<xmp> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d-6655976147303528743', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

eightyone-eightyfive


EIGHTYONE
Celestine Herrera: Halata ang alin?




"Gab, loko ka talaga. Bigla ka na lang umalis ng hindi nagpapaalam!" Linapitan ko siya.

Nakahiga parin at walang imik.

"Hoy!" Pinalo ko yung braso niya.
"Hmmmm?" Dumilat siya at ngumiti sakin. "Andito ka na pala..."

Pagkasabi niya nun, naamoy ko ang alak galing sabibig niya.

"Lasing ka?!"
"Di ah..."

Bumangon siya at umupo sa kanyang kama. Dumistansya naman ako, kasi naramdaman kong lasing na nga siya.

"Oh... ba't ganyan ka?"

Binalik ko sa dating distansya.

Ngumiti siya at ginulo niya ang kanyang buhok.

"Lika nga rito..." Ngumiti pa siya.
"H-Huh?"
"Asan na yung Eiji mo?"
"Eiji ko? Anong pinagsasabi mo diyan!"

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila sa kama. Ayan tuloy, napaupo ako.

"Ano... ano ba, Gab!"

SOOS GINOO! Ano ba `tong ginagawa niya?

"Sos akala mo namang dadami na kaming mga lalaki mo dahil bumalik na si Eiji ano?"

Halata sa boses niyang hindi na siya normal. SYEMPRE NGA, LASING NA! Pero teka, ano yung sinasabi niya?

"Anong dadami KAYONG lalaki ko? Wala akong lalaki noh!"

Halos di ako makatingin sa kanya. Nakahawak parin siya sa braso ko. Half smiling na nakatitig sakin. Leche! Linalandi yata ako ni Gab eh!

Hinawakan niya ang pisngi ko. Tapos nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya.

"Hindi mo ba nakikitang nagseselos ako? Tapos, lalandi-landi ka pa sa lalaking yun? Grabe ka naman!"

HALA! Bakit biglang ganito ang mga pinagsasabi niya? Totoo kaya ito? Ay naku, Cel! Lasing yan! Lasing na lasing!

"Ano ba, Gab. Tigilan mo nga yan, lasing ka lang!"

Humiga siya ulit. Pero nakahawak na yung kamay niya sa kamay ko. Hinawakan ko na rin ang kamay niya. Hehe, nananamantala na talaga eh...

Cel, baka ma carried-away ka! Wa`g ka masyadong magpapaniwala diyan kay Gabriel. Alam mo naman yan, maganda ang trato ngayon, bukas masama na... Wa`g na wa`g kang mahuhulog ulit sa mga bitag niya, mahirap na! Ikaw din! Eto nalang ang isipin mo. WALA KAYONG PAG-ASANG DALAWA! HANGGANG DIYAN NA LANG TALAGA KAYO! Tapos!

"Cel,"
"Gab?"

Naks naman... parang may something lang eh.

Kuminang bigla yung abs niya kaya tinabunan ko na ng kumot. Baka kasi bigla ko na lang himasin yun ng hindi namamalayan. Baka pagkagising nito pakakasuhan ako ng sexual harrasment, alam niyo naman kung gano ka swapang ang lalaking ito.

"Nakakainis ka!" His voice was still soft.
"Ha?"

Katahimikan.

"Hindi mo ba nahahalata?"
"Halata ang alin?"

NAKU CEL! AYAN NA! AYAN NA! Alam ko `to eh.

Katahimikan parin...

"Halata ang alin, Gab?"

Katahimikan. Nakadikit na ang lolo niyo kaya siguro tulog na `to.

KAINIS NAMAN OH! Namfutsa! Yun na sana yun eh! Ngek! Cel, wa`g ka kasing feeling! Baka naman 'Hindi mo ba nahahalatang antok na ako?' yung sasabihin niya. Naku! Naku! Naku! Buti na lang di ako masyadong umasa kahit masakit isiping na excite ako dun. HAY! Hindi naman ito ang unang pagkakataon kaya dapat sanay na ako...

Tinitigan ko ang mukha niya...

Ay alam ko na, Cel! Naiintindihan na kita... sobra... Naiintindihan ko na kung bakit patay na patay ka sa kumag na yan, kita mo mukha niya, ang gwapo gwapo gwapo ng mokong! Matangos ang ilong, mapupulang labi... pero kung gwapo lang naman yan bakit nagpapakatanga kang talaga? Well, kaya nga nagmo-move-on na diba? Kasi di na worth it...

Tama na nga `to, bago ko aminin sa sarili kong di na lang ako mag-mo-move on eh aalis na ako dito.

Tatanggalin ko na ang kamay ko, Gab...

Wala ka ba talagang sasabihin?

Kahit lasing ka gusto ko paring marinig... ay gaga ka talaga!

Tatanggalin ko na sana ang kamay ko ng biglang...

"Mahal na yata kita eh..."

Napatingin ako sa mukha niya. Nakapikit naman siya...

"MAY I BEG YOUR PARDON?"

Nanginig ang buong katawan ko sa narinig ko.

"Mahal na mahal na yata kita..."

Halos mangiyak-ngiyak ako sa sinabi niya. DIYOS KO! Anong meron ang lalaking ito at bakit hinayaan mo siyang makaapekto sakin ng ganito ka grabe? Simpleng 'Mahal na yata kita' sobra sobra na ang kaligayahang naramdaman ko. Tsaka, isipin mo, LASING PA YAN AH...

Hindi na siya nagsalita ulit.

"Gab," Hindi ko alam na talagang kinurot ang puso ko sa sinabi niya kaya napahikbi ako.

Leche! Sige na nga! Tutal lasing ka rin naman! Sasabihin ko na sayo lahat ng hinanakit ko...

"Gab, bawiin mo yun!"

Walang imik! Leche! Tulog na yata eh.

"Gab, bawiin mo yun!" May lumandas na luha sa pisngi ko.

Hindi ako makapagsalita dahil pinipigilan ko ang pag-iyak ko.

Sa totoo lang? I can't picture myself falling in love, crying, being stupid for someone else. Sa kanya lang talaga... Ayoko mang aminin, siguradong sigurado akong hindi niya man ako mahalin, pipili man ako ng iba, may konting parte parin sa puso kong hindi siya kayang bitiwan. Kaya sana naman, kung di niya sinasadya yung sinasabi niya... sana naman wa'g niya ng sabihin... :.(

"Gab, I'm moving on. I wan't to move on. Kung kaibigan talaga kita... please let me... Wa`g ka namang mag-iwan ng mga salitang ganyan, pwede? Please?"

Katahimikan.

I suppressed my tears... and my feelings. Ganito na lang ba palagi? Gusto ko ng pagbabago kaya, pakiusap lang...

"Yeah I know. Baka hindi para sakin yung sinabi mo, you might be dreaming someone else... Okay okay!" Sinampal ko ang sarili ko.

LANGYA! Para na akong lukaret dito eh. Nagsasalitang mag-isa.

"Okay! Okay!" Huming ako ng malalim at sinubukan ulit tanggalin ang kamay niya sa kamay ko.






















"Cel, wa`g mo kong iwan... Ayokong iniiwan mo ko."

Natigilan ako. Ang galing! May 'Cel' nah!





"Ayokong nakikita kang may kasamang iba... Ayokong nagmamahal ka ng iba. Gusto ko, sakin parin. Gusto ko ako parin yung mahal mo. Gusto ko sakin parin yung puso mo..."

Napalunok ako sa mga sinabi niya.

"Gusto ko sakin ka lang. Gusto ko, tayong dalawa..."

Wala akong masabi.


"Cel, mahal na mahal na kita. Nakakainis! Bakit ganito! Di ako pwedeng ma inlove sayo! Best friends tayo! Di ako pwedeng mainlove sayo, pagtatawanan mo ko eh, tulad ng ginawa ko sayo noon... sorry."

LINSYAKAHDKAJDGYHWJGAJ! Narinig niyo yun? Ampowtek, men! Parang hinulog lahat ni Lord Jesus lahat ng grasya pabalik sakin.




"Cel, gusto ko sakin ka lang magmamahal."

Gab, sa`yo lang ako magmamahal. Sana nga lang totoo `to. :'(


EIGHTYTWO
Celestine Herrera: Nagseselos ka ba?








Halos buong gabing dilat na dilat ang mga mata ko kahit nakahiga na ako sa kama. Nakawala lang ako kay Gab pagkatapos niyang magdiliryo at nung dumating na ang kanyang mama at papa.

Lagot ka talaga sakin, Gab kung di totoo yung sinabi mo! Hindi ako nakatulog eh... P-Pero... paano ko nga pala siya haharapin? Ewan ko bah! Ba't ako ang nag-iisip nito eh siya naman yung nagtapat. Eh siya dapat yung na momroblema diyan! HMP!

Nakaupo na ako sa restaurant ng hotel habang nakatingin sa pool. Dito kasi kami magb-breakfast. Kumakain na nga kami kahit wala pa si Gabriel. Ang tagal kasi ng mokong, kaya mejo matagal din akong kinakabahan...

"Gab, lika na dito! " Tinawag si Gab ng papa niya.

Bigla niyang ginulo ang buhok ko, ngumiti at umupo sa tabi ko.

Nagpatuloy ako sa pagkain. Pati rin naman sila.

Mejo tumunganga pa si Gab sa harapan ng mesa tapos tiningnan ang kinakain ko. Ayun kumuha siya ng isang pirasong fish fillet sa plato ko saka kumuha ng sariling pagkain sa harapan.

"Ang sakit ng ulo ko... nasobraan yata ng margarita. Hayy... Ang tagal ko ng hindi umiinom eh."

Natigil ako sa pagkain at tiningnan siyang sumusubo.

"Kaya mo ko iniwan kagabi?"
"Hmmm. Sorry. Eh talagang nag iba na ang paningin ko. Tsaka, di na rin kita nakita dun sa kinatatayuan niyo ni Eiji..."

Tumango ako at nagpatuloy sa pagkain. WALA SIYANG NAALALA? Ano na `to? Tatanungin ko ba o hahayaan na?

"Pumunta ka sa kwarto kagabi? " Tanong niya.

HALA! Naalala niya?!

"Oo.. Lasing na lasing ka na nun eh. Kung anong mga pinagsasabi mo."
"Huh? Anong pinagsasabi ko?"
"Mamaya na nga..." Sabay tingin ko sa mga parents namin.
"Okay..."

Pagkatapos naming kumain, naglakad-lakad ulit kami ni Gab sa tabing dagat. Dumarami na nga ang tao...

"Ano ba yung mga pinagsasabi ko kagabi??"

Hay naku, hindi maalala. :( sabi na nga ba ganito mangyayari dito eh.

"Ay yun ba? Hmmm, nakalimutan ko na rin eh... Hmp."
"Talaga? Eh kanina lang sinabi mo sakin na sasabihin mo ngayon, tapos nakalimutan mo agad?"
"Oo eh..." Pinakita kong nag-isip ako ng mabuti. "Wala talaga akong maalala eh."
"Ahh... Baka hindi importante kaya di mo maalala?"
"Uh..." Ouch. "Siguro nga."

Katahimikan...

Sige na nga! Talo na naman ako! Sige na! Wala na nga lang yung mga sinabi niya kagabi. Kala ko pa naman may laman na yun, yun naman pala wala parin...

"Inuuhaw ako. Ang init naman kasi." Sabi niya.

Tumingin ako sa paligid at may nakita akong fruit shake stand. Si Gab naman, picture ng picture sa horizon.

"Bilhan kita ng shake? Libre ko!"
"O sige!"

Kaya pumunta na ako agad dun sa Fruit Shake stand. Maraming bumibili... Tiningnan ko si Gab habang naghihintay ng order ko. Ayun, picture parin ng picture sa dagat.

"Ang init no?" May biglang kumausap sakin na lalaki, kaedad ko lang.
"Oo nga eh. Nakakauhaw pa..." Ngumiti ako.
Nginitian niya rin ako. "Taga rito ka?"
"Hindi... nagbabakasyon lang. Bakit, ikaw?"
"Uhm hindi naman talaga taga rito pero madalas ako dito."
"Ah, ako kasi first time ko-"
"Asan na ba yung fruit shake na sinasabi mo?" Biglang napunta dito si Gab.

Nandun na pala sa harapan ko ang fruit shake... binigay ko agad sa kanya at kinuha yung akin.

"Tayo na nga! Nandito na pala eh..." Sabay akbay sakin.

Napatingin agad ako sa kanya, ayun titig na titig dun sa kausap ko kanina.

"Lika na..." Tapos lumakad na kami.

Di man lang ako nakapagpaalam dun sa kausap ko. HMP! Napalayo na kami nang nakita ko ang laki ng ngisi niya.

"T-Teka nga..." Tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko. "Ano ka ba?"
"Ano? " Nakangisi parin siya habang umiinom ng shake.
"Kita mong may kausap yung tao, ayan tuloy akala pa nun bastos ako..."
"May kausap ka pala? " Sabay sipsip ulit sa shake.

Binatukan ko na!

"Hoy ikaw, Gab! Wa`g ka ngang pilosopo diyan. Alam kong nakita mong nag-uusap kami. Sabat ka ng sabat diyan ayan tuloy! Nakuuuu!"
"Oh bakit, galit ka? Para lang sa lalaking yun? Bakit sino ba yun, ha?"
"Wala... nakausap ko lang."
"O nakausap mo lang pala yun tapos nagagalit ka sakin ng ganyan..."
"Eh sa nagmukha akong bastos sa kanya eh-"
"Bakit mahalaga ba siya sayo ha? Sino bang mas mahalaga ako o siya?"




LOKO KA! Eh sino pa ba edi ikaw?


Nagkatinginan kami. Gusto kong magalit ng todo sa kanya pero hindi eh. Imbis na magalit ako, parang natutuwa at kinikilig pa. Sinikap kong sumimangot habang nakatingin sa kanya, pero ang mokong pa cute ng pacute tapos di pa maalis sa isip ko na baka... BAKA... nagseselos siya.

Umirap ako.

"Oy... sige na nga. Ako na ang mali. Wa'g kanang magtampo diyan. Para dun lang sa di mo naman kilala, magtatampo ka sakin ng ganyan..."

Nauna akong maglakad, sumunod naman siya sakin nanunuyo.

"Cel naman eh..."

Bigla ko siyang hinarap...

"Nagseselos ka ba?"
"H-Hindi ah!"

HMMMMMMMMMMP! Aray ko po... mali ba ako o ano? MALI AKO? Cel kasi wa`g masyadong assuming!


EIGHTYTHREE
Celestine Herrera: Hoy! Anong ginagawa mo?!





And so, ok fine, hindi na nga yun nagseselos! Wa'g ka na nga kasing assuming, ikaw talaga!

"Okay!"

At hanggang ngayon, hindi ko maintindihan kung paano niya nagawang palampasin iyon. Na para bang walang nangyari at wala akong tinanong sa kanyang ganun.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa naubos namin ang fruitshake. Pagkatapos nun, narealize kong baka magkamali ulit ako. Baka iba ulit yung isipin ko... binalewala ko na lahat ng pahiwatig at kakaonting senyales na may nararamdaman siya sa akin. Kahit yung iba dun, hindi ko maiwasang hindi isipin pero nakapagdesisyon akong limutin na lang ang mga iyon.


"Hayyy! Mamimiss ko talaga ang resort na to!" Sabay akbay niya sakin.

Natigilan ako pero naisip kong isa na naman to dun sa mga obstacles para sa pag mo-move on ko kaya binalewala ko na.

Nakapag impkae na kami at uuwi na rin, ilang araw na lang kasi enrollment na ulit para sa second semester.

"Mamimiss ko lahat ng mga nangyari dito!" Sabay langhap sa simoy ng hangin.

Nakatitig kaming dalawa sa dagat habang hinihintay lumabas ang mga magulang namin sa hotel.

"Hindi ko makakalimutan yun lahat."
"Asus ang drama mo naman..." Tumawa ako.

Tumingin siya sakin habang nakatingin parin ako sa dagat.

"Eh di mo naman naalala ang lahat eh."
"Huh? Anong ibig mong sabihin?"

Saka lang ako tumingin sa kanya.

"Wa'g na! Di mo rin naman naaalala eh."
"Ang alin?"
"Basta!" Kinuha ko ang bagahe tapos umalis na.

Pumunta na ako sa sasakyan. Sumunod din naman siya agad pero hindi ko na siya pinansin. Tumingin lang ako sa labas habang hinihintay ang mga magulang naming dumating.

"Galit ka bah?"
"Hindi..."

HAY! Ano na naman ba tong mga reaksyon ko? Bakit ganito na naman? Eh wala na nga kasing kaso yun sakin pero hindi ko alam kung bakit ganito ako makareact.

"Inaantok ako." Sabi ko.

Nagpapaantok-antukan pa ako para makatotohanan. Para maiba naman ang usapan.

Pinikit ko ang mata ko habang hinihiga ang ulo ko sa upuan.

Wala naman akong imik na narinig sa kanya. Inimagine ko na lang na baka linagay niya na yung earphones niya sa tenga niya at nakikinig na siya sa iPod kaya siguro wala ng nangungulit ngayon.

Kaya lang, ilang sandali. May naramdaman akong kakaiba. May hangin akong nararamdaman malapit sa pisngi ko...malapit sa ilong ko.

Agad kong dinilat ang mga mata ko at nakita ko siyang seryosong nakatingin sa mukha ko...ngumiti siya.

"Hoy! Anong ginagawa mo?!" Napaatras ako.
"HAHAHA Nanlaki ang mga mata mo. O ano ka ngayon? Inaantok ka pa ba?" Tumawa pa siya ng tumawa kaya sinapak ko.

Sinapak ko ulit, nakakainis kasi at nahihiya ako. Pero napigilan niya ang pangalawang sapak ko.

Linapit niya ulit ang mukha niya sakin... seryoso.

"Gab, ano bah! Hindi ka na nakakatuwa!"

TALAGANG HINDI! Alam niya namang may gusto ako sa kanya, ba`t niya pa ginagawa ito?

I swear... namumula na ang pisngi ko.

"Mahal na yata kita."

HAYON! LINTIK! Sinasabi ko na nga ba! Naalala niya ang gabing yuneh!



EIGHTYFOUR
Celestine Herrera: Good night, Cel.





"Anong sabi mo?"

Umirap ang mokong! Parang bading lang eh, tapos linagay yung earphones niya sa tenga niya.

"Huy!"

Umiling siya. Parang galit yata `to.

"Gab?"

Asus, Celestine. Ilang taon na nga ba yang feelings mo? LOKO KA! At ilang ulit ka na ring nag espect at nabigo. Hindi ka pa rin ba natututo? JOKE LANG YAN! Joke lang! Promise, wa`g mong seyosohin!

"G-"
"Haaay, uuwi na tayo... trabaho na naman." Sabi ni tito habang inaayos ang gamit nila sa sasakyan.

Dumating na rin si tita kasama si mama at papa.

Hindi ko na kinulit si Gab kasi baka mapikon, eh parang galit na yung ekspresyon niya eh.

Ilang sandali, umalis na rin kami doon.

Ang nakakasindak eh yung pagiging tahimik ko sa sasakyan at pagtulog naman ni Gabriel. Nagawa niya pang matulog pagkatapos niya sinabi sakin yun? Eh inaantok na sana ako kanina pero ngayon hindi na ako madapuan ng antok dahil yun na lang ang lamat ng isip ko.

Hanggang sa barko eh natulog parin siya. Tinitingnan ko lang siya habang natutulog at iniisip kong totoo kaya yang pagtulog niya o baka nagtutulog-tulogan lang siya?

Napabuntong-hininga ako.

"Cel, ba't di ka na lang muna matulog hija? Si Gab oh, tulog na tulog siguro napagod yan."
"Ah.. Opo tita. Sige po, matutulog na rin po ako."

Sana ganun ka dali tulad dun sa sinabi ko. Eh sa talagang hindi ako makatulog eh. Umaga kami bumyahe kaya hindi rin nakapagtataka na hindi ako makatulog.

Hanggang sa makarating na lang talaga kami sa bahay, hindi ko na nakausap si Gabriel. Paano ba naman kasi, tulog ng tulog! EH AKO, kahit isang idlip hindi ko nagawa.

Nakahiga ako sa kama ko, nakapatay ang ilaw. Nakakapagod ang byahe. Maraming nangyari sa ilang araw lang naming pagbabakasyon sa isla. Sa kokonting oras lang na yon, ilang ulit kong narinig kay Gab ang mga katagang 'mahal na yata kita.' Ang tanong, totoo naman kaya yun? Maniniwala ba ako dun? Hindi ba ako maniniwala dun? Ipaparamdam ko ba sa kanya na naniniwala ako o hindi ako naniniwala?

NANINIWALA BA AKO?

Paano ko sasagutin ang mga naunang tanong kung yung mismong huling tanong eh di ko masagot? HAY, BUHAY!

*ting-tingggg*

May nag text!

Jana: Enrolment bukas, wa'g kang ma late para di tayo ma late. ok?

Hay, pasukan ulit! Miss ko tuloy si Jana. Ilang araw din kaming di nagkikita at di nag ti-text eh.

Ako: di ako mali-late. pramis. uhm...
Jana: nakita ko si eiji kahapon!!!

WHOA!

Ako: Nagkita kami sa Sortee!
Jana: Talaga? WOW! dito siya mag-aaral?
Ako: Di ko alam eh.

Napabuntong hininga akong humiga ulit sa kama pagkatapos kong maligo, kumain at magmuni-muni.

Tiningnan ko ang cellphone ko, hindi ako masyadong nakakatanggap ng text kay Gab ah? Hindi rin naman kasi siya yung tipong nag ti-text talaga. Nung sila kaya ni Gianna, gabi-gabi ba sila kung mag text?

Tinaype ko: Good night!

Ilang beses ko rin yang tinaype at dinelete. Pero sa huli, nasend ko parin kay Gabriel Soriano. :(

Wala lang! Hindi kasi siya maalis saking isipan.

OH NO!!! Eto na naman ULIT ako! Ibinaon ko ang ulo ko sa unan.

"Hindi siya magrereply eh! Alam ko naman yun! DUH!"

Ano naman ngayon kung di siya magrereply? Gusto ko lang namang mag goodnight!

Isang oras akong tumunganga sa kama ko, pero walang Gab na nagreply. Ilang message din ang binasa kong galing sa iba't-ibang taong hindi ko naman rineplyan. Pinalampas ko ang 'Goodnight, Cel!' ni Eiji at iba't-ibang good night message na na recieve ko.

Ako: Jana...

SEND.

Jana: Whut? Magchika ka nga sa sortee?!
Ako: Wala akong masabi eh.
Jana: Why?
Ako: Sabi ni Gab, 'mahal na yata kita'. anong ibig sabihin nun?
Jana: WHAT!? WTF!? HAHAHAHA
Ako: Hindi ako naniniwala.
Jana: DAPAT LANG! :D" title="" class="smiley" border="0"> HUMANDA YANG PINSAN KONG HAYUP NA YAN!

Nakakatakot naman `tong si Jana, di na nga lang ako magrereply.

Jana: Ichika mo sakin ang whole story bukas ah!? HAHAHA I'm excited! Goodnight.

Ilinayo ko ang cellphone ko sakin at nakatulog na rin.



Nagising akong bigla, wala namang gumigising sakin at hindi naman maingay pero nagising ako. Bakit kaya? Umaga na, kailangan ng bumangon, pero inaantok pa ako eh.

Umidlip ulit ako habang iniimagine ang mukha ni Jana na galit na galit dahil di ko siya sinipot sa enrolment.

*ting-tinggggg*

I reached for my phone.

8 messages recieved.

Si Jana ang unang nag text... tapos... "GABRIEL SORIANO!"

Napaupo ako sa kama habang binubuksan ang mensahe.

"Good night, Cel."

Ang oras? 1AM!? Gising pa siya sa ganyang oras?

Napangiti ako sa di malamang kadahilanan. Ano ba naman... wala namang i love you diyan pero ba`t ang saya? Errr.



EIGHTYFIVE
Celestine Herrera: Lika na nga Jana!




"Totoo kaya yung sinabi nung Gab na yun?" Tanong ni Jana sakin.
"Abah ewan ko."

May kakaiba na naman siyang tingin na ibinibigay sakin. Ano na naman kayang nasa isip nito?

"Pagkatapos nun, wala na siyang sinabi?"
"Oo."
"Hay naku. Loko talaga yung mga lalaking yan. Sana naman kung may sasabihin sila, totoo na talaga. At kung wala naman, eh mas mabuting wa`g na lang silang magsalita!"

Umiling siya.

Enrolment, kaya maraming tao sa eskwelahan. Enrolled na rin kami ni Jana kaya sinamantala ko na ang libreng oras namin para makapag chika sa kanya.

"Hanapin na lang kaya natin si Gab?"
"Huh? Bakit??"
"Ay naku! EWAN KO TALAGA SA LALAKING YUN!" Napabuntong hininga siya habang nakatingin sakin.

"Alam mo, eto na talaga ang pinaka huling pagkakataon! Pag sinaktan ka pa nun? Ewan ko na lang, isusumbong ko na siya sa mama at papa niya! Bwisit naman kasi yung lalaking yuneh."

Katahimikan.

"Ilang buwan ka nga niyang di pinansin? At ilang beses ka niyang sinaktan?"
Hindi ako sumagot.
"Yun ang isipin mo. Para maiwasan mo na yung kagaguhan nung lalaking yun."

Nagkibit-balikat na lang ako.

Kitang-kita kay Jana na naguguluhan siya sa mga nangyayari.

"Hi!" Biglang sumulpot si Gabriel. "Patingin ng sched niyo."

Kinuha niya agad yung schedule namin ni Jana.

Nagkatinginan na lang kami ni Jana hanggang sa naramdaman kong may plano na naman siyang naiisip.

"Uy teka, si Dexter ba yun?" Sabay turo sa likuran ko.
"O-Oo."
"Classmate din kaya natin siya this sem?"
"Uhm... ewan ko."

Nakita kong napatingin si Dexter sakin kaya ngumiti ako, pero hindi niya naman talaga yata niya ako nakita kasi di naman siya ngumiti.

"Lapitan natin!" Sabay hila ni Jana sakin. Kinindatan niya ako na para bang totoong may plano talaga siya.

"Hoy hoy, Jana. Tigilan mo nga yang pagiging bad influence kay Celestine. Ikaw naman Cel, ang cheap cheap mo talaga. Ganyan mo ba talaga ka crush yang kutong-lupa na yan. Hindi naman yan gwapo. Panis pa sa basketball."
"Pssht, huy Gab! Ang feeling mo naman jan. eh anong pake mo kung lalapitan namin si Dexter. Kung ayaw mo kay Dexter, edi lumayo ka." Umirap si Jana at nagpatuloy sa paghila sakin papunta kay Dexter.

"O diba, may pa selos-selos na siya." Bulong ni Jana sakin.

Nakita ko ulit na tumingin si Dexter sakin pero di niya na naman naabutan ang ngiti ko kaya tinawag ko na ng di naman ako mapahiya.

"Dexter!"

Hindi niya yata ako narinig.

"Dexter!"

Wow ang dami niya naman kasing kasama eh.

"Dex-" Nakita kong may kumapit sa braso niya. "...ter."

"Pssst, Cid!" Biglang hinila ni Jana si Cid galing kung saan.

Tuluyan ng umalis si Dexter kasama yung iba niya pang kasama at yung babaeng kumakapit sa braso niya.

"Hindi niya ba ako narinig?" Parang kinabahan ako sa nangyari ah.
"Anong problema ni Dexter?" Tanong ni Jana kay Cid.
"Uhm... k-kasi..."
"Ano?"
"Mukhang nasaktan kasi talaga siya kay Cel eh..."
"Tapos? Ganun di niya papansinin si Cel?"
Nagkibit-balikat si Cid, "Hindi ko alam eh."

Hindi ko naman masisisi si Dexter. :( Tama lang siguro to sakin. Hindi ko naman ginusto yung nangyari eh. Pero ayoko namang ganito kami ni Dexter.

"Oy..oy ano yung nakita ko? Loko din yung mokong na yun ah? Di ka pinansin? Kala niya naman kung sino siyang gwapo eh hindi naman. Tsaka, crush na crush mo ba talaga yun ha, Cel?"

Ito namang si Gabriel nakakainis ang pagmumukha. Eh kasi naman, tono niya lang ang mukhang concerned, pero kung makatingin siya parang nagwagi siya sa isang pakontest tapos nakangiti pa.

"Hayaan mo na yun. Ang pangit nun! Eh ba't di ka na lang kaya sakin mag kagusto? Sigurado pang di ka masasaktan?"

Napatingin ako sa mukha ni Gab na naka evil-smile at tinitingnan ang magiging reaksyon ko.

Umirap na lang ako at, "Lika na nga Jana!" Iniwan namin siya.

Hindi sasaktan? Asa ka pa! Mukha niya! Eh ilang beses na akong nasaktan sa kanya tapos ganyan siya makaasta ngayon? Loko siya! Hinding-hindi ako maniniwala. Kahit alam kong maaring magbago ang lahat, I will never believe in anything again.

You can't just walk back in. Not now, not after I worked so hard to forget you.


*PAKKKK*

"Aray!" Napahawak ako sa balikat ko pagkatapos kong makabunggo.

Ang dami naman kasing tao tapos di ako makapagfocus sa dinadaanan ko dahil sa iniisip kong magulo.

"Celestine..."

May ibang accent yung nagsalita. Lumingon-lingon ako at nakita kong yung nabunggo ko pala ang tumawag sakin.

"Si Eiji!" Naunahan pa ako ni Jana.

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText