17th
17th~
Summer: Forget it, forever
Mag iisang buwan ng ganito kami ni Lex. Tama, nakakaya ko. Nakakaya ko, alam niyo kung bakit? Kasi tinaga ko sa isip kong patay na siya. Alam kong masama ang iniisip ko, pero panandaliang lunas lang yan. Kasi alam ko, kapag nagkikita kami, halos di ako makatinin sa mga mata niya longer than 5 seconds kasi sumisikip ang dibdib ko. Nakikita ko kasi sa mga mata niya ang kislap ng dating Lex na mahal na mahal ako.
Papunta ako sa classroom namin, pang huling klase na 'to. May dala pa akong frappe galing starbucks para di ako antukin.
"Are you really sure you're still holding off our engagement?" Sabi ni Kyla kay Lex habang naglalakad sila nasa harapan ko papuntang classroom.
Ang bagal naman nilang maglakad. Si Kyla naka corporate look.
Binagalan ko din ang paglalakad ko. si naman nila ako napansin.
"Yes, Kyl. And besides, hindi ko pa talaga napag-aaralan ang ideya ng engagement natin. I just want it done coz my dad wanted me to find a fiance already." Sabi ni Lex.
"What do you mean?"
Natigilan sila sa paglalakad.
"What?"
Suminghap si Lex.
"Look, Kyl. As far as I can remember, we broke up years ago.-"
"Why are you saying this now? May nakaimpluwensya ba sayo?" Sabi ni Kyla.
Naku, dapat na yata akong umalis, ayaw nga lang gumalaw ng mga paa ko. :(
"Wala... its just...-"
Mangiyak-ngiyak na si Kyla.
"Summer? Si Summer ba? Lex, wa'g ka namang bastang maniwala dun! She likes you, she's obsessed! Gagawin nun ang lahat-"
"Its not about Summer!"
"No! Its about her!" Sabi ni Kyla.
"I don't even remember anything about that girl, why would it be her?"
Ang sarap pag untugin ng dalawa! Kainis! Kaya ayun, dumaan ako sa harapan nila.
"Excuse me!"
At dumiretso sa classroom.
Umupo na ako agad. Nakita kong papasok si Lex at tinitigan ako. Mukhang galit. Same expression. Di na ako nawiwindang sa mukha niyang yan dahil araw-araw niya akong tinititigan ng ganyan.
"Write an essay about..."
Ayan! Nabadtrip tuloy. Sa tuwing nababadtrip siya, lagi niya lang kaming iniiwan at di na nag lelecture. Minsan quiz, minsan ganito.
"Pass your outputs after one hour... to Miss Romero."
Napatingin ang lahat sa akin. First time na pinili niya akong magdala ng mga papel ng mga kaklase ko. Kadalasan kasi si Lindsay o yung isa kong kaklase. Umalis din naman siya pagkatapos nun.
"Ang hirap naman nito." Lumapit si Dave sakin. "Buti ka pa! Syempre, kaw yata ang top sa klase." Sabi niya sakin.
"Hindi noh. Pupunta nga siguro akong library para magkaroon ng ideya." Sabi ko.
"Talaga? Sama-"
"Hey Dave! Let's go!" Sabi ni Lindsay at kumapit sa braso ni Dave.
"Uhh..."
Gusto kong mapag-isa kaya...
"Oo nga Dave. Sumama kana kay Lindsay." Ngumiti pa ako.
Umalis din naman sila.
Pagkatapos ng higit isang oras, halos nabaliw sa kakahanap ang mga kaklase ko sakin kasi mag-isa ako at nakaupo lang sa isang bench sa malaking school na 'to.
Maswerte yung mga nakakita sakin, malas yung iba. Pero mas malas ako dahil kinailangan ko pang maghintay sa iba.
*tok-tok-tok*
Magagabi na nang pumasok ako sa faculty. Si Lex na lang at si Professor Sebastian ang naroon, si Prof Sebastian, ganun parin, malagkit ang tingin. Binalewala ko na lang.
"Eto na po, Sir." Sabay abot ko kay Lex na nakapikit at nakahawak sa ulo.
Hindi siya nagsalita.
"Masakit ang ulo mo?" Tanong ko.
Tumingin siya sakin.
"Just occassional headaches." Aniya.
"Especially when I'm around?"
Naalala ko nung dito rin kami sa faculty at nagkaganito din siya.
"Try pain relievers." Sabi ko at umambang aalis na.
"Hindi ka man lang ba gagawa ng paraan para maalala kita?"
Natigilan ako.
"Like what?" Hinarap ko siya. "I don't think you'll regret marrying Kyla kahit maalala mo pa ako..."
"You heard everything?" Sabi niya.
"It doesn't matter."
Tumayo siya para bang pinipigilan ang pag-alis ko... "Truth is, I postponed the engagement because somehow, I feel like I forgot something important." Natigilan siya nang sumakit ulit ang ulo niya.
"Forget it, forever." At umalis na ako...
Ginawa ko ito para malaman kung nasaan talaga ako sa buhay niya. Kahit di na siya ang Lex ko, alam kong nasa puso niya parin ako. Hindi ko siya kayang diktahan na mahalin ulit ako, at ngayong itinataboy ko na siya, parang di siya umaalis ng lubusan.
Kung umalis na nga siya ng tuluyan, maaring di talaga ako minahal ng Lex ko... Kung di siya umalis, maaring may lugar pa talaga ako sa puso niya kahit di niya ako maalala.
Hindi ko mapigilang umiyak. Umiyak dahil sa pagtataboy ko sa kanya, umiyak dahil sa inis dahil di niya ako maalala at umiyak dahil kahit anong gawin ko di ko siya makalimutan.
Labels: Remembering Summer
raindrops are falling like tears, jonaxxstories;