<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

S-arcs



S-arcs




S1.Waiting in Vain






Nakahiga parin ako sa kama. Wala parin akong gana hanggang ngayon! Magdadalawang buwan na simula noon. One month and 2 weeks to be exact. Wala parin akong gana hanggang ngayon. Oo na! Kasalanan ko na! Eto nga ang nababagay sakin.

Text message!

Dali dali kong inopen.

Chad:
Good morning! :)

Iniscroll ko ang phonebook ng cellphone ko at hinanap ang numero ni Brent. Wala akong lakas ng loob na itext siya.

Summer na. Matagal na. Malapit na ngang magpasukan eh. Hindi ko parin nakikita si Brent. Pagkatapos ng gabing yon, hindi na ulit siya nagpakita o nagparamdam. Pati na rin si Ara. Balita ko nag vacation daw ang family nila at hanggang ngayon ay di pa umuuwi. Uuwi pa kaya yon? Pag di umuwi yon tatawagan ko na talaga.

Nivisit ko yung Facebook ni Ara. Ang last status niya: Off to Palawan! (Na noong April pa lang). Kay Brent naman: :) (smiley lang talaga. At ang date? Sa araw ng iniwan niya ako doon).

Tama! Alam niyo ba kung ano ang nangyari? Hinabol ko si Brent! Oo!

"I'm in love with you, Max. Will you be my girlfriend?"

Tiningnan ko lahat ng nandoon na masayang-masaya para samin ni Chad. Hawak-hawak ko ang bulaklak at kinakabahan. Mahirap tanggihan si Chad pero siguradong sigurado ako na hindi ako willing maging girlfriend niya. At sigurado ako na hindi siya ang tunay na gusto ko, na mahal ko...

"I'm sorry..." Binigay ko ang bouquet sa isang teammate ko at umalis sa crowd.

Di ko alam kung nasan si Brent pero hinabol ko siya. Wala akong naabutan kaya naghintay ako sa labas hanggang sa tinawagan na ako nina Mama dahil nag-aalala sila. Sinabi kasi ni Chad na umalis ako sa party at di nila ako mahanap kaya sinundo ako nina Mama.

Simula non, di na ulit nagparamdam si Brent. Balita ko nagbakasyon. :(

"Maxine?" Kumatok si Yaya.
"Po?"
"Gumising ka na diyan, ayan ka na naman tinatanghali ka... Nandito si Emily at Jason."
"Opo."

Pinapasok ko sa kwarto sina Emily at Jason. Ba't naman kaya nandito silang dalawa?

"Oy Max! Parang di ka na nasisinagan ng araw dito ah? Bumangon ka nga diyan!" Sabi ni Jason sabay ayos sa kurtina ng kwarto ko.

Tinabunan ko ang mukha ko ng kumot.

"Max! I have good news!" Sabi ni Emily.
"Ano?"
"Tanggalin mo nga yang kumot sa mukha mo nang makita mo."

Ipinakita ni Emily at Jason sakin ang dalawang envelop na kulay cream.

"Ano yan?"

Sa likuran nito Emily de la Torre at Jason Go.

"First time ako nainvite sa upcoming birthday ng twins." Sabi ni Jason.
"Ako rin."
"Nagbibirthday sila noon pero pili lang ang naiimbitahan."

Naalala ko noon yung napulot kong envelop sa sala na birthday daw ni Brent pero di ko pinansin at di ko dinaluhan.

"Tapos? Sa inyo naman yan! Di ako invited pero okay lang."
"Eto oh!" Sabay pakita sakin ang isa pang envelop ni Jason.

"Nakita namin yan sa mailbox niyo."

Kinuha ko naman agad ang envlop at binasa.

Maxine Theodora Alvarado! Akin nga!!! Binasa ko ang buong invitation! Bongga ang venue! Ibang klase!!! Sa bagay, masyado silang mayaman kaya heto. Tiningnan ko ang date at sa makalawa na pala! OMG! I need to get ready!




S2.Pressure





"Dyusmiyo! Kailangan kong makahanap ng magandang susootin!"

Sa araw ding iyon, kinaladkad ko si Emily at Jason para maghanap ng kahit anong magandang sootin. Nagpaalam na din ako kay Mama at pinagamit sakin ang tatlong credit card at pati na rin ang atm ko.

Si Emily doon sa mamahalin nagpupupunta kaya heto at napapasubo ako sa presyo.

"Ano ba ang magandang kulay?"

Pressured ako masyado.

"I can't wait. I'm sure bongga na naman yan, its The Twins eh." Sabay sukat ng isang babae sa isang baby pink na dress.

Hindi lang pala iyon isang babae. Si Ashley pala yon na isa pang kampon ni Ara at kasama niya si Leandra na rumored girlfriend ni Brent noon.

"Of course. Ngayon pa na kagagaling nila sa vacation. I'm sure they're throwing a very good party." Sabi ni Leandra.
"Si Maxine." Narinig ko ang bulong ni Ashley kay Leandra.

Ngumiti sila sakin at ngumiti din ako.

"Alin dito, Max?" Tanong ni Emily sakin nang pinakita ang mga bagong dress sa shop na yon.

Nagpanggap ako na nag iisip kung alin ang pipiliin ko.

"I feel sad for her..." Bulong ni Leandra kay Ashley. "Sila na ni Brent diba? Sila na ni Kitchie?"
"Most likely. She was with their family last vacation... kaya tingin ko totoo yan. Lia was freaking out pa nga. Di ko pa natatanong si Ara pero tingin ko na confirm na ni Lia. Di naman siguro yun mabubuang sa kakaiyak kung di totoo."

Sabay tingin nila sakin.

"I'll get this." Sabi ni Ashley.

"Let's go, Max. Humanap tayo ng iba." Sabi ni Emily at umalis kaming tatlo sa shop na iyon.

"K-Kung di na lang kaya ako pumunta?:-[ :-\

Umiling si Emily.

"Naniwala ka naman dun? Asus!" Di makatingin si Jason sakin.
"Bakit? May narinig ka ba sa teammates mo?"
"W-Wala."
"Sa tingin mo sila na?"
"H-Hindi!"
"Nagdududa ako sa mga sagot mo, Jason umayos ka! Upakan ko `tong boyfriend mo ngayon Emily.>:( ;D
"Wa'g naman! Jason! Umamin ka nga diyan!"
"Actually..." Kinamot niya pa ang ulo niya. "May mga naririnig ako na sila na nga. May pics sila na magkasama sa Bora."
"Bora? Akala ko ba Palawan?" Sabi ni Emily.
"Boracay yung nakita ko na picture eh. Ewan.. Malay ko."

Binatukan ni Emily si Jason.

Napabuntong hininga ako.

"Baka Palawan at Bora."

Todo naman ang pag-eencorage nila na di totoo ang rumors at etc.

"S-Si... Chad!" Sabi ni Emily na parang agad nagsisi sa pagturo niya kay Chad.

Nakita ko agad si Chad kasama si Chloe. Namamasyal at namimili. Nakita na rin nila ako. Napawi ang ngiti ni Chloe sa mukha samantalang mas lumaki ang ngiti ni Chad.

"How are you?" Tanong ni Chloe, plastikan.
"Okay lang." Ngumiti ako. "Kayo?"
"Eto, namimili."
"Ahh!"
"For The Twins party... Oh wait! Are you invited?" Tanong ni Chloe.
"Uh-"
"Balita ko not in good terms kayo ni Ara."
"Huh?" May balitang ganun?
"Oo nga, Max? Anong nangyari?" Tanong ni Chad.
"Huh? Okay naman kami. Di nga lang kami, uh, nakakapag usap."
"Ahh!" Panira talaga `tong si Chloe.

Pero kung may rumors na ganun, sa tingin niyo totoo? Siguro may sinabihan si Ara na galit siya sakin or something?

Paano na `to ngayoooon??? Dyusmiyo! Ang malas naman!

"Uh, sige ah? Ginutom ako eh! Dito na kami! Balik na kayo sa date!" Hinila ko si Emily at Jason palayo sa kanila.

Narinig ko ang pag apila ni Chad pero di ko pinansin.

Ano ba ang nangyayari dito? Si Kitchie at Brent na! Plus! Galit sakin si Ara!?

Text message!

Chad:
We're not dating. Are u rily ok? Why aren't u replying? :) I'll wait, Max.

Reply:
I'm ok. :) thanks, Chad.

Ayokong umasa si Chad. Wala akong maibibigay na higit pa. True, mabait, gwapo, matalino siya. Pero di ko alam kung anong nangyari at nabali ang standards ko at nagustuhan ko ang heart breaker. Tingnan niyo ngayon, ako yung nasasaktan! Ayan!

Isa pa... GIFT! Ano ang ibibigay ko kay Brent? Kay Ara siguro bag o di kaya accessory. Pero kay Brent??? Sa tingin niyo kailangan ko pang magbigay ng gift? Di niya rin siguro yun mapapansin. Gusto ko ng nakakatawag pansin na gift! Love letter?? (Saan ko nakuha ang ideyang yun?) Love Letter? Enclosed with my feelings? No way!!! Its too early to amin... No way!!! Anything basta wag lang yun... Pero ano? Help!






S3.Love letter






Isang magandang barette ang gift ko para kay Ara.

At...

Loveletter.

Oo. Loveletter na lang talaga ang tanging maibibigay ko kay Brent. Pero love letter ba yun? Siguro letter lang. Eto ang nakalagay:


Dear Brent,

Happy Birthday! Natutuwa ako na inimbita mo ako sa birthday mo kahit feeling ko galit ka sakin. Sana hindi ka galit sakin. Sa pagkakaalam ko, wala naman akong ginawa para ikagalit mo. Kung bakit ko naisip na galit ka sakin? Kasi una, di mo na ako tinitext. Pangalawa, hindi ka na nagpaparamdam. Nalaman kong nag bakasyon ka sa Palawan ba yun o Bora? Okay, hindi ako nag eexpect ng text mo kasi siguro masyado kang abala sa mga ginagawa niyo ni Kitchie doon. :) Pero you know, hindi ako sanay na di ka nag ti-text akin. Yun lang. Pero siguro dapat na akong masanay ngayon kasi alam kong busy ka na talaga. Mahirap pero gagawin ko.

Pasensya ka na kung eto lang ang maibibigay ko sayo. Hindi kasi ako prepared at mahirap umisip ng gift para sayo. :) Di bale next time, bibigyan na kita ng mas matinong gift.

-Maxine.



YESYES! Alam kong mejo hindi love letter yun! Alam niyo kasi, ayaw ko lang ng gulo. Kung sila na nga ni Kitchie, ayaw kong mag confess na gusto ko siya ngayong sila na. Para akong nagcoconfess lang dahil sa pride kung iyon ang gagawin ko! Ayaw ko ding isipin nila na evil ako dahil may girlfriend na yung tao tapos sumasalida pa ako.

Basta. Ngayon? Kung ano man yung nararamdaman ko para sa kanya, akin na lang yun. Tutal kung gusto niya akong talaga, siya na ang maghahanap ng paraan para mangyari kaming dalawa at di niya ako pag mumukhaing tanga. :)

Alam kong kailangan ko ding magpahiwatig. Kaya lang... alam niya eh. Alam niya na gusto ko siya. Alam niya noon pa kahit di ko pa narerealize yun! Alam na alam niya! Kaya sapat na yung letter na yun para ipahiwatig sa kanya na tama siya!

"Mauna na kayo sa loob, mag C-CR lang ako." Sabi ko kina Emily at Jason habang papasok ako sa CR.

Nauna na sila. Maaga kaming pumunta sa venue ng birthday nila para di kami makaagaw ng atensyon.

Bago ako makapasok sa CR, may napansin akong lalaking mukhang may hinihintay sa labas. Gwapo siya, halatang executive, late early thirties siguro. Kaso mukhang suplado.

"Aray..."
"Sorry!" Nabunggo pa ako sa isang babaeng maganda!

Mukhang early thirties din! At soooper ganda! Sobra! May kamukha siya! Artista pa nga yata.

"Okay ka lang ba?"

Linapitan kami ng lalaking nakita ko na naghihintay. Ito siguro ang hinihintay niya.

Nahulog ko pala ang loveletter. Nakabalot ito sa wrapper kaya nag mukhang gift na rin na maliit at nipis.

Pinulot nung babae ang nahulog na gift.

"For Brent?" Hula agad nung babae.
"Opo."

"Uy couz!"

May dumating na lalaki na may kasamang babae. Early thirties din siguro. Etong isang to, kamukha ni Brent! Sobra! Younger version ni Governor.

Parang gusto kong umexit. Mukha kasing mga kamag-anak `to nina Brent. Sa tikas at mukha halatang relatives nila.

"Teka..." Sabi nung babaeng nabangga ko.

"I'm Serene Cruz-Tanseco." Ngiting-ngiti siya habang naglalahad ng kamay.

Naglahad din ng kamay ang lalaking kakarating lang, "Crayon Cruz."

Ngiting-ngiti siya, pero sinapak nung nasabing Serene ang kamay niya.

"Call me 'Tita Serene', you are?"
"Uh... Uhm... Maxine Alvarado po."
"Maxine?" Singit nung babaeng ngayon ay kaholding hands na nung kamukha ni Brent.
"Maxine the volleyball player?" Tanong nung kamukha ni Brent.

Kilala nila ako? How come.

"This is your Tito Dae." Sabay kapit niya sa braso nang mukhang suplado.

Pero ngumiti din naman siya sakin kaya di siguro siya suplado. Ngumiti na rin ako... I don't effing know what's happening!

"Asan nga pala si Night?"
"He's with Ney. Sobrang likot eh, nasa loob na."

Wait. Anong ginagawa ko dito sa harapan nila?

"Di ka pa nakapasok?" Tanong ni 'Tita Serene'.
"Di pa po...:-[
"Kung ganun, let's go?"

Tumango ako at pumasok na sa loob.

Sa loob, agad kong nakita ang dalawang malalaking table na maraming gifts.

"You have a gift for Ara?" Tanong ni Tita Serene.
"Opo."
"Ilagay mo sa table na yan." Sabay turo niya sa isang table. "And give me your gift for Brent, I'll find him and give him your gift now."
"Uh? Huh? Uh... Wa'g na po, nakakahiya."
"No, it's okay!" Ngumiti siya.

Parang di ko siya matanggihan at agad niyang kinuha ang gift ko. At umalis.

Nakita ko agad sina Jason at Emily kahit maraming tao.

"Maxine!!!"

Nabigla ako sa boses ng tumawag sakin. Andito siya? Of course, Max!






S4.The Cousins








"Kitchie!"
"Wow! Tita yun ni Brent!"

Alam ko! Kainis naman!

"Wow! Close kayo?"
"Uh, hindi... ngayon lang kami nagkakilala."
"Ahh! She was with us kasi sa Palawan kasama yung anak niya at yung hubby niya. I like her so much!"

Tumango ako at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa upuan nina Jason at Emily. Si Kitchie naman, sunod ng sunod sakin.

Umupo ako kung saan sina Jason at Emily at umupo din si Kitchie dun samin. Bongga ang soot niya. Para bang party niya ang dinaluhan namin.

"Bench Jimenez..." Bulong niya sakin habang nakatingin sa mga bagong pasok lang na mga tao.
"Huh?"
"Bench Jimenez ang pangalan nung kamukha ni Brent na kakapasok lang. Relative nila yun."

Yeah, right! Alam ko yan. Kilalang kilala si Brent diyan dahil Brent Damien Jimenez Cruz. Governor ang ama, malawak ang lupain. Ang ina niya naman ay anak ng isang mayaman na may ari ng isang malaking airline sa Pinas, plus ilang hotel at bars kasama ang pinaka malaking brewery dito. Yun sigurong Bench Jimenez ang tagapagmana.

"Ahh oo."
"And he's with Denise Gozon. Sino kaya yang kasama nilang isa pang babae?"

Ang dami namang alam nitong si Kitchie. Siguro close na nga silang talaga ng family ni Brent.

May tumawag kay Kitchie sa isa pang table at parang narinig ko na dumating na daw si Ara.

"Excuse lang ah?" At umalis siya.

"Eliana Jimenez ang pangalan ng kasama nila." Sabi ni Jason.

Ang tinutukoy niya ay yung maganda, matangkad, sobrang ganda, sobrang hot, sobrang ganda! Ay nasabi ko na bang sobrang ganda? LOL!

"Ba't mo kilala?"
"Low profiled siya. Kilala ko siya dahil minsan ko na siyang nakita sa isang bar noong nag celebrate kami ng victory party sa team."

Tumango ako at naintriga sa mga pinsan ni Brent na puro high end. Haaay! Pakiramdam ko tuloy sobrang liit ko. Wala akong na accomplish na kahit ano. Sila, pinanganak na yata na sikat. Ako? Wala. Volleyball player... spiker... yun lang!

Nakita kong pumasok si Ara, soot ang puting damit at nagmukhang prinsesa ng mga diwata. Sobrang ganda niya.

"Nakalimutan ko tuloy kung bakit ako invited dito." Sabi ni Emily nang nakita si Ara.

Nagbeso si Ara sa mga pinsan niya.

Biglang sinimulan ang party. Huh? Wala pa nga si Brent!

Gulat na gulat ako nang tinawag si Ara para pumunta na sa table na nararapat sa kanya.

"Wala pa si Brent ah!?" Sabi ko.

Pagkaupo ni Ara sa table, biglang sumulpot si Brent out of nowhere, tinawag, at umupo na din sa kanyang table.

"Kanina pa yata siya nandito eh." Sabi ni Jason.

WHUUUUT? Ba't di ko siya nakita?!?!

Invisible man?


S4.What?





Nakita ko si Chloe at Chad pero di ako makalapit kasi nahihiya ako. Lalong lalo na sa mga schoolmates ko na nakakita sa pagbasted ko kay Chad kaya dito lang ako kasama si Jason at Emily. Nakita din naman nila ako, pero hanggang kaway lang ako.


Kainan na pagkatapos ng ilang performance for the birthday celebrants. Hindi ako makakain ng maayos dahil di ko na naman makita si Brent. Saan ba yun nagpupunta? Hindi ko rin nakikita si Kitchie.

"Maxine!"

Ang mommy ni Brent!

"Uh, si Jason at Emily po."
"Hello po!" Sabi nina Jason at Emily.
"Hi! Hindi pa kayo napapakilala o nababanggit ni Ara o Brent sa akin... But anyway... Enjoy the party, aryt? We have to go." Sabay turo niya sa readyng-ready na na si Governor.
"Okay po! Ingat po kayo..."
"Thanks sweetie. You enjoy the party. Wait, nagkita na ba kayo ni Brent?"
"Uh..."
"Nag usap na kayo?"
"H-Hindi pa po."

Biglang sumulpot si Tita Serene.

"Aalis na kayo ni Kuya? Kami rin ni Dae at nina Crayon. I love this party but Night's asleep."
"Yes, sweetie... We have to go... The next events are for them na. You know, teenagers." Sabi ng mommy ni Brent.
"Maxine, binigay ko na nga pala ang gift mo kay Brent." Tumingin siya sa paligid. "I think I saw him there kanina, wait... waiter!" Tumawag siya ng waiter at parang pinahanap si Brent.
"So, alis na kami Max ah? Enjoy the party ayt?!"
"Opo! Thank you!"

Umalis din naman sila.

"Grabe ah, special treatment ka dito." Sabi ni Jason. "Iba talaga pag..."
"Hindi no... Siguro na awa lang sila sakin kasi akala nila kami ni Brent e, di naman pala."

Umalis na ang mga oldies at naiwan ang halos lahat ng friends nbi Ara at Brent at mejo dumidilim na ang lights. Alas diyes na ng gabi.

May nakita akong nag set up ng chocolate fountain at iba't-ibang cocktail drinks.

"CR muna ako ah?"
"Aryt!"

Papunta ako ng CR nang nakita kong nabangga si Kitchie sa isang guest ng party. Yung nakita ko kanina. Si Denise daw yun?

"Oopps, sorry!" Sabi nung Denise.

Grabe, ngayon lang ako nakakita ng nagso-sorry na halatang-halata na sinadya ang ginawa. Sobrang plastik!

"Naku! Paano na yan?" Nabuhusan kasi ng strawberry martini ang damit ni Kitchie. "Uuwi ka na kasi nabasa ko ang damit mo?"

Nakita ako nung Denise na nakatingin. Grabe! Tumindig lahat ng balahibo ako! Para akong tiningnan ng isang multo! Nagpatuloy ako sa paglalakad at di na ulit tumingin.

"Denise, tama na yan. Let's just chill sa table natin... Benj, help me here." Sabi nung isang sobrang hot na babae.
"Aryt!" Kaboses pa ni Brent yung Bench!
"Lagot ka kay Brent, Denise." Sabi nung hot nang kinaladkad nila si Denise palayo kay Kitchie.

Pareho yatang papunta sa CR.

Patay! Nasa CR ako at nasa CR din ang dalawa!

"Buti nga sa kanya! Ara told me that she doesn't like that girl. Tinanong niya pa nga si Brent kung bakit nandito yun sa party. Muntik na silang nag away."
"It's their problem, not yours..." Sabi nung hot.
Ngumisi lang si Denise.

Pareho kaming tatlo nakatingin sa mirror. Pero ako, tahimik lang at inaayos ang buhok ko.

"I like your dress." Sabi nung hot sakin at ngumiti.
"Ah... Thank you..." Ngumiti din ako.
"Channel, Balenciaga o Dior?" Tanong ni Denise sakin, nakataas ang kilay.
"Uh, hindi, nabili ko lang sa Rustans eh... naka display."

Nagkibit balikat na lang si Denise at nagpatuloy sa pag mi-make up, di na ulit ako pinansin.

"Actually, kanina pa kita tinitingnan, I like your beauty. But I'm not lesbo ah? Haha!" Grabe! Ang ganda niya!

Flattered ako sa sinabi niya. Imagine kanina pa ako sabi nang sabi na ang ganda niya tapos nagandahan daw pala siya sakin?

"I'm Eliana." Naglahad siya ng kamay.
"Maxine." Kinamayan ko siya.
"Maxine? Maxine...."

Bakit?

"Uh, this is Denise naman."

Balewala parin yung Denise.

"At yung lalaking kasama namin, is Bench. We are Ara and Brent's cousins. She's Ara's bestfriend." Sabay turo kay Denise na balewala parin.
"Ahhh. Uhm. kaibigan ko si Ara at Brent. Same school.:-[

Awkward moment. Hmmp!

"Can you go now?" Sabi ni Denise sakin bigla.
"Ahaha!" Parang mas awkward kay Eliana yung sinabi ni Denise kesa sakin. "Uhm, pasensya ka na sa kanya..."
"Di... hehe. Aalis na ako. Tapos na rin naman ako.:-[
"Thank you." Sabi ni Denise na ngumiti sakin.
"Actually..." Ngumiti si Eliana sakin. Pero di niya pinagpatuloy ang sinabi at tiningnan niya na lang si Denise at pinandilatan.

Nakalabas ako sa CR at una ko nakita ang nakasandal na lalaki sa kabilang CR. Si 'Bench'. Ang gwapo niya. Pero etong sang `to, mukhang iba kay Brent... Kung si Brent ay babaero at accommodating. Eto mukhang babaero pero hindi maginoo. Mukhang...evil...

"He's my cousin, Benjamin Jimenez. Like him?"

Biglang sumulpot sa harap ko si Brent!!!!




S5.A disappointing night






"Huh? Ano ba yang pinagsasabi mo Brent?"

Ngumisi siya.

Grabe, sobrang kinabahan ako.

"Kung hindi siya, edi sino ang gusto mo?" Sumeryoso bigla ang mukha niya.

Its not that simple, Brent. Gusto kita pero di ko masabi. Takot ako. Baka masaktan ako. Baka totoong kayo na ni Kitchie.

"Tumigil ka nga, Brent." Linagpasan ko siya.

Pero di pa ako nakalayo nang hinila niya ang braso ko.

"Right! Kayo na pala ni Chad. Hindi mo nga pala siya matanggihan."

Ang obyus naman na hindi! Kitang kita niya na si Chad at Chloe ang magkasama tapos sasabihin niya pa yun?

"Ang manhid mo.-"

"Excuse me lang ah, pero Brent, I think your girlfriend is looking for you." Sabi ni Bench sa kalagitnaan ng pagtatalo namin ni Brent.

Tinuro pa niya sa likuran ko si Kitchie na mukhang may hinahanap. 'Girlfriend'! Totoo nga!

Tiningnan ko si Brent, nagbabakasakaling ideny niya pero wala. Kumunot lang ang noo niya habang nakatingin kay Bench at sakin!

Nag walk-out na ako! SEEEEEEEEEEEEEEE?! Once a playboy, always a playboy!

Hinding-hindi ko na ulit gagawin `to! Hinding-hindi ako aamin sa kanya sa nararamdaman ko! Hinding-hindi!

Yan kasi, Max! Alam na alam mo ng playboy siya, nagkagusto ka pa!

"Have you seen Brent?"

Tinuro ko na agad si Brent kay Kitchie.

"Alis na ako ah?" Kinuha ko ang purse ko sa table namin nina Emily at Jason. Hindi na sila nakapagsalita dahil dali-dali akong umalis.

Tumakbo na talaga ako papalabas! Naisip kong di ko pa nakikita o nababati si Ara. Pero useless yun. Dahil kung totoo yung rumor na mag-on sina Kitchie at Brent, paniguradong totoo ding galit si Ara sakin.

"Want a ride, Max?"

Si Chad, nasa loob ng sasakyan. Nabigla ako kasi bigla na lang siyang sumulpot na nag-da-drive ng sasakyan sa harapan ko.





Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText