20th
20th~
Summer: About signs
Nagpilitan pa kami ni Lex sa faculty. Hinila ko siya palabas ng faculty.
Pagkaalis namin, dumugo ang ilong ni Prof. Sana maubusan siya ng dugo at mamatay na! Sorry pero kawalanghiyaan talaga yung ginawa niya! Hindi parin maalis sa isip ko!
Nakalabas na kami sa building ng walang imikan ni Lex. Sobrang tensyon parin ang naramdaman naming dalawa.
"WHY DID YOU GO THERE ALONE?" Sigaw niya, halos makita ko na ang ugat sa lalamunan niya.
Nanginig ako sa takot ng pagkasigaw niya. Ganun pa man, parang kinurot parin ang puso ko.
Nagsimula akong umiyak ulit at walang masabi.
Naawa na lang siya at hinila ako sa sasakyan niya. Bahagya palang napunit ang soot ko kaya sinootan niya ako ng jacket.
"Godamn it Summer! You at least have to wear jeans tomorrow." Sabi niya.
Naka-floral skirt kasi ako pero marami namang ganito sa skul at di naman 'to maiksi, bakit ako ang pinagdiskitahan? Ah! Oo nga pala, alam nga pala ni Prof (kahit na ayoko ng tawagin siyang prof ngayon) na may relasyon kami noon ni Lex.
Hikbi parin ako nang hikbi.
Tinignan niya ako habang umiiyak. Unti-unti niyang hinawakan ang ulo ko at linagay sa dibdib niya.
"Shhh! It's okay, I'll protect you." Sabi niya.
Lalo akong napaiyak sa sinabi niya.
"Even without my memories, I'll protect you."
Hinawakanniya ang magkabilang pisngi ko at hinarap ang mukha ko sa mukha niya.
PINUNASAN NIYA ANG BAWAT LUHANG LUMANDAS SA PISNGI KO. THE LAST SIGN OF THE 24 SIGNS OF SUMMER!
Bahagya kong kinalas ang ulo ko sa pagkakahawak niya.
Kahit ngayong wala na siyang maalala, nakumpleto niya parin ang signs!
Hindi ko namalayang napahawak na pala siya sa kanyang ulo...
"That was the sign I hated the most..." Nkapikit siya at mukhang wala sa sarili.
Imagine the face I'm showing right now. Basa ang pisngi ko sa luha at lumaki ang mata sa sinabi niya!
HE REMEMBERED?
O.M.G!
"Ahh!" Ngayon, sumakit na talaga ang ulo niya.
Napasandal siya sa Black Lamborghini niyang nasa tabi naming dalawa.
Wala na masyadong tao sa school at madilim pa kaya okay lang na nandito kami. Wala naman sigurong mang-iissue samin bukod sa matandang uugod-ugod na yun!
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko ngayong sumasakit ang ulo niya.
"Gusto mo pumunta tayo ng ospital, L-Lex?" Sabi ko habang hinahawakan ang braso niya.
"No.. No... This is just..." Napatingin na siya sakin ng diretso... "Occassional headaches."
Pumikit ulit siya at napareklamo sa sakit ng ulo niya.
Pinapasok ko na siya sa sasakyan niya para atleast makaupo. Nasa labas lang ako at kinuha ang tubig na nasa gilid niya at inalok sa kanya.
"No, you need it more. Uminom ka na... Di ka pa nakarecover kanina." Sabi niya.
Ilang sandali...
"I'm okay now." Tumingin siya sakin.
Nasa labas parin ako, kaharap ng front seat at may dalang mineral water.
"What are you doing there? Get in!" Sabi niya.
Umikot ako at pumasok. Magkasabay pa kaming suminghap.
"Ano nga ulit yung sinabi ko kanina?" Sabi niya.
Kinabahan ako.
"About signs."
"Di ko maalala. Bakit ko yun sinabi?" Sabi niya sakin.
Tinitigan niya ako.
"Uh..." Pumikit muna siya bago nagsalita. "Nasan yung hat mong galing Taiwan? Naibalik ko ba ng maayos?"
OH MY GOOOOD! That was the memory from the first time we met!
Labels: Remembering Summer
raindrops are falling like tears, jonaxxstories;