<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Sign 36-40


SIGN 36~
Summer: sa katatakbo ko







Half-running akong umalis. Dumami ang taong nakasalubong ko kaya kahit todo ang tawag niya sakin at habol, di niya parin ako naabutan.

"Bwusitttt..."

Nabigla na lang ako ng may humarurot na sasakyan sa likuran ko. Lumabas ulit siya sa sportscar niya. Kakahiya na, andaming taong nakatingin.

Patuloy ako sa paglalakad, pagtakbo.

"Summer! Sandali!"

Sumakay ulit siya ng sasakyan. Parang gag0 `to. Ayyyy, yung signs ko pala. GRRRR.

Signs parin ba ang iniisip niya kaya niya `to ginagawa? This is sign 1 and 2... Shucks! Ang kapal kapal naman talaga ng mukha niyang isipin pa ang mga signs sa lahat ng nangyari samin. C`mon!

"Aaaahhh! Shiyeeet!"

Natanggal ang takong ng wedge ko. Grabe naman. Wedge na nga, matatanggalan pa ng-

"Aaaah!" Mahuhulog-
"Dahan-dahan kasi."

Mahuhulog ako. :(" title="Angry" class="smiley" border="0">

4 signs in a row. This is so Lex. Grrrr. I hate him! :(" title="Angry" class="smiley" border="0">



"Bitiwan mo nga ako!"

Pinutol ko na rin ang isang takong ng wedge ko. Ang hirap ah! Superrr no. Lalo na pag pinipilit mong putulin ang isang takong.

"Bili na lang tayo ng sapa-"
"Shut... UP! Don`t get near me... Lex. If you think that I`m still up with the signs, then you`re wrong."

Tiningnan ko ang paligid and my God, pinapaligiran na kami ng mga usisera at usisero.

"Wa`g mo kong sundan!"

Iniwan ko siya ng tinatawag parin ako, "Summer~!"

Tumakbo na ako. Tumakbo. Tinanggal ko na ang wedge ko`t paa na lang ang gamit ko para di niya talaga ako masundan.

Umikot pa ako sa malayong part at di ko na inisip na mainit. Sa wakas, di niya naman ako nasundan. Nakarating na ako sa Starbucks. Errr. :-[

Naguilty naman ako dun kaya wala akong iniisip habang papasok ako ng Starbucks kundi yung ginawa ko. Pwede namang sinabihan ko siyang ayaw ko sa kanya, hindi yung sinisigaw-sigawan ko pa. Anyway, mabuti na rin yun para malaman niyang seryoso ako. And hell, why is he here? Shucks! Tumindig ang balahibo ko.

"Summer! Anong nangyari sayo?" Tumawa si Nadine. "Para kang na rape ah?"
"Wala..." I sighed. "Naputol ang takong ko."
"Owww. Tapos? Bili ka ng bago... Paano na yan."
"Teka... Ba`t ba yan naputol?" Tanong ni Aliyah.

Natigilan ako at inisip ko kung ano ba yung importanteng sasabihin niya.

"Ano yung sasabihin mo sakin?" Tanong ko.
"Omy God! Buti pinaalala mo. Sabi ni mama, si Lex dawww nandito sa syudad!"

Napasinghap ako.

"Ano naman daw ang gagawin niya dito?"
"Sabi ni mama, may importante daw siyang business at mukhang matatagalan siya. Grabe."
"Saan siya tumutuloy?"
"Sa subdivision din namin, may bahay din sila dun eh."

Napabuntong-hininga ulit ako.




"Ba`t di ka nabibigla?"
"Nagkita na kami kanina. Kaya nasira ang wedge ko dahil sa katatakbo ko. langya. Bumili pala siya ng sportscar?"

Bumili na naman siya para makuha ako? Errrr.

"Ahhh. Yun ba? Last year niya lang yun binili. Ay... Oo nga pala. Di niya yun dinala sa isla eh. Nasa garahe lang yun ng bahay nila dito."
"Whattttt?"
"Oo."

Hindi niya yun sinadya? Whatever! May mga signs na sinadya niya, may mga hindi naman...
Tsaka, ba`t ko naman iisiping bumili siya ng sports car para sa signs ko? Hindi naman ako ganun ka importante para gumastos talaga siya ng ganun pabigla-bigla.

Nagkataon lang yun. Grrrr. And my God! What will happen to me if Lex is around the city?





SIGN 37~
Summer: I`M SORRY, Sir.










Naman! I need to be different. Dalawang araw na akong weird ang kinikilos - kailangan eh. Kailangan kong mag-ingat, baka bigla akong makita ni Lex. Kaya di ako umaalis ng school kung di rin aalis sina Aliyah at Nadine gamit ang sasakyan niya. Ayokong maglakad-lakad sa labas at baka makita ako ni Lex. Kahit dito sa skul na di umanoy di nakakapasok ang mga outsiders ay di parin ako mapakali.

"Ang tagal..." Sabi ko habang bumibili ng Zagu. ???

LOL. Alam kong may pasok ako ngayon sa Philo, pero wala naman yung prof ko kaya di ako masyadong nagmamadali kahit 15 minutes late na ako.

Pagkatapos kong binayaran ang Zagu, umalis na ako sa canteen at dumiretso sa classroom. Sorry, matagal pa akong dumating kasi mejo mabagal akong mag lakad.

Sa labas ng classroom, nakita kong tahimik at nakatunganga ang classmates ko sa blackboard. Yung iba, nakangiti... yung iba nakanganga... :o

Agad naman akong pumasok ng walang pag-aalinlangan.

Pagkapasok ko, may naamoy akong isang pamilyar na amoy. Nostalgic ang amoy at parang ang dami kong naaalala. :-\

I sipped on my Zagu as I tried to sit beside Kevin, nakatalikod parin ako sa board na tinutungangaan ng mga kaklase ko.

"May substitute teacher." Bulong ni Kevin.

Agad akong lumingon sa black board. Una kong nakita ang nakasulat na "Lex Andrew Santos or Sir Lex." Na nakasulat sa pisara.

And the next... of course... who else would smell that way? And who else would write that name on the board?

Napanganga ako habang nakikita kong nakahalukipkip at tumititig sakin si Lex. Ang mga nakangangang classmates ko naman ay tumingin na rin sakin at tumawa pa sila.

"Anong oras palang nag s-start ang klase dito?" Tanong ni Lex.
"Nine-thirty, Sir." Sigaw ng mga kaklase ko.
"Anong oras na? Miss Romero." Sabi niya ng seryoso.

"Owww. Kilala siya." Bulong nung isang babae sa likuran ko.

Di ako nakapagsalita at hanggang ngayon nakatayo parin ako. OMG! This can`t be happening! I don`t like this! Magiging prof ko siya? Lanya? Di nga? OMY.

"Uh, Sir... It`s 9:55 when she arrived." Kevin pulled me down to my seat.

"Errrr, defending the kabit..." Bulong ni Lauren sa unahan habang napapailing.

"The instructions weren`t clear kasi... Sabi ni Sir na wala daw siya kaya-"
Tumango si Lex then he looked away.

"Omyyyy..." Bulong ko sa sarili ko. He can`t be my prof! No way...

"So, san na nga ba tayo? Yeah, you can call me Sir Lex or Sir L if you want..."

Sir L mukamo!

"And... I`ll be your substitute teacher for this subject, Philosophy of Man..."

Blablah...blah! Batuhin kita ng Zagu diyan!

"Summer, kilala mo siya?" Tanong ni Kevin nang napansing todo ang gigil ko sa Zagu ko habang nakatingin kay Lex.
"Uh, nope." Huminahon ako.

"And-"
"Sir, may GF ka na ba?" Tanong ng kaklase kong babae.

Sows. Kaya naman pala manghang-mangha sila kanina pagkapasok ko dahil may Lex Luthor palang nakatayo sa pisara. Naku, kung alam niyo lang kung paano siya manloko. Nakakabwusit. Errr. Di na ba pwedeng lumipat ng section? HUHU

"Uh.. Wala pa... But I`m taken." He smiled to that girl.
"Awww." Hiyaw ng mga kaklase kong babae.

"Ang gwapo naman niyaaa." Bulung-bulongan sa likuran ng mga babae.

"Summer, gwapo niya no!?" Nicole said.

Di na lang ako umimik. :-X

UGH. Why am I feeling something? It`s weird? Para akong batang inaagawan ng kendi. Ewan ko.

"Ano pong ibig sabihin nung taken?" Tanong ng babae.

Humiyaw ang buong klase...

"UYYYY. Anong takennnn?"
"My heart`s taken." Sabay turo sa dibdib niya. "But we`re not together."
"HAAAAA?" Sumobra na talaga ang hiyawan ng mga kaklase ko.

Napailing na lang ako. Loko! Grrrrr. Feeling ko naman ako.

"Ba`t naman, Sir? Ang swerte naman... nung babae." Tanong nang isa pang kaklase kong babae.
"Ganyan talaga, class. If you love someone, you should love them like loving sunsets. You love sunsets, but you don`t own them. Everyone loves sunsets, but nobody owns them."
"Awwwww."

Peste. Kilala ko yung line na yun ah. Napainom ulit ako ng Zagu. Ha-high bloodin yata ako dito.

"Naku naman, Sir... Paano yan? Edi walang mangyayari niyan?"
"Oo nga!" Hiyaw ulit ng mga kaklase ko.
"Hindi... kaya nga nandito ako, narealize kong kailangan ko siya... sa buhay ko."
"AWWWWWWWWWW!" Sumobra ang hiyawan.

Napaubo ako dahil nasobrahan ang pag-inom ko ng Zagu. Nabigla yata ang voicebox ko kaya napaubo ako.

"Summer, okay ka lang ba?" Sabay himas ni Kevin sa likuran ko.

Napatingin halos lahat ng kaklase ko sakin kaya, "Excuse me." Ang weird.

"ehem, by the way... Di ba bawal ang kumakain o umiinom habang may klase?"

Lalo pa akong naubo sa sinabi niya. :-[

"Sorry," Sabi ko habang tumatayo.

"tssss. Buti nga!" Bulong ni Lauren.

"Itatapon ko lang `to." Sabay turo sa labas.
"No... Next time na. Ayaw kong may bigla na lang lumalabas sa klase ko."

Napaupo ulit ako.

"Sana wa`g niyo siyang tularan class... Wa`g kayong mag dala ng pagkain sa klase..."
"I`M SORRY," Kainis! Nang-iinsulto pa yata. "Sir." Tumaas pa ang kilay ko habang hinawakan ni Nicole ang braso ko, tanda ng pagpapahinahon sa highblood na ako.

Sir... Sirrr? Napatalon lahat ng balahibo ko dun ah?



SIGN 37~
Summer: Napahiya lang ako,








Buong period akong nakatunganga dahil masyado akong di makapaniwala na si Lex nga ang magiging prof ko for Philo.

Nagpapirma pa siya ng kung anong attendance-paper para sa aming lahat.

"Summer, di mo yata nalagyan ng number mo..." Sabi ni Nicole.

Tinuro niya ang column ng CellPhone number sa diumano`y attendance sheet.

"Ah... Wa`g na... Pwede naman sigurong wala na..." Palusot ko.

Syempre... maaring modus lang ni Lex ang attendance sheet na ito. Ayoko nga no!

"Okay..." Tapos pinirmahan na ni Nicole at linagyan na rin ng number.

Binigay niya sa mga tao sa likuran para mapirmahan narin nila.

"Magkaibigan pala sila ng dating prof natin... Summa Cum Laude pala si Sir Lex." Bulong ni Nicole sakin habang nakapangalumbaba sa desk ko.
"Owws. Talaga?" :(" title="Angry" class="smiley" border="0">

Naninibago pa ako sa pagtawag niya kay Lex na 'sir' dahil ang alam ko, mga taga Sortee lang na empleyado ang tumatawag sa kanya ng ganun. Ngayon, pati mga classmate ko - pati ako.

"Oo. Sana linagay mo yung number mo dun, malay mo itext ka pa niya... nakuha mo attensyon niya kanina eh... diba?"

Tinitigan ko si Nicole, magpo-protesta na sana ako sa sinabi niya kaya lang...

"Malabong mangyari yan..." Sabat ni Kevin.

Oo nga. Epal naman `tong si Kevin, pero may point siya. :P

Sasagot na talaga sana ako pero...

"Romero... Arianne... Summer?" Sabi ni Lex habang nakatingin sa papel na di umano`y attendance sheet.

"Si-Sirrr?" Whoa... Sir again!

Time na, SIR!

"You did not provide your cellphone number." Sulyap ulit sa akin at sa papel.
"Uh.. Kasi sir, wala akong cellphone."

Natigilan siya. 8)

"Asus. Ang feeling naman..." Bulung-bulungan ulit sa likuran.
"Tama na yung side comments please." Parinig ko sa mga nagbubulung-bulungan.

Pero ewan ko kung sinadya ba nung mga tao sa likuran, hinulog o nahulog ang bag ko kaya tumilapon din ang mga gamit ko, pati ang cellphone ko.

"Gosh!" Pinulot ni Kevin ang mga nahulog.

Ang cellphone ang una kong pinulot.

"I`m not getting your numbers for personal purposes, class." Sabi niya habang nagsusuplado at ni di ngumingiti.

*Ding-Dong-Ding*

"Class dismiss."

Napairap na lang ako pagkatapos mapulot ni Kevin lahat ng gamit ko.

"Summer, mauna na ako... may klase pa." Sabi ni Nicole.
"Sure."

Umalis na lahat ng kaklase ko.

"Summer, I think you need to put your number on Sir L`s attendance sheet." Tumango ako kay Kevin, ayaw ko rin naman kasing magduda sila.

Nagmartsa na ako patungo sa kay SIR Lex na inaayos pa ang gamit niya sa harapan at di pa nakakaalis.

"Sir, ilalagay ko na ang number ko." Sumulyap pa ako sa gilid ko kung saan nakatayo si Kevin.

Sumulyap din si Lex kay Kevin habang binibigay sakin ang attendance sheet.

"Tapos na." Binigay ko ulit ang papel sa kanya.

Kinuha niya naman agad.

"Kev, alis na tayo..." Sabi ko.

Sumulyap pa ako kay Lex bago kami lumabas ni Kevin. At talagang nakatitig pa siya saming dalawa habang papalabas kami.
Grabe, para akong kinakagat ng mga langgam kung saan saan paglabas ko nang classroom.

"GRRRR. Kakainis! Bakit ganito?" Linagay ko ang kamay ko sa noo ko.
"Bakit, Summer? Okay ka lang ba?" Tanong ni Kevin sakin.

Tumango naman ako. Nakita ko rin sa ekspresyon ni Kevin ang pagtataka sa weirdong kinikilos ko.

"Napahiya lang ako, kaya naiinis ako sa bagong Prof natin." Sabi ko.
"Okay lang yan, mejo di ko rin gusto ang tono niya eh. Mukhang hobby niya yata ang pang-iinsulto at masyadong mayabang pa..."

Natigilan ako sa sinabi ni Kevin.

"Hindi naman ganun si Le-... I mean, di naman siguro."

Anuuu ba, Summer? ERRRR.....

"Excuse me..." Sabi ni Lex habang dumadaan sa gitna namin ni Kevin.

At talagang dumaan pa siya sa gitna ah! Sa laki ng daanan, sa gitna pa talaga siya dumaan.

Oppps, narinig kaya kami? :o :-X

Hindi naman siguro, dahil di naman kami pinansin.




SIGN 38~
Summer: Bakit, Nicole?











Naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko. Nagmadali akong kunin `to.

"Kala ko tinapon mo ulit sa basurahan ang phone mo."

Yun lang ang nakalagay.

"Sino yan?" Tanong ni Kevin sakin habang naupo kami sa isang table sa canteen.
"Di ko alam..."

Deny ko yun. Alam na alam ko kung sinong nagtext nito.

Reply ko: Please stop texting me. I`m not interested.

"Patingin nga ng number, baka kilala ko..." Sabi ni Kevin.
"Wa`g na... Errr. Na delete ko na."

Ano kayang magiging reaksyon nila kung malaman nilang si Lex na Sir nila... eh... eto?

"Summer!" Sigaw ni Aliyah at Nadine habang papunta sakin.

Nakita agad ni Kevin ang dalawa kaya, "Summer, alis muna ako."
Tumango na lang ako.

Napairap pa ang dalawang pinsan ko kay Kevin.

"You are not dating him again!" Sabi ni Aliyah.

Wow? Ano yun? Interrogative or Declarative sentence?

Napailing na lang ako.

"Anyway, Summer! Ano na? Yiii!" Sabay pakita ni Nadine ng peace sign.
"Anong ano na? Wala eh.. Mag su-suicide na ako. Bakit siya andito? My god!" Sabi ko habang ginugulo ang buhok ko.
"OA mo ha..." Aliyah said. "Andito siya, para magturo, ano pa ba?"
"Hindi eh... Sinabi niya kanina... sa klase, na andito siya para kunin kung ano man yung kailangan niya sa buhay niya."
"Di nga?"
"Wow... mukhang pipikutin ka yata ng pinsan ko ah." Sabay halakhak ni Aliyah. "Sinabi niya yun? Edi may gusto nga siya sayo?"
"Ano ba!"
"Anong masama dun?" Sabat ni Nadine. "Sabagay, he cheated on you... pero... yeah, di rin kita masisisi. Pero kung gusto mo rin naman siya..."
"Ano ba? Mag-aaral ba ako o magboboyfriend ulit?" Umirap ako.
"IKAW!" Sabay pa silang dalawa.
"Mga loka kayo..." Umiling ako.

Nag vibrate ulit yung phone ko. Binasa ko naman agad nang umalis ang dalawa para bumili ng pagkain.

Lex: Ibagsak kaya kita sa Philo mo?

Kainis! :(" title="Angry" class="smiley" border="0">

Reply ko: Subukan mo lang...

Kainis. Peste.

Pero may mas nakakainis pa se last reply niyang "Ibagsak kaya kita sa Philo mo?".
Yung masaklap na katotohanang hinintay kong magtext ulit siya hanggang 12 midnight nang gabing iyon. Kapeste talaga, hindi siya nag text. Ano kayang ginagawa niya? errr..

At ano na naman `tong ginagawa ko?

Sometimes the things that you`ve decided to avoid are those things that are happening again and again.

"Uhhh. Di ako nagbasa..." Yun lang ang nasabi ko pagkatapos akong tawagin ni Lex para sagutin ang isang tanong na hindi ko lubos maintindihan.
"May libro ka ba?" Tanong niya.

Napailing ang mga classmates ko.

"Meron."
"Asan ba?"
"Nasa locker."
"Ano yun? Pinapabasa mo ang locker mo nang libro?"

Umirap na lang ako habang umupo.

"Ako sir... Nagbasa ako!" Sabay pataas ng mga bruhang babae na kaklase ko.

OO NGA SIR! Ba`t di sila ang tawagin mo. Kalokohan naman talaga ito. Grrr... Ibabagsak niya kaya ako kung patuloy ko siyang di-deadmahin? I sighed.

"Napahiya ka na naman kanina ah. Paborito ka na yata ni Sir!" Sabi ni Nicole.
"Oo nga. Nakakainis, mukhang ayaw niya sayo kaya lagi ka niyang pinapahiya Summer. Sarap upakan eh. Di naman siya ganun ka tanda satin."
"O siguro naman nagandahan yon sayo kaya ka ginaganoon."

Napailing na lang ako habang sumasandal sa punong kahoy. Si Nicole naman at Kevin ay nakaupo sa bench. Nakita ko si Lex na dumaan sa 2nd floor ng kaharap na building namin.

Napatingin pa siya sa banda ko at kumaway pa ito. Arooooy. Pa kaway kaway pa. Weirdo. Napatawa akong bahagya... napakapursigido naman talagang pikutin ako. Kainis!

Pero kung inaakala niyang nasisiyahan ako sa mga pinaggagagawa niya, nagkakamali siya. Kung pursigido siya, mas lalo akong magpupumiglas.

Sa mga sumunod na araw, napagdesisyonan kong magdadala ng libro ngayon para di na ako ma special mention ni Lex. Humanda siya. Kinuha ko ang libro sa locker ko nang may napansin akong isang heart-shaped na Ferrero Rocher.

My heart skipped a beat. :o ::)

Ang nasa note lang nito ay, "Kilala mo na kung sino ako."

Walang heya! Kilalang kilala ko nga. Nasa signs ito diba? Hindi ko nga lang alam kung aling sign doon. Kinalimutan ko na ang signs na yon. Pero... bwisit. Pursigido parin ba siyang tapusin ang signs kahit ayoko na talaga? Akala ba niya makukuha niya ako sa mga ganito niya? Kala niya ba makukuha niya ako kapag makuha niya na ang signs? Nagkakamali siya.

Padabog kong sinarado ang locker ko. All the way to our room in Philo, nakasimangot ako`t lahat-lahat na.

Humanda talaga yung Lex na yun sakin! Pasalamat siya`t di ako makapagpalabas ng kahit anong ekspresyon mamayang klase namin dahil ayokong malaman ng classmates ko ang mga nangyayari.

Pagdating ko sa room, magulo at maraming nakatayo sa upuan ko. Ano yun? Tsaka, wala pa si Lex ah?

"Summer,"
"Bakit, Nicole?"

Umalis ang lahat na nakatayo sa upuan ko`t nakita kong bigla ang tatlong rosas na nakalagay sa desk ko.

"May secret admirer ka?" Tanong ni Nicole.

Lumingon ako kay Kevin, umiling siya.

Of course! Di ko iniisip na si Kevin ang naglagay nito dahil tulad kanina, alam ko na rin kung sino ang naglagay nito dito. At di pa siya dumarating hanggang ngayon. GRRRRR. Humanda na talaga siyaaaa!







1. may sports car siya.
2. he'll chase me with his sports car.
3. masusukahan ko siya.
4. papagalitan ako sa sobrang pag-inom.
5. mapuputulan ako ng takong na kasama siya.
6. kinanta niya ang kantang gusto ko.
7. he'll dance with me (sweet music).
8. He'll gimme a heart-shaped chocolate.
9. He'll give me three roses.
10. he'll kiss me on the rain.
11. he'll introduce me to his parents.
12. pasado ako sa at least tatlong subjects sa panahong kilala ko na siya.
13. aaminin niya sa aking mahal niya ako - of course, before I do.
14. he'll cook for me.
15. he'll cry in front of me.
16. inakbayan niya ako in public.
17. he`ll give me a balloon.
18. He'll take a picture of me.
19. tatanggapin siya ni mama at papa.
20. ililibre ako sa isang mamahaling restaurant ng kahit anong gusto ko.
21. he'll catch me when i fall.
22. he'll choose me over another girl.
23. may earing siya.
24. kapag pinunasan niya ang luha ko kapag iiyak ako




SIGN 39~
Summer: just, stop this!







Linagay ko sa upuan ni Nicole ang three roses na nasa desk ko.

"Ano yan?"
"Di yan akin." Sabi ko.

Nagkagulo ulit ang mga tao sa room dahil sa paghahanap ng kanikanilang upuan dahil dumating na ang pinakahihintay nating Sir Lex!

"Sayo yan, Summer." Sabi ni Nicole sabay lagay ulit ng three red roses sa desk ko.
"Errr." Linagay ko na sa sahig na daanan ng mga tao.

Para pag maapakan yan, wala na akong problema diba?

"Okay, let`s start our class with a recap. And then, we will have a long exam."

Napanganga ako sa sinabi ni Lex.

"Yes! Buti nag-aral ako." Sabi ni Nicole.

Ganun narin ang nasabi ng mga blockmates ko sa likuran. I bet nag-aral silang lahat dahil si Lex ang prof. Paano ako? Pero, siguro naman may matino akong maisasagot kahit papaano. Errr.

"Mr. Asuncion..." Sabi ni Lex.

Napatingin ako kay Kevin.

"Can you give us a brief recap about our last session?"
"Uhhhh..."

Dumaan si Lex sa daanang sinasabi ko. Then he stared at the three red roses on the floor.

"We discussed about the..." Blablablahhh.

Di na ako nakinig sa mga sinabi ni Kevin at mukhang ganun din si Lex dahil panay ang tingin niya sa red roses na nasa sahig.

"Mr. Asuncion, nakita mo ba ang mga basurang nasa paligid mo lang?" Off topic na tanong ni Lex.
"Huh?" Napatingin din si Kevin sa sahig at nakita niya ang 'basurang' sinasabi ni Lex - ang roses.

"Class, sana bago tayo magsimula, kung may nakikita kayo sa paligid niyong mga basura... linisin niyo naman!"
"Yesss, sirrr." Sabi ng ibang kaklase ko.

Pupulutin din sana ni Kevin ang three red roses pero naunahan na siya ni Lex.

"Okay. Let`s start our long exam!" Sabi niya at nag-iba pa talaga ang tono ng pagsasalita niya.

"Kainis talaga! Ang yabang!" Sabi ni Kevin. "Upakan kita diyan... Kala mo kung sino."
"Cool ka lang Kev." Sabi ni Nicole.
"Bwusit eh! Ano bang excuse yung sinabi niya para mapagalitan pa ako? Kainis..." Pumula na talaga ang mukha ni Kevin.
"Kev, sorry. Kasalanan ko. Ako yung naglagay ng roses dun eh..."
"Okay lang, Summer. Eh hindi niya naman kasi kailangang pagalitan pa ako dahil lang dun!"

"Shhhhhh!" Tinitigan ni Lex si Kevin. "We are to start our long exam, please stop talking Mr. Asuncion."

Para akong binagsakan ng langit at lupa. Loko `tong si Lex ah!? Mukhang pati si Kevin pinag-iinitan. Humanda siya!

"Summer, mauna na ako? May klase pa ako. Good luck." Bulong ni Kevin sakin nang natapos na siya sa exam-

"Shhhh! Wa`g nyong kausapin ang mga hindi pa tapos!" Sigaw ni Lex.

Talagang nakikita kong nag-iinit na ang ulo ni Kevin kay Lex. Kaya nung papaalis na si Kevin, nagkatitigan pa sila ni Lex.

GRRRRR... Tapos na ako pero di ko pa ipapasa dahil kailangan kong mahuli. Hanggang sa tatlong tao na lang ang naiwan.

DALAWA na lang... :(" title="Angry" class="smiley" border="0">

Yung isang naiwan, ay isang kaklase kong tahimik. Tiningnan ko siya at halos batuhin ko na ng ballpen dahil sa tagal matapos pero nabigla ako nang nakatingin din siya sakin at mukhang gusto niya rin yata akong batuhin ng ballpen.

Nabigla din ako nang bigla na lang siyang linapitan ni Lex at, "Tapos ka na ba?"

Nakanganga ang babaeng tahimik na kaklase ko, "Ye-Yes, Sir." Ngumiti siya`t parang natataranta.
"Ang tagal mo yatang natapos? Mahirap ba?" Ngumiti rin si Lex.

Ngayon, silang dalawa na ang gusto kong batuhin ng ballpen.

"Me-mejo po." Binigay nung babae ang testpaper niya`t tumayo ito.

Tumayo ako para sana ibigay na rin ang test paper ko, kaya lang bigla na lang siyang kumaripas ng takbo at binangga pa talaga ako. Tumilapon ang ballpen at test paper ko.

"So-Sorry!" Patuloy siya sa pagtakbo habang namumula ang pisngi.
"Shucks! Pwede ba! Wala namang asong humahabol sayo!" Sigaw ko.

Pinulot ko ang testpaper pero hinila ni Lex ang braso ko.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya, seryoso.
"O-Oo." Errr. Speechless?

Di ako makatingin sa kanya.

Siya na ang pumulot sa test paper at ballpen ko. Napansin kong may nahulog na isang note galing sa kamay niyang nakahawak sa test paper ng babaeng bigla na lang tumakbo kanina.

Pinulot ko `to.

"Princess - 09161234561."

Err. Now I know. Siguro, nahiya yun kanina. Kaya siguro yun tumakbo dahil dito. Sobra naman yata ang sex appeal ng gunggung na to`t dami niyang nabibiktima.

Binigay ko sa kanya ang note.

Kinuha niya tapos linagay sa bulsa.

Err. kala ko pa naman itatapon niya. :-[

"Tagal mo yatang natapos?" Naglakad siya patungong teacher`s table kaya sinundan ko siya.

I need to regain my madness.

"Sinadya ko yun para makausap kita!" Pinilit kong magalit.

At talagang natuluyan ang galit ko dahil naalala ko yung mga pagpapahiya niya sakin at kay Kevin.

"Tungkol saan?"
"Tungkol sa pagiging presko mo`t pagpapahiya mo sakin at kay Kevin!"
"Pinahiya ko ba si Kevin?" Tumaas ang kilay niya.
"Don`t play dumb! At ako? Pinahiya mo ko ah!" Suminghap ako. "Lex," Tinuro ko ang roses. Kinuha ko rin ang heart-shaped na chocolates na nakuha ko sa locker. "tigilan mo na ang mga signs ko dahil matagal ko nang kinalimutan yon!"

May kinuha siya sa ilalim ng teacher`s table. And tenenenentenen... Guess what? A baloon. shucks!

"Yoko nga." Ngumiti pa siya habang inaabot sakin ang baloon.

Napailing ako, "Lex, please stop this." Sabi ko, seryoso. "You can fail me in this subject... just, stop this!"

Naging seryoso din ang mukha niya.








:o :-\ :'(






"Naniwala ka naman? Di kita ibabagsak, dahil ayokong ako naman ang bumagsak sa puso mo."


Gumalaw mag-isa ang nagkakasalubong kong kilay. Takte~!






SIGN 40~
Summer: Tigilan mo na ako!










I hate this! Nakakainis naman siya! Alam niya namang gusto ko siya kaya ganito siya ka pursigido sa signs ko. Eh wala naman akong pakealam sa signs ngayon eh. Bwusit talaga.

Umalis ako sa classroom. Nagwalk-out na ako. Panglimang balloon na yung binigay niya kanina sakin at halos 3 weeks na rin siyang parang gag0ng nagdadala ng balloon araw-araw. Di ko kasi tinatanggap.

Nabigla ako nang nakita kong nakatingin ang halos lahat ng estudyante sa akin.

"Summer," Sigaw ni Lex galing sa likuran ko.

OH NO~! Wa`g niyo sabihing may balak pa siyang ipahiya ang sarili niya sa school? Com`on! Kung may balak nga siya, wa`g naman sana akong idamay.

"Summer,"

Tumakbo ako ng pa simple tapos naglakad ulit para hindi weird. Sobra nang kahihiyan ito, grabe na ang ginagawa niya.

*KRRRRRIIING*

"He-hello?"
"Summer, nasaan ka?" Tanong ni Kevin. "Ikaw ba yang hinahabol ni Sir Lex?"

Napatigil ako sa paglalakad at lumingon ako kung saan-saan para hanapin si Kevin. Nasa itaas siya ng isang building. Nakita ko siyang hawak ang phone at parang nagtataka sa mga nakikita niya.

Binaba ko ang phone.

Sobrang pinagpapawisan na ako dito-

"Summer..."

"YIIIII!" Sigaw nang isang grupo ng estudyante sa tabi ng tinatayuan ko.

"Bwusit-"

Naglakad ulit ako.

Sobrang iskandalo `to. Isang teacher na nagdadala ng balloon at hinahabol ang estudyante? WTF?

"Lex, what are you..." Napasinghap ako.

Naisipan kong tumakbo ulit papuntang library. Sana i-hold siya ng guard dahil sa balloon na hawak-hawak niya at tuluyan na siyang di papasukin.

Pumwesto ako sa library nang naiwala ko siya.

"Loko yun." Shyet.

Ilang sandali ang nakalipas, naamoy ko na naman siya.

Nakita ko siyang umupo sa harapan ko - salamat naman at walang dalang balloon.

"Desperado talaga `to." Sabi ko sa sarili ko.

Inintindi ko na lang ang mga librong dala ko at nagsimulang mag basa. Wow, milagro, nagbabasa pala ako ng libro no?

"Pssst."

Ayan na naman si Lex! Tiningnan ko siya.

"One week nalang." Ang nakalagay sa likuran ng notebook niya.

Umiling ako.

"Please forgive me."

Bwusit. Gusto kong tumawa. Ang kornix talaga ng matandang ito.
Ang sarap mag dirty finger minsan dahil sa kakornihan niya.

"Ehe-ehem!" Hirit ulit ni Lex para matoon ang tingin ko sa direksyon niya.

Ang nakalagay na naman sa notebook niya, 'Seryoso ako... sa`yo... di mo ba nakikita?' Napakamot ako sa ulo.

Agad siyang sumulat ulit sa notebook niya gamit ang isang marker.

'12, 16, 19, 20, 24... and kulang.'

'You'll pass 3 subjects naman siguro ngayon, let`s crash-out the 12th."

Umiling ulit ako at nagbasa.

"Psssst..."

Di na ako tumingin sa kay Lex.

"Pssst. Pssssstttt!!!"

NAKAKAINIS NA AH! Tiningnan ko siya. Masyado na akong galit kaya pinakita ko talaga sa mga mata ko.

"hehe" lang ang nakalagay.

ARGH! Di ba naiintindihan ng mokong na `to ang sinasabi ko? Leche!!!

'Tanggapin mo ang balloon, titigil na ako ngayon pramis.'

Linigpit ko ang gamit ko`t umalis na ng library. Tumigil din ako sa paglalakad para hintayin si Lex at ang sinasabi niyang balloon. Seryoso `to! Tatanggapin ko `to para wala ng gulo ngayong araw na `to. Ang kulit niya, sobra.

Nakangiti siya habang dala-dala ang balloon.

"Wa`g mo kong sundan, Lex! Tigilan mo na ako!" Sabay kuha ko ng balloon.
"Titigilan lang kita pag sasabihin mo sa harapan kong di mo ko mahal."

Umalis siyang bigla. Masyadong salida `to si Lex. May pa kondisyon-kondisyon pa siya. Errrr. As if naman... gagawin ko yun.
I mean, leche, bakit ganun? Seryoso ba siya dun? Sasabihin ko ba yun? Kaya ko ba? At kapag kaya ko nga... tototohanin niya kaya?


Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText