Fall 71-75
71st fall
Serene Cruz: So ba't ka nga ba aalis?
Pinunasan ko ang luha ko...
"Can I have this dance?" Dae said.
Hindi ko mabasa ang mukha ni Nico. Ayaw ba niya o okay lang?
"Malapit ng matapos ang kanta para satin..." He ignored Dae.
"Hoy!"
"Shut up Dae! Umupo ka nga dun!" Sigaw ko sa kanya.
Naiinis ako dahil kahit isang text man lang sakin o kay Crayon, wala. Nag-alala ako eh, nag-alala ako.
Tinitigan ko siya. Tinitigan niya lang rin ako gamit ang mga mapupungay niyang mga mata. Naglakad siya papalayo samin... pero akala ko susundin niya ako.
"Di pa ba sapat na ikaw ang date niya ngayon, Nico? Pinapaiyak mo pa siya! At ngayon ayaw mong isayaw ko siya? Ba't ka nga ba umiiyak, Serene?"
Lumingon ulit ako sa kanya. Bwisit talaga, baka magkagulo ulit dito.
"Dahil masaya ako, kasayaw ko si Nico-!"
Tahimik siya habang ibinabaling ko ang tingin ko kay Nico. Ngumiti ako at napahinga ng malalim.
"Okay, okay!" Sabi ni Dae. "Maghihintay na lang ako kung kelan ka malulungkot." Tinalikuran niya kami at naglakad papaalis sa dancefloor.
"Serene, maybe it`s time for you to dance with him."
Tiningnan ko si Nico. At mukhang narinig pa `to ni Daekaya agad siyang bumalik samin.
"Okay lang. tapos na rin yung kantang para satin eh." Nico smiled.
At this time, I felt like Nico was giving up. Bakit niya ibibigay ang pagkakataon niya kay Dae ngayon? Mas lalo siyang matatalo. Pero... he tapped Dae`s shoulder and...
"Pero wa`g mong kalimutan, ako ang date niya. The rest of the night, she`ll be with me."
"Oo na..."
I changed my mind. He was still betting! Siya pa mismo ang nagbigay ng kamay ko kay Dae. Hindi na ako nagsalita. I`m saving my breath and my words. Si Dae na ang kasayaw ko ngayon at nakatingin lang siya sakin habang tinitingnan ko na papalayo si Nico samin.
*I lie awake... Thinkin of the days gone by... Wishin that your still here with me, baby*
"Ba't ka umiiyak kanina?"
Tiningnan niya akong mabuti. Ang mga mata ko naman, kung saan-saan dumadapo. Kay Francine na nanonood, kay Nico, kay Sophie at Crayon, sa mga ilaw sa itaas, sa stilletos ni Chyna at iba pa. Parang nagwawala ang mata ko. Pero syempre, iniisip kong hinding-hindi ko pagbibigyan si Dae sa ngayon. Kung binasted ko na si Nico, dapat patas. Di ko ipaparamdam sa kanya na lamang siya o ano. Gagawin ko talaga siyang alila.
"Diba nga sabi ko, tears of joy?" Nakatingin ako sa stilletos ni Chyna.
Hinayaan niya lang ako.
*Please here this heart of mine... Hear me callin'*
Potek. Ba't parang siya yung kumakanta ng kantang `to?
"Saan ka ba nagpunta? Akala ko patay ka na eh."
"Ang harsh mo naman. Syempre, nagdadalamhati ako dahil di ako ang pinili mo."
"Eh ba`t di moko nirereplyan?" Hindi nga ako magpapahalata.
"Wala na akong load."
"Sinungaling! Alam mo? Sa tingin mo ba talaga sasagutin kita? Eh sa mga ginagawa mo pa lang nakakaturn-off na!" Napatingin ako sa kanya.
Mejo kinabahan ako nang nakita ko yung mga mata niyang nakatoon LAMANG sa akin. Sa akin at sa akin lang talaga. Pinandilatan ko na lang siya, tinago ko ang pagwawala ng puso ko.
"Sabihin mo kasi kung ano talaga ang gusto mo."
"Sinabi ko naman diba? Pumunta ka dito?"
"Nagpunta naman ako."
"Oo nga, pero late."
*your love so true... And i never knew... That its you i need... All this time*
Ano kaya yung nasa loob ng bagong album nina Dae? Ang alam ko marami dawng OPM. Anyway, hindi ko pa naririnig yun. Baka may dinedecate siya sakin. LOL. Asa!
"Sorry na."
Napatingin ako sa kanya. And he was smiling.
Parang ang sarap niyang sampalin ng left and right. Kinikilig na ako eh. Bwusit talaga.
"Kelan mo ba ako sasagutin?"
"Abah, ang kapal mo ah! Alalahanin mo, Dae, Si Nico-"
"Oo na kasi. bakit? Slave mo ba siya? HAHAHA. Hindi diba? Di mo nga siguro yun kayang utusan na gawin ang assignments mo eh."
"Kahit na!"
Napatingin ako sa kanya.
"Alam mo, di mo talaga kayang manloko sakin. Mahal mo pa ako, swear."
ANG KAPAL KAPAL DIN NAMAN TALAGA NG MUKHA NITO. Kahit na sabihin nating mejo halata ako pero sinong gag0 ba ang talagang itatanong yan?
I sighed, and smiled fakely.
"Mahal kita noon, inaamin ko. Pero ngayon? Nakamove-on na ako. Di ko kayang maghintay habangbuhay sayo, and you should know that. People change. I learned to accept that you are... manhid."
He chuckled, "Paano ako? i'm in love with you."
"And so? Wala akong pakealam. I did my part. If you really love me, then, do your part. Tingnan natin kung maibabalik ko pa ba talaga..."
HE'S IN LOVE WITH ME! INAMIN!
OKAYYYY! Parang gusto kong tumawa ng malakas.. HAHAHAH. Kapalmuks ko. Para ko siyang binibigyan ng death threats. Para akong nanghihingi ng pera at nangungutang pa sa iisang tao at parehong oras. Pero di niya naman alam na mahal ko pa siya. HAHA
"Kung ano man yung nakikita mo sa mga mata ko ngayon at naiisip mong mahal pa kita, I tell you, Serene today isn't the same with Serene yesterday."
He chukled again, "I don't want Serene yesterday and Serene today. I want Serene forever." Tumawa siya ng malakas.
LOADING... Ayoko na! Di ko na makakaya ang ka kornihan ni Dae. Tatadjakan ko na talaga siya pag di siya tumigil.
"Whatever Dae! Bumalik ka na lang sa Francine mo!" NANG-IINIS NA AKO.
"Nagseselos ka sa kanya no?"
"HA? Ba't ako magseselos? Gosh..." Napatingin ako kay Nico at nakita ko siyang ngumingiti.
"Okay now, since your date is that guy. I'll leave for tonight."
WHAT?
"Sapat na saking naisayaw kita."
"HA? Eh panu kung utusan kitang wa'g umalis?" Kung sakali lang naman yun, di halata!
"Di ako aalis."
Ermmm, okay. HAHAHA
"Ahhhh. So ba't ka nga ba aalis?"
"Matutulog ako."
"ha?"
"Okay, I'll reveal something..." Linapit niya ang mukha niya sa mukha ko.
Yinakap ko na lang siya. HAHAHAHA! Okay... pinagsasamantalahan ko na.
"When I get jealous, t`will be bad for Nico's health." He whispered gently.
72nd fall
Serene Cruz: Hah? E-ewan ko.
Ilang sandali ang nakalipas, nakita ko si Nico na nakatayo na sa tabi namin.
"Oh, andito ka na pala? Para naman akong si Cinderella dito." Sabi ni Dae.
"Serene, aren't you tired? You`ve been dancing for almost 1hour and 30minutes." He ignored Dae's question.
Alam kong nag-aalala lang talaga si Nico. Pero hindi ko naramdamang pagod ako o ano. Hindi rin naman ako sinaway ni Dae at mukhang siya rin naman ay di pa napapagod.
"Oo! Ang sakit sakit na ng paa ko eh." Sabi ko.
Dae, sorry ah! HAHAHA
Naglahad ng kamay si Nico at binigay ko naman agad ang kamay ko sa kanya. Hinawakan ni Dae ang braso ko.
"Ang sama mo talaga. Di ka naman nagrereklamo kanina ah? Porke't si Nico na ang nagtatanong..."
"Totoo naman eh. Di mo kasi tinatanong sakin. Palibhasa di ka concern kung okay pa ba ako o hindi na."
Tinitigan niya lang ako. Nasobraan ata yung mga sinabi ko. Sorry.
He sighed, and let me go. "Iuwi mo siya sa bahay nila ah at kailangan safe siya, Nico." Sabi niya kay Nico.
"I will. Di mo na kailangang sabihin yan. I will always do that."
Ngumiti si Dae at tinalikuran kami. Nakita kong sinalubong siya ni Francine bago makaalis ng tuluyan pero mukhang wala pa ngang sinasabi si Francine eh linagpasan niya na ito.
"Serene..."
At tuluyan na siyang umalis. Naninibago talaga ako sa kanya. Syempre, kasi iba na ang trato niya sakin ngayon. Naiisip ko tuloy si Francine at Charlotte. Siguro buhay prinsesa ang dalawang yun noon? Nakakainggit naman. Ba't nga ba ako naiinggit-
"Serene..."
"A-Ah. Huh?"
Tinatawag pala ako ni Nico.
"Are you okay?"
"O-Oo. S-Sorry."
"Uhm... Sorry kasi inistorbo ko ang sayaw niyo. May sasabihin sana ako sayo..." Sabi ni Nico habang papunta na kami sa table.
Kami na lang dalawa ang natira sa table, sumayaw kasi sina Sophie at Crayon.
"Ano?"
"Titigil muna ako sa pag-aaral next sem."
"H-Huh? Bakit?"
"T`was the best thing to do sabi ng manager ko."
"Okay lang ba sayo yun?"
"Marami kasing offers this year sa akin..."
WHOA OMG! Magiging superstar na ata siya.
He sighed. Tinitigan niya ako na parang marami pa siyang gustong sabihin... hindi na ako umimik dahil naghihintay ako kung sakaling mayroon pa nga siyang sasabihin.
"But I wont stop loving you..."
OMG! Errrm...
"Next week may shooting ako para sa isang movie. Mawawala ako. But I`ll make sure that I`ll be in your birthday, I promise."
Kawawa naman si Nico. Sobraaa. Parang ayokong mabigo siya sa akin.
"Uh... My birthday week? Uh... Gusto mong sumama sa Te Beach Resort?" Tanong ko sa kanya. "Kasi... on my birthday week, mukhang andun ako kasama sina Crayon. Pero sa birthday ko, siguro naman tapos na yung gig nila nun... kaya..."
"Okay lang ba?"
"Oo naman!"
Di rin naman siguro ako mapapansin ni Dae niyan dahil masyado siyang busy. Grrr... Whatever.
He smiled, "Sige, sasama ako."
Pagkatapos ng gabing yun, hinatid niya na ako...
Tahimik parin ako kahit sa sasakyan niya, iniisip ko parin yung mga ginawa ni Dae kanina at mga sinabi ni Nico sa akin.
Nakarating na kami sa bahay at sinalubong naman kami ni papa at mama agad.
"How was your night?" Yinakap ako ni Mama.
"Maganda po ang gabi ko." I smiled.
"Naku, salamat naman."
Wow, they're so concerned this time?
"Salamat, Nico." Sabi ni papa habang naglalahad ng kamay.
"Walang anuman po yun, basta para sa anak niyo." Nagkamayan sila.
Dahil dun sa sinabi ni Nico, parang nagstop ang buong mundo samin tatlo ng mama at papa ko.
"Liniligawan ko po si Serene. I want to be the best man for her."
ACK~! Nakatingin ako kay Papa. Ito ang unang pagkakataong may nagsabi sa kanya ng ganyan. Si Nico pa ang pinakauna kong manliligaw.
I'm waiting for papa's reply. Nasa labas pa kami, ba't di kaya muna kami pumasok?
"Okay lang naman sakin yun. Serene's to decide."
Tumango si Nico.
"Salamat po, kung ganun..." Nico looked at his watch.
"May taping ka ba?" I asked.
"Oo."
"Ha? Gabi na ah?"
"Gabi ang scene eh."
"O sige, bilisan mo na..."
"Sige po, pasensya na. Aalis na po ako."
"O sige, mag ingat ka ah." Sabi ni Mama.
Umalis naman agad si Nico.
"Ang bait niya no, mama? Kung di ko yun tinanong kung may taping ba sila, sigurado di yun pupunta."
Ngumiti lang si Mama... "Mahal mo na ba siya?"
WOOOT! Straightforward na tanong habang nakikinig si Papa. Nakakahiya.
"Hah? E-ewan ko."
"Eh si Dae, mahal mo?"
"Ma~!"
Tumawa si Mama at Papa. Pumasok na kami sa bahay.
72nd fall
Serene Cruz: Pumayag ba ako?
"Downfall Chronicles." Sabi ng isang boses sa loob ng kwarto ko.
"Dae!" nabigla ako nang naabutan ko siyang hinahalungkat ang mga pictures ko nung bata pa kami.
Nakita ko yung mga pictures namin nung birthday party ko, birthday party ni Crayon.
"Bitiwan mo yan!" Sigaw ko habang pinipigilan siyang buksan ang diary ko.
Hindi ko pa nasusunog yun. narinig ko si mama, "Serene, andyan nga pala si Dae. Nakalimutan kong sabihin. Uh, Dae, sa labas ka na lang muna maghintay magbibihis ata si Serene."
"MA~!"
Grabe, di ko na marinig ang sarili kong boses. Dae raised the diary up high, "Opo!"
"Akin na yan!"
"Bakit? may tungkol ba sakin dito?"
"Wala!"
"Wala naman pala eh, ba't ayaw mong makita ko?"
Buti na lang at nakuha ko agad.
I sighed, "Bakit ka ba andito?"
He tried to get the diary again so I hid it behind me.
"Akin na."
"Bakit ba?"
Napaatras ako.
"Wala naman palang tungkol sakin diyan eh. Babasahin ko na. Diary yan diba?"
"Oo. Kaya nga eh, diary to! Personal."
Napaatras ulit ako dahil ayaw niya talagang magpatalo.
"T-Tama na, Dae."
Nagpupumilit parin siya hanggang sa napasandal na ako sa closet. His face is really really close to mine.
"Dae, sisigaw na talaga ako. Tumigil ka na nga."
"Wala naman akong ginagawa ah? Tumitigil na nga ako sa pangungulit sa diary mo. For sure, marami akong part diyan kaya ayaw mong ipabasa sakin."
"Tsss. Kapal mo talaga."
Tinitigan niya ako. He's too close. Too close. I want to scream. Pero di ko rin naman ginagawa. I swear, I'll kiss him in the next 10 seconds!
*KRIIINGGGG*
Napabuntong-hininga kaming dalawa. Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Nico.
"Dae, lumabas ka muna. Magbibihis ako."
Ba't nga ulit siya nandito?
"Hello?"
"Sino yan?"
I pushed him to the door. Tinulak ko na rin siya papalabas kasi ayaw niya talagang lumabas eh. Sinarado ko ang pintuan.
"Hello, Serene?"
"N-Nico, yes?"
"Wala lang. I just want to hear your voice before ang taping."
Napangiti ako. Dang, he's sweet. "HAHAHA. Good luck then."
"Thanks."
"Nico, start na!"
"Sige..."
"Bye..."
Binaba ko na ang phone. napaupo ako sa kama ko habang inaayos ang buhok. Sa pinakaunang pagkakataon, ngayon ko lang naramdamang naistorbo ako ni Nico. WAAA. Sorry, pero yun ang nararamdaman ko sa ngayon. Well, whatever. Nico's sweet. Pero mas sweet sana yun kung pagkatapos na ng isang oras siyang tumawag.
"Matutulog na kami, Serene, mag-usap muna kayo ni Dae tutal wala naman kayong pasok bukas. May trabaho kami bukas eh, sorry Dae." Sabi ni Mama.
"M-Ma?" I hugged the pillow while sitting on the sofa.
Tahimik kaming nanonood ng TV ni mama, papa at DAE habang nasa labas si Ney tapso bigla na lang magwo-walk-out si Mama at Papa?
"Nga pala, Dae. Hindi pa tayo tapos."
"P-Po? Opo, sorry po."
WTH?
"H-Ha? A-Ano? Ma? Pa?"
"Alam ko na, Serene." My father sighed. "Malaking minus yun sa'yo Dae, and you should know that."
Seryoso si Papa. Serysos din si Dae. Kaya naman pala mukhang concern si mama at papa ngayong seasonal ball na to.
"Hindi ka niya sinipot last Seasonal Ball niyo."
"H-Huh?"
"Don't cover his fault just because you love him."
"Omygod. I'm not! And I don't!"
Tumawa si mama.
"Basta. Dae, di ako papanig kahit kanino sa inyo ni Nico. Not anymore. Dapat sana bias ako pagdating diyan... kaso..."
"Opo. Handa na po ako diyan. And I understand if you'll hate me."
OMG!!! Alam ni Papa na nanliligaw si Dae sakin!
"Sige!" Hinawakan ni mama ang kamay ni papa.
"Good night." My father glanced at me. "Serene, matulog ka ng maaga."
"Po.. Opo." Tumayo na ako para MATULOG.
"Matulog ka lang pagkatapos niyong mag-usap."
"Anong pag-uusapan namin?"
"Tanungin mo si Dae."
Umalis na ng tuluyan si Mama at Papa. Napatingin ako kay Dae at hinawakan niya ang kamay ko then he pulled me down. Napaupo ako sa sofa.
"Hoy, ba't ka nga ba andito? Can you explain to me? At anong masamang hangin ang pumasok sa utak mo at mukhang na konsensya ka sa ginawa mo noon?"
"Isa-isa lang. Wa'g kang mag-alala sasagutin ko ang lahat ng tanong mo."
"Ba't ka andito?"
"Bored ako."
"Kanina ka pa ba?"
"Oo. Dito ako tumambay, kaya late."
"Anong masamang hangin ang pumasok sa utak mo at mukhang na konsensya ka sa ginawa mo noon at sinabi mo kay papa at mama?"
"Yung pag-ibig ko sayo?"
Loading...
"Matatawa ba ako?" Sarcasm.
You'll shower me with your ka-cornihan, I'll shower you with my sarcasm.
"Maniniwala ka."
Errrm... Hindi nga pala ako magaling sa sarcasm. HAHAHA
"Anong pinag-usapan niyo ni papa?"
Sumandal siya sa sofa, "Marami, akala ko nga susuntukin niya ako eh. Muntik na nga akong masuntok, sa totoo lang."
I laughed.
"Anong sinabi mo sa kanya?"
"Sabi ko sa kanya, nanliligaw ako sayo. at date tayo bukas."
Errmmm, "Tapos?-"
"Pumayag naman siya."
"Pumayag ba ako?" I raised my eyebrow.
"Nukaba, si Nico nga, di na nagpapaalam sa papa mo pagnag-di-date kayo. Tapos, ako, grabe..."
"Ha? panu mo nalamang di siya nagpapaalam kay papa?"
"Sinabi nila eh."
AHAAAAAAAAAAAAAAA! Papa talaga, akala ko walang bias.
73rd fall
Serene Cruz: E, ginugutom ka na diba?
"Bibili ako ng sapatos, damit, jacket - hmmm malapit na ang tag ulan sa Pinas, ano pa ba?... hmmm..."
"Mamimili ka?" Tanong ni Dae sakin habang nagdi-drive.
Papunta kami sa mall. Kakain lang daw kami dun kaya naisipan kong mamili ng mga gamit. Since, summer na at malapit na ang birthday ko.
"Oo, Obviously. Pero mukhang kulang ang pera ko eh." Tiningnan ko siya habang sinulyapan ako at ibinaling ulit ang tingin sa kalsada.
"Tapos?"
"Pautangin mo naman ako, Dae. O..." HAHAHAHA. Uubusin ko ang pera mo. "Bilhan mo na lang ako."
"Ha? paano ka naman nakasisigurong di kasya ang pera mo? Linoloko mo ata ako eh. Gusto mo atang ubusin ang pera ko."
"O sige sige... Just in case?"
"Hindi pa naman kita girlfriend."
Ay. Anakanang...
"Ayaw mo nun? Mabuti na yung malaman mong marami akong pangangailangan, tsaka pwede ka pang mag back-out kung di mo naman pala talaga kaya."
HAHA. I'm just joking. Sinasadya ko talagang takutin siya sa ubusan ng pera. Tingnan natin kung maturn-off.
Nakapagdecide na akong sasagutin ko siya kapag mapatunayan kong mahal niya nga ako. Pero paano ko naman mapapatunayan yun?
"Back-out? Asa ka..."
Errr... Sige. Mabuti yan, Dae. HAHA
"Ano ba kasi yung mga bibilhin mo?"
"Mga damit... mga pagkain... at iba pa..." Sabi ko.
"O sige, sige... Ang daya mo talaga. Sagutin mo na kasi ako eh."
"Ayoko nga! Di na kita mahal noh. Kaibigan lang tingin ko sayo."
"Tumahimik ka nga diyan. Kahit ulit-ulitin mo yan, di ako maniniwala."
Tumingin ako sa labas ng sasakyan. Nakita ko ang billboard ni Nico sa isang mataas na building.
"Mabuti pa si Nico... Linilibre niya naman ako kahit di pa kami. Sayang lang at may pelikula siya ngayon. Namimiss ko na tuloy siya." Nagpaparinig.
Napansin kong sumulyap siya sakin.
"Lamo Serene, pag tayo na... wa'g mong sabihin yan sa harapan ko ah." Sabi niya.
"Bakit?"
"Iiyak ako."
"Tse. Ikaw? Iiyak?" Natawa ako. HAHAHAHA.
Buang `tong si Dae. Ang sarap kasama. Kahit lagi kaming nagtatalo. Walang kapantay talaga.
"Bakit? Pinabili mo ba siya ng damit? Hindi naman diba?"
"Sigurado naman akong pag sasabihin ko sa kanya yun, sangkaterbang damit ang ibibigay niya sakin."
"Hindi siguro... Di yun magpapauto."
"Eh kung ayaw mo, edi wa'g. Di naman ako namimilit."
"Sinabi ko ba yun? Ang sabi ko, di magpapauto si Nico. Dahil diba nga... matalino siya? Bobo ako diba? Sabi mo?"
HAHAHAHAHA. Asus, di rin ako magpapauto sayo. It's too early to conclude na malakas nga talaga ang tama niya sakin. Whatever. I need Crayon, please.
Nang nakarating na kami sa mall, naglakad ako beside him. WOOOH. I'm so happy today. Yesss. Feeling ko binigyan ako ng reward ni Lord sa lahat ng sakit na naramdaman ko noon.
"Si Francine ba, binibilhan mo noon ng damit?"
"Hindi."
"Si Charlotte."
He paused for a while. Tinitigan ko siyang mabuti.
"Hindi rin."
"Really?"
"Oo. Ikaw lang ata ang nagpapabili sakin. Ni hindi pa kita girlfriend. Kung nabigyan ko man ng mga bagay ang dalawang yun, di naman nila hiningi."
Tiningnan niya ako.
Parang na gi-guilty tuloy ako. Ang sama ko naman. Pero, its part of the plan diba? Kailangang ma-turn off siya. GRRR. Nakakainis. Ang hirap talaga pag mahal mo ang taong ilinalagay mo sa pagsubok. Maraming personal bias.
"Tama na nga yan. Ano bang gusto mo?" Sabi niya.
Mukhang napansin niya na natigilan ako sa sinabi niya.
"Wala. Sabi ko naman sayo, just in case na maubusan ako ng pera diba?"
Napabuntong hininga ako nang nakarating kami sa mga botique. Ang pinakahuling napuntahan namin ay ang department store. Buti pa dito, at least di ako masyadong mauubusan ng pera.
"Pagod ka na?" Tanong ko sa kanya.
NYAHAHAHA. Siya ang nagdala ng mga binili ko.
"OO."
HAHAHA. Ang kapal ng mukha. Nanliligaw nga sakin pero ang lakas ng loob na magreklamo.
"Grabe ka naman, di mo ba naiisip na pwedeng turn-off sakin yung pagrereklamo mo?"
"Eh ang bigat nito. Di pa nga tayo kumakain."
"O? Kita mo na! I bet di mo yan nagawa sa ibang linigawan mo."
"I bet di mo rin `to nagawa sa ibang nanliligaw sayo." he smiled.
OMG. Point.
"Dae! Nakalimutan ko, bilhan mo naman ako ng chocolate o. Nakalimutan ko talaga." Sabi ko habang papalayo na kami sa department store.
Sinulyapan ko ang wallet ko, at wala na akong demn na pera.
"Ay wa'g na lang."
"Anong chocolate ba ang gusto mo? Ako na lang ang bibili."
"Ha? E, ginugutom ka na diba?"
"Ako na nga lang ang bibili para mas mabilis. Dito ka lang maghihintay. Anong gusto mo?"
"Ferrero-"
Agad siyang umalis. Yesss. Libre? At least no, chocolate lang yung nabili niya.
Habang tinitingnan ko siyang pabalik sa department store...
"Serene?"
Lumingon ako sa babaeng nagsalita. Isang pamilyar na boses, at pamilyar na mukha ang tumambad sakin. Hindi pa nga napoproseso ng utak ko ang nakita ko, nauna na ang puso ko sa pagpintig ng mabilis habang isinisigaw ang pangalang... "C-Charlotte?"
74th fall
Serene Cruz: Ooooy, naloko kita!
"Nakabalik ka na pala?" She raised her eyebrow.
OMG. Parang di ako makapaniwalang si Charlotte nga ang nasa harapan ko.
"O-Oo."
"Naunahan mo pa ako." She looked around.
Wala pa si Dae. Nagkita na kaya sila? O gosh!
"So, how`s Dae?"
"H-Huh?"
"I mean... don't tell me di pa kayo nagkikita? Kelan ka lang ba nakauwi?"
"Uh. Last year." Speechless.
"Ah. Talagang naunahan mo nga ako."
"S-Saan ka ba galing?"
"Ah, Canada." She paused. "So, how's Dae? I heard may girlfriend na daw siya."
Natigilan ako't mejo shock parin.
"I bet, di mo alam kung bakit kami nag break. Hindi niya siguro sinabi kahit kanino. Hay..."
"Syempre... a-alam ko. Hindi mo naman siya mahal diba? Siguro naramdaman niya na yun."
She laughed, "Nakalimutan kong mas nauna ka pala saking umalis ng Pinas. Wala ka pala talagang alam."
Natahimik ulit ako.
"Do you still love him?" Seryoso ulit ang mukha niya.
"H-Hindi ah."
"Ahhh. Uhmm.. Okay." She smiled.
Katahimikan ulit.
"Charlotte." Tawag ng papa niyang maraming pinamili. "Halika na~"
"So, Serene... See you around. Paki sabi kay Dae... and his girlfriend na... Charlotte's back. I'll give him the closure. And we'll start a new beginning."
"New... beginning?"
"Yes, I still love him." Nagseryoso ang mukha niya.
"B-Bakit? Minahal mo ba siya?"
"Don't insult me, Serene. Don't worry, makikita mo rin yan pag maghaharap na kami ni Dae at yung girlfriend niya."
"B-Bakit?"
Magpapatayan sila?
"Never mind. Gotta go." She smiled.
Habang tinatalikuarn niya ako, tinitigan kong mabuti ang mukha niya. Seryoso at parang walang bahid ng panlilinlang. Nagbago na siya? Ano nga ba ang nangyari sa kanila noon? Ilang months sila nag last ni Dae? Anong issue? ANOOOOO~? Omg, ni katiting wala akong alam. Walang sinabi si Sophie... Wala rin si Crayon... pati si Dae! I want to know!
"Eto na oy!"
He handed me the chocolates.
"Ah... S-Salamat."
"O, anong nangyari sayo?"
"W-Wala. Nagugutom lang."
He laughed. "Naramdaman mo rin, sa wakas. Lika na, kumain na tayo."
I don't wanna move. Natatakot akong baka makaharap ulit namin si Charlotte ngayon. Natatakot akong baka may mangyari kay Dae pag magkita sila. I can smell something fishy. Ayokooooo~! He's with me now. He loves me now! He loves me now because I'm here now! Pero... paano kung... AHHHH. Can I ask him? Paano kung kakaibang sagot ang mga isasagot niya? Mas mahihirapan ako.
"Serene?"
"O-Oo."
Tinitigan niya ako.
"May problema ba?"
"W-wala." I laughed. "Ooooy, naloko kita!" Binawi ko talaga yung katangahan ko.
I pinched his cheek para matigil na siya sa pagtitig sakin.
"May problema ka ba?" Linagay niya sa sahig ang mga pinamili ko at hinawakan niya ang mga braso ko.
Errr.
75th fall
Serene Cruz: Crayon naman eh...
Ang ganda na ni Charlote! Mas lalo siyang gumanda.
Dumating na ang order namin ni Dae pero nakititig parin siya sakin.
"Ano?"
"Hindi talaga ako naniniwalang wala kang problema."
"Wala nga sabi."
Kumain na ako. Ilang sandali lang ay kumain na rin siya. I really want to esk him about his past. Kaso, ayokong magpahalata. Sasabihin ko ba sa kanyang nakita ko si Charlotte?
"Dae, kamusta na si Francine?"
Sinulyapan niya ako, "Mabuti naman siguro..." Sabi niya habang kumakain. "Ikaw talaga, ba't ka ba nagtatanong tungkol sa kanya?"
"Wala lang. Syempre... curious lang naman ako sa inyo. Parang last year lang eh girlfriend mo siya..."
Tumango siya.
"Wala ka na bang feelings sa kanya?"
Binitawan niya ang kutsarang hawak niya't, "Sa tingin mo ba liligawan kita kung meron pa?"
"P-Pero... alam mo na..."
Nagpatuloy siya sa pagkain.
"Si Charlotte ba... kamusta na?"
Tumigil ulit siya.
"Hindi ko alam."
Please help me rate his answers.
"Wala na ba kayong communication?"
"Wala na." Kumain ulit siya.
Kumain na rin ako para magmumukhang walang hidden agenda ang mga tanong ko.
"Kelan kayo last nagkita o nag-usap?"
"Third year high school, September."
"Ahhh."
He remembered the month! That's natural, or is it? It is, of course.
"Ilang months kayong nag last?"
"One year and five months."
"WHAT~"
LOL. I was totally shocked. Ganun sila katagal.
"Ba't mo tinatanong yan? Can we change the topic?"
"Bakit ba? May masama ba sa mga tanong ko?"
"Masama kasi ang mga reaction mo eh." Tinitigan niya ako.
"Ba't kayo nag break?"
"Hmmm... k-kasi, aalis na siya."
So he didn't fell out of love.
"Ahhh. Minahal ka ba niya?"
What a stopid, stoopid question.
"Oo."
And a more stoopid, stooopid answer.
"Ikaw, minahal mo ba siya?"
"Oo.. Ano ka ba? Sabing change topic eh!"
"Curious lang naman ako eh."
Napatingin ako sa pagkain ko. I'm having a hard time digesting and judging his answers. Ayoko namang tanungin siya kung may feelings pa siya kay Charlotte, baka kasi magduda na siya. Waaaa~ It's so hard.
"Hoy! Tigilan mo na ang pagreresearch sa mga ex ko ah."
"oo na!" Sabi ko habang nasa labas na kami ng bahay.
Nkauwi na ako at hinatid nga ako ni Dae.
"O sige... pag itetext kita, mag reply ka ah?"
"Oo na!" Tinitigan niya ako bago nagdrive pa alis.
Hinintay kong mawala ang sasakyan niya sa paningin ko bago pumasok sa loob.
"Yes couz???" Biglang lumabas si Crayon from somewhere.
"Anak ng... Crayon naman eh..." Nakakagulat.
"Hehehe... Anong kailangan mo. Crayon to the rescue."
Papauwi kami ni Dae kanina ng tinext ko si Crayon. Kailangan kong malaman ang lahat-lahat tungkol kay Dae at Charlotte. Wala na akong pakealam kung maamin ko man sa pinsan kong buang na `to na mahal ko nga si Dae. Ipagpapalit ko na ang dignidad ko. LOL. Bahala na.
"Uh... May tanong ako... tungkol kay Dae."
Labels: Downfall Chronicles
raindrops are falling like tears, jonaxxstories;