<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Step 21-30


[STEP #21] Bridgette Reah Francisco: that nerd.


"What's up with you, Gette?" Tanong ni Sam sakin.

Nag mo-movie marathon kami sa bahay nina Anya. Dito na rin kami matutulog. It's still 9pm and we are watching random movies.

"Ha?" Sabi ko sabay kuha sa potato chips.
"Wala kasi, di ka na masyadong nagpupupunta sa 1720 eh."
"Pumupunta naman ako ah!" I insisted.
"Pero not that much like before. And, ang mas nakakapagtaka, WALA KAAAANG BOYFRIEND!" Tumaas ang pitch ng boses ni Sam.
"Tsss. Ano ba!" sabi ko.
"Anya is falling in love with Jishi."
"ANOOO? You mean, yung drummer ng Hero?" Sabi ko.

Di ako makapaniwala. That guy named Jishi kasi is matalik na kaibigan ni Hiro. Tapos, di naman sa weird siya, kaso---he is a bit emo and I find him weird.

"Oo. HAAAY." Sabi ni Sam habang kumukuha ng potato chips.

Tumingin ako kay Anya. Ayaw kasi niya sa lalaking iyon.

"Oo. Ewan ko ba. TSSK." Yun na lang ang nasabi ni Anya.

So, I guess, di naman siguro nila ako ico-condemn if malaman nila na may gusto ako kay Rico or Rico and I are friends diba?
And come to think of it, wala na kaming koneksyon ni Rico pagkatapos ko siyang i-produce. At wala akong napagsasabihan ng problema ko. Tanging sa laptop ko lang nakalagay ang mga feelings ko---at di ko pa iyon ina-update dahil natatakot akong may makabasa.
To make it short, saakin lahat ng problema at magmumukha akong walang kaibigan nito.

"Kung ako ba, magkagusto sa taong pinandidirian natin, anong magiging reaction niyo?"

Napatunganga si Anya at Sam.

"HA? Why? Nagkakagusto ka na ba sa ganun?" Tumawa si Anya. "I mean, anong gusto? The LOVE-thingy?"
"Uh-huh." Sabi ko.
"I don't know. That's too impossible. Masyadong maraming cute guys na nagkakagusto at umaaligid-aligid sayo pero I've never heard you say something like---you like or love them seriously." Sabi ni Anya.

TAMA NAMAN SIYA.

Noon, Ang lagi ko lang sinasabi ay: 'gusto niya ako, kaya pagbibigyan ko siya.'

"Para sakin? I'd still support you, though! We are friends right?" Sabi ni Sam sakin.
"Hey! Wala naman akong sinabing di kita susuportahan noh!" Dagdag ni Anya.

Tiningnan nila ako ng may bahid ng pagtataka.

"NU BA KAYO! Nagtatanong lang naman ako. Akala niyo siguro may gusto na akong ganun noh?" Nagtawanan kaming tatlo.

At least now, I know that I really have them. May pagsasabihan ako. Pero for now, I still don't want themn to know about this. Hindi ko pa alam kung panu sisimulan at papaano sila papaniwalain. Papaano nga ba? At kelan ko sasabihin?

Saka na.

"HMMM. Ano, pumunta kaya tayo ngayon kina Jishi?" Sabi ni Anya.
"Ha? Bakit?" Tanong ni Sam.
"Andun daw kasi yung Hero sa bahay nila nagpa-practice ngayon." Sagot ni Anya.

Uminom ako ng juice.

"Talaga! Malapit lang ba dito sa bahay niyo ang bahay nina Jishi?" Tanong ko.
"Oo. Nasa kabilang block lang." Sagot ni Anya.


*I NEEEEEEED YOU BOO... I GOTTA SEE YOU BOOOO....*

"Hello." Sinagot ko ang phone ko.
"Gette, pumunta kayo dito oh!" Si Hiro.
"H-ha?"
"Alam kong nariyan kayo sa bahay ni Anya!" Sabi niya. "Ang boring kasi dito eh! Sige na!"
"UHHH- Okay." Sabi ko.

It will be more weird kung tatanggihan ko siya. At isa pa, pinapasok niya si Rico. I need to bear with him.
Binaba ko na ang phone ko. May nalalapit na sigurong school event kaya todo sila kung mag practice ngayon.
HERO? Kung ganoon, naroon si Rico?

Nag-iiba na naman ang kondisyon ng pag-iisip ko. ALANGYA. Naglalakad kami papunta kina Jishi. At ayon sa usapan nina Anya at Sam, malapit na raw kami.
OMG... Ayoko. Ba't parang nanginginig ako? Naguguilty? Bakit ganito? Ewan ko kung nininerbyos ba ako o na e-excite.

"ANDITO NA TAYOOOO!"

Ay potek.

"Parang ang daming tao!" Sabi ni Sam.

Oo nga. Ang daming tao. Parang may house party or something.

"Hi Gette!" May kumaway.
At hanggang sa ang dami ng kumaway sakin. Mga kaibigan ko sila---este mga kakilala.

At ngayon, mas lalo akong namulat sa mundo ko.
I'm the usual Miss Popular.

Umupo kami sa isang upuan. Wala naman palang house party. Coincidence lang na maraming tao sa bahay nila ngayon.
"Hey Gette! See you around!" Sabi nung isang lalaki.
"Hi Gette! Kamusta na kayo ni Hiro?"

Lumingon si Anya at Sam sa isang babae.

"HAAAAI. Social climber." Bulong ni Anya.
"Hmmm?" Sabi ko.
"I mean, you and Hero's Vocalist aren't together right?"

Sino ba to? I don't know her. Kaibigan siguro to ng isa sa kapatid ni Jishi na nagkataong andito sa bahay nila ngayon.
Chismosa, kaya di ko na siya pinansin.

Lumingon ako sa kabila at nakita ko si Rico, nag-aayos ng guitar. WOW. He is soooo part of the group. Sino ba ang mag-aakalang NERD siya at di siya marunong manamit noon. Hinanap ko si Sandy sa paligid pero di ko siya makita. So, Sandy is not here? At least, parang di pa rin niya pinapakita si Sandy. LOL

"Hey. Tama nga ang usapan sa School of Business and Management, Bridgette Reah Francisco is arrogant. Ang dami pa namang nag-a-idolize sa iyo sa School of Med dahil maganda ka raw at ang galing manamit." Sabi niya ulit.


GAHD SHE'S ANNOYING ME. Lumingon si Anya at Sam sakin at pinandilatan ang babae.

Inilapag ng maid ang tatlong baso ng juice sa tapat namin kaya kumuha ako ng isa at uminom.

"HAAAY. I should tell them to stop idolizing a girl who knows nothing but to b*tch and brag here and there." Tumayo siya at lumingon ulit.

Nakuuuu makikita mo!

"Akala ko pa naman,-" Dagdag niya. Di ko na siya pinatapos at binuhusan ko na siya ng juice.

Umilag pa ang gaga. Kaya ang nabuhusan ko...

"SANDYYYY!" Sigaw ni Rico.

Napalingon ang ibang members kasama si Hiro.
That's why I didn't see her because she's at that stupid-girl's back.
GAHD.

"Ri-.." Sh1t. I can't talk to him.

"Sandy, okay ka lang ba?"

Parang tumigil ang mundo sa bahay nina Jishi at nakatingin ang lahat kay Sandy. Sa itsura niya, parang kailangan niyang i-mouth-to-mouth. She looked drowned. HAHAHA >:D ESTE, Rico. Di ko sinasadya.

Hinawakan ni Anya ang kamay ko dahil mukhang nararamdaman na niya ang panggigigil ko doon sa babae.

"Hey you sl*t!" Sigaw ni Hiro. "What are you doing here?" Tanong niya sa babaeng hinayupak na yun.
"H-Hiro, I-I just wanna show you that this girl is a b-" Di ko siya pinatapos at sinampal ko na.
"Don't you dare call me those names, sweetie. Baka gusto mong humarap sa salamin para tingnan kung sino ang B*TCH sating dalawa? You like Hiroshi, right?" Sabi ko with all the confidence in the world.
"W-what are you-"
"Your annoying me because you like Hiro. Naiinggit ka sakin dahil ako ang gusto niya, right? Well then, he is all YOURS." Tinulak ko siya at napasandal siya sa sofa at muntik pa niyang madale si Sandy.

Pinandilatan ko si Hiro at humarap kay Sandy, "Sorry miss. Di ka kasi marunong umilag eh!" Sumulyap ako kay Rico pero--0.0000001nanosecond lang dahil natatakot ako.

Nag walk out ako at dinaanan si Jishi bago tuluyang umalis.

"Jish. Sorry, nabasa ko ang sahig."
"Gette! Okay lang yan, it's not your fault anyway. May nang gatecrash lang na taga ibang school."


Umalis na ako.

"Gette!" Sigaw ni Anya at Sam.

Umupo ako sa gilid ng kalsada ng subdivison at malapits a hump.

"Gette, you are soooo cool!" Sabi ni Sam.
"Yung babaeng yun? Stalker iyon ni Hiro. Taga ibang school yon Gette." Sabi ni Anya habang tinatabihan ako.
"GAAAAAAAAHD. I wanna crash her into pieces!"
"HAHAHA. I missed you, Gette!" Sabay hug ni Sam. "Gusto ko ang palaban side mo! Anyway, how did you know na that girl likes Hiro?" Tanong niya.
"Napapaaway kasi ako usually sa mga lalaki eh. Wala pa ata akong nakaaway just because they hate my attitude---nobody dares to. Since si Hiro lang talaga ang umaaligid sakin ngayon, so it must be---"
"HAHAHA." Tumawa si Sam. "Minamaliit mo ang kamandag mo? OMG. Buti't na sapul mo na fan iyon ni Hiro, ano? Ang dami mong fan na lalaki---and daming obsess sayo. Di nga lang sila makalapit because of Hiro. Kung alam mo lang, araw-araw kaming nakakarecieve ng death threat para sayo. NAKU."

Nagtawanan kami.


Napabuntong hininga ako.

"Ang tanong: Sino ang gusto ni Bridgette Reah Francisco." Tumawa si Anya.


Nakakatuwa no? Sa lahat ng lalaking pwede kong magustuhan, si RICO pa.

"that nerd." Bulong ko habang tumatayo.
"Ha?" Tumayo din si Anya at Sam.
"Wala. Bumalik na tayo!!!"


SCARY. Ano kaya ang sasabihin ni Rico sa ginawa ko sa Sandy niya. HUHUHU



[STEP #22] Bridgette Reah Francisco: TUMIGIL NGA KAYONG DALAWA!


"Gette!" Tinawag ako ni Sam habang andito ako sa isang table sa cafeteria at nakaharap sa laptop.

Kasama niya si Anya.

"Let's eat lunch together!" Sabi ni Anya.
"Oo nga! Kasama sina Jishi." Dagdag ni Sam.
"Hah? Ang Hero bah?" Tanong ko.

Si Rico kaya?

"Yeah. UHH, not really. Si Jishi at Hiro lang ang taga Hero!"
"Ahhh. Sige!"

Sabi ko, then I looked at my laptop and closed all the programs.

It's still 10am. Mamaya pa naman ang lunch pero, I want to roam around the school and let the world see my new bag and shoes. hehe.

Kakain kami dun sa isang RESTAURANT na usual na naming pinagkakainan before.

Napabuntong hininga ako habang umupo si Sam at Anya sa harap ko.

"Gosh. The cafeteria is suuuper crowded." Sabi ni Anya.

Tumayo ako, bibili sana ako ng bottled water ng nasulyapan ko sa harapan ko si RICO.

AHAHGFSLAUYTDYHBDHTAYFBASGHOYABDSGUHT

Naghuramentado ang dibdib ko. Nagwawala at di ko makontrol.

At dahil si Rico na lamang ang nakikita ng mga lens ng mata ko sa mga puntong ito, hindi ko namalayan na I'm blocking the way of SANDY.
Sandy is with Rico this time. Nasa likuran ni Sandy si Rico kaya... "Excuse me." Sabi ni Sandy sakin.

Di ko naman nagawang igalaw ang mga muscles ko kaya tumayo lang ako ng parang walang naririnig. Natauhan na lang ako nung binangga na ako ni Sandy.

"Excuse ME!" Sabi niya sakin ulit.
"Ahhh. Oh." Sabi ko while catching my breath.

Habang nakatitig pala ako kay Rico, ay hindi rin ako humihinga.

Napa upo ako pabalik sa upuan habang nakikita ko si Ricong di man lang tumingin sakin ulit pagkatapos niya akong tingnan saglit para ikumpirma na ako nga ang nakita ng mga mata niya.

"WALANG HIYA!" Sabi ko.

Ricoooo. Is he angry? Or what?

"Anong problema nun? Siya ba yung nibuhusan ko. Sh1t." Sabi ko.

Nangalumbaba ako habang tumitingin sa mga nagtatakang mga mata nina Sam at Anya. Lumingon ako sa likod para tingnan kung andun pa ang dalawa, at nakita kong kabibili lang nila ng shake.

"HMMMP. Cheap. Kainis talaga. Gusto ko tuluyng kumain ng mangga. Teka, mas cheap yun ah! ARGH." Bulong ko.
"Gette?" Sabi ni Sam.

Doon ko lang namalayan na andun ang dalawa kong kaibigan.

"Anong problema mo?" Tanong ni Sam.
"Kanina ka pa tuliro riyan ah? Ni hindi ka man lang nag respond sa 'EXCUSE ME' ni Sandy." Sabi ni Anya. "And you were staring at Rico." Dagdag niya.

They both pinched my cheeks.

"Don't tell me you like that Rico?" Tanong ng dalawa.

"Duh!" Sabi ko. Yun na lang ang tangi kong paraan para umapila.
"OH my.. You like him?" Sabi ni Anya.

"OH MY. I like him? Duh! I hate nerds, and you know that!" Sabi ko.
"HE IS NOT A NERD ANYMORE!" Sabi ni Sam. "He is hot! Nahihiya nga ako kasi minamaliit natin siya noon."
"What hot? Payatot!" sabi ko.
"He is hot!" Sabi ni Sam.

Bakit ganoon? Bakit di ako pinansin ni Rico? OMG. OMG. He is definitely angry with me. It's all because of that gate crashers fault.

DINGDONG! May umilaw na lightbulb sa utak ko.

It's because, we were not supposed to talk here! TAMA. He is not angry with me! He is nooooot angry. YIPEE.

"Eto oh!" Tinuro ni Sam ang bulletin board sa harap namin.

Napadpad kami sa Med School Building na mayroong Hall of Hot Nurses at si Rico pa ang number one!
Nakapost pa sa bulletin board nila. OMGesh.

"Now, tell me kung nerd pa ba siya sa paningin mo, Gette." Sulsol ni Sam.
"Com'on, were not even friends!" Sabi ko.

Yeah, I know. I'll tell them someday. Hindi ko lang talaga alam kung papaano ko sisimulan at paano ko ipapaliwanag sa kanila ang lahat. At alam ko ring may gagawin sila para magiging kami ni Rico---and I don't like that. I mean, RICO DOESN'T LIKE ME. Kahit bayaran pa natina ng writer dito at hingin ang side ni Rico, alam kong di siya sa akin.

"But if you pursue him...-" Di ko pinatapos si Sam.
"HEP! I don't want to have a boyfriend!" Sabi ko.

Naglaglagan ang mga panga nilang dalawa. Of course, the hot Bridgette Reah Francisco - pantasya ng mga kalalakihan - ayaw mag ka boyfriend.

"AT BAKIT NAMAN?"

Bumuntong hininga ako at naglakad papalabas sa building nila.

"Kung gusto mo nang magkaboyfriend, inform us haaa?" Nagtawanan ang dalawa sa likuran ko.

Di na lang ako nagsalita.

"Oh my, Anya, di rin naman yan mangyayari eh. Papatayin ni Hiro si Rico kung sakali." Sabi ni Sam kay Anya.
"Oo nga pala! HMMM. Kawawa naman si Rico kung ganoon."
"Pero, you've seen that night nung sinuntok ni Rico si Hiro diba?" Sabi ni Sam ulit kay Anya.
"Yeah! And oh my God, he is so gwapo that time! Cool! Pero still, Hiro has everything." Dagdag ni Anya.
"Oo nga. Based sa mga votes nila sa Hall of Hotties, Hiro is dwarfing Rico's votes. Simple lang---mas sikat parin si Hiro. And he is cute too. And he is the vocals of Hero. Geez. Paano na lang kaya kung bumalik si Jesse dito at may sumulpot na bagong hottie. Naku, magkakagulo na ang mundo at mas lalong maguguluhan si Bridgette." Nagtawanan ulit sila.
"TUMIGIL NGA KAYONG DALAWA!" Iyon na lang ang nasabi ko.

Saan ba talaga sila pabor? Kay Rico o kay Hiro? O sa OTHER HOTTIES?

GAAAAAAAHD.

They're not taking it seriously---samantalang, I'm seriously in love with that guy.



[STEP #23] Bridgette Reah Francisco: hindi ba?



"Anong gusto mo Gette?" Tanong ni Hiro sakin.

Hindi ko sana siya papansinin, kaso na realize ko na kailangan---para kay Rico.

"Uh, kahit ano na lang!" Sagot ko.

Nagsasayahan sina Sam at Anya kasama ang ibang kaibigan at sina Jishi. Wala masyadong tao dito sa kinakainan namin, panu naman, ang mahal-mahal dito para lang sa isang lunch sa ordinaryong school day.
Pero, barkada ko eh. Kaya, barya-barya lang sa kanila.

Si Hiro, kanina pa siya nakatingin sakin, habang nag-iisip ako ng mga kung anu-ano. Tumingin ako sa kanya at panay parin ang titig niya sakin.
Napabuntong hininga ako at tumingin sa pintuan at nakita ko si Rico.

SI RICO? Ba't siya andito?

At may kasama siya.
Si Sandy... ulit.


"Oi Rico!" Tinawag siya ni Hiro.
"Hiro-" Pipigilan ko sana pero bakit ko naman iyon gagawin? Wala akong rason.

Maraming bumati kay Rico at naramdaman kong bumulong si Anya sakin... "Gette, sumisikat na nga siya."

Yeah, alam ko.

"Dito na kayo!" Sabi ni Hiro habang tinuro ang upuan malapit sa akin. WHAAAAT? Pinapatabi niya si Rico at Sandy sa amin?

Tumango naman ang NERD at mukhang kinukumbinsi si Sandy na sa tabi nga namin umupo. IISANG TABLE.

"Kasama pa niya ang NERD na yan!" Bulong ni Hiro---si Sandy ang tinutukoy niya.

"Hiro, may binabalak ka bang masama?" Tanong ko.
"Huh, wala naman, bakit?" Tanong niya sakin.
"Wala, weird kasi."
"Wala na akong magagawa, pasok na siya sa banda kaya kailangan kong makihalubilo sa kanya." Sabi ni Hiro.

Buti na lang at napaglapit ko sila. Di tulad noon na binubully niya si Rico.

AYAN NA, PAPALAPIT NA SILA.

Umupo si Rico sa tabi ni Hiro at si Sandy sa tabi ko.

Di ako makatingin kay Rico ng diretso.

"Rico, Sandy, siya nga pala si Gette." Sabi ni Hiro sa kanila.

Ngumiti ako pero di ko alam kung sino ang nginitian ko.

"Hello Gette!" Sabi ni Rico.

PLASTIC? Tumingin si Sandy sa akin.

"AHHH, tungkol nung sa bahay nina Jishi, pasensya kana Sandy ah? Di sinasadya ni Gette yun." Sabi ni Hiro kay Sandy.
"Uhhh, okay lang." Sagot niya.

Yon naman pala, Gette! Okay lang pala eh. Pero, bakit si Rico---masama parin ang tingin sa akin.

Pagkatapos naming kumain, pumunta ako sa washroom. Hindi ako kumain ng maayos dahil nawalan ako ng gana sa pag-aalala dahil hindi pa kami nag-uusap simula nung nabuhusan ko ng juice si Sandy.

Napabuntong hininga ako sa loob. Sinuklay ko ang buhok ko at inayos ang sarili ko bago lumabas.

Paglabas ko, nakita ko si Rico, ang sama ng tingin niya.

"R-rico?"

HIS EYES.

"Gette, di ako galit sayo."

Parang may umalis na masamang ispirito sa kaloob-looban ko.

"Ha? Ahh."
"Pero, masama yung ginawa mo."
"Ha?"
"Masama yun,"
"Ang bastos kaya nung babaeng yun!"
"Kahit na! Tingnan mo, si Sandy tuloy ang nabuhusan mo. Di ka ba naaawa?" Tanong niya sakin.

Parang kinurot ang puso ko pero di ako pwedeng magpahalata.

"That's so mean. Panu kung ikaw naman ang mabuhusan ng ganoon?"
"Sinasabi mo lang iyan dahil si Sandy ang nabuhusan ko, hindi ba?" Sabi ko.
"Hindi, sinasabi ko lang sayo na masyadong bastos yung ginawa mo. At nadamay pa si Sandy."
"Binastos niya ako kaya hayaan mong bastusin ko rin siya."

WALANG HIYA. I'm holding my tears again.

"Pero, Gette!-"
"Rico, tama na!" May nagsalita sa likuran ni Rico.

SI SANDY. OH MY GAAAAHD. Paanu na to.

I'm here standing in front of him. And she's there at his back---listening?

"I know you're doing this for me." Dagdag ni Sandy.

Nag walk-out ako, natatakot ako na di ko na mapigilan ang luha ko.
At, baka malaman ni Sandy ang...

"I'm doing this for her." Sabi ni Rico sa kanya.

Muntik na akong matalisod sa paglalakad nung narinig ko iyon.

"Gette, sorry." Sigaw niya sakin bago pa ako tuluyang umalis sa daanan patungo sa CR nung restaurant.

"I don't want to keep secrets from her!"

Natigilian ako. Natigilan ang aking pag-iisip pero mabilis ang lakad ko.

KEEP SECRETS? Does it mean, she knows everything?




[STEP #24] Bridgette Reah Francisco: May magagawa pa ba ako?



"Gette, okay ka lang ba?" Salubong sakin ni Hiro sa table.

"O--Oo." Sabi ko.

WHAT? Sinabi ni Rico ang tungkol dito? sinabi niya ang tungkol saming dalawa? Diba, malinaw ang usapan namin na di ipagsasabi? Di ba niya naiintindihan ang sinabi ko? NAKAKAINIS SIYA.

No.

It's not him! Yung nararamdaman niya kay Sandy! NAKAKAINIS. Sh1t!

I catched my breath. Hindi ko namalayang habang nag iisip ako, di ako humihinga.
Paghinga ko naman, sumama ang luha ko.

"Sh1t." Sabi ko habang kinuha ang bag ko at nagtangkang umalis sa restaurant.

"GETTE!" Tinawag ako ni Hiro.

Naramdaman ko ring natigilan ang pagtawa at pag-uusap ng iba.
Pinunasan ko ang mga luha ko at humarap sa kanya... "Hiro, may nalimutan ako. Aalis lang ako, pwede?" Sabay ngiti.

"H-huh? Okay"

Hindi ko na tiningnan ang reaksyon nina Sam at Anya.
Haharap na sana ako sa dinadaanan ko, kaso nasulyapan ko si Sandy at Rico.

Hindi ko mapigilang tingnan ulit si Rico at hindi ako nagpakita ng ekspresyon. Hindi ako galit. At kahit inis na inis ako, di ko siya magawang sumbatan.

Hindi ako nagpakita ng kahit isang ekspresyon na makakapagpagabagabag sa kanya---kahit inis.

Umalis na ako at nakita ko pa siyang umaambang susundan ako.

Pero dahil matalino siya, alam niyang mas lalo akong magagalit kung sinundan niya ako.


Sa talambuhay ko, ngayon ko lang naramdaman ang mga nararamdaman ko.

Simula lang noong nakilala ko si Rico. ARGH

"Sh1t. Ang tanga-tanga ko." Sabi ko sa sarili ko habang papapasok sa bahay.

I rushed into my room. Wala si Mama at Papa, nag out of town kaya ako lang mag-isa.

Pagbalik nila, mag shoshopping ako ng maraming-maraming damit at kung anu-ano pa. TO CHEER ME UP!

Tinabunan ko ang mukha ko ng unan.

"Sh1t. Di ko mapigilang umiyak."

I remained that way while sitting beside my bed. Gusto kong maligo, pero walang muscle coordination. Di ako gumagalaw.

Aabsent ako sa last class ko for today---syempre. Biology yun, magkikita kami ni Rico dun!

"Oh no! I shouldn't be absent! Lintik. Baka anong isipin noon!"

Gumalaw na ako, pero bago ako tuluyang mag-ayos, I opened my laptop and typed:

STEP ONE: Change his looks and fashion sense.
STEP TWO: Teach him to act cool.
STEP THREE: Bring him to the gym.
STEP FOUR: Be with cool friends.
STEP FIVE: ...

Ang step five?

Fall in love with him!

Bumuhos ang malakas na ulan at napabuntong hininga ako habang humiga sa kama.

"Umulan pa."

Ilang sandali ang nakalipas, umuulan parin ng malakas, kaya nag desisyon akong di na pumasok.

"Pwede namang, nabasa ang damit ko o di kaya nabasa ako sa ulan diba? That would be enough!" Bulong ko habang pinatay ang laptop.

"And plus, I feel like..." Hinawakan ko ang mata ko. "Namamaga pa ang mga mata ko. I've cried too hard."


*TING***

Ano yun? Ulan? Impossible.


Dumungaw ako sa bintana.

Wala namang tao. SCARY.

*TING***

Bato?

Pinunasan ko ang glass window para mas malinaw ang aking makita... "May nakatayo malapit sa gate."

OMG. And it's raining! It must be... RICO!


I rushed downstairs and opened the gate. Ni hindi na ako kumuha ng payong, nagmamadali na ako.

"Gette, I'm sorry!" Sabi niya. Hindi ko na nga marinig masyado dahil ang lakas ng ulan. Marami pa nga siyang sinabi pero, 'I'm sorry' lang ang narinig ko.

Parang gusto kong umiyak sa ginawa niya pero... I just can't cry in front of him.

Pumasok kami agad sa bahay at kumuha ako agad ng towel at kung anu-ano pang makakapagpatuyo saming dalawa. Nag-init din ako ng tubig.

HEY. I don't even know what's this NERD doing here? Why is he here? To apologize? It's too late to apologize!

Binigay ko agad sa kanya ang tuwalya at pinunasan niya ang sarili niya.

"Gette, di mo ba pupunasan ang sarili mo?"
"Ahh."

Kumuha na rin ako ng towel ko.

EWAN KO BA PERO... ba't masakit yun?

Hinarap ko siya pagkatapos kong nagpatuyo.

"Gette, sorry talaga." Binigay ko sa kanya ang kape.

Nung narinig ko ang sinabi niya... di ako makapaniwalang UMAIYAK AKO SA HARAPAN NIYA.

I never thought that I can cry in front of a guy.

"Sh1t."

Tiningnan niya lang ako ng walang ekspresyon.

I trusted him. I thought he'll keep his promise.

Pinunsan ko ang luha ko. Pinigilan ko ang iba, at huminahon ako.

AKO LANG.

Hindi niya ako tinahan o kinausap man lang.

IT HURTS! Nasa harap ko siya habang umiiyak ako, pero kahit imik---wala siyang ginawa.

Ang sama ng loob ko, pero di sa kanya. Hindi ko alam kung kanino. Kaya uminom na lang ako ng kape.

"Aray-" Ang init pala.
"Dahan-dahan lang!" He touched my lips.


Agad kong inalis ang kamay niya.

"Alam kong galit ka sakin."
"Alam mo naman pala eh, umalis ka nga diyan!" Sabi ko.

ARGH.

"You're really rude." Sabi niya at ngumiti pa ang NERD.
"Sh1t. Wa'g ka ngang ngumiti."
"Sorry. Hindi ko kinonsulta sayo ang tungkol sa sinabi ko kay Sandy. Alam ko kasing di ka rin papayag eh."

Uminom siya ng kape.
Akala ko ba, ayaw niya ng nasasaktan ako?

"Gette, alam kong naiinis ka. Pero, sige na naman, kahit si Sandy lang. I don't wanna keep secrets from her."

Alam ko. Okay lang, Rico. Okay lang basta ikaw.
Okay lang kasi, sooner or later, malalaman din iyan ng lahat. Pero, it wouldn't be a big deal na dahil you've become someone that everyone likes. Pero, nasasaktan ako sa tuwing naiisip ko na nasabi niya ang secretong kahit ang malalapit kong kaibigan ay walang alam.

Napaka-unfair naman ata nun.

Siguro nga, I wouldn't understand. Of course, he likes that NERD---he loves that NERD. That's one thing that I couldn't understand.
And if I tell him that I love him, that's another thing that he wouldn't understand.


"May magagawa pa ba ako?" I smiled.

Hudyat na tanggap ko na ang lahat.



[STEP #25] Bridgette Reah Francisco: I'm in love.



"Gette, ba't ka absent sa Bio kahapon?" Tanong ni Anya.
"Ah, eh. Umulan eh. Nabasa ako." Sabi ko.
"AHHHH."

Tumingin-tingin ako sa paligid at nakita ko si Rico.

He is wearing an all-white uniform.

"Uyyy! Si Rico!" Sigaw nung isang babaeng nakaupo di kalayuan sa amin.
"Bakit siya naka all-white? Mag pa-practical exam siya?" Sabi pa nung isa.

Nagmamadali ata si Rico kaya di ko na lang pinansin at nakinig sa usapan nung mga babae.

"...Diba kahapon pa dapat ang practical exam?"
"Oo. Kaso, absent siya kahapon eh. For the first time, nag absent siya. And worst, exam pa natin." Sabi nung isa.

OMG. He is absent kahapon dahil pumunta siya sa bahay namin at nag apologize?
HAHAHA, Gette. Wa'g kang masyadong mag ilusyon!
Pero, really? So, hindi ko na lang muna siya iistorbohin ngayon dahil ka-catch-up pa siya.

"I'm IN LOVE." Sinabi ko ba naman yun bigla.

Napatunganga si Sam at Anya at parang hinihintay na sabihin kong JOKE ang mga salitang kakasabi ko pa lang.

"Hahahaha. Ano daw?" Sa wakas, may sinabi rin si Sam.

"I'm in love with Rico. Wa'g nyong ipagsabi kahit kanino dahil kayo lang ang pinagkakatiwalaan ko."

Huminga ako ng malalim saka uminom ng mineral water sa harapan ko.
Pinawisan ako sa mga sinabi ko, pero at least nasabi ko. Hindi ko sinosolo ang mga bagay na ganito.

"WHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAT?"
"Paano ka na inlove sa kanya?"
"Mag kaibigan ba kayo?"
"Define love?"
"Kelan lang?"
"Paano na si Hiro?"
"Alam ba ni Hiro?"
"Sino pa ang nakakaalam?"
"Paano nangyari yun?"
"Kailan kapa nagkaroon ng puso?"
"Bakit siya?"
"Anong ginawa niya sayo?"
"Ano na ang nagawa mo sa kanya?"
"Nag-uusap ba kayo?"
"Nananaginip ba ako?"


"HEEEEEEEEEEEEEEEEEP! Sh1t naman o! Sana pala di ko na lang sinabi!" Mga walang hiya. "Kung alam ko lang na ganyan karami ang mga tanong ninyo!"

"YOU'VE GOT TO BE KIDDING US!" Sabay na sigaw ng dalawa.



[STEP #26] Bridgette Reah Francisco: I'm sorry.


"...saan ba magandang magshopping ngayon? Saan ba kayo nag sho-shooping?" Tanong ko kay Sam at Anya habang nakatunganga sila sa harapan ko at parehong nakaupo sa bench sa building namin.

"Ano??" Sabi ko ulit.

Mag tatatlong araw na silang ganito. Simula nung sinabi ko sa kanila ang kahindikhindik na katotohanan.
Tatlong araw na rin kaming di nagkikita ni Rico. HE IS BUSY.
Binalewala ko na rin. Mas nag-aalala nga ang mga lukaret na to dahil di ko na daw nakikita ang minamahal ko. EEEEEEEEEEH? Ang korni talaga.
This wasn't my style.

"Okay ka lang ba talaga?" Tanong ni Sam.
"A-" Bago ako nagsalita.
"Look who's here." Bulong ni Anya.

SI RICO. He is coming. Papunta ba siya samin?
Naglundagan ang dalawa at parang mas excited pa sakin. They kept their self calm when he was 1 meter away from us.

"Papunta siya sayo!"

PAPUNTA SIYA SAKIN! >:D

"Ri-co!" Sabi ko in a moderate tone of voice.

Di siya tumingin sakin.

"Rico!" Sabi ko ulit, mas malakas na.

DI PARIN.

"Gette, di naman pala kayo magkaibigan eh!" Sabi ni Sam nung natulala ako dahil linagpasan niya lang kami.

"WALANG HIYA KA, RICOOOOOOOOOOOOOO!" Saka lang lumingon ang nerd.

Uminit ang mukha ko at para akong nakalunok ng limanglibong pusa.

"G-, uhhh?" Sabi niya.

"Ang pula ni Gette!" Bulong ni Sam kay Anya, narinig ko pa ang munting halakhakan ng dalawa.

Linapitan ko si Rico at binatukan - ng malakas.

"ARAY, Gette!"
"SEE?" Sabi ko nung humarap ako kay Sam at Anya.
"Bakit ba?" Tanong ni Rico.
"Magkaibigan kaming dalawa, kilala niya ako." Sabi ko. "Hindi ba, Rico?"
"Gette, sinabi-" I made a face. "O-Oo. Matagal na kaming," He smiled at me. "magkaibigan."

Nalaglag ang panga ni Anya at Sam.

"So, Rico, saan ka pa pupunta? Bakit andito ka sa building namin?"
"---AHAHAHA, tinatanong pa ba iyon, Gette?" Sabi ni Sam.

Nakita kong hinampas ni Anya si Sam.

"Ahhh, okay. You're looking for Sandy? EWAN KO, DI KO SIYA NAKITA." Sabi ko habang pinandidilatan ang dalawa.
"Ah. Okay, I was actually looking for---"

Itinaas ko ang kilay ko.

"Rico?" May pamilyar na boses akong narinig na nanggagaling sa likod. SI SANDY.
"HER, right?" Inunahan ko siya. "You don't have to repeat it over and over again." Sabi ko.

Tumalikod ako at babalik na sana kina Sam at Anya nung... "Gette, I'm actually looking for you." Bulong niya habang hinihila ang braso ko.

"Ha-Ha?" Sabi ko. Uminit ang mga pisngi ko.
"May sasabihin sana ako, akala ko mag-isa ka lang."

Umalis siya kasama si Sandy.

"WHAAAAT?" Sabi ko sa sarili ko.

So, ano na? May sasabihin siya. Wala na siyang sasabihin dahil ganun ang nangyari?

Sinalubong ako ni Sam at Anya. Panay ang ngiti ng dalawa.

"OMG. Anong binulong niya?"
"Sila na ba nbi Sandy?" sabi ni Sam. "Wala ka bang planong dispatyahin si Sandy?"

Tinitigan ko si Sam at umalis sa kanilang harapan.

"He loves her." Sabi ko.
"OMG. I can't believe that the playgirl is actually in love!" Tumawa silang dalawa.

Habang papababa kami sa stairs. Maraming bumati sa akin na di ko man lang nginitian!

"Anong nangyari kay Gette?" May nagtanong kay Sam at Anya.

"Gette!" Lumingon ako. Akala ko si Rico, si Hiro pala.
"Ano?"
"Malapit na ang school fest. Kakanta kami, sana dalasan mo ang pagpunta kina Jishi para sa mga practice namin ah?" Sabi niya.
"Like duh? Para saan ako dun? Decoration?" Sabi ko.
"Sige na naman oh? Please?" Sabi niya sakin.

Nakita ko si Rico at Sandy na napadaan lang at nakatingin pa sa amin.

"Hiro, may practice ba tayo mamaya?" Tanong ni Rico.
"Wala, bukas pa." Ibinaling ulit ni Hiro ang paningin niya sakin. "Ano, Gette?"

I saw Rico's eyebrows crossing. Hindi ko alam kung nagtataka ba siya sa pinag-uusapan namin ni Hiro o ano.

"OHHH! Sure, Hiro. Basta ikaw!" Mas lalo siyang nabigla sa sinabi ko.

Palihim akong hinampas ng dalawang lukaret sa likuran ko.

"Sige ah! May klase pa kami, bye." Sabi ko habang linampasan silang lahat. Sumunod naman si Sam at Anya.

"Bye %&$#!" Dahil sa mga tao, di na narinig ang two-syllable-word-or-name na sinabi ko.

Nabigla na lang ako nung parehong kumaway si Hiro at Rico. "BYE."

Tumawa na lang kami at nakita kong nagkatitigan ang dalawa bago kami tuluyang umalis.


Iniisip ko pa rin ang mga nangyari bago nagsimula ang last class ko for today. YES, hanggang 4:00pm lang ako ngayon at masaya ako. Masaya ako sa kakarampot na moment simula nung sinabi ni Rico na ako daw ang hinahanap niya hanggang sa pinakahuling sandali na nagtitigan sila ni Hiro.

"Miss Francisco?" Sabi ng prof namin sa ACCTG.

"I think your phone is ringing." Dugtong niya.

Habang nakatingin ang whole class sa amin.

POTEK. Ba't ito nagri-ring? Eh, silent mode naman to?

"I'm sorry." Sabay tingin ko sa phone
"Okay, where are we?" Nagpatuloy ang prof namin sa discussion.

It's a message from RICO?
Oh yeah. Iba nga pala ang tone pa'g si Rico ang nagti-text. OMG. Grabe ang loading ng fone ko at parang isang oras kong pinrocesso ang mga katagang tinext niya:

Can I fetch you after your last class?



[STEP #27] Bridgette Reah Francisco: Nakukulitan na ako sayo


Mag iisang oras na akong naghihintay dito sa park sa labas ng 1720 kung saan ko nakita si Sandy at Rico noon.
Isang oras simula nung natapos ang last class ko.
Panay tago ko na nga dito dahil may mga dumadaan eh. Dito kasi ang meeting place namin.

Siguro, importante ang sasabihin niya? Dahil pinaghintay niya talaga ng ganito.

1 hour and thirty minutes. Papalubog na ang araw. OKAY.

2 hours. Lumubog na ang araw.

3 hours. Ang dami ng stars sa langit.

3 hours and 30 minutes. Linalamok na ako. UUWI NA AKO.

"GETTE, Ang tanga tanga mo talaga! AS IN SUPER. Baka biniro ka lang nung takteng iyon pero ba't ka nagpabiro? Ayan tuloy, it's been three hours na at andito ako nagpapakatanga. Mag aapat na oras na ako dito at kahit anino ng NERD na yun, wala."

Sinipa ko yung mga bato na malapit sa sapatos ko para maigalaw ko ang mga paa ko at hindi dapuan ng lamok.

"AALIS NA AKO."

Nanggigigil ako habang hinahaplos ang sarili kong mga braso. Ang ginaw.

"Ang walang hiyang yun! Naisipan pa niyang indianin ngayon. May atraso pa nga siya sakin tapos pinapahintay niya pa ako ng tatlong malamig na oras. HUMANDA SIYA SAKIN."

Tumayo ako sa kinauupuan kong bench at hindi ko na talaga kayang maghintay. Ay mali, kaya ko pa, pero ayokong magmukhang tanga.

Sa mga sandaling aalis na sana ako, may naramdaman akong papalapit sa akin. Hindi na ako lumingon dahil sa bilis ng pangyayari. SOMEONE HUGGED ME FROM THE BACK.

"Gette, Thanks for waiting."

Buti't nagsalita. Kung hindi sinapak ko na at sumigaw na akong 'rape'.

"Walang hiya ka!" Tumulo ang mga luha ko habang hinarap niya ako at hinawakan niya ang mga braso ko.

"Pasensya ka na, first time kasing nagyaya si Sandyng ihatid ko siya. Hindi ko siya matanggihan eh."
"What took you so long?" Nagsumikap akong yumuko para hindi niya mapuna na patuloy parin ang pagtulo ng mga luha ko.

"Kasi, pinapasok pa ako ng mga magulang niya. Hindi kita natawagan kasi akala ko mabilis lang iyon. Nung umalis na ako, tatawagan na sana kita pero naisip kong baka umuwi ka na at baka galit ka na sakin. Pero, ganun pa man, pumunta parin ako dito dahil baka sakali andito ka." Sabi niya and he wiped my tears. "Sorry."

OKAY LANG. OKAY NA. Ay Gette, kahit kelan talaga. Ganito ka ba talaga? Ba't ang bilis ng OKAY LANG?

Lumayo ako sa kanya at nagsimulang naglakad sa kalsada.

"Gette!" Tumakbo siya sakin at sinundan ako. "Gette naman, sorry na kasi. Saan ka pupunta?"

Huminto ako para sumagot. "Uuwi." At naglakad uli habang napahinto siya.

"Gette, sorry na. Kasalanan ko." Sinundan niya ako at nagpakita siya sa harapan ko kaya tumigil ako sa paglalakad.
"Uuwi na ako. Apat na oras pala ang dapat hintayin para ihatid mo. Get out of my way!" Sabi ko habang umiwas sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad.
"Gette," Sumusunod ulit siya at nakita ko ang sasakyan niya sa harap ko. "Gette, ihahatid na kita sabi eh!"
"Kaya ko namang umuwi mag isa eh!" Sumbat ko.

Huminto siya pero hindi ako nagsisisi sa mga pinagsasabi ko. WALA AKONG PAKEALAM.

"Kung ayaw mo talaga," Humina ang paglalakad ko habang pinapakinggan ko ang mga sinasabi niya. "Okay fine. Pero pipilitin parin kita!"

Hinila niya ang braso ko at kinaladkad sa kotse. SA FRONTSEAT.

"Aray aray. Ano ba, ang sakit naman." Sabi ko habang sinasapak ang mga kamay niyang nasa braso ko.

Tapos he locked the seat belt.

"Sorry, ayokong saktan ka pero kung yun lang ang paraan... Nagbakasakali akong andito ka pa, and now that you are still here... I will never give up that chance."

Umikot siya and when he got to the driver's seat, he started the engine.

Habang nag da-drive siya sa labas lang ako nakatingin at minememorize ang mga plate number ng ibang sasakyan. BORING at ayokong magsalita. Nung nag stop ang traffic light, napansin ko ang repleksyon niya sa salamin habang nakatingin ako sa labas - nakatingin siya sa akin at seryoso ang mukha niya.
Lilingon sana ako pero tumakbo na ang sasakyan.

"Bukas nga pala may practice kami, tinatamad ako." Sabi niya.

SIGE RICO! Wa'g kang pumunta sa practice, papatayin talaga kita. Ako ang nagpapasok sa kanya pero... ganun lang?

"Pero pupunta ako, kaya pumunta ka!" Dugtong niya.

EHEM.

"Alam kong galit ka! Kaso, di kita iiwang galit ngayong gabing to." Dagdag niya.

Naku Enrico Gonzales, gusto mo ba talaga ng sapak? Ano ba yang mga pinagsasabi mo?

Narating namin ang bahay ng walang ni isang imik na galing sa akin. Agad na akong lumabas at binuksan ang gate.

Lumabas din siya at sinundan ako malapit sa gate.

"Gette, ipapark ko lang to-"


*TUUUUUUUUGSH!*

Tunog ng gate na padabog kong sinarado para di siya makapasok sa bahay.

*TUGTUG-TUGTUG 8x*

Hinampas niya yung gate para lumikha ng ingay at binuksan niyang mag-isa habang papapasok na ako sa bahay.

"Gette, sandali."

Mabilis ang lakad ko hanggang sa kitchen para uminom ng tubig at mahimasmasan.

"Gette!" Sigaw niya habang nakabuntot sakin.

Lumingon ako at nakita kong may nakita akong mga gamit niya...

"UMALIS KA NGA?! Ano bah?" Sabi ko habang binalewala ang mga gamit.
"Yoko nga eh! Sabi ko naman sayo diba, hindi ako aalis kung galit ka!" Sagot niya.
"Ano yan?" Tinuro ko ang mga gamit sa mesa.
"Eto? hehe" humalakhak siya.
"ANO BAAAAAAAAAAH? Sige na! Umalis ka na! Di na ako galit, okay?"
"hehehe." Nagpapacute pah.

Binuhusan ko ng tubig kasi nakakawala ng konsentrasyon! Napangiti kasi ako habang nagpapacute siya - soooo bad! Dapat galit lang at inis ang makikita sa mukha ko, pero ayan, he's drowned! hehe. Tumalikod ako.


"Para saan naman yun?" Tanong niya habang pinapatuyo ang sariling mukha.

DI KA BA MAGAGALIT??

"Sh1t!"
"O siya sige, aalis na ako, akala ko pa naman..." Sabi niya.

Lumingon ako at parang gusto kong sabihing 'waaaaaaaaaaaaaag' kaso, hindi pwede, tumalikod siya.

"JOKE-JOKE-JOKE!!!!!!!!!!!!" Lumingon siya sa akin at nahuli niya ang misteryosong ekspresyon sa mukha ko.

"Hindi ako uuwi! Tinatamad akong umuwi. Tsaka, nagpaalam na nga pala ako kay Mama at Papa na dito muna sa bahay niyo. Sinabi ko kasi sa kanila na nagkalat ang mga miyembro ng akyat bahay gang sa mga subdivisiong pangmayaman. Pumayag naman sila..." Sabi niya.

Anong Mama at Papa? Si Mama at Papa? Pinipikot niya na ba ako?

Napasinghap ako habang pinagmamasdan siyang kumukuha ng toothbrush at nagpalit ng tsinelas at parang at-home na at-home sa bahay namin.

"...tsaka, bukas, may practice kami at tinatamad akong pumunta dahil ang layo ng bahay namin kina Jishi, kaya eto ako ngayon. Ayos ba?"
"Hindi! Ano ka ba naman, Rico! Ang gulo-gulo at ang kulit-kulit mo talaga!" Sabi ko. "Nakakairita ka na!"
"Bahala ka! Basta iyon na yun! Tsaka, miss na miss na nga kita eh dahil di na tayo nag kikita."
"sh1t ka talaga. Ba't di ka kay Sandy mag inarte, ba't sakin?"

Natigilan siya.

"Ba't ang daldal mo sakin at ang kulit-kulit mo! Si Sandy na lang kaya ang kulitin mo!" Dagdag ko.
"Ayoko, baka makulitan siya."
"Eh anong tingin mo sakin? Nakukulitan na ako sayo noon pa ah!" Then there goes regrets with what I've just said.
"Alam ko! Pero gusto ko eh."

Kumuha ulit ako ng isang basong tubig at binuhusan siya sa mukha.

"Gette naman! Ibang klase ka talagang magpaalis ng unwanted guest noh?" Sabi niya na binalewala ang pagbuhos ko ng tubig.

Umakyat na ako sa taas at naririnig ko pa siyang... "Hinaharass mo na ako ngayon ah! Sinasaktan mo na ako huh? Pero, magpapaharass na lang ako sayo, basta wa'g mo lang akong alisin sa puso mo!"

HA?

"Puso-puso ka diyan! Patayin kita ngayon!" Nakakainis! Anong puso ang sinasabi niya? Alam ba niyang may gusto na ako sa kanya?



[STEP #28] Bridgette Reah Francisco: I'm not that desperate!



"Puso ka diyan! Ngayon, sigurado akong may naaamoy na siyang kakaiba sa mga kinikilos ko." Sabi ko habang sinusuklay ang buhok ko sa harap ng salamin sa loob ng kwarto kong nakalock.

*TUG-TUG-TUG 4x*

"Anak ng... sh1t!" Lumingon ako sa pintuan.
"Gette?! Kumain na tayo! Ba't ka ba nagkukulong diyan?" Sabi ng kulugong na si Rico.

Binuksan ko ang pintuan at sinuntok ko siya.

"OUUUUUCH!" Sigaw niya. "Ano bang problema mo?"
"Walang hiya ka, ginulat mo ako!" Sinabunutan ko siya.
"Aray!"

Pagkatapos nun, linagpasan ko siya at bumaba na agad ako sa kusina para tingnan ang hapag kainan.
Kumuha na ako ng pagkain, mukhang masarap eh. Tsaka, ginugutom na ako.

Sumunod naman siya hawak ang pisngi niya kung saan ko siya sinuntok.

Nagsisi ako dahil nakita kong namumula ito at mukhang mamamaga pa.

"Ikaw ang nagluto?" Tanong ko habang umupo siya sa harap ko at iniinda pa ang sakit ng suntok ko.
"Oo. Masarap ba?" Ngumiti siya.

Muntik ng dumugo ang ilong ko nung natikman ko ang luto niyang pagkasarap-sarap. Hindi ko alam kung tinatraydor na rin ako ng dila ko o ano, basta ang alam ko lang, ang sarap.
At maslalong dudugo ang ilong ko dahil nakangiti siya habang tinatanong ang mga huling tanong niya pagkatapos ko siyang ginulpe!

"Okay lang, pwede na." Sagot ko.

LINTIK.

Kumain na rin siya pero napapansin kong panay ang tingin niya sa akin. Nagkatinginan kami habang kumakain.

"Anong tinitingin-tingin mo diyan?" Tanong ko.
"Wala, akala ko kasi may gusto ka sa akin eh." Sagot niya habang umiinom ako ng tubig.

Muntik ng lumabas sa mga ilong ko ang tubig na ininom ko.

"Ah. Ako? Ba't naman?" Tanong ko habang nanginginig.
MYYYY, sinasabi ko na nga ba!

"hehe, ewan ko. Feeling ko lang naman yun."
"Pwes, masyado kang feeling huh?" Sabi ko habang ngumingiti. GAHD. I need to cover up my feelings.
"Hehe, oo nga eh. Eh kung ako kaya magkafeelings sayo?" Tanong niya.

Para akong nahuhulog sa kawalan habang nakatingin sa kanya sa mga sandaling ito.

"I don't know!" Sabi ko.

Safe answer? YEAH. Para kung hindi totoo, hindi matatapakan ang pride ko. At kung totoo, it symbolizes possibilities.

"HMMM. If I know, liligawan mo ako!" Sabi niya.

Binigyan ko siya ng masamang tingin.

"You'll do everything to get me. Kahit di mo ako gusto." Sabi niya.

Aba't pinangunahan ako?

Alam mo, Rico. Hindi kita gagaguhin pramis! Kahit na playgirl ako, pero mahal kita, sobra!
Laugh out loud. How I wish I can spell it out to him!


At dahil di ko naman masabi, nagkibit-balikat na lang ako para di ko maisarado ang posibilidad.

"Well, nga pala. Bukas ah? Sabay na tayo! It wouldn't be strange naman siguro noh?" Sabi niya.
Huminga ako ng malalim, "Pero, di pa alam ni Hiro na magkaibigan tayo." Sabi ko.
"Ah. Eh, sabihin mo na lang na nagkasalubong lang tayo. Tsaka, sige na naman oh, practice namin yan at malapit na ang fest." He insisted.
"Ba't ba kailangan andun ako?" Tanong ko.

Natigilan siya.

"Ewan ko, basta hindi ako sasali bukas kung wala ka!" Sabi niya.
"Ha? Bakit? Si Sandy?" Tanong ko ulit out of the blue, sumulpot na naman ang pangalan nung nerd na iyon.
"Pupunta din siya eh. Sigurado ako. Pero ikaw, alam kong mahihirapan akong papuntahin ka, coz for sure pupunta ka na naman sa mall at bumili ng kung anu-ano." Sabi niya.
"Oo nga! Buti sinabi mo, pinaalala mo, bibili nga pala ako ng..."
"Sige, sasamahan kita! Ako pa ang bibili ng bibilhin mo, basta sumama ka lang sa practice."

Muntik na akong malaglag sa upuan. PUNYETA. Ano ba ang pakay niya?

Pagkatapos naming kumain at maghugas ng plato, pumunta kami sa living room at nagpahinga.

"Dito ka matutulog." Sabi ko habang hinaplos ang sofa.
"Ano? di, sabi ng mama mo, sa kwarto mo raw ako matutulog." Sabi niya.
"Sh1t. Pumayag ba si Papa?"
"Huh? Wala naman siyang binanggit tungkol sa papa mo, yung mama mo lang." Sabi niya.

Napabuntong-hininga ako. I can't believe it. My mother? Sa bagay, desperado silang dalawang tumino ako. Mga loko. Siguro akala nila titino ako kay Rico.

"Okay lang naman sa akin. Tsaka, nagkatabi naman tayo noon diba at hindi mo naman ako rineyp. Yun nga lang nahalikan mo naman ako, pero okay lang." Tumitig siya sa akin.

Pinandilatan ko siya.

"Alam mo ikaw, masyado ka talagang green minded no?" Dagdag niya. "OO NA! Sa ibaba ng kama mo na lang ako matutulog para maging secure ka naman. HAAAI, minsan na nga lang ako magkakaroon ngkatabi sa pagtulog pinagkakaitan mo pa ako."

GOOOOSH, nagsisisi ako. He looked so lonely pagkatapos niyang sabihin iyon. Natapos ang usapan namin pero yun parin ang nasa isipan ko. Kaya habang nakatingin ako sa buwan sa window at inaayos niya naman ang tutulugan niya sa sahig, I feel sad.

Tinitingnan ko siya habang inaayos ang kumot at unan. Ano kaya ang nararamdaman niya kapag mag-isa lang siya sa bahay.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang braso niya.

HAHAHA. Akala niyo siguro nagbibiro ako noh? Di nga, lumapit ako sa kanya at hinawakan ang braso niya at kinuha ang unan niya at linagay sa tabi ng unan ko.

"You can sleep beside me!" Umaliwalas ang mukha niya at yumakap siya sa akin.

"Thank you, Gette! At least kahit minsan, may katabi ako. Pusa ko lang ang katabi ko eh." Tumawa siya.
"Loko!" Sabi ko.
"Hindi mo naman siguro ako rereypin noh?" Tumawa ulit siya kaya kinurot ko ang pisngi niyang namumula.

"I'm not that desperate!"

Hindi ko nga masabi sayo ang feelings ko, tapos i-re-rape pa kita?



[STEP #29] Bridgette Reah Francisco: That's too impossible.



As we both step on the gate of Jishi's house, napansin kong huminto siya just before kami nakapasok.

"Ma una ka na!" Sabi niya before I could say a word.

At first, akala ko dahil iyon sa baka anong isipin nila dahil sabay kaming dalawa, but later, "Hihintayin ko pa si Sandy." sabi niya habang kinukuha yung scell phone niya.

"Buwisit talaga. Ang tagal dumating nung NERD na yon!" I murmured habang nakadungaw sa kay Rico na naghihintay kay Sandy.

"Rico! 5 minutes na lang!" Dumungaw si Jishi sa balkonahe para sabihin yun kay Rico.

Pangatlong tawag niya na iyan. una, 15 minutes, sunod 10, ngayon 5. Well.

"Look who's here!" Sabi ni Jishi.

Napadungaw ako pati sina Sam at Anya. Bumalik naman si Jishi sa pwesto ng mga ka banda niya at nagpatuloy sila sa pag-uusap tungkol sa nalalapit na fest.

"Talagang 'look who's here!'" Sabi ni Sam.
"Malalaman kaya niya na sa inyo natulog si Rico?" Tanong ni Anya.
"Shhhh. Baka marinig ka nina Hiro. Wa'g kang maingay!" Sabi ko.
"Malayo naman sina Hiro eh, tsaka...-"
"Pinag-uusapan niyo ba ako??" Pabiglang sabi ni Hiro.

OH NO.

Napatunganga si Anya.

"Hi-hindi." Sagot ni Sam.
"Deny pa kayo, narinig ko ang pangalan ko no!" Sabi niya.

Napahinga ako ng malalim dahil mukhang hindi naman niya narinig yung pinag-uusapan namin.

Umalis si sam at Anya para maiwan kaming dalawa ni Hiro sa balkonahe.

"Thanks for coming! Sabi ko na nga ba, pupunta ka!" Sabi niya.
"Ah... Oo." I smiled fakely.
"Andito na pala si Rico. Okay na sana, kaso, dinala pa niya yung girlfriend niyang NERD." Napabuntong hininga siya.
"Hindi pa sila! Hindi niya girlfriend si Sandy!" Sabi ko ng walang pag-aalinlangan.
"Huh? hahaha." Tumawa siya. "Really? Whatever."
Bigla akong kinabahan.

"Mas mabuti nga yun eh!" Sabi niya. At dumating andyan na nga si Rico at Sandy.
"Hiro, mukhang mag sisimula na kayo!" Sabi ko sa kanya dahil nariyan na naman ang mga mata ni Ricong nakatingin sa amin na parang nagseselos.

DREAM ON, Gette!

"Mamaya pa yan, tinatamad sina Jishi eh." Sabi niya.

And then, Rico went to us pagkatapos niyang makipag-usap kina Jishi at pinaupo sa tabi si Sandy.
OH MYY, look at the looks of that girl! Napaka skinny niya, and she looks duh. Hindi ko talaga maisip kung bakit ako tinanggihan ni Rico for that girl.

HAHA. Enough, I'm hallucinating.
Nanlalait na nga ako, tapos nagiging feeling pa na alam ni Rico ang nararamdaman ko.

"Hi Gette!" He smiled at me. "Uh, Hiro, magsisimula na daw!" Sabi niya kay Hiro.
"O sige na Hiro, okay lang ako dito!" Sabi ko naman kay Hiro.
"Sige Gette, kita na lang tayo mamaya!" Sabi ni Rico na para bang sinasadya para marinig ni Hiro.

Kaya napatigil si Hiro.

"Rico, mauna ka na. May pag-uusapan muna kami ni Gette. Susunod lang ako."
"Pero-"
"Susunod nga ako!" Sabi ni Hiro sa malumanay pero halatang naiinis na tono.

Umalis na si Rico kahit nag-aalinlangan siya.

YAN KASI! Sige pa! Pagselosin mo pa tong ex kong patay na patay sa akin!

"You and that nerd, friends?" Tanong ni Hiro sa akin na pabulong.
"Oo. Bakit?" I turned back.
"WHAT? I mean, close?" Tanong niya.
"Bakit ba?"
"HAHAHA, don't make me laugh, Gette! Don't tell me pomoporma yun sayo?" Sabi niya.
"You think so?" sabi ko.
"Oo! Sa itsura nun, isa yun sa mga lalaking nagkakandarapa sayo!"
"HAHAHAHAHA, don't make me laugh Hiro!" Sabi ko habang hinanap sa likuran si Rico. "Tingnan mo," Tinuro ko si Rico kasama si sandy. "yun ba yung tinutukoy mong pinopormahan niya? Iniinsulto mo ba ako?" Sabi ko half laughing.

Ang walang hiyang Ricong yun, papatayin ko na talaga yun mamaya! GRRRR...

"Sabihin mo lang pag pinopormahan ka nun-"
"No... no... That's too impossible. Sige na! Pumunta ka na dun!" At umalis siya agad.

Lumapit ako kina Anya at Sam.

"THAT was close!" Sabi ni Anya.
"Nakikinig kayo?" Tanong ko.
"Oo, kanina pa!" Sagot ni Sam.

Napabuntong hininga ako.

"Rico is really something." They both said.

I think so too. Pero, impossible. Pero...


[STEP #30] Bridgette Reah Francisco: Miss miss ka diyan!


“Gette?” Boses yun ni Rico.

Kakauwi ko lang, pero mas una parin akong nakauwi sa kanya. Hinatid niya pa siguro si Sandy sa bahay nila. Gahd, nakakainggit naman oh!

Pumasok siya habang nasa living room lang ako, nakatitig sa TV at nanonood ng DVD. Kumakain pa ako ng french fries.

“Gette, diba masama yan! Wa'g kang kumain niyan.” Saway ni Rico sakin habang ilinalayo ang fries.
“Gung-gung ka ba? Eh ikaw nga, kumakain neto, tapos-”
“Pero, ang dami naman ata niyan!” Sabay turo sa napakaraming french fries na inorder ko.
“Ano bah? Doktor ka ba?” Tanong ko sa kanya in a sarcastic way.
“Soon, I will be, kaya ayokong nakikita kang kumakain ng hindi healthy na pagkain!” Muntik na akong mabilaukan sa sinabi niya.

“Ano? You'll proceed to-”
“Oo, hindi ko ba nasabi sayo yun?”
“Ah. Baka kay Sandy mo sinabi.”
"hmmm, hindi eh. Sayo ko lang kasi dapat sinasabi ang mga bagay na to."
"DAPAT?" Tanong ko.
"OOOOOOO!" Sabi niya habang yumayakap sa unan at tumitingin sa TV.

At habang pinagmamasdan ko siya, naiisip ko kung lalaki na kami. I'll handle his business and he will be a doctor. WOW. Ang galing!

Ang galing talaga. Kinikilig ako. WAHAHAHA.

"Hoi, Gette!" Saway niya. "Tumutulo na ang laway mo kakatingin sa akin!" Sabi niya habang kumukuha ng french fries.
"Ano? Di-di ah?" Sabi ko.
"TSSSSSSS. Deny ka pa!" Sabi niya habang pinaglalaruan na naman ang french fries sa bibig niya.

Tumahimik ako dahil sawang-sawa na ako sa pakikipagtalo sa kanya. At kapag magtatalo pa kami ngayon, baka maamin ko na!! And that's a no no!

"Gette, naka ilang boyfriend ka na?" Tanong niya pagkatapos lang nung kissing scene ng bida at ng kanyang leading man sa movie na pinapanood namin.

HAHA, what a question. Kung basahin mo kaya ang OPENING REMARKS sa istoryang `to para malaman mo?

"Ewan ko." Sabi ko habang nakayakap sa sariling mga tuhod na naka taas sa sofa.
"Bakit di mo alam?" Tanong niya.
"Eh, hindi ko rin alam eh."
"Bakit ang dami mong naging boyfriend? Mahal mo ba sila? Bakit di pwede isa lang? Di ba pwedeng mag mahal ka ng isa lang?" Tanong niya.

Muntik na akong mag nosebleed sa mga tanong niya.

"EH HINDI KO ALAAAAAAAAM!" Sigaw ko na parang naiirita na talaga at tumingin ako sa kanya.

Nabigla na lang ako dahil pag tingin ko sa kanya, bigla siyang lumapit sa akin.
Akala ko hahalikan niya ako. JOKE.
Isinandal lang pala niya ang ulo niya sa tuhod ko.

Inayos ko ang pag-upo ko.
At hanggang sa humihiga na siya sa lap ko.

ANG PUNYETAAAAAAAANG ETO, BAKIT ANG LAMBING LAMBING NIYA?
Tapos naririnig ko na naman ang lakas ng pintig ng puso ko.

"Rico, ginaganito mo ba si Sandy?" Tanong ko.
"Ha?" Nag taka siya sa aking mga tinatanong.
"I mean, duh! Hinahawakan mo ba ang kamay niya," Habang naiisip ko yung mga sandaling hinahawakan niya ang kamay ko. "do you sleep in her lap? Iniinis mo ba siya at binibirong may gusto ka sa kanya?"

Umayos siya sa pag-upo habang nakasandal yung left arms niya sa sofa at ang isang braso niya naman sa tuhod niya.

Then he smiled, "Of course not!"
"Of course not?" Nabigla ako sa sagot niya.
"Of course, iba ka!" Sabi niya habang tumatayo.

"Bakit iba ako? Kung iba ako, iba din si Sandy?" Sabi ko habang pinagmamasdan ko siyang nagliligpit ng mga gamit niya.

Uuwi na siguro siya.

“AHAAAAAAA! Sinasabi ko na nga bang nagseselos ka eh!” Sabi niya.

NAKU. Eh ano ngayon kung sabihin kong 'oo' ha Rico?

“Whatever.” Sabi ko.
“Yes!” Sigaw niya.
“Anong 'yes' na naman ba?” Tanong ko.
“That 'whatever' means, bahala na ako kung anong gusto kung isipin right?” Ano na naman kaya ang binabalak ng nerd na to?
“Whatever.”
“okay fine! Mahal mo ako, kaya nagseselos ka. WHATEVER. Wala ka naman sigurong pake kung iisipin ko iyon diba?”
“AAAAAAAAAAAAAAAAANOOO?” Sigaw ko.
"Joke. PIKON!" Sabi niya.
"Rico, ang weird mo, ba't ka nang-iinis?" Tanong ko, seriously.
"Ewan ko din." He smiled.

Habang nakikita siyang papalabas ng bahay at pinaandar ang sasakyan.

“Kita na lang tayo sa Fest. Don't miss me ah?” Then he smiled as he waved goodbye.

Ang walang hiyang yun, ano ang gusto niyang isipin ko? Damnit. Bakit niya ako ginaganito? Alam niya na ba na mahal ko siya? Sino ang nagsabi sa kanya? Am I being too showy? GAAAAAAAAAAH.

"Miss miss ka diyan!"

That night, I couldn't sleep well. I can't just sleep well with that thoughts bothering.
Di ko alam kung sinabi niya lang ba yun sa akin para malaman kung may gusto ako sa kanya o hindi.

Can you guess?

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText