<xmp> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d-6655976147303528743', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

H-arcs


H1.You can`t please everyone





Simula nung nakakatakot na gabing iyon, hindi na ulit ako nagpahatid sa bahay kay Brent. Maaga akong umuuwi at nagtataxi pa. Sige, inaamin ko,dahil hindi naman ako denial, mejo boring ang halos tatlong linggong iyon. Uuwi agad pagkatapos ng klase. Pag may practice mabilis din matapos at sa tuwing nandyan si Brent sa dinadaanan ko... sa tuwing nandyan ang nakangising si Brent... umiirap lang ako at linalagpasan siya. At syempre, pag si Chad naman ang nakakasalubong ko hinahatid niya ako sa sakayan ng taxi.

At dahil nagreklamo ako sa pagiging boring nun... ngayon ay mag Co-Coffee Bean daw muna kami nina Emily.

"Tulungan na kita." Sabi ko kay Emily nang nakitang hindi niya na maayos-ayos ang eyeglass niya dahil sa dami ng dalang libro.
"Salamat."

Nakatayo kami sa labas ng classroom namin. Sabi ni Jason ay pupunta daw siya agad dito pagkatapos ng practice niya sa basketball. Wala pa siya. Pero naiintindihan naman namin kasi maaga kaming pinauwi sa subject na iyon.

"Albert Camus, Chesterton... Grabe ka Emily, anong mga libro ba `tong mga babasahin mo." Tanong ko habang pinabasa ang bawat label.
"Bored kasi ako sa bahay eh. Yan lang ang alam kong mapagkakaabalahan ko."
"Ako kasi, mas lalong nabo-bored sa bahay pag nagbabasa. Hehe. Kaya nag lalaro na lang ako ng Plants VS Zombies o di kaya`y manood ng DVD o magkinig ng music o mag aral mag luto..."

Mag aral magluto? Oo! Nag-aaral akong magluto. Paano ba naman kasi nalaman kong nakakadismaya pala ang mga babaeng di marunong magluto. Pero, guess what, hanggang ngayon wala parin akong natututunan.

"Now that you mentioned it, mag-aaral na rin siguro akong magluto!" Nagkaroon ang kulay ang mukha ni Emily at parang lumipad ang isipan.

Ang alam ko kasi wala daw siyang ginagawa masyado sa bahay nila. Mayaman, diumano, ang kanyang pamilya. Ang pinagkakaabalahan niya lang ay ang pagbabasa. Nakapunta na rin ako sa bahay nila, at totoong boring doon. Bukod sa malaki ito, wala pa masyadong tao maliban sa kanilang maid at security guard.

"Late ba ako? o maaga lang kayo?" Tumakbo si Jason patungo sa amin.
"Maaga kami pinauwi kaya eto..." Sabi ko.

Kapansin-pansin ang di pa matigil na paghingal ni Jason at ang pawis niyang umaapaw. Naka jersey pa siya at di pa nakakapagbihis.

"Pawis na pawis ka... Balik muna tayo sa lockerroom para makapagbihis ka."

Pinunasan ni Emily ang noo at pisngi ni Jason gamit ang panyo niya. Halos ma carried-away nga ako sa moment. Si Jason kasi nakatitig at nakapako ang mga mata sa kay Emily. Kahit kailan, di pa ako nakakita ng ganitong tanawin. Ang makitang natitigilan ang isang lalaki sa ginagawa ng isang babaeng... (tiningnan ko si Emily at mukhang wala lang sa kanya ang kanyang ginagawa)... manhid! A girl who doesn`t know what her actions mean to this boy.

"Ano? Tayo na?" Kinalabit ni Emily si Jason at nagsimulang maglakad.
"Ah! O-Oo!"

Hay naku! Hindi ko inakalang sa dalawang kaibigan kong `to may namumuong pagtitinginan pala. Maobserbahan nga. Eto naman kasing si Emily, masyadong manhid. At eto namang si Jason, torpe!

"Maxine, nga pala, si Coach Paul din ba ang coach ng volleyball team?" Tanong ni Emily samantalang si Jason ay hilo pa yata sa nangyari.
"Oo, bakit?"
"Jason, diba si Coach Paul din ang coach niyo? Sabi na nga ba eh. Pareho lang ng coach ang dalawang team!"
"U-Uhh, ganun ba? Ah! Oo! Talaga?" Wala parin siya sa sarili.
"Ano bang nangyayari sa`yo?"
"W-Wala. Nga pala, sa unang pagkakataon ngayon na semester, nag practice si Brent Cruz kanina. Wala sigurong magawa."
"Naubusan siguro ng babae." Sabi ko. :P
"Di ka na ba niya sinusundo?" Ngumisi si Emily.
"Oo! Ayoko na!"

Ngayon, silang dalawa na ang nakangisi.

"Ayoko na? Bakit? Noon, gusto mo ba?" Tanong ni Jason. :-X

Pasalamat ka`t di kita binubuko kaya manahimik ka diyan at baka magbago ang isip ko, Jason! GRRR! haha!

"Hindi rin! Hello! Si Brent Cruz yan! Hindi yan si Robert Lim o si Enzo Santos o Martin Mercado! Si BRENT CRUZ."
"Hi!!!" Biglang sumulpot sa harapan ang isang nakakahilo sa gandang babae.

Halos napatalon kaming tatlo, lalong lalo na ako, dahil ako yung nagsasalita at nag eemphasize kung gaano ka Brent Cruz si Brent Cruz.

"Hi Catherine!" Sabi ni Emily.
"You can call me Kitchie! Diba, Max?" Ngumiti siya.

Nginitian ko na rin.

"Anyway, what, you`re talking about Brent Cruz?"

Nabigla ako nang tinanong `to ni Kitchie.

"Uh, Oo. Kilala mo?"
"Uhm... No! Hehe. Pero... I heard him... I heard he`s gwapo!"

Halos masampal ko ang sarili ko sa sinabi ni Kitchie. Yun lang ba ang narinig niya? Di ba niya narinig na playboy yun? GRRR.

"Maraming girls na nagkakandarapa sa kanya dun sa skul ko nung highschool, but I haven`t met him yet."

Tumango si Jason at Emily. Ako naman ay napa head-to-foot kay Kitchie. Oh great! Ngayon, binigyan niya ako ng ideya. Dapat ko siyang ilayo kay Brent Cruz dahil sa itsura nitong si Kitchie, baka madali `tong mapaikot dahil sa kabaitan at ka inosente, at dahil sa kagandahan ay matukso niya si Brentat paglaruan pa siya nito.

"Hi Maxine! OMG! You look so fabulous! i like your style." Si Ara naman ang nag head to foot sa akin ngayon.
"Ahh. hehe Salamat, Ara!" ^-^

Ngayonm di ko alam kung paano `to. Nandyan kasi ang mga kampon niya sa likuran na sina Lia at iba pa. Tapos kasama ko pa `tong si Emily at Jason.

"I think my Balenciaga would look great on you. Punta ka sa bahay ha. Ibibigay ko yun sa`yo..."

OMG! Punta sa bahay? BAHAY NINO? Bahay ng mga Cruz? Ang Brent? That demon! Brent DEMON Cruz! Sorry sa mga iniisip ko, Ara! Feeling ko tuloy tinatraydor ko siya.

"Sige bah!-" bago ko pa madagdagan ay napansin niya na ang aking mga kasama.
"Eww." Natigil siya kay Kitchie dahil ang dalawa ay kilala niya na.
"Hi! I know you, you`re Ara right? My name is Catherine San Juan. You can call me Kitchie." Ngiting ngiti pa si Kitchie habang naglahad ng kamay.

Si Ara naman ay sumulyap sa mukhang nandidiri niyang mga kaibigan sa likuran.

Nginitian niya rin si Kitchie, pero nanunuya ang ngiti niya.

"I can`t believe Maxine`s in here. Gosh!" Tumingin siya sakin. "Nice choice of people, Max! Well, I don`t care... they`re just your... uh... classmates anyway. Nothing special, right?"
Nagkibit-balikat ako at halos matawa sa mukha niyang worried at naghi-hysterical para sa akin. "They`re cool." Sabi ko. Pati si Emily at Jason ay bahagyang natawa. ^-^
"They can`t be..."

Dinungaw niya ang kamay ni Kitchie na nakalahad parin. :o

"Oh my gosh!" Tapos umalis na siya kasama sina Lia. "Did you see that? My Maxine is abducted by those filthy insignificant others..." Sabi niya kay Lia at sa iba pang kasama. "Max!"
"Yep?"
"Call me, aryt?"
"Aryt!" ;)
Ngumiti siya sa akin at binigyan ng maasim na mukha ang mga kasama ko at tuluyang umalis.

Natawa si Jason at Emily sa asta ni Ara. ;D :P





"She... didn`t like me?"

At si Kitchie ay hilong-hilo pa sa pagtanggi ni Ara Cruz sa kanya. Syempre, si Ara Cruz yun, alam niyo naman yun. Pero may parte din saking sumigaw na, 'pero si Kitchie San Juan din ang tinanggihan niya, Ms Teen Phils, Miss Congeniality'. Oh well, that`s just because... again...

"She is Ara Cruz."

H2.Common friends





"Kilala mo pala si Ara Cruz?" Tanong ko kay Kitchie habang umuupo kami para umorder ng kape sa Coffee Bean.
"Oo. I mean... sinong hindi nakakakilala sa kanya." Sabi niya.

Halatang hindi parin siya mapakali sa nangyari.

"Edi kung kilala mo siya, dapat alam mo na ring hindi siya madaling ma-impress at masyado siyang maarte." Sabi ni Emily.
"Uh, pagpasensyahan mo na si Ara, Kitchie."
"Si Maxine lang yata yung gusto niya sa mga freshmen eh kaya wa`g kang mag alala, di ka nag-iisa!" Dagdag ni Emily.
"Buti ka pa, Max... Gusto ko kasi siyang makilala eh kasi sikat siya at maganda. Sabi pa ni Daddy mabait daw si Ara."
"Kilala ng Dad mo si Ara?"
"Uh, kasosyo kasi ni Dad ang Governor sa business."
Tumango ako.
"Anyway," Umaliwalas ang mukha niya. "marami pa naman akong time para maging kaibigan siya kaya okay lang!"
"Oo nga naman." Sabi ko.

Abala si Emily at Jason sa pag uusap tungkol sa mga librong dala ni Emily. Minsan nga pinagmamasdan ko silang dalawa, masaya. Pero yun nga lang di ko maialis sa isipan ko na manhid din itong si Emily kung minsan at ito namang si Jason sobra sa pagkatorpe!

"Hi!" Bigla kong naaninaw si Chad.
"Chad!" Sabi ni Kitchie.
Ngumiti si Chad kay Kitchie at sa akin.
"Hello!" Ngumiti din ako. "Upo ka muna..."

Umupo din naman si Chad at ngumiti.

"Magkakilala ka`yo?" Tanong ni Kitchie.
"Oo. Since highschool." Sagot ni Chad.
"Cool! Ah oo nga pala! Kaya din magkakilala ka`yo ni Ara, Maxine, dahil schoolmates kayo nung Highschool diba?"
"Oo."
Tumango si Kitchie.

Siguro ang mga tipong babae ni Chad ay ang mga tulad ni Kitchie. Mabait, friendly, sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya? Iniisip ko pa lang nagseselos na ako eh.

"Chad, kelan nga ba yung training camp natin para sa Intergames?" Tanong ni Jason.

Oo nga pala, si Jason ay parte din ng basketball varsity team.

"3rd week of the month pa naman yun. Tsaka dalawang araw lang, bakit?"
"Hindi ba pati ang volleyball team, Max?"
"Huh? Hindi ko alam eh?"
"Oo! Si Coach Paul din diba? Ibig sabihin may training camp tayo magkasama." Sabi ni Jason.

Nabigla ako! Traning Camp? WHOA! Bakit huli ako sa balita?

"Wow! Talaga!? Oo nga pala! Malapit na ang Intergames! Naku, Max, magchi-cheer talaga ako para sa`yo!" Sabi ni Kitchie na mas excited pa sa akin. "Gumawa tayo ng banner, Emily!"
Si Emily naman ay inayos lang ang eyeglass niya at ngumiti sa akin.
"Wa`g na no, nakakahiya!"
"Ang galing mo kaya! Marami ka yatang fans sa mga kaibigan ko! Naku! Excited na ako!" Pumalakpak pa siya. "Pati din sa Basketball team, Chad!" Ngumiti siya kay Chad at ngitian din siya nito.
"O sige bah!"

:'( Nakakainggit naman! May guts siyang mag cheer kay Chad, ako nanonood naman ako sa games nila...nagchi-cheer din naman pero... nakakainggit yung moment nila.

"Hello, Dad?" Biglang umalis si Emily para sagutin ang phone niya.
Tumingin ako kay Jason, "Kukunin na siguro." Sabi niya at linigpit ang mga libro ni Emily.

"Maxine! Pag mananalo kayo sa Intergames mag celebrate ta`yo huh?"
"Oo bah! Pero naku, hindi ko alam kung mananalo kami, magagaling yata yung ibang universities eh!"
"Sigurado na yan! Kaw pah!"

Ngumiti na lang ako.

"Nga pala, Chad, kamusta ka na?" Tanong ni Kitchie kay Chad.
"Okay lang naman."
"Sina Tita at Tito, kamusta na?"

Oo nga pala, family friend nga pala nina Chad si Kitchie.

"Okay lang. Si Dad mejo pressured sa trabaho. Kayo? Tsaka di kana masyadong pumupunta sa bahay ah?"

Kakainggit naman talaga `tong si Kicthie!

"Max?" Nakabalik na si Emily. "Alis na ako. Nandyan na sundo ko eh."
"O sige-"
"Ako din Max, ihahatid ko si Emily sa labas, tapos aalis na rin ako."

Napatingin si Emily kay Jason at binalewala ulit hanggang sa umalis na silang dalawa.

Halos kalahating oras sina Chad at Kitchie na nagchi-chikahan. Paminsan-minsan ay nasasali din naman ako sa kanila.

"Uuwi na siguro ako. Hinahanap na ako ni Dad eh." Sabi ni Kitchie.
"Ako din." Sabi ko nang namalayang gabi na.
"Sige, ihatid ko na lang kaya ka`yo?"
"Talaga? Sige bah! Malapit lang din naman ang bahay namin sa inyo." Ngiting-ngiti si Kitchie.
"Ikaw, Max?" Tanong ni Chad sa akin.
"Uh eh, malayo ang samin eh. Domino Heights..."
"Okay lang... hindi pa kita naihahatid eh."

Pero ayaw ko talaga. Nakakahiya kasi eh, sa kabilang dako ng syudad pa ang Domino Heights. Kailangan pa nilang bumalik sa dinaanan nila galing sa amin para lang makauwi sa kanilang mga bahay. Nakakahiya.

"Oo nga, Max! Okay lang naman yun!"
"Pero matatagalan pa kayo..."
"Okay lang. Walang kaso yun kina daddy lalong lalo na kung si Chad ang maghahatid sa akin."
"Uh, sige... kayong bahala."

At hinatid nga nila ako. Nasa likuran ako samantalang si Kitchie ang nasa harapan. Talak siya ng talak habang nagmamaneho si Chad sa sasakyan niya. Unang beses kong makasakay sa sasakyan ni Chad ngayon.

"Hahah!" Kanina pa sila tawa nang tawa dahil sa mga naalala nilang mga sandali. "Naalala mo nung 3rd year high school ka na birthday mo? Ano nga ulit yung pangalan nung kaibigan mong kumanta sa harapan na nidedicate ang kanta para sa akin?"

Nakarating na kami sa labas ng subdivision. Lumiko naman agad si Chad.

"Idiresto mo lang, Chad, tapos sa kanan." Sabi ko. :-[

Tumingin si Kichie sa akin habang nakangisi at di pa napapawi yung tawa sa mga pinag usapan nila ni Chad.

"Sorry. hehe." For interrupting.
"Anong kulay ng gate niyo, Max?" Tanong ni Chad.
"Maroon." Sabi ko.

"Hmmm, third year high school? Birthday ko? Sino ba yun? Anong kinanta?"
"Yung kumanta ng Crazy for this Girl?"
"Dito!" Sabi ko at agad hininto ni Chad ang sasakyan. "Sorry ulit."
"Ah! That was Brent Cruz."
"Ahhh! Brent Cruz."

Brent Cruz? :o

"Uhmm, salamat sa pag hatid. Uh, gusto niyong pumasok muna?" Tanong ko.
"Mmm, next time na lang siguro, Max. Baka hinahanap na `tong si Kitchie sa kanila eh."
"Yun nga rin ang iniisip ko eh. Sige, salamat ulit." Lumabas na ako sa sasakyan at nabigla ako ng lumabas din si Chad.
"Thanks for today." Sabi niya.
"Ako nga dapat magpasalamat eh."

Tiningnan niya ang bahay namin kaya napatingin na rin ako.

"Nahatid na rin kita, finally." Ngumiti siya.

Kinikilig talaga ako kay Chad!!! :)

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText