Chapter 24 You Have Stolen My Heart
Chapter 24 You Have Stolen My Heart
Jini Punzalan: Mahal ko rin po kasi sya
Pinalipat ako ng bakulaw sa front sit. Ewan ko kung anong iniisip nya. Pero, okay na rin yun, para naman hindi sya magmukhang driver ko. Humarurot ang sasakyan. Nakakapigil hininga nga eh. FAST AND FURIOUS ba itech? Langhya, habang nasa daan kami inaalala ko ang buhay ko. Hindi ko nga namalayan na ibang daan na pala ang tinatahak namin. At ngayon, napunta kami dun sa coffee shop kung saan mo makikita ang buong syudad - kasama na ang USM at billboard. HEHE. :D
"Ano ba? gabi na ah? May pasok pa tayo bukas? Bakit andito tayo sa lugar na to?" Tinanggal ko ang seatbelt ko at humarap ako sa kanya habang nakahawak pa sa manibela.
Hindi pa kami umaalis sa loob ng sasakyan. Hindi naman sya bumababa kaya hindi narin ako bumaba. JR TE. Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya dahil tinatagalan mo ang paghatid sakin. Ibig sabihin lang nun, eh, mas matagal kaming magkasama. Kaya lang, ibig sabihin din nun, mas mamahalin ko sya. Sa bawat segundong nakatingin ako sa mga mata nyang PANG-BADBOY talaga, mas lalo ko lang naiisip na mahal-na-mahal ko sya. Sa bawat oras na magkatabi kami at nakikita ko ang pagiging playboy nya - imbis na umayaw akong mahalin sya - mas lalo kong iniisip na--...
"Jini. Iniisip mo ba ako?"
Nabulabog ang pag-iisip ko nung humarap sya sakin with his EVIL EYES and EVIL SMILE. >:D
"Huh? H-Hindi ah?"
"Wala namang masama kung aaminin mong iniisip mo ako ah!"
"Aba't ke lakas ng loob mong iparatang sakin yan ah! Ang iniisip ko ngayon eh kung makakauwi pa ba ako!"
"Iuuwi din naman kita eh! SABIHIN MO LANG..."
"--Huh?"
Tignan mo to. Sabihin ko lang daw?! O di...-sige..
"Uhm..uwi na---"
Tayo, este, wag na tayong umuwi.
"O? Ba't di mo nasasabi ng buo? Ba't ka parang lumunok ng ulo ng manok dyan?"
Lumapit sya sakin. Lumayo ako sa kanya. Lumapit pa sya, nandon na sya sa upuan ko at ang mga kamay nya ay nakasandal na sa gilid ng inuupuan ko. MALAPIT NA MALAPIT NA SYA! AS IN... NAAAMOY KO NA SYA AT NARARAMDAMAN KO SA SA PISNGI KO ANG PAGHINGA NYA!
Hinalikan nya ako. NA BIGLA AKO SA GINAWA NYA. Napaiyak ako at tinulak sya.
"Anong akala mo sakin? HUH? Wala na tayo! Ang kapal din naman ng mukha mo noh?"
Hindi tumigil ang mga luha ko.
"Jini. MAHAL KITA!"
Ano daw? Hindi yata. A PLAYBOY will always be a PLAYBOY.
"Talaga? Lokohin mo lelang mo! PLAYBOY KA! PLAAAAYBOYYY! HEH! Hindi ako maniniwala...lalalalalalal..lalalalala..."
Tinakpan ko ang tenga ko ngunit narinig ko parin ang....
"PUTAAAAAAAAAAAAAAAAAANG INA NAMAN OH! Kung kelan ako seryoso! Hindi pa kayang maniwala ng magnanakaw na to."
"Eh ano? Ano ngayon kong mahal kita?! HUH? Pagtatawanan mo ako? Paglalaruan mo siguro ako no? HUH? TSAKA, may Andrea ka naman eh. Mas mabait pa yun sakin. baka magustuhan mo rin sya at---"
"SHHH... andami mo namang sinasabi eh..."
"Huh?" Pagtatawanan siguro ako neto.
"Maniwala ka sakin dahil seryoso ako ngayon. At kahit na ilang beses mong itanggi, hindi ako maniniwala sayo."
"UNFAIR! A-anong?" Sinabunutan ko sya! "JR Ang samasama mo talaga! Walang hiya ka! Ang hirap kaya neto! Hindi ko na alam kung alin sa mga sinasabi mo ang totoo at alin ang laro!" Napaiyak ako.
"Ano? LARO? Wala na tayo sa laro ah? Diba nga wala na ang kontrata. Pero may utang ka parin sakin!"
OH MY GOSH. Naguguluhan na talaga ako! :( >:( May utang ako? Ibig sabihin? UTANG KO LANG PALA ANG INAALALA NG ETO EH!
"Yun ba?" Patuloy parin sa pag-agos ang luha kong parang gripo. Linabas ko angh wallet kong may lamang Limang daan - kung iniisip nya na unti-unti na akong yumayaman, mali kayo, ipon ko yun!
"Sayong sayo na yan! Babayaran kita! Wag kang mag-alala! Hindi na ako magkakatulong sayo! Magtatrabaho na ako sa iba! Hindi ko na kelangan ng Kontratan ng Kadilimang yun! Ayaw ko nun! Dahil sa kontratang yun, nasasaktan ako! MAHAL na MAHAL kita at sinong nagsabi sayo na itatanggi ko na mahal kita? HUH? Hindi ko yun itatanggi! Sige, tumawa ka ng tumawa hangga't sa gusto mo. TAWANAN mo si Jini Punzalan, na inaaway ka noon at inalipin mo ngayon. At pagkatapos ko sabihin to sayo, mananahimik na ako, babayaran kita wag kang mag-alala, hindi ako tatakbo sa utang mong bakulaw ka!"
"Bakulaw?" Unti-unti syang ngumingiti. Hindi ko talaga mabsa ang utak nya. HUHU. :'(
Ang haba ng sermon ko. Dahil sa haba, hinigal ako sa pagsasalita, sinabayan pa ng mga luha kong hanggang ngayon ay umaapaw parin. HUHU. :'(
Kinuha nya ang limang daan ko at...
"HAHAHAHA. ETO? Sa tingin mo sapat to?"
WALANG HIYA! Sinabi ko bang sapat yan?
"Hindi nga! Unti-unti ko rin yang mababayaran, limang daan kada isang buwan. O kung gusto mo kada isang linggo para mas mabilis. Tsaka, magkano ba ang utang ko sayo?"
"Mabuti naman at naisip mong itanong?"
"Aba't! Kung akala mo hindi ko yun mababayaran, masyado mo akong minamaliit."
"ANG PUSO MO KAYA ANG NINAKAW MO, KAYA NGAYON, SABIHIN MO NGA KUNG MABABAYARAN MO BA YUN!?"
Napanganga ako. Ewan ko ba't parang nanghihina ako at gusto kong tumalon sa tulay. Ay wag...hehe...Ano daaaaaaaaaaaw? Hindi ako pwedeng maniwala. PEROOOO!?--
Pinaandar nya ang sasakyan. At ngayon, masmabilis na sa dati ang pagpapatakbo nya. Grabe, parang naiiwan ko ang kaluluwa ko dahil sa bilis ng takbo. Agad kaming nakarating sa bahay nila... Hinila nya ako, ang sakit-sakit na nga ng braso ko. Feeling ko, maiiwan ang katawan ko at ang braso ko lang ang dadalhin nya.
Sinalubong kami ng sandamukal na maid at guard na nagtataka. UMIIYAK PARIN AKO. At hanggang ngayon, hindi ko pa ma GETS kung bakit kami andito.
Bago kami pumasok sa dining room - kakain ata kami - eh, inayos nya muna ang sarili nya at pati ako. Pinunasan nya ang luha ko kahit hikbi ako ng hikbi. Hindi ko mabigilan. Yinakap nya ako. Hawak-hawak nya ang kamay ko at hindi parin ako nakakapagsalita. Wala pa naman syang sinasabi eh. At ilang sandali, pumasok kami sa loob at naabutan namin ang mama at papa nya sa magkabilang dulo ng dining table.
Nalaglag ata ang panga ng mama at papa nya nung tumingin sa mga kamay naming magkahawak.
"Anong?-"
"Ma?! Si Jini---ang girlfriend ko!"
Pinaupo kami ng mama at papa nya ng mahinahon. Halata sa papa nya ang pagtataka at galit. Natatakot ako, lalo na sa papa nya, dahil hindi ko pa sya lubos kilala.
"Ano ka ba JR! Hindi ka pa rin ba natututo?"
"Pa. Ano ba? Seryoso ako. Ayokong makipagtalo."
Napatayo ang papa ni JR. TAKOT NA TAKOT NA AKO. HUHUH.. Tiningnan nya akong mabuti.
"Ma, Pa, seryoso ako. Ma, alam mo naman diba? Wala pa akong pinapakilala sa inyong girlfriend. At, pa, kung iniisip nyo na lahat ng desisyon ko ay mali... BAHALA kayo, isipin nyong mali ang lahat. Pero, etong bagay lang to ang alam kong tama."
WAAAAAAAAAAAAAH., Ang lalaki ng pawis ni JR. Takot na takot ata sya sa mga pinagsasabi nya. Ang higpit ng kapit nya sa kamay ko. Ang totoo, sya lang talaga ang may hawak sa kamay ko, hindi ko hawak ang kamay nya. PERO, dahil sa mga sinabi nya, hinawakan ko ang kamay nyang mabuti...
"Tita..Tito. Mahal ko rin po kasi sya. Nung una po, Inalipin nya po ako kaya ayaw na ayaw ko sa kanya!" Tumingin ako kay tito at parang puputok na ang mga ugat nya sa ulo pagkarinig nun. "AYOKO KO SA KANYA! NAPAKASAMA NG ANAK NYO! BAKULAAAAAAW!..." WAAAH. may nasabi ba akong mali? "Kaya lang. MAHAL KO NA PO SYA NGAYON!...-pasensya na po."
"Anong pasensya? Humihingi ka ng pasensya sa pagmamahal mo sakin? Napaka----TSSSK. Ano ka ba?" Sinigaw-sigawan ako ng bakulaw na to. GRRR... LINTIK. Kung di lang kita mahal. Tsaka, baka nakalimutan netong nasa harap kami ng mama at papa nya.
"Jini. Hindi ka ba natatakot? I mean," Ngumiti si Tita. Napaisip tuloy ako kung seryoso ba tong usapan namin ngayon o ano? "He is a playboy and you know that!"
"Ma. Pati ba naman---------------Oo na! Playboy na kung playboy. Bahala kayo. Kung ayaw nyong maniwala sakin."
Feeling ko, naiirita na si JR. Wala kasing naniniwala sa kanya eh. Ang lalaki na nga ng pawis nya sa kapapaliwanag.
"Joshua. Tama nga kaya tong ginagawa mo?" Tanong ni Tito.
"Bakit? Kung sasabihin ko bang tama o mali to, maniniwala ba kay-"
"SAGUTIN MO NA LANG!" POTEK. na bigla ako dun sa pagsigaw ni Tito. Parang nababali nya na ang hinahawakang tinidor.
"TAMA O MALI PA, Wala...akong...pakealam..."
Huminga ng malalim si Tito at linapitan sya ni Tita at kinalma. Takot parin ako. At alam kong ganun din ang nararamdaman ni JR. pareho kaming takot pero kakayanin ko, naniniwala ako sa kanya. Nararamdaman ko, na hindi sya nagbibiro. SERYOSO SYA. :( Sorry JR, ikaw naman kasi eh...masisisi mo ba ako kung natatakot akong mahalin ka? HUHUHU... Pero, nawala ang takot ko nung kumalma si Tito at narinig ko ang mga salita galing kay Tita...
"So, anong plano nyo ngayon? --- sa totoo lang, wala akong magagawa sa kaso ni Andrea. Dahil, kagustuhan nya ang sinusunod nya. At hindi namin sya pinipilit."
PI-NA-PA-YA-GAN NA KA-MING DA-LA-WA.
Muntik na akong mapaiyak!!!! ANG SAYA SAYA KOOOOO...
*KRRRRRRRRRRRIIINGGGG---KRIIIIIIIIIIINGGGG*
"Hello? O, andrea? Huh?........O sige,....huh?........okay-okay..........bye..."
Ano? In speaking of andrea ba itech?
"Joshua. Wa'g kang magkakamali."
"Pa, ano ba? Lagi naman akong mali eh!"
"Tama na yaan pwede ba? kayong dalawa talaga...haaay...O, Joshua.... Samahan mo daw si Andrea sa bahay nila dahil wala ang mga magulang nya at mag-isa lang sya dun........."
Nanlaki ang mata naming apat... SASAMAHAN SI ANDREA? WALA ANG MAMA AT PAPA?? MAG-ISA...? BOYFRIEND KOOO--SI JR... GUSTO NYANG MAKASAMAAAA?... ANONG??? GAGAWIN...? KOW???
"O, Jini? Don't worry, wala namang gagawing masama si Joshua diba?"
Tumingin si Tita kay Joshua.
"Ma. Ba't di mo tinanggihan?"
"Huh? Makakatanggi ba ako sa lambing ng boses nya at sa mala anghel nyang pagmumukha? Tsaka....-isang gabi lang naman eh...?"
Sige..JR...mag seselos ako..sige ka... sige.. sige...
"Sige na JR. Pumayag ka na. Tsaka, wag mong sabihin kay Andrea ang tungkol satin. Ayokong masira ko ang kasiyahan nya..."
MASIRA ANG KASIYAHAN NG MABAIT AT MAAMONG SI ANDREA. WAAAAAAAAH. Kahit kelan naman kasi, hindi ako naging maamo at mabait-ang-mukha eh. Lagi naman akong may mataas na sungay. Kaya, magiging KONTRABIDA ako sa pananaw ng iba kung ipagkakait ko ang JR ko diba? Kahit isang gabi lang? Jhini. please? Tiisin mo na lang please? Kaya mo yan girl! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAH... Ayokong umarteng parang girlfriend-na-nagseselos. WAHAHAHA. >:D Naguguluhan ako.
---
Labels: Loving Darkness
raindrops are falling like tears, jonaxxstories;