<xmp> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4829833803650648948\x26blogName\x3dJonaxx%60s+Stories.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com/\x26vt\x3d7427613743029027692', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

Kabanata 11-15



Kabanata 11.
Simulan Lang, Wa'g Tapusin

Hindi ako makatulog sa pagkukumpara ko kay Jacob at kay Callix. Lagi itong natatapos sa... mayaman si Callix, mahirap lang si Jacob... pero talagang umiepilogue pa talaga ang utak kong... di naman kailangang mayaman para magustuhan ang isang tao.

"Mukhang puyat ka ah?" Nakangising sabi ni Maggie sa hapag kinaumagahan.

Naka P.E uniform na ako nang lumabas ng bahay. Masaya si Maggie kasi pupunta si James bukas sa bahay namin. I mean, BAHAY NI LOLA. Ako naman... bigung-bigo sa pagmumuni-muni ko kagabi.

"Hello miss sungit!" Pambungad ni Jacob sakin papuntang school.

Naka-P.E uniform din siya at kitang kita mo talaga ang hubog ng katawan niya sa loob ng t-shirt niya kahit di naman talaga 'to ganun ka fit. Di ko na lang siya pinansin kasi naririnig ko na naman ang malalakas na pintig nang puso ko.

Sh1t Sh1t Sh1t tama na Jacob!

Linapit niya pa ang mukha niya sakin at...

"Anong nangyari sayo miss sungit? Mukhang puyat ka ah?" Aniya.

What the pak?! Sinabi mo pa talaga? Eh kung alam mo lang! Di ko na talaga siya tinignan. Nag wish na lang ako na sana ay tantanan niya na ako.

"May nangyari ba sayo kagabi? Matagal kang umuwi diba? Ginabi ka?" Ngayon ay seryoso na ang kanyang tono kaya napatingin ako sa kanya.

OMG! I think this is it... I'm really falling for this guy! Really, Rosie? Parang di ko na lang naisip kung anong sasabihin ni mama at talagang nadala na lang ako lalo na sa mga sinabi niya.

Fck it kung magsasaka siya! Wala akong pakealam kung mahirap siya! Wala akong pakealam kung di siya tulad ni Callix! Wala akong pakealam...

"Wala." Sabi ko at inirapan siya sa inis ko sa sarili ko.
"Sabi sayo eh, wa'g kang magpasexy dito. Siguro may bumastos sayo kagabi pauwi sa inyo?" Concerned na ang boses niya.
"Wala nga eh..."

Dumating na ang teacher ng first period. Di na naman ako nakikinig dahil nagmumuni-muni na naman ako tungkol dito kay Jacob na paminsan-minsan ay kinakausap ako o iniinis.

"Tahimik mo ngayon ah? Galit ka ba?" Tanong niya ilang sandali ang nakalipas.
"Kelan ba ako naging 'hindi' galit sayo?" Sabi ko.

Ginagawa ko ang lahat para umarteng normal dahil ayokong nagmumukhang may nagbago at baka mahalata niya yung feelings ko or something. Ang paranoid ko talaga!

Natahimik siya at tinignan ko siya, mukha siyang nakikinig ng seryoso sa teacher. Ginalit ko yata?

"Mas gusto ko yung kinakausap mo ako kahit galit ka kesa tahimik ka lang diyan at di ko alam kung anong iniisip mo..." Sabi niya at nagkatinginan na rin kami sa wakas.

Dinig na dinig ko na naman ang tibok ng tanga kong puso. Anong problema mo, Rosie? Wala naman siyang ginagawa pero ganito ka makareact?

Tinignan ko siyang mabuti... he looked away smiling...

Mukhang di ko na mapipigilan ang sarili ko. Kung ganito ang reaksyon ko na yan lang ang mga sinasabi niya, paano pa kaya kung maging magkaibigan na talaga kami? Ayoko ng isipin iyon. Magugustuhan niya kaya ako kahit na masamang impresyon na ang unang naipakita ko sa kanya.

Nang nag P.E kami, una naming ginawa yung badminton bago magpractice ng cheering para sa nalalapit na intramurals.

Agad akong naging star player sa grupo namin nang naglaban-laban kami sa badminton. Magiling talaga ako sa mga sports at mga kung anu-ano pang may koneksyon sa galaw-galaw. Nagsimula na rin kaming nagpractice sa cheering squad kung saan parating napapagalitan si April dahil di siya marunong. At eto pa ang worst, si Eunice ang leader ng 6th year na squad kaya kawawang-kawawa si April. Pati na rin ako minsan... Wala si Jacob para ipagtanggol si April eh, kasali kasi siya sa basketball team...

"Sige! Till next P.E time!" Sabi ni Eunice pagkatapos naming nagpractice.

"Roseanne... Uh..." Si April! "Uh... Sana next week magbaon ka na lang para sabay tayong kumain sa field o sa canteen." Aniya na ikinagulantang ko.
"Uhmm. O sige." Sabi ko. "Tsaka... Rosie na lang." Sabay ngiti ko.

Mabuti at di niya ako pinigilang umalis. Pero nang malapit na ako sa gate at iniisip na sa wakas ay weekdays na...

"Roseanne!" Kung sana ay babae yung tumawag, sasabihin ko ng si April iyon pero lalaki eh.

Lumingon ako sa likuran ko. Si Jacob ay naglalakad papunta sakin, matamad niyang binuhat ang bag niya sa iisang balikat. Si April naman ay nasa likuran niya, nakatayo at inaayos ang eyeglass habang tinitignan kaming dalawa.

"A-Ano?" tumigil ako sa paglalakad.
"Simulan na natin ang thesis natin..."
"Diba sabi mo maaga pa-"
"Simulan lang naman diba? Di pa tatapusin..."



Kabanata 12
Naudlot na Paghatid


"Saan natin gagawin ang thesis, aber?" Tanong ko.
"Dito sa school! Sa library!" Sabi niya na para bang naiirita.
"Gagabihin ako ng pag-uwi at mababastos ako-"
"Safe ka naman ngayon eh naka P.E ka lang..." Ngumisi siya.
"Safe ka diyan! Paano kung ma rape ako? Dami pa namang damuhan dito at mga kagubatan. Naku! Mamamatay ang mama at papa ko pag nalaman nilang may nangyaring masama sakin!" Sabi ko at nag-iisip pa ng maraming alibi kasi ang gusto ko na lang mangyari ngayon ay iwasan siya...
"O siya sige ihahatid kita sa inyo!" Sabi niya na ikinabigla ko.

Hindi iyon ang pinangarap kong marinig... never in my wildest imagination na maririnig ko iyon kaya natigilan ako at halos di ko masabi ng maayos ang sagot ko.

"P-Pero... Uh... Hin-Hindi mo alam kung saan ang bahay namin. Mahihirapan ka lang."
"Eh anong tawag sayo? Ano ba sa tingin mo yung gagawin mo kung ihahatid kita?" Umirap siya. "Edi turuan mo ako kung saan ang bahay niyo?!" Aniya na para bang ang bobo ko para di ko maisip yun. "Tsaka... di naman talaga yun kailangan, Aranjuez ka diba? Walang ibang may Aranjuez dito kundi yung bahay ninyo."
"Okayyy! Edi sige!" Nagmartsa ako papuntang library nang di nagpapaalam kay April sa likuran ni Jacob.

Sumunod naman ang kumag. Umupo ako sa isang bakanteng table. Marami-rami din naman ang estudyanteng nasa library, kadalasan ay mga 6th year, siguro dahil sa thesis o di kaya sa reporting ng Filipino 6 na tinatalakay ang mahirap na Filipino Literature.

Umupo siya sa tabi ko dala-dala ang iba't-ibang libro. Hinayaan ko na rin siyang maghanap ng topic.

"Hoy senyora, hindi ka nandito para maglaro diyan sa cellphone mo, buti pa mag hanap ka rin." Aniya.
"Wow! Alam mo pala ang tawag dito, cellphone?" Ngumisi ako at umirap sa kanya. Kainis eh!

Gwapo ka ha pero sana wa'g naman masyadong nakakainis!

"Kaw talaga! Napaka judgemental mo. Porke ba't taga rito ako di ko alam anong cellphone?"
"Oh eh bakit? masisisi mo ba ako kung etong bukirin ninyo isang bar lang ang signal. Malayo sa sibilisasyon. Ala sais pa ng gabi tulog na ang mga tao-"
"Nine PM natutulog ang mga tao rito!"
"Pareho na rin yun! Nine PM? Sa Maynila eh kakagising lang ng mga tao para mamasyal sa mga mall at mag bar-"
"Kung ganyan mo naman kamahal ang Maynila edi bumalik ka na lang doon!" Sabi niya. Seryoso na siya at galit ngayon.
Umirap na lang ako sa kagwapuhan niya kahit galit.

Tumingin siya sa malayo, tahimik, habang tinititigan ko siya.

Ayaw niya ng mga judgemental na tao. Ayaw niya ng mga taong minamaliit siya o sino mang kaibigan niya (tulad ni April). Tama. Nakakainis nga naman ang mga judgemental na tao... tulad ko...

"Kung may choice lang ako, babalik na ako!" Sabi ko ng mahinahon.

Para bang sa pagtitig ko sa mukha niya ay napawi ang inis at galit ko. Nainis ako sa sarili ko. Judgemental. Pero yun ang totoo kong nararamdaman... Ayoko dito sa bukid. Nasanay ako sa pamamasyal sa mga mall, panunood ng sine, pagkain samga fastfood, pamimili ng damit... Sinanay ako masyado ni Callix sa halos tatlong buwan naming relasyon.

"Ba't wala kang choice?" Tanong niya.

Ayokong sabihin sa kanya ang katotohanan. Kung siguro'y mayaman siya, hinding hindi ko sasabihin. Pero dahil alam kong sanay siya sa kahirapan, nasabi ko...

"Umuwi na sina mama at papa galing Canada, wala kaming bahay sa Maynila, nangungupahan lang kami kaya napilitan kaming pumunta dito."

Binuksan niya ang kanyang bibig na para bang may sasabihin sana pero pinigilan niya ang kanyang sarili.

"Kung dito ako lumaki sa bukid, siguro walang problema sa akin ang pananatili dito. Pero di eh... sa syudad ako lumaki. Yun ang comfort zone ko. Hindi dito... Dun ako masaya." Sabi ko at pinigilan na rin ang sarili ko sa pagsasalita.
"Di naman siguro. Hindi naman ibig sabihin na kahit comfort zone mo ang isang lugar ay dun ka masaya. Minsan, sumasaya ang mga tao sa lugar na akala nila ay di sila magiging masaya."

Nagkatinginan kaming dalawa.

*TING-TING-TING*

Closed na ang library. 6PM na kasi at kailangan ng umuwi ng mga mag-aaral.

Pagkalabas namin ni Jacob sa library, nakita namin si April na para bang kanina pa nakatayo at nilalamok na sa pag-aabang samin.

"O, April, ba't nandito ka pa?" Biglang-bigla si Jacob.
"Uh... Inayos ko pa kasi ang report ng grupo eh." Aniya nang di makatinginkay Jacob.

Tumingin si Jacob sakin.

"Uuwi na rin naman ako." Dagdag ni April.
"Uh... Sige na Jacob, ihatid mo na si April." Sabi ko.

Parang may naramdaman akong hollow space sa tiyan ko, hindi ito gutom kasi di kumakalam ang sikmura ko, hollow space lang... dala siguro ng panghihinayang ko.

Oo na, nanghihinayang ako dahil di niya ako maihahatid.

"O sige. Sigurado ka bang okay ka lang mag-isa?"

Nakita ko itong paparating pero di ko alam na masakit pala. Sana sinabi niyang ihahatid niya ako, pero di eh.

"O-Okay lang ako Jacob." Sabi ni April.
"Okay lang, April. Kaya ko mag-isa. Sige! Bye!" Sabi ko at nagmadaling umalis.

Of course! Pipiliin niyang ihatid si April kahit sinabi niya sakin kaninang ihahatid niya ako. Di bale na daw kung gabihin kami basta ihahatid niya ako. Pero anyare, Jacob?

Mas lumawak yung hollow space sa tiyan ko. Nasaktan na ako dati pero di ganito ka OA yung nafeel ko noon. Ang OA ko na ngayon. Dala siguro ng malamig na simoy ng hangin dito sa bulubundukin at kagubatan ng Alegria.



Kabanata 13
Nakalimutan ang Lahat


"Dito lang manong." Sabi ko sa driver at binigay ko na yung pamasahe ko.

May 20 steps na lang at makakarating na ako sa bahay nang biglang may nagtakip sa mga mata ko galing sa likuran.

"AHHHHH!" Tinakpan niya ang bibig ko kaya natigil ako sa pagsigaw. "An-"
"Ako 'to!" Naaninaw ko ang mukha ni Jacob nang tinanggal niya na ang kamay niya sa mga mata ko.

Sa sobrang lapit naming dalawa halos marinig ko na rin ang bilis at lakas ng pintig ng puso niya. Di ko nga lang na confirm kung kanya nga ba yun o akin.

"Ba't ka nandito?" Tanong ko.
"Weh Syempre nag-aalala ako. Tinignan ko kung nakauwi ka na!" Sabi niya na para bang ang bobo ko ulit dahil di ko alam.

Nag-aalala siya? Kelan ba siya nag-alala sakin? Uminit ang pisngi ko at sigurado akong pulang-pula na 'to ngayon.

"U-Uh... K-Kaya heto at uuwi na ako. N-Nakauwi ka na pala eh." Tinignan ko siya at di siya makatingin sakin.

Inayos niya ang bag niya sa likuran.

"Paano mo nalaman na taga rito ako?Stalker!
"Gaya ng sabi ko... iisa lang ang Aranjuez dito. Kilala ko ang Auntie mo at maliit lang ang Alegria."
"Taga saan pala sina April? Ba't nauna ka pa dito sakin?" Tanong ko.
"Doon malapit sa simbahan ang bahay nila. Syempre nauna ako dahil alam ko ang pasikot-sikot dito."
"O-Okay.."

So ano, papapasukin ko ba siya sa bahay? At pag nalaman ni mama at papa na mahirap siya tatanggapin kaya nila si Jacob? Hay! Sana di ganun ka judgemental si Mama.

"Mmm. Alis na ako." Aniya bago pa ako makapagsalita.
"Saan ang bahay niyo?"
"Diyan lang... sa... uhm... may kanto. Sige na, pumasok ka na sa inyo."
"Aling kanto diyan?" Syempre, curious din ako kung nasaan at anong itsura ng bahay nina Jacob. "Diyan malapit sa may tindahan ng load?"
"Hindi... Basta... Sige na, pumasok ka na. Di ako aalis dito kung di ka papasok."
"Eh gusto kong malaman-"
"Wa'g na! Asus! Manlalait ka lang eh!"
Sinapak ko ang dibdib niyang, uyyyy matigas huh, syempre may abs diyan!
"Bakit? totoo naman ah? tsss! Sige na! Alis ka na!" Aniya.
Inirapan ko siya at umalis na.

SALAMAT HUH? GWAPO AT GUSTO KITA PERO NAKAKAINIS KA!

"Bye!" Sabi ko.
"La bang thank you?" Sigaw niya nang malapit na ako sa bakuran namin.
"Thank you mong mukha mo, Jacob! Iniinis mo ako magtha-thank you pa ako? Salamat sa pang-iinis?" Sabi ko.

Nakita kong tumawa siya.

"Bahala ka! Ang sama mo!" Sabi niya at umalis din.

That night... I couldn't stop thinking about him. Nawala yung sama ng loob ko sa kanya dahil di niya ako hinatid. Nakalimutan kong pinili niya si April kesa sakin. Nakalimutan kong nakakainis siya. Nakalimutan kong gusto ko si Callix. Nakalimutan kong mahirap siya at taga-Alegria. Nakalimutan ko lahat! Nangibabaw na lang yung di napapawing ngiti ko at ang mga Baka Sakali ko. Baka Sakaling magustuhan niya ako. Baka sakaling magustuhan siya ni mama. Baka sakaling pwede kaming dalawa.


Kabanata 14
Laging Bigo


Sabado at dumating si James galing Maynila. Ang saya-saya ni Maggie at papatulugin si James nina Mama dito sa bahay. Walang kupas ang pagiging inlove ng dalawa. Sweet-sweetan parin lalo na pag wala si Mama at Papa sa paligid.

"Buti pa ipasyal mo si James sa Kampo Juan o di kaya sa Alp?" Sabi ni mama nang nakangiti.

Eexit na sana ako. Ayokong pumanta doon sa Kampo Juan o sa Alp Spring, panigurado'y makikita ko na naman si Jacob doon. Oo, gusto ko siya. Pero bumibilis ang pintig ng puso ko pag nandiyan siya at ayoko ng ganun. Dapat iwasan.

"O Saan ang punta mo, Rosie? Buti samahan mo sina Maggie at James sa Kampo Juan at Alps?" Sabi ni mama.
"Pagod ako, ma. Sila na lang."
"Sige na sis! Please? Please? Please?" Sabi ni Maggie.
"Ba't pa ako kailangan. Ayaw mo nun? Wala ako?"

Pero hindi niya ako tinantanan ng di sumasama. Nagbihis na ako para sumama sa kanila. Short pants at white t-shirt lang tapos tsinelas. Nakakatamad eh.

"Cheer up! Kaya nga kita gustong isama eh para masiyahan ka. Boring doon sa bahay. Buti ka nga may school ka sa weekdays, samantalang ako, pinapakain lang yung mga manok at nag luluto tapos nanonood ng TV." Sabi ni Maggie sakin nang nakasakay na kami ng tricycle papuntang Kampo Juan.
"Makikita ko lang si Jacob dun na nagtatrabaho." Sabi ko habang sumisimangot sa tabi niya.
"Sinong Jacob?" Tanong ni James.
"Yung pamalit niya sa ex niyang si Callix." Tumawa pa si Maggie.

Umiling na lang ako.

Nakarating kami sa Kampo Juan at nagsimula na silang mamasyal. Ako naman ang may hawak sa camera kaya pose sila nang pose samantalang ako yung nagpipicture. Pero sa pang one-hundredth na picture yata, natigilan ako nang may namataan ako sa likuran nilang nagbubuhay na naman ng kahoy!

Uminit ang pisngi ko at tinoon ang pansin sa camera.

"Anong problema?" Sabi ni Maggie nang nakitang pumupula ang pisngi ko.
"Wala!" Sabi ko. "Sige na, pose na kayo ni James!"
"Nagbu-blush yata." Sabi ni James.

Napicturan ko sila ng stolen! Kainis naman ang dalawang 'to! Lumingon sila sa likuran at nakita kung sino ang nagdulot ng pamumula ko.

"Si Jacob ba yan?" Tanong ni Maggie. "JACOOOB!" Tawag niya dito kahit di niya naman kilala o di naman talaga siya kilala.
"Huy! Maggie! Tigil ka nga diyan! Bushet 'to oh!" Sabay lagay ko ng kamay ko sa bunganga niya pero huli na ang lahat.

Tawa nang tawa si James nang narealize niya ang ginawa ni Maggie. Kumaway pa si Maggie kay Jacob nang lumingon ito.

Nakasimangot ang kumag. Paano ba naman kasi, may tumatawag sa kanyang di kilala.

"Nandito si ROSIEEE!" Sabay turo ni Maggie sakin kaya natakpan ko ulit ang bunganga niya.

Nilagay ni Jacob ang kahoy na dala-dala sa lupa at naglakad diretso samin. OMG! Sa malayo palang kitang-kita na ang sparkling abs niya at sparkling sweat.

"OOOOhhh!" Sabi ni Maggie nang narealize na talagang gwapo at may abs ang kumag. "Alam ko na ngayon kung bakit." Siniko niya ako.

Kainis lang eh! Nagtawanan sila ni James samantalang nininerbyos naman ako dito.

"Oh, Rosie. Nandito ka pala. Anong ginagawa mo dito?" Tumaas ang kilay niya.
"Pinapasyal namin ang boyfriend ng ate ko. Eto nga pala ang kapatid kon, si Maggie at yung boyfriend niyang si James."

Ngumiti at tumango si Jacob sa ngumingising sina James at Maggie.

"Naku, ikaw pala si Jacob! Lagi kang binabanggit ni Rosie samin eh-" Tinakpan ko na ulit ang madaldal na bunganga ni Maggie.

Tumingin si Jacob sakin, ngumingisi at mukhang parehong nagtaka at nabigla ang kumag. Alam kong mejo may feelings na ako sa kanya pero ayaw kong malaman niya iyon. Baka mag fe-feeling lang siya at masapak ko pa.

"Jacooob!" May tumawag sa kanya galing sa likuran.

Tumingin kaming pareho ni Maggie hanggang sa maaninaw ko ang malalaking eyeglasses ni April habang kumakaway kay Jacob.

"Okay ka lang ba diyan?" Tanong niya, papalapit na.
"Oo. Nakita ko lang sina Rosie."

Tumingin si April sakin at ngumiti. Pero may kung ano sa ngiti niya at di ko alam kung ano yung tinutukoy ko.

"Si tatay pagod na eh. Ayos na daw yung ginawa mo, salamat!" Sabi ni April nang nakalapit na. "Hi, Rosie!"
"Uh... hello! Eto nga pala si Maggie ang kapatid ko tsaka si James na boyfriend niya."

Ngumiti siya ng saglit kay Maggie at James tapos ay tumingin ulit kay Jacob.

"A-Ano... Salamat talaga Jacob ah?"
"Walang anuman." Ngumiti si Jacob.

So? Tinutulungan ni Jacob si April? Wait... Yung tatay ni April ang tinutulungan ni Jacob? Close siguro sila ng tatay ni April or something? Baka may namamagitan sa dalawang ito.

Nakumpirma ko namang may namamagitan nga sa dalawa nang...

"Uh... Di ka pa ba aalis?" Tanong ni April.
"Aalis na. Tayo na?" Sabi ni Jacob.

Naglahad si April ng kamay kay Jacob at agad naman 'tong hinawakan ni Jacob.

"A-Alis na kami Rosie, Maggie, tsaka James." Sabi ni Jacob nang seryosong tumitingin sa nabigla kong ekspresyon.

May konting parte sa puso kong gumuho kaya napanganga ako sa nakita at halos di makapagsalita. Siniko pa ako ni Maggie bago nagsalita.

"O-Okay. Bye!"

Tinalikuran kami ng dalawa habang masayang nagho-holding hands palayo. May kung ano sa tiyan kong bumabagabag sa mood ko. Gusto ko ng umuwi at magmukmok sa bahay. Matulog o di kaya ay magpaload at mag GM sa kahit sino na lang para maalis ko ang pag-iisip ko sa nakita ko.

"Taken na yata?" Sabi ni James.
"Nope! I don't think so..." Sabi ni Maggie. "Siguro kaibigan lang."
"Kaibigan lang? Ibig sabihin kung ako makikipagholding hands sa iba pupwedeng kaibigan ko lang yun?"

Sinuntok ni Maggie si James at tumingin sakin. Tahimik silang pareho. Alam kong sinabi lang yun ni Maggie para gumaan ang loob ko pero alam kong tama si James. Imposibleng magkaibigan lang sila kung naghoholding hands sila.

Kaya pala pinagtatanggol niya si April sa school. Kaya pala close na close nila. Siguro sila na nga! Ba't di ko yun nakita? Kaya pinili ni Jacob si April dahil sila na!

Kabanata 15
Muntik Na Sana


Hindi ko na ulit sila nakita sa araw na yun. Syempre, masayang masaya si Maggie at puro lampungan yung nakikita ko sa kanilang dalawa ni James habang nanonood sila ng TV. Ako naman ay di parin maalis sa isip ko yung pagho-holding hands ni April at Jacob. Hanggang sa mag Lunes na ulit...

"Nagbaon ka ba ngayon, Rosie?" Tanong ni April sakin.
"Oo." Sabi ko naman.

Sa kagustuhan kong malaman kung ano talaga ang tunay na namamagitan kay April at Jacob ay nagbaon ako para makasama siya.

"Doon tayo sa canteen." Ngumiti siya at inayos ang eyeglasses.
"Okay." Sabi ko.

Pagkarating namin sa mataong canteen. Sinalubong agad kami ni Eunice at may mga alipores pa siyang kasama.

"Abah! Close na pala kayo, ano?" Sabi niya. "At ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo dito? Bawal kayo dito! Umalis na nga kayo! Ambabaho niyo!"

Tumango ang mga kasama niya.

"Ikaw lang ba ang may karapatang kumain-" Di na ako nakapagpigil na sumagot sa kanya pero hinawakan ni April ang braso ko at hinila ako palayo sa kanya.
"Hayaan mo na si Eunice. Lika na lang doon sa field."

Kainis si Eunice! Kaya naman na-bubully 'tong si April kasi hinahayaan niya lang si Eunice eh. Tsk! Nagtungo kami sa isang bench sa ilalim ng isang malaking kahot sa gilid ng soccer field. May ilang nasa kabila ng field nagpi-picnic at kumakain ng lunch nila.

"Dito na tayo." Ngumiti si April at linapag ang baon at bag niya sa bench.

Umupo ako sa bench at nagsimulang buksan ang baon ko.

"Ganun na talaga si Eunice. May gusto kasi siya kay Jacob." Pumula ang pisngi niya at kumain na. "Galit siya sakin."
Tinignan ko siyang mabuti, "Ba't naman siya galit?"
"K-Kasi close kami ni Jacob." Mas lalong pumula ang pisngi niya.

Kumain na rin ako. Does that mean hindi niya boyfriend si Jacob?

"Kayo na ba ni Jacob?" Tanong ko nang malapit na akong matapos kumain.

I don't want to prolong my agony.

"H-Huh?" Nabigla siya at naging balisa. "Gusto ko siya..."

Umihip ang malakas at malamig na hangin galing sa mga bukid. Natabunan ng clouds ang araw habang tumitingin si April sa malayo. In deep thought.

"Mahal ko siya... S-Sana wa'g mong sabihin 'to kahit kanino." Ngumiti siya. "Kayo lang yata ni Jacob ang kaibigan ko dito sa school."

Tumango ako at uminom ng tubig. Calm down Rosie.

"Sana nga maging kami na. Magkaibigan na kami noon pa lang at lagi niya akong tinutulungan sa tuwing may problema ako. Lagi niya akong ni-rerescue sa tuwing binubully ako." Tinignan niya ako at ngumiti ulit.

Hindi ako makatingin sa kanya kaya tinignan ko na lang ang dala-dala kong mineral water.

"Lagi siyang mabait kahit kanino. Kahit kay Eunice na masamang tao." Napatingin ako sa kanya. Mukhang galit siya kay Eunice. "Pero naiinis din siya kay Eunice sa tuwing inaaway ako nito."
"Gusto ka ba ni Jacob?" Alam kong mejo pangit pakinggan ang tanong ko pero yun ang lumabas sa bibig ko.
"Siguro hindi." Napasinghap siya. "Kung mahal niya ako, ba't ni niya pa ako nililigawan diba?"
"P-Pero nag holding-hands kayo dun sa Kampo Juan ah?"
Namula ulit siya at ngumiti na parang kinikilig, "Sweet lang talaga si Jacob kaya ganun, bukod sa ka-sweetan niya, wala na siyang ibang pahiwatig tungkol sa nararamdaman niya. Sweet siya sa lahat. Kaya di ko alam kung may kaibahan ba ako sa lahat ng iyon o wala. Gwapo at mabait siya kaya maraming nagkakagusto sa kanya."

SWEET SIYA SA LAHAT? Eh anong tawag mo sa trato niya sakin? SWEET? Well, sweet siya sometimes pero most of the time ay masungit at nakakainis siya.

"April!" May tumawag galing sa likuran.

Pareho kaming lumingon dalawa sa tumatawag at pareho naming naaininaw ang gwapong si Jacob. Masyado siyang gwapo at kung sa Maynila siya tumitira baka ginawa na siyang modelo. Sumimangot ako sa iniisip ko habang kinukutya ko ang kagwapuhan niya... hindi ko talaga maalala kung sinong modelo ba ang nakita kong may mas gwapo pang mukha sa kanya. Pwede siyang maging artista sa mukha niya.

"J-Jacob?" Nabigla at namula si April.

Paano ba naman eh yun ang pinag-uusapan namin eh.

Dala-dala ni Jacob ang gitara niya sa likuran.

"Pinatawag ka ni Mrs Gonzalo." Sabi ni Jacob at tumingin sakin.
"O-Okay. Rosie, maiwan na muna kita ah?" Nagligpit si April ng gamit.
Ngumiti ako bago siya umalis at tumingin na lang sa malayo.

Hindi ko namalayang umupo pala siya at nagsimulang iset-up ang guitar niya.

"Okay ka lang ba?" Ngumisi siya nang tinignan ko.
"Okay lang. Bakit?" Ngumisi din ako. Takot baka makita sa mukha ko ang naramdaman ko mula nang nag holding-hands sila ni April.

Pero okay na ang pakiramdam ko ngayong nalaman kong di naman pala sila pero mukhang wala ng ibang babae ang mas hihigit pa kay April sa kanya. Para bang nagsisimula na akong magkagusto sa kanya saka ko nalamang bawal pala.

"Hindi ka naman okay eh?" Tumaas ang kilay niya.
Kinabahan naman ako, nakikita niya kaya sa mukha ko? "Ba't mo naman nasabi?"
"Di mo na ako iniinis!" Tumawa siya.
"Tseh! Hindi naman ako yung nang-iinis satin eh! Ikaw naman lagi!" Sabi ko.
"Weh? Di naman ako ganung tao! Ikaw siguro?"
"Nang-iinis lang ako kung naiinis ako sayo."
"Yun nga eh. Wala naman akong ginagawang masama sayo eh naiinis ka na lang bigla." Humalakhak siya. "Ano bang problema mo sakin?"
"Wala nga eh! Wa'g ka na nga lang magsalita para wala akong problema?" Inirapan ko na.
"Ultimo pagsasalita ko, ayaw mo? Grabe ka naman! Ang harsh nito oh?"
"Ba't ba pinatawag si April ni Mrs Gonzalo?" Tanong ko, ignoring the last thing he said.
"Ewan ko." Nagkibit-balikat siya.
"Weh? Di mo alam eh close na close kayo ni April." I said with a hint of bitterness.

Tumingin siya sakin ngumisi kaya napatingin ako sa malayo. Stop smiling!!! Grrrr!!!

Nagsimula siyang mag-strum sa guitar niya at tumindig talaga ang balahibo ko lalo na nung kumanta siya...

"We'll do it all... everything... on our own...We don't need... Anything... Or anyone... If I lay here... If I just lay here... Would you lie with me... And just forget the world?"

Habang kinakanta niya 'to ay tinitignan ko siya. Hindi niya tinatanggal ang mga titig niya sa mga mata ko. Ibang klase kung makatibok ang puso ko. Ni hindi ko pa to naramdaman kay Callix noon. Mahal ko si Callix at puro kasweetan yung tinamo ko sa kanya lalo na nung bago pa lang kami pero hindi niya kailanman naibigay ang ganitong klaseng damdamin sakin.

Parang sasabog ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba sa lamig at ganda ng boses niya? Dahil ba sa walang-kapintasang kagwapuhan niya? Dahil ba tingin ko'y di ko siya pwedeng magustuhan pero gusto ko na siya? O dahil alam kong di siya kailanman magkakagusto sakin?

I looked away. Tumingin ulit ako sa mga taong kumakain ng lunch sa kabila.

"Di mo man lang ba ako papansinin? Heto ako at nagpapapansin sayo at kinakantahan ka at eto ka mukhang mas gugustuhin pang umupo dun sa kabila kesa dito sa tabi ko?"

Napalingon ako sa sinabi niya. Tumawa siya sa nabiglang ekspresyon ko at kumanta ulit...

"If I lay here... If I just lay here... Would you lay with me and just forget the world..."

Kung makapagsalita siya parang may laman sa loob nito. Nagkatitigan kami at tumigil siya sa pag gigitara.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya at ngumiti.
"Magaling ka." Tumango ako at inalis ang tingin ko sa kanya.
"Yun lang?" Hinawakan niya ang pisngi ko at nilingon ang mukha ko para tignan siya.
"A-Ano ang gusto mong marinig?"

I'm sure pulang-pula ang pisngi ko dahil naramdman kong uminit ito sa ginawa niya. Nakita ko ang seryoso niyang mga mata na nakatitig sakin at binuksan niya ng konti ang bibig niya.

Mga mata niya na galing sa mata ko ay tumitingin na ngayon sa lips ko kaya mas lalong nag init ang pisngi ko. Ang mga kamay niya ay nasa pisngi ko parin. Baka malaman niyang naghuhuramentado ako ngayon at maramdaman niya ang init sa pisngi ko kaya lumayo ako ng konti sa kamay niya pero unti-unti siyang lumapit sa pisngi ko at... tinanggal niya ang kamay niya sa pisngi ko at tinanggal niya rin ang mga mata niya sa mata ko.

Tumingin siya sa kawalan gamit ang malungkot niyang mukha.

WE WERE ABOUT TO KISS! Hahalikan niya na sana ako! Grabe yung tibok ng puso ko di parin napapawi!

Inis ako sa sarili ko dahil imbes na magtaka kung bakit niya yun ginawa, mas iniisip ko ngayon kung bakit di niya itinuloy.

Linagay niya ang kamay niya sa kanyang noo at tumingala. Tahimik lang kaming dalawa at nakaupo sa bench. Oo nga pala, nasa school kaming dalawa. Di pwedeng maghalikan dito no!

Uminit ulit ang pisngi ko nang naalala ko ang nangyari.

O baka naman... itinigil niya dahil alam niyang ayaw ko sa mga tulad niya... tulad niyang hindi mayaman?





Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText