<xmp> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d-6655976147303528743', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

eightysix-ninety


EIGHTYSIX
Celestine Herrera: Eiji, tama na!






"found you, finally!" Sabi niya habang hawak-hawak ang magkabilang balikat ko.

"E-Eiji!"

Ngumiti si Eiji. Pero nawala ang ngiti niya nang nakatingin na siya sa likuran ko.

Lumingon ako sa likuran at nakita kong paalis si Gab kasama ang mga kaibigan niya. Bahala na yung lokong yun! Buti nga`t wala siya dito kasi nag-aalburoto ako sa mga sinasabi niya eh. Pagpapawisan lang ako ng malamig nun.

"Dito ka ba mag-aaral?"
"Unfortunately, hindi."
"Oww. I see..."

Napansin niya si Jana.

"Uy Jana!"
"Eiji! Hahah. Nabigla ako't nandito ka."

Nagpatuloy kami sa paglalakad habang kasama si Eiji.

"Pumunta ako dito para hanapin ka, Cel."
"Oww." Napatingin ako kay Jana na kumindat naman sakin.

Nakita ko pang siniko ni Jana si Cid at parang may utang na pagpapaliwanag kung sino si Eiji.

"Bored kasi ako sa bahay at wala naman akong masyadong kilala dito kaya ayun..."
"Ahh. Eh nandito rin si Dexter eh, nagkita ba kayo?"
"Hindi pa." Ngumiti siya.
"Ganun ba..." Hindi ko maintindihan kung bakit pumasok ulit sa utak ko ang sinabi ni Cid.

Siguro dahil hindi ako sanay na may kaibigan akong galit sa akin. Kung may nagagalit man sakin eh si Gab na yun - iba na man yung kay Gab. Ngayong si Dexter na ang galit sakin, parang nalulungkot ako. Kasi gusto ko siyang kaibigan. Pero wala akong magagawa kasi nasaktan ko siya. I feel so guilty. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Cel, Eiji... aalis lang muna kami ni Cid ah? Pupunta kami ng cafeteria."
"O sige..."

Kumaway lang ako kay Jana. Masyado ko kasing iniisip si Dexter. Nalulungkot lang talaga ako.

"Cel? Okay ka lang ba?" Tanong ni Eiji sakin.

Napatingin ako sa mukha niyang nag-aalala sakin.

"Uh oo. Okay lang ako, may iniisip lang kasi ako eh."

Naglakad-lakad kami sa school habang nagku-kwentuhan. Pero natigilan ako nung nagkasalubong kami ni Dexter. Parang siya rin eh natigilan sa nakita niya.

"Dexter!" Tawag ni Eiji sa pinsan niya.

Hindi ko alam kung babatiin ko siya o hindi. Iba kasi ang ekspresyon sa mukha niya habang nakatingin samin. Hindi madapuan ng ngiti kahit ngiting-ngiti si Eiji.

"Magkakilala kayo?" Tanong niya kay Eiji. Hindi parin makangiti.
"Oo!" Inakbayan ako ni Eiji. "Long lost friend. A special friend."

Nakatingin ako kay Dexter. Kinakabahan ako kasi hindi talaga siya ngumingiti kahit ngiting-ngiti na rin ako sa kanya.

Tinitigan niya ang kamay ni Eiji na nakaakbay sa akin. "Special friend?" Nagkasalubong ang kilay niya habang tiningnang mabuti si Eiji. "Oo. Ikaw, diba magkaibigan kayo?"

Tiningnan ako ni Dexter, seryoso. Para bang kakain siya ng tao...

"Oo." At umalis din agad.

"Anong problema nun?" Tanong ni Eiji habang nakatingin kay Dexter palayo sa amin. "Well, whatever." Ngumiti siya sa akin.

I'm really bothered. Hindi ko alam kung ano ang dapat na gagawin ko. Should I confront him? Or not? Hindi ko naman siya masisisi eh kaso hindi ko alam na ganito kaming dalawa. Ok lang sana kung si Gabriel yung hindi pumapansin sakin, hinding-hindi ako ma gui-guilty, kaso hindi eh... si Dexter. Si Dexter na mabait sa akin. :(

Nakarating kami ni Eiji sa cafeteria kung saan naroon din sina Jana at Cid. Hindi parin ako mapakali sa nangyayari samin ni Dexter kaya tulala ako habang nag-uusap sila.

"Sayang naman, sana dito ka na mag-aral Eiji."
"Ewan ko. Kasi baka babalik kami ng Ireland some time kaya mas mabuting wa'g na lang muna."
"Ahhh."

"Si Dexter ba yun?" Sabay turo ni Jana sa malayo.

Si Dexter kasama ang mga kaibigan niya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong tumayo at pumunta sa kay Dexter ng hindi nag-iisip.

"Cel!" Tinawag ako ni Jana pero hindi na ako lumingon.

"Dexter..." Naku kinakabahan ako ng todo. Halos mabasag na ang boses ko sa kabang nararamdaman. "Galit ka ba sakin?"

Kagagaling niya sa tawanan nang napatingin siya sakin, napawi ang ngiti niya sa mukha. Hindi siya makasagot habang tumingin sa kawalan.

"Can we talk?"

Gusto ko lang sanang sabihin sa kanya na naiintindihan ko siya kung ganyan ang trato niya sakin. Pero gusto ko ring malaman niya na gusto ko siyang maging kaibigan at ayokong ganito kaming dalawa ngayon.

May biglang tumulak sa akin kaya tumilapon ako. Buti na lang hindi ako nadapa pero nabigla ako sa nangyari.

"Ano pa bang pag-uusapan niyo? I don't get you. Just leave him alone!" Sabi nung babaeng kasama niya kanina.

Habang nakatingin ako sa babaeng tumulak sakin, nakita kong may sumuntok kay Dexter at natamaan siya sa mukha.

"Dexter!" Nagkagulo ang ang mga kaibigan ni Dexter.

"Ano bang problema mo kay Celestine!?" Si Eiji pala ang sumuntok kay Dexter. "Bakit mo siya ginaganyan?"

"Eiji, tama na!" Inawat ko siya.

PATAY!

"Wa`g kang makealam! Wala kang alam dito!" Sigaw ni Dexter.
"May pakealam ako coz I care for her!"

Lalong nagkasalubong ang mga kilay ni Dexter.




"Hay naku... Hayaan mo na lang nga yan, Celestine. Wa'g mo ng ipilit ang sarili mo. Kung hindi ka pinapansin ng crush mo, edi hayaan mo na. Lika na nga! Kukunin na kita..." Sabay hila ni Gabriel sakin.

Pabigla-biglang sumusulpot ang mokong at sa mga pinakapangit na sitwasyon pa.

Wala akong nagawa kundi ang magpadala sa paghila niya sa akin palayo kay Dexter at Eiji.

Nakatingin ang mga tao pero agad kaming nakaalis ni Gabriel dun ng magkahawak-kamay.



EIGHTYSEVEN
Celestine Herrera: Ang hirap naman...






"Gab, nag-aalala ako kay Eiji at kay Dexter!"
"Wa'g ka na ngang mag alala sa mga yun, kasalanan nilang dalawa."
"Huh? Bakit?"
"Kita mo ba si Eiji, bigla lang nanununtok. Napaka warshock. Eto namang si Dexter, nagpapakipot pa. Asus!"

Ewan ko kung anong nasa kokote ni Gab. Kinabahan ako sa nangyari. Halos hindi ko na nga tinitingnan ang cellphone ko kasi natatakot ako sa mga text ng kahit na sino sa kanilang dalawa. Kahit nakakagaan ng loob ang ginawa ni Gab, mali parin `to kasi iniwan ko sa ere si Eiji at Dexter.

"We're home!"

Para akong nabunutan ng tinik pagkasabi ni Gabriel nun. Pero kung ano man yung iniisip ko, hindi ko na lang siguro iisipin. Alam kong mapapahamak na naman ako sa mga iniisip ko eh.

"Wa'g ka na lang masyadong mag paapekto. Away lalaki lang yan." Sabi niya pagtigil ng sasakyan sa tapat ng bahay namin.
"Pero kahit na... Ako ang dahilan ng lahat ng ito!"

Nakatingin ako sa labas. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Eiji o kay Dexter. Mag pinsan sila, tapos nag aaway... dahil sakin? Napaka walang-kwenta talaga.

"Kung bakit ba kasi wala ka paring boyfriend hanggang ngayon." Bulong ni Gab.
"Anong sabi mo?"

Narinig ko, pero hindi ako sigurado kung tama nga ba yung narinig ko.

"Liligawan na nga lang kita."

KAINIS NAMAN TONG SI GAB! Liligawan na nga LANG kita?!

"Dahil wala ka pang boyfriend, yung ibang lalaki tuloy akala nila may pag-asa sila sayo kaya ayan... nag aaway-away na!"

Umirap na lang ako. This is ridiculous! Tong lalaking `to talaga. Nakakainis! Naiinis ako kasi hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o ano! Oo na, sige alam ko na. Halatang biro lang yan! Kung bakit ba kasi ganitong lalaki pa ang nagustuhan ko?!

"O sige! Simula ngayon! Liligawan na kita!"
"HUH?!"
"Anong 'huh?'? Hindi mo ba ako narinig?!"
"Bakit mo ako liligawan?"

Aminin mo, Cel... Nagpapauto ka na naman sa mokong na yan!

Umiling siya, "Kahit kailangan talaga, ang tanga mo no?"
"HUH? Anong tanga!" Sinapak ko si Gab. Ano ba naman?! "Ikaw talaga! Ikaw na nga yung nang-iinis diyan, tatawagin mo pa akong tanga!?"
"Eh kasi naman... hay... ewan ko sayo!!"
"Kasi ano?"
"Bahala ka! Ewan ko sayo!"
"Whatever!" Umirap ulit ako at umambang lalabas na sa sasakyan pero hinawakan niya ang braso ko. "Ano?"
"Basta, liligawan kita!"
Umiling ako dahil hindi ako makapaniwala sa pinagsasabi niya. "Bakit mo nga kasi ako liligawan?"
"Eh kasi..." Binitawan niya ang braso ko at hindi siya makatingin sakin.
"Ano?"

Namula siya.

"Ano..."

Hindi talaga siya makatingin.

"EWAN KO SAYO!" Tumakbo ako papasok ng bahay hanggang sa kwarto.

Ba't di niya masabi?!

Grabe, domoble ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Hindi lang dahil sa pagtakbo ko, pati na rin sa sinabi ni Gab. Sandali nga?! Bakit di niya masagot ang tanong ko? Kung bakit niya ako liligawan? Baka hindi niya talaga ako liligawan? EWAN KOOOOO! OMG! Naguguluhan ako. Bakit pag tungkol kay Gabriel parang nakakalimutan ko na ang lahat ng mga nangyayari? Siguro ganun na talaga ako ka gaga sa kanya.

"Hayyy naku, Jana! Ano nang gagawin ko ngayon?"

Sabi ko kay Jana sa telepono. Nakahiga na ako sa kama at iniistorbo parin si Jana kahit dis oras na ng gabi. Hindi kasi ako makatulog.

"May nag text!!!" Bigla kong sinabi bago pa siya makapagsalita.

Gabriel: Magkita tayo bukas, 3pm, sa Garden. Be there!

"Magkita daw kami sa Garden bukas! Anoooo?"
"Huh? Garden, malayo yung restaurant na yun ah? Tsaka, bakit magkikita kayo? Hindi ba pwedeng kukunin ka niya sa bahay niyo? hmmm. Ano kayang plano ng mokong na yun?"
"Ewan ko..."
"At ikaw, naniniwala ka ba sa pinagsasabi niya?"
"Hi-Hindi no! Syempre!"
"Syempre ka jan... Sigurado ka ba? Ilang beses ka ng nauto nun eh. Hindi naman kita masisisi, kasi mahal mo."
"Hindi ko na siya mahal!!!"
"Echoos! Hindi mahal, ako pa ang bibiktimahin mo eh ilang beses ko ng narinig yan. Hay naku Celestine ka!"
"Jana, anong gagawin ko?"
"Hmm, ganito na lang. Pumunta ka bukas, pero magpalate ka! Okay?"
"Late?"
"Oo, late... mga 30 minutes lang naman."
"Paano kung magalit siya?"
"Heller, tapos maiinis siya sayo? Ibig sabihin lang nun, talagang hindi siya seryoso sayo. Kung papatawarin ka niya dahil late ka, edi mabuti!"
"Paano kung umalis na siya pagkatapos ng 30 minutes?"
"Hayy, edi mas hindi siya worth it!"
"Ang hirap naman..."
"Mahirap, pero kailangan mong gawin. Alam kong ayaw mo siyang mawala sa`yo. Pero mas ayaw ko namang masaktan ka ulit dahil hindi pala siya sigurado sa nararamdaman niya. Kaya kung totoo man yung mga pinagsasabi niya, paninindigan niya yan at kahit anong gawin mo, walang makakapagbago ng isip niya. Diba?"

Tama si Jana. At siguro, natatakot lang ako ngayon. Natatakot akong baka pag may mali akong gawin, magbago ang isip ni Gabriel. Pero hindi pwedeng ganyan diba? Kasi kung totoong mahal ka ng tao, walang makakapagbago sa isip niya. Pero hindi niya masabing mahal niya ako eh... baka hindi naman talaga totoo? EWAN KO!



EIGHTYEIGHT
Celestine Herrera: wala po...





3:00PM!

Hingang malalim, Cel!

Pabalikbalik akong naglalakad sa kwarto ko. Kanina pa ako nakabihis pero hindi parin ako umaalis, late daw ng thirty minutes diba? Pwede na sigurong umalis ngayon. 30 minutes na byahe naman siguro papunta dun? O sige, last 5 minutes. 3:05, aalis na ako.

TIKTOKTIKTOK

3:03PM.

Hindi na kaya! Aalis na talaga ako. Gigil kong kinuha ang bag ko pagkatapos kong magdesisyong aalis na. Grabe, para akong hinahabol ng kung ano papaalis ng bahay. Napag-isipan kong mag ta-taxi ako dahil baka mas lalo akong ma trapik kung jeep lang ang sasakyan eh.

Pagkalabas ko ng bahay, nabigla ako dahil may sasakyang kakapark lang din.

"Cel!" Lumabas si Eiji sa sasakyan.
"Eiji, ba't ka nandito?"

Hinila niya agad ako papasok sa sasakyan.

"May lakad ka? I cancel mo na lang muna!"
"HUH?"
"Kasi gusto kang makita ni mama. Sinabi ko sa kanya, susunduin kita. Nag text ako sa`yo, di mo ba nabasa?"

Pagkapasok niya, pinaandar niya agad at umalis na.

"P-Pero, Eiji... kasi may lakad ako..."
"Importante bah?"
"Oo eh."
"O sige, ihahatid kita sa lakad mo. Saan ba yun?"

Hmmm, kung ihahatid niya ako, edi mas mabilis akong darating dun sa place na sinabi ni Gabriel? Okay lang naman siguro. May 30 minutes pa naman ako.

"Tsaka, anong oras?"
"Uhm, 3:30... Sa Garden?"
"Malapit lang pala yun sa bahay! I'll drop you there... so ano?" Tumingin siya sakin.
"O..O sige. Excited na rin naman akong makita ulit si Tita eh..."

Pagkatapos ng napakagulong pag-iisip ko...

"Nga pala... Sorry kahapon ah? Okay ka lang ba? Okay lang ba kayo ni Dexter? Guiltyng-guilty ako."
"Ahh. Okay lang yun. He deserves it. Ba't ka niya hinayaang awayin ng kaibigan niya ng wala siyang ginagawa. Kahit hindi ko alam ang buong storya, nakita ko paring mali yung ginawa niya."
"Uh... Kasi di niya naman kasalanan yun eh."

Nasaktan ko siya kaya may karapatan siyang magalit sa akin. Yun ang katangiang sana'y meron ako. :( Sana sa tuwing masasaktan ako, kaya kong magalit sa taong pinakamamahal ko. Pero hindi eh. Mas lalo ko pa yatang minamahal.

"Pero mali parin yung nangyari... Tayo na!"

Nakarating na pala kami sa bahay nina Eiji. Dun parin ang bahay nila pero mukhang na renovate na.

Pumasok kami sa loob.

"Ang ganda!" Namangha ako sa mga paintings sa loob.
"Dun tayo..." Sabay turo niya sa isang dining table malapit sa garden.

"Celestine!!! Hija! Ikaw na ba yan?! Naku ang laki mo na!" Bati ng mama ni Eiji.

Yinakap niya ako.

"Hi Tita! Long time no see!"
"Oo nga! Mabuti naman at nakapunta ka. Lika dito." Sabay paupo sa akin malapit sa upuan niya. "Kumain tayo at magkwentuhan."

Umupo si Eiji sa harapan ko at agad naman hinanda sa hapag ang pagkain ng mga maid nila.

"Kamusta ka na? Dalagang-dalaga ka na! May boyfriend ka na siguro no?"
"Uh, wala po..." Ngumiti ako.
"WALA?"

Nakakabigla ba talaga yung sagot ko?

Tumingin pa siya kay Eiji saka bumalik ulit ang tingin niya sa akin.

"Actually ma, mukhang may 'something' sila ni Dexter."
"Dexter?"
"Opo."

Naku... anong something? Nakakahiya naman!

"You mean, Dex Terence? really?"
"Uh... Wala po-"
"Dexter is a great guy!" Para bang ipinagkakanulo na ako ni tita kay Dexter sa tunog ng pagkakasabi niya.
"Dexter... is not really great, Mom!" Singit ni Eiji.



EIGHTYNINE
Celestine Herrera: Wala akong pakealam!







"Tapos ka na ba, hija? Naku, siguro nag da-diet ka ano?"

Nabitawan ko ang kutsara nang umalan at narealize na masyado na akong nagtatagal dito.

"Anong problema, Cel?" Tanong ni Eiji.
"Uhm... Kasi... Uhm... Tita, may lakad pa kasi akong importante."
"Oo nga pala..." Sabi ni Eiji.
"O sige sige. Saan ba yung lakad mo?"
"Uhm sa Garden poh."
"Eiji, ihatid mo si, Cel."

Agad tumayo si Eiji.

"Yun naman po talaga ang plano ko."

Nagmadali akong lumabas at pumunta sa sasakyan ni Eiji. Nakita ko ang bag ko sa front seat. Saka ko pa lang nakita ang ilang tawag ni Gabriel na hindi ko nasagot. Naku! Galit na kaya yun? HUHU Isang oras na akong late eh.

"Alis na kami, tita! Salamat!" Ngumiti ako at kumaway ang mama ni Eiji samin ng papalabas na kaming gate.

Tingin ako ng tingin sa phone ko.

"Sino ba ang pupuntahan mo sa Garden, Cel?" Tanong ni Eiji.

Pero wala ako sa mood para sagutin ang tanong niya. Pinagpapawisan na ako ng todo at hindi na ako mapakali dahil kay Gabriel. Umulan pa ng malakas! Buti may payong ako!

*Kring-Kring*

"Hello?"

Bahagyang tumingin si Eiji sakin pagkasagot ko sa celphone ko.

"Cel, ano ka ba? Nasan ka ba?" Si Jana!
"Uhm... Papunta na ako-"
"Naku! Naku! isa't kalahating oras kang late ah!? Text ng text sina Jude, Jake at iba pang teammates ni Gab sakin kasi hanggang ngayon daw hindi ka pa dumarating. Nasaan ka ba? Galit na daw si Gab!"
"Huh?" Napalunok ako. "Papunta pa lang ako. K-Kasi dumaan muna ako kina Eiji para makita ang mama niya."
"Naku! Tapos? Asan ka ngayon? Ang lakas lakas ng ulan!"

"Traffic. Tsk tsk tsk." Narinig ko ang bulong ni Eiji sa kawalan.

Traffic nga dito. Mejo malayu-layo pa yung Garden dito. Tapos umuulan pa! Paano na?

"Traffic... Nandoon parin ba siya?" Tanong ko, hopeless.

Sa ugali ni Gab, malamang wala na yun dun. Ang taas ng pride nun kaya hindi niya kayang mag hintay kahit kanino. Alam ko yun. Pero sana...sana lang... makaya niyang maghintay sakin. kahit isa at kalahating oras lang. Kasi ako, taon-taon na ang nasayang ko sa paghihintay sa kanya eh.

"Hindi ko alam, Cel."
"Di bale na, pupuntahan ko parin siya." Binaba ko ang phone.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Eiji nang nakita niyang kinuha ko ang payong sa loob ng bag at binuksan ang pintuan sa sasakyan niya.
"Eiji, thank you! Pero importante lang talaga toh! Lalakarin ko na patungong Garden. Hindi na naman masyadong malayo eh. Thank you!"
"Pero, Cel-"

Hindi pa siya natatapos magsalita, sinarado ko na ang pintuan ng sasakyan niya at tumakbo sa ulan saka binuksan ang payong.

"Cel?!" Natigilan ako.
"Jude!" Nakita ko ang teammates ni Gabriel sa kabilang lane. Ang sama nilang makatingin pero hindi ko na pinansin. "Asan si Gabriel?"
"Kung ako sayo, di na ako pupunta ng Gardens..."
"Bakit?"
Umiling sila, "mag-aaway lang kayo nun." Sabay tingin ni Jude sa sasakyan ni Eiji na hindi parin natatanggal sa kinalalagyan niya kanina nang umalis ako.
"Wala akong pakealam!"

Tumakbo ulit ako hawak-hawak ang payong. Ang lakas ng ulan, mahangin pa. Sa tingin ko nga useless na ang payong ko kasi nababasa din naman ako.

Hindi ako tumigil sa pagtakbo kahit sobra na ang paghingal ko. Hindi ko na mahabol ang hininga ko pero hindi parin ako tumigil.

Nakarating din ako sa wakas! Ibang kalseng saya ang naramdaman ko nang nakita ko ang Garden Restaurant. Pero ibang kaba din ang naramdaman ko pagkapasok ko.

Umuulan kaya wala masyadong tao, o wala talagang tao, sa mga table nila... kahit sa gazebo.

Umihip ang napakalamig na hangin sa leeg ko at naramdaman ko ang patak ng ulan sa braso ng kamay kong nakahawak sa payong.

Sa Gazebo, hindi ako makapaniwala, naroon si Gabriel. Ang gwapo gwapo niya talaga... noon pa... Kapag nakikita ko siyang nagbabasketball, pakiramdam ko kumikinang ang pawis niya at mas lalo siyang gumugwapo kahit pawis na pawis. Ngayon, kumikinang din siya... Pero parang kinurot ang puso ko. Dahil basang-basa siya sa ulan habang hinihintay...ako.



NINETY
Celestine Herrera: Mahal parin kita kahit suplado ka...






Magsasalita na sana ako, kaso napansin ko ang table, puno ng flowers na parang pinaghandaan talaga ang design. Napalunok ako. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Baka naman hindi naman talaga ako yung hinihintay dito? Ang feeling feeling ko naman talaga kung iisipin ko pang para sakin ang lahat ng nakahanda dito... Pero ang sarap kong sapakin dahil naiisip ko pang hindi ako yung hinihintay dito, eh kaya nga ako hinahanap diba kasi ako yung hinihintay? PARA SA AKIN TO! PARA SA AKIN NA TALAGA TO!

"G-Gab, I'm sorry. K-Kasi..."

Lumakas ang ulan. Pinayungan ko siya. Nakaupo lang siya tapos nakatingin sa kawalan.

"...pwedeng sumilong muna tayo dun?" Sabay turo sa may bubong na parte ng restaurant.

"Gab.." Hinawakan ko ang kamay niya pero binawi niya. "Sorry na..."

Galit siya. :(

"Sorry ha?" Tiningnan niya ako. "Sorry kasi naistorbo ko yung date niyo ng bestfriend mo."
"Huh? Date? Hindi, Gab... Gusto kasi akong makita ng mama niya-"
"Sa bagay, mas importante nga naman siya sakin. Syempre, siya yung bestfriend mo diba? Yung tunay? Tapos...ako? Proxy lang? Ganun ba yun? Kaya mas importante siya... hindi pwedeng ipagpaliban siya, ako okay lang? Ganun yun!"

Habang dirediretso ang pagsasalita niya sa mga salitang yun, parang kinukurot ang puso ko. Naiinis ako kasi hindi niya makuha ang noon ko pang pinaparamdam sa kanya. Siya ang pinakaimportante para sa akin...YUN ANG TOTOO. YUN ANG MATAGAL KO NG PINARARAMDAM SA KANYA. Pero hanggang ngayon, nakakadisappoint, hindi niya maramdaman at makita.

"Gab, tama na nga yan! WALA KANG ALAM!"
"Anong hindi ko alam? Alam ko, Cel! Nung nawala si Eiji noon, alam kong kaya ako pumasok sa buhay mo para punuan ang kawalan niya! Ngayong nandito na siya...tapos na! Wala na ako para sayo!"

MY GOSH! Ganun ba talaga ang tingin niya?

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para sampalin siya, pero nagawa ko! Oo, nasampal ko siya... malakas.

"Sige! Kung yan ang tingin mo! Sige, bahala ka Gab! Ang tanga mo talaga... ang tanga tanga! Sa sobrang tanga mo...nasasaktan ako. Noon pa, ang sakit sakit na... at lalong sumasakit sa paglipas ng panahon." Umiyak na ako habang nakikita siyang nabigla sa sampal ko.

Basang-basa na talaga siya sa ulan. Kung ako ang nasa pwesto niya, manginginig na talaga ako, pero wala akong nakitang ganun sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko dahil gustong gusto ko ng umalis, pero ayaw gumalaw ng paa ko. Nanghihinayang ako sa pagkakataon, sa mga salitang maaring hindi niya pa nasasabi at hindi ko pa naririnig. Nanghihinayang ako sa mga salitang noon ko pa sinasabi at hindi niya pinapakinggan. Dahil alam ko sa sarili ko, at sigurado ako, na sa oras na umalis ako dito... mawawala na ng tuluyan ang pagkakataon.

"Ang tanga mo! Yun lang ang masasabi ko! Dahil kahit anong sabihin ko ngayon dito... walang magbabago, tanga ka parin!" Pinunasan ko ang mga luha ko, pero no use. Tuloy-tuloy ang daloy nito sa mga pisngi ko. "Ewan ko kung ano talaga ang nasa isip mo, Gab! Hindi kita mabasa... Kahit kelan... hindi. Hindi ko na pipilitin ang sarili kong intindihin ka, kasi sigurado akong masasaktan lang ako! Ganun lang naman talaga diba? Sabi mo nga noon, hanggang dito lang talaga tayo. Kahit anong pilit kong gawin, wala akong magawa... kasi hanggang dito lang talaga tayo."

Tinalikuran ko siya... Pero sa loob ko, gusto ko pang magsalita... 'Gab, wala ka bang sasabihin? Gab, bakit mo ko pinapunta dito? Gab, mahal mo ba ako? Gab, please!' Pero wala na... naglakad na ako palayo.




"I don't wanna be your bestfriend... I want to be your man."

Sinundan ako ni Gab, yinakap, at binulong sakin ito.


Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Pero mas lalo akong hindi makapaniwala sa sarili ko...kasi siguradong sigurado parin ako sa kanya hanggang ngayon. Sa lahat ng nangyari, OO parin ang sagot! OO PARIN! Kahit nasaktan na ako, at maaring masaktan pa ako ng mas masakit pa.

"Mahal na mahal kita, Cel! Ayokong mawala ka sakin... Nagseselos ako. Naiinis ako sa sarili ko dahil ngayon ko lang narealize na nasa harapan ko lang ang taong pinakamamahal ko. Naiinis ako dahil nasasaktan kita... nahihiya ako sayo kasi noong nalaman kong gusto mo ako, sinaktan kita dahil ayokong maging tayo! Dahil alam kong nagkalapit lang tayo dahil nawala si Eiji. Alam kong lumapit ka lang sakin, kasi mapupunuan ko ang kawalan niya..."

Hinalikan niya ako. Ang tamis ng halik niya, yun lang ang naisip ko.

"Nakakahiyang umamin na mahal mo ang isang taong sinasaktan mo." Sabi niya. "Hindi ko masabi sa harapan mo dahil sa tuwing iniisip ko yan, naiisip ko ang mga maling nagawa ko nung bata pa tayo... pati ang pagpapatulong ko sayo sa panliligaw ko sa pinsan mo. Sa lahat ng mga nangyari... At ngayon, sasabihin ko na. Wala akong pakealam kung magagalit ka sakin, ibabasted mo ako, sasaktan mo ako at iiwan..."

Wala akong masabi. MAHAL NA MAHAL KITA GAB! JUSKO! GASGAS NA ANG LINYA KONG `TO!

"Pero, Cel... Gusto kong malaman mo na hindi ko kaya kung iiwan mo ako. Kahit anong gawin mong pag iwan sakin, susundan at susundan kita."

Ikaw naman yung nang-iiwan sakin eh. :(

EWAN KO, OKAY? Hindi ko alam. Kasalanan ko ba kung ang tanging nararamdaman ko ay takot? Takot na baka umasa akong totoo `tong lahat pero sa isang iglap guguho at ako na naman ang maiiwang nasasaktan at nagdurusa. Kasalanan ko ba kung takot ako ngayon? Kasalanan ko ba kung mahal ko siya pero takot ako. TAKOT AKO PERO SIGURADO AKONG KAYA KONG TALUNIN ANG TAKOT KO PARA LANG MAHALIN SIYA? Magulo na ang utak ko.

"Kung natatakot ka na baka iwan kita dahil nandyan na ang bestfriend ko, wa`g kang mag alala, hindi kita iiwan."

Katahimikan.

Yun lang ba ang gusto mo Gab?

"I'm not here to be assured about that, Celestine!" Seryosong sabi niya. "GOD! Bakit di mo ma gets? Mahal kita! I'm so in love with you! Naririnig mo ba ako? This has nothing to do with Eiji..."
"Ano ba kasi ang gusto mong marinig?"

Mas lalong lumakas ang ulan. May bagyo nga pala!

"Mahal na mahal kita, hindi mo ba nakikita?"

Lumayo siya sakin. Nagpaulan siya. He spread his arms and looked at the sky.

"Gabriel, ano bah! Magkakasakit ka niyan!"

"Sagutin mo na ako!" Sabi niya.

Nakakainis naman! Ang lalim lalim ng pinag usapan namin kanina tapos back to kababawan na naman kami? Sagutin mong mukha mo! GRRR! Pero nakakatuwa ang mokong. Kinakabahan nga lang ako kasi sigurado akong magkakasakit talaga siya sa ginagawa niya.

Linapitan ko siya para payungan, pero lumalayo siya sakin.

Hinubad niya ang soot niyang jacket. Mas lalo siyang manlalamig niyan.

"HOY GABRIEL! Ano bah!? Are you threatening me?"

Gusto yata nitong sagutin ko siya dahil kung hindi, magpapakamatay siya. GRRRR.

Hinabol ko siya para payungan pero lumalayo talaga ang mokong!

"Ano bah! Lumapit ka nga, may sasabihin ako!"
"ANO?"
"MAY SASABIHIN AKO!"
"ANONG SASABIHIN MO?"
"HINDI MO MARIRINIG KAPAG MALAYO KA KASI ANG INGAY NG ULAN!"
"ISIGAW MO NA LANG!"
"AYAW MO!? SIGE IWAN NA LANG KITA DITO!"

Naglakad ako palayo sa kanya pero hinabol niya ako.

"Umalis na tayo." Bulong ko sa kanya. :P
"Yun na yun?"
"Oo! May hindi pa ba ako nasasabi sayo?"
"OO!"
"Ano?"
"IKAW NAMAN KASI YUNG DAPAT MAGSABI NUN TAPOS AKO ANG TINATANONG MO. Tsss." Ang arte talaga ng mokong na `to.

May alam pang pa suplado-effect.

"Nasabi ko na naman lahat ah?"

Nagsuplado na talaga siya.

"Mahal parin kita kahit suplado ka..." Sabi ko.

Tumingin siya sakin with a creepy smile. Parang sinasabi ng kanyang mata na...

"Dalawa na tayong nahulog sa bitag ng isa't-isa."

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText