Chapter 29 Happy Birthday JR
Chapter 29 Happy Birthday JR
Jini Punzalan: meron na akong ganitoooo ehhhhh!
*TITITITIIIIIT....*
Patay! UMAGA NA! Happy birthday Joishua Rian Te!!!
ANOOOO? UMAGA NA? Wala pa akong susuotin! Wala pa akong invitation! Wala pa akong gift!!! ANO NA???!?!
"TIYAAAAAAAAAAA ISABE-"
"HOY! Sumising ka ng maayos! Kanina pa ako andito sa kwarto mo!"
Sabi nya habang sinipa ang unang nahulog ko.
"Ano? Birthday ngayon ni JR ah? Mag b-bake ka ulit ng cake tulad nung natapon mo nung Hearts Festival nyo?"
Tumango ako. :D
"HAAAY. Napaka korni mo naman oh!!! Buti na lang di ako nagmana sayo, kundi pagtatawanan ako ng boyfriend ko!"
Huh? May boyfriend si Tiya??!
"May Boyfriend ka?"
"Oo! Tsaka...mali ang tanong mo! Dapat ang tinanong mo sakin eh..'korni ba?'... HAHAHA >:D "
Langya talaga! Inaasar pa ako.
"Tsaka anong kala mo sakin? Tatandang dalaga? SUSS MARYOOSEP! May damit ka na bang pangprinsesa para mamaya?"
Napatunganga ako. "Wala pa..."
"Ano? Edi ano pang ginagawa natin dito! Bumili na tayo!!"
"Bili? Nagpadala ba sina Kuya ng para neto?"
"Hindi no!! May naipon ako!"
"Nag iipon ka na?" HEHE. >:D
"Nukaba! Nag iipon ako para sayo! Bibigyan sana kita ng damit sa birthday mo eh! Kaya, eto, ngayon na lang kita bibigyan, tutal kelangan mo naman diba?"
WOW! Tats ako Tiya! Salamaaaat! Nagbihis na ako! Mabilis! Kahit 10am pa naman talaga at mamayang 6pm pa magsisimula, excited na ako. :)
Nabigla ako kasi may wheels pala yung boyfriend ni Tiya! HMPF. Kaya pala! Manager pala nung pinagtatrabahuhan nya! HAHA. Ibang klase. Nung pumasok kami sa mall papuntang botique-na-sikat, hindi na sumama ang boyfriend nya dahil may aasikasuhin daw sa opisina! ;)
Mas lalo akong nabigla nung nakita kong sa botique ng mga artista kami pumasok. Yung tipong mga Araneta at Ayala lang ang pumapasok. Ba't dito? Ang mahal mahal dito! Ganun na ba ka laki ang naipon ni Tiya??!
"Tiya! BA't dito? Di ba tayo nag titipid?"
"HAAY. Hayaan mo na! Dinagdagan kasi ni boyfie ang pera ko. Kaya yun!!"
Pagkapasok namin, panay ngiti ang mga saleslady. Di kaya nila kami minamaliit o ano? LOL. Jini! Nukaba! Kung anu-anong iniisip mo!
"Sige! Jini! Pumili ka na!!"
WHAAAAT? Ang pangit nun! Di ako makapili! Sa dami ng damit! May mga sapatos pa! Hindi ako makapili kung inaalala ko ang presyo! JUSKO! Mahal na ata ang bigas ngayon! May rice shortage kuno.
Nakita kong pumili si Tiya. Ang dami nyang pinapakita. Iba-ibang kulay! Iba-ibang disenyo! Kaya naisip kong sa mga sapatos na ako tumingin-tingin. HMMM. Binanggit ba ni Tiya na bibilhan nya rin ako ng sapatos? Tsaka...Oo nga pala! May sapatos na ako para dito! Yung sinuot ko nung andito si Hayley! Diba? Masyadong maraming memories yung sapatos na yun! HMMM. Mag kano kaya yun?
Lumingon ako sa bandang kanan at nakita ko ang sapatos ko! OO! KAPAREHONG KAPAREHO! Parehong pareho nung sapatos na sinoot ko at hanggang ngayon andun pa sa bahay ko. Linapitan ko ang sapatos na yun para tingnan kung magkano ang presyo.
Pero, bago ko yun natingnan, narealize kong si JR pala ang nagbigay sakin nung sapatos na yun! Pati yung damit na sinoot ko noon! Diba? Parehong espesyal yun! Iingatan ko yun! Lam ko naaaa! Yung sapatos na yun ang susuotin ko!!! Pati rin yung damiiiit!! EHEM. Payag kayo readers? LOL. Di kaya ako magmukhang ano? hehe. Tatanungin ko si Tiya. Lumapit ako sa kanya.
"Tiyaaa! Pwede namang yung sapatos at damit na lang na sinoot ko noon nung may welcome party si Hayley ang susuotin ko diba?"
"Huh? Wag no! Tsaka, di sila masisindak! HMP. Pwede na yung sapatos! Pero, wag yung damit! Tsaka, diba sabi ko naman sayo, wag mong isipin ang gastos!?!? Ako na ang bahala no!!"!
Sa bagay. Tama! LOL. Bumalik ako sa sapatos at ngayon, tiningnan ang presyong ka gimbal-gimbal!!!
"thiiirtyyy thousand peeeeeeesoooos?? ANG MAHAL NAMAAAAAAAN."
JR! Ganyan ka ba ka yamaaaan??? ULOL Jini! Ngayon mo pa ba yan na realize? Di mo ba nakitang nabiktima mo ang isang palyboy na spoiledbrat at may-ari pa ng sandamakmak na luuupaa? HA HA HA.
Dahil sa ingay at iba't-ibang expressyon ko, linapitan ako ng isang saleslady.
"Miss. Gusto mong isukat?" Napanganga ako.
Kaya pala naka isolate sya. Nasa loob sya ng isang glass na box at imiikot pa sya sa loob at may kakaibang lights na maslalo pang nag emphasize sa mga kumikislap na dyamante nya. PUTEEEK. Di ako makapaniwalang ganun ka mahal ang sapatos na naisoot ko nung araw na yun!!! HOOHOOHOO. Naghahighperventilate na ako.
"Yan po ang pinakamahal na stilettos dito samen. Tsaka, anim na pairs lang po ang meron nyan at isang kulay lang ang meron dito sa Pilipinas!!!"
HUH?
"Bakit miss? Ilang kulay ba talaga to?"
"Puti ang nasa Pilipinas, Ewan ko kung nasaan ang Silver, bronze, at gold nyan."
Kung ganun? 6 tayms 4 equals 24? 24 pairs lang sya? HUH?
"Espesyal po yan! Actually, isang pilipino pa lang ang nakabili nyan. Anak daw yun ng mayaman eh. Pero, lalaki sya, ewan ko nga! Baka binagay sa girlfriend!"
Walang duda! Si JR ang tinutukoy!!! HAHA.
"Kaya yun, wala na yung size 38!!"
Tiningnan ko ang size nung nasa box na umiikot pa.
"Size 40?"
"Oo! Ang size 39 kasi nasa Manila. :) "
"Paki kuha na nung stilettos na yan! Ibalot na!" Sabi nung isang saleslady.
O.O
Napalingon ako sa counter kung saan ko nakita si Tiyang maraming damit na ang napili para maisukat ko. Nakita ko rin si...
HANS???
"Hi! Mukhang gustong gusto mo yung stilettos na yan ah! :) That will look perfect in your feet! :) "
"Ah! Hehe. ;D "
Tama! yun siguro ang iniisip ni JR no? hehe. Pinakita nya sakin ang pinamili nya.
"See you in the party! ;) I'm sure you'll be beautiful."
Nabigla ako nung may binigay saking paperbag. :o
"Ano to?" Tanong ko sa saleslady.
Ngumiti ang saleslady at tumingin kay Hans!
"That's for you!!" Napatunganga ako at naisip ko ang thirty thousand pesos habang nakikita syang umalis agad... WAAAAAAAAAAH.
NASAYAAAANG ANG THIRTY THOUSAND PESOS DEAR! Meron na akong ganito! Ba't nya pa binili! WAAAH.
"Jini! Eto na! Isukat mo na to!" Habang tiningnan ko ang damit na pinakita nya... WALA PARIN AKO SA SARILI!
WWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH. Di ako makapaniwala! Sayang ang 30 thousaaaaaand!!! NOO WAAAAY.... HUHU
"Ang swerte mo naman miss!!!" Sabi nung saleslady.
:o <----Tiya Isabel.
"WAAAAAAAAAAAAH! meron na akong ganitoooo ehhhhh!!!" Nabigla ang saleslady.
"Ano yan? Patingin?" Kinuha ni Tiya ang paperbag...
"AAAAAAANOOO??" Pati sya...nasindak.
WAAAH. :'(
---
Joshua Rian Te: AKIN KA LANG
Kanina pa ako pabalik-balik sa paglalakad dito sa labas ng resort namin habang tinitingnan ang cellphone ko. Ang daming nag text... Mga invited ata to mamaya... Pero, hindi ko binabasa. Kahit na may text ni Jini o wala...di ko babasahin!!! (kahit wala naman talagang text nya)... Gusto ko kasing sa personal nya ako batiin... HOOOII JR! Nukaba! Kelan ka ba naging sentimental??? Nung nakilala si Jini???! HAHAHA. JR! Kelan ka ba naging korni???! PAREHO? GRR... >:(
"Tawagan mo na lang!" Nabigla ako, si Kenjie pala.
"Your waiting for someone's text diba? Sino??! Kay Andrea?"
BUANG! Kay Jini! Ehem... di nga pala nya alam na kami pa.
"Kay Jini!" Bahala sya.
"Huh? Kala ko ba pinagpalit mo na sya!!!"
Di na ako umimik. GRRR... Jini kasi. Asaaaar. Kung pwede lang talagang sabihing 'Kami pa! Ano selos ka?' Sinabi ko na!
"HAAAY. Sa totoo lang! Nagsisisi talaga ako kung ba't ko sya pinakawalan! Habang tumatagal, gumaganda sya. Habang tumatagal, mas minamahal ko sya."
Buti na lang ngayon mo pa yan narealize!
"Ba't ka ba andito?"
"Huh? Si Tanya kasi, excited ata. Nagpasama sya. :) "
Katahimikan.
"Winawala mo ba ang usapan? Bakit? Nagsisisi ka dahil pinakawalan mo si Jini?"
ASAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAR. Jini! Patawarin mo ako, pero kateng-kati na ko para ipag malaki ka sa mokong na to.
"Sino bang nagsabing pinakawalan ko sya? Hindi ko sya pinakawalan at KAHET KELAN DI KO SYA PAKAKAWALAN!!!"
GRRRRRR... Napanganga ata at nag taka. Bago sya humirit, tinawagan ko si Jini.
"Uy! Andito lang pala kayo!" Dumating si Tanya at napansin ang katahimikan namin ni Kenjie.
Di ko na sya pinansin, kasi, tumatawag ako kay Jini. HMM. TSS. Di nya ako pwedeng igreat sa phone huh?!?! Pag i-g-great nya ko, di ko sya papansinin mamaya! LOL.
"Hello?" BOSES NG MAHAL KO. WAH.
"Hello? Uh...Jini?"
"JR! Butit tumawag ka! Kamusta na kayo dyan? si.."
"Okay lang ako. Ikaw?" Sumulyap ako kay Kenjie at Tanyang nakatitig sakin at halatang nakikinig sa pinag-uusapan namin.
"Ano, kasi..."
"Ano? Wala ka pang damit?"
"Hindi...kasi... Alam mo, si HANS."
HAAAAAAAAAAAAAAAAAAANS?
"Si Hans? Bakit?"
"--uh..saka na lang!"
"Ano Jini??"
"Uh. Andito kami ni Tiya sa isang botique, bibili ako ng damit. Wala akong mapili."
"Dapat kasi sumama ako. Andyan ba si Hans?" Nakita kong nagreact ng konti si Tanya.
"Wala..wala na.."
"Huh? So, andyan sya kanina?"
"Oo!!"
Si Hans? Bakit parang nag-aalala ako? Insecure or what? I feel so uneasy. GRRR...
"Wag kang lumapit sa kanong yun huh! Papatayin kita!"
"Ano ka! Di ako lumalapit ah! Malay ko bang andito sya kanina? HUH?"
"May ginawa ba syang masama? Hinalikan ka ba nya? ANO?"
"Sus naman to. Anong kala mo sakin, di marunong manapak?!? Syempre...di no! Ba't naman ako papayag na halikan nya? At ba't nya naman ako hahalikan?"
"Siguraduhin mo lang! Lagi mong pakatandaan na AKIN KA LANG! Para sakin lang ang mga tingin mo! Sakin ang halik at yakap mo!"
"Huh?"
"Bilisan mo na!!!"
Binaba ko agad... Kung anu-ano ang pinagsasabi ko! Buti na lang di nya ako nagreat! Huminga ako ng malalim.
"Ba't mo sya minamadali? Ata kang makita sya? Kung ganun? Kayo paaa?" Biglang tanong ni Tanya.
---
Jini Punzalan: JR, tawag ka na dun!
"ANG GANDA MOOOO!!" Sigaw ni Tiya pagkatapos nya akong make-apan.
Nakakahiya naman to.
"Lumabas ka na! Kanina pa naghihintay si King!"
Napansin kong tumayo si King sa labas. Kaya, lumabas na ako.
O.O
"Ayos ba?" Di sya agad nagsalita. Nacoconscious tuloy ako, baka di bagay sakin ang damit ko o ano. "King??!"
Di parin sya nagsalita. :'( Kung iniisip nyong ang sapatos na binigay nung kanong yun ang ginamit ko kasi bago, nagkakamali kayo! May sentimental value ata sakin tong binigay ni JR no, tsaka, maluwang yung binigay sakin ni Hans eh. HMP. Di ko rin yun maisusuot!
Unti-unting lumapit si King sakin...
"Ang ganda mo!" Bulong nya.
AAAAAAAAAARGH. Uminit yung mukha ko. Feeling ko namumula na ako.
"Ha? Ano?" Nasapak tuloy ako ni Tiya.
"GAGA! Dapat 'salamat ang sagot mo no!'"
"Aray naman! Oo, salamat. :'( "
"Sige na! Umalis na kayo! Baka mahuli na kayo sa party!" Sabi ni Tiya.
"Oo na!!"
"King!! Pinsan mo si JR diba?"
Nakatitig si King sakin. At tumnango sya.
"Okay! Jini, maiintindihan ko kung sa makalawa ka na uuwi dito."
"HA? Tiya naman! Uuwi ako bukas no!"
"Nukaba! Okay lang!! Si JR naman eh, ayos lang!"
AAAAAAH. Ano bang pinag-iisip netong Tiya kong magaling huh? GRRR...
"Eto na!" Sabay bigay sakin ang cake na binake ko, syempre, tinulungan ako ni Tiya. May nakalagay ngang 'Happy Birthday JR, I love you so much' dun eh! KORNI naman. HAAAY. Sana di na to matapon. Tsaka, sasabihin ko na talaga kay JR ang lahat ngayon!!! "Eto pa!" Binigay nya sakin ang paperbag na may lamang stilettos na binigay ni Hans.
Sumakay na kami sa sasakyan ni King at alam kong mejo late na kami dahil 5:50pm na at isang oras ang byahe patungo sa beach resort nina JR. :(
Hawak-hawak ko pa ang cake na nakalagay sa kandungan ko. Todo ingat ko sa cake na to. Grabe, ayoko nang maulit ang nangyari noon. Samantalang yung sapatos naman, linagay ko lang sa gitna namin ni King.
"Ang swerte naman ng cake na yan!"
Namula ulit ako.
"Huh??! Uh.. panu mo nalamang cake-?"
"Halata naman eh! :) " Sabi ni King.
Katahimikan. GOSH. Feeling ko, di ko maiibibigay to kay JR eh! Kasi, pangungunahan ako ng hiya at ng mga weirdong feeling. Baka tawanan ako ng malakas ng bakulaw na yun o! O baka naman di yun makahinga sa pagpigil sa tawa nya. WAAAH. Alam nyo naman yun! Pag nagkataon, nakuuu...baka di ko mapigilang sapakin sya.
"Ang dami mong gift kay JR ah! Lam mo? Di naman kasi sya materialistic eh. :) "
"Huh? Kung ganun? Di nya magugustuhan ang cake na to?"
"Hindi naman, pero, baka magalit sya dahil binilhan mo pa sya ng isang mamahaling bagay." Sabay tingin sa paper bag. :(
"AH? Ito ba? Di naman to para sa kanya eh. Isosoli ko lang to kay Hans."
"Hans? Bakit?"
"AAAH. Binilhan nya kasi ako ng stilettos kanina. Ang mahal pa naman, di nya alam na meron na akong ganito eh."
"Ano? Si Hans?!?"
Napatigil at napaisip si King.
"Bakit? Ang mahal pa naman neto, sayang!"
"Kaya pala pinababantayan ka ni JR sakin...kaya pala sya natatakot." Bulong nya.
"Huh? Bakit?"
"Jini, kahit anong mangyari, wag kang lumapit sa Hans na yun! OKAY?" Sabi nya sakin na para bang magkakasakit ako kung lalapit ako sa kay Hans.
???
Nakarating din kami sa wakas. Ang daming tao. Nahuhuli ako sa paglalakad dahil sa sapatos ko, pero, pinipilit bagalan ni King ang kanyang paglalakad! PATAY. Di ko alam na sa labas pala ng hotel ang birthday ni Andrea. Poolside party kumbaga. Dito mismo sya sinagip ni JR noon. :(
Ayan naaa... Ayan naaaa... Papasok na kami... WAAAH.
"Uhh. Miss, Invitation?" Sabi nung guard. WAPAK.
"Uhh. She's my date." HAY. Buti na lang andyan si King!
Tumingin-tingin ako sa paligid at nakita kong andun na si Andrea at JR. Pati rin si Tanya at Kenjie. At halos lahat ng taga CC at mga iba't-ibang respetadong tao sa industriya. Grabe, asan na ba si Christina at Mikee? HMP. I feel like I do not belong! :(
Pinakapit ako ni King sa braso nya, kumapit naman ako. Si Andrea nga parang KOALAng nakakapit sa JR ko. HMP. Sige, pagbigyan natin, birthday nya eh. Pagkapasok at pagkapasok namin, saka pumasok si Hans - MAG ISA. ???
Kinindatan nya ako. HMP :o
Lumingon si Kenjie samin at nagsilingunan na ang lahat ng tao... WAH. Hindi ko alam kung ako ang tinitingnan nila o si King.
Linapitan si King ng mga business man ata at pinagkaguluhan ata sya...
"Kamusta ka na?" Sabi nung isa.
"Ayos lang po!" Sagot nya.
At marami pang kasunod na tanong. Di nya naman ako iniwan, pero masnarinig ko ang mga bulong-bulungan sa paligid.
"Grabe! Ang ganda-ganda na niya no? Noon, di naman sya ganyan eh."
"Siguro, nagpapasindak sya kay JR." Sabay tingin sakin nung mga babaeng alam kong taga USM pero di ko alam na namumukhaan nila ako.
Nagsimula na pala ang party, may sumasayaw na nga sa dancefloor eh.
Marami pa akong narinig na bulong-bulongan hanggang sa...
"Can I dance with you all night?" Tanong ni HANS.
"Huh?"
Linapitan nya ako ng nakangiti. Ano ba talaga tong lalaking to? GRR...
Nagkatinginan kami ni JR, nasa malayo sya at may kumakausap sa kanya pero mukhang di sya nakikinig. >:D
Hinawakan ni Hans ang kamay ko...nabigla ako, ba't nya hinawakan? Di pwede! ano sya? GRR.. Tumingin ulit ako kay JR at nakita kong kumunot ang noo nya at napansin din ni Andrea ang nangyayari. >:(
"Hans! Kamusta na?" Sabay tanggal ni King sa kamay ko kay Hans. SALAMAT KING!
Pasimple lang pero mahirap yun gawin ah? Parang naghahanap ng away!
"Ah! I'm good!" Sabay ngiti.
Tumango si King.
"I'm just wondering if I can...borrow your date and dance with her!"
Nagkatinginan kami ni King at hindi ko alam kung anong expression ang ibibigay ko sa kanya. :(
"Oh... uhmm.." Wag kang um-oo King please?!?
"Wala naman sigurong magseselos diba? And you are not her boyfriend right?" Sabay ngiti ulit nitong blue-eyed blonde-haired mokong.
"Oh...hindi ako ang boyfriend nya, actually...-"
"AKO. Bakit?" Lumingon kaming sabay kay JR.
Agad akong lumingon sa kinatatayuan nya dati at nakita ko si Andreang nakatingin samin na kulang na lang eh umiyak. WAH. JR, its her birthday! Wag naman ano...haaay BUHAAAY.
"Oh?! The birthday boy! Really? You're her boyfriend?"
"Diba alam mo naman yun?" Tanong ni JR.
"OH! I'm so sorry! It doesn't seem that you're her boyfriend! SORRY, I just..." Sabay ngiti... >:D
Tumigil ang pagtugtog at tumigil sa pagsasayaw ang mga tao...
"LADIES AND GENTLEMEN! WE ARE ALL GATHERED HERE FOR AMY ANDREA TANSECO and JOSHUA RIAN TE'S BIRTHDAY! Let us all enjoy the night and welcome the two celebrants tonight..." blahblahblah. Ang dami pang sinabi...
Yun pala, tinatawag na si JR at Andrea para sumayaw sa gitna. Para simulan ang sayawan.
OKAY, Jini, pagsimula ng sayawan, wag kang sumayaw, kumain ka na lang kesa sa makita mong masayang-masaya ang mga birthday celebrants ngayong gabi. :'( Di parin umaalis si JR sa tabi ko. Di nga ako nagsasalita, di rin naman sya nagsalita.
"JR, tawag ka na dun!" Sabi ko.
Ngumiting bahagya si Hans. >:( Nagsimulang maglakad si JR patungo kay Andrea nang...
"You know what JR?"
Napatigil si JR dahil nagsalita si Hans.
:o <----Jini and King.
"...I actually, don't care! >:D "
ACTUALLY DON'T CARE?
---
Joshua Rian Te: Sino yung kasama nya?
"You know what JR?"
Napatigil ako.
:o
"...I actually, don't care! >:D "
ACTUALLY DON'T CARE? Upakan ko na tong sang to! Ano ba sya? Di parin ba sya titigil. Kumukulo na ang dugo ko! Lumingon na ako at parang sasabog na ako sa galit nung tingnan ko si Jini na tinuro si Andrea. GRRR. Kumalma muna ako, PARA KAY JINI. Alam kong concern sya kay Andrea! Selfish ako, and you know that! Hindi to para kay Andrea o para sa parents ko o parents nya, this is for Jini. Thank Jini for everything! Kung di lang talaga para sa kanya... wala ako dito, di ko sinasayaw si Andrea ngayon.
Habang isinasayaw ko sya, nakikita ko si Jining nakatingin saming dalawa. Nag seselos kaya sya? >:D Okay, wala ako sa oras para mag isip ng ganung bagay. HMP. Ilang sandali ang nakalipas, nung sumayaw na ang iba, nakita kong yinaya ni King si Jining sumayaw.
Umupo na kami ni Andrea. Busy sya sa pag-eentertain ng guests.
"Happy Birthday Joshua!" Lumingon ako...
"Mr. Chan!" Bench.
"Ano? You sure look good tonight!" Sabay ngiti.
Ngumiti na rin ako.
"Uhm... Hans is here!"
Napatingin ako sa kanya.
"Para sa isang pictorial, actually. For Bench." Sabi nya.
Tumango ako. :o
"I'm not replacing you huh!?"
"Ohhh." Tumango-tango ako. Okay lang naman sakin kung papalitan ako eh.
Gusto kong mag model noon para makaakit ng magagandang babae. Pero, ngayon ---- ahh! Right! I still want to be a model! Para masindak si Jini. HAHA >:D
"I like you works!"
Tango ulit habang nakikitang isinasayaw ni King si Jini. I wanna be with her!
"Magaling ka talagang kumuha ng pose..."
"Thank you. :) " Naturingang president ng camera club! SYEMPRE! Dapat lang! >:D
"Can you be the photographer of Hans?"
Hans? Hans? Pagkasabi nya ng Hans...
"Tito, is your decision final?" Si Hans.
Anong ibig nyang sabihin? Final desicion sa? Sa pagkuha sakin as photographer? Bakit? Minamaliit nya ako? GRRR...
"I mean, that girl...-"
"Yes yes... of course!!!"
Di ko makuha. :o
"Uhh.. I've asked her kanina, pumayag naman sya, excited nga eh!"
"Really?" Abot tenga ang ngiti ni Hans.
Ehemm.. di ko na talaga masundan ang mga pinagssabi nila. :(
"Uh. JR, Jini and I will have the Valentines Day pictorial. And you are going to take the pictures!"
Ano daw? Panu nasali si Jini sa usapan? Papanong ako LANG ang magiging photographer? Papanong VALENTINES?
Lumingon ako kay Hans pero wala na sya. Hinanap ko sya, hindi ko naman nakita! May lahi atang multo yun. GRR. >:(
"Okay lang ba sayo yun, Joshua? Alam kong malayo pa ang Valentines pero, minamadali ko ito coz of Hans na rin. So... and oh, this is also a big break for your girlfriend! Pumayag na sya kanina! I think she's great! Ang galing mo talagang pumili ng girl! Tsaka maganda nga yan eh! Magkasama kayo s work. :) "
Ano? Valentines? Magkasama sa work? Pro andyan naman si Hans. PUCHAAAAAAAAAA.. GRR.. At Valentines pa? Anong pose ang gagawin nila? Malapit sa isa't-sa!! HINDI PWEDE TOOOOO!
"Kung papayag sya!"
"Pumayag na nga sya!" Sabi ni Mr. Chan...
ANOOOO???? BAKIT? JINI?? Hinanap ko si Jini at nakita kong tumigil si King at Jini sa pagsasayaw. Nakita kong naglalahad ng kamay si Hans kay Jini at ang magaling kong mabait na pinsan, wala na namang nagagawa! Nasa isang tabi lang at di maka hirit! King naman! Suntukin mo!!!! GRRR...
Tumayo na ako. Di ko na masikmura talaga. I'm going to CRASH HIS HEAD!
"JR! Tawag ka ni mama at papa!" ANDREA! GRRR...
"Uh... pwede mamaya na?" Kumalma ka muna JR TE!!
Kalma..pampakalma!
"Huh? Ba't naman? O sige..." Wag ka munang mag-inarte dyan! GRRR...
Lumapit na ako kay Jini at Hans.
"Excuse me, can I...-" Sabi ko.
"We are stil dancing!" Sabi ni Hans.
Tumigil si Jini sa pagsasayaw.
"Jini! we are still dancing right?" Sabi nya kay Jini sabay kuha sa kamay ni Jini.
"Can I--" Hirit kong di pinatapos ni Hans.
"Can I what? Dance with her? We are still dancing! Panggulo ka lang eh!" Upakan ko na talaga to! GRR.. Hinawakan ni Jini ang kamay ko.
Kasabay ng pagkulo ng dugo ko ang pagsabi ko ng..."Can I get MY GIRL?"
Lumapit si King kay Jini at ilinayo sya sakin. Nakita ko rin lumapit si Kenjie sakin at mukhang pipigilan ang paaaag....SUNTOK...ko kay Hans.
*Suntokkkk.*
Nasuntok rin ako. ARGH. Katapat na ba to!
"JAAAAAAAAAAAAAAAY-ARRRR!" Narinig ko ang sigaw ni Jini.
Lumapit si Andrea samin, nabulabog na ata ang party eh! GRRR... Jini kasi, sabing wag lumapit eh! Sabing WAG---di nakikinig! ARGH.
*SUNTOK* ko ulit.
"Ano bang problema? Meron ka na ngang birthday girl dun! Tapos...you'll dare to mess up with us? HUH? Pasalamat ka birthday mo! >:( ! Jini, your shoes, will lead you back to me!" Sabay walk out! Ano DAAAAWWW? What shoes?
Napatingin ako sa sapatos ni Jini, lahat ata napatingin sa sapatos niya eh. Bakit? What's with her shoes?
"Si Hans ang nagbigay ng sapatos na yan?" Tanong ni Tanya.
Di ko na narinig ang sagot. agad na akong lumapit kay Andrea at sa kanyang mga magulang para humingi ng tawad. Tulala pa si Andrea. Bahala sya. Di ako responsable sa kanyang mga iniisip tungkol sa nangyari. Isipin nya ang gusto nyang isipin.
Nagpatuloy ang party na parang walang nangyari. Walang nangyari sa palagay ng mama at papa ni Andrea, sa ibang guests, sa lahat!! Pero hindi sakin. Hindi kay Hans, King, Kenjie, Andrea, Tanya at Jini. >:(
Nung malapit ng matapos ang party, nakita kong may umaligid na mga lalaking nakaitim kay Jini. Mga limang lalaki. Tumayo ako, di naman sa OA pero... :o Nakita kong lumabas sila ng venue at ipinasok si Jini sa isang sasakyan.
OY! Ano yun? Iba yun ah? Hinanap ko si King, nakita ko sya sa gilid. Umalis ang sasakyan! Tumakbo ulit ako papunta sa kay King.
"Si Jini!? Sino yung kasama nya?"
"Huh? Ewan? May kasama ba sya? Asan?" ANO NA NAMAN TO? Bakit parang?? WAAAH. Kidnap?
---
King Alvarez: gusto nyang mangyari sa inyo dyan!!
"Si Jini!? Sino yung kasama nya?" Tanong ni JR.
"Huh? Ewan? May kasama ba sya? Asan?"
I feel like I'm going to hell when I die. Ang dami kong kasinungalingan ngayon araw na to!
Una, pumayag at kinumbinsi kong isayaw ni Jini si Hans.
Yun LANG talaga sana ang plano ko. Ang plano kong napagkasunduan.
Pero, di lang pala yun. Tumawag sakin ang Mama ni JR na may topak. Sinabi nya sakin na may sorpresa sya para kay JR doon sa rooftop sa kabilang hotel. Isang first-class room na bagong renovate daw na para kay JINI. Nung una, di ko maintindihan kung papanu sa kabilang-buhay nagkaroon ng sorpresa ang mama ni JR para kay JR na kwartong para kay Jini! Hindi ko maintindihan. Mas naintindihan ko pa ang mga trial balance at equations dyan.
Pero, naisipan ko na ring kontakin ang mga kasamahan ni JR---sina Anton, Miguel, Patrick at ang buong cast ng fratenity nila. PARA KIDNAPIN SI JINI.
TAMA! Sinadya kong iwanan sya. Sinadya ko ang lahat. Patawarin sana nila ako. I have no idea. Wala akong ideya kung panu ko gagawin ang kabulastugang ito. Buti at magaling ang pagpaplano ko. Napadrive ko si JR ng sasakyan. Sinusundan 'kuno' namin ang sasakyan ng kidnappers. Kahit na papaikutin lang nila yan at sa kabilang hotel na rin patungo.
Tiningnan ko ang cellphone ni JR at nakita kong 1bar na lang! Magaling! Akala ko kailangan ko pang palitan ang batteries. Nasakin din ang cellphone ni Jini. :P HAHAHA >:D Kinuha nya ang cellphone at...
*KRRRRRRRRRRRINGGG!*
Tinawagan si Jini. NYEEEH. Madali kong pinatay ang cellphone ni Jini.
"Out of coverage na! King! Tumawag ka ng pulis!"
"Huh? uh... Okay!"
Asa ka? hehe. Buti na lang at wala sa saktong pag-iisip si JR at di nya pinansin ang pagring ng fone ni Jini na nasakin.
"Nawala ang sasakyan!"
"UHHH. JR. Alam ko na! Punta tayo dun sa kabilang hotel!"
"Huh? Bakit?"
"Nakita ko kasing pumasok yung sasakyan dun!"
Agad syang humarurot patungo dun sa sinabi ko. At nakarating kami agad. Mas mabilis pa sa alas kwatro. TSSS. Palibhasa.. HAAY. At, andito nga ang sasakyan. nakapark. Grabe! Ang galing nina Anton ah! Naglagay pa sila ng mga naiwang gamit ni Jini para mag mukhang kidnap. At may kutsilyo pa.
Di ko na maitsura ang pinsan ko. Kakain ata ng tao.
"KING! DIBA SINABI KO SAYONG TUIMAWAG KA NG PULIS! LANGYA! KANINA KA PA AH!"
Di ako makapagsalita!
"NASAAN NA BA ANG MGA TAO SA HOTEL NA TO? BA'T WALANG STAFFS? GUARDS? MAIDS?"
Hotel din nila to. Too bad, nasa kabilang hotel sila noooh! HAHA. Pinasok na namin ang hotel. Grabe, grabe, todo ang pagtatakbo nya. Pawis na pawis. Ako naman...cool lang.
"KING! ANG PULIS? BA'T WALA SILA DITO?" Tanong nya sakin na parang kelangan ng 100pt na font para lang mailarawan kung gano ka lakas ang boses nya.
"I think di na kailangan!" Sabi ko habang paakyat kami dun sa last floor o roof top kung saan andun ang bagong renovate na room. Madilim sa loob kaya't normal lang na magsisigaw si Jini dun.
"TULOOONG! PALABASIN NYO AKO DITO!"
"Jini?!" Agad tumakbo papalapit sa pintuan si JR. Kalmado parin ako hanggang ngayon.
Napansin kong lumabas si Anton, Miguel, at iba pang kaibigan ni JR. Naka itim silang lahat at naka maskara.
"MGA HAYOP KAYO!" Nasuntok ni JR si Miguel. Agad natumba at di nakatayo.
Tinulungan ko pa at nina Anton.
"JR! Ano ba! Kami to!" ---Susuntukin nya na sana si Patrick.
"Huh?"
"Tanggalin nyo ang maskara nyo!" Sabi ko agad.
Ba't kasi di pa nila tinanggal eh. HMP.
"TULOOONG! JR??!"
"Jini! Andito lang ako!....Kung ganun? Kayo ang kumidnap?"
Pinagtawanan sya ng kanyang mga barkada. Hindi ko na rin mapigilan ang tawa ko.
"Ano?"
Sinabi ko na sa kanya ang lahat, pinapasok namin sya sa kwarto at...
"JR!" Yumakap si Jini kay JR. Mangiyak-ngiyak pa.
Yumakap naman si JR kay Jini. Nakita ni Jini sina Anton, Patrick, Miguel at iba pang kasamahan. Nakita nya rin ako.
"King? Anton? Kayo? Bakit?"
Tumawa ulit sina Anton! Hindi na kami nag paliwanag. Sapat na ang paliwanag ko kay JR. Sinarado namin ang rooftop. 8th floor yun ng hotel kaya imposibleng makakababa sila. Hindi pa kami na kontento, sinarado namin ang lahat ng pwedeng labasan sa buong hotel. Papaalis na kami nung tumawag si JR.
"King? Ba't nyo sina-"
"Wag kang mag-alala! Walang hidden camera dyan. Pero, may sounds dyan maya-maya. Tsaka, babalik naman kami eh...BUKAS."
Alam na kaya ni Jini ang nangyari? HAHA. >:D
"Hindi naman kami tatakas eh! Ba't nyo-"
"Utos yun ng mama mo no! Ewan ko nga din kung ano ang gusto nyang mangyari sa inyo dyan!!"
"ANOOO?" Tingnan mo tong pinsan ko, parang conservative! HAAI. Swerte nya!
*TOOOT-TOT-TOT.*
Lowbat na sya! HAHA. >:D Tamang-tama!
---
Jini Punzalan: Masarap bah?
“Ano? Si King, Anton, Mama mo ang may paakana neto? Bakit naman nila gagawin ang bagay na to?” Tanong ko kay JR habang naghahanap sya ng pintuan para makapunta kami sa pinaka mataa na bahagi ng hotel.
“Talagang di tayo makakalabas dito!” Binalewala ba naman ang mga pinagsasabi ko at dumangaw kami at nakita ang dalampasigan kahit gabi na.
“Wala tayong magagawa kundi maghintay.” sabi nya habang umupo sa sahig sa rooftop at tumingala sa itaas.
Ako naman, andito't naka tayo. GINIGINAW. Di ako makapagsalita. :( Pakiramdam ko, kontento na ako ngayon! Kontento na ako't magkasama kami ngayon sa kaarawan nya. WHAT? Kaarawan nya! Di ko pa sya nababati ah?
“UHH JR!?” Nakatalikod parin sya sakin. Napagod ata sya sa kahahanap sakin ngayon eh.
“Ha-happy birthday!” Lumingon sya sakin pero di ako makatingin sa kanya. BAKIT? Eh di ko alam! HAHAHA.
HMP. Ilang araw na lang, magkakatrabaho na ako, kasi, mag momodel daw ako sa bench! Biruin nyo yun! sinong makakatangggi sa ganung offer aber? Linapitan ako ni Mr. Chan kanina at tinanong ako kung pwede bang mag model sa bench, sabi ko naman, pwede. HAHA. nakeew Jini, bumibenta na ata ang mukha mo ah? hahah
“Hoy! lika nga dito!” sabi nya. Aba't nang-aasar ata tong bakulaw na to ah? GRRR...
“Ha? wala ka bang tenkyu dyan” Umihip ang malakas na hangin.
BRRRR. Nalimutan kong naka dress pa ako hanggang ngayon at nasa dagat pa kami malapit. BRRR. Ang ginaw.
Napanganga na lang ako nung tinuro nya ang kandungan nya habang “Halika muna dito!” sabay demonyong tingin. >:D
May magagawa pa ba ako? sinabi nya eh. Dahan-dahan akong umupo sa tabi nya at inaayos yung damit ko. Tatanggalin ko na sana yung sapatos ko nung bigla nya akong hinila lalo papalapit sa kanya at yinakap “you are all I want for my birthday.” WAAAAH. Naririnig ko ang mabilis na pintig ng puso nya. Malakas to dahil sinabayan yun ng pagpintig ng puso ko.
“J-R! aray.” Ang higpit-higpit nya kasing yumakap eh.
Umayos kaming dalawa. HMP. Maloloka na yata ako sabakulaw na to eh!!! GRRR. Narinig ba nya ang happy birthday ko o hindi? HAY. Di bale, uuitin ko na lang mamaya.
Umihip na naman ang malakas na hangin at ako'y giniginaw na.
“Halika na kasi dito!” Sabay turo ulit sa kandungan nya.
NGYEH. Yoko! Baka ano pang mangyari sating dalawa dyan, nakuuuu!! GRRR...
“ano?”
“wag ka ngang makulit!” Sabay hila ulit sakin.
>:(
“Kamusta ang pagsasayaw nyo ni Hans?”
“Huh? EW---WAN.”
“Anong ewan? Kahit sinong pilipina pag may nagyayang kanong sumayaw talagang hindi tatanggi.”
“Huh? Nagseselos ka ba?”
“Porke't asul ang mata at blonde ang isang yun, ganyan ka na ka interesado sa kanya?”
“Ho-HOY! Ano na? nagsese-” di na naman ako pinatapos at sinagot.
“Tsaka, hubarin mo nga yung sapatos na binigay nya! Bakit ka tumatanggap ng mga regalo sa di mo kilala? Ba't ka pumayag sa pictorial nung Bench?”
Ha? Panu nya nalaman ang tungkol sa Bench? ano ngayon?
Tsaka, bobo ba sya? Di ba nya alam a siya ang nagbigay ng sapatos na to sakin?
“Ano? Eh. Hindi naman sya ang nagbiagy neto eh-”
“Ano? Wag ka ngang mag maangmaangan! Alam ko nooo!”
GRRR.
“Hindi sabi! IKAW ang nagbigay neto! di mo ba naalala!”
“Papanung ako? eh narinig ko kay Tanya.”
“OO! Binilhan nya ako ng sapatos! Gaya neto, pero di kasya sakin kaya eto ang sinoot ko, yung binigay mo!”
Tumahimik kaming dalawa. Buti na lang no! Nahahighblood ako sa kakaexplain. GRRR.
“Kung sakali bang kakasya yung binigay nya, yun ba ang susuotin mo?!” Tanong nya.
WHAT? ang lakas ng tama ni tabatchoy sakin ah? HUHU. That's why I love him so much.
“MAHAL KITA.” sabi ko.
Napatingin sya sakin at mukhang nagtataka sa sinagot kong wala sa kanyang tanong.
Biglang bumuhos ang malakas na ulan, kaya pumasok kami sa loob. Nabasa ako ng konti, habang sya naman, eh basang-basa talaga. Pagkapasok namin dun sa kwarto, agad nyang hinubad ang pang-itaasna damit nya.
OH NO! Patay tayo dyan! Ang kahinaan naten Jini. Wag masyadong tumingin baka maawala ka sa kawalan! WAAAH.
Tumalikod ako sa kanya.
“sana naman, nag-iwan si King ng pagkain, ginugutom ako!” Lumingon ako sa kanya at tumalikod ulit.
Sasabihin ko bang may dala akong cake o hindi? WAH! EW. Ba't kasi ganun ang ibibigay ko! wala kasing matinong suggestion eh. GRRR...
Humiga sya sa kama at... “Papanu ako magshoshower neto, walang damit. HAAAY si King talaga, di kumpleto ang plano!”
Di parin ako nagsasalita, namamanhid na ata ang leeg ko at pati ata bibig at nagkakasore throat ako. HAHA.
“Hoy! ano ba! Di ka ba magsasalita? Tsaka, ba't ka nakatalikod sakin.”
“huh? AHHH-EHHH. WALA. :) :) :) “
“WALA?!” Naramdaman kong lumapit sya sakin.
“HEEP! Wag kang lumapit sakin!!!!” sabi ko ng di lumilingon sa kanya.
:o
“Naku Jini! Wag mo sabihing naiilang kang makita akong ganito??”
Di ako nakapagsalita.
“Naku! Problema yan! HAHA >:D Di pwedeng ganyan. Balang araw, di mo talaga maiiwasan ang katawan ko.”
YAY. Tumindig lahat ng balahibo ko pagkasabi nya nun. BATA PA KO. Ma! Pa! asan na kayo? Binabantayan ba ako ng kaluluwa nyo? Paki batukan si JR TE!
*KULOOOOOOG-KIDLAAAAAAAAAAAT*
Biglang kumulog at kumidlat... Okay na sanang kombinasyon yun, kaso, di ko naiwasang tumakbo sa kanya at napayakap nung na-off ang lights. AHHHHH
Todo hawak ng kamay ang ginawa nya sa kamay ko.
“Sabi ko sayo eh! di mo talaga maiiwasan!! >:D “
WAAAAAAAAAAAAAAH. IKAW JR TE! Nakakainis ka na talaga!
Na-on ulit ang lights at umiwas na naman ako sa kanya. GRR...
"HAAAY. Ginugutom na ako! Ano to?" Sabay kuha sa box nung cake na ibibigay ko.
"WAGGGG!" Sabay kuha ko sa box at tinago ko sa likod ko.
"Cake yun ah! Sige na akin na! Kakainin ko!"
"Di to masarap!"
"Ano? Ikaw ba ang nagbake nyan? >:D HAHAHA."
"Oo! Wag ka ngang tumawa! Pwede?" ::)
Kainis! Di ko na lang talaga ibibigay sa kanya!
"Akin na!!! Para sakin yan diba?"
Lumayo ako sa kanya pero unti-unti syang lumapit sakin.
"Akin na! Alam kong akin yan!"
"Ang kapal-kapal din ng mukha mo noh? HMP. O ayan!" Binigay ko sa kanya.
Akala ko ba di ko ibibigay? HAHA. Kasi naman, natapon na nga yung una, tapos di ko pa ibibigay ang isang to? Di pwedeng ganun! Kumuha sya ng tinidor at lahat ng pwedeng gamitin para kainin ang cake. Tinitingnan ko lang sya habang umupo sa upuan dun sa mesang malapit sakin.
"Ano ba? Lika na dito! Tikman natin yung gawa mo!" Umupo ako sa tabi nya.
" >:D Ilang ulit mo ba tong pinagpraktisang i-bake huh?" Sabay demonyong ngiti.
GRRR... Pinapahiya pa ata ako. Buti na lang kaming dalawa lang dito.
"Ang totoo, pangalawang bake ko na yan! Yung isa kasi----natapon.. Nung Hearts Festival ko sana yun ibibigay sayo eh. :(" " NYAAAAAAAH! Tinikman nya ang cake.
Tiningnan ko ang reaksyon nya habang tinitikman ang cake. WAH. Kinakabahan ako. SUPER. Baka di nya magustuhan. HUHU
"Ma-Ma-Masarap bah?" Sige! Tanungin mo para malaman mong hindi! NOOOOO!
Tiningnan nya lang ako ng seryosong tingin. Di ko na alam kung ano ang reaksyon nya! Palaisipan.
"Ano? Masarap ba?" Tikman ko nalang kaya para malaman ko? WAH.
Lumapit sya sakin at unti-unti kong naramdaman ang hininga nya.
Magwawala na ata ako dito, di nya sinasagot ang tanong ko. Di naman kasi ako manghuhula eh! HUHU
HINALIKAN NYA AKO. :*
"Mas masarap parin ang halik mo."
Labels: Loving Darkness
raindrops are falling like tears, jonaxxstories;