<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

G-arcs


G1.Ara`s boyfriend?




Si Maxine Alvarado yata `to, BRENT-RESISTANT! FLIRT-PROOF!

"Alvarado! Ayus-ayusin mo nga yang pagpupulot mo ng bola! Yan na nga lang ang trabaho mo dito, di mo pa naaayos!"

HAY NAKO! Yun nga ang problema eh, sa tuwing nandito si Coach, nakakapaglaro at drills ako. Kapag wala naman siya, taga pulot lang ako ng bola.

Pawis na pawis na ako sa kakatakbo at habol sa bolang iniispike ni Chloe sa malayo. Buti pa yung ibang teammates ko, nagso-sorry pag napapalayo ang bola nila.

Pero si Chloe?

"OOOOOOOOOOPPPS! Ang galing ko talagang mag spike! Ang layo! HA! HA! HA!"

"Linsyak! Nakakabanas naman yung team captain niyo, Maxine!"

Naaninaw ko si Jason.

"Ako na!" Hinabol ni Jason ang bola bago pa ako umangal.

"Salamat!" Nang binigay na ni Jason sa akin ang bola.
"Uh, Maxine, nakita mo ba si Emily?"
"Si Emily? Ang alam ko pumunta siya ng Powerbooks eh, may hinahanap kasi siyang libro. Akala ko nga isasama ka niya. Itext mo kaya?"
"Ah! Hehehe! Ganun ba? Ayaw kasi niyang magreply eh."
"Huh? Bakit naman?"
"Siguro na-busy sa Powerbooks. Sige, Max, see you around! Uuwi na lang siguro ako." May bakas ng pagkabigo sa mukha ni Jason.

Tumalikod na siya at umalis pero di ko maiwasang isipin kung...

"Jason!"

Lumingon siya sa akin.

"Uhhh, matagal na ba kayong magkakilala ni Emily?"
May kakaibang ekspresyon sa mukha niya na agad kong nabasa.

Simula`t sapul akala ko matagal na silang magkakilala. Akala ko nung highschool pa. Childhood friends? Neighbors? Pero sa mukha niya ngayon, hindi, mali ako. Mukhang kahapon, kanina, ngayon lang silang dalawa nag kakilala, bakit?

"Matagal na." Ngumiti siya at agad kong binawi ang mga huli kong inisip.

Umalis din naman siya agad.

"Alvarado! Wa`g ka ngang engot jan! Ayun pa oh!" Sigaw ni Chloe.

Possible kaya yun? Magkaiba ang ekspresyon mo sa sinabi mo?

"Hi Max!" Bati ni Ara sa akin ng bigla siyang nagpakita sa harapan ko habang pinupulot ko ang bola.

Ay ang galing! Parang mga multo lang ang mga tao ngayon ah! Bigla na lang sumusulpot habang nagpupulot ako ng bola, sa susunod kayang pulot ko so Chad na ang magpapakita?

"Wa`g kang mag-alala, hindi ka na papupulutin ulit ni Chloe ng bola!"

ARAY! Gusto ko yung sinabi mo, Ara! Pero wa`g namang pagkatapos ng pag-iisip ko na si Chad na ang susunod na susulpot!

"Okay lang, nag eenjoy naman ako dito-"
"Eenjoy? Wa`g ka ngang plastik! Come on! Don`t be scared! That skank!"

Hinila ako ni Ara patungo sa court kung saan nandun si Chloe na sa malayo pa lang ay mukhang takot na.

"Chloe, dear!" Tawag ni Ara gamit ang maamong boses.
"Okay Team! D-Dismiss!"

Umalis din yung team mates ko at halatang pati silay takot din.

"Ano `tong pinagagawa mo kay Maxine? Huh?"
"Freshmen siya... kaya yan muna ang gagawin niya-"
"Akala mo ba di ko alam na hindi `to nararapat? Ha? You probably forgot... Just because your coach isn't here doesn't mean you can play around with your helpless teammates!"

Maxine = Helpless

HAHAHA! Pinagtatanggol nga ako nitong si Ara pero ang talas parin ng pananalita.

"Alam mo, Ara! Ikaw na lang kaya ang mag team captain dito, parang mas alam mo yata kung anong mga gagawin eh."

Tumaas ang kilay ni Ara at biglang lumapit kay Chloe.

"Oh yeah?" Sabay haplos sa buhok ni Chloe.

Halata sa mukha ni Chloe ang takot at kaba sa ginagawa ni Ara. Si Ara kasi ang tipong kayang makipag sabunutan sa kahit anong oras. Si Chloe ay ganun din naman eh, pero may kung ano sa kay Ara na mas nakakatakot kahit kanino. Tapang. Kompyansa. Kapangyarihan. Autoridad.

"Would you rather screw up with me than simply follow my orders?"

Palaban din si Chloe pero hindi siya nagsalita.

"Ano kaya ang iisipin ng pinakamamahal mo pag nalaman niyang inaway mo ako..." Nag puppy-eyes si Ara.

Pinakamamahal? Si Chad ba yun? :o

"Araw mo `to ngayon Ara Cruz-"
"Chad`s likes girls who are peace-loving, simple, kind..." Binilang ito ni Ara sa harap ni Chloe.

Halatang inis na inis na si Chloe at galit pero walang nagawa. Ganun niya ba talaga ka gusto si Chad? At alam ni Ara kung ano ang tipong babae ni Chad? Syempre, sabay yata silang lumaki. Oo nga pala, kasabay din nila si Chloe. Ang alam ko, bago pa lang ako nagtransfer nun, mortal na magkaaway na silang dalawa!

"Ara, stop blackmailing her, will you?" Sa likuran, sumulpot si Brent.

Ba`t nandito `tong mokong na `to?

Inakbayan niya si Ara. :o

Tiningnan ko silang mabuti. Hindi sila magkahawig. Hindi sila magkasing tangkad. Mas matangkad si Brent kay Ara. Syempre may mga katangian sa mukha nilang hawig din pero magkaiba talaga. Ang tanging sigurado akong pantay sa kanilang dalawa ay ang kompyansa, angas, at dating.

The Cruz Twins.

"Brent, paamuin mo nga yang kapatid mo? Bakit ba pagdating sa akin ay nang iinis siya?" Umirap si Chloe kay Ara.

Tumawa si Brent.

"She`s manipulative, but not evil, Chloe. Hindi mo ba alam?"

Tiningnan ako ng nakangising si Brent. Kinalas niya ang pagkakaakbay niya kay Ara at inakbayan niya ako.

Kahit na naiinis ako sa kanya, hindi ko parin maiwasang mapansin kung gaano siya kabango.

"Oh! Akala ko si Chad?" Tiningnan ako ni Chloe pero bago pa ako nakapagsalita... "Well, okay! Madali naman akong kausap. Pero di ko talaga mapagtanto kung bakit..." Umiling siya. "Okay, then! See you around! Maxine, iwan mo na yung mga bola, ipapapulot ko sa iabng freshmen." Hindi nagbago ang boses niya, malamig parin.

"Bitiwan mo nga ako!" Sabay kalas ni Brent sa pagkakaakbay niya.

"Hey, I gotta go!" Tumingin si Ara sa relo niya.
"Nandyan na sundo mo... Take care, Ara."

Nakita ko ulit ang SUV na nakita ko nung araw na punulot din ni Ara ang bola. Mercedes-Benz GL.

"Whoa! Sa inyo yan?" Tanong ko nang nakita ko si Ara papunta sa SUV na huminto sa harapan.
"Nope."
"Weh?"
"Sa boyfriend niya."

May boyfriend si Ara? Sino? Hindi ko alam kung sinong lalaki ba ang kayang pa amuin si Ara! Ang mga possibleng lalaking makakapag paamo sa kanya ay si Brent lang at si Chad! Wala ng iba! :o

G2.Twisted words






"Sino ba ang boyfriend ni Ara?" Tanong ko kay Brent habang naglalakad kami patungong sasakyan niya.
"Mmm. Someone... I don`t really like talking about that."

Tumango na lang ako at naisip na siguro, makikita ko rin at makikilala ang boyfriend ni Ara sa tamang panahon. Pero na-curious ako kung sino ang lalaking nakapag-painlove sa kanya.

"Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan mo pa akong sunduin nang sunduin. Pwede naman akong mag taxi..."
"]What`s wrong with that? I`m doing you a favor? Can`t you just be thankful?" Nakangisi na naman siya.
"Hindi naman sa ganun." Bakit nagiging mabuti ako sa kanya ngayon? "Baka kasi nakakaabala na ako. Baka may gusto ka pang gawin o ano... okay lang naman."

Mas ngumiti siya sa sinabi ko. Mejo nainis ako dahil hindi ko alam kung ano ang problema niya`t nakangiti parin siya sa akin, kahit anong gawin ko. Mang-inis man ako o magpapakabait.

Nagkibit-balikat lang siya at pinanatili ang katahimikan.

Habang naglalakad kami, napansin ko ang mga babaeng nagbubulungbulungan at nakatingin sa aming dalawa.

"Ganito pala pag kasabay mong maglakad si Brent Cruz? Lahat nagchi-chismisan?" :-[
"Nope. Ganito pag kasabay maglakad si Brent Cruz at Maxine Alvarado."

Linagay niya ang kamay niya sa baywang ko kaya mas lalo akong napalapit sa kanya. :-[

"Brent! Stop it! Nang cha-chansing ka na naman!" Linayo ko ang sarili ko sa kanya pero inaamin ko, masyado siyang malakas.

Tinanggal niya rin naman pero huli na ang lahat, nakita na ng lahat ng babae at may nakita na akong naghuramentado kung saan.

"Well, kung pag uusapan na nga lang tayo... edi lubus-lubusin na!"
"Alam mo Brent? Sa`yo, okay lang? Pero sakin, hindi! Brent Cruz is Brent Cruz! The playboy! At lahat ng babae sigurado akong mag-iisip na isa lang ako sa mga babae mo. At ayoko ng ganun, Brent! Ayaw ko naman sa`yo at mas lalong ayaw kong maging sa`yo."
"So what exactly do you want me to do? Leave you alone?"

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Hindi ko rin alam kung ano ang mas gusto ko, ang sagutin ang tanong ni Brent o ang makita si Chad sa parking lot na nakakita din sa amin.

"Brent, Maxine..." Nasa bulsa ang mga kamay niya at nakangiti.

JHSAJKHSIUHSAKJBDH! NOOO! Sa puntong ito, gumuho na yata ang pag-asa ko kay Chad!!!

"Tatawagan na sana kita." Sabi ni Chad sa akin.
"H-Huh?" Sumulyap ako kay Brent.

Si Brent nakasandal sa sasakyan niya at hinihintay akong pumasok. Tumitingin-tingin sa tabi-tabi at nagpapanggap na hindi na kikinig kahit alam na alam mong sa lapit niya ay imposibleng hindi niya kami naririnig.

Nadatnan ko ring sumulyap si Chad kay Brent.

"Ihahatid sana kita sa bahay niyo kaso..." Sulyap ulit kay Brent. "Naunahan na pala ako..." Ngumiti siya.
"Uh,"
"I didn't know you and Brent are dating?-"
"Hindi kami nagdi-date!"

Pumula yata ang pisngi ko sa agad kong pagreact nun!

"Walang babaeng nakasakay na sa Porsche ni Brent na hindi niya dini-date, Maxine. Right, Brent?"

Napatingin ako kay Brent na nakangisi. Halos mainis ako kay Brent sa sinabi ni Chad! He is preying on me! I`m his next victim!

Nagkibit-balikat lang si Brent at naging seryoso ang mukha.

Kaya lang, hindi naman kasi alam ni Chad na ang mga magulang ko mismo ang nakiusap kay Brent na ihatid ako sa bahay! Kay Brent ako may utang dito, dapat nga pasalamatan ko siya! Kaya lang may point din naman si Chad dun.

"I got your point Chad. Gusto mong ihatid si Maxine... diba?" Sabi ni Brent, may konting pagkairita ang bumakas sa boses niya.

Kinabahan tuloy ako.

"Well, apparently, I am doing Maxine`s parents a favor."

Uhm... ganun ba talaga yun Brent?

"Now, if you`d excuse us, we have to leave, it`s getting dark." Ngumiti siya kay Chad at binuksan ang pinto.
"Oh! So, nakilala niya ang mga magulang mo, Maxine?"
"Uhm... Oo eh."
"Get in..." Seryoso si Brent sa sinabi kaya agad akong pumasok pero binuksan ko ang bintana. "Maybe, next time, Chad." Kinindatan niya si Chad at agad pumasok sa sasakyan.

Humarurot ang takbo nito at halatang nainis siya kay Chad.

G3.Shouldn`t





"Brent! Ang sama mo naman kay Chad! Syempre nagkamali lang siya kasi naman binibigyan mo rin naman siya ng rason na magkamali sa judgement niya sa`yo. Sa dami kasi ng babae na nakakasama mo, akala niya tuloy isa ako sa bibiktimahin mo!"
"Do you REALLY like that Chad?"

Hindi ako makasagot.

Huminto ang sasakyan sa traffic light.

"Bakit di mo sinabi sa kanyang magpapahatid ka? Ayaw mo nun? Yung gusto mo ang maghahatid sa`yo?" Seryoso ang mukha niya at diretso ang tingin.
"Ikaw naman kasi ang inaasahan nina mama at papa na maghatid sa akin diba? Panibagong sermon ang aabutin ko pag si Chad ang maghahatid sa akin."
"That`s it?" Tiningnan niya ako. Pula ang pisngi niya. "You chose me because... that`s it?"

ANG KAPAL NAMAN NITO!?

"Ikaw ang nagsabi nun diba? Ginagawa mo lang `to dahil 'you`re doing my parents a favor'!"

Nanunuya ang tawa niya at hinarurot ulit ang sasakyan.

"I only said that because we were in front of Chad! The boy of your dreams! You should thank me for that!" Galit siya!
"Well, thank you!" Galit din ako. "Brent, kung napipilitan ka lang talaga na ihatid ako, then stop forcing yourself. Magtataxi na lang ako bukas!"
"Hindi mo alam kung gaano ako kagalit sa sarili ko na sinabi ko yun sa harapan ni Chad! Sana pala sinabi ko na nagdi-date ta`yo, o kaya girlfriend kita!"
"Bakit ang dali-dali lang para sa`yo na sabihin ang mga ganyan, huh, Brent? Oh yes! Kasi si Brent Cruz ka pala! The playboy!"
"Don`t you really get it, Maxine? I`ve been giving you hints since highschool!"
"Get what?"
"I like you!" Sumulyap siya sa akin.
Halos matawa ako, "Ilang girls ba ang sinasabihan mong 'I like you' sa isang buwan, huh, Brent?"
"I get it! Hindi kita masisisi, kasi sa dami ba naman ng babae ko..."
"See? Ikaw na rin ang nagsabi? Now tell me, how will I ever believe your lies?"

Wow! Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala kami nagtatalo at hindi ko alam kung saan patungo `to.

Natahimik kami habang papalapit na sa bahay.

Galit siya! Galit din ako!

Hindi ko alam kung bakit parang may kung ano sa tiyan ko. May parteng gumuho at nadismaya, hindi ko alam ko ano at bakit.

"Thank you..." Sabi ko nang nakarating na kami.

Gusto ko ng lumabas pero tiningnan ko siya. Seryoso ang mukha ni Brent. Brent Cruz na ngayon ko lang nakita. Ganito din kaya siya sa ibang babae? O sa akin lang? Totoo kaya yung sinasabi niya? O hindi?

Ang katotohanang nag dududa na ako sa totoong paniniwala ko ay mas nakapagpakaba sa akin. Hindi pwedeng maniwala kay Brent Cruz. Kahit anong mangyari.

"I`m sorry."

At ngumiti siya. Hindi sa unang pagkakataon, naunawaan ko kung bakit maraming nagkakandarapa sa kanya. Sagad sa buto ang kagwapuhan niya, hindi mo maiisip na may ganito ka gwapong nilalang na pwedeng tumapak sa mundong `to. Walang kapintasan ang mukha niya. At kapag ngumiti siya, nadadala ka. That`s how evil Brent Cruz is. Everyone can fall for him.

Alam kong masasakit ang mga sinabi ko sa kanya.

"Kasi naman..." Bakit nga ba ako nagsosorry? Hindi ko alam. Pakiramdam ko kasi nasaktan ko siya sa mga sinabi ko kanina.
"Yeah right!" Ngumisi siya sa akin.

Nasaktan ko ba talaga siya? Bakit nakangisi `tong demonyong `to at mukhang may balak pang kahindik-hindik.

"You don`t like seeing me with other girls, right?"

Mas lalong lumalim ang ngisi niya.

"Then from now on, I won`t date any other girl." Kumindat siya.
"Tseh!" Binatukan ko na, umilag siya pero natamaan parin kaya tumawa ng malakas.

Binuksan ko ang pintuan at umalis.

Brentology 101: Pag ngumisi si Brent, nagsisinungaling yan! Kaya wa`g kang magpaapekto. Pagnagpaapekto ka, ibig sabihin, talo ka! ;)

"Gosh! Muntik na ako dun ah! I thought he was serious! GRRR! Sabi na nga ba! Walang puso yung Brent na yun! Asa ka pa!"

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText