<xmp> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d-6655976147303528743', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

fourtyone-fourtyfive


FOURTYONE
Celestine Herrera: Oo na...







Ehe-ehem, totoo na `to. Maghihiganti ako. Soon.

Lumunok ako ng limang beses bago, "Dito lang."

Tinigil naman ni Dexter ang sasakyan niya sa harap ng gate namin. Lumingon ako sa gate at nakita kong nandoon na si Gabriel at para bang alam na niyang ako ang lalabas sa sasakyang ito.

"Nakauwi na pala ang bestfriend mo." Sabi ni Dexter.
"Ah. oo. Uhm... Salamat Dex ah?"
"No problem." Ngumiti si Dexter sakin at binuksan ko na ang pinto.

Hindi ko na lang pinansin ang naka halukipkip na si Gab sa harapan ng bahay namin.

"Uh, Dex, gusto mo pumasok ka muna sa bahay?"
"Huh? Wa`g na, nakakahiya naman."
"Uh... O sige..." LOL. Ano ka ba naman Celestine, inanyayahan mo na nga lang di mo pa magawang pilitan nung tumanggi na?

Katahimikan.

"Oi, Dexter!" Biglang sumingit ang plastik na si Gabriel.

Umirap ako habang tinitingnan si Gabriel.

"Umuwi ka na o! Gumagabi na eh. Baka mabunggo ka diyan sa kabilang kalye-"
"Gab? Ano ka ba?!"
"Ano?!"
"Anong mabunggo? Ano ka ba?! Ang bastos mo ah!"
"Hindi ah! Sinasabi ko lang naman ang totoo ah? Dapat nga ikaw nagsasabi niyan."

EWAN KO TALAGA HUH? Ang sama sama ng ugali nitong bestfriend ko minsan pero bakit parang nabubulag yata ako sa tuwing tumitingin ako sa mga mata niya.

"Anong totoo?! Whatever Gab! Tumigil ka na nga diyan!"

"Okay lang yun Cel, baka tama nga naman yung bestfriend mo." Ngumiti si Dexter.
"Hindi, Dex... mali siya." Nakatingin parin ako sa naka evil-smile na si Gabriel.
"O sige na, tutuloy na ako, Cel." Saka lang ako tumingin kay Dexter.
"O-O, sige. Salamat ng marami!"
"Kita na lang tayo sa school. Uh, nga pala."

Umandar na yung sasakyan niya pero tinigil niya ulit.

"Bakit?"

Kinuha niya yung cellphone niya.

"Can I get your number?"
"H-Huh? o-Oo naman!"
"Teka teka sandali... ano `to? Textmate? Ang cheap niyo ah!?" alang nakarinig kay Gabriel.
"Zero nine one seven... *******"
"Sige, itetext kita mamayang gabi. Okay lang ba? Wala bang magagalit?"
"Di pwede, si Sky! Si Sky! Magagalit yun! Tsaka, oi, Dexter... ang kapal ng kalyo sa mukha mo ah?" Nakatingin lang ako kay Gabriel, speechless, walang yang Gab na yan!
"Pare... sensya na, pero parang nakakaduda ka yata? May gusto ka ba kay Cel?"
"A-Ako? Wala ah!" Tumingin si Gabriel sakin.


Iisa lang yata ang ekspresyon ng mukha ko simula nung nagsalita si Gabriel eh.

Pero ngayon, lumala yung ekspresyon sa mukha ko. Paano ba naman? Inamin niya na naman ang katotohanang wala siyang gusto sakin. Sa lahat ng pinagdaanan namin? Nagdududa ako na may gusto talaga siya sakin ngayon. Pero nawala lang lahat ng pagdududa ko sa isang sagot niya sa tanong na iyon? Walang kwenta talaga `tong unggoy na `to! Lintik na pag-ibig!

"Eh yun naman pala eh? Hehe. Akala ko kasi meron, kung makapagreact ka... parang eh."
"Hindi! Wala! Bestfriend ko siya kaya concerned ako, syempre!"

Pinikit ko ng mga limang segundo ang mga mata ko. Dumilat ako ng nagkakatinginan parin si Gabriel at Dexter.

"Yun naman pala eh. Si Cel ba, ganyan kaconcern sa mga liniligawan mo? Yung tipong parang nagseselos?"

Katahimikan.

"Never mind. Sensya na Cel ah?"
"Okay lang Dex! Salamat! Pasensya ka na kay Gabriel, mejo concern lang talaga siya sakin kaya ganyan siya."
"I see." Ngumiti si Dexter. "Sige pare, kalimutan mo na lang yun!" Kumaway na si Dexter sakin at pinaandar ang sasakyan.

Umalis na ang sasakyan ni Dexter saka pa nagsimulang nagsalita si Gabriel.

"Kainis yung lokong yun ah? Ang yabang makatira!"

Umirap na lang ako. ::)

"Oi, Cel! Wa`g kang makipagtexttext sa lalaking yun!-"
"Oi Gab! Wa`g kang makipagtexttext sa babaeng yun... O ano? Susundin mo ba ako o hindi? Hindi diba?"
"Huh? Sinong babae?"
"O sige, edi 'Huh? Sinong lalaki?' din!"



Nagkatinginan kaming dalawa.

"Sungit naman nito oh! Kalimutan na nga lang natin yan!"

Inakbayan niya ako tapos pumasok kami sa bahay. Sarap sampalin! Kaso, sayang ang moment.

"Nga pala... pakitanong naman sa pinsan mo kung anong type niyang lalaki... tsaka, kung anong tingin niya sakin? Please?"

Tumigil ako sa paglalakad. Hindi pa kami nakakapasok sa bahay nabubwisit na ako. Paano kaya ako makakatulog nito?

Gusto kong mag-away kami. Pero alam kong pag mag-aaway ulit kami, ako parin ang makikipagbati sa huli, ako parin ang susuyo. Siguro ganito lang talaga, magmahal ng sobra.

"Oo na..."



FOURTYTWO
Celestine Herrera: Hindi ko kailangan...





Minamasdan ko si Gianna habang nagbabasa ng libro. Nakaupo kami sa Gazebo para mag-aral. Pero iba yata ang iniisip ko eh.

Tinatanong ko sa sarili ko kung bakit at anong meron sa kanya na wala ako? Bakit siya nagustuhan ni Gabriel sa ganun kaiksing panahon? Samantalang, ako, simula`t sapul andito na sa harapan niya.

"May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ni Gianna sakin.
"W-Wala naman! Na-Natulala lang ako. May iniisip." Sabi ko.
Tumango naman siya.

Lintik na Gabriel na yun! Ano bang akala niya sakin? Slave?

"Cel! Bibili muna ako ng maiinom sa cafe ah?" Sabi ni Jana.
"Okay!"

Umalis siya.

Kaming dalawa na lang ang naiwan nitong pinsan ko. Ano na? Should I ask her?

"Uhhh..."
Tumingin siya sakin.
"Gianna, anong klaseng lalaki ba ang type mo?"

Tumitig siya sakin habang nakangiti.

"Ba`t mo naitanong?"
"W-Wala lang naman... Naisip ko lang bigla."
"Hmmm. Gwapo?"

Gwapo? Haller? Sino bang may ayaw sa gwapo? :(" title="Angry" class="smiley" border="0">

"Ano pa?"
"May killer-smile, maganda ang mga mata... magaling mag basketball..."

Pagkabanggit niya sa mga iyon, naiinis ako kasi tugma kay Gabriel ang mga sinasabi niya.

"Tsaka, mabait at gentleman, syempre!"

YES! Sa wakas! May hindi tugma sa kanya! Kahit mabait at gentleman nga yung unggoy kung minsan, mas madalas parin ang pagiging walang hiya niya!

"Ahhh!"

Walang pag-asa si Gabriel nito.

Masasaktan siya. Pero syempre, kapag umiibig ka, masasaktan kang talaga kaya okay lang yan Gab! Better luck next time. Besides, nandito naman ako para i-cheer up siya, then finally, marerealize niyang ako talaga yung gusto niya. Diba?

"Ganun ba? Naku! Mahirap nang makahanap ng lalaking ganyan ngayon! Tsk... Grabe ka talaga, ang tataas ng standards mo!"
"Huh? Dami naman diyan ah? Actually, may nahanap na nga ako eh!"
"H-Huh? Meron na? Si-Sino?"
"Secreto muna sa ngayon. We are getting to know each other pa."
"Huh?"

Ngumingiti siya ng isang misteryosong ngiti. Kinakabahan tuloy ako. Baka si Gabriel ang tinutukoy niya ano? Hindi naman siguro. Labas siya pagkatapos ng mabait at gentleman! Pero... baka...

"Eh anong tingin mo kay Gabriel?"

Kumislap ang mga mata niya.

"Si Gabriel?" Ngumiti siya. "Hmmm. Sige na nga, sasabihin ko nalang sa`yo... secret lang natin `to ah? Crush ko siya! Siya yung tinutukoy ko!" Namula pa siya at parang nagiging excited.
"T-Talaga?"

Walang hiya! The feeling is mutual. :'(

"Oo! Nahihiya lang ako sa kanya eh. Minsan, nagpapahard-to-get na nga lang ako kasi baka di niya ako magustuhan pag hindi. Pero, crush ko lang siya ah! Hindi ako inlove!"

Hindi daw siya inlove? Ako, inlove na inlove yata eh. Buti pa siya. Sana nag switch places na lang kami. Mas mabuti siguro yun.

"Bakit mo naitanong?"
"Ahh. Hehehe. Wala lang. Napapansin ko kasi..."
"Na?" Kumislap lalo yung mga mata niya.

Ano nga ba yung napapansin ko? Ayan kasi, Celestine. Di mo na tuloy alam kung anong idaragdag mo.

"Napapansin mong gusto niya rin ako?" Ngumiti na naman siya ng misteryosong ngiti.
"H-Huh? Hindi naman..."

Ayokong sumaya ka dahil diyan. Kahit pinsan pa kita, pa`g si Gabriel na ang pinag-uusapan. Huh? Teka nga, sandali. Sumasama na yata ako eh. Pinagpapalit ko ang pinsan ko sa isang walang kwentang lalaki? Hindi naman yata tama yun, Cel.

Magiging hadlang ba ako sa kaligayahan ng dalawa?

Napawi agad ang ngiti niya.

"Hi-Hindi naman sa ganun. I mean, hindi ko masyadong napapansin. Napapansin ko lang na mejo close na kayo."
"Talaga? Wow!!! Pero sana crush niya rin ako! Baka manligaw na yun sakin! EHHH!" Tumawa siya.
"M-Manligaw?"

Asa ka! :(" title="Angry" class="smiley" border="0">

Ayan na naman ang evil side mo, Cel. Stop that habit, please.

"Pag nagkataon, pahihirapan ko muna siya para makasiguro ako. Tsaka syempre, ayokong feeling niya easy-to-get lang ako."

TAMA! :'(

Kahit mejo labag sa kalooban ko ang mga sinasabi niya, tinitingnan ko na lang sa bright side ang mga ito. Kung gusto ko ng paghihiganti, ipapaubaya ko na lang sa pinsan ko iyon. Kung pahihirapan niya si Gabriel, parang revenge ko na rin yun sa kanya. At least, hindi ko sila hinadlangan.

AHHHH! Ewan ko talaga! Anong nangyayari sa akin? Ano ba `tong iniisip ko?

At bakit ang sama-sama ng loob ko?

"Gianna, sorry I`m late."

A-A-Ano `to? Si Gabriel!

"Oi, cel!" Ngumiti siya sakin pero agad niyang binaling ang tingin niya kay Gianna.

Umupo si Gab sa harapan ko habang liniligpt ni Gianna ang mga gamit niya.

"Hindi ba tayo dito mag-aaral?"
"Uh... Balak ko sanang sa library eh. Para mas tahimik." Sagot ni Gianna.
Tumingin si Gabriel sakin, "Paano si Cel? Ikaw lang ba mag-isa dito, Cel?"
"Hindi... kasama niya si Jana. May binili lang sa cafe eh."
"Ahhh. ganun ba?"

Ewan ko ba pero kahit simpleng pangyayari lang `to, pakiramdam ko linalapastangan ang pagkatao ko. Para bang nakalugmok na nga ako sa lupa, binabaon pa ako lalo.

Tapos tumayo na silang dalawa.

I was like, "Saan kayo pupunta?" :'( :(" title="Angry" class="smiley" border="0">

Loser masaydo ang tanong ko.

"Uh, sa library lang kami, Cel!" Kinindatan ako ni Gianna. "Mag-aaral lang."
"K-Kasama si Gab?" Halos malunok ko ang mga sinasabi ko ah.
"Oo." Sagot ni Gabriel. Tumintig siya sakin kasama ang isang ekspresyong ngayon ko pa lang nakikita. "Di kaya dapat, hintayin muna natin si Jana bago tayo, umalis Gianna?"

Yeah, right! Ang ekspresyon niyang ipinakita ay may halong awa. Nagui-guilty siguro siya. At hindi lang yun, naaawa siya dahil andito lang ako habang umaalis na sila. Narito ako noon nung wala pa siya, narito ako ngayon nang nandyan na siya, at kahit papaalis na silang dalawa, narito parin ako naghihintay sa wala.

"Uh, Sige! Cel... hihinatyin namin si Jana na bumalik bago kami aalis!"
"Ah, wa`g na! okay lang naman no! Sanay naman akong mag-isa! Okay lang ako dito." Tumango-tango pa ako sabay ngiti. Yung ngiting nawawala ang mata mo dahil sa sobrang ngiti.
"Kita mo na, Gab? Ano? Tayo na?" Ngumiti si Gianna kay Gab pero si Gab nakatingin lang sa akin with that lonely expression.

Ano? Awa ba Gab?

"Hindi ko kailangan..." ang awa mo. "Sige na!"

Tapos tumingin ako sa libro ko kahit baliktad ito. Pero, alam niyo, hindi nila yon mapapansin kung ayaw naman talaga nilang pansinin.



FORTYTHREE
Celestine Herrera: Ba`t sinagot niya agad!






"Byernesanto ba ngayon?" Tanong ni Jana habang naghahanap ng kami ng table sa isang fast food.
"Hindi!"

Umupo kami sa napiling upuan.

"Ano ka ba! Yung mukha mo, ayusin mo. Pati yata mga multo matatakot sayo eh. Kasalanan mo rin naman yan eh! Inabot mo pa talaga kay Gabriel yung sinabi ni Gianna na gusto niya ng mga ganung klaseng lalaki ano? Buti di mo sinabing siya nga talaga yung gsuto niya?"

Sino ba ang hindi sisimangot sa ginawa sayo ng bestfriend at pinsan mo? Mahal ko pa naman silang pareho pero nagawa nila yun sa akin? Sa bagay, hindi naman talaga big deal yun kung titingnan mo. Hindi naman talaga big deal kung iiwan mo ang isang taong sanay naman ng iniiwan.

At oo, to the nth level ang katangahan ko. Sinabi ko kay Gabriel ang detalye ng ideal man ni Gianna. Kulang na lang sabihin ko sa kanya yung sabi ni Gianna na crush niya.

"Ahhh." Hinilig ko ang ulo ko sa table.
"Ikaw naman kasi! Kung sinabi mo kaya kay Gab na wa`g muna siyang umalis? Martyr ka masyado!" Inirapan ako ni Jana.
"Kakalabanin ko ba si Gianna? Para na kaming nag-aagawan niyan kay Gab eh, ayoko! Kanya na yun kung gusto niya. Ahhhh!"
"Kanya na yun kung gusto niya? Pero halos mangiyakngiyak ka na habang pinapaubaya mo siya? Ganun ba?"

Hindi ako sumagot habang umiiling si Jana.

"O ngayon, ba`t narito tayo? Kakain? Anong gusto mo?"

*Tiiit-tiiit-tiiiit*

1 message:

Gianna: OMG! OMG! Guess what? Gab`s asking me out! Mag di-dinner kami tonight! I can feel it!

Lintik na buhay! Ayan na! Ayan na ang moves ni Gabriel.

Kinuha naman ni Jana ang phone at binasa rin ang message ni Gianna.

"Walang hiya! Saan naman kaya sila kumain? Lintik! Hanggang kwek-kwek lang kami ni Gab! Kung kumain man kami sa labas... walang something yun! Leche!"
"Kita mo na! Sige... ipaubaya mo pa siya-"
"Paano ko naman siya ipaglalaban kung siya mismo pinapasuko na ako?"

Kaya ayun, wala ng nasabi si Jana at umorder na siya ng maraming pagkain.

Ako din, dahil sa sakit na nararamdaman ko, dumoble ang kinain ko.

"Buti't nakakakain ka pa ngayon ano?" Tanong ni Jana.
"Yun nga eh. Kumakain ako kasi nasasaktan ako ng bongga! Nakakahangal naman `tong nangyayari."
"So ano? Puntahan natin?" Nakatingin si Jana sa likuran?
"Ano? Sina Gab? Di ko naman alam kung saan. Ayoko din namang magtanong kay Gianna."

Biglang tumayo si Jana.

"Lika na! Ako ang titext kay Gab! Tsaka... nakita ko sa labas ang sasakyan ni Gab na dumaan. Papuntang mall yun!"

Agad kaming lumabas sa fastfood, pumara ng jeep at pumunta sa pinakamalapit na mall. Kahit wala pang reply si Gabriel, pumunta parin kami.

*Tiiit-Tiiit-Tiiittt*

1 message!

Gab: Cel, what`s Gianna`s fave song? I need it please? Liligawan ko siya tonight.

Habang binabasa ko yung message na yun, naglalakad kami ni Jana sa mall.

Favorite song? Liligawan? Heck! Wala akong load para diyan! Hindi ako nagpapaload para replyan siya sa mga ganyang bagay! In his dreams!!!

Pero still, I typed: I don`t know. Pero mukhang gusto niya ng slow songs.

GAGAAAA! LECHE!!! Martyr kang bata ka!

"OMG! OMG!" Hinila ako ni Jana at tinuro ang nakita niya.

Talagang pumasok pa kami sa isang mamahaling restaurant para lang makita ang lahat...

Si Gab at si Gianna, nasa iisang table. Candlelit dinner? With all the flowers and the band?

Hinila ako ni Jana sa isang table malapit sa kanila pero hinarangan kami ng dalawang waiter.

"Excuse me, miss. Di po pwede dito. Dun na lang po kayo!" Sabay turo sa susunod na table na mejo malayo kina Gab.

Nakatingin parin ako sa kanilang dalawa. Pareho silang nagtititigan sa isa`t-isa. Nakatingin ang ibang tao sa kanila habang ganun lang ang ginagawa.

"B-Bakit naman? Eh gusto namin diyan!"
"Binayaran na po yan nung nasa gitna..." Sabay turo kay Gabriel. "Di na po pwede!"
"Ano?- Pwede ba yan?"
Hinila ko na lang si Jana dun sa isang table.

"Bwisit! Binayaran ni Gab yun? Magkano naman kaya binayad niya?" Sabi ni Jana.

Ilang sandali, may pumasok na mga schoolmates namin. Nakilala nila agad si Gabriel. Syempre sikat siya eh. Agad nag bulong-bulungan at tumingin sakin.

"Cel, alis na lang kaya tayo dito?"
"Alis? Wa`g muna!"
"Eh-"

Ilang sandali tumugtog na yung violinist ng banda. Sinamahan pa ito ng cello kaya mas lalong gumanda ang tugtugin. Sumayaw silang dalawa habang nagngingitian sa isa`t-isa.

Pakiramdam ko, lumakas ang pintig ng puso ko. May kung anong mabigat na bagay sa ilalim ng lalamunan ko. Para bang hinihila ang lalamunan ko pababa. Sumakit pa ito lalo pagdaan ng ilang segundo habang nakikita ko silang dalawang sumasayaw.

Naiinggit ako sa nakikita ko. Nasasaktan ako.

"Ano ba yang ginagawa nila! Nakakahiya naman! Tsss. Ang korni!"

Pinagmasdan kong mabuti ang mukha ni Gab. Hanggang sa nakaya ko ng i-lip read ang mga sinabi niya... "I love you. Please be my girl!"

"Cel!"

Sumobra na yung nararamdaman kong bigat sa ilalim ng lalamunan ko. Parang di ko na yata kayang tiisin ang bigat nito. At sumakit pa ang dibdib ko ng biglaan pagkatapos nitong pumintig ng pagkabilis-bilis.

Linapit ni Gianna ang bibig niya sa tenga ni Gabriel.

She smiled...

Pagkatapos, narinig ko ang sigaw niyang...

"I love you too, Gab!"

Nanlaki ang mga mata ko habang pinapanood ang eksenang iyon. Hinila naman agad ako ni Jana papalabas.

"Bad idea! Shet!"

Habang hinihila niya ako, bumuhos ang mga luha sa pisngi ko at mas lalong bumigat ang damdamin ko.

"Cel, bilisan natin! Baka makita nilang umiiyak ka!" Kumupad kasi ang lakad ko habang hinihila niya ako.
"Hindi nila ako makikita, kahit nasa harapan lang ako."
"Ano ka ba! Tigil na nga yan! Sige na, kasalanan ko na! Inimbitahan pa kitang pumunta dito! Yun pala ang makikita natin!"

Linabas niya agad ang cellphone niya, "Shet! Labag sa kalooban kong tumawag kay Cid sa oras na ito ah kasi nag-away kami, pero kailangan ko siyang tawagan para maihatid ka namin. I don`t wanna leave you alone!"

Pagkatapos nun, yinakap ako ni Jana.









"Asan na ba yung sinabi ni Gianna na pahihiapan niya muna si Gabriel bago niya sasagutin? Nakalimutan niya kaya ang parteng yun? Ba`t sinagot niya agad!"


FORTYFOUR
Celestine Herrera: Dapat lang talagang mag sorry ka!





Buong gabi akong halos dilat na dilat ang mga mata habang umiiyak. Namumugto na nga yata `to habang iniisip ko paulit-ulit ang nangyari dun sa restaurant. Hindi parin ako nakakatulog. Minsan gusto kong isiping bangungot lang yung nakita ko, pero hindi ko talaga nakukumbinsi ang sarili ko.

Gusto ko ng matulog pero hindi naman ako inaantok. Kahit na, mejo linasing ko yung sarili ko kanina nung hindi pa ako nakauwi...

"Walanya, what is there to like about him?"

Uminom ako ng uminom ng beer sa isang convenient store kasama si Jana at Cid. Nakatingin lang silang dalawa sakin habang ako, iyak nang iyak at lagok nang lagok.

"Tama na nga yan!" Sabay kuha ni Jana sa bote. "May pa english-english ka na! Lasing ka na! Sabi mo, konti lang! Tama na..."
"Walang hiyang Gianna! Sorry, Lord! Pinsan ko siya, sorry po! Pero sana naman... mejo pinahirapan niya muna ano? Kasi nakaka-grrr!" Inubos ko na yata ang tissue dito.

Eto na yata ang karma ko. Dahil sa mga iniisip kong paghihiganti, nakakarma na tuloy ako at nagkakaganito.

"Cel, maghanap ka na lang ng iba!" Sabi ni Cid. "Kung gusto mo talagang maghiganti, maghanap ka ng iba."
"Loko ka ba? Maghihiganti? Mahal niya nga yung tao, paano niya masasaktan yun?"
"Hindi nga siya mahal ni Gab diba? Edi okay lang!"
"Bwisit! Sige, ipamukha niyo pa sakin ang katotohanang yan!"
"Cel, tama na kasi yan. Mamamaga yung mata mo, tapos, mapapansin yan ni Gabriel. Gusto mo bang malaman niyang nasaktan ka niya?"

Sa bagay, tama naman talaga si Jana sa sinabi niya. Baka makita ni Gab ang namamaga kong mata at tatanungin niya ako kung bakit nagkaganito! Asus, ano naman ngayon? Marami akong dahilan no. Matalino ako sa mga alibi na ganyan. Pero minsan, iniisip kong sana di na lang ako matalino. Sana di na lang ako makapag-isip ng alibi para masabi ko na sa kanya ang totoo.

"Sinasabi ko lang naman na marami pang ibang lalaki diyan. Baka hindi talaga siya ang para sa`yo." Sabi ni Cid.

Mejo tumigil na ako sa pagluha.

"Oo nga, Cel. Kalimutan mo na lang muna si Gabriel. Humanap ka ng ibang crush at ng ibang mamahalin mo. Andito naman si Cid...-"
"Huh-"
"-tsaka... marami pang ibang lalaki diyan no!"
"Anong Cid? Kayo ni Cid ang dapat!" Tumawa pa ako pero mejo naluluha parin.
"Cel, ano-"
"Ewww. O ayaw mo kay Cid, andyan naman si Dexter... Maraming lalaki Cel! Sayang ang ganda mo kung itutoon mo lang ang pansin mo sa pinsan ko."

*Krrriiiing-Krrriiingg*

Agad kong sinagot pagkakita kong si Gabriel ang nasa linya.

"Hello!"
"Yeah." Sabi ko.
"Nakauwi kana ba?" Halata sa tono ng boses niya ang kasiyahan.

Alas otso na, syempre... dapat nakauwi na ako.

"Hindi pa!" Sabi ko. ^-^
"Huh? Bakit?"
"Wala lang. Ikaw? Ano, kamusta sinagot ka na ba?"
"Teka... teka... di ka pa umuuwi?"
"Oo sabi! So ano nga? Sinagot ka na ba?" Tumaas ang tono ng boses ko.
"Asan ka`t sinong kasama mo? Ba`t di ka pa umuuwi?"
"Wala ka kanina eh. Ewan ko sa`yo! Diba ikaw dapat yung kasabay ko pag-uwi?!"
"Emergency lang yung nangyari. Yinaya ko ng date si Gianna, pumayag siya kaya hayun."
"So, ano nga! Sinagot ka ba?"

Inaagaw na ni Jana sakin ang phone pero hindi ako pumayag. May balak yata siyang patayin ang linya ni Gab para di na kami makapag-usap tungkol kay Gianna.

"Ano ba! Asan ka nga kasi? Ba`t di ka pa umuuwi?"
"Uuwi rin ako!? Ano, sinagot ka ba?"
"Anong uuwi ka? Sinong kasama mo?"
"Ewan ko sayo!" Bumuhos ang luha ko pero hindi ko kayang iparinig sa kanya ang mga hikbi ko. "Anong pakealam mo sakin?!"
"A-anong nangyayari sa`yo? Asan ka ba?"

Kanina ko pa siya tinatanong kung sinagot na ba siya ni Gianna, pero di parin niya sinasagot.

Inayos ko ang boses ko, "Wala... may ginawa lang kaming project. So ano, sinagot ka na ba?"
"Oo."

Katahimikan. :'( :'( :'(

"Asan ka na? Susunduin kita." Seryoso at malumanay ang kanyang boses.

Ganito lang siguro talaga si Gab pag ikaw ang bestfriend niya. Sobrang caring kahit makulit. Sobrang maiinis ka pero maiinlove ka din. Linsiyak, bakit ganito pa kasi siya pinanganak? Ayan tuloy, halos madurog ang pagkatao ko sa pagtatago ng mga nararamdaman ko.

"Wa`g na, ihahatid na ako nina Jana."
"Hi-" Pinutol ko ang linya at pinatay ang cellphone ko.

At hanggang ngayong nasa bahay na ako, hindi ako sigurado kung tama ba yung naging desisyon kong pagputol ng linya kanina. Walang kwenta talaga ako sa mga pagpapakipot effect kay Gabriel. Sinaktan na nga ako`t lahat-lahat na, siya parin ang iniisip ko.

Pinagmasdan ko ang cellphone ko at nagpasyang i-on ito.

Nakakabigla nga eh, pag-on ko nito, may natanggap akong maraming mensahe galing kay Dexter.

Dexter: Are you okay?
Dexter: Are you okay?

Mga limang ganito ang laman.

Hmmm, siguro tama sina Jana at Cid. Marami pang lalaki diyan. Magrereply na sana ako, para makapagtext-text na kami at baka sakaling makatulog ako sa gitna ng pagtitextext namin, kaso...

*Kriiiing-Kriiing*

Gabriel Soriano.
The most tempting name.

"Hello?"

Hindi ako sumagot.

"Celestine?"
"Ano? Inaantok na ako."
"Nakita kitang hinatid nina Jana kanina."
"Oo."
"Kamusta ang project niyo?"
"Okay lang."
"Anong nangyayari sa`yo? Ba`t ang lamya ng boses mo?"
"Ano ba ako sa akala mo? Zombie? Gising pa hanggang ala-una ng madaling araw?"
"O... easy lang! `to naman! Kanina pa kasi ako tawag nang tawag sa`yo, out of coverage or patay daw yung phone mo."
"Ba`t ka tumawag?"
"Wala. Ang weird mo kasi kanina eh. Parang galit ka sakin. Nagseselos ka ba kay Gianna?"
"Bwisit! Tinawagan mo ba ako para tanungin ako ng ganyan?! Syempre hindi! Gag0!"
"O sige na nga! Edi hindi! Sorry ah, tinawagan pa kita!" Galit na siya.
Galit din ako kaya, "Dapat lang talagang mag sorry ka!"

Tapos pinatay ko ulti ang phone ko.

ARGH! Grabe, high blood yata ako masyado. Nararamdaman ko yung lakas ng pintig ng puso ko. Nanginginig pa ang kamay ko dito habang binuksan ko ulit ang phone ko.

Di man lang ako nakapagreply kay Dexter kanina dahil tinawagan ako ni Gab ah?

Kaya nagtype ulit ako ng i-rereply kay Dexter: Okay na ako. Thanks for asking. :)

Okay na siguro yun! Matutulog na ako.

Matutulog na ako.

Yinakap ko ang unan ko.

Tiningnan ulit ang cellphone ko.

Walang reply.

Walang tawag ni Gab.

:(" title="Angry" class="smiley" border="0">

I typed: Pasensya na. Inaantok lang. :)
Tapos send! Send kay Gabriel Soriano.

Inaaway ko siya, pero ako din naman yung sumusuyo.



FORTYFIVE
Celestine Herrera: sana tayo ang pair!






Sabado at Linggo, hindi kami nagkita ni Gabriel. Hindi na rin siya nagtext pagkatapos nung text ko sa kanya. Galit talaga kaya siya? Bakit ko naman iniisip kung galit siya, ako dapat yung nagagalit eh?

Sa dalawang araw na hindi namin pagkikita, napag-isip-isipan ko, sa wakas, ang pagmo-move on.

Siguro ito na ang panahon... ang tamang panahon. Masaya silang dalawa ng pinsan ko at mahal nila ang isa't-isa. Dapat maging masaya ako para sa kanila. Maganda na nga rin yun eh, kasi at least, sa pinsan ko napunta ang pinakamamahal ko. Dapat mejo isipin ko muna ang pag-aaral ko at maghihintay na lang sa lalaking para talaga sa akin.

"Celestine! Ang tagal mo talaga!"

Natulala ako sa mukha ni Gabriel paglabas ko sa gate. Andun na siya, as usual, naghihintay!

"Ma li-late tayo niyan!" Sabi niya sabay sandal sa sasakyan niya.
"A-Akala ko... di mo ko isasabay sayo."

Napansin kong lumalambot na naman ako at yung boses ko nanginginig ulit. Wala na ba talagang pagbabago sa nararamdaman kong `to? Sa bagay, patience is a virtue, Cel!

Pagpasok ko sa sasakyan niya, pinaandar niya agad.

"Ba`t mo naman naisipang di kita isasabay?"
"Kala ko kasi galit ka sa sinabi ko l-last Friday."
"Syempre, galit ako. Pero di ko talaga matiis ang bestfriend ko."

Napatingin ako sa kanya at nakangiti siya habang nakatingin sa daanan. Napaisip tuloy ako... na kung papipiliin kaya siya, sino ang mas hindi nya matiis sa aming dalawa ni Gianna? ARGH! Ano ka ba, Cel! Edi syempre, yung mahal niya. Tama na nga!

"Sorry."

Tahimik lang siya.

"Uh, nga pala. Di mo ba susunduin si Gianna?"
"Ngayon? Hindi na. Hinahatid naman siya ng mom niya eh."

Tumango ako.

Katahimikan ulit.

"Tsaka..." Napakamot ako sa ulo ko. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin `to. "H-Hindi siguro ako masyadong m-makakasabay sa pag-uwi sayo kasi magiging busy na ako."

Sumulyap siya sakin.

"Busy saan?"
"School works. Ang dami kasing projects at kailangan ko pang mag overtime sa pag-aaral eh."
"Ang dami naman niyan para di kita maisabay pag-uwi."
"Busy lang talaga ako. Pero, baka minsan makakasabay ako sayo. Text2x na lang tayo."

Katahimikan.

"Tsaka," Lunok. "Mabuti nga yan eh. Mas marami kayong time ni Gianna sa pagdi-date."

Sumulyap siya sakin at nginitian ko siya.

"Hmmm, oo nga."

Ilang minutong katahimikan.

"Nagseselos ka ba?"
"H-Huh?" Nabigla ako sa tanong niya ah. "H-Hanggang ngayon bah?"

Bakit ba? Pag inamin kong nagseselos ako, at malalaman mong in love ako sayo, papayag ka ba? Baka itakwil mo ulit ako.

"Wala lang. Di ko kasi nakikita sayong masaya ka para sa amin eh."

:(" title="Angry" class="smiley" border="0">

"Anong gusto mong gawin ko? Magpapaparty?" Ayan! Lumalabas na naman ang sungay ko.
"Hindi naman. Wala lang. Sana happy ka para sa amin. Seryoso naman ako sa pinsan mo eh. Kung nag-aalala kang baka sasaktan ko siya, sasabihin ko sayo ngayong seryoso ako sa kanya. Mahal na mahal ko na talaga siya ngayon."
Halos di ko na naman malunok ang laway ko sa bigat ng lalamunan ko. "Alam ko. Nakikita ko."

Pinark niya ang sasakyan niya. Pero sa malayo pa lang, nakikita ko na si Gianna na naghihintay sa kanya.

Lumabas ako agad at nakita ko ang madamdaming pagkikita ng dalawa. Hindi ko na lang pinansin. I acted normal.

At sumabay na rin sa kanilang dalawa papunta sa classroom namin.

Nabigla pa nga ako dahil pagdating ko sa room namin...

"Hi Cel!" Sabay kaway ni Dexter sakin.

Ba`t siya nakaupo sa room namin? Diba sa kabilang classroom yung kanila?

"H-Hello!" Tatanungin ko na sana siya kung bakit siya andito pero dumating na yung professor namin kaya umupo na ako sa upuan ko.

"Class, before we start... I'd like to inform you that the last section was dissolved... so other students are forced to join other classes. Nakikita niyo sigurong may new faces dito, they are from the dissolved class. From now on, they'll be part of our class."

Nagbulongbulungan ang lahat at tiningnan kung sinu-sino yung mga bago.

"Kaya pala nandun si Dexter."
"Lanya talaga. Ayan tuloy, nandito si Cid sa class natin. Tsss." Sabi ni Jana. "Di bale, andyan naman si Dexter mo."

"Buti na lang at mejo maaga pang nadissolve yung class nila. Hindi ko pa kayo na pi-pair. Today, I`ll announce the pairings for research."

Ayan na naman ang bulungan ng mga kaklase ko.

"Jana, sana tayo ang pair!" Sabi ko kay Jana.

Kaya lang, di yata ako dininig ng Panginoon sa pagkakataong ito.

"Male to Female ang pairings. And it is... alphabetical. Tsaka, mas maraming female kaya maaring, female to female ang iba. But it won't affect your research, of course."

"Lanya! Maiiwan ako for sure nito, Cel! Soriano eh. Malayo pa ang letter S!"

"Kung gusto niyo namang mag switch ng partners, kayo ng bahala."

Kinabahan ako dun ah. Panu kung si Gabriel ang maging partner ko? Di na naman ako magtatagumpay?

Nagsimula na ang pairing... hanggang sa...

"...Herrera, Salvador... Herrera, Soriano..."

Herrera, Soriano? :o

"Sir!"
"Yes?"
"Sinong Herrera yung kay Soriano?"
"Oh... It's Herrera, Celestine with Salvador, Dex Terrence. And Herrera, Gianna with Soriano, Gabriel Isaac."
"Ahhh. Thanks Sir!" Sabay tingin ni Jana sakin.

Shucks! Ganun pala ka importante ang bawat titik ng pangalan?

Kung sana... hindi letter 'C' ang nag sisimulang titik sa pangalan ko eh baka kami na nga ni Gabriel ang magpapares.

Talagang mauuna ako kay Gianna kahit magkapareho kami ng apelyido kasi titik C yung unang titik sa name ko. Hay naku naman. Este, mabuti na lang. ???

At... sino naman yung partner ko? Salvador daw! Eiji? Hindi! Anong Eiji?!

"Cel!" May tumawag sakin.

Paglingon ko, si Dexter!

"Partners tayo!"
Ngumiti ako sa kanya habang iniisip ko pa ang sinasabi niya.

"Ahhh. So Dex Terrence pala ang tunay na pangalan ni Dexter!" Sabi ni Jana.

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText