DC Start
Probably, the person who can experience a series of HEARTACHES from ONE PERSON (only) in a long period of time... is the DUMBEST of all!
But it can’t be helped.
I can’t help it.
It's just that simple... I CAN'T DAMN HELP IT!
START
Serene Cruz
Sa isang gabing maulan at madilim, Nagsimula akong magkagusto kay Daelan Tanseco noong Grade 3 pa ako! Nang nagkaroon kami ng Girl Scout and Boy Scout Camp! Kami ni Sophie ang magkasama noon! Hindi sana ako papayagan ni Mama at Papa dahil bumabagyo noon at takot ako sa kulog, kaya lang pinilit ko sila at sinabi kong nandyan naman si Crayon - ang aking pinsan. Kahit ngayon, malinaw parin sa alaala ko ang mga nangyari sa gabing yun!
Since kinder, classmate ko na si Dae. Tahimik siya. Saka lang siya nagsasalita o nag-iingay kapag kasama niya sina Grey, Crayon, Valen, at Drake; kaya naman hindi ko na lang siya pinapansin. Pero I think... something is something with him. I don't know but I feel like there is something in him that I can't resist... or maybe something between us! Hindi naman kami nagpapansinan, pero I still notice him. Or maybe, talagang hindi niya ako pinapansin! HEHE.
Pero, saka ko lang narealize kung ano yung nararamdaman ko sa kanya pagkatapos nang gabing yun. Walang ulan pero madilim. Mga flashlight at ilaw na galing sa mga teachers namin ang maliwanag. May mga tent na rin. Lumabas kami ni Sophie para maglakad-lakad nang biglang kumidlat at kumulog ng napakalakas. I can`t help but run away. OO, NAKAKATAKOT! Natatakot ako sa kulog! Si Sophie naman ay natakot sa akin dahil baka saan ako mapunta, so she called the teachers! She informed my cousin! And me? I'm running away with myself on the forest! NABIGLA AKO, at ganito ako kalala. I CAN'T HELP IT! Ewan ko kung bakit ako napunta sa isang napakalaking kahoy. I hid myself on its roots. It rained hard, and I don't know what to do. Umiyak ako ng umiyak. Kasabay ng pag-iyak ko, ang kulog at kidlat!
"Ano? Tumakbo si Serene!?"
"Oo! Teacher, she headed that way!"
Nagsimula nang humupa ang ulan. Parang flash rain lang yung nangyari pero nagpatuloy ang kulog at kidlat. May nakita akong anino, and I saw a familiar face.
"Dae." Hikbi parin ako ng hikbi.
He handed his hand. "Hinahanap ka na nina teacher at nina Crayon. Halika na! SUMAMA KA SAKIN!"
His face was light for me at that time.
"P-pero," Kumulog ng malakas! I cried and he hugged me.
"Wa'g kang mag-alala, andito lang ako." He was always cool since forever.
Matagal din akong naghintay, pero kahit may kumukuha na sa akin ngayon... I still doubt. Baka matamaan kami ng kidlat!
"Kanina ka pa naghihintay diba?" He wiped my tears, "andito na ako. Halika na!" Hinawakan niya ang nanginginig kong kamay then we both ran away.
THAT WAS THE HIGHLIGHT OF MY ELEMENTARY YEARS! Yes, because after that... there was nothing but NOTHING!
Simula noon, nagustuhan ko na si Dae. Si Dae na walang alam kundi magsuplado at manlait! Kailangan ko pang tanggapin ang masaklap na katotohanan na ganun ang ugali ng lalaking nagustuhan ko. Pero kung gaano ka sahol ang pag-uugali ng Dae na yan, ganon din ka gwapo ang mukha niya. Habang tumatagal, lalo siyang gumugwapo. Maybe I am just hooked with his beauty! When we reached Grade six, we were still at the same class. At nag-aalala akong baka hindi ko masabi sa kanya ang nararamdaman ko hanggang gumraduate kami. VALENTINE'S DAY of our Graduating year nang napagdesisyonan kong bigyan siya ng love letter!
"Serene, sigurado ka na ba talaga sa gagawin mo?"
"Oo, Sophie! This is it!" Sabi ko.
"Pero, baka ipabasa niya yan kahit kanino!"
"huh? Hindi naman siguro, Sophie." I frowned.
Si Sophie - hanggang ngayon, bestfriends parin kaming dalawa. We share almost the same attitude, kaya lang mas private lang siya at may pagkaseryoso minsan.
"Hoy, Serene! Love letter ba yan?" Tanong ng pinsan kong si Crayon.
"Huh? H-Hindi ah!"
"Naku! Hindi ka parin talaga marunong magsinungaling! Akin na nga!"
Agad kong tinago ang loveletter at kinaladkad si Sophie. Yung walang hiyang Crayon na yun talaga! Baliin ko kaya yung leeg nun! Pasalamat siya`t pinsan ko siya!
"HOOOY! Serene, para kanino ba `tong love letter?" Lumingon ako kay Crayon habang ipinapakita ang pinaghirapan kong love letter. Malayu-layo na rin ang narating namin ni Sophie sa paglalakad, pero kitang kita ko ang malalaking hearts sa labas ng envelope! Kitang kita ko rin sina Dae at kanyang mga kasama na inuusisa ang love letter ko. WITH THEIR EVIL SMILE!
NOOO... NO. No. NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO~!
Labels: Downfall Chronicles
raindrops are falling like tears, jonaxxstories;