<xmp> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d-6655976147303528743', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

fortysix-fifty


FORTYSIX
Celestine Herrera: Okay lang.







"Kung wala na kayong tanong, then you're dismissed."

Sabi ng professor namin, hindi kami mag mi-meet for one month para makapagresearch kami ng mabuti.

"See you next month!"

Grabe. Ang hirap ng subject na ito.

Sumulyap ako kay Gianna.

"Grabe, meant to be talaga kami ni Gab. Hehe." Sabi ni Gianna sakin.

Liniligpit niya ang mga gamit niya. Sumulyap ako kay Gab at nakikipagkwentuhan pa sa teammates niya.

"Uhmmm, Gianna..."

Since talong-talo ako sa pagka 'meant to be' nilang dalawa, hindi na ako aangal. Ito na siguro ang sign na nagsasabi saking tumigil na ako kay Gabriel at mag move-on na. Kung di man ako makahanap ng iba, okay lang, ang importante makapag move-on na ako.

"Balita ko... Kayo na ni Gab."

Natigilan siya at nakinig ng mabuti sakin. She tilted her head.

"Uhmmm."
"Kahapon ko lang siya sinagot. Hehehe. Hindi kita nasabihan, sorry. Sasabihin ko sayo ang detalye sa inyo ni Jana next time."
"Uh... Oo nga eh." Ngumiti pa ako. "Uhm, mahal mo ba siya?"

Naging seryoso ang mukha niya.

"Syempre naman! Di ko siya sasagutin kung hindi."
"Uh..." Sabi ko nga. "Masaya ako't mahal niyo ang isa't-isa. Uhmmm, nakikita ko namang s-seryoso siya sayo... kaya...-"
"Kailangan ko rin siyang seryosohin?"

Napatingin ako kay Gianna.

"Oo! Seryoso din naman ako sa kanya ah!?"
"Uh..." Sabi ko nga ulit! "Oo. Alam ko naman yun. Sana maging happy kayo. Tsaka... ako ang unang magiging kalaban ng makakahadlang sa inyo!" Smile.

Hay! Buti at ngumiti din siya sakin. Akala ko nagalit siya kanina. Tapos, yinakap niya ako.

"Awww. That`s so sweet! Love you, cel!"
"Heheh. Love you too, Gianna."

Tumayo siya pagkatapos ng yakap niya.

At nandun na rin si Gabriel sa likuran niya.

"So... ano, Cel, sa library lang kami ni Gab ah?"
"Mag reresearch tayo?" Tanong ni Gabriel kay Gianna.
"Oo. Sisimulan na natin. Maaga tayong na dismiss eh."
Tumango si Gab at sumulyap sakin. "Di ka ba sasama, Cel?"
Tinuro ko pa ang sarili ko sabay, "A-ako? Ba`t ako sasama?!"

Yoko na nga diba? Iniiwasan na kita ngayon.

"Nga pala... sino yung partner mo?" Tanong ni Gianna.
"Si... Dexter?" Sagot ni Gab.
"Oo. Si Dexter. Yung teammate din ni Gab." Sabay turo ko kay Dexter na nakatingin samin.

"Cel... I`ll text you later ah?" Sabi ni Jana habang kinakalabit ako, nagmamadali yata. "Makikipag change partners lang ako. Di ko kilala yung partner ko eh. Asan ba yung Cid na yun...? Grrr. Sige!" At umalis din.

"Ahhh. Kilala mo na pala!? Mabuti na lang at kaibigan mo yung partner mo."
"Hehe. Oo nga eh. Kaya, Gab... Okay lang ako. Sasabay na lang ako kay Dexter sa library kung pupunta ako."

Dahil wala na nga si Jana sa upuan niya, nabigla ako nung tumabi si Dexter sakin.

"Oi! Tol! Swerte mo ah, partner mo yung crush mo!" Sabi ni Dexter kay Gab.

Inakbayan ni Gabriel si Gianna.

Aray. Ano? Ang sakit? Hindi. Mejo lang. Sa harapan ko kasi eh. Sana di ko makita yung paglalambing ni Gab kay Gianna, ano?

"Hindi, tol! Girlfriend ko na `to."

OUCH to the nth level! :'( :'( :'(

Nalaglag ang panga ni Dexter habang tumatango at sumusulyap sakin.

Linunok ko na lang lahat ng laway ko.

"Oo, kahapon lang." Hinalikan ni Gianna si Gab sa pisngi.

ARAY! Para akong binagsakan ng bato dun ah? Hindi ko pa nahalikan si Gab eh! HUHU. Ay!

"Awww. Sorry. Huli pala ako sa balita." Sabi ni Dexter.

Pagkatapos nung sinabi niya, tumahimik na lang siya habang tinitingnan ako.

"So, ano, Gianna... pupunta na ba kayo ng library ngayon?"
"Uh-huh. Kayo?"

Tumingin ako kay Dexter. Then he stared at me. Parang malalim ang iniisip niya.

"Uh, no! Bukas na lang siguro kami mag sisimulang magresearch."
Tumango ako.

"Ow. Sige, mauna na kami ni Gab, Cel ah? Bye!"

Hinila ni Gianna si Gabriel. Holding hands.

"Cel," Hinila ni Gab pabalik si Gianna. "I-text mo ako ha."
"H-Huh?"

Tapos siya na ang humila kay Gianna papalayo.

"Itext?" Sabi ko.

Ano naman ang itetext ko sa kanya? Argh. :(" title="Angry" class="smiley" border="0">

Narinig ko ang pagsinghap ni Dexter, "Pasensya na. I never thought..."
Tumango ako. "Okay lang." Ngumiti ako sa kanya pero di niya ako nginitian.
"Kaya ka ba nalasing last Friday dahil diyan?"


FORTYSEVEN
Celestine Herrera: Palagi nga eh.





"Oo eh."

Pagkatapos nung sagot ko sa tanong niya. Wala na siyang binanggit ulit o tinanong tungkol dun.

Okay na rin sakin yun. mukhang alam niyang gusto ko ng kalimutan yung nangyaring yun, gusto ko ng kalimutan si Gab.

"Eto pa, related yata sa topic natin." Sabay bigay niya ng isang libro sakin.

Isang linggo na ang nakalipas simula nung nagpartner kami ni Dexter. Kaya lang, ngayon pa lang namin napagdesisyunang magsimulang mag research sa topic namin. Paano ba naman kasi, mejo busy na sa iba't-ibang gawain. Ngayon lang yata mejo humupa ang mga requirements eh.

"Oo nga! Sige, kokopyahin ko muna `to." Sabay kuha ko sa libro.

Umupo siya sa tabi ko. Sa gitna naman namin ay mga librong nakapatong-patong.

"Ewan ko nga eh! I still don't know what to give him on his birthday! Ano kaya ang maganda? Naku! Nahihirapan ako eh. Next month pa naman yun."

Hay! Ang ingay naman dito. Sana mapansin ng ibang estudyanteng may nakapaskil na 'silence please' kahit saan dito sa library.

"Alis na muna kami, may pasok pa eh. Ikaw? Ay oo! Ayan na ang bf mo oh!"

Tapos konting tilian.

"Sige na! Bye!"

Tili ulit.

"Sige bye! Text kayo ah!"

Lumingon ako sa mga nagsasalita.

At, forgive me, potekkkk! Bigla ba naman akong sinorpresa ng pagyayakapan nila ng lintik kong bestfriend? Syempre, sino pa ba yung yumayakap sa kanya edi ang maganda kong cousin!

Parang may sabon na pumasok sa mga mata ko at humapdi ito. Tumingin ulit ako sa kinokopya kong libro at suminghap.

"Bakit?" Tumigil si Dexter sa pagsusulat at tiningnan ako.
"W-Wala."

Birthday ni Gab? Next month na yun ah! Anong pakealam ko? May girlfriend na siya. Pero... hindi, bestfriend niya ako kaya syempre concerned din ako sa birthday niya.

"Ang tagal mo ah."
"Nag-usap pa kasi kami nina Jude eh. Sorry. hehe."
"Hmmp."

Annoying! Bakit kailangan ko pang marinig to? Tsaka, teka, kailangan ko bang ipalam sa dalawa na nandito lang ako?

Bahala na nga sila!

"So ano, magreresearch na ba tayo?" Sabi ni Gab.
"Huh? Research? Next time na lang! Nakakainis ka eh." Lumambing ang boses ni Gianna.

Natigil na naman ako sa pagsusulat. Dumami kasi yung erasures ko simula nung nakita ko ang dalawang nagyakapan.

"Sorry na."

Bwisit! Naiinis ako lalo sa boses ni Gab!

"Bakit, Cel?"

"Alis na lang tayo dito! Pinag titinginan na tayo ng mga tao eh. Tsk. Take me anywhere. Kailangan mong pagbayaran na pinaghintay mo ako."

Napatingin ako sa paligid, at nakita kong pinagtitinginan na nga sila ng mga tao.

Nakakainis ang dalawang `to! Ako yata ang nahihiya sa mga pinaggagagawa nila.

"Wala lang. Mejo, may naririnig lang ako." Sabi ko kay Dexter na kanina pa naghihintay ng sagot.

Lumingon si Dexter sa likuran.

"Owww."
"Cel?" Sabi ni Gab.

Napalingon na rin ako sa likuran. Nakita niya siguro si Dexter kaya napansin din niya ako.

"Uy! Kayo pala!" Plastik ko talaga.

Tumayo ako para harapin silang dalawa.

"Anong ginagawa n-niyo dito?" Tanong ni Gab.
"Kami? Ano pa bang ginagawa sa library? Edi research!" Hindi lampungan!
"Aww. Kami din." Sabi ni Gianna.
"Ahh. Talaga? Buti pa kayo. Malayo na siguro ang inabot niyo sa research ano? Kami, kakasimula pa lang eh."

Research? Eh kanina sinasabi niyang lalabas na sila ng library.

Nakatitig si Gab kay Dexter.

"Mejo lang naman. Marami pa kaming di nababasa eh. Ngayon nga, gusto ko munang mag break." Sabay kapit niya sa braso ni Gab.
"Ahhh."

Wala na akong masabi.

Surprisingly, nakita kong linigpit ni Dexter ang mga gamit ko... gamit niya... gamit namin.

"Cel, let`s take a break. Mejo kanina pa tayo dito eh." Ngumiti siya sakin.

DEXTER! YOU ARE MY SAVIOR! WAAAA~!

"Oo nga. Mejo gutom na rin ako eh." Ngumiti din naman ako sa kanya.
"S-Saan kayo pupunta?"

Tumingin ako kay Dexter.

"Kung saan may pagkain, syempre."

Inabot ni Dexter sakin ang bag ko.

"Kayo? Akala ko aalis kayo?"
"Oo eh. Diba Gab?"

Ewan ko pero may napapansin ulit ako sa ekspresyon ni Gab. Kung ano man yun, ayoko nang alamin, kasi baka mali na naman ako.

"Oo. Tayo na!" Sabi ni Gab kay Gianna.
"Sabay na kami palabas sa inyo." Sabi ko.

Syempre, sumabay na rin kami ni Dexter. Wala naman akong masamang intensyon o kung ano sa sinabi ko.

Nauna pa nga kami ni Dexter sa paglalakad eh. Kaya sinikap kong maayos ang paglalakad ko, maayos ang buhok ko sa likuran, maayos ang bag ko, maayos ang damit ko, maayos ang pagdadala ko ng libro. Kailangan maayos lahat kasi si Gianna at Gab nasa likuran lang. Ayokong makita nilang hindi ako maayos.

"Ako na magdadala ng mga libro, Cel." Sabay hawak ni Dexter sa libro ko.
"O-O sige. Salamat." Ngumiti na lang ako sa kanya at binigay ang libro.

"Uy Dex!!" May nakasalubong pa kaming kilala siya.

Syempre patuloy parin kami sa paglalakad.

"Uy pare!"
"Uy sino yan?! Abahhh, may girlfriend ka na? Ang ganda pa!"

Aruuuy! Astig yun ah?! Tinawag akong maganda?

"Hindi eh. Sige! Alis na kami!"
"Sige!" Nakangisi lang yung kaibigan niya hanggang umalis na kami.

"Asus! Maganda!? HAH!" May side comments akong naririnig sa likuran ah.

Alam kong si Gab yun.

"Anong sabi mo?" Lumingon ako sa likuran at nasaksihan ko ang pag-akbay niya kay Gianna.
"Nagustuhan mo naman yung sinabi? Bulag yun!" Ngumiti siya. Evil smile.

Ba`t ka ngumingiti diyan? Di naman nakakangiti yung sinabi mo? Kung joke man yan, sana sa susunod yung tatawa ako ha?!

Binigyan ko siya ng pinakamaasim kong mukha.

"Joke lang yun nukaba! hehe!" Bawi niya.

Hindi na ako nagsalita.

"Panu, Gab, Gianna, aalis na kami."
"Saan ba talaga kayo pupunta?" Tanong ni Gab.
"Uhhh." Tumingin si Dexter sakin.
"Mag-iisip nalang muna kami. Tayo na Dex! Sige, bye!" Nginitian ko si Gab.

Pero hindi siya makangiti sa ngiti ko. Ayokong mag-isip ng kung ano habang kinakawayan ko sila at papaalis kami, kahit na talagang nakikita kong hindi niya nagugustuhan ang pagsama ko kay Dexter.

Eto na..... magmomove-on na ako. Mag momove-on na talaga ako.

Tumingin ako kay Dexter at nakatingin din naman siya sakin.

"Di kaya siya nagseselos?"
"Hindi. Ganun lang talaga yun kung makareact."
"Ahhh. Buti di mo nami-misunderstood yung reactions niya?"
"Palagi nga eh." Tumingin ulit ako sa kanya.
"Then you should avoid him."

See!? I should avoid him!


FORTYEIGHT
Celestine Herrera: Alis na talaga kami.




Oo, ganun nga ang ginagawa ko. Avoid. Avoid. Avoid. Hindi ko nga lang alam kung napapansin niyang di ko siya pinapansin.

Hindi ko rin alam kung gusto ko bang mapansin niyang di ko siya pinapansin. Mga tatlong linggo na kasi ang nakakalipas ng hindi ako sumasabay sa pag-uwi sa kanya at di rin sumasabay papuntang school. Hindi niya naman ako tinitext kung saan ako nagsususoot. Halos nga iniisnaban ko na siya pag nagkikita kami. Kaya lang, pakiramdam ko, nawawala yung pride ko kapag di ko siya pinapansin. Para bang guilty ako at nagseselos sa kanilang dalawa ng pinsan ko.

Napabuntong hininga na lang ako habang binabasa ang libro sa harapan ko. Nasa cafeteria kami ni Jana. Kumakain siya, nagbabasa ako. Nakakabanas nga eh kasi ang ingay ng mga tao.

Hinihintay ko rin si Dexter ngayon kahit wala kaming usapang magkita eh. Di ko pa kasi natatapos yung parte ko sa research kasi may hindi ako maintindihan.

Bigla kong napansin ang pagtitig ni Jana sakin kaya tumingin ako sa kanya. May nginuso siya sa likuran.

Lumingon ako at nakita ko si Gab papunta samin.

"Celestine..." Parang may tono yung pagkakasabi niya sa pangalan ko.

Masaya siguro siya.

"Oi!"

Kinurot niya ang pisngi ko habang tumatabi kay Jana. Nasa harap ko na siya ngayon at ngiting-ngiti.

Nangingiti na rin ako dahil sa ngiti niya. At siguro, dahil na rin ito sa pagkamangha ko ngayong kaharap ko na ulit siya - ng walang kasamang iba.

"Kamusta ka na? Ba`t di ka sumasabay sakin?" Nakangiti parin siya habang tinatanong ako.

Nakangiti lang din ako.

Ewan ko kung bakit manghang mangha parin ako sa ngiti niya.

Hanggang sa halos hambalusin na ako ni Jana ng libro sa harapan ko dahil sa pagtutunganga ko sa harapan niya.

"Ehem!"
"Uhhh. Ahh! Okay lang naman." Tumingin ako sa libro ko para madistract ako.

Kainis ka talaga, Cel! Kaya bagay sayo ang masaktan eh, ang tanga mo kasi!

"Sinong kasakasama mo tuwing umuuwi ka? Maaga ka na sa school ah... di na kita naabutan sa bahay niyo. Halos tatlong linggo ka ring hindi masyadong nakikipag-usap sakin."

Abah! Iba `to ah? Binibilang niya ang mga linggo. Napansin niya rin ang halos lahat ng mga detalye.

"Uhh... Kasama ko sa pag-uwi? Ako lang naman... Tapos... maaga ako sa school para sa research namin ni-"

Nakatingin na siya sa likuran at parang siya naman ang namamangha ngayon. Bakit?

Tumingin din ako sa likuran. :o

May kung anong hangin, masamang hangin, ang sumalubong sa mga mata ko. Si Gianna, ang sexy niya talaga. With all those curls and skirts. Grabe... ang kinis ng legs niya. Nakakaakit din ang mata niyang may konting make-up. At ampupula ng labi niya. Hindi ko masisising lahat ng lalaki dito'y nakatingin sa kanya.

At syempre, lahat ng lalaking yan kaiinggitan ang lalaking nagmamay-ari sa kanya. Kung sinong nagmamay-ari sa kanya? Eh etong tumatayo sa harapan ko, ngiting-ngiti, habang sinasalubong si Gianna.

"Babe, happy monthsary!" Sabay halik ni Gianna sa pisngi ni Gab.

Please lang! Minor de edad pa po ako.

"I love you." Sabi ni Gab.
"I love you too." Sagot ni Gianna.

Hinampas ako ni Jana ng libro para matoon ko ang pansin ko sa kanya.

"Ano?" Binigyan ko siya ng masamang tingin.
"Hayaan mo na yan! Ayun yung sa`yo o!" Nginuso ulit ang lalaking papunta samin... si Dexter.

Ang saya ko! At least ha! Akala siguro ni Gab na siya lang meron? Ako din noh! Ang feeling ng unggoy na yan.

"Cel! May practice kami mamaya sa gym, punta ka ah?" Papaalis na sina Gab.

NOOO! Wait! Kailangan niyong makita kung sino ang paparating!

"Ha? uhh. Not sure."
"Anong not sure? Sige na! Kahit yan na lang ang gift mo sa nalalapit kong birthday... pumunta ka sa game at sa practice mamaya."

Shet! O sige! Yun lang naman pala ang hinihingi mo eh! Tse! Unggoy ka. Kung sana puso ko ang hiningi mo sa birthday mo eh baka... masampal kita. Ngek. At bakit niya naman hihingin ang puso ko?

"Cel!"

Ayan naaa! Si fafa Dexter!

"Oi Dex! Nga pala. Mag papatulong ako sayo..."

Echepwera kayong mag syota jan. Alis na kayo sa tabi ko, shooo!

"Cel! Ano? Ha? Punta ka mamaya." Sabi ni Gab.

Walang comment ang mokong kay Dex? Pwes... kung naka move-on na siya sa pagseselos niya kay Dexter, eh ako rin naman, nakamove-on na rin sa pagseselos sa kanilang dalawa.

"O sige na nga. Pupunta ako. Panonoorin ko din si Dexter eh." Di ako nagpapaselos ah.

Tumingin ako kay Dexter at tumingin na lang din siya sakin.

At ngayon!!! FOR THE WIN!

"Jana... punta kami ni Dexter sa library... sumama ka na lang samin."

Nanlaki ang mata ni Jana, "Wa`g na no! Kayo na lang! Hihintayin ko pa si Cid! Kita na lang tayo mamaya sa gym!" Tinaas niya ang kilay niya.

Nakatunganga parin sina Gab sa harapan namin at nakikinig sa mga plano ko para samin ni Dexter.

"Ako na magdadala ng libro mo. Ang dami nito ah? May locker ka ba?"
"Huh? Wala eh." Sabay tayo ko.

Tumabi ng konti si Gab.

Inayos ko pa ang bag ko habang nagpapacute.

"Kung gusto mo... may locker ako. Iwan mo ang books mo minsan sa locker ko. Bibigyan kita ng key." Sabay ngiti niya sakin.
"Huh? Wa`g na no. Nakakaabala lang ako sayo. Hehe."
"Hindi naman! Seryoso. I`m just concerned..."
"Bakit, Dexter? Nabibigatan ka ba sa librong dinadala mo lagi pag magkasama kayo?" Tanong ni Gab habang naka evil smirk.
"Hindi naman. Okay lang kung ako ang magdadala, pero kung siya na..." Sabay tingin sakin. "di ko talaga matiis tingnan."

Katahimikan.

Kinurot ni Jana ng palihim ang likuran ko... alam ko kung bakit niya ginawa yun. Dahil siguro sa sinabi ni Dexter.

"Dexter naman! Kahit mejo payat ako, kaya ko naman ang books ko eh. Salamat sa concern. Hehehe." Sabi ko.
"Onga! Kahit payat yan... kaya niyang bumuhat ng bahay. HAHAHA." Sabi ni Gab.

HARHAR!

"Hindi naman dahil sa payat siya... ayoko lang talagang nakikitang nahihirapan siya."

Mejo natameme si Gab!

"Uh... HAHAHA. Thanks Dex! Kakakilig ka naman! Anyway, Gab... tapos na ba kayo sa research?"

Change topic muna. :-[ :-[ :-[

"Uh..." Seryoso na ang lolo mo. Anong nangyari? "Lapit na, actually. Hindi muna kami gagawa ngayon, monthsary eh... alam mo na... celebrate."
"Oh. Wow! Daming celebration ah? Monthsary niyo ngayon, birthday mo next week..."
"Oo nga eh."
"Hmmm, o sige Gab! Alis na talaga kami. Gianna, Jana... bye!"
"Bye!" Kaway ni Jana.
"Bye, couz!" Sabi ni Gianna.

Umalis na ako at sumunod si Dexter.

Ayoko sanang lumingon ulit sa kanila pag-alis namin eh kaso, napalingon talaga ako.

Nakita kong nagholding hands ang dalawa habang umaalis sa cafeteria...

Whatever. Hanggang dito nalang talaga kami. Just friends... Friends parin ba talaga kami? Mejo may gap na eh. Basta... we're just like this... until here... nothing will change.



FORTYNINE
Celestine Herrera: Hi-Hindi na... siguro.




Naiisip ko kung tama kaya yung pagiging tahimik ko habang kasama ko si Dexter kanina sa library. Siguro, nabored siyang kasama ako. Kailangan kong bumawi sa kanya! Sasama ako pag-uwi mamaya kasi sabi niya ihahatid niya raw ako kung gusto ko. Pero di ko siya nasagot kasi di ko alam kung sasagutin ko siya o hindi. Kaya ayun, umalis na siya papuntang gym dahil sa practice nila.

*Krrrinnng*

"Hello?"
"Asan ka na! Naku! Lika na dito!" Excited ang boses ni Jana.
"Oh. Bakit? Susunod na ako."

Binilisan ko ang paglalakad ko papuntang gym.

"Galit si Stacey! Hahaha. I mean, wala siya sa mood. Pinag-iinitan niya yung pinsan mo!"

Ang evil talaga ni Jana oh. Alam niya namang pinsan ko yung pinag-iinitan eh natutuwa pa siya.

"Huh? Bakit? Anong nangyari?"
"Lika na dito! Bye!"

Binaba niya naman agad.

Grabe, ano naman kaya yung nangyayari dun at parang excited si Jana. Hmmm. Ilang sandali ang nakalipas, nakarating din ako sa gym.

"San ka, miss?" Hinarangan ulit ako ni manong guard.
"Sa loob po. Sa practice."
"Hindi ka naman cheering squad member ah? At impossibleng varsity ka ng basketball."
"Hindi nga po! Pero... you know..."

Isip ng paraan, Cel! Baka linilechon na ni Stacey ang beloved cousin mo!

"Uhm... Si... Soriano. Gabriel Soriano. Boyfriend ko! Girlfriend niya ako. Manong, di niyo ba ako naalala?" Sabay ngiti ko.

Please! Sana maalala ako.

"Girlfriend? Eh pumasok yun dito kanina, kaholding hands yung isa sa cheering squad. Impossibleng ikaw ang girlfriend niya."

O-M-G. Nawalan na ba ako ng privilege?

"Hindi po totoo yan! Ako yung tunay niyang girlfriend!"

Ano ba naman `to! Nakakahiya naman `tong mga sinasabi ko. HAHA

"Anong tunay?"
"Manong... ako po yung tunay na GF! Yung kanina, kabit niya yun-"
"Cel?"

Oh my! Lumingon ako sa likuran at nakita ko si Dexter... number 17!

"Uh..." Grabe, feeling ko namumula ako habang tinitingnan ko siyang nakangiti at parang gusto ng tumawa. Narinig niya yata ang mga sinabi ko.

"Kabit?" Sabi ni manong guard.
"Uhhh." Sumingit pa talaga siya. Sana lamunin na lang ako ng lupa.
"Ako na pong bahala sa kanya. Ako po yung boyfriend niyang sinasabi." Sabay akbay ni Dexter sakin.
"Huh?"
"O-Opo! Sorry! Salvador pala. Hindi Soriano! Sorry, manong guard. Ex ko na po yung Soriano."
"O sige sige!"

Inakbayan ako ni Dexter papasok ng gym para makita nung guard na kami na nga.

Syempre, pagkapasok namin dun, tinanggal niya na ang kamay niya sa balikat ko.

"Okay ba?" Sabi niya.
"Oo! Salamat ah!" Napabuntong-hininga ako. "Kala ko di na ako makakapasok dito eh. Yung excuse namin ni Gab, di na pwede, buking na yata."
"Baka kailangan mo ng baguhin yung excuse niyo." Ngumiti siya sakin.
"Oo nga eh."

May pumito sa malayo.

Napatingin kaming dalawa ni Dexter. Una kong nakita ang mga mata ni Gab sa aming dalawa bago niya tinoon ang pansin sa pumito - si Stacey.

"What the heck? Ikaw ang panira sa group na `to eh! Bumalik ka na nga lang sa bleachers!" Sabi ni Stacey kay Gianna.

Si Gianna naman, nakadapa sa sahig at parang nahihirapan na.

"Away babae na naman. Tsk. Kawawa naman ang pinsan mo." Sabi ni Dexter.

"Stacey, wa`g namang ganyan." Umapila pa talaga si Gab. "She`s doing her best. Pinapansin mo lang yata ang mga mali niya."

Ayan na, tumigil na ang pagpa-practice ng mga varsity at nakealam na sa cheering squad.

"Sorry Gab. I`lm the cheerleader here. Hindi talaga ako contented sa performance niya eh."
"Then let her rest."
"Yeah! Got that Gianna? Balik sa bleachers!"

"Gab! Wa`g ka ng makealam diyan." Sigaw ng coach nina Gab.

Pinasa niya ang bola sa kasama niya, pero naramdaman kong galit at mabigat ang pagkakapasa niya sa bola, para bang nanggigigil siya.

Hindi ko na rin maitsura ang mukha niya. Galit siya. Galit na galit. Naiinis. Nihindi siya makatingin sakin.

"Cel, practice lang muna ako. Mukhang galit ang si Gab eh, baka mapuruhan ako. Dun ka na lang sa bleachers malapit sa cheersquad umupo."
"O sige Dex! Goodluck!"
"By the way, pwede ba kitang ihatid pag-uwi?"
"Ah... O sige!"
"Okay," Ngumiti siya. "Bibilisan ko sa pagpapractice."

At umalis siya half-running papuntang court.

Pagtingin ko kina Stacey, nararamdaman kong di parin humuhupa ang tensyon.

"Stacey, sa tingin ko, kailangan ko lang ng practice. Kaya di yata tama na dito lang ako sa bleachers." Sabi ni Gianna.

Tumabi ako sa kanya.

"Okay ka lang ba?"
"Stacey!"

Hindi niya pinansin ang tanong ko.

"Shut up! Annoying!"

Nabigla ako sa sigaw ni Stacey ah! Grabe naman siya makapagsalita. Totoo palang badmood `tong si Stacey.

"Stacey, dahan-dahan naman sa pagsasalita oh." Umapila na rin ako.
"Okay then. Lika nga dito. Let`s do the new routine again."

Nakita kong namumula ang pisngi ni Gianna.

"Gianna, okay ka lang ba?"

Di parin ako pinansin. Tumayo lang siya at pumwesto sa gitna ng squad.

Sinimulan nilang isayaw ang routine. Okay naman ang sayaw ni Gianna. Kung ako siguro ang nasa pwesto niya baka huling-huli na ako dahil sa bilis ng sayaw nila.

"See?"

Tumigil sila sa pagsasayaw pagkatapos ng sigaw ni Stacey.

"Alis na!" Sigaw niya ulit. "Go, reflect! Siguro disturbed ka masyado kaya wala kang kwenta ngayong araw na `to!"

Hindi gumalaw si Gianna.

Napansin kong nakatingin ulit si Gabriel sa malayo.

"Ako ang cheerleader dito. Alam ko kung anong ginagawa ko. What are you waiting? Go!" Sabay turo sa bleachers.

Namumula na ang mata ni Gianna. Tumayo na ako at pupuntahan ko na sana pero unti-unti siyang lumapit at umalis sa gitna habang nakatitig kay Stacey. Galit na rin yata si Gianna.

"Anong tinitingin-tingin mo jan? Wa`g kang magdrama diyan dahil alam mong nandyan ang boyfriend mo! Kung sana sinunod mo ako kanina, di ka na sana nasigawan!"

Kaya hayun, tumulo ang mga luha sa pisngi ni Gianna habang dahan-dahan siyang naglalakad papunta sakin.

"Gianna." Sabi ko. :'(

Pinunasan niya ang luha niya at linigpit ang gamit.

"Stacey naman."
"Okay!!! Let`s do it again!" Sabi ni Stacey sa squad.

Nagwalk-out si Gianna. Sinundan ko naman. Umiiyak kasi siya at kinabahan ako sa nangyari.

"Gianna."
"Umalis ka na nga! Kita mo bang napahiya ako?!"
"Pero... gusto ko lang namang..."

"Gianna!" Tapos yinakap siya ni Gab.

Sa balikat siya ni Gab umiyak nang umiyak.

"Tahan na... Alis na lang muna tayo..." Tumingin si Gab sakin.
"Ano bang mali dun?" Hikbi ng hikbi si Gianna.
"Shhh..."

Nakatingin lang ako sa kanila. Mejo naiinis at nagtataka ako kung bakit di ako binigyan ng chance ni Gianna na icomfort siya. Sa bagay, may boyfriend na siya, di niya na ako kailangan diba?

"Let`s resume the practice tomorrow. Salvador! Agahan mo ah? Limang minuto ka lang yatang nagpractice ngayon eh!" Sigaw ng coach nina Gab.

Pagkarinig ni Gab nun, nagpatuloy siya sa paglalakad.

"Sasabay ka ba?" Tanong niya sakin habang inaakbayan ang umiiyak na si Gianna.

Ako nga ba ang tinatanong niya?

"Hi-Hindi na... siguro."

"Gab, wa`g muna tayong umuwi! Don`t wanna go home yet." Singit ni Gianna.

See? Panu ako sasabay?


"Okay. Sige. Tahan na."



FIFTY
Celestine Herrera: Concern ka lang?





"Ano?" Tinitigan ako ni Stacey habang liniligpit ang gamit niya sa bleachers.

Tapos na ang practice nila at pumunta na ang iba sa lockerroom.

"G-Galit ka ba kay Gianna? Okay naman yung ginawa niya ah?"
"Okay yung ginawa niya para sa hindi marunong sumayaw!" Sabi niya.
"Pero sana... di mo na lang siya sinigawan."
"I hate her, you know!? Sorry ah? Pinsan mo siya pero ang layo layo niya sayo. Ang landi-landi!"

Napabuntong-hininga siya at dumiretso sa locker room. Sinundan ko siya kaya tumigil siya sa paglalakad.

"Malandi? H-Hindi naman siguro."
"Hindi? HAH. Dapat naramdaman mo na yan, lagi kayong magkasama diba? Bwusit! Kinakausap ako ni Gab kanina tapos bigla ba naman siyang sumingit! Heller, boyfriend niya nga yung tao pero wag naman sana siyang bastos."

Yun lang ba ang kinagagalit niya? Syempre, kung ako din naman ang nabastos, magagalit ako, pero di ko siya sisigawan.

"At ikaw? Akala ko pa naman ikaw ang pinakamatinding karibal ko. Walang kwenta!" Umirap siya at umalis.

Ganun din naman ang akala ko ah? Akala ko, si Stacey ang pinakamatinding karibal ko.

"Cel! Pasensya na... mejo natagalan ako."

Half-running ulit si Dexter papunta sakin dala-dala ang bag niya.

"O-Okay lang."
"Inaway ka ba ni Stacey?"
"H-Hindi naman. Nag-usap lang kami... tungkol kay Gianna."
Tumango siya. "Ano, lika na?"
"O sige."

Umalis na kami dun. Papunta kami sa sasakyan niya, wala ulit akong naiisip kundi si Gab at si Gianna. Saan naman kaya pumunta ang dalawang yun?

Tumitingin ako sa labas at nagbabakasakaling makita ko ang sasakyan ni Gab o silang dalawa kahit saan.

"Cel,"
"Hmmm?"

Tumigil ang sasakyan dahil sa traffic.

Mejo masyado na ulit akong tahimik habang kasama si Dexter. Napaka walang-kwenta ko talaga.

"Kung liligawan ba kita, makakalimutan mo siya?"

HAAAH?

Katahimikan.

Umandar na ang sasakyan.

"A-Ano bang pinagsasabi mo?"

Hindi na siya nagsalita ulit pagkatapos ng FOR THE WIN kong reaction.

Shet naman Cel. Ayan! Ikaw ang gumagawa ng paraan para pumangit ang hangin sa loob ng sasakyan niya eh. Anong klaseng sagot yung sinabi mo? Pero... wala naman akong masabi eh? HUHU.

Tumigil ang sasakyan sa harap ng bahay namin.

"Salamat, Dexter!" Sabi ko habang sinusoot ang bag ko.
"No problem." Ngumiti siya.

NGUMITI SIYA! Kaya, okay lang siguro! Wala sigurong problema.

Binuksan ko ang sasakyan niya pero... hinawakan niya ang kamay ko. OH MY...

"Pag-isipan mong mabuti ang sinabi ko."

H-HUH? Anong sinabi mo?

Come on, Celestine! Wa`g mo na siyang pahirapan pa sa mga reaction mo. Alam mo na yan no!

Pagkatapos kong tumango, binitiwan niya ang kamay ko.

Lumabas ako at naaninaw ko ang seryosong mukha ni Gabriel habang nasa bulsa niya ang mga kamay niya at tumitingin sakin.

"Sige, Dex! Salamat ulit." Sinarado ko ang sasakyan niya.

Kumaway naman siya at tiningnan si Gab. Pagkatapos nun ay umalis na siya.

"O, Gab? Ba`t nandito ka na? Di ba kayo nag date ni Gianna."
"Hindi."
"Huh? Bakit? Sayang monthsary niyo pa naman."
"Ang saya ng tono ng boses mo ah? May nangyari bah?"
"Huh? W-Wala naman."
"Inanyayahan kitang pumunta sa practice para sakin, hindi para sa Dexter na yun."
"Huh? Oo nga. Alam ko."
"Ba`t parang siya na ang sadya mo?"

Ayyy. Ano bah? Naiinis na ako ah? Ba`t ganito siya makapagsalita sakin? Kakainis na ah?

"Bakit? Ano naman ngayon? Tsaka... wa`g ka ngang umasta diyan na parang nagseselos ka?"
"Nagseselos?-"
"O bakit? Hindi? Concern ka lang? Hanggang kelan ka ba magiging concern sa love life ko?"

"Hi couzzz! You`re home!" Sigaw ni Gianna sakin sa gate namin.

Ba`t siya nandito?

Tapos lumapit siya kay Gab at hinawakan ang kamay nito.

"Dito muna ako sa inyo matutulog tonight. Plano kasi namin ni Gab mag stargazing at mag dinner. HEHE."

Star gazing? Diba ako ang star kay Gab? Eto na oh, sa harap niyo... ang star!

"Ow talaga. Maganda yun." Ngumiti ako.

Di ako makatingin kay Gab.

"Nga pala... ano yung narinig ko kaninang selos-selos na sinasabi niyo kanina ni Gab, couz?"
"Ah... yun ba? Wala yun... Bihis muna ako ah? Bigat na ng bag ko eh."
"O-O sige..."

Umalis na ako at pumasok sa bahay. Mga walang hiya! Nananadya yata ang tadhana eh. Dito pa talaga sila magcecelebrate, sa harap ko? Pwede ba? At di pa pinagsalita si Gab kanina pagkatapos kong sabihin ang pinaghirapan kong linya. GRRRR.

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText