<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

C&♥31-35


C&♥31
Welcome to Bantayan






Hindi ko na talaga alam kung bakit ganito na lang ang nararamdaman ko pag nandyan si Sir Chase. Kung hindi parang may butterflies sa tiyan nagiging tubig naman yung paa, kung minsan parang may pakpak pa.

"Ako na." Ngumiti siya nang binuhat ang shoulder bag kong malaki papalabas ng Riala.
"O-Okay."

Nakangisi na talaga si Celine at Luke nang nakita nila kaming lumalabas ng Riala ni Sir Chase. Sumakay kami sa sasakyan nina Sir Chase at may driver na naka uniporme sa loob. Naalala ko si Kuya Joe - yung driver ni Bench.

"Let's go!" Nakangising sabi ni Celine.

Pumasok kami sa loob ng sasakyan. Nasa back seat kami ni Celine at Luke samantalang si Sir Chase ang nasa front seat. Yung malaking bag ko ay nasa kanya parin...

UH, Chase... pwede bang kunin ko? Pero di ko masabi yon dahil nagsimula na namang magbunganga si Celine.

"Nakooo." ngumisi siya. "Sorry talaga, Eliana... Di kami magtatagal ni Luke sa Bantayan... Paano ba naman kasi hiring bukas sa Marketing at may ooperahan sa bungo si Luke eh." Tumawa siya at narealize kong baka biro lang yun. Bungo? Really?
"Okay lang naman yun. Sayang lang..." Sabi ko.
"Okay lang talaga! Nandyan naman si Chase!"

Nagkatinginan si Celine at sir Chase.

"Hmmm." ibinalik ulit ni Celine ang tingin niya sakin at kay Luke naman. "Diba Luke?"
Tumawa lang si Luke at nakita ko, kahit na side view lang ang pag ngiti ni Sir Chase.

Tumagal ng mahigit apat na oras ang byahe at nakatulog ako... Nang malapit nang dumating sa sakayan ng barge, nagising naman ako.

"Asan na tayo?" Tanong ko habang chinicheck kung may muta ba ako.

Nakatulog din pala si Celine at Luke kaya yung driver o si Sir Chase lang ang makakasagot sakin.

"Malapit na tayo, Eliana." Sabi ni Sir Chase habang tumitingin sakin. "Hmmm. By the way." Ipinakita niya ang cellphone ko. "Someone called... Bench daw."

WHAT DA ERF!? Sa lahat ng oras na tatawag si Benjamin ay sa oras pa kung saan nandoon kay Sir Chase ang bag ko at tulog ako?

"Didn't wake you up.. I'm sorry."
"Okay lang." Sabay kuha ko sa cellphone ko at naramdaman ko ang pag galaw ni Celine at Luke, hudyat na gising na sila.

Ako naman ay nag titext ng mahaba kay Bench...

"Malapit na pala tayo-" nagsimulang magsalita si Celine...

TEXT KO:
BENCH, GALING MO TALAGA!? ANONG SINABI MO SA KANYA? MAY NALAMAN BA SIYA? TULOG AKO! WAG DIRTY MINDED! TULOG AKO SA SASAKYAN PAPUNTANG BANTAYAN ISLAND... MAY KASAMA KAMI... APAT KAMI...


*krriiiiing*

Halos mapatalon ako sa pag ring ng phone ko nang naisend ko ang text na yun. Kumunot ang noo ni Celine at tinignang mabuti ang cellphone ko.

"Bench-" Binasa niya at agad kong sinagot nang di na niya makita.

"Hello?"

"Uyy! Lalaki ba yan? Di ko alam na may tumatawag pala kay Eliana na lalaki huh? Yan ba yung ex mo?" Kay Sir Chase siya nakatingin. Nakikiusyoso na naman.

"I'm just checking if you're alright. That's all." Tumawa si Bench at binaba ang tawag.

WHAT THE EFFING HELL? Yun lang? Grr. Panirang pinsan. Buti walang reaksyon si Sir Chase... Ngumiti lang siya sakin at tumingin sa malayo.

Nang nakasakay na kami ng barge, si Sir Chase parin yung nagdala ng bag ko habang nasa likuran niya ang pack bag niya. Naka t-shirt at shorts lang siya.

Sorry, di ko pa naabsorb yung soot niya dahil sanay ako na pormal siya. Naka aviators pa siya at kitang-kita yung hubog ng katawan niya sa t-shirt na soot. Nag wo-work out siguro siya? He's hot even with his shirt on... ano na lang kung wala ng shirt diba? Ay nako! ano ba tong pinag iisip ko?! Sumpa ba ng mga Jimenez ang pagiging manyak at natutulad ako sa dalawang pinsan ko? GRRR...

Nang nakarating na kami sa isang resort ng Bantayan... Yung pangalan ng resort ay Casa del Sol. Grabe at nalaglag talaga ang panga ko nang nakita ang buong resort. May gate doon at pagkapasok, may garden muna bago yung limang kay laking swimming pool. May wooden foot bridge bago makarating sa main hotel kung saan kulay brown ang lahat, yung sahig, yung table, halos lahat ng furniture. May puting kurtina pa sa malaking pintuan papalabas ng hotel at papuntang beach.

"Paano to, Chase? Isang kwarto kami ni Celine." Sabi ni Luke nang nakakuha na ng kwarto at tumingin sakin.

Uminit agad ang pisngi ko... Alam ko! Ako? Saan ako matutulog eh di naman kami ni Sir Chase kaya di tamang iisa kami ng kwarto! Kaya...

"Ako na lang ang magbabayad sa kwarto ko." Sabi ko agad at kinabahan sa evil smirk ni Sir Chase.
"Come on, Eliana! 15 thousand yung one room! Ang mahal kaya! Si Chase na ang magbabayad... well unless if its okay for you to share?" Narinig ko talaga yung 'hihihi' sa tawa ni Celine.

Napatingin ako kay Sir Chase na nag eevil smile din. Inisip ko na naman yung sabi ni Celine noon na hindi siya nagiging seryoso sa mga babae. Baka matulad ako nito sa mga babae ni Bench huh? Pero may tiwala... gulp... naman ako sa sarili ko... of course... gulp... di ako... gulp... matetempt ng makamundong pagnanasa...

Mas lalong ngumisi si Sir Chase nang nakita ang reaksyon ko.

"Don't worry, Eli... Nothing... unnecessary will happen." Ngumuso siya at tumingin sa kanina pang namamanghang receptionist... "We'll take one room... with two beds."
"Uh... o-okay." Sabi nung receptionist...

And so... di lang pala ako yung nag s-stutter pag si Sir Chase na! Marami pala talaga! Yung mga na eenchant niya sa charms niya, huh!?

"Ch-Chase Martin Castillo?" Tumaas ang kilay ng receptionist. "Sir... i-ikaw ba yung bumili sa k-kabilang villa na idedevelop sa isang malaking r-resort?" Tanong ng receptionist.
"Hmmm. Yes." Ngumuso si Sir Chase at hinayaan ang mga mata niya doon sa receptionist.

PARANG... Di ako makatingin ng diretso sa kanila... parang... may kung ano sa dibdib ko kaya napahawak tuloy ako... Ano yun? Heart attack? Naramdaman ko ito nun kay Yuan... selos? nagseselos ba ako? Really?

Napalunok yung receptionist sa mga titig ni Sir Chase.

"Twenty thousand sir." Sabi nung babae, di parin maalis ang tingin kay Sir Chase.

Pero si Sir Chase ay nakatingin na sakin habang binibigay yung card niya. Ako naman... di makatingin. What izz happening my dear, Eli?

"Na-Nako! Ang mahal pala... Sana-" And it hit me!
"Sana ano?" Tanong ni Sir Chase sakin.

Tumawa si Celine at Luke at lumayo saming dalawa at may kung anong tungkol samin ang pinag uusapan (sumusulyap-sulyap pa talaga eh).

"Wa-Wala." Sabi ko.
"Sana... sana yung single queen sized bed na lang?" Ngumisi si Sir Chase... at... "No." Sumeryoso bigla ang mukha at tumingin ulit sa receptionist bago lumapit sakin...

Napa step back talaga ako sa hiya at kaba... Shemay!

Ilinapit niya ang mukha niya sa tenga ko at... "Yes, I trust you... you're innocent and you can definitely control yourself... But, Eli... I don't trust myself... around you..."

GRABE! UMINIT TALAGA ANG LECHENG MUKHA KO! Sobrang dirty minded ako at parang gusto ko ng itakwil ang dalawang playboy kong pinsan! Yung dugo niyo dumadaloy na sakin! Jusko! Pwede bang magpa blood transfusion ng dugo ni Denise?

Pero tama ba talaga yung narinig ko? At ano ang tunay na kahulugan?

Kinuha ni Sir Chase ang card niya at nagkatitigan ulit sila nung receptionist. Dam-it! Sana Queen size na lang sa inis ko! Bakit ab ako naiinis? Ang sama kong tao!! GRRR! ARGH! GRRR! Ano ba tong nangyayari? At BAAAM!

"S-Sir... Kung natapos na y-yung villa... Pw-Pwede bang mag apply ako d-dun?" Nalaglag ang panga ko sa sinabi nung receptionist.

Pero bago makapagsalita si Sir Chase... May malamig at pamilyar na boses akong narinig...

"No way, Tina. Mas malaki ang pasahod ko dito... And... their resort will just probably die... they don't have much experience in hotel handling."

Laglag ulit ang panga ko... Makabalik nga ng Cebu City, mukhang naiwan ko yung panga ko dun ah?

SIYA! Siya ang photographer kong... si? Sino nga yun? ARGH! Di ko na naman maalala.





C&♥32
To Love Again






Kumukunot na ang noo ko sa pag iisip kung sino ang nasa harapan ko ngayong nakatitig na sakin at nakangiti.

"Can't believe we'll be seing each other again, Eliana." Yinakap ako ng half-foreigner na lalaki. Naka shorts at polo lang siya at ngiting-ngiti.

Tinulak kong bahagya! Di ko natatandaan yung pangalan niya pero tandang tanda ko ang pagkaplayboy niya...

"What? Don't you remember me?" Tanong niya sakin na mas lumalaki yung ngisi. "Let me refresh... your memory-" Ngayon ay inilapit niya ang mukha sa mukha ko.

Pero bago siya nag tagumpay sa paghalit sa lips ko (di ako makagalaw sa bilis ng pangyayari) naitulak na siya ni Sir Chase.

"What the?" He scowled at Sir Chase. "Anong problema mo dude? Last time I checked, wala siyang boyfriend!" Sigaw ni hindi-ko-kilala.

Kalmado si Sir Chase pero kitang kita ang galit niya sa mga mata.

Si Luke naman ay pumagitna na sa kanila.

"You better update your timeline, then... and also, That doesn't give you an excuse to just kiss her-"
"WELCOMING GESTURE YUN, dude! Its none of your business!" Sigaw ng naiiritang half-foreigner. "This is my hotel, I can do everything I want."

Hinawakan ni Sir Chase at itinaas ito sa harapan ni half-foreigner.

"And this is my girl, I can do everything I want... you... can't." Nag evil smile siya. "And you will never have your chance... And... also... guests kami dito. If you don't want me to... destruct the name of your hotel-"

I AM IN AWE WITH HIS WORDS! Gosh! Ilang beses ba akong ma-s-stun sa mga sinasabi ni Sir Chase kahit alam kong sinasabi niya lang yun para protektahan ako. Kaya heto ako at biglangbigla.

"Okay! Whatever, dude! But judging from the girls..." Sumulyap siya sa nininerbyos na si ako at... "face, I don't think she belongs to you..."

WHAT? Umalis si half-foreigner. Nakangisi si Sir Chase pero halatang-halata ang inis niya. Nag elevator kami kasama si Celine at Luke pagkatapos nun...

"Sino yun, Eliana? Bakit kilala ka niya?"
Nagkibit-balikat ako, "Idunno." At tumingin ako sa kay Sir Chase.

Blanko ang ekspresyon niya at nakatingin lang sa mga number buttons na paakyat sa floor namin.

"Really? Sikat mo ah! Ganda mo naman kasi..." Sabi nI Celine at sumulyap din kay Sir Chase.
"He's a photographer, I think. Marcus Adams? Tama ba Chase?" Tanong ni Luke.
"Yep." Agad na sinabi ni Sir Chase at tumingin sakin. "Did you... did you take Adrianne's offer? The modeling offer?"
Napalunok ako at tumango.
Suminghap siya at pumikit, "God."
"Masama ba yun?" Tanong ko sa kanya habang hinihintay ang mga mata niyang tumingin sakin pero di niya ako tinignan.

Lumabas kami ng elevator...

"Dito na kami, Chase... Bihis lang kami, meet with you later." Sabi ni Luke at pumasok sila sa katabing kwarto namin ni Sir Chase.

Unang pumasok si Sir Chase sa kwarto habang ako ay nagdadalawang isip pa. Pero pumasok na rin na tinignan ako ni Sir Chase galing sa loob habang hinubad yung t-shirt niya.

OH MY GOD! This is... my first time! First time kong nakita ang hubog ng katawan niya... walang saplot na di ko kayang matignan ng diretso... Parang nakakasilaw ang abs niya at yung lower abdomen na parang si picasso ang humubog nito ah?

"What?" Inirapan niya ako at ngumisi.

Patay! Baka naman sa init ng pisngi ko ngayon, pulang pula na rin ang mukha ko?

"W-Wala..." Sabi ko.

I stiffened when he stepped forward to me... My Gosh! Help! Gulp!

Mahinahin niyang hinawakan ang pisngi ko at napatingin ako sa kanya... Hindi ko alam kung bakit pero kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Bakit kaya?

"You can stare at me if you want to..." Aniya...

Ilang kalabit na lang mahihimatay na ako promise. Pero talagang na bo-bother ako sa lungkot ng mga mata niya.

"May ginawa ba si Marcus sayo noon?"
"Huh? Wala. Bakit?:-[
"Okay. Di mo naalala ang pangalan niya tulad ng di mo pag-alala sa pangalan ko noon?" Tumaas ang kilay niya.

Why can he even talk with me so casually when he's half naked?

"Uh... oo... Nakalimutan ko eh..."
"Maybe your thinking of too many things, then." Aniya. Seryoso.
"Maybe..." Di parin ako makatingin sa kanya.
"Friends ba kayo?"
"Hindi. Photographer lang siya dun sa shoot..." Sabi ko.
"Shoot. Did you shoot for... Never mind..." He's lost in deep thought.
"Hindi nga kami halos nag usap nun, ewan ko ba kung bakit feeling close yun-"
"Your beauty, Eli... is what makes men... sort of... like you... But for me... nothing intrigues me more than a woman who ignores me."
Napabuntong-hininga siya at, "Damnit!" Pumikit siya at tinanggal ang kamay niya sa pisngi ko. "I can't help but get jealous over anyone who's close with you..." Tulala siya ng ilang sandali at tumingin ulit sa mukha kong laglag na naman ang panga. "Even your..." Ginulo niya ang buhok niya at naglakad palayo sakin... "Seriously, what's wrong with me?"
"Anong problema?" Napatanong ako dahil na weweirduhan sa pagsasalita niya sa kanyang sarili.

"Nothing... I'm beat. I'll just sleep." Tapos ngumisi siya habang umupo sa higaan niya at tinignan ang bed na katabi nito. "You wanna sleep?" Mas lumaki ang ngisi.

Uminit pa lalo ang mainit kong pisngi.

"Nope! Nakatulog ako sa byahe... kaya... ikaw na lang muna." Sabi ko.
"Hmmm. But you can always sleep beside me-"
"Sir Chase!" Sabi ko nang di ko na mapigilan ang hiya ko sa sinasabi niya.
Tumawa siya ng malakas at tinignan akong mabuti, "Uh! You're so cute... And I'm so... attracted with you. Stop tempting me." nakangiti siya at sobrang cute nang sinabi niya ito. Humiga siya at tunalikuran ako. "Arrange the files... in whatever order... don't leave me while I'm sleeping... I don't want you near that a-shole."

Nakatulog agad siya pagkatapos niyang sabihin yun. Straight four hours na byahe at di siya natulog. Bakit kaya di siya natulog? Di kaya tumagal ng isang oras yung tawag ni Bench? Ugh! I can't think about that. Nilapitan ko siya at sa kamanyakan ko at hinawakan ang buhok niya.

He's so damn handsome... hot... everything...

Dinig ko na naman ang lakas ng tibok ng puso ko.

Nilagay ko ang kamay ko sa pisngi niya tapos sa malambot niyang labi...

Rebound? Really? I don't even remember anything before Cebu. I really am probably falling in love... again
.




C&♥33
Stop Making Him Jealous





Inarrange ko yung files ni Sir Chase. Nandoon yung mga files ng CPI, yung sa proposal ni Madame ng hotel, at marami pang iba. Sa kalagitnaan ng pag aarrange ko, nakita ko ang isang tatlong pahinang papel na may seal at pangalan ng school ko noon sa Maynila. Kasunod nito ay isang ganun din, dalawang pahina, sa parehong school parin.

Transcript of records. Yung una ay Business Administration sa college, yung pangalawa ay MBA naman. Wow! Ang talino ni Sir Chase! Tinignan ko ang mga grades niyang puro flying colors. Nakakahiya naman masyado ngayong di pa ako nakakapagtapos at may MBA na siya.

Pero may isang subject akong nakita na iba sa lahat. And Intermidiate Algebra ay tatlong beses niyang ni retake dahil sa failing marks na nakuha. REALLY? Intermidiate Algebra?

Tinignan ko siyang mabuti at nakita ang peaceful niyang mukha habang natutulog. Isang beses ko lang na take ang intermidiate algebra ko, hindi siya madali, hindi rin mahirap kaya nakapagtataka na si Sir Chase na halos top sa lahat ng subjects ay may failing marks sa Intermidiate Algebra.

Hindi ko pwedeng pagtanungan si Celine kasi di naman sila classmate. Surely, isang tao lang ang mapagtatanungan ko, iyon ay si Brittany.

*Krrrriiing*

Nakita ko ang cellphone kong tumatawag si Daddy.

"Hello?" Tinignan ko ulit si Chase nang tumayo ako at lumabas ng kwarto.
"Eli, I heard from Bench... Nasaan ka na?"
"Nasa Bantayan po. Tatlong araw lang naman ako dito kasama yung boss ko at ilang tao." Sabi ko.

Hindi ko makakakayang sabihin kay papa na nasa iisang kwarto kami ni Sir Chase at aalis yung 'ibang kasama' bukas.

Lumayo ako sa kwarto at bumaba gamit ang hagdanan.

Napabuntong-hininga si Dad at alam kong magsisimula na naman siya, "Eli... kailan ka ba uuwi? Umuwi ka na dito. The twins miss you so much. I miss you so much. We miss you so much."
"Dad," Napapikit ako dahil naririnig ko ang mahinahong pagsinghap niya, "Yes, bibisita ako diyan. Soon. Aryt?"

Maybe it's about time...Maglilimang buwan na rin naman ako dito at mukhang wala na akong kinakatakutan sa Maynila.

Tapos narealize kong nasa ground floor na pala ako at malapit na sa reception. Nakita kong papunta si Marcus Adams sa akin.

"Dad, I gotta go. Bye. Talk to you later. I love you. I'll book a flight soon, don't worry." Sabi ko.

At binaba na agad dahil nandyan na si Marcus.

"Hi, Eliana." Ngumiti siya at mas kaswal ngayon.
"Hello!" Umamba akong babalik sa taas nang...
"Hey, sorry kanina. I'm just pissd off with Chase Martin." Aniya.
"Okay lang." Sabi ko.
"Iniinis ko lang... boyfriend mo pala siya, I didn't know?"

Gusto kong umuo-o pero may bumubulong saking ANG FEELING MO MASYADO BAKA MASANAY KA NIYAN.

"Uh... hindi." Sabi ko.
Nanlaki ang mga mata niya at ngumisi, "Really? But is he courting you or something?"
"Hindi rin..." Umiiling-iling ako sa pagpapanic.
"He doesn't do 'courting' anyway... pati girlfriend... kaya di nakakapagtaka yun." Tumawa siya. "I heard he's a ruthless heartbreaker... "
"Ba't mo alam?" Ngumisi ako.
"Just getting to know the business rival." Kumindat siya. "Hey, wanna grab lunch? Peace offering ko sayo na offend kita kanina eh."
"Uhhh... Sige bah!" Ngumiti ako at sumama sa kanya papunta sa cafe ng hotel.

Siya ang umorder ng kahit anong gusto ko samantalang nasa harapan ko lang siya at umiinom ng kape at pinagmamasdan akong kumakain.

Wala akong pake kung titigan niya ako maghapon habang kumakain, di naman siya si Sir Chase eh...

"We're classmates..." Aniya sakin.
Tinaas ko ang kilay ko, hindi ko kasi na kuha yung sinabi niya. "Chase Martin is my classmate."
Natigilan ako sa pagsubo ng mga pagkaing di ko alam kung anong tawag, "Talaga? Sa college?"
"Yep!"
"So classmate din kayo ni Brittany?" Tanong ko.
"Yep! That girl... she's crazy over him." Umiiling siya. "Pero halos di mapansin. Don't know what's with him..."

Tinignan kong mabuti ang kulay blue niyang mga mata.

"So many pretty girls from our batch, huh, actually, almost all of them, in love sa kanya." Tumango siya sakin. "You know, while we were immature seventeen-year-olds or eighteen-year-olds, he's already... mature." Nagkasalubong ang kilay niya. "Di ko talaga alam bakit daming nagkakandarapa sa kanya."

Halos di na ma resume yung pagkain ko dahil sa pagkakatingin ko sa kanya.

"Don't tell me, ikaw din?"
Umiling ako pero walang lumabas na boses ng pagtutol sa bibig ko.
"I won't be surprised... While girls want sex from me, half of them wants a serious relationship and sex with that man. and i don't understand..."
Halos mailuwa ko yung tubig na iniinom ko habang sinabi niya yun. LOL! At... gets ko din yung mga babae na gusto ng seryosong relationship with Sir Chase. Seryoso, misteryoso, smart at sweet kasi siya... perfect... boyfriend... material.

"Pero bakit... uh... mahirap ba yung Intermidiate Algebra?" Tanong ko agad.
Tumaas ang kilay niya at umaliwalas ang mukha, "Ah! Yes! Chase failed that about two or three times na ang saya ko at pati yung ibang kaklase kong lalaki. We thought he sucked at it... then we found out... Every exam he failed, zero yung score. EVERY EXAM, ZERO." Tumingin siya sa malayo. "Can you imagine that? Kung ako babagsak ng isang subject, siguro naman dahil yun 5 lang ang score ko over 50 or something sa exam. May iilan talagang masasagutan ng tsamba.. Maybe pwede sa iisang exam ay zero yung score mo... pero kung sa buong apat na exam ng terms na yun ay zero ang exam mo, that's very impossible." Nagkibit balikat siya.

Nagtaka naman ako... Oo nga, may point si Marcus. Bakit kaya siya bumagsak ng grabe sa exam niya sa Algebra. Naiimagine ko ang mukha ni Sir Chase na bigo dahil bumagsak siya sa exam. Bumilis ang tibok ng puso ko habang natutulala at kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagngisi ni Marcus.

"Eliana,"

Halos mapatalon ako sa boses ni Sir Chase galing sa likuran. Pakiramdam ko nasira ko yung trust niya or something... like I cheated on him or something... GRRRR... Ang feeling ko naman!

"Ch-Chase!" Sabi ko.
Tumingin siya sakin at kay Marcus, seryoso ang mukha niya.
"So-sorry. May tumawag kasi sa cellphone ko kaya lumabas ako ng kwarto." Guilty naman ako. "Kaya..."
"No, its okay." Ngumiti siya pero nandyan na naman ang malulungkot at pagod niyang mga mata.

Umupo siya sa malayong table samin at...

"Uhm, Marcus... Iwan muna kita huh? Pupuntahan ko si Sir Chase-" Napatingin si Sir Chase sakin nang tumayo ako.
"What?" Nag evil smile si Marcus. "No! I paid for all of these tapos sa kanya ka pupunta? Hell no!"

Tumayo siya at hinawakan ang balikat ko para maupo ulit.

"Marcus... I actually paid for all of that." Nabigla akong nang nakita agad si Sir Chase sa gilid ko.
"Huh?"
"I paid for all of that." Sabay turo sa pagkain ko. "So... hands off my girl." Mahinahon na sinabi niya.
Marcus' eyes narrowed, "Kailan ka pa natutong magkaroon ng girlfriend Chase?" He smirked. "And she's not your girl... Right, Eliana?"

Nagkatinginan kami ni Sir Chase. Pumula agad yung pisngi ko! Patay! Guiltyng guilty na ako. Babawi ako!

"Yeah... But since I'm not your girl, too... i get to choose who I want to be with."
Ngumisi si Marcus at tinignan akong mabuti, "Aryt! Whatever..." At umalis.

Pagkalingon ko kay Sir Chase, tinalikuran niya na ako at bumalik sa mesa niya. OH MY GOSH! Galit ba siya? guilty ako. HUHU...

"Sorry, Chase-" Sabi ko nang nakarating ako sa table niya at umupo sa harapan.
"Stop making me jealous, Eliana." Aniya at tumingin sakin habang laglag ang panga ko. "At wa'g mong sabihin sakin na hanggang ngayon, di mo parin ako nararamdaman."





C&♥34
I Can Be Your...






Hindi ko alam kung bakit ang lamig-lamig ni Chase sakin pagkatapos ng pangyayaring yun. Halos di niya ako tinitignan. Kakausapin pero aalis din nang di tinitignan.

"Bihis ka na-"
"Chase-"
"Don't talk to me. I'm mad at you." Tapos umalis ng kwarto.

Nag bihis ako ng sarili kong bikini at isang maxi dress. Pupunta kasi kami sa villa na binili nina Sir Chase. I'm bothered... bakit galit si Sir Chase sakin?

"Lika na?" Sabi ni Celine nang binisita ako sa kwarto. "Anong problema ng boss mo at bakit bad trip yun?"

Nagkibit-balikat na lang ako at sumunod sa kanya palabas ng hotel. Sumakay kami ng taxi para makapunta sa kabilang villa. Naka shorts lang si Sir Chase at t-shirt. Kanina pa ako nakatitig sa kanya pero ni minsan di pa dumadapo ang paningin niya sakin.

Nakarating din kami ilang sandali at nakita ko ang ganda nung villa. Undeveloped pa siya at mas malaki pa sa Casa del Sol ni Marcus. Kung matatayuan ito ng hotel at ng resort siguradong bebenta! Malawak ang seashore at ang ganda ng dagat. Yung villa doon ay luma na at mukhang nalulugi. May tatlong jetski pang nandoon sa seashore.

"Magkano yung oras ng jet ski?" Tanong ni Celine sa may-ari na sumalubong samin at kinakausap ni Sir Chase.

Agad tumakbo si Celine sa isa nang binayaran ni Luke ang tatlo.

"Eliana, come here!" Sigaw niya sakin nang nakarating na siya sa jet ski.

Nandoon na rin si Luke at sumasakay na sa isa pang jet ski. Tinignan ko si Sir Chase at hinintay na tumingin siya sakin pero seryoso siyang nakikipag usap sa may-ari.

Naglakad ako papunta sa isa pang jet ski at hayun na si Celine at Luke sumisigaw sa saya.

"YUHOOOO!" Tumatawa-tawa pa silang dalawa. "Bilis na!" Sigaw ni Celine sakin.

Marunong naman akong lumangoy kaya no problem ito... na try ko na rin 'to sa isang bakasyon namin noon kaya okay lang talaga. Hinubad ko ang maxi dress ko at naka bikini na lang.

Sumakay ako at agad parang nag reunite kami ng dating kotse ko. haha! Sarap ng pakiramdam... Sarap na free ka! Sarap ng walang pipigil sayo. Sarap dahil damang-dama mo ang hangin at walang magagalit kung anong gagawin ko.

BAM!

"Celine!" Sigaw ni Luke nakita kong nawala si Celine sa jet ski niya.

Umahon siya sabay tawa kahit basang-basa.

"Sarap!" Tapos sumakay ulit.

Resume the ride! Nag ooverspeeding na talaga ako sa sarili kong jet ski.

BAM!

Ang sarap! Kahit mejo masakit yung pagkakahulog ko sa jetski, sarap parin! Lalo na nung nakita ko yung ilalim ng dagat... may parang brains, may parang mushrooms, may star fish, may mga isda, maraming corals! Bebenta talaga ang resort na 'to! Sobra!

Pero nang umahon ako, nakita ko si Sir Chase sa harapan ko. Napalunok ako sa basa niyang buhok at nangangapos ang hininga niya. Topless na siya at para bang nagdadalawang isip kung yayakapin ako o lalayo sakin.

"Marunong ka palang lumangoy." Lumunok siya. "Ang tagal mo kasing umahon, akala ko... akala ko..."
"Uh, hindi... Uhmm... Sorry..." Uminit ang pisngi ko.

Ginulo niya ang basang buhok niya kahit alam kong di naman 'to nagugulo. Parating clean cut si Sir Chase at sigurado akong pag gising niya sa umaga ay ganun parin ang hitsura ng buhok.

Naglahad siya nang kamay pagkatapos niya sumakay sa jet sking inabandona ko. Tinanggap ko naman agad 'to at halos mapanganga ako sa muscles na nakita ko. From triceps to biceps to abs... Grabe! Sobrang nahubog ng mabuti ang katawan niya lalo na ngayong nasa ilalim ng sikat ng araw at basa pa sa tubig dagat.

"Hold on tight... I don't want you to fall anywhere else."

Hindi ko alam kung bakit double meaning yung dating sakin nun. Napangiti tuloy ako at buti di niya ako nakikita dahil nakatalikod siya sakin. Dahan-dahan kong nilagay ang dalawang kamay ko sa magkabilang waist niya.

OMG! Real experience. Ang manyak ko naman pero kahit sino siguro mamanyakan dito. Di na ako nagtataka kung bakit maraming nagkakandarapa sa kanya.

"Tighter, Eliana!"

Napa tighter agad ako sa sigaw niya at agad niyang pinaandar ang jet ski. Nakita ko si Celine at Luke na nagkakatuwaan parin sa jet ski. Hinatid ako ni Sir Chase sa sea shore... Bumaba ako tapos bumaba na rin siya.

Napabuntong hininga siya, "You wanna ride again? You may." Aniya pero malamig ang boses niya.
"Di na. Okay na ako." Sabi ko.
"You sure?"
Natahimik ako dahil sa wakas ay tinignan niya na ako with his sad eyes.
"Yep. Kuntento na ako." Sabi ko.
He sighed, "I thought you don't swim... Ang tagal mong naka ahon."
"Hmm. Tinignan ko lang yung ilalim ng dagat. Ganda!" Nagstart na akong manlamig dahil sa bikini ko.
"If you wanna ride again... di kita pagbabawalan. Just don't do that stupid stunt again." Mas lalong naging malamig yung boses niya.
"I'm sorry k-kung pinag alala kita... Pero di naman kailangang mag alala pa sakin, kaya ko naman yun... Di na ako bata."

Naagaw ko ulit ang atensyon niya. Tahimik lang siya at tumingin sa likuran ko. Napatingin din ako at nakita yung matandang may-ari nito na papunta saming dalawa.

Biglang may pinulot si Sir Chase at hinagis sakin.

"Put that on! Seriously? A red bikini with your face! Anyone can be tempted! Put that on, Eliana!" Tinignan kong mabuti ang t-shirt niya at agad kong sinoot ito.

Tama lang ito para tabunan yung upper thighs ko.

"Ugh! Where's your dress?"
Pero bago niya pa mahanap, "Mr. Castillo..."
"Ye-Yeah!"

Tinignan ako ng matanda sa head to foot at...

"Ano? Kelan niyo sisimulan yung... ano?" Bawat ano niya ay napapatingin siya sakin. "Yung..."
"Renovation?" Naagaw ni Sir Chase ang atensyon ng matanda. Tumingin siya sakin at inakbayan ako para bumulong, "Get dressed."

Tumango ako at lumayo habang iniiwan silang dalawa. Ngayon, di na matanggal yung titig niya sakin.

Pagkatapos kong magbihis ay mukhang may kinuha yung matanda doon sa villa at lumapit si Sir Chase sakin.

"Sabi mo sakin, di ka na bata." Tinaas niya ang isang kilay niya. "Anong tingin mo dun sa matanda?"
"Huh? Bakit? Okay lang naman siya... Anong problema sa kanya?"
"See? He's been eyeing you for about an hour now... He's a dirty old man! See? Di mo ma identify kung sino ang mabait o sinong may masamang utak. Tapos sinasabi mo di ka na bata...?"

Na guilty tuloy ako sa sinabi ni Sir Chase. Tama siya... Hindi ko nga maidentify yun... Paano ba yan nagagawa? Napatingin ako sa mga paa ko at natahimik na lang.

"Hey..." Biglang niyang ni-lift ang chin ko at tinignang mabuti ang mukha ko. "Sorry." Sarap ng mahinahong boses niya at mas lalo pa akong na guilty kaya hindi ko na napigilan ang luha ko. "Hey... its alright, baby."


Baby? Dahil ba baby pa ako? Huhu... Niyakap niya ako pero di ko siya niyakap in return kasi guilty ako... tama siya pero naiinis din ako sa kanya... Ba't kailangan ipamukha pa yun sakin ngayong nandito nga ako sa Cebu para matutunan kung paano mamuhay outside ng Jimenez family crest and mansions.. LOL!

"T-tama ka..." Sabi ko habang tinutulak siya pero sa lakas niya naman at sa panghihina ko, di ko siya natulak ng tuluyan.
"Sorry... I shouldn't have said that... It's okay. I'm here." Mas lalong humigpit ang yakap niya.

Pero hindi ko alam bakit mas lalo akong naiiyak. Parang sa loob ng limang buwan, yung homesickness at yung sakit ngayon ko pa maibubuhos... Yung yakap niya parang nagdadala ng kung ano sa sistema ng katawan ko. It feels like my world is falling apart and at the same time its repairing the broken pieces.

Habang nasa dibdib niya ang ulo ko, dinig na dinig ko ang mabilis at malakas na pintig ng puso niya.

"God I... I like you... Maybe I can be your rebound after all." Napatingala ako sa kanya at pumipikit siya hindi ko alam kung bakit...





C&♥35
In Love






"Chase! Grabe! Dapat mag snorkel din kami ni Luke! Kay ganda pala ng dagat dito... Dun na lang sa Casa del Sol, jet ski lang naman pala yung high light dito. Mamayang gabi, party na din tsaka bukas surfing!" Sabi ni Celine. "Kailangan magawa namin lahat dahil bukas ay babalik na kami ng syudad."
"Anong oras pala ang balik niyo, Celine?" Tanong ko.
"Lunch time." Ngumisi siya at tinignan ko ang seryosong mukha ni Sir Chase...

In deep thought yata. Parang dapat din akong mag isip tungkol sa kanya. Rebound? Him? My rebound? Bakit? Kagagaling ko lang ba sa isang relasyon at irerebound ko siya? At anong ibig sabihin niya? May gusto ba siya sakin! Impossible! Sa gwapo niyang yan at sa successful niyang yan at sa matipuno niyang katawan sakin lang siya magkakagusto?

Lumulubog na ang araw nang nakabalik kami sa Casa del Sol. May ibang nag si-swimming doon sa swimming pool nila at nakita ko talagang may laglag ang panga sa kay Sir Chase. Kainis! Gusto kong makita ako nung mga babaeng yun habang tinititigan sila at nanlalaki ang mga mata ko nang matakot sila pero di eh, grabe yung titig nila, hindi na nahiya!

Napatingin ako kay Sir Chase na cool lang ang dating at parang walang tumititig sa kanya. Hay! Ang layu-layo ko sa kanya, ano? Ang liit ko samantalang eto siya... confident... sinong di magiging confident kung successful, gwapo, matipuno, mabait at matalino? well, except sa Intermediate Algebra... I should ask someone about that soon.

CHASE. CHASE. CHASE! Much better nga kung Chase na lang nang sa gayun ay di ko na maisip na kay laking tao niya at kay liit ko.

"Ginugutom na ako. Kain muna tayo." Sabi ni Luke.

Nauna silang dalawa papunta doon sa restaurant. Sumunod kami ni Chase... Swabe ah? CHASE....

Nang biglang naramdaman ko ang mga daliri niyang hinila ang kamay ko. Napatingin ako sa kamay namin at tingin ulit sa mukha niya. Nakanguso na siya at nag pipigil ng ngiti.

Jusko! Uminit ang pisngi ko! Uminit pa lalo nang napag desisyunan kong makig holding hands sa kanya. Hindi naman ito yung first time na nag holding hands kami pero grabe, ganun parin ang epekto.

"What do you wanna eat?" Tanong niya sakin.
"Hmmm. Kahit ano... kung anong sayo... yun sakin." Sabi ko.
Ngumiti siya. Nakita ko naman ang mga evil smirk ni Celine at Luke nang nakitang nag hoholding hands kami nI Chase.
"Uwi na lang kaya tayo, ano? I mean ngayon na talaga!" Sabi ni Celine at nagtawanan silang dalawa.

Uminit naman agad ang pisngi ko. Pero ngumisi lang si Chase... at tinignan ang menu.

Kumain kami at pagkatapos nun ay nag holding hands ulit kami ni Chase pabalik ng hotel. Nagbihis ako ng shorts at isang bohemian na top habang nag sho-shower siya. Pupunta kasi kami ng Party Shore - yung isang maliit na club dito sa Casa del Sol... Open club at open party. Buhangin ang dancefloor at sabi ni Celine ay first time niya sa ganun kaya pupunta kami.

Grabe, hindi pa kami nag fa-five minutes ay limang baso na ng tequila ang naubos ni Celine. Sayaw agad sila ni Luke sa dancefloor. Kaming dalawa na lang ni Chase dito sa table at pinapanood sila.

"Hmmm." I think this is the right time to ask him about the rebound... or maybe about the Intermidiate Algebra? "Uh-"

*Kriiiiing*

Tinignan niya ako na parang di naririnig yung cellphone niya.

"Uh... nag riring yung phone mo."

Ni cancel niya yung tawag kaya na speechless ako.

"May sasabihin ka?" Tanong niya.

*krrriiiiing!*

"Baka importante yan, sagutin mo." Sabi ko. "Di naman importante yung sasabihin ko."
"Aryt!" Aniya at tinignan ang cellphone niya. "Excuse me."

Umalis siya sa table at lumayo sa Shore Party. Well... siguro nga importante... 5 minutes later, wala parin siya...

"Hi!" Inabot agad sakin ni Marcus ang inumin nang nakita akong mag-isa sa table. "Kaw lang ba?"
"Nope... nandito si Chase... May... uh... kinakausap lang."
"He shouldn't leave you for anything..." Umiling siya.

Naisip kong galit si Chase sa kanya kaya dapat akong lumayo pero kinausap niya naman ako agad...

"By the way... when is that commercial up again? Yung sa Matryoshka?"
"Idunno... Sabi ni Adrianne sa November daw?" Sabi ko.
"No! No... it can't be November, November yung tournament eh... October siguro or earlier." Aniya.
Nagkibit-balikat ako. Dalawang linggo na lang at October na ah! "Drink that." Sabay turo niya sa binigay na tequila sakin. "Pag nasa beach ka, you should have booze..." Kumindat siya at tumawa. "Its tradition."
"Tradition? Di ko alam yun." Nagtaka naman ako.
"Kaya nga may mga summer flings diba? Kasi umiinom yung mga nandito... so..." Ngumisi siya. "Come on, wala yang lason. I'm no angel, Eliana, but I'm not a devil too."
"But you're a playboy..." Ngumisi ako. "Baka pinapainom mo lang ako para magka summer fling ka?" Tanong ko.
"Nah! It's not summer yet..." Kumindat ulit siya at tumawa.

Ininom ko naman. Isa lang at buti di niya na ako binigyan pa uli. Okay lang naman pala 'tong si Marcus. He's not that bad. Nga lang, kaaway ni Chase kaya dapat paring iwasan. Mapapagalitan na naman ako nun...

"Excuse me..." Aniya nang nakita si Celine at Luke na pabalik ng table.

Umalis siya at pinalitan nina Celine at Luke.

"Where's Chase?" Tanong ni Luke.
"Ewan ko? may katawag yun eh." Tumingin ako sa wrist watch ko at nakitang 30 minutes na palang wala si Chase.
"Baka si madame!" Nagkibit balikat si Celine at uminom ulit ng isa pang tequila at nagmartsa ulit sila ni Luke pabalik ng dancefloor.

Asan na ba si Chase? Hahanapin ko na sana nang nagpakita siyang bigla, nakangisi.

"Saan ka ba galing?" Tanong ko.

Humilig siya para bumulong sakin, "People watching..."

Amoy na amoy ko sa hininga niya ang alak.

"H-Huh?"

Umupo siya sa tabi ko at ngayon na realize kong lasing siya. Halos di niya ma ifocus ng maayos ang mata niya sa kahit ano. Bakit siya lasing?

"You okay?"
"Yes! Perfectly.." Ininom niya yung Jack Daniels ni Luke.
"Chase, anong p-problema?"

Kinabahan agad ako. Hindi siya yung tipong maglalasing. No. May problema. At ano yun?

"I'm off to bed, you stay here... and..." Napalunok siya pero di ko na pinatapos.
"I'm coming with you." Sabi ko.
"NO!" He snapped.

Umalis siya pero sinundan ko na. Think, Eli! Think! He likes you... and then... people watching... nakita niya ba akong nakikipag usap kay Marcus?

"Eliana, what are you doing?" Sabi niya nang nakita akong sumusunod sa kanya pabalik ng hotel.
"Sorry!" Sabay lunok ko.
"For what?" Tanong niya at natigilan siya sa harap ng pintuan ng hotel room namin.
"Sa kay Marcus..." Sabi ko.
"I know... And... it doesn't matter. I'm just..." Umiling siya at ginulo ulit ang buhok. "I don't know!" Aniya. "Hindi ka akin kaya it should be okay." Tinuro niya ang dibdib niya at... "Pero masakit... dito... Oh God I'm gonna regret this tomorrow!"

Tingin ko'y lasing na lasing na talaga siya ngayon. He's not normally like this... Mahinahon lang siya at cool. Unless of course if he's furious or maybe... drunk... or both...

"I'm sorry." Hinawakan ko ang kamay niya.
"For making me your rebound? Don't be... Its my choice..." ngumiti siya, sad and painful smile.
"YOU ARE NOT A REBOUND, CHASE!" Finally, I managed to blurt that one out.
"You can always choose who your rebound will be... Marcus or me... whoever you choose-"
"My god!" Nasaktan talaga ako sa sinabi niya... hindi para sakin kundi para sa kanya! "My god, Chase! Hinding hindi kita kayang irebound! At hinding hindi ako pumipili sa inyong dalawa ni Marcus kasi! OH MY GOD!"

Yumuko siya at pinikit ang kanyang mga mata. Lasing plus puyat at galit or something?

"Hindi ako pumipili sa inyo ni Marcus dahil in the first place, hindi siya kasali dito..." Sobrang kabog ng dibdib ko, halos mapangibabawan na ako. "At... hindi ka rebound-"

Niyakap niya agad ako. Nang bumitaw siya, tinitigan niya ako like he's about to kiss me. I swear to God pwede ko siyang halikan but I'm too stunned with his eyes.

Ilang tao na kaya ang naakit at nasaktan sa mga mata niya? :-[

Ginulo niya ang buhok niya at... "Just when I want to take things slow to make sure you've moved on..." Napabuntong-hininga siya at di tinapos ang sinasabi. "I don't chase after anyone. Never did. Never will. But for you, Eliana, I will. I'm in love with you."

Nalaglag ang panga ko sa rebelasyong sinabi niya. Ngumiti siya at pinikit ulit ang mga mata niya.

"I shouldn't have said that. It's too early... Chances are... I'm really going to be a rebound. Sorry, I'm selfish." He sighed. "I need to sleep." Pumasok siya sa loob samantalang nandito ako sa labas... speechless...

I'm Trembling... and... OVERJOYED? Wait... sinabi niya bang in love siya sakin? Lakas ng pintig ng puso ko at parang bibigay yung binti ko sa excitement na nararamdaman ko ngayon. Sa bilis ng pangyayari hindi ko na maorganisa ang utak ko.


Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText