<xmp> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d-6655976147303528743', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Stage 46-50


Stage 46.
Let’s date





Naglalakad ako sa school. Di parin matanggal ang ngiti ko sa mukha ko. Nakalimutan ko na may mga issues pa pala akong kailangang tapusin... tulad ni Tanika at ni Yuan.

Sa ngayon, dinig ko ay di pa siya pumapasok ng school.

"Eli... Are you sure okay ka lang mag isa?"
"Oo." Aniya nang pumasok sa classroom nila.

Pinagtitinginan siya ng mga kaklase niya. Kung noon ay mangha, ngayon ay pagkayamot. Syempre, kilalang couple din si Yuan Tan at Tanika kaya alam nila kung sino ang nanghimasok. Alam natin na ang totoo, na naloko lang talaga si Eliana, pero hindi yun maiintindihan ng lahat. They will believe the otherwise.

"Hey, Denise!" Nakita ko si Lance na mukhang may inaabangan.

Nakangiti ito at bagong gupit. Sobrang bango pa!

"Uy! Lance!"
"Tama ako, ihahatid mo si Eliana kaya inabangan kita dito." Sabi niya.
"Pasensya ka na sa inasal ni Bench nung isang araw."

Napawi ang ngiti niya.

"Okay lang yun. I don't understand that guy. May gusto ba siya sayo?"
"Hi-Hin...Wa-Wal" Nabigla ako sa tanong niya.

Buti at binalewala niya ang sagot kong hindi ko alam kung ano...

"Balita ko nag e-special classes na lang daw siya. Nung nandito pa siya, hanep kung maka paulan ng death threats sa mga lumalapit sayo. Ba't siya ganun eh may ibang girlfriend naman siya diba? Well, anyway, maybe he's just overprotective sayo. Magkababata kayo diba?"

Na-stun naman ako sa sinabi niya at parang nabunutan ng tinik. Tama siya. Bench is just overprotective. Hindi niya talaga ako gusto. Patunay dun ang maraming girlfriend niya noon. Pero... teka... yung kahapon? Sabi niya 'my fture wife'? Anong ibig sabihin nun?

Naisip ko na ulit yung mukha niya. Yung malungkot niyang mukha bago umalis at yung mukha niya nung ipinakilala ako sa board.

"Denise?"
"Uhh! Oo! Yun nga lang."

Confused din ako. A part of me wants to believe him... but I just can't...

Habang nag-iisip ako may lumipad ng suntok sa mukha ni Lance. Hindi ko alam kung saan nanggaling! For a second I thought it was Bench! Pero hindi naman pala!

"Walang hiya ka Lance!!!" Sigaw ni Renzo.

Sh1t! Ilang araw ko din siyang di nakita! Buti ngayon at naconfirm kong buhay pa siya at di ipinasalvage ni Bench. Buhay pa siya! Alive and kicking! Kicking! Sinisipa si Lance!

Nagsuntukan ang dalawa. Leche naman 'tong buhay na 'to.

"Tama na! Renzo!!!"

Inawat sila ng mga tao. Ayoko namang makealam at baka masuntok pa ang maganda kong mukha! Bwahaha! Pero kailangan eh kasi kasama ko si Lance.

"Walang hiya ka pare! Walang talo-talo!" Sigaw ni Renzo. "Alam mong... alam mong..."
"Alam kong pinagpustahan niyo lang si Denise, Renzo!!!" Sigaw ni Lance. "Kaya tama na! Punong-puno na ako sa inyo!"

Pinagpustahan?! Alam ni Bench to kaya ayaw niya kay Renzo... At manyak pa huh?! Sana pala tinuluyan na 'to ni Bench!

"Anong pinagsasabi mo pare-! Denise!" Sigaw ni Renzo na pinupunasan ang dugo sa gilid ng labi niya.

"Tama na Renzo! Hinding-hindi ako papatol sa tulad mo! Kaya wa'g ka ng umasa! Sa tingin mo pagkatapos ng ginawa mo maiimpress ako sayo? Nakakasuka ka! Wa'g ka ng magpakita sakin ulit!"

Sabi ko bago inawat ng security guards at pinadala sa Discipline Office.

Syempre, si Renzo ang may kasalanan. Siya yung unang sumuntok. Pagkalabas ni Lance, sinamahan ko siya sa clinic para gamutin ang konting pasa sa mukha niya.

"Sorry, Lance..." Sabi ko habang linalagyan ng hot compress ang kanyang pasa. "Lagi na lang kitang dinadamay sa mga gulo ko. Una kay Yuan, ngayon dito..."
"Okay lang... Aray!"
"So-Sorry..." Nadiinan ko yata ang hot compress.

Ngumiti siya. :o

"Ba't ba kasi inaaway mo pa si Yuan?" Tanong niya.
"Sinaktan niya si Eliana." Sabi ko.
"Kasi mahal ni Eliana si Yuan? Ganun ba?"

Tumango ako.

"Pag mahal mo ang isang tao, masasaktan ka talaga." Aniya.
"Iba 'to eh. Niloko... niloko siya ni Yuan." Sabi ko.
"Well, if that's the case... kung ikaw naman ang lolokohin, siguradong sasaktan ko rin ang manloko sayo." Ngumiti ulit siya.

Jusko! Parang tumindig ang balahibo ko sa sinabi niya. Di ko tuloy maipagpatuloy ang paglalagay ng hot compress sa pasa niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at linagay ang hotcompress pabalik sa mukha niya.

"Denise... will you be my girlfriend?"

Napanganga ako sa tanong niya. Eto ba ang first time akong natanong? Bakit wala akong maalalang nagtanong sakin nito?

"Uh-Uhhh..."

Nilagay niya ang kanyang index finger sa lips ko.

"You don't need to answer me now, I can always wait... Lets date! And get to know each other better.  Alam kong maaga pa para magtanong sayo nito, pero ayokong maunahan.






Stage 47.
Trabaho. Bakit?







In the end, I couldn't turn Lance down. Marami akong utang sa kanya. Kahit na di ko alam kung kaya kong mag entertain ng kahit na sino ngayon dahil sa mga nangyayari, nagawa ko paring bigyan siya ng pagkakataon. This is my first time anyway!

FIRST TIME!

Si Renzo hindi na yun kasama kasi pinaglaruan niya lang ako. I feel stupid about it pero dahil sa dami kong pinoproblema, hindi ko na masyadong naisipan yun.


"And uhmm... are you free tomorrow?" Tanong ni Lance sakin.

Abot tenga ang kanyang ngiti. Ngayong nabigyan ko na nga siya ng pansin, narealize kong gwapo nga talaga siya. Sa kahit anong angulo mong tignan gwapo siya. Kaya nga nung kinausap niya ako sa bar last year ay grabe yung reaksyon ko kasi gwapong-gwapo at sikat din ang isang 'to.

Ikukumpara ko sila ni Bench? Ewan ko kung bakit panalo parin si Bench sa kagwapuhan at kakisigan. Siguro bias ako dahil mahal ko siya...

"I'm not sure. Siguro mag sho-shopping ako. Malapit na rin kasi yung Ball diba?"

At ngayon ko lang din narealize na wala na nga pala si Bench. Which means wala akong date!

"I can go with you!!!" Aniya.

Sa alin? Parang nabasa niya ang subconscious ko ah?

"Sa Ball o sa shopping?" Tanong ko.

Tumawa siya.

"Both, if you don't mind."

I think I'm crazy. Hindi ko alam kung bakit pero nanghihinayang akong wala si Bench sa school. Sana siya yung kasama ko sa ball eh.

"Tomorrow? Hindi ako sure kung maisasama kita, I'll just text you. And sa Ball, sure!" Ngumiti ako.

Ngiting-ngiti ako na hindi ko alam na yun pala ang dahilan kung bakit mag aalburuto si Bench pagkasundo niya sakin galing school.

Nag hihintay ako ng taxi nang bigla siyang sumulpot at ipinasakay niya ako sa Benz.

"WHAAAAAAAAAAAAT? Tanggihan mo." Sabi niya.

Hinampas niya pa ang manibela ng sasakyan. Niluwagan niya ang necktie niya at ginulo ang buhok.

"Anong ibig mong-"
"Obviously, I'll go with you to the Ball! Tanggihan mo si Lance!" Sabi niya.
"Huh? Ayoko nga! Ang bait nung tao. Tsaka malay ko ba na sasama ka pala sa ball? Hindi ko naman alam."
"Malay ko rin ba na yayayain ka nun. Di pa rin mailagay sa kokote ang ibig kong sabihin! At isa ka pa!!! Alam mong ayaw ko, ginagawa mo. Nananadya ka ba?"

Itong sang to, kung magalit parang kanya ako...

"Sinabi mo na ba sa kanya ang tungkol satin?" Tanong niya.
"Huh? tungkol satin? Ano yun? Balitang di ko alam? Hoy Bench, hindi mo pa ako napapayag kaya wag kang assuming! Binabakuran mo na yata ako kahit di mo pa nabibili yung lupa." Inirapan ko na.
"May masama ba kung mag assume ako? Di naman ikaw yung masasaktan sa huli... Ako naman diba? Kaya problema ko na yun."






 :o :o :o




Natahimik naman ako sa seryoso niyang sagot.

Pinaandar niya ang sasakyan. Mabilis na naman ang takbo. Parang naiiwan lang yung kaluluwa ko.

"Uh... Diba di ka na sa school pumapasok bakit sasama ka sa ball?" Tanong ko.
"Obviously para makasama ka!" Sagot niya na para bang pinaramdam niya sakin ang katangahan ng pagtatanong ko.
"Wa'g na. Pumayag na ako kay Lance."
"Tanggihan mo nga." Sabi niya ulit.
"Ano ka? Di ko pwedeng tanggihan yun no!"

Tumahimik na lang siya at sumimangot habang nag di-drive.

"May gagawin ka ba bukas?" Tanong ko.

Kung wala, isasama ko siya sa shopping. Pero nang tinitigan ko ang seryoso niyang mukha na nagdi-drive, naka necktie at pormal, agad kong napagtanto na hindi na siya ang dating Bench. Hindi na siya palaging 'free'. Marami siyang ginagawa at mukhang wala ng puwang sa kanya ang mga sosyalera kong laro.

"Trabaho. Bakit?" Tanong niya. Galit parin.
"Wala naman." Napabuntong hininga ako.
"Bakit nga?" Tanong ulit niya.
"Wala... Curious lang." Sabi ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Lance...

Denise:
Are you free tomorrow?

Siya ang isasama ko sa pag sho-shopping.




Stage 48.
what do you need?






"May damit ka na ba para sa Ball?" Tanong ni Lance sakin nang kanina pa kami paikot-ikot at namimili ng sapatos ko.
"Oo naman syempre. Kaya nga namimili na ako ng sapatos." Ngumiti ako.

Syempre, palalampasin ko ba yun? December palang meron na akong gown for the Ball.

"How about date... for the ball? Meron na ba?" Tanong niya at ngumiti.

Napangiti na rin ako.

"Ako kasi... gusto kong magvolunteer."

Tumawa kaming dalawa.

"Sure naman!" Tawa ko. ;D
"Talaga?"
"Oo na! Diba sabi ko sayo kahapon?"

Nagtawanan kaming dalawa.

Masarap kasama si Lance kasi puro tawanan lang yung nangyayari. Marami pang nakakitang schoolmates saming dalawa. Wala naman akong pakealam kung anong sabihin nila.

"Saan na tayo?" Tanong ko nang nasa loob kami ng sasakyan niya.

Ginugutom na ako. Saang restaurant kaya kami kakain?

"Alam kong ako ang unang lalaking nanligaw sayo." Sabi niya bigla kahit off-topic.

Ngayong sinabi niya yan, tama siya. Siya nga... Well, ewan ko lang kung panliligaw ba yung kay Bench. Kahit na alam kong para sa paghihiganti niya yan...

"Kasi...lahat ng lalaki inilalayo ni Bench sayo." Sabi niya.
"Now that you mention it... Paano niya nga ba inilalayo sakin yung mga lalaki? Ang alam ko kasi talagang wala akong sobrang close friend na lalaki talaga simula pa noon, si Bench lang. Hindi ko naman nararamdaman na may inilalayo siya sakin."
"Ngayon lang..." Sabi niya. "Simula nung pinormahan ka ni Renzo saka mo naramdamang inilalayo niya nga ang mga lalaki sayo kasi ngayon lang may naglalakas loob na kalabanin siya... at ngayon, ako naman ang ilalayo niya. Hindi mo ba siya pinipigilan?"

Sa huling tanong niya napaisip ako ng sobra. Nalaman ko noon na may ginagawa nga si Bench sa mga napapalapit saking lalaki... pero di ko siya pinigilan. Tama rin naman kasi yung ginawa niya para kay Renzo eh. Manyak ang isang yon. Maybe he really is concerned for me... Maybe... he really loves me. :'(

Umiling na lang ako.

Hindi ko naman alam kung bakit sa isang parke niya pinark ang sasakyan niya.

"Let's go?"
"Huh? Saan tayo?" Confused naman ako. "Saan ang restaurant dito?" Naibulalas ko ang nasa utak ko.

Tumawa siya.

"I know you've never been here, Denise. All your life you've been with Bench and his wealthy hobbies. Tell me, anong mga ginagawa niyo? Shopping, eat in expensive restaurants, party, and all the other expensive hobbies he has... Hindi mo nabuksan ang sarili mo sa mga tao maliban sa kanya. Hindi mo kailanman na-experience and buhay maliban sa buhay mo kasama siya. Come..."

Naglahad siya ng kamay.

I was hesitant. This is unlike me. Ayoko dito. Anong meron dito sa park? Parang wala namang restaurant dito.

Ngumiti ako. My plastic smile. Hesitant but yes, I'll go...

"Ano 'to?"

Dinala niya ako sa mga maliliit na tindahan ng iba-ibang pagkain. Dirty foods?

"Street foods. Alam kong pag nagshopping, nood ng sine, at kumain sa restaurant, tutulad lang ako sa mga karaniwang ginagawa niyo ni Bench. Pero ito, iba 'to... Hindi pa kayo nagpunta dito... I wan't you to know that my world is different. Its not all expensive cars and credit cards..."

Ngumiti siya at inabot sakin ang isang stick na may mukhang dumplings. Bago pa ako makapagtanong kung ano yun, kinagat niya na ang stick niya at kumain na parang ang sarap-sarap.

"Kwek-kwek." Sabi niya nang inabot niya sakin ang isang bilog na kulay orange. "Masarap yan."

Halos di ko nga maubos ang dumplings-looking na pagkain, may 'kwek-kwek' naman.

"I wan't you to remember me... remember this day..." Sabi niya.

Kakain naman kaya si Bench nito? I wonder.

Bakit ko ba iniisip si Bench eh kasama ko naman si Lance.

Pinagtitinginan pa kami ng mga tao. Siguro masyadong sosyal yung soot ko na kumakain dito.

"Haaay! Busog na busog ako." Sabi niya nang umupo kami sa isang bench. "Ikaw?"
"Busog na busog din. Akalain mo... masarap pala yun. Heheh."
"See?"

Tumawa ulit siya.

Lance isn't that bad. :-[ Pero parang may kulang na di ko alam. Kung si Bench ang kasama ko parang kumpleto.

Napabuntong hininga ako...

"Wait lang... Bibili lang ako ng tubig." Sabi ni Lance at biglang umalis.

Tinignan ko ang cellphone kong walang message. Hindi nanggugulo si Bench... Ibig bang sabihin nito ay hindi siya tutol kay Lance?

"Ehe-Ehem..."

Tumingala ako at naaninaw ko si Bench! Napatayo ako sa bigla.

"A-Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

Kumakain siya nung parang dumplings at iba pa.

"I just wanna taste this."

Sinapak ko na.

"Stalker!" Sigaw ko.
"I'm not stalking you! Napadaan ako... at tadaaah! What a pleasant surprise! Nandyan ka pala!" Pinipigilan niya ang pagtawa.
Sinapak ko na ulit. "Napadaan ka diyan! Sinasadya mo eh!"
"By the way, why are you here? Date? In this place?"

Umirap ako. Hindi niya naman maiintindihan.

"I can take you to better places, Denise. Ba't siya ang sinasama mo?"
"Eh kasi.. busy ka naman. And I don't need better places, Bench."

Parang nasaktan ako sa sinabi niya. Totoong gusto ko ng mga sosyal na mga bagay pero hindi yun ang gusto ko sa kanya. He really is evil. Isipin niyo, parang binibili niya lang ako?

"Kung ganun, what do you need?"

Napatingin ako sa malayo pang si Lance na may dala-dalang mineral water.

Napatingin din si Bench. I don't know why but for some reason his face darkened. Para bang nasaktan ko siya...

"I guess I'm not needed here... I'll go, Denise. See you later." Ngumisi siya kahit malungkot ang kanyang mga mata at umalis.




Stage 49.
Are you reconsidering?




"Thanks for this day, Lance." Sabi ko pagkababa ko sa sasakyan ni Lance.

Nasa tapat kami ng bahay.

"Salamat din!"

Ngiting-ngiti kaming dalawa nang biglang sumalida si papa kakalabas ng gate.

"Denise! What are you doing here? Get inside!" Sabi ni papa.

Aba't galit! Bakit naman kaya? Kinabahan tuloy ako at naisip si Bench. Wala ng ibang maisip kundi siya. Kung bakit galit si Papa ngayon, dahil siguro yun sa kanya, sigurado!

"Dad-"
"Get inside! Now!:-\

Napatalon ako sa kaba at pumasok sa loob. Tumakbo ako at hinanap si Mommy.

"Mom? Anong nangyari kay dad?" Tanong ko nang nakita ko siyang nanood ng TV.
"Denise!" Nabigla siya nang nakita ako. "Saan ka galing?"
"Nag shopping po!" Sabay pakita ko sa mga dala kong paperbag.
"Shopping? Pero ba't di si Bench ang kasama mo?"
"Kailangan ba talaga si Bench ang kasama ko? Ayoko po dun!"
"Bakit? Kasi nag away kayo? Anak... kung ano man yung nagawa ni Bench sayo pag-usapan niyo yun-"
"Huh? Paano niyo nalaman yun?"
"We know everything, baby..."

Tapos pumasok na si Dad.

"Dad!"
"Pinaalis ko na." Aniya.

Pinaalis si Lance? OMG! Sobrang nakakahiya yung ginawa ng parents ko.

Agad akong tumakbo papunta sa kwarto ko para tawagan si Lance.

"Hello, Lance? Anong sabi ni Dad?" Tanong ko.
"Denise? okay lang naman. Kala ko nga papagalitan niya ako. Tinanong niya lang kung saan tayo galing at sino ako." Tumawa naman siya.
"Ganun ba? Kinabahan talaga ako. Sorry ah?"
Tumawa ulit siya. "Okay lang yun! Mas mabuti nga yun kilala niya na ako..."

Habang nag-uusap kami may nakita akong isang note na nasa kama ko.

"Uh oo nga. Sige Lance, see you tomorrow!"
"Okay, Denise! Bye!"

Binaba ko ang phone ko at binasa ang note.

"I will have you in any way I can." Ang sabi dun sa note.

Kahit di na lagyan ng pangalan alam ko na kung kanino galing kasi sulat kamay iyon ni Bench. Nagpunta siya dito!!! Sa bahay! Sa kwarto!

Tumindig ang balahibo ko sa banta niya.

Lumabas ako at narinig si mommy at daddy na nag-uusap.

"Nag-aaway lang silang dalawa. Normal yun sa mga magboyfriend at grilfriend, hayaan mo na." Sabi ni mommy habang hinahaplos ang ulo ni Dad.
"Kawawa naman kasi si Bench eh. Wala ng magawa kaya nagpunta na talaga dito. Tapos yang anak mo pa, konting away lang naghanap na ng iba." Umiling si Dad.

Napabalik talaga ako sa kwarto para tignan ulit ang note habang tinatawagan si Bench.

"Denise! Napatawag ka?" Sinagot niya sa unang ring parang inabangan talaga ako!
"TSEH! Napatawag?! You want me to call you! Nagpunta ka ba dito sa bahay?" Jusko, yung boses ko parang buang lang. "Anong sinabi mo sa parents ko! Ikaw talaga!"
"Kelan mo ba kasi sasabihin yung tungkol satin?"

Napaface-palm na lang ako sa tanong niya. I know! I know he'll never play fair. Sinisi ko pa ang sarili ko sa pagiging malambot nang nakita siyang umalis. inisip ko pa talaga yung nakakaawa niyang mukha pero ngayong naririnig ko siyang tumatawa sa linya, ang sarap niya ng kutusan!

"Anong tungkol satin-"
"Tungkol satin! You can't deny it anymore, Denise. Ako na mismo ang nagsabi sa kanila. Sinabi ko na rin sa harap ng board diba?"
"Ugh! This is not fair Bench! Nihindi ka pa nanliligaw! Hindi pa kita sinasagot!"
"Finally! Are you reconsidering? Pinapayagan mo na akong manligaw?" Tumawa siya.
"NO! Of course not! Papaikutin mo lang-"
"Well then, I won't play fair, Denise."

Tapos binabaan niya ako! Kapal ng mukha! Ako pa yung binabaan!?

Hindi na ako nakapagpigil, tinext ko na!

Denise:
Are you serious?

Matagal siyang nag reply. Mukhang pinag-isipan ang isasagot!

10 minutes.

Bench:
Would I go this far if I'm not?





Stage 50.
He's not Benjamin Jimenez



Stop thinking about Bench, D! He's not serious! Its all part of his damn plan!

Papalapit na nang papalapit ang Ball. Wala akong pakealam sa mga sinabi ni Bench sa akin. Kung talagang gusto niya ako, liligawan niya ako. Liligawan tulad ng ginagawa ni Lance sakin!

"Magkikita kayo ni Lance today?" Tanong ni Eliana sakin.

Nasa loob kami ng kwarto niya. I don't know if she's better or worse. Ang mahalaga ay dito lang siya sa bahay nila. Narealize ko kasing pag nandun sa school ay lumalala lang ang depression niya. Buti at walang pasok ngayon dahil sa mga preparations for the ball.

"Oo. He asked me out kahapon."
"Saan kayo pupunta?" Tanong niya.
"Sabi niya dinner eh. I don't know." Sabi ko habang nakatingin sa salamin, inaayos ang buhok at tinitignan si Eliana.

Nakita ko siyang nagtext agad pagkatapos kong sinagot ang tanong niya. Agad akong tumalon papunta sa kama niya at inagaw ang cellphone. I knew it! She's been leaking the infos!

Tama ang hinala ko! May text dun na di pa natatapos!

Eliana:
Dinner, hindi ko alam kung-

Agad kong dinelete ang nitype niya.

"Eli, stop telling Bench what I'm doing." Sabi ko.

Tumawa siya.

"Wait! Binablackmail ka ba niya?" Tanong ko.
"Of course not!" Inagaw niya sakin ang cellphone niya at yinakap ang kanyang unan. "He asked me, sinasagot ko lang yung tanong niya."

Evil! She showed me her evil smirk. Napailing na lang ako.

Ilang sandali ang nakalipas, nagtext si Lance...

Lance:
You ready?

Nireplyan ko agad pero kinabahan ako... hindi ko naman alam bakit.

Denise:
Yep.

Lance:
Let's meet. 815 Maze Garden.

What? Hindi niya pala ako susunduin? At higit sa lahat sa isang park? Ang alam ko wala na namang restaurant sa lugar na yun tapos dinner yung sabi niya. Ibig sabihin yung kwek-kwek at iba pa yung kakainin namin? ??? ??? ???

Denise:
Ok. See you there.

Napabuntong-hininga ako.

"O, anyare?" Kumakain na ng Lays itong si Eliana habang pinagmamasdan ako.
"Wala."
"Gusto mo ba si Lance?" Tanong niya.
"I like him. He's not hard to like...but..."
"But? Kung gusto mo ang isang tao, walang 'buts'." Ngumisi siya.

Napatingin ako sa kanya. Kung makapagsalita mukhang maraming natutunan sa experience niya kay Yuan ah?

"Ah basta! Ewan ko na! Alis na ako!" Sabi ko.

Tumayo ako at kinuha ang purse ko. Kay ganda pa naman ng dress ko ngayon tapos kwek-kwek? Sana sinabi ni Lance na 'street-food dinner' para malaman ko kung paano lumugar. Hay! Gusto ko naman si Lance, totoo, pero may bumabagabag sakin. Ang evil smile ng prinsipe ng kadiliman. Para ngang nami-miss ko na siya eh. Masyadong busy sa work.

"Hatid ka na ng driver namin..." Sabi ni Eliana.

Nagdalawang isip pa ako. Gusto kong magpahatid pero nang narealize kong allied force ni Bench itong si Eliana ay tumanggi na lang ako. Malaman niya pa kung saan ako pupunta tapos manggugulo at mangugutya siya dun.

I can only imagine... 'Eto lang ba ang kaya mong ma afford, Lance?' Nako! Magkakagulo talaga dun!

Nagtaxi ako papunta dun sa park. To my surprise... may nakita akong kaibigan ni Lance pagkalabas ko ng taxi. Tinuro niya sakin ang daanan ng maraming rose petals at ngiting-ngiti siya.

"Thanks!" Sabi ko.

May mga christmas lights na puti pang nakapalibot doon sa daanan. Yung lights lang ang nagpapaliwanag sa daanan. Parang sinadya talaga.

Sa bawat liko ko, may nakaabang na kaibigan niya.

"Denise!" Sabi nung classmate ko sa isang subject.
"Hi!"
"Sige, dito ka dumaan." Ngiting-ngiti siya.

At dahil doon, hindi naman ako bobo, alam ko ng may 'event'. May naiisip ako pero ayokong masyado akong assuming. Pero nang nakita ko ang table sa harapan ko pagkadating ko sa dulo, may candlelight dinner pa at mga bulaklak.

Nakita ko si Lance... hinihintay ako. Hinila niya ang silya at umupo ako. Ngiting-ngiti at gwapong-gwapo siya sa soot niyang coat and tie na para bang papunta siya ng ball.

Umupo siya sa harapan ko. Yung nagpapaliwanag sa mukha niya at ang kandila sa harapan namin at ang ngiti niya.

I know... I know this is going to be tough. Alam kong di ka mag eeffort ng ganito kung wala kang sasabihing importante unless you're Benjamin Jimenez. And he's not Benjamin Jimenez...




Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText