

"Ate! Bumili ka na ba ng pasalubong para sa mga kaibigan mo?" Tanong ni Ney.

"Of course! Ready na ako!" Sabi ko.

Umalis naman siya para ata maghanap ng pasalubong para sa mga kaibigan niya! Oo, babalik na ako sa Pinas! BUKAS AGAD. Kasi naman ang aga daw ng pasukan sa Hereux University [version ko ng UP/ADMU/La salle. pili lang kayo ng school. FICTION!]

Bumisita ulit ako sa youtube. I erased the site`s address and... "Napaka guilty ko talaga! Di ko na naman siya mahal eh!" Then retyped it again.

DAHIL, sikat sina Dae, Crayon, Valen, Grey at Drake ngayon sa Pilipinas! Sikat yung banda nila at kahit ako, ayaw kong maniwala! TENENENENTENEN... Si Dae pa ang vocalist!

YM:

:) sweet_siren - I`m going home. ;]

Sophie de Vera: BUZZ!

sweet_siren: yeah!

Sophie de Vera: Excited na kami!

sweet_siren: ako rin! HAHAHA :)

Sophie de Vera: pasalubong ah?

sweet_siren: yeah! bumili na ako!

Sophie de Vera: What you doin?

sweet_siren: uhh.

sweet_siren: youtube.

Sophie de Vera: na naman?

sweet_siren: eh.

Sophie de Vera: tsk! >:(

sweet_siren: trailer lang naman ng Twilight at Harry Potter eh!

Sophie de Vera: ASA! If I know! DAEDAEDAEDAE!

sweet_siren: indi na nga sabi eh! YUCK.

sweet_siren: nakakahiya yung pinaggagagawa ko nun! Sunog na nga ang Diary ko eh! EW.

Sophie de Vera: May gf na yun noh! Tsaka... haaaai, my goodness!

Mas dumadalas ang pag-uusap namin ni Sophie kay Dae dahil papalapit na ang pagbabalik ko. I`m so excited! Kamusta na kaya ang Pinas? Three years ako dito! HEHEEEEEE. I can`t help but think about it! Pinanood ko ang video ng banda nina Dae. PAULIT-ULIT! Pero seriously, wala na talaga akong nafi-feel for Dae kahit ulit-ulitin ko pa ang video.

sweet_siren: ang panget na ni Dae!

Sophie de Vera: hahaha! siguro nga.

sweet_siren: no. seriously!

Sophie de Vera: baka naman ang ibig mong sabihin eh gumanda ka?

sweet_siren: IDK. hahaha. LOL

Okay, I`m serious. Pero... ewan ko lang! I mean, ang tagal na nun hindi ko na naaalala ang feeling!

Sophie de Vera: like him still?

sweet_siren: nope. i`m just curious! Syempre... ex crush.

Sophie de Vera: hahah. oh well. If you`re up for revenge...

Sophie de Vera: Hindi na siya matatablan kasi may gf na siya at mahal niya daw.

sweet_siren: I`m not vengeful! ahaha. tsaka, di naman yun manliligaw kung di niya mahal diba?

Sophie de Vera: Haha, yeah yeah...

Sophie de Vera: Oi! Out muna ako, may ihahatid lang ako kina Crayon!

sweet_siren: KK! gooooo. Ikamusta mo `ko sa taong yun!

Sophie de Vera: sure!

Hindi ko pa nasasabi sa inyo naaaa girlfriend na ni Crayon si Sophie! EWAN KO TALAGA HUH? Paano kaya na outsmart ni Crayon ang bestie kong si Sophie? Baka nabulag lang talaga si Sophie? Eh ang kulit-kulit ng Crayon na yun eh! NAUGHTY PAH!

"Talagang expect the unexpected!" Sabi ko habang pinapanood ang isa pang music video sa youtube.

Hanggang sa dumating na kami sa Pilipinas... "Expect the unexpected." parin ang bukambibig ko.

Sinalubong kami ni Kuya, Crayon at ang papa ni Crayon!

"Ang init..." sabi ko. "Sa Pilipinas." Habang pilit pinapaypayan ang sarili.

"WOW. Serene, naninibago ako sayo ah! Dalagang-dalaga ka na! Ang ganda-ganda mo na! May boyfriend ka na siguro noh?" Sabi ni Crayon with his naughty smile.

"HEH. Tigil-tigilan mo nga ako! Hindi ka parin nagbabago!"

"Ano baaah! Hindi naman kita linoloko eh!" He looked at me from head to toe. "Tsaka, babaeng-babae ka na talaga! Marunong ka ng manamit! So ano, may BF ka na ba?"

"Bakit ba?"

"Nagtatanong lang naman!" He smiled another creepy smile. "O baka naman... si Dae parin yung andyan?"

"TSEH! Wala pa nga akong BF pero... I`m so over that guy! DUH! As if naman walang cute sa States!"

"ABAH! At mas umarte ka pa."

"Eh kasi naman... ang kulit mo!"

"HMMM, Sigurado ka ba talagang 'you`re over him'" Ginaya pa ni Crayon ang boses ko.

"OO! Kahit iharap mo pa siya sa akin ngayon din, hindi na ako magwawala sa kaba!" Sabi ko sa kanya with all my heart.

"Okay, couz..." Ngumiti siya at inakbayan ako habang papauwi na kami sa bahay.

Kung nagtataka kayo kung ano na ang nangyari kay Charlotte... ewan ko. Basta ang alam ko, nag transfer na daw siya ng school pagka third year high school nila. Naging sila ni Dae, pero nagbreak din sila pag-alis niya. Oh well, that`s life.

"Hey couz, mag-aaral ka daw sa Hereux University! Maganda yan para masaksihan mo ang kasikatan namin noh!" Sabi ni Crayon at mukhang nagiging hambog na naman siya.

"Whatever, doon lang ako dahil nandoon si Sophie, Mina at Chyna. Tsaka, maganda naman dun eh!"

"Wa`g kang mag-alala, walang makakalapit sayo bukod samin! Syempre, dalagang-dalaga na ang paborito kong pinsan eh!" Sabi niya.

He`s hobby is to bug me... and it will be his hobby forever. At ngayon, nagiging excited na akong pumasok sa first day of school! First day din yun nina Crayon pero sikat na sila kaya magmumukhang hindi-first-day para sa kanila yun.

7th Fall

Serene Cruz: D-D-D-D-Dae.

Ewan ko ba kung maiinis ba ako o maiinis talaga dahil mukha atang kinakampihan ako ng malas ngayon. Una, di ko kaklase sina Sophie at kahit sino kina Crayon. Pangalawa, I`m so late. Pangatlo, ang layo ng classroom ko at di ko pa alam kung saan papunta yun! OMG, I`m still very sleepy. Tatlong oras lang ang tulog ko kagabi dahil di ako makapaniwalang stress na stress pa ako tapos pasukan na! Andito na ako.

I sighed as I entered the room. Andun na ang professor namin at kumpleto na rin ang mga kaklase ko. Umupo ako sa likuran at nakinig.

"Ang ganda ni Francine no? Kaklase pala natin siya?" Sabi ng lalaking katabi ko.

"Uh? Huh?"

"Francine, yung model! Kaya lang diba boyfriend niya si Dae ng Chapter Review?"

Chapter Review is the name of Crayon`s band.

"Ahhh." Napatango ako at nakita ko ang isang babaeng mahaba ang buhok at MAKINIS.

Francine... Dae?... Siya yung GF ni Dae? Classmate ko? Blockmate ko... na naman ang girlfriend ni Dae? May pagkakahawig sila ni Charlotte pero kung ikukumpara ko siya kay Charlotte, di hamak na mas maganda `tong Francine na `to. Kaya lang, matagal na kaming di nagkikita ni Charlotte eh. Pero anyway, namangha ako dahil ang kinis at ang ganda niya. Syempre, GF nga ni Dae eh. Dapat lang! Magiging insulto sa part ko kung pangit yung GF niya... hey, walang meaning yun ah!

"Hoy Serene, gumising ka nga!" Yinugyog ni Crayon ang balikat ko.

Nakatulog pala ako... sa klase.

"Crayon..."

"Ano ka bah! Buti na lang wala tayong pasok sa isa nating klase kundi ma-li-late kang talaga!"

I wiped my face. "Ano? Magkaklase tayo sa next subject ko?" Wala ng tao sa classroom.

Dumating sina Sophie at piniga ako sa yakap ni Mina at Chyna.

"Serene... ang ganda-ganda mo na! AS IN!" Sabi ni Mina... kulang na lang tumili siya.

I smiled and stared at Sophie and Crayon. HMMM, Bagay nga naman silang dalawa kung mukha ang pagbabasehan. Pero kung ugali... "Hoy Serene, akala ko talaga nagbago ka na, yun pala natutulog ka parin kung saan-saan."

"Kasalanan ko ba? Nag-aadjust pa ako noh! Tsaka, ang init dito ah!" My eyes were still tired.

Nakita kong dumating si Valen at Grey. Pumasok sila sa abandonadong classroom na tinulugan ko.

"WOOOOOOW, Idol... ang ganda mo na ah!" Sabi ni Grey.

IDOL - dahil sa lakas ng loob kong halikan si Dae nung umalis ako.

Bigla akong nakaramdam ng hindi magandang pangyayari. Biglang nagtindigan ang mga balahibo ko at para bang magkakaLBM ako, pero di naman masakit ang tiyan ko.

"tseh! maganda ka riyan!"

"Kaya lang, di ka parin nagbabago!"

I frowned... "Kita mo na!" Nagtawanan sina Valen at Grey.

Pati ang dalawang `to, hobby na rin ata ang abusuhin ako. Hinintay kong magpakita sina Dae at Drake kaya lang... "Sayang lang at wala ang first love mo dito. May ginagawa yun eh! Busy." Sabi ni Valen.

Hindi na ako nagreact at tiningnan ko na lang sina Mina at Chyna.

"Tsaka... alam mong may GF na siya diba?" Singit ulit ni Valen.

"Huh? Oo naman noh. tsaka, it`s not a big deal!"

"WOW. Wala ka na bang feelings para sa supladong yun?" Nagtawanan sina Grey, Valen at Crayon.

"Wala na nga kasi siyang feelings dun eh!" Buti na lang at sinagot na ni Chyna para sa akin.

Nang dumating kami sa malaking cafeteria ng Hereux, mas lalo akong nainitan. Ewan ko ba, nagcu-cultural change ba ako o mukhang lagi na lang akong kinakabahan dahil ngayon, iisang lupa lang ang tinatapakan namin ni Dae. Alam ko... wala na akong feelings para sa supladong yun, kaya lang di ko lang talaga maiwasang mag-isip sa kanya dahil siya lang ang lalaking minahal ko ng ganun.

Pero... wala na nga ba talaga!? OF COURSE! Ba`t ko ba tinatanong ang sarili ko? I`m certain.

"Si Dae!" Para akong nauntog nang narinig ko ang nakakabiglang boses ni Mina.

Lumingon agad ako at nakita ko si Crayon kasama ang iba pa sa kabilangtable ng cafeteria. Unfortunately, wala akong nakitang Dae.

"Serene, lika nga!" Sigaw ni Crayon sakin.

Pinagmasdan ko ang paligid pero wala parin akong nakitang Dae. Kaya lumapit na agad ako kay Crayon.

Nang papalapit na ako ng papalapit sa kanya, may naramdaman akong ENERHIYA sa likuran ko kaya`t lumingon pa ako bago makarating sa table.

"D-D-D-D-Dae."

"huh?" He stared at me blankly.

Para bang `di niya ako kilala. Suddenly, inakbayan ako ni Crayon at... "Dae, si Serene `to! Di mo na ba siya naaalala?"

He stared and stared and stared and stared and S-T-A-R-E-D at me.

And I stared at him, too... I WATCHED HIM CLOSE AND... my heart started to say something like...

8th Fall

Serene Cruz: ma-inlove ulit ako sa kanya?

... I`m falling for him again? NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO~!

"Ahh. Nakabalik ka na pala." His stare was still blank.

"Uh. yeah." I said, avoiding his eyes.

He ignored me and talked with Grey, "Mamaya na lang tayo ulit magkita, bad mood si Francine eh."

"Okay, naku Dae ayus-ayusin mo yan, ang ganda pa naman nun!"

"Crayon, kita na lang tayo mamaya..." Aalis na sana sia Dae kaya lang...

"Uh, Dae... Okay lang ba sayo kung isama ko si Serene sa mga practice or gig natin, kasi..." Dae stared at me again.

"-oo. Ikaw ng bahala." At nagmadaling umalis.

"Okaaay Dae... sabi mo weh. HIHIHI. >:D " Crayon and his dark plans. Nagtawanan pa ang apat na naiwan.

"Huy Crayon, anong isasama mo ako sa gig at practice?" I waited for his reply.

Kaya lang nagtawanan ulit ang apat na para bang mga partners in crime nila ang isa`t-isa. "Diba yun naman talaga ang gusto mo, Serene?" Sabi ni Drake.

"Huh? Anong gusto?"

"Nakuuuu. `tong pinsan ko, dinideny pa samin ang katotohanan. Akala mo bang naniwala kami na wala ka ng gusto kay Dae? HINDI NO~ Asa ka!"

"A-anong..."

"Alam mo Serene," Inakbayan ako ni Crayon at tinuro niya ang tatlo niyang kaibigan sa harap ko na pareparehong nakakaduda ang mga ngiti. "Alam naming apat na may gusto ko pa kay Dae. Sa itsura mo pa lang kanina - wala kang gusto kay Dae? Lokohin mo si LOLA, pero kami di mo maloloko."

"Kitang-kita naman sa kislap ng mga mata mo eh! May gusto ka parin kay Dae... eeeeeeeeeeeh" Dagdag pa ni Grey.

Kinalas ko ang braso ni Crayon sa leeg ko.

"Pwede bah! Tigilan niyo nga ako!" Umalis na ako dahil pinagtitinginan na ako ng mga tao... pero bago ako tuluyang makabalik kina Sophie...

"Akala mo ah! Binilin yan ng papa mo noh! Bantayan raw kita, wa`g ka ng mag-inarte jan! Aalalayan mo lang naman ako eh!"

Pinandilatan ko siya. "Sophie, pagsabihan mo nga yang boyfriend mo!" Sabi ko habang nagwawala sa harap nina Sophie.

"Serene, calm down! Hayaan mo na lang yun... Tsaka... mabuti na nga lang at ganun para naman may kasama ako."

"Huh?"

"Pinapasama niya kasi ako sa gig at practice nila kaya lang, wala akong kausap."

"Ahhh, ganun bah...?"

"Oo. Andun naman si Francine, pero di kami close at may pagka maarte."

"Aaaah." INIISIP KO SI DAE.

Unti-unti kong nagustuhan ang malagim na ideya ni Crayon.

"Hey Serene... may tinatago ka ba?" Tanong ni Mina na mukha pang nag-aalala.

"huh? Like what?"

"You`ve fallen for Dae again?" Tanong ng prangkang si Chyna.

Ngumiti si Sophie... "HAHAHA. Napansin niyo ring dalawa?"

OMG, ba`t ba sila nagsasalita ng ganyan? Hindi naman ah! Hindi naman ah! Hindi ah!

Nakita kong papalapit sina Crayon sa amin, mukhang aalis na sila sa cafe.

"Hindi ah!" I denied.

"Sophie, alis na kami. Dumadami na ang nakikiusisa sa amin, iba na talaga pag sikat!"

"Tsk... Whatever, o sige... I-interrogate lang namin `tong pinsan mong denial queen!"

"ABAAAA. Anong denial queen?"

Crayon and his group stopped by on our table.

"Talaga? Umamin na siya samin eh..." Sabi ni Grey.

Naku talaga... :( Mga sinungaling!

"Hay naku Serene... Kelan ka ba magtatanda! Hindi ka naman kasi marunong magsinungaling eh! Wa`g mo ng itago yang pag-ibig mo kay Dae na kasing tanda na ng panahon, okay!" Crayon tapped my head tapos umalis din sila.

Nagkatinginan nalang kaming apat sa table at... "Paano kung, ma-inlove ulit ako sa kanya?" :'(

Napa buntong-hininga silang tatlo at sabay sabay binigkas ang... "Ang sabihin mo, hindi nawala yung feelings mo sa kanya!"

They stared at me. Pinandilatan nila akong tatlo... "Eh..." I sighed.

9th Fall

Serene Cruz: Nagkaproblema kasi.

Nagmamadali akong pumasok sa elevator ng school dahil ma-li-late na ako sa isang klaseng wala ulit akong kilala ng may pumindot sa button at pumasok din.

Para ulit akong nauntog dahil ang pumasok sa elevator ay si TENENENENTENEN... DAE. Kami lang dalawa sa elevator at TAHIMIK.

Babasagin ko sana ang awkward moment sa pamamagitan ng pagsasalita, "Uhhh." Kaya lang...

*KRINGGGGGG*

Napalunok ako ng limang beses...

"Hello? Nasa building mo na-" napalingon siya ng bahagya sakin at OO, pinapanood ko si DAE.

"Ako lang mag-isa- Wala nga eh- Wala nga sabi- Sino naman ang- Wala akong kasama okay- Stop acting like that, Francine-"

Para akong nakikinig ng drama sa radio. Ang gwapo gwapo na ni Dae. Pangit kaya ako? Bakit ayaw niya sa akin? Kilalang-kilala ko na siya eh! Allergic siya sa shrimp, ayaw niya ng pinapakealaman, si Crayon ang bestfriend niya, magaling siya sa Math, mahina siya sa history, bunsong anak siya, mejo mayaman sila, may kuya sila, may ate siya, siya na lang ang nag-aaral ngayon, auditory learner siya, at... at marami pa akong alam sa kanya, alam kaya `to ni Francine?

"Sino na naman ba ang pinagseselosan mo ngayon?- Wala akong kasama, papunta na ako sa room mo- Okay, mamaya na tayo mag-usap- makinig ka muna jan-"

The door opened and he stepped out. Hindi pa doon ang floor ko pero para bang hindi ko maiwasang lumabas din sa elevator at sa KASAMAANG palad... nadapa ako at nadaganan ko siya. Tumilapon ang cellphone naming dalawa: magkaparehong unit.

"S-Sorry!" I leaned at his shoulders. Tumayo kaming dalawa.

He sighed and got his phone back immediately, "Saan ba ang room mo?"

"Huh? Uh..." kinuha ko rin ang cellphone ko. "Next floor." I smiled.

I feel like... he`s different. Tinanong niya kung saan ang room ko! OMG, kumalabog ang puso ko.

He looked away, "Ganun ba? Eh ba`t ka bumaba?"

Napayuko ako dahil ako mismo, walang sagot. :(

"Sorry Serene, `di kita maihahatid... may susunduin pa ako!"

"Huh? Ano ka ba... Dae... Hindi na ako bata! Hindi ko namalayang sa itaas pa pala ang room ko eh kaya yun!" Agad kong pinindot ang button sa elevator, dahil naririnig ko na naman ang puso ko.

AYOKO NA~! Pero I can`t resist the moment! I can`t resist my heart! I CAN`T HELP IT!

I smiled, pero tinalikuran niya ako. I looked at my watch and... "Worth it! Bahala na kung late ako!"

HAAAAAAAAA~ May plano siyang ihatid ako kung wala siyang susunduin? OMYGOD. Nagha-hyperventilate na ako at para akong mabubuang na sa saya! WAAAA~ WAAA~ Ehem, simpleng bagay lang yun pero para na akong mawawala sa sarili! Lintik na Dae! GRRRR. Walang duda, I still have feelings for him. BAHALA NA NGA!

Agad akong umupo sa pinakamalayong upuan... I caught our Teacher`s attention. "Miss?"

"Cruz." :-[

"Cruz... Buti na lang at orientation pa ngayon, I don`t want anyone in my class - as late as her!"

The whole class was staring at me. Patay... wala pa akong kilala huh!

"Okay... where are we..."

*KRIIIIIING*

*KRIIIIIIING*

Ugh, my phone is ringing!

"Miss Cruz, sagutin mo yung fone mo!" Ano ba naman `tong teacher ko, parang kakain ng tao!

I excused myself and...

"Hello?"

"Hello... Hello?"

Napatingin ako sa phone at binalik ulit sa tenga ko. Lumabas ako sa room, "Hello?"

"Hello! Sino `to?"

"Si... Serene! Sino ka?" Sumulyap ulit ako sa phone.

Francine?

"Serene? Oh my God! Asan si Dae! Sinasabi ko na nga ba! Yung lalaking yun talaga!" Narinig ko na ang hikbi ng babaeng - ng girlfriend ni Dae.

"Uh? huh... Ah. nagkapalit ang-"

"Ikaw siguro yung kabit niya no! Kaya pala busy siya! AAAAAAAAAAAAAAAARGH!"

"Huh? Miss. Nagkakamali ka-"

"Go to hell! Alam mong may girlfriend ang tao ah-"

"Hello? hindi mo naiiintindihan, miss- ako si-"

"Anong di ko naiintindihan!? Alam kong gusto mo siya... pero ako ang girlfriend niya, miss!" She cried. "Andyan ba siya... let me talk to him! let me talk to him! ano baaah!?" Naririnig ko pa ang pintuan ng CR na kumalabog.

She locked herself on the CR! This Francine-girl is a bit delusional! Bakit ba? Is Dae cheating? Hindi naman siguro! Wala yun sa ugali ni Dae! Pero bakit ganito siya?

"W-Wala siya dit-"

"Anong wala! Sinungaling-"

"Alam mo, hindi ako nagsisinungaling! Hindi ako kabit ni Dae! Wala siyang ibang girlfriend! Ikaw ang mahal niya! nagkapalit kami ng phone! My goodness! PAGSALITAIN MO MUNA AKO PWEDE?" Lumingon ang mga kaklase ko sakin at napalabas ang teacher ko.

I stared at the phone... "Low bat nah! AAAAAAAAAAAAAAH!"

"Miss Cruz, sino ba yang kausap mo? Importante ba yan?"

"Ma`am uhhh, sorry. Nagkaproblema kasi."

Pumasok ako sa loob at umupo, kaya lang... My mind is still wandering! ANONG GAGAWIN KO!? BA`T GANITO ANG NANGYARI? GRRRRR. MALAAAAAAAAAAAAAAS.

"Si Dae ng chapter review ba ang tinutukoy mo dun sa phone?" Tanong ng katabi kong babae.

"Uh, Oo."

Ba`t ba ang sikat-sikat nila!? Atsaka... wait... I really really need to find day as soon as possible! My goodness.

10th fall

Serene Cruz: para sabihin sa kanya ang totoo!

*SLAAAAP*

"Sige nga! Explain to me, Dae! Sino si Serene!? I`m sure narinig ko na yung pangalan niya sa usap-usapan niyo ng kabanda mo!" She was very angry.

Andito ako sa floor kung saan bumaba si Dae kanina at pumunta ako sa pinakamalapit na CR only to find out na nakalabas na si GIRL sa CR at ngayon, nagkita na nga sila!

*SLAAAAP*

She slapped him again!

"Ba`t ayaw mong magsalita?"

Tinitigan ni Dae ang phone niya---ang phone ko.

"Francine, you`ve got it wrong! Nagkapalit ang phon-"

"What wrong Dae?" Gush, she was completely hysterical and duhhh! "So... sino si Serene? And why is your phone with her!"

"Si Serene... pinsan ni Crayon!"

"Sooo, yun pala ang pinsan ni Crayon na tinutukoy nila! She`s also your fan right?"

Kamuntik ko ng ihagis ang cellphone ni Dae sa mukha ng girlfriend niya kasooo... pinigilan ko ang sarili ko. Nananahimik ako at nagtatago sa gilid at hinintay na kumalma ang dalawa.

"Anong fan ang pinagsasabi mo?"

"She`s your fan! Ilang beses ko ba talaga kailangan ulit-ulitin sayo na wag ka masyadong lumapit sa mga fans mo! Mga flirt sila!" She cried and cried!

"Anong fan ba ang sinasabi mo? Serene is not my fan!-"

"Shut up! Ganyan naman lagi ang sinasabi mo eh!" Francine cried and cried.

Buti na lang walang tao dito. I sighed and continued listening.

"Well... Serene is your number one fan! Sa mga kwento nila tungkol sa inyo noon, there is no doubt!" Umiiyak si Francine at galit na galit ang kanyang mga mata.

Ang babaw naman ng babaeng `to! At nakakainis pa`t tinawag akong fan! NUMBER ONE PA!

"Asan ba siya! Sige nga... ipakilala mo siya sa akin! Sige nga Dae! kung kaya mo!-"

"ENOUGH FRANCINE! Sumusobra ka na! Were better off if you won`t trust me!" Sabi ni Dae na mukhang nauubusan na rin ng pasensya sa girlfriend niyang selosa!

"Okay if that`s what you want then..."

ONE LAST

*SLAAAAP*

Umalis si Francine at si Dae naman, naiwan. He sighed.

OMFG. Nakita ko ba ang buong pangyayari ng THE BREAK-UP? Tapos... ako pa ang naging dahilan? OMG, I need to go somewhere far... I need to escape.

Habang papaalis na ako, "Akin na ang phone ko!"

Napalingon ako kay Dae na umuupo sa bench malapit sa lugar na pina-awayan nila.

"H-Huh? P-Paano mo nalaman na andito ako?"

He is cool. He is cooler this time.

Lumapit ako sa kanya para ibalik o makipag-exchange ng phone niya. Binigay niya naman sakin agad ang phone ko.

"Hindi ka marunong magsinungaling at the same time hindi ka marunong magtago."

Katahimikan.

"S-Sorry."

"It`s not your fault." What is it, sarcasm?

"Involve ang pangalan ko simula`t sapul ng pag-uusap niyo! >:( Tapos..."

"Oo, kasalanan mo na~!" Sabi niya.

"Uhhh. Sorry."

Tinitigan niya ako. He was irritated.

"Uhhh, ba`t di mo siya sinundan?"

"Ilang beses niya nga akong sinampal?"

"TAT...LO."

"Kung ikaw ang nasa part ko, hahabulin mo ba siya?"

"Uhhh-"

Okay now, that`s the conversation! Naninibago ako sa kanya, hindi naman kasi siya ganito dati. I mean... hindi niya naman ako nakakausap. HINDI NIYA AKO KINAKAUSAP. Pero bakit ngayon, parang iba na siya? MAS OKAY NGA YUN EH!

"Hindi niya ako pinapagsalita! Tapos, hahabulin ko siya? para saan? Para masampal ulit?" Tanong niya sa akin, and he was hiding his frustration.

I sighed... I sighed... And sighed.

"Kung ako sayo, hahabulin ko siya."

Tinitigan niya ako...

"Hahabulin ko parin siya kahit ayaw niya akong pakinggan, hahabulin ko parin siya para sabihin sa kanya ang totoo!"

Tumayo siya at parang mas lalo siyang nairita sa mga sinabi ko. :(

"Ba`t ko ba tinatanong sayo `to!? Eh di naman tayo pareho... martyr ka eh!" tapos tinalikuran ULIT ako at umalis.

Parang ang sarap niyang batuhin ng cellphone! NAKAKAINIS SIYA! NAKAKAINIS AKO! Eh... tinanong niya eh! Yun naman talaga ang nasa isip ko!! ARGH! DANG IT! Parang gusto kong manuntok!

Oo, martyr nga ako! Pero ba`t binanggit pa niya? Tinutulungan ko lang naman siyang makipag-ayos sa GF niya eh! Oo, martyr yun pero... at least naman sana nagpasalamat siya dahil kahit masasaktan ako pinayuhan ko parin siya ng ganon! GRRRR...

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText