<xmp> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/4829833803650648948?origin\x3dhttp://jonaxxstories.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>




hopeforthehopeless
i'm ready to take all my chances with you

raindrops
are falling like tears



web traffic


Online Readers

"Saan ako dinala ng sarili ko? Sayo. Parin."

What's the next story you want to read from Jonaxx?
 
pollcode.com free polls




Hi everyone! Welcome to JonaxxStories. You are very welcome to read and comment my stories. And if you have comments, suggestions about this site, just post it in our tagboard. If you have questions, you may read FAQs or post it in our Formspring! Thanks! I am currently active on WATTPAD! Username: jonaxx See you there!





forms
curiosity

tag
so, whats up?

visits
i am missing you

EPILOGUE


EPILOGUE




Finally, okay na si Jini at JR. Wala ng nanggugulo sa kanilang relasyon [o dibah?hehe] simula nung umalis na si Hans patungong America. So far, wala nang nangahas na manggulo sa relasyon ni JR at Jini sa kanilanng skul. It's been two years since Hans flew back to America. Jini and JR's relationship is getting stronger. Although, may mga misunderstandings lang talaga sometimes.

"Hey. Ganda mo na ah! Ba't nagtatagal ka pa dyan?" Tanong ni King habang nakasandal sa pintuan ng kwarto.
"King! Wa'g mo nga akong gulatin!" Sabay ikot ni Jini. "Okay na ba to?"
"Oo! Okay na! Lahat naman okay sayo eh! Ayos lahat kapag sinusoot mo!"
"Asus. King huh? Binobola mo ako! Sige ka! Isusumbong na talaga kita kay Andrea!"

Umiling si King.

"O ano? HAHA. Tameme ka no? Siguro, may nangyayari na talaga senyo ni Andrea noh? HAHA."
"Nukaba. Wala no! Tsaka, winawala mo ang usapan eh."

Kinuha ni Jini ang bag na nasa harapan niya at umalis na sa kwarto at linagpasan si King.

"Di ka naman kasi nagshi-share eh."
"Ano naman ang i-sh-share ko? Tsaka, ang bata pa nun! Kung bata ka nga para sakin, mas bata parin siya."
"SOOOO? Ano ngayon kung bata siya?"
"Haha. Look at me," Sabay spread ng arms. "I'm already a professional. Tsaka, wala akong time para sa isang college student ngayon."
"HAHAHA. Gumraduate ka lang ganyan ka na magsalita."

Bago sila umalis ng tuluyan sa kwarto, may narinig silang sigaw. "JINIIIIIIIIIIIIII. Ang tagal naman niyan!" Sigaw ni JR. >:D "Langya naman oh! Ano bang ginagawa nyo dyan?"
"Oo na! Heto na!" Sabi ni Jini ng pasigaw.

Nagmadali siyang bumaba para puntahan ang kinakabahang si JR. Kasi naman, I me-meet nila ngayon ang dalawang kuya ni Jini na kauuwi lang galing abroad.

Napanganga si JR nung makita niya si Jini na nagmamadali sa pagbaba at ang ganda-ganda sa soot nito. Ngunit, gumuho ang moment ng natalisod siya sa pangatlo sa panghuling baitang ng hagdanan.

Nauna ng sumigaw si King ng... "JINI. Ingat!" Habang papababa rin.

Buti na lang at nahawakan ni JR ang baywang ni Jini bago siya tuluyang ma-splak sa sahig.

Nagkatinginan silang dalawa kaya kumurap-kurap siya at narinig din niyang lumakas ang tibok ng puso niya. Papaano nangayaring ganun nalang palagi ang nangyayari sa tuwing may kapalpakan o may ganitong moment ang dalawa? Bakit tumitibok parin ang puso niya? Hindi na tumitigil. Lagi na lang sa tuwing kasama sila, ay pinapatibok lang nito palagi ang puso niya. Bakit ganon?

"Bakit di ka talaga nag-iingat huh? Lagi ka na lang ganyan?"

Umayos si Jini.

*CLAP-CLAP-CLAP*

Napalingon sila sa sa pumalakpak.

"Ang galing talaga. JR Te!" Sabi ni Tanya na nakadikit parin ang mga palad at nasa likod naman si Kenjie na nasa bulsa ang mga kamay.

"Ba't kayo nandito?" Tanong ni Jini.

Umiling na lang si JR at tumingin si Jini kay King na tumatawa na ng palihim.

"Huh? Gusto lang sana kitang batiin about sa engage----" Di na nakapagpatuloy si Tanya sa pagsasalita.

Si Jini naman ay parang naguguluhan dahil si Kenjie ang tumakip sa bibig ng kanyang GIRLFRIEND - si Tanya.

"Ano? Ano ulit?" Tanong ng walang kamuwang-muwang na si Jini.

Tumawa ulit ng palihim si King habang inayos ang necktie niya. "Kenjie, bantayan mo yang girlfriend mo, matalas ang dila. HAHA"

Umiling si Kenjie habang tinanggal sa bibig ni Tanya ang kanyang kamay.

"Ano ba?? Panu kung di ako makahinga?" Sambit ni Tanya.

"Hay naku. Mga loko talaga kayo.. Kahit kelan, panggulo kayo sa buhay namin ni Jini!" Hinawakan ni JR ang kamay ni Jini.

Umalis na sila doon pero naririnig parin nila ang pagtawa ni Kenjie, King at Tanya... Humabol pa ang pagsigaw ni Tanya ng.."JR Te, TORPE. HAHAHA"

"JR? Anong pinagsasabi nila?" May ideya na si Jini pero kelangan niya paring marinig mismo kay JR ang ibig sabihin noon.

"Wala." Sabay hila kay Jini patungo sa sasakyan.

Nung pumasok na sila sa sasakyan, agad pinaandar ni JR ang sasakyan.

Kaso, nagkamali siya sa kanyang naapakan at nawala siya sa konsentrasyon nung nagsalita si Jini ng... "Magpopropose ka na no?" Tuluyan ng tumigil ang sasakyan at muntik na silang bumangga sa gate.

Agad linapitan ng mga maid at security ang sasakyan.

Napabuntong hininga si Jini. "Ano ba! Mag-ingat ka naman!"
"Huh? Ikaw nga dyan! Mag ingat ka sa pananalita mo!" Di makatingin ng diretso si JR.

"Bakit? Totoo siguro yung hula ko noh?" Sabi ni Jini.

Hindi parin makatingin si JR at di pa nagsasalita.

`Langya, ba't di pa inaamin? Ano naman ang masama sa pagpopropose?

"HAHAHA. JR! Magpopropose ka na nga! Mamamanhikan ka sa mga kuya ko ngayon ano? HAHAHAHA." Patuloy sa pagtawa si Jini. "Ba't di mo na kasi aminin ha? HAHAHA. Tsaka-"

Hindi na nakapagpatuloy sa pagsasalita si Jini. Dahil hinalikan na siya ni JR.

*Tok-tok-tok*

"e-excuse me sir, ma'am. Ayos lang po ba kayo riyan?" Sabi ng panggulong guard. Iyon pala, pinalibutan na sila ng mga maid at guard pati na rin nina Tanya, King at Kenjie. Nagtawanan na lang ang lahat nung binuksan ni JR ang window ng sasakyan at... "You're fired!" Sabay titig sa guard at ibinalik ang tingin kay Jini.

"I'll never gonna let you escape. I will marry you!" Sabi niya sabay halik ulit kay Jini.

"Ha? Hindi mo pa nga ako tinatanong kung gusto ko ba." Natigilan si JR. "Pero, sige na nga!"

AND SHE KISSED HIM.

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
Chapter 32 The Cure For Insecurity


Chapter 32 The Cure For Insecurity




Joshua Rian Te: She is just busy-


“Hi!” Napalingon ako sa nagsalita. Si Andrea pala. “Ano? Hinihintay mo si Jini?” Sabay upo sa silya sa harapan ko.

Nasa loob ako ng isang coffee shop sa labas ng building kung saan nagmeeting sina Jini, Mr Chan at Hans na di ako kasali. Naiinis ako, ba't di ako kasali? HMP. Ayan tuloy, nagtitiyaga akong maghintay kay Jini dito. Ayoko namang sumama kasi ayokong isipin nilang napakaposessive ko.

“Yeah. May meeting sila eh.”
“Ganun bah?” Sabay tunganga sakin.
“Ikaw, anong ginagawa mo dito?”
“Wala, napadaan lang ako sa labas nung makita kita!” Ngumiti siya.

Tumango lang ako at napatingin sa kape.

“Di ka ba nagseselos kay Hans?”
“Huh? Ba't naman ako magseselos dun?” Di ko namalayang napagtaasan ko pala sya ng boses.
“Ows? Halata naman eh. Nahahalata na rin siguro yun ni Ate.”
“Hmm? Di talaga.”
“Asus JR. Alam mo, kahit di mo sabihin, nakikita ko yun sa mga mata mo.”

Napailing na lang ako sa mga pinagsasabi nya.

“Alam ko ang feeling no! Dumaan na ako diyan.” Dagdag niya.

Magdadalawang oras na ang meeting nina Jini ah? Sana bumalik na siya para di na masyadong gumulo ang utak ko sa pag-iisip kung ano na ang ginagawa nila—ni Hans.

“Nakakainis ano? Dapat sana ikaw yung kasama niya kaso pinagkakaitan kayo ng oras?”

Oo, tama si Andrea, pinagkakaitan ng oras at ang daming sumisingit.

“Feeling mo, di kayo meant to be dahil sa ginagawa sayo ng tadhana. Feeling mo binibigyan ka ng sign para layuan siya. Feeling mo para na siya sa iba.”

Napatingin ako sa kanya. At tinitigan niya ako ng seryosong seryoso.

“You know how much I love you right? Kung di ka niya kayang alagaan, kaya ko.”

Nasaksihan ko ang unti-unting pagbuhos ng luha niya. Wala akong nagawa kundi bigyan siya ng panyo para punasan ang mga ito.

“Andrea,”
“Yeah, I know. You love her. Pero I just can see the point. Pinapabayaan ka na niya diba? Maybe she is in love with someone else!” Kasabay ng bawat salita nyaa ay ang walang katapusang paghihikbi.
“Andrea, Hindi niya ako pinapabayaan. She is just busy-”
“Busy with what?---or is it whom?”

Hindi ako nakapagsalita. Limampung pursyento sa utak ko ang nakikisimpatya sa sinasabi ni Andrea tungkol kay Jini at limampung pursyento ang hindi naniniwala.

So what if I'm insecure? Hindi naman sa nagdududa ako...

Pinunasan ko ang mga luha niya.


---


Hans Anderson: Wa'g niyo na lang akong ihatid

“Wow! You two really look good together. Asian beauty plus western!” Sabi nung kaibigan ni Mr. Chan.

Napangiti si Jini.

“So, ikaw pala ang girlfriend ni JR Te. He is such a good model, tapos photographer narin pala siya ngayon? Napakatalented talaga niya.” Sabi nung general manager ng isang sikat na mall.
“Sayang naman at tinanggihan mo, Hans ang offer namin.”

Yeah. You heard it right! They offered me another pictorial with Jini. Kaso, I rejected it dahil babalik na ako sa Amerika mamaya. YES, mamaya agad.

Alam na ni Hayley ang pinaggagagawa ko dito. And---ehm, don't get me wrong. I didn't plan for that modeling-thingy namin ni Jini. So, I just go with the flow. Ang sarap pang inisin ni JR kasi biruin niyo, in love ang playboy na yun! I just couldn't believe it. Kung di lang talaga ako babalatan ng buhay ni Hayley kung magkagulo ang relasyon ng dalawa---talagang aagawin ko na tong si Jini niya.

“Papanu na to ngayon?” Sabi ni Mr. Chan.
“Why don't you make JR the model again?” Napaisip silang lahat. “Yeah, since... you see, when Jini and I made the pictorial, we are not that comfortable with each other. Maybe it would be better if you get him again.”
“Oo nga no? Pero...what about the---”
“Humanap na lang tayo ng iba for that!” sabi nung general manager.

Pinaulanan ako ng ngiting abot tenga ni Jini. Para bang pinapasalamatan niya ako dahil sa lahat ng sinabi ko. Ilang sandali lang,umalis na kami dun dahil may pag-uusapan paa daw sila at pwede na wala kami. Di na ako nag-aksaya, yinaya ko na siyang lumabas dahil kailangan ko na ring ayusin ang mga gamit ko sa tinutuluyan kong hotel dahil tatlong oras na lang at aalis na ako. May nadaanan kaming flowershop at nakita ko ang pagkamangha niya sa mga putting rosas kaya binilhan ko na siya ng isang dosena.

“Naku Hans! Ikaw na nga ang aalis, tapos ikaw pa ang namimigay!” Sabi niya. She looked like a princess holding a bouquet of white roses.
“Okay lang! Binigla ko din naman kayo eh. Remembrance na rin yan!”
“Thank you!”

Naglalakad na kami papalabas ng building nung naitanong ko... “JR would definitely kill me if I stayed longer.”
“Naku! Don't worry, sasama na kami ni JR sa airport. Ihahatid ka na namin.”

Ngumiti siya. Pagkalabas namin, nakita namin si JR na pinupunasan ang mga luhang nanggagaling sa mga mata ni Andrea.

Napanganga si Jini ng nakita niya iyon. Halatang nabigla siya sa nakita pero itinatago lang niya. Napatingin si JR at Andrea sa aming dalawa ni Jini. I felt bad, masyadong seryoso ang pagkakatingin nila samin.

“Uh. Hans, Pwedeng uhmm...”
“No, Jini. Wa'g niyo na lang akong ihatid. Kaya ko na! Aalis na ako. You don't want JR to see us together right?”
Tumango siya at umalis na ako.

I don't want JR to think that I'm getting INVOLVE again. I want them to fix their things. Pero what's with that Andrea-girl crying in front of him? Hay naku Hans. Whatever. Don't try to messup with them again kundi babalatan ako ng buhay ni Hayley.


---



Jini Punzalan: I mean-


“JR, can you leave us alone?” Sigaw ni Andrea habang pinipigilan ang mga luha.

Takang-taka ako sa nakita. Akala ko ba ayos na siya? Akala ko ba okay na? Tsaka, ayokong mag-isip ng masama tungkol kay JR. Pero, bakit ampangit ng tingin niya sakin kanina?

Linapag ko ang mga bulaklak na ibinigay ni Hans sa mesa. In speaking of Hans, aalis na iyon ngayon. SOO BAD. Anong sitwasyon ba ang bumulaga samin paglabas namin? Sinundan ng mga mata ko si JR na umalis patungong CR.

“Andrea? Ba't ka umiiyak?” Tanong ko habang pilit pinupunasan ang mga luha niya. Ngunit tinanggihan niya ang pagpunas ko.

“Ate, can't you see? You are hurting him!” Aniya na nagbigay sakin ng lakas upang matauhan kung ano ang nangyayari. “He is jealous with the guy who gave you this,” Sabay hawak sa isang rosas “flowers!”
“Andrea,--”
“Ate, I can't understand you! You have him pero why are you doing this to him?”

Langya! Ano bang ginagawa ko? Bigwasan kita riyan eh. Anong pake mo? Tsaka, di ko siya sinasaktan. At kung sinasaktan ko siya---alam kong di dapat. MAHAL KO SIYA. Siya lang at wala ng iba. Walang dapat pagselosan at walang dapat pagdudahan! JR, ba't di ka umaamin sakin na nagseselos ka't umamin ka sa Andreang to? GRRR.

Hindi ko masabi ang lahat ng nasa isip ko. Ayoko ng dumagdag sa ingay na ginagawa niya dito sa loob ng coffee shop. Nakita kong lumabas si JR sa CR.

At naabutan niya ang mga salita ni Andrea...

“Ate, I thought you can take care of that playboy's heart! Mali ako. Pero ate, if you can't take care of him...please tell me coz I will do it for you!”

Nakita kong bahagyang napahanga si JR dahil sa mga sinabi ni Andrea. Para akong binagsakan ng isang milyong bato galing sa langit. Naiinis ako. Naiinis ako at parang may demonyo sa loob ko na nagwawala at gustong umalis ka katawan ko sa pamamagitan ng pagsasalita—at pag-iyak

Bumuhos ang luha ko sa harap ni Andrea at JR na nasa likod ni Andrea.

"Andrea, di na kailangan kaya ko na!" Sabi ko habang pinipigilan ang luha kong umaagos na.

Lumapit si JR sa amin at... "Andrea,"
"JR, please? Hayaan mo muna ako?" Sabi niya habang itinaas ang kamay niya na ipinapakitang pinipigilan niya si JR na makialam.
"Andrea, alam ni JR na wala siyang dapat pagselosan!"
"Pero Ate, can't you see? Ang dami mong ginagawa with that Hans-guy and then ginagawa mo pang chaperon si JR." Nakita kong umiling si JR. "Hindi niya masabi yun sayo kasi ayaw niyang malaman mo ang mga iniisip niya at ayaw niyang magkagulo kayo. Kaso, sa ginagawa niyang eto, siya naman ang nahihirapan!"
"Andrea, tama na yan!" Sabi ni JR ng mahinahon.

Parang kinurot ang puso ko. Naiinis ako pero hindi ko alam kung kanino. Kay JR ba na parang pinararamdam sakin na tama si Andrea? Kay Andrea na kung magsalita ay parang alam ang lahat ng iniisip ni JR? O sa sarili kong mukhang naging masyadong manhid?

Manhid ba akong maituturing? Alam ko namang nagseselos siya pero di niya naman maamin at ayoko namang pangunahan siya sa mga iniisip niya kaya hinayaan ko na lang.

"JR, hayaan mo na muna ako. Gusto ko lang bumawi!" Sabi niya habang humihikbi.
"Why are you doing this? You don't know anything!" Papalakas na ang tono ng boses ni JR.
"I KNOW! BECAUSE, I LOVE YOU! Nakikita ko sa mga mata mo, you don't have to tell me!" Sabi ni Andrea kung saan mukhang napa atras si JR.

Hindi ko na alam ang gagawin ko gayong nararamdaman kong agreeng-agree siya kay Andrea. The one who loves you sees the pain in your eyes even if you hide it. Alam ko naman yun ah! Pero, binalewala ko. Anong gagawin ko?

"Bakit Andrea? Alam mo ba kung ano talaga ang nangyayari?"
"Oo! JR is jealous of Hans and you are not doing anything about it!"
"Ano? Sa tingin mo ba wala akong ginagawa?" Napahinga ako ng malalim at pinilit na hinaan ang boses. Tumingin ako kay JR at parang nakikita ko sa kanyang mga mata ang pagtataka. "Wala siyang dapat pagselosan. Andrea, can you stop this?"

Hikbi parin ng hikbi si Andrea habang lumapit ulit si JR at hinawakan ang kanyang balikat at kinausap ng mahinahon.

"Andrea, thank you! Salamat sa mga sinabi mo. Nagawa mong mag-speak up para sakin." Lumingon si JR sakin at iminuwestra na punasan ko ang luha ko. >:( Kainis naman siya.
"Uh. Andrea, I appreciate your love. I appreciate your care. Tama ang mga sinabi mo. I'm not telling Jini about it coz I don't want to ruin our relationship because I treasure it very much. Pero, kahit kailan, di ko pinagdudahan ang pagmamahal ni Jini sakin. It's just that I'm jealous with Hans dahil sa pagkakataon niya."

AWWWWWW. JR. Maiiyak na ako sa sinabi niya.

"I love Jini more than I'm jealous with her time with Hans." Pinunasan niya ang luha ni Andrea.

WAAAAH. I'm so happy to have JR with me! Mahal na mahal ko talaga siya!

Ang mga huling salitang binitiwan ni JR ang nagpahinahon kay Andrea. Buti naman, pero, naawa din ako sa kanya. She loves him so much. Kaya lang...

Ilang sandali, sinundo si Andrea ng mga kaibigan niya. At ngayon, kaming dalawa na lang ni JR dito sa coffee shop. Nanatiling nakalapag ang mga bulaklak na binigay ni Hans sakin at walang bumabasag ng katahimikan.

"Si Hans!" Bulong ko.

Naalala ko, aalis na pala siya. Lumingon si JR sakin na tahimik at tulala sana.

"Uhhh. I mean-"

Bago pa ako nakapagsalita, binigyan niya ako ng mga tinging nagdududa.

"Aalis na siya ngayon."

Napakunot ang noo ni JR.

"Huh?"

Naku Jini! Wala ka bang ibang maisip na sabihin? Hindi pa kayo nag-uusap simula nung pag-alis ni Andrea. GRRRR. Bakit yun pa ang sinabi ko. Di ko pa nasasabing MAHAL KO SIYA. Aw...


---



Joshua Rian Te: Di ko alam ang mga iyon ah!




“Huh?”
“Aalis na siya ngayon, binigyan niya ako ng roses para magpaalam.”

GRRR. Akala ko pa naman nagkakamabutihan na sila.

“Ba't di mo sinabi sakin kanina?” Tumayo ako at kinaladkad siya papalabas sa coffee shop. KINALADKAD. Para di niya madala ang flowers. hehe.

“JR. Teka nga!”Binitawan ko ang kamay niya noong na sa labas na kami ng sasakyan. Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa coffee shop pero binalewala ko iyon.

“Ba't bigla mo na lang akong kinaladkad? Saan ba tayo-?”
“Kung ang flowers ang inaalala mo, bibilhan kita ng masmarami!” Binuksan ko ang pintuan sa frontseat at iminuwestra sa kanya ang upuan.

“Saan tayo?” Habang umuupo sa front seat.
“Airport.” Umikot ako at umupo sa driver's seat.

Pinaandar ko na ang sasakyan. Walang imikan. Ayokong magsalita, masyado na akong maraming nasabi kanina kay Andrea. Mauubusan na ata ako ng laway. Ewan ko din kung ba't ayaw mag salita ni Jini. Grrrr... bakit kaya? Di ko alam. I'm super clueless.

Ilang sandali ng matulin na pagpapatakbo, nakarating na rin kami sa airport at hinanap si Hans.

Nakita namin siya na nagpapacheck ng luggage at hawak-hawak niya ang passport.

“Hans!” Sigaw ni Jini.

Agad lumingon ang kano.

“Jini?” Pero nakatingin siya sakin at bakas sa kanyang mukha ang pagtataka kung bakit kamimagkasama.

Linapitan namin siya. We are not close so don't expect me to hug him and even talk to him about anything. Pinagbigyan ko lang si Jini dahil alam kong kahit papanu, magkasundo silang dalawa.

“You two came?” Tanong niya.
“Oo! Kaw pa!” Sabi ni Jini. Nagngitian ang dalawa at mukhang maraming tao na ang nakakapansin sa amin.

Bakit nga pala maraming tao sa airport ngayon? Ewan. Basta, marami na ang nakatingin sa amin.

Tinitigan ako ni Hans at ngayon ko lang ito namalayan.

“Bakit?” Sabi ko.
“Can you excuse us? For a while?” Tanong niya.

I was hesitant. Ano ba iyong sasabihin niya na kailangan wala ako? May kasunduan ba sila ni Jini? Babalikan ba niya si Jini? Teka nga, why am I thinking stupid thingss.

“JR?” saka ko pa lang narealize na kelangan ko munang umalis sandali.

Kaya, humanap ako ng bench sa tabi-tabi para upuan kahit labag naman talaga sa kalooban ko.

Umupo ako at isinandal ang buong katawan ko sa upuan. Lumingon ako sa maraming tao at ilang sandali lang ay nakita ko silang paparating na sakin. Nung una, akala ko lalagpasan nila ako. Ngunit habang tumatagal, nalaman kong ako ang pupuntahan ng sandamakmak na babae at bading na nakita ko.

Bakit?

“JR TE? Of Bench?” Hirit nung sexy.

Tumango ako.

“Ah. siya nga!” sabi nung isa pa.

Sumulyap ako kay Jini at Hans na nagbubulungan. Wala na nga ako sa tabi nila, may pa bulong-bulong effect pang naalaman. GRRR.

“Ang guwapo mo sa friendster! May fan profile ka diba? Member ako dun.” sabi nung isa.

Di ko naintindihan.

“May clan ka rin sa gloobe users. Tsaka, balita ko ipapasok ka raw ni KUYA sa PBB teen edition?” sabi nung isa pa.
“Huh? sinong nagsabi nun? Di ko alam ang mga iyon ah!”
“Yeah! I'm Red, I'm a writer sa isang magazine dito. Kailangan kitang i-interview since almost all of our subscribers are craving for you. Masyado ka kasing low profiled na model. Kaya...yun.” Naglahad ng kamay iyong sexy.

Nakishake-hands na rin ako at tiningnan ang iba pang nakapaligid.

“Ah. I don't know them. They're here for Hans Anderson and some are just passerby.” sabi ni Red.
“Excuse me,” Pinandilatan nung isang babae ang nasabing Red. “JR, pwede picture?”

Hanggang sa abutin na kami ng siyam-siyam sa maliit na pictorial na nangyari.

Buti na lang at pagkatapos nung iba ay umalis gad at nagtungo kay Hans.

Hinanap ko si Jini at nakita ko siya sa tabi na nanonood sa amin. Lumapit siya sa amin.

“Uh. Hay salamat. Wala na yung iba.” Ibinigay ni Red sakin ang calling card niya. “I'll call you ah? I really need your words.” Aalis na sana siya nung nakita niyang papalapit si Jini. “Ah,”

Ano? Iintrigahin niya kami?

“Ah. Miss, kunan mo naman kami ng picture o?”

Di pa nakapagsalita si Jini, binigay na ni Red ang camera niya.

Pumuwesto na agad si Red at kumapit sakin. Wala na akong nagawa kundi. NGUMITI pag click ni Jini sa camera.


---


Jini Punzalan: SURE


"Jini! Take care of JR." Sabi ni Hans sakin.

Ngumiti lang ako habang sinulyapan namin si JR sa kinauupuan niya.

Lumapit siya sakin at may ibinulong. "Pag kasama mo siya, wag na wag kang titingin pa sa ibang lalaki."
"Huh?"
"Oo. Kasi, sanay siya sa kanyang mga ex na siya lang ang tinitingnan at sa kanya lahat ng atensyon. Kaya madali siyang nagseselos ngayon. Kung sabagay, iba ka naman sa mga ex niya...kaya mukhang naninibago din siya sa pagseselos niya ngayon."

AAAAH. Ganun ba yun? Kaya pala? TSK. Ako ang unang sineryoso ni JR na babae kaya naninibago siya.

"O sige Jini. Alis na ako!"
"Sige! Bye! Ingat ka!"
"Ipaalam mo na lang ako kay JR." Sabi niya habang tumungtong na sa escalator.

Kumaway na lang ako at pagkawala niya sa paningin ko, ibinaling ko ang tingin ko kay JR na puno na ng mga babae.

Hindi ko alam kung magseselos ako o ano, di na lang? Kasi, kababago ko pa lang narinig kay Hans ang mga tungkol kay JR na iyon. HEHE. Ako ang unang sineryoso niya. Sana, ako na ang huli. :'(

Hinintay ko na mawala ang mga nagpapapicture sa kanya. Hanggang sa isang sexyng babae na lang ang naiwan. Lumingon ako sa right side ko at may nakita akong grupo ng mga lalaki. Kanina pa ba sila nakatingin? Kanino sila nakatingin? Sa akin? Sa sexyng babae?

Kung kanino man sila nakatingin, wala na akong pakealam. Kailangan ko ng lumapit kay JR at... “Ah. Miss, kunan mo naman kami ng picture o?”

Di pa ako umOO, eh binigay niya na sakin ang camera at pumuwesto na sa tabi ni JR. Kumapit pa siya sa braso. GRRRR. Si JR naman, abot tenga ang ngiti. Diyos ko, playboy talaga. May katabing sexyng babae lang parang di na ako nakikita. Dudurugin ko tong camera ng babae na ito ngayon... GRRR... Pumikit na lang ako ng madali kong i-click ang camera.

"Ah. Isa pa, Miss."

OW. Yeah. Isa pa! GRR.. Ngayon naman, pinaakbay niya si JR sa kanya. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.

Ewan ko. Gusto kong tumawa ng pagkalakas-lakas at batuhin silang dalawa ng camera para di na madevelop ang mga pictures at di na nila makita. MA DEVELOP? HAHAHAHAHAHAHA.

Gusto kong tumawa ng tumawa dahil...wala lang.

"Miss. Isa pa!"

Isa na naman?

"Bro! Likayo dito!" Tinawag niya yung mga lalaking nakita ko.

Matatangkad at mga guwapo. Mukhang mga basketball player. O, talagang basketball player???? May isa dun, commercial model. Minsan na atang lumabas sa Close-Up na commercial. Yung isa naman, pamilyar. GRABE. Sino ba ang mga ito.

HOY JINI! Wake up! GF ka ni JR, at ginagawa kang photographer na mga kumag na iyan! Patay ka diyan!

"Miss. Teka lang ah?"

Nakita kong kumapit na naman siya kay JR at nariyan na ang ngiting demonyo ni JR at mukhang alam niya na naguguluhan at naiinis na ako sa pangyayaring iyon.

AAAAAAAARGH.

Nagmadali kong iniabot sa isa sa mga lalaki na nakangiti ang camera at... "Kayo na lang ang kumuha. Nagmamadali ako eh." Pinandilatan ko yung babae at tulala silang lahat. Yung lalaking binigyan ko ay nakangiti at mukhang natutuwa pa sa ginawa ko.

::) Nag-walk-out ako.

"So? Ano ngayon kung ako lang mag-isa ang uuwi? Magtataxi ako. Kala niya naman dahil natuto na siyang magselos eh pwede niya na akong pagselosin. GRRR..."

Naramdaman kong may humalik sa pisngi ko kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Selos ka?" Si JR, sumunod.

"Ha? Sinong nagsabi?"

Lumingon ako sa mga taong nagpapapicture kuno sa kanya at mukhang nagtaka talaga sila sa nangyari.

"Sige na! Balikan mo na sila! Uuwi akong mag-isa." Sabay plastik na ngiti.
"Hindi man lang marunong magtago ng pagseselos o." Sabi niya half smiling.
"Tse. Sige na!" Tinulak ko siya.
"O!"

Pinandilatan ko yung sexyng babaeng masama ang tingin sakin.

"Miss? Kilala mo ba siya?" Sabi nung lalaking binigyan ko ng camera at mukhang pinagdududahan niya si JR.

Tumango naman ako. Concerned siya?

"Ah. Akala ko binabastos ka niya."

Nakita kong nag-iba ang aura ni JR at mukhang nagalit to.

"JR." Tawag nung sexyng babae habang iminuwestra ang camera.

Hindi na lumingon si JR at hinawakan niya ang baywang ko at inilapit ng husto sa katawan niya na para bang sinasabi niya na... "You're mine."

"Huh?"
"Wala nang makakakuha sayo. Kaya..."
"Hindi na ako titingin sa iba."

Tumingin siya sakin. Tumingin din ako sa kanya.

Binalewala namin ang tumatawag sa kanya.

"Di ako titingin sa iba. Ikaw lang ang titingnan ko. Para sa iyo lang ang atensyon ko. Okay na ba yun? Di ka na magseselos?" Sabi ko.

Hinalikan niya ako. ARGH, I really love him. And I don't know why.

Habang naglalakad kami papalabas ng airport nakahawak siya sa baywang ko at linalagpasan lang ang lahat ng nakatinging tao.

"Ikaw lang ang babaeng napapaselos ako. Kaya dapat lang na di ka na tumitingin sa iba---kaparusahan mo na iyan."
"SURE."

HAHAHA. Sa lahat yata ng kaparusahan na ipinarusa sakin, iyon na yata ang pinakagusto ko.

Ay, oo nga pala.


Nagustuhan ko pala yung Darkness Contract. Pero, ngayon ko lang iyon na realize.

HAHAHAHA.


Then, he kissed me again. Ang daming nakatingin, pero okay lang.

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
Chapter 31 Insecurity Kills


Chapter 31 Insecurity Kills



Jini Punzalan: di ko alam eh


"Eto na! Pasensya na! Meron na ako neto!" Sabay abot ko sa paperbag kung saan naroon ang stilettos na pagkamahal-mahal.

Nasa likod ko si JR at sa harap si Hans, na nakatunganga sa paper bag.

Ang totoo, hinintay ko munang umalis si Mr. Chan para maibigay tong paperbag. Andito kami opisina ni Mr. Chan para pag-usapan ang project. Umalis sya dahil may meeting pa daw sya. At kelangan din daw naming pag-usapan ang mga pose na dapat gawin namin ni Hans at mga camerang gamitin ni JR.

"At ano naman ang gagawin ko nyan? Lam mo, even if you already have a boyfriend, it doesn't mean that you can't accept gifts from anybody." Sabay tingin kay JR.
"Sumusob-"
"JR. Tama na! Ayoko ng gulo. UH. Hans, di naman sa ganun, pero, meron na kasi talaga akong ganito at di sya kasya sakin eh."
"Then? You must keep it still diba? I bought it for you so I'm sorry, I won't accept that!"

Napatahimik ako. Si JR ay halatang naggigigil na, hinawakan ko na lang ang kamay nya at braso para kumalma.

"JR. Wag na!"

Napailing sya.

"So, we're here to talk about the pictorial right? So, JR anong masasabi mo?"

Hindi nagsalita si JR.

"Buti't tinanggap nyo ang offer?"
"Ba't naman namin tatanggihan?" Sabi ni JR.

Hinawakan ko ulit ang kamay nya.

"Ah. Okay!" Bawi ni Hans.
"So, the pictorial will be tomorrow right?" Tanong ni JR kay Hans.
"Uh. yeah! Jini?" Ibinaling nya ang tingin nya sakin.
"Huh?"
"Are you ready?" Tanong nya.
"UH." Tumingin muna ako kay JR bago..."Oo."
"Good! UHM. I know na bago ka pa lang sa field na to, so baka mailang ka right?"

Tumango ako habang si JR ay nakikinig lang.

"Maybe we can get to know each other para naman at least gumaan ang loob natin sa isa't-isa ano?"

Napailing ulit si JR.

"Huh? Kailangan pa ba talaga yun?"
"Yeah!"

Tumingin sya kay JR.

"Oh no Joshua. Don't tell me you can't work like a real professional?"
"Huh? Sinabi ko ba yun?"

Ngumiti si Hans.

>:(

Nagsimula na ang mga tanong ni Hans sakin. Agad ko namang sinagot to ng maayos. Hindi umimik si JR sa gitna ng pag-uusap namin ni Hans.

"Uhuh! I see... So, how about love life? How did you fall for JR?"

Napatingin ako kay JR na naka kunot noo.

"Uhm...di ko alam eh. Basta-"
"What are you? A reporter? Bakit kailangan mo pa yang tanungin sa kanya?" Singit ni JR.
"Wala lang. I just want to know that part." Ngumiti ulit sya.

Halata sa mukha ni JR ang pagka-inis kay Hans. Kasi naman, ba't ba parang interesado sya sakin at bakit nya tinatanong ang mga iyon? Dinadagdagan pa nya ng mga ngiting mukha may hidden agenda lagi.

Isinandal ni Hans ang kanyang ulo sa sofa.

"OH WELL. I'm excited!"

>:(

JR kasi, ba't pa tinanggap tanggap ang mga ganitong offer? TSK. Di ko maintindihan!



---


Joshua Rian Te: Subuan mo ako.


"START na Joshua!" Sabi ni Mr. Chan.

Pumasok ako sa studio para humarap na sa lens ng camera. Lumabas ako kanina dahil nanggigigil ako sa mga nangyayari. Binihisan si Jini ng damit na bagay na bagay sa kanya. Kulay pula at puti ang kombinasyon. At si ganoon din. Di ko matanggap na they're actually doing this. Alam ko, ako ang nagsalang kay Jini sa photoshoot na to. Dahil alam kong kelangan nya ng pera.

NOOO! Yeah! Para kasi akong hinahamon ni Hans eh. Pag natapos tong pictorial na sakin parin si Jini eh titigil na sya. Ewan ko pero ganun ang instinct ko.

*CLICK*

Unang click ko sa camera. Wala akong gana! Ang ganda-ganda ni Jini pero di sya makangiti ng maayos. Pati na rin ako. Si Hans naman, feel na feel.

"Hija! Lumapit ka naman kay Hans! Jusko!" Sabi nung isang staff.
"Joshua! Why don't you direct them with they're pose?"

GRRR.

"Uh! Jini! Lumapit ka ng konti!"

Once again, I put my eyes on the view finder.

Huminga ako ng malalim at tumingala sa itaas. I feel like---I can't do it!

"Sige! Jini Lumapit ka pa ng konti!" Ibinaling ko ang tingin sa view finder at nagseryoso na!

I saw Hans smiling...

"Jini! It's okay!" Ngumiti si Jini sa kanya. "JR is nervous because he thinks you're nervous!" Tumango si Jini at nagseryoso na rin.

Ilang sandali lang, nakita kong gumagaan na ang loob ni Jini kay Hans.

Ngumingiti na sya kada click ko ng shutter release. At malapit na sila sa isa't isa. Dahil ako ang kumukuha ng picture---mas lalo kong nasaksihan kung paano naging magaan ang loob nila sa isa't-sa. Isang bagay na nagpaasar sakin.

NO JR! You can't be selfish! YOU CAN'T BE!

Patuloy kong kini-click-click ang shutter release. Habang tumatagal mas marami na silang magandang kuha.

"WOW. You look good together!" Sambit ng isang staff.

Napatigil ako. Nakita ko si Jining nakatitig sakin. Di ako pwedeng magpahalatang naiinis o naaasar. >:(

Tingin ulit sa view finder at nakita kong nakapulupot ang mga braso ni Hans sa baywang ni Jini at ang ulo nya ay nasa kabilang bahagi ng katawan ni Jini.

"UHH. Change costume! Change the lens too!"

Sabi ko ng wala sa oras.

Lumabas ulit ako para makapag-isip-isip at di naman ako pinansin ng iba. Abala sila sa pag-aasikaso sa mga modelo.

Ilang sandali ang nakalipas..."JR! They're ready!"

Napabuntong hininga ako bago pumasok. Naka pink sila ngayon. Langya. I can feel the pressure everytime I put my eyes on the view finder.

At ngayon, napansin kong di ko na sinabihan si Jini na lumapit. Ginawa ulit nila ang pose na naputol kanina dahil sa pagpalit ng lens at damit. DAMNIT.

*Click*

Ilang INTIMATE na pose pa ang ginawa nila. Pinapawisan na ako at parang gusto kong sugurin si Hans at durugdurugin! Masyado syang mapagsamantala.

At hindi pa talaga nakontento ang mga staff. Hindi sila na kontento sa studio! Pumunta pa kami dun sa rooftop ng pinakamataas na building para mag photoshoot daw.

"JR!? Pagod ka na ba?" Tanong ni Jini habang kumakain sya.

Di ako sumagot.

"Kumain ka muna!" Sabi nya.

"Di na!"

"Bakit?"
"Di ako nagugutom! Wala akong gana!!"
"Pero kailangan mo paring kumain!"

Tiningnan ko syang mabuti habang naka damit ng itim.

"Ba't ganyan ang damit mo? Parang pang patay?" Tumawa ako.
"Ewan ko nga eh. Nahihirapan nga ako sa sapatos ko." Sabay tingin sa sapatos nyang ang taas ng heels.

Nakita ko si Hans na nakatingin samin. Kaya agad kong inilapit ang mukha ko kay Jini at ginalaw ang inuupuan nya para ilapit sakin.

"Jini. Subuan mo ako."
"Huh? O sige!" Sinubuan nya naman ako.

Tinitigan ko si Hans at pinagtaasan ng kilay. Ano ka ngayon? SHE'S MINE! ONLY MINE.

Tumawa na lang sya at ikinainis ko yun.

Ilang sandali ang nakalipas, nakita kong pinaupo si Jini sa gilid ng rooftop at si Hans naman at itinabi sa kanya.

Tumingin ulit ako sa view finder...

"JR. Bilis-bilisan mo ang pag click ah? wag ka munang pumili ng pose!"

Tumango ako kay Mr. Chan.

Sa view finder nakita kong nakatitig ng maayos si Hans sa akin. Then, I started clicking simultaneously.


*CLICK* *CLICK* *CLICK*

It was like making an animation of HOW HE KISSED JINI ON THE CHEEKS that made me really mad! Parang gusto kong durugin ang camera pero may pumipigil sakin. Si Jini nabigla pero hindi na nakapalag dahil hindi naman pinansin ng mga staff ang nangyari.



---

Jini Punzalan: Si Andrea!

Nasa loob kami ng sasakyan ni JR ngayon, kahit di nya sabihin, nakikita kong pagod na pagod na sya. Pagod ako, pero mas pagod sya. Minamasdan ko sya at parang gusto kong ako na lang ang magdrive kahit di ako marunong. Gusto ko syang alagaan.

May biglang kumatok sa window ng sasakyan. Si Hans. Binuksan ko agad.

“Mr. Chan wants to meet us tomorro, Jini!” Sabi nya habang sumulyap kay JR.
“Huh? Akala ko ba tapos na to?” Tanong ko.
“Ewan ko nga eh. He said I'll call you daw, pero since I don't have your number...”

Napatingin ulit ako kay JR, di parin sya nagsasalita. Sinandal nya ang ulo nya sa upuan.

“And oh, can I have your number? HEHE. Just in case.” Sabi ni Hans habang inaabot ang cellphone nya at sumandal sa window kong bukas.

Linagay ko na agad ang number ko, its business. Hindi ako makakatanggap ng tawag galing sa kanya kapag di naman tungkol bukas. Sana alam yun ni JR.

“Thanks! Uh... Pumunta ka bukas ah?” Paalala ni Hans.
“Uh. Ba't tayo lang? Di ba kasama si JR?” Tanong ko.
“I don't know with Mr. Chan eh. Sabi nya tayo lang daw.”
“AH. Okay.”

Umalis naman sya agad at halatang pagod din sya para makipag-asaran pa kay JR. Pinaandar na ni JR ang sasakyan at sumandal sa manibela.

“Okay ka lang ba?” Tanong ko.
“Yeah!” Pinatay nya ang makina.
“Mukhang hindi eh. Lika dito!” Iminuwestra ko ang balikat ko.

Hindi sya gumalaw. :(

“Hindi ka kasi kumain ng maayos eh.” >:(

Tumango lang sya. >:( Di pa naman ako marunong magluto.

“Kumain na lang tayo sa labas! Ililibre kita!” Offer ko.

Tinalikuran ba naman ako. >:( Naku ang bakulaw, nag iinarte!

“Hoy! ano ka ba! Anong problema mo riyan at para kang babaeng may dalaw!”
“Pupunta ka ba bukas?” Tanong nya.

Nagseselos sya? Hanggang ngayon? Akala ko malinaw na ang lahat. >:(

“Hindi!” Lumingon sya pabalik sakin, at binatukan ko na.

“Ano ka ba? Nagseselos ka parin ba talaga? Kuuuu, JR Te---ipapasalvage ko yang utak mong napaka-dirty minded...”
“Diba sabi ko naman sayo, ayokong nakikita ka ng iba, gusto ko akin ka lang!”

OH. Naalala ko yung scene nung papunta kami sa welcome party ni Hayley.

“JR, kahit sino pa ang makakita sakin, wala ka namang dapat ipag-alala eh, sayo nga lang kasi ako. Di ka ba nakakaintindi?”

Pinaandar nya ulit ang sasakyan at humarurot agad.

“JR, bukas, samahan mo ako sa meeting!” Sabi ko.
“Di naman ako kailangan dun eh!” Sabi nya.
“Bahala ka! Basta, kasama ka. Edi hintayin mo ako o basta!”
“Bakit pa?” Nakatingin parin sya sa daan.
“Alam kong di mapapanatag ang loob mo kung umaaligid yung Hans na yun sakin tapos wala ka! Hindi ba?”
“Huh? Sinong nag sabi?”
“Ay langya. Nukaba? Ba't di mo maamin sakin na nagseselos ka?”

Halata naman eh! GRRR... >:( Ihininto nya ang sasakyan at ipinark sa isang restaurant. Ginugutom na nga ata.

Pagkapasok namin doon, agad kong nakitang nakangisi si Hans habang linalantakan ang mga pagkain sa mesa niya.

“Hanggang dito ba naman?” Pabulong na sinabi ni JR habang umiiling.
“Doon na lang tayo!” Sabay turo ko sa pinakamalayong table kay Hans.

Sumunod naman si JR sa sinabi ko. Parang ayoko talagang nagkikita syang nag seselos lalong lalo na ngayong wala naman sya dapat na pagselosan. Di pa lang kami nakakaupo, may nakita na akong kumakaway sa akin sa di kalayuan.

:o

“Si Andrea!” Sigaw ko, napalingon si JR.
“O, Andrea, ba't ka andito?” Tanong nito.

Andyan na naman ang mga ngiti ni Andrea noon. Siguro, maayos na ang kalagayan ng puso nya. Siguro okay na sya. Mabuti naman! PHEW. Di na ako mag-aalala.

“Ah. Andito nga rin si Mama at si Papa eh. Tsaka, nakita ko rin si... Hans kanina.” Hinanap nya si Hans na wala na sa dating kinauupuan. “Ay, mukhang umalis na yata.” Ngumiti sya.

“Ah Oo,” singit ko.
“Uh. Galing kayo ng photoshoot? Kamusta ang modeling ate? Ayos ba?”

Umupo sya sa tabi ng silya ko at umorder na si JR.

“Uh. Oo, ang hirap. Naninibago ako, buti na lang at tinutulungan ako ni Hans.” Sabi ko.
Nakita kong sumulyap sya kay JR.

“AH. Mabuti naman. EHM, ikaw JR? Kamusta?”

Sa puntong yun naisipan ko kung may balak pa ba syang umalis o wala na. >:(

“Okay lang, nakakapagod.” Di makatingin si JR kay Andrea.
“Uhhh. Buti no? Hindi ka nagseselos---?” Sabi nya kaya napatingin si JR sa kanya.

“Uh, anyway, sige, maiwan ko na kayo. Bye-bye!” Kumindat sya at umalis.

Napailing na lang ako sa katahimikan ni JR.

“Bakit ba parang ang daming nanggugulo satin?” Tanong niya.

Napakibit-balikat na lang ako dahil wala akong maisagot.

HAY. Sana naman, mag-open up na si JR kung nagseselos siya. >:( Mapride kasi masyado eh, ayaw aminin na nagseselos siya sa Hans na yun kahit halatang-halata na.


---

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
Chapter 30 Just When Everything is Alright


Chapter 30 Just When Everything is Alright




Jini Punzalan: Sayo lang ako.


“Mas masarap parin ang halik mo.”

Ano daw? Langya talaga tong si JR. Grabe kung mang-asar. NAKU. Babatukan ko to ngayon eh. GRRR. Ehem. Napatahimik ako dun ah. Hmmm.

“Jini, wala naman tayong gagawin ngayon eh. At total birthday ko naman... >:D “

Lagoooot! May hula ako kung ano ang ibig nyang sabihin! BAKA. BAKA. LOL. Hindi naman siguro no. Ano sya? TSK.

“A-ano?---Ayoko nga! HMP.”
“Anong ayaw mo? Huh?”

Patay ba't ko sinabi yun? Kyaaaaa.

“Loko ka rin no? Kung anu-ano ang iniisip mo! HAHA. >:D “
“Huh? B-Bakit? ano?”

Nakaupo ako sa kama at sumandal sya sa akin. Linagay nya ang ulo nya sa kandungan ko. At eto sya, nakahiga, samantalang ako, nakaupo. Hinayaan ko na lang. Gusto ko naman talaga sya ng ganito eh.

“Jini.”
“HM?” Sabay haplos ko sa buhok nya.

OHW JR TE. Naka jackpot ba ako sayo? Kay gwapong hayop ng boyfriend ko. Kala ko noon si Kenjie lang ang magiging pinakagwapo kong boyfriend, pero mali ako.

“Gusto mo ba talagang mag model? Maging model ko?”
“Huh? Bakit model mo?”
“Huh” Hindi mo alam?”
“Hindi ko alam ang alin?” Tanong ko.
“Ako ang maagiging photographer ng pictorial.”
“ANOOOO?”

WAW Naman! Ang galing! Edi masaya! Kasama ko sya sa trabaho! YEHOOOO.

“Edi mas maganda. Mag kasama tayo!!! YEHEY!” Tuwang tuwa talaga ako sa sinabi nya.
“Kung ganun, di mo rin alam na may kasama ka sa pictorial?”
“Huh? Meron ba?”
“Si HANS.”

WHAAAAAAAT? Si Hans na pinagseselosan ni JR ng todo-todo ang makakasama ko? Papanu nangyari yun? Di ko na lang tatanggapin.

“ANOOOO? Bakit? anong klaseng-...”
“Para sa valentines day ang gagawin nyo.”
“Anooo?” Tiningnan ko syang mabuti at mukhang aya nyang gawin ko yun!
“HUH? Naku. Aatras na lang ako. Ayoko. Di ko sya gustong makatrabaho!”

Ang totoo,ayokong magselos ka JR. Bahala na ang pera at trabaho. Di bale na ang mga gusto ko, di bale na ang kasikatan, di bale na ang lahat...wag lang magulo ang relasyon namin. Natuto na ako nung napagdesisyonan ko ang pagkakamali kay Andrea. Ayoko ng maulit yun.

“Wag kang umatras!”
“Huh?”
“Bakit? Natatakot ka dahil baka magustuhan mo ang Hans na yun?”
“A-Ano bang pinagsasabi mo!? Hindi no!” Ayokong magselos ka!
“Tanggapin mo na! Magkasama naman tayo eh! At kelangan mo ng pera diba? sige na!”
“HUH? Yoko na sabi.”
“Magkatulad kami ni Hans ng pag-uugali kaya di kita masisisi kung mahuhulog ang loob mo sa kanya!”

>:( JR! Nukaba? ano ba yang pinagsasabi mo? GRRR.

“Pero, syempre, di ko hahayaan yun noh! Papatayin ko muna sya.”

Binatukan ko sya.

“ARAAAY. Bakit? Ayaw mo bang mawala sya?”

Binatukan ko ulit.

“NUKABA HA? NAIINSECURE KA NA YATA EH! Ikaw naman ang mahal ko eh! Anong klaseng ispirito ba ang sumapi saayo at ganun ka na lang ka insecure sa kanong yun?”
“Di ako insecure ah!”
“Asus. Nagmamaang-maangan pa ang boyfriend kooo. HMP. Wag kang mag-alala di ako maawawala sa tabi mo. Tsaka, pagbalik natin sa kanila ah, samahan mo akong ibalik yung sapatos na binili nya. :) HMM. Kamusta na kaya sila dun? Si Andrea kaya? PATAY ka JR, iniwan mo sya!”

“Huh? Bahala sya. Tsaka, kelan mo ba balak sabihin kay Andrea ang totoo.”
“UHHH. Ang totoo, alam na nya eh. :( “

Bumangon sya. “ANO? Kelan?”
“Ay mali, sinabi ko na. Pero di pa nya alam, o di sya naniwala.”

Pinahiga ko ulit sya.

“Kelan lang?”
“HUH??? Kelang nga ba? Ewan ko, basta matagal na!”
“Ba't di mo sinabi sakin? >:( “
“Sasabihin ko sana eh, kaso laging may sumisingit eh!”
“ANOOO? Ang tanga-tanga ko! Kung alam ko lang sana sana di kita napabayaan! Sana di na kayo sumayaw ni Hans! GRRR.”
“Nukaba! Okay lang yun, kung alam mo yun, baka di to mangyayari. :) “

Tumahimik sya at yinakap ako.

“Kung aagawin ka nila sakin, sino pa ang mamahalin ko!!!”

Natawa na lang ako at parang gusto kong umiyak sa sinabi nya. NAPAKASAYA KO. Sa talambuhay ko, di pa ako naging ganito ka saya.

“Wag kang mag-alala! Sayo lang ako.” :)
“Di ko rin hahayaan. Over my dead body.”


BODY? Pagkasabi nya nun, naramdaman ko ang abs nya... WOOOOOOOOOT. Nanghihina na naman akoooo...............




---


Amy Andrea Tanseco: KASALANAN KO

“Ano? Kung ganun totoo pala yun?” Tanong ko. HUHU.
“Oo. Si Jini at JR---silang dalawa...--” Sambit ni Tanya.
“Tanya tama na.” Pigil ni Kenjie.
“Hay naku, sinasabi ko naman ang totoo eh! HMP.”

Kung ganun? Totoo ang sinabi ni Ate Jini. Boyfriend nya nga si JR! :'( Ayoko lang talagang maniwala eh. Totoo pala yun? Kaya pala labis ang pag-aalala ni JR kay Jini pagkawala nya. Di ako makagalaw, namamanhid na ang buong katawan ko. Umalis na ang ibang bisita. Kami na lang ang nagpaiwan. Umalis na rin si Mama at Papa. Asan na kaya si JR at ate Jini? KASALANAN KO ANG LAHAT. :'(

“KING! Ano? Kamusta na?” Tanong ni Kenjie sa bagong dating na si King.
“Ah. Okay lang sila, pinatawag lang sila ng mama at papa ni JR eh. Kaya, okay na.”

Napahinga ako ng malalim at di ko na napigilan ang mga luha ko...

“KASALANAN KO ANG LAHAT.”


---


King Alvarez: Ah. Basta.


“King! Ano? kamusta na?” Salubong na tanong ni JR sakin.
“Ah. Okay lang sila, pinatawag lang sila ng mama at papa ni JR eh. Kaya okay na.” Sagot ko.

Tiningnan kong mabuti si Andrea, halatang naguiguilry sya sa nangyari.

“KASALANAN KO ANG LAHAT.” Iyak nya.
“Di naman, okay lang ang dalawa.Kaya wa'g kang mag-alala!”

Lumingon ako sa likod dahil may napuna akong anino.

“Where are they?” Tanong ni Hans.
“Ah. Basta.”

Kung sasabihin ko sa kanya baka puntahan lang nya. Hayaan na natin sila. Wag na ipilit ang mga bagay na talagang di pwede. Hayaan na lang sila at wa'g nang manggulo. Ako yata ang mapipirwesyo sa mga kalokohan netong si Hans at Andrea eh. GRRR...

Umakyat na ako at natulog sa kwarto. May magagawa ako sa kanilang dalawa...marami...pero mas pinili ko ang makakabuti sa kanila, kaysa sa kaligayahan ko. Kaya ayokong may nakikitang umaagaw ng eksena, dahil pinaghirapan ko rin yun.



---



Joshua Rian Te: Nakakagulo ka na ah


Umaga na! Gumising na ako. Si Jini, nakayakap sakin at mahimbing parin ang tulog. Hindi muna ako gagalaw para di ko maistorbo ang kanyang tulog kaso ilang sandali lang, dumilat na ang kanyang mata.

“Naku! Nakatulog pala tayo!” Sabi nya.

Bumangon na kaming dalawa. Nakita ko syang mukhang namumula. Ano na naman kaya ang iniisip ng babaeng to? HMP.

“Kanina pa ba tayo ganun?” Tanong nya, di man lang makatingin sakin.
“KAGABI PA.” sagot ko.
“ANO?????”
“Hay naku. Ang galing mo ding mabigla no? Ganun ka naman matulog eh! Pakiramdam mo teddy bear ang lahat ngkatabi mo!”
“TSSS... Ang sabihin mo, umandar na naman ang pagkaplayboy mo't pinagsamantalahan mo ang pagkakataon!”
“ANO? Ano ka? Inaakusahan mo ba akong manyak? Eh ekaw nga tong yumayakap eh...”
“TSEEEEEEEEH!” She rolled her eyes.

Kung ganito kasaya gumising araw-araw pagkatabi sya, dadalasan ko na talaga ang pagtabi ko sa kanya. :P

“Kaya ako lang ang dapat katabi mo sa pagtulog mo ah?”

LOL.

“TSE. Asarin mo pa ko't babatukan na talaga kita!”

Binuksan ko ang pintuan. Nabigla ako't bukas pala to. Nakita ko ring may susi sa harapan at may note---”Your car is outside. Balik kayo agad!”

Kaya yun, bumalik kami agad ni Jini sa kabilang resort at nadatnan namin sina King, Tanya, Andrea, Kenjie, Hans at iba pang taga Ccng naka abang sa labas ng resort.

Pinagamit ko kay Jini ang panglabas kong damit para di sya ginawin. At, pagkalabas niya sa sasakyan, sinundan ko agad sya.

“JRRR!” Sigaw ni Andrea.
“Jini! Are you okay?”Lumapit agad si Tanya at Kenjie kay Jini.

Nakita ko si King sa likod ni Hans na nakangisi lang at parang walang ginawa kagabi.

“A-ate Jini! So-sorry!” Yumakap si Andrea kay Jini.

Napatingin si Jini sakin at tumango na lang ako. Pagbigyan na lang natin, bata pa yan at hindi pa alam ang ginagawa. At least ngayon, alam na nya...di na sya manggugulo!

“O-okay lang!”
“Ate. Pasensya ka na talaga! Di ko talaga alam na ganun pala! Na totoo pala! SORRY. Di ko sinasadya!” Iyak ni Andrea.

Hinimas ni Jini ang likod ni Andrea at pinapatigil sa pag-iyak. :)

“King! Ginugutom na ako!” sabi ko kay King.

Tumawa na lang sya at nag sibalikan na ang lahat... Ang naiwan na lang ay si Jini, King Hans at ako.

“Lika na sa restaurant! Umorder na ako kanina!” Sabay tawa.
“So, ano JR? May nangyari na ba?” Napatingin ako kay Hans.
>:(

“Huh?”
“Alam kong wala ang mama at papa mo. You're with her all night right?” Tinulak ko sya papalayo sa kay Jini at Andrea para di nila marinig. GRRR.
“Hans, tama na yan!” Saway ni King.
“Wag ka ngang g@go pwede? Nakakagulo ka na ah?”
“whatever.” Sabay alis.

NAKU. Di ako makapagpigil makakapatay ako ng tao! ARGH.

“JR. Hayaan mo na yun! Naiinsecure lang yun sayo kasi nagseryoso ka na!”

GRRRR... Sumunod na kami kay King at kumain. >:( Pero, di parin ako mapakali.

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
Chapter 29 Happy Birthday JR


Chapter 29 Happy Birthday JR


Jini Punzalan: meron na akong ganitoooo ehhhhh!


*TITITITIIIIIT....*

Patay! UMAGA NA! Happy birthday Joishua Rian Te!!!

ANOOOO? UMAGA NA? Wala pa akong susuotin! Wala pa akong invitation! Wala pa akong gift!!! ANO NA???!?!
"TIYAAAAAAAAAAA ISABE-"
"HOY! Sumising ka ng maayos! Kanina pa ako andito sa kwarto mo!"

Sabi nya habang sinipa ang unang nahulog ko.

"Ano? Birthday ngayon ni JR ah? Mag b-bake ka ulit ng cake tulad nung natapon mo nung Hearts Festival nyo?"

Tumango ako. :D

"HAAAY. Napaka korni mo naman oh!!! Buti na lang di ako nagmana sayo, kundi pagtatawanan ako ng boyfriend ko!"

Huh? May boyfriend si Tiya??!

"May Boyfriend ka?"
"Oo! Tsaka...mali ang tanong mo! Dapat ang tinanong mo sakin eh..'korni ba?'... HAHAHA >:D "

Langya talaga! Inaasar pa ako.

"Tsaka anong kala mo sakin? Tatandang dalaga? SUSS MARYOOSEP! May damit ka na bang pangprinsesa para mamaya?"

Napatunganga ako. "Wala pa..."

"Ano? Edi ano pang ginagawa natin dito! Bumili na tayo!!"
"Bili? Nagpadala ba sina Kuya ng para neto?"
"Hindi no!! May naipon ako!"
"Nag iipon ka na?" HEHE. >:D
"Nukaba! Nag iipon ako para sayo! Bibigyan sana kita ng damit sa birthday mo eh! Kaya, eto, ngayon na lang kita bibigyan, tutal kelangan mo naman diba?"

WOW! Tats ako Tiya! Salamaaaat! Nagbihis na ako! Mabilis! Kahit 10am pa naman talaga at mamayang 6pm pa magsisimula, excited na ako. :)

Nabigla ako kasi may wheels pala yung boyfriend ni Tiya! HMPF. Kaya pala! Manager pala nung pinagtatrabahuhan nya! HAHA. Ibang klase. Nung pumasok kami sa mall papuntang botique-na-sikat, hindi na sumama ang boyfriend nya dahil may aasikasuhin daw sa opisina! ;)

Mas lalo akong nabigla nung nakita kong sa botique ng mga artista kami pumasok. Yung tipong mga Araneta at Ayala lang ang pumapasok. Ba't dito? Ang mahal mahal dito! Ganun na ba ka laki ang naipon ni Tiya??!

"Tiya! BA't dito? Di ba tayo nag titipid?"
"HAAY. Hayaan mo na! Dinagdagan kasi ni boyfie ang pera ko. Kaya yun!!"

Pagkapasok namin, panay ngiti ang mga saleslady. Di kaya nila kami minamaliit o ano? LOL. Jini! Nukaba! Kung anu-anong iniisip mo!

"Sige! Jini! Pumili ka na!!"

WHAAAAT? Ang pangit nun! Di ako makapili! Sa dami ng damit! May mga sapatos pa! Hindi ako makapili kung inaalala ko ang presyo! JUSKO! Mahal na ata ang bigas ngayon! May rice shortage kuno.

Nakita kong pumili si Tiya. Ang dami nyang pinapakita. Iba-ibang kulay! Iba-ibang disenyo! Kaya naisip kong sa mga sapatos na ako tumingin-tingin. HMMM. Binanggit ba ni Tiya na bibilhan nya rin ako ng sapatos? Tsaka...Oo nga pala! May sapatos na ako para dito! Yung sinuot ko nung andito si Hayley! Diba? Masyadong maraming memories yung sapatos na yun! HMMM. Mag kano kaya yun?

Lumingon ako sa bandang kanan at nakita ko ang sapatos ko! OO! KAPAREHONG KAPAREHO! Parehong pareho nung sapatos na sinoot ko at hanggang ngayon andun pa sa bahay ko. Linapitan ko ang sapatos na yun para tingnan kung magkano ang presyo.

Pero, bago ko yun natingnan, narealize kong si JR pala ang nagbigay sakin nung sapatos na yun! Pati yung damit na sinoot ko noon! Diba? Parehong espesyal yun! Iingatan ko yun! Lam ko naaaa! Yung sapatos na yun ang susuotin ko!!! Pati rin yung damiiiit!! EHEM. Payag kayo readers? LOL. Di kaya ako magmukhang ano? hehe. Tatanungin ko si Tiya. Lumapit ako sa kanya.

"Tiyaaa! Pwede namang yung sapatos at damit na lang na sinoot ko noon nung may welcome party si Hayley ang susuotin ko diba?"
"Huh? Wag no! Tsaka, di sila masisindak! HMP. Pwede na yung sapatos! Pero, wag yung damit! Tsaka, diba sabi ko naman sayo, wag mong isipin ang gastos!?!? Ako na ang bahala no!!"!

Sa bagay. Tama! LOL. Bumalik ako sa sapatos at ngayon, tiningnan ang presyong ka gimbal-gimbal!!!

"thiiirtyyy thousand peeeeeeesoooos?? ANG MAHAL NAMAAAAAAAN."

JR! Ganyan ka ba ka yamaaaan??? ULOL Jini! Ngayon mo pa ba yan na realize? Di mo ba nakitang nabiktima mo ang isang palyboy na spoiledbrat at may-ari pa ng sandamakmak na luuupaa? HA HA HA.

Dahil sa ingay at iba't-ibang expressyon ko, linapitan ako ng isang saleslady.

"Miss. Gusto mong isukat?" Napanganga ako.

Kaya pala naka isolate sya. Nasa loob sya ng isang glass na box at imiikot pa sya sa loob at may kakaibang lights na maslalo pang nag emphasize sa mga kumikislap na dyamante nya. PUTEEEK. Di ako makapaniwalang ganun ka mahal ang sapatos na naisoot ko nung araw na yun!!! HOOHOOHOO. Naghahighperventilate na ako.

"Yan po ang pinakamahal na stilettos dito samen. Tsaka, anim na pairs lang po ang meron nyan at isang kulay lang ang meron dito sa Pilipinas!!!"

HUH?

"Bakit miss? Ilang kulay ba talaga to?"
"Puti ang nasa Pilipinas, Ewan ko kung nasaan ang Silver, bronze, at gold nyan."

Kung ganun? 6 tayms 4 equals 24? 24 pairs lang sya? HUH?

"Espesyal po yan! Actually, isang pilipino pa lang ang nakabili nyan. Anak daw yun ng mayaman eh. Pero, lalaki sya, ewan ko nga! Baka binagay sa girlfriend!"

Walang duda! Si JR ang tinutukoy!!! HAHA.

"Kaya yun, wala na yung size 38!!"

Tiningnan ko ang size nung nasa box na umiikot pa.

"Size 40?"
"Oo! Ang size 39 kasi nasa Manila. :) "

"Paki kuha na nung stilettos na yan! Ibalot na!" Sabi nung isang saleslady.

O.O

Napalingon ako sa counter kung saan ko nakita si Tiyang maraming damit na ang napili para maisukat ko. Nakita ko rin si...

HANS???


"Hi! Mukhang gustong gusto mo yung stilettos na yan ah! :) That will look perfect in your feet! :) "
"Ah! Hehe. ;D "

Tama! yun siguro ang iniisip ni JR no? hehe. Pinakita nya sakin ang pinamili nya.

"See you in the party! ;) I'm sure you'll be beautiful."

Nabigla ako nung may binigay saking paperbag. :o

"Ano to?" Tanong ko sa saleslady.
Ngumiti ang saleslady at tumingin kay Hans!

"That's for you!!" Napatunganga ako at naisip ko ang thirty thousand pesos habang nakikita syang umalis agad... WAAAAAAAAAAH.

NASAYAAAANG ANG THIRTY THOUSAND PESOS DEAR! Meron na akong ganito! Ba't nya pa binili! WAAAH.

"Jini! Eto na! Isukat mo na to!" Habang tiningnan ko ang damit na pinakita nya... WALA PARIN AKO SA SARILI!

WWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH. Di ako makapaniwala! Sayang ang 30 thousaaaaaand!!! NOO WAAAAY.... HUHU

"Ang swerte mo naman miss!!!" Sabi nung saleslady.


:o <----Tiya Isabel.

"WAAAAAAAAAAAAH! meron na akong ganitoooo ehhhhh!!!" Nabigla ang saleslady.
"Ano yan? Patingin?" Kinuha ni Tiya ang paperbag...

"AAAAAAANOOO??" Pati sya...nasindak.

WAAAH. :'(


---


Joshua Rian Te: AKIN KA LANG


Kanina pa ako pabalik-balik sa paglalakad dito sa labas ng resort namin habang tinitingnan ang cellphone ko. Ang daming nag text... Mga invited ata to mamaya... Pero, hindi ko binabasa. Kahit na may text ni Jini o wala...di ko babasahin!!! (kahit wala naman talagang text nya)... Gusto ko kasing sa personal nya ako batiin... HOOOII JR! Nukaba! Kelan ka ba naging sentimental??? Nung nakilala si Jini???! HAHAHA. JR! Kelan ka ba naging korni???! PAREHO? GRR... >:(

"Tawagan mo na lang!" Nabigla ako, si Kenjie pala.
"Your waiting for someone's text diba? Sino??! Kay Andrea?"

BUANG! Kay Jini! Ehem... di nga pala nya alam na kami pa.

"Kay Jini!" Bahala sya.
"Huh? Kala ko ba pinagpalit mo na sya!!!"

Di na ako umimik. GRRR... Jini kasi. Asaaaar. Kung pwede lang talagang sabihing 'Kami pa! Ano selos ka?' Sinabi ko na!

"HAAAY. Sa totoo lang! Nagsisisi talaga ako kung ba't ko sya pinakawalan! Habang tumatagal, gumaganda sya. Habang tumatagal, mas minamahal ko sya."

Buti na lang ngayon mo pa yan narealize!

"Ba't ka ba andito?"
"Huh? Si Tanya kasi, excited ata. Nagpasama sya. :) "

Katahimikan.

"Winawala mo ba ang usapan? Bakit? Nagsisisi ka dahil pinakawalan mo si Jini?"

ASAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAR. Jini! Patawarin mo ako, pero kateng-kati na ko para ipag malaki ka sa mokong na to.

"Sino bang nagsabing pinakawalan ko sya? Hindi ko sya pinakawalan at KAHET KELAN DI KO SYA PAKAKAWALAN!!!"

GRRRRRR... Napanganga ata at nag taka. Bago sya humirit, tinawagan ko si Jini.

"Uy! Andito lang pala kayo!" Dumating si Tanya at napansin ang katahimikan namin ni Kenjie.

Di ko na sya pinansin, kasi, tumatawag ako kay Jini. HMM. TSS. Di nya ako pwedeng igreat sa phone huh?!?! Pag i-g-great nya ko, di ko sya papansinin mamaya! LOL.

"Hello?" BOSES NG MAHAL KO. WAH.
"Hello? Uh...Jini?"
"JR! Butit tumawag ka! Kamusta na kayo dyan? si.."
"Okay lang ako. Ikaw?" Sumulyap ako kay Kenjie at Tanyang nakatitig sakin at halatang nakikinig sa pinag-uusapan namin.
"Ano, kasi..."
"Ano? Wala ka pang damit?"
"Hindi...kasi... Alam mo, si HANS."


HAAAAAAAAAAAAAAAAAAANS?

"Si Hans? Bakit?"
"--uh..saka na lang!"
"Ano Jini??"
"Uh. Andito kami ni Tiya sa isang botique, bibili ako ng damit. Wala akong mapili."
"Dapat kasi sumama ako. Andyan ba si Hans?" Nakita kong nagreact ng konti si Tanya.
"Wala..wala na.."
"Huh? So, andyan sya kanina?"
"Oo!!"

Si Hans? Bakit parang nag-aalala ako? Insecure or what? I feel so uneasy. GRRR...

"Wag kang lumapit sa kanong yun huh! Papatayin kita!"
"Ano ka! Di ako lumalapit ah! Malay ko bang andito sya kanina? HUH?"
"May ginawa ba syang masama? Hinalikan ka ba nya? ANO?"
"Sus naman to. Anong kala mo sakin, di marunong manapak?!? Syempre...di no! Ba't naman ako papayag na halikan nya? At ba't nya naman ako hahalikan?"
"Siguraduhin mo lang! Lagi mong pakatandaan na AKIN KA LANG! Para sakin lang ang mga tingin mo! Sakin ang halik at yakap mo!"
"Huh?"
"Bilisan mo na!!!"

Binaba ko agad... Kung anu-ano ang pinagsasabi ko! Buti na lang di nya ako nagreat! Huminga ako ng malalim.

"Ba't mo sya minamadali? Ata kang makita sya? Kung ganun? Kayo paaa?" Biglang tanong ni Tanya.



---


Jini Punzalan: JR, tawag ka na dun!


"ANG GANDA MOOOO!!" Sigaw ni Tiya pagkatapos nya akong make-apan.

Nakakahiya naman to.

"Lumabas ka na! Kanina pa naghihintay si King!"

Napansin kong tumayo si King sa labas. Kaya, lumabas na ako.

O.O

"Ayos ba?" Di sya agad nagsalita. Nacoconscious tuloy ako, baka di bagay sakin ang damit ko o ano. "King??!"

Di parin sya nagsalita. :'( Kung iniisip nyong ang sapatos na binigay nung kanong yun ang ginamit ko kasi bago, nagkakamali kayo! May sentimental value ata sakin tong binigay ni JR no, tsaka, maluwang yung binigay sakin ni Hans eh. HMP. Di ko rin yun maisusuot!

Unti-unting lumapit si King sakin...

"Ang ganda mo!" Bulong nya.

AAAAAAAAAARGH. Uminit yung mukha ko. Feeling ko namumula na ako.

"Ha? Ano?" Nasapak tuloy ako ni Tiya.

"GAGA! Dapat 'salamat ang sagot mo no!'"

"Aray naman! Oo, salamat. :'( "
"Sige na! Umalis na kayo! Baka mahuli na kayo sa party!" Sabi ni Tiya.
"Oo na!!"
"King!! Pinsan mo si JR diba?"

Nakatitig si King sakin. At tumnango sya.

"Okay! Jini, maiintindihan ko kung sa makalawa ka na uuwi dito."
"HA? Tiya naman! Uuwi ako bukas no!"
"Nukaba! Okay lang!! Si JR naman eh, ayos lang!"

AAAAAAH. Ano bang pinag-iisip netong Tiya kong magaling huh? GRRR...

"Eto na!" Sabay bigay sakin ang cake na binake ko, syempre, tinulungan ako ni Tiya. May nakalagay ngang 'Happy Birthday JR, I love you so much' dun eh! KORNI naman. HAAAY. Sana di na to matapon. Tsaka, sasabihin ko na talaga kay JR ang lahat ngayon!!! "Eto pa!" Binigay nya sakin ang paperbag na may lamang stilettos na binigay ni Hans.

Sumakay na kami sa sasakyan ni King at alam kong mejo late na kami dahil 5:50pm na at isang oras ang byahe patungo sa beach resort nina JR. :(

Hawak-hawak ko pa ang cake na nakalagay sa kandungan ko. Todo ingat ko sa cake na to. Grabe, ayoko nang maulit ang nangyari noon. Samantalang yung sapatos naman, linagay ko lang sa gitna namin ni King.

"Ang swerte naman ng cake na yan!"

Namula ulit ako.

"Huh??! Uh.. panu mo nalamang cake-?"
"Halata naman eh! :) " Sabi ni King.

Katahimikan. GOSH. Feeling ko, di ko maiibibigay to kay JR eh! Kasi, pangungunahan ako ng hiya at ng mga weirdong feeling. Baka tawanan ako ng malakas ng bakulaw na yun o! O baka naman di yun makahinga sa pagpigil sa tawa nya. WAAAH. Alam nyo naman yun! Pag nagkataon, nakuuu...baka di ko mapigilang sapakin sya.

"Ang dami mong gift kay JR ah! Lam mo? Di naman kasi sya materialistic eh. :) "
"Huh? Kung ganun? Di nya magugustuhan ang cake na to?"
"Hindi naman, pero, baka magalit sya dahil binilhan mo pa sya ng isang mamahaling bagay." Sabay tingin sa paper bag. :(

"AH? Ito ba? Di naman to para sa kanya eh. Isosoli ko lang to kay Hans."
"Hans? Bakit?"
"AAAH. Binilhan nya kasi ako ng stilettos kanina. Ang mahal pa naman, di nya alam na meron na akong ganito eh."
"Ano? Si Hans?!?"

Napatigil at napaisip si King.

"Bakit? Ang mahal pa naman neto, sayang!"
"Kaya pala pinababantayan ka ni JR sakin...kaya pala sya natatakot." Bulong nya.
"Huh? Bakit?"
"Jini, kahit anong mangyari, wag kang lumapit sa Hans na yun! OKAY?" Sabi nya sakin na para bang magkakasakit ako kung lalapit ako sa kay Hans.

???


Nakarating din kami sa wakas. Ang daming tao. Nahuhuli ako sa paglalakad dahil sa sapatos ko, pero, pinipilit bagalan ni King ang kanyang paglalakad! PATAY. Di ko alam na sa labas pala ng hotel ang birthday ni Andrea. Poolside party kumbaga. Dito mismo sya sinagip ni JR noon. :(

Ayan naaa... Ayan naaaa... Papasok na kami... WAAAH.

"Uhh. Miss, Invitation?" Sabi nung guard. WAPAK.
"Uhh. She's my date." HAY. Buti na lang andyan si King!

Tumingin-tingin ako sa paligid at nakita kong andun na si Andrea at JR. Pati rin si Tanya at Kenjie. At halos lahat ng taga CC at mga iba't-ibang respetadong tao sa industriya. Grabe, asan na ba si Christina at Mikee? HMP. I feel like I do not belong! :(

Pinakapit ako ni King sa braso nya, kumapit naman ako. Si Andrea nga parang KOALAng nakakapit sa JR ko. HMP. Sige, pagbigyan natin, birthday nya eh. Pagkapasok at pagkapasok namin, saka pumasok si Hans - MAG ISA. ???

Kinindatan nya ako. HMP :o

Lumingon si Kenjie samin at nagsilingunan na ang lahat ng tao... WAH. Hindi ko alam kung ako ang tinitingnan nila o si King.

Linapitan si King ng mga business man ata at pinagkaguluhan ata sya...

"Kamusta ka na?" Sabi nung isa.
"Ayos lang po!" Sagot nya.

At marami pang kasunod na tanong. Di nya naman ako iniwan, pero masnarinig ko ang mga bulong-bulungan sa paligid.

"Grabe! Ang ganda-ganda na niya no? Noon, di naman sya ganyan eh."
"Siguro, nagpapasindak sya kay JR." Sabay tingin sakin nung mga babaeng alam kong taga USM pero di ko alam na namumukhaan nila ako.

Nagsimula na pala ang party, may sumasayaw na nga sa dancefloor eh.

Marami pa akong narinig na bulong-bulongan hanggang sa...

"Can I dance with you all night?" Tanong ni HANS.
"Huh?"

Linapitan nya ako ng nakangiti. Ano ba talaga tong lalaking to? GRR...

Nagkatinginan kami ni JR, nasa malayo sya at may kumakausap sa kanya pero mukhang di sya nakikinig. >:D

Hinawakan ni Hans ang kamay ko...nabigla ako, ba't nya hinawakan? Di pwede! ano sya? GRR.. Tumingin ulit ako kay JR at nakita kong kumunot ang noo nya at napansin din ni Andrea ang nangyayari. >:(

"Hans! Kamusta na?" Sabay tanggal ni King sa kamay ko kay Hans. SALAMAT KING!

Pasimple lang pero mahirap yun gawin ah? Parang naghahanap ng away!

"Ah! I'm good!" Sabay ngiti.
Tumango si King.

"I'm just wondering if I can...borrow your date and dance with her!"

Nagkatinginan kami ni King at hindi ko alam kung anong expression ang ibibigay ko sa kanya. :(

"Oh... uhmm.." Wag kang um-oo King please?!?

"Wala naman sigurong magseselos diba? And you are not her boyfriend right?" Sabay ngiti ulit nitong blue-eyed blonde-haired mokong.
"Oh...hindi ako ang boyfriend nya, actually...-"
"AKO. Bakit?" Lumingon kaming sabay kay JR.

Agad akong lumingon sa kinatatayuan nya dati at nakita ko si Andreang nakatingin samin na kulang na lang eh umiyak. WAH. JR, its her birthday! Wag naman ano...haaay BUHAAAY.

"Oh?! The birthday boy! Really? You're her boyfriend?"
"Diba alam mo naman yun?" Tanong ni JR.
"OH! I'm so sorry! It doesn't seem that you're her boyfriend! SORRY, I just..." Sabay ngiti... >:D

Tumigil ang pagtugtog at tumigil sa pagsasayaw ang mga tao...
"LADIES AND GENTLEMEN! WE ARE ALL GATHERED HERE FOR AMY ANDREA TANSECO and JOSHUA RIAN TE'S BIRTHDAY! Let us all enjoy the night and welcome the two celebrants tonight..." blahblahblah. Ang dami pang sinabi...

Yun pala, tinatawag na si JR at Andrea para sumayaw sa gitna. Para simulan ang sayawan.

OKAY, Jini, pagsimula ng sayawan, wag kang sumayaw, kumain ka na lang kesa sa makita mong masayang-masaya ang mga birthday celebrants ngayong gabi. :'( Di parin umaalis si JR sa tabi ko. Di nga ako nagsasalita, di rin naman sya nagsalita.

"JR, tawag ka na dun!" Sabi ko.

Ngumiting bahagya si Hans. >:( Nagsimulang maglakad si JR patungo kay Andrea nang...

"You know what JR?"

Napatigil si JR dahil nagsalita si Hans.

:o <----Jini and King.

"...I actually, don't care! >:D "

ACTUALLY DON'T CARE?



---


Joshua Rian Te: Sino yung kasama nya?


"You know what JR?"

Napatigil ako.

:o

"...I actually, don't care! >:D "

ACTUALLY DON'T CARE? Upakan ko na tong sang to! Ano ba sya? Di parin ba sya titigil. Kumukulo na ang dugo ko! Lumingon na ako at parang sasabog na ako sa galit nung tingnan ko si Jini na tinuro si Andrea. GRRR. Kumalma muna ako, PARA KAY JINI. Alam kong concern sya kay Andrea! Selfish ako, and you know that! Hindi to para kay Andrea o para sa parents ko o parents nya, this is for Jini. Thank Jini for everything! Kung di lang talaga para sa kanya... wala ako dito, di ko sinasayaw si Andrea ngayon.

Habang isinasayaw ko sya, nakikita ko si Jining nakatingin saming dalawa. Nag seselos kaya sya? >:D Okay, wala ako sa oras para mag isip ng ganung bagay. HMP. Ilang sandali ang nakalipas, nung sumayaw na ang iba, nakita kong yinaya ni King si Jining sumayaw.

Umupo na kami ni Andrea. Busy sya sa pag-eentertain ng guests.

"Happy Birthday Joshua!" Lumingon ako...
"Mr. Chan!" Bench.
"Ano? You sure look good tonight!" Sabay ngiti.
Ngumiti na rin ako.

"Uhm... Hans is here!"

Napatingin ako sa kanya.

"Para sa isang pictorial, actually. For Bench." Sabi nya.

Tumango ako. :o

"I'm not replacing you huh!?"
"Ohhh." Tumango-tango ako. Okay lang naman sakin kung papalitan ako eh.

Gusto kong mag model noon para makaakit ng magagandang babae. Pero, ngayon ---- ahh! Right! I still want to be a model! Para masindak si Jini. HAHA >:D

"I like you works!"
Tango ulit habang nakikitang isinasayaw ni King si Jini. I wanna be with her!

"Magaling ka talagang kumuha ng pose..."
"Thank you. :) " Naturingang president ng camera club! SYEMPRE! Dapat lang! >:D

"Can you be the photographer of Hans?"

Hans? Hans? Pagkasabi nya ng Hans...

"Tito, is your decision final?" Si Hans.

Anong ibig nyang sabihin? Final desicion sa? Sa pagkuha sakin as photographer? Bakit? Minamaliit nya ako? GRRR...

"I mean, that girl...-"
"Yes yes... of course!!!"

Di ko makuha. :o

"Uhh.. I've asked her kanina, pumayag naman sya, excited nga eh!"
"Really?" Abot tenga ang ngiti ni Hans.

Ehemm.. di ko na talaga masundan ang mga pinagssabi nila. :(

"Uh. JR, Jini and I will have the Valentines Day pictorial. And you are going to take the pictures!"

Ano daw? Panu nasali si Jini sa usapan? Papanong ako LANG ang magiging photographer? Papanong VALENTINES?

Lumingon ako kay Hans pero wala na sya. Hinanap ko sya, hindi ko naman nakita! May lahi atang multo yun. GRR. >:(

"Okay lang ba sayo yun, Joshua? Alam kong malayo pa ang Valentines pero, minamadali ko ito coz of Hans na rin. So... and oh, this is also a big break for your girlfriend! Pumayag na sya kanina! I think she's great! Ang galing mo talagang pumili ng girl! Tsaka maganda nga yan eh! Magkasama kayo s work. :) "

Ano? Valentines? Magkasama sa work? Pro andyan naman si Hans. PUCHAAAAAAAAAA.. GRR.. At Valentines pa? Anong pose ang gagawin nila? Malapit sa isa't-sa!! HINDI PWEDE TOOOOO!

"Kung papayag sya!"
"Pumayag na nga sya!" Sabi ni Mr. Chan...


ANOOOO???? BAKIT? JINI?? Hinanap ko si Jini at nakita kong tumigil si King at Jini sa pagsasayaw. Nakita kong naglalahad ng kamay si Hans kay Jini at ang magaling kong mabait na pinsan, wala na namang nagagawa! Nasa isang tabi lang at di maka hirit! King naman! Suntukin mo!!!! GRRR...


Tumayo na ako. Di ko na masikmura talaga. I'm going to CRASH HIS HEAD!

"JR! Tawag ka ni mama at papa!" ANDREA! GRRR...
"Uh... pwede mamaya na?" Kumalma ka muna JR TE!!

Kalma..pampakalma!

"Huh? Ba't naman? O sige..." Wag ka munang mag-inarte dyan! GRRR...

Lumapit na ako kay Jini at Hans.

"Excuse me, can I...-" Sabi ko.
"We are stil dancing!" Sabi ni Hans.

Tumigil si Jini sa pagsasayaw.

"Jini! we are still dancing right?" Sabi nya kay Jini sabay kuha sa kamay ni Jini.
"Can I--" Hirit kong di pinatapos ni Hans.
"Can I what? Dance with her? We are still dancing! Panggulo ka lang eh!" Upakan ko na talaga to! GRR.. Hinawakan ni Jini ang kamay ko.

Kasabay ng pagkulo ng dugo ko ang pagsabi ko ng..."Can I get MY GIRL?"

Lumapit si King kay Jini at ilinayo sya sakin. Nakita ko rin lumapit si Kenjie sakin at mukhang pipigilan ang paaaag....SUNTOK...ko kay Hans.

*Suntokkkk.*

Nasuntok rin ako. ARGH. Katapat na ba to!

"JAAAAAAAAAAAAAAAY-ARRRR!" Narinig ko ang sigaw ni Jini.

Lumapit si Andrea samin, nabulabog na ata ang party eh! GRRR... Jini kasi, sabing wag lumapit eh! Sabing WAG---di nakikinig! ARGH.

*SUNTOK* ko ulit.

"Ano bang problema? Meron ka na ngang birthday girl dun! Tapos...you'll dare to mess up with us? HUH? Pasalamat ka birthday mo! >:( ! Jini, your shoes, will lead you back to me!" Sabay walk out! Ano DAAAAWWW? What shoes?

Napatingin ako sa sapatos ni Jini, lahat ata napatingin sa sapatos niya eh. Bakit? What's with her shoes?

"Si Hans ang nagbigay ng sapatos na yan?" Tanong ni Tanya.

Di ko na narinig ang sagot. agad na akong lumapit kay Andrea at sa kanyang mga magulang para humingi ng tawad. Tulala pa si Andrea. Bahala sya. Di ako responsable sa kanyang mga iniisip tungkol sa nangyari. Isipin nya ang gusto nyang isipin.

Nagpatuloy ang party na parang walang nangyari. Walang nangyari sa palagay ng mama at papa ni Andrea, sa ibang guests, sa lahat!! Pero hindi sakin. Hindi kay Hans, King, Kenjie, Andrea, Tanya at Jini. >:(

Nung malapit ng matapos ang party, nakita kong may umaligid na mga lalaking nakaitim kay Jini. Mga limang lalaki. Tumayo ako, di naman sa OA pero... :o Nakita kong lumabas sila ng venue at ipinasok si Jini sa isang sasakyan.

OY! Ano yun? Iba yun ah? Hinanap ko si King, nakita ko sya sa gilid. Umalis ang sasakyan! Tumakbo ulit ako papunta sa kay King.

"Si Jini!? Sino yung kasama nya?"
"Huh? Ewan? May kasama ba sya? Asan?" ANO NA NAMAN TO? Bakit parang?? WAAAH. Kidnap?



---


King Alvarez: gusto nyang mangyari sa inyo dyan!!


"Si Jini!? Sino yung kasama nya?" Tanong ni JR.
"Huh? Ewan? May kasama ba sya? Asan?"

I feel like I'm going to hell when I die. Ang dami kong kasinungalingan ngayon araw na to!

Una, pumayag at kinumbinsi kong isayaw ni Jini si Hans.

Yun LANG talaga sana ang plano ko. Ang plano kong napagkasunduan.

Pero, di lang pala yun. Tumawag sakin ang Mama ni JR na may topak. Sinabi nya sakin na may sorpresa sya para kay JR doon sa rooftop sa kabilang hotel. Isang first-class room na bagong renovate daw na para kay JINI. Nung una, di ko maintindihan kung papanu sa kabilang-buhay nagkaroon ng sorpresa ang mama ni JR para kay JR na kwartong para kay Jini! Hindi ko maintindihan. Mas naintindihan ko pa ang mga trial balance at equations dyan.

Pero, naisipan ko na ring kontakin ang mga kasamahan ni JR---sina Anton, Miguel, Patrick at ang buong cast ng fratenity nila. PARA KIDNAPIN SI JINI.

TAMA! Sinadya kong iwanan sya. Sinadya ko ang lahat. Patawarin sana nila ako. I have no idea. Wala akong ideya kung panu ko gagawin ang kabulastugang ito. Buti at magaling ang pagpaplano ko. Napadrive ko si JR ng sasakyan. Sinusundan 'kuno' namin ang sasakyan ng kidnappers. Kahit na papaikutin lang nila yan at sa kabilang hotel na rin patungo.

Tiningnan ko ang cellphone ni JR at nakita kong 1bar na lang! Magaling! Akala ko kailangan ko pang palitan ang batteries. Nasakin din ang cellphone ni Jini. :P HAHAHA >:D Kinuha nya ang cellphone at...

*KRRRRRRRRRRRINGGG!*

Tinawagan si Jini. NYEEEH. Madali kong pinatay ang cellphone ni Jini.

"Out of coverage na! King! Tumawag ka ng pulis!"
"Huh? uh... Okay!"

Asa ka? hehe. Buti na lang at wala sa saktong pag-iisip si JR at di nya pinansin ang pagring ng fone ni Jini na nasakin.

"Nawala ang sasakyan!"
"UHHH. JR. Alam ko na! Punta tayo dun sa kabilang hotel!"
"Huh? Bakit?"
"Nakita ko kasing pumasok yung sasakyan dun!"

Agad syang humarurot patungo dun sa sinabi ko. At nakarating kami agad. Mas mabilis pa sa alas kwatro. TSSS. Palibhasa.. HAAY. At, andito nga ang sasakyan. nakapark. Grabe! Ang galing nina Anton ah! Naglagay pa sila ng mga naiwang gamit ni Jini para mag mukhang kidnap. At may kutsilyo pa.

Di ko na maitsura ang pinsan ko. Kakain ata ng tao.

"KING! DIBA SINABI KO SAYONG TUIMAWAG KA NG PULIS! LANGYA! KANINA KA PA AH!"

Di ako makapagsalita!

"NASAAN NA BA ANG MGA TAO SA HOTEL NA TO? BA'T WALANG STAFFS? GUARDS? MAIDS?"

Hotel din nila to. Too bad, nasa kabilang hotel sila noooh! HAHA. Pinasok na namin ang hotel. Grabe, grabe, todo ang pagtatakbo nya. Pawis na pawis. Ako naman...cool lang.

"KING! ANG PULIS? BA'T WALA SILA DITO?" Tanong nya sakin na parang kelangan ng 100pt na font para lang mailarawan kung gano ka lakas ang boses nya.

"I think di na kailangan!" Sabi ko habang paakyat kami dun sa last floor o roof top kung saan andun ang bagong renovate na room. Madilim sa loob kaya't normal lang na magsisigaw si Jini dun.

"TULOOONG! PALABASIN NYO AKO DITO!"


"Jini?!" Agad tumakbo papalapit sa pintuan si JR. Kalmado parin ako hanggang ngayon.

Napansin kong lumabas si Anton, Miguel, at iba pang kaibigan ni JR. Naka itim silang lahat at naka maskara.

"MGA HAYOP KAYO!" Nasuntok ni JR si Miguel. Agad natumba at di nakatayo.

Tinulungan ko pa at nina Anton.

"JR! Ano ba! Kami to!" ---Susuntukin nya na sana si Patrick.

"Huh?"
"Tanggalin nyo ang maskara nyo!" Sabi ko agad.

Ba't kasi di pa nila tinanggal eh. HMP.

"TULOOONG! JR??!"
"Jini! Andito lang ako!....Kung ganun? Kayo ang kumidnap?"

Pinagtawanan sya ng kanyang mga barkada. Hindi ko na rin mapigilan ang tawa ko.

"Ano?"


Sinabi ko na sa kanya ang lahat, pinapasok namin sya sa kwarto at...

"JR!" Yumakap si Jini kay JR. Mangiyak-ngiyak pa.

Yumakap naman si JR kay Jini. Nakita ni Jini sina Anton, Patrick, Miguel at iba pang kasamahan. Nakita nya rin ako.

"King? Anton? Kayo? Bakit?"

Tumawa ulit sina Anton! Hindi na kami nag paliwanag. Sapat na ang paliwanag ko kay JR. Sinarado namin ang rooftop. 8th floor yun ng hotel kaya imposibleng makakababa sila. Hindi pa kami na kontento, sinarado namin ang lahat ng pwedeng labasan sa buong hotel. Papaalis na kami nung tumawag si JR.

"King? Ba't nyo sina-"
"Wag kang mag-alala! Walang hidden camera dyan. Pero, may sounds dyan maya-maya. Tsaka, babalik naman kami eh...BUKAS."


Alam na kaya ni Jini ang nangyari? HAHA. >:D

"Hindi naman kami tatakas eh! Ba't nyo-"
"Utos yun ng mama mo no! Ewan ko nga din kung ano ang gusto nyang mangyari sa inyo dyan!!"
"ANOOO?" Tingnan mo tong pinsan ko, parang conservative! HAAI. Swerte nya!

*TOOOT-TOT-TOT.*

Lowbat na sya! HAHA. >:D Tamang-tama!



---


Jini Punzalan: Masarap bah?


“Ano? Si King, Anton, Mama mo ang may paakana neto? Bakit naman nila gagawin ang bagay na to?” Tanong ko kay JR habang naghahanap sya ng pintuan para makapunta kami sa pinaka mataa na bahagi ng hotel.

“Talagang di tayo makakalabas dito!” Binalewala ba naman ang mga pinagsasabi ko at dumangaw kami at nakita ang dalampasigan kahit gabi na.

“Wala tayong magagawa kundi maghintay.” sabi nya habang umupo sa sahig sa rooftop at tumingala sa itaas.

Ako naman, andito't naka tayo. GINIGINAW. Di ako makapagsalita. :( Pakiramdam ko, kontento na ako ngayon! Kontento na ako't magkasama kami ngayon sa kaarawan nya. WHAT? Kaarawan nya! Di ko pa sya nababati ah?

“UHH JR!?” Nakatalikod parin sya sakin. Napagod ata sya sa kahahanap sakin ngayon eh.

“Ha-happy birthday!” Lumingon sya sakin pero di ako makatingin sa kanya. BAKIT? Eh di ko alam! HAHAHA.

HMP. Ilang araw na lang, magkakatrabaho na ako, kasi, mag momodel daw ako sa bench! Biruin nyo yun! sinong makakatangggi sa ganung offer aber? Linapitan ako ni Mr. Chan kanina at tinanong ako kung pwede bang mag model sa bench, sabi ko naman, pwede. HAHA. nakeew Jini, bumibenta na ata ang mukha mo ah? hahah

“Hoy! lika nga dito!” sabi nya. Aba't nang-aasar ata tong bakulaw na to ah? GRRR...
“Ha? wala ka bang tenkyu dyan” Umihip ang malakas na hangin.

BRRRR. Nalimutan kong naka dress pa ako hanggang ngayon at nasa dagat pa kami malapit. BRRR. Ang ginaw.

Napanganga na lang ako nung tinuro nya ang kandungan nya habang “Halika muna dito!” sabay demonyong tingin. >:D

May magagawa pa ba ako? sinabi nya eh. Dahan-dahan akong umupo sa tabi nya at inaayos yung damit ko. Tatanggalin ko na sana yung sapatos ko nung bigla nya akong hinila lalo papalapit sa kanya at yinakap “you are all I want for my birthday.” WAAAAH. Naririnig ko ang mabilis na pintig ng puso nya. Malakas to dahil sinabayan yun ng pagpintig ng puso ko.

“J-R! aray.” Ang higpit-higpit nya kasing yumakap eh.

Umayos kaming dalawa. HMP. Maloloka na yata ako sabakulaw na to eh!!! GRRR. Narinig ba nya ang happy birthday ko o hindi? HAY. Di bale, uuitin ko na lang mamaya.

Umihip na naman ang malakas na hangin at ako'y giniginaw na.

“Halika na kasi dito!” Sabay turo ulit sa kandungan nya.

NGYEH. Yoko! Baka ano pang mangyari sating dalawa dyan, nakuuuu!! GRRR...

“ano?”
“wag ka ngang makulit!” Sabay hila ulit sakin.

>:(


“Kamusta ang pagsasayaw nyo ni Hans?”
“Huh? EW---WAN.”
“Anong ewan? Kahit sinong pilipina pag may nagyayang kanong sumayaw talagang hindi tatanggi.”
“Huh? Nagseselos ka ba?”
“Porke't asul ang mata at blonde ang isang yun, ganyan ka na ka interesado sa kanya?”
“Ho-HOY! Ano na? nagsese-” di na naman ako pinatapos at sinagot.
“Tsaka, hubarin mo nga yung sapatos na binigay nya! Bakit ka tumatanggap ng mga regalo sa di mo kilala? Ba't ka pumayag sa pictorial nung Bench?”


Ha? Panu nya nalaman ang tungkol sa Bench? ano ngayon?
Tsaka, bobo ba sya? Di ba nya alam a siya ang nagbigay ng sapatos na to sakin?

“Ano? Eh. Hindi naman sya ang nagbiagy neto eh-”
“Ano? Wag ka ngang mag maangmaangan! Alam ko nooo!”

GRRR.

“Hindi sabi! IKAW ang nagbigay neto! di mo ba naalala!”
“Papanung ako? eh narinig ko kay Tanya.”
“OO! Binilhan nya ako ng sapatos! Gaya neto, pero di kasya sakin kaya eto ang sinoot ko, yung binigay mo!”

Tumahimik kaming dalawa. Buti na lang no! Nahahighblood ako sa kakaexplain. GRRR.

“Kung sakali bang kakasya yung binigay nya, yun ba ang susuotin mo?!” Tanong nya.

WHAT? ang lakas ng tama ni tabatchoy sakin ah? HUHU. That's why I love him so much.

“MAHAL KITA.” sabi ko.

Napatingin sya sakin at mukhang nagtataka sa sinagot kong wala sa kanyang tanong.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan, kaya pumasok kami sa loob. Nabasa ako ng konti, habang sya naman, eh basang-basa talaga. Pagkapasok namin dun sa kwarto, agad nyang hinubad ang pang-itaasna damit nya.

OH NO! Patay tayo dyan! Ang kahinaan naten Jini. Wag masyadong tumingin baka maawala ka sa kawalan! WAAAH.

Tumalikod ako sa kanya.

“sana naman, nag-iwan si King ng pagkain, ginugutom ako!” Lumingon ako sa kanya at tumalikod ulit.

Sasabihin ko bang may dala akong cake o hindi? WAH! EW. Ba't kasi ganun ang ibibigay ko! wala kasing matinong suggestion eh. GRRR...

Humiga sya sa kama at... “Papanu ako magshoshower neto, walang damit. HAAAY si King talaga, di kumpleto ang plano!”

Di parin ako nagsasalita, namamanhid na ata ang leeg ko at pati ata bibig at nagkakasore throat ako. HAHA.

“Hoy! ano ba! Di ka ba magsasalita? Tsaka, ba't ka nakatalikod sakin.”
“huh? AHHH-EHHH. WALA. :) :) :) “
“WALA?!” Naramdaman kong lumapit sya sakin.

“HEEP! Wag kang lumapit sakin!!!!” sabi ko ng di lumilingon sa kanya.


:o


“Naku Jini! Wag mo sabihing naiilang kang makita akong ganito??”

Di ako nakapagsalita.

“Naku! Problema yan! HAHA >:D Di pwedeng ganyan. Balang araw, di mo talaga maiiwasan ang katawan ko.”

YAY. Tumindig lahat ng balahibo ko pagkasabi nya nun. BATA PA KO. Ma! Pa! asan na kayo? Binabantayan ba ako ng kaluluwa nyo? Paki batukan si JR TE!

*KULOOOOOOG-KIDLAAAAAAAAAAAT*

Biglang kumulog at kumidlat... Okay na sanang kombinasyon yun, kaso, di ko naiwasang tumakbo sa kanya at napayakap nung na-off ang lights. AHHHHH

Todo hawak ng kamay ang ginawa nya sa kamay ko.

“Sabi ko sayo eh! di mo talaga maiiwasan!! >:D “

WAAAAAAAAAAAAAAH. IKAW JR TE! Nakakainis ka na talaga!

Na-on ulit ang lights at umiwas na naman ako sa kanya. GRR...

"HAAAY. Ginugutom na ako! Ano to?" Sabay kuha sa box nung cake na ibibigay ko.
"WAGGGG!" Sabay kuha ko sa box at tinago ko sa likod ko.
"Cake yun ah! Sige na akin na! Kakainin ko!"
"Di to masarap!"
"Ano? Ikaw ba ang nagbake nyan? >:D HAHAHA."
"Oo! Wag ka ngang tumawa! Pwede?" ::)

Kainis! Di ko na lang talaga ibibigay sa kanya!

"Akin na!!! Para sakin yan diba?"

Lumayo ako sa kanya pero unti-unti syang lumapit sakin.

"Akin na! Alam kong akin yan!"
"Ang kapal-kapal din ng mukha mo noh? HMP. O ayan!" Binigay ko sa kanya.

Akala ko ba di ko ibibigay? HAHA. Kasi naman, natapon na nga yung una, tapos di ko pa ibibigay ang isang to? Di pwedeng ganun! Kumuha sya ng tinidor at lahat ng pwedeng gamitin para kainin ang cake. Tinitingnan ko lang sya habang umupo sa upuan dun sa mesang malapit sakin.

"Ano ba? Lika na dito! Tikman natin yung gawa mo!" Umupo ako sa tabi nya.

" >:D Ilang ulit mo ba tong pinagpraktisang i-bake huh?" Sabay demonyong ngiti.

GRRR... Pinapahiya pa ata ako. Buti na lang kaming dalawa lang dito.

"Ang totoo, pangalawang bake ko na yan! Yung isa kasi----natapon.. Nung Hearts Festival ko sana yun ibibigay sayo eh. :(" " NYAAAAAAAH! Tinikman nya ang cake.

Tiningnan ko ang reaksyon nya habang tinitikman ang cake. WAH. Kinakabahan ako. SUPER. Baka di nya magustuhan. HUHU

"Ma-Ma-Masarap bah?" Sige! Tanungin mo para malaman mong hindi! NOOOOO!


Tiningnan nya lang ako ng seryosong tingin. Di ko na alam kung ano ang reaksyon nya! Palaisipan.

"Ano? Masarap ba?" Tikman ko nalang kaya para malaman ko? WAH.

Lumapit sya sakin at unti-unti kong naramdaman ang hininga nya.

Magwawala na ata ako dito, di nya sinasagot ang tanong ko. Di naman kasi ako manghuhula eh! HUHU


HINALIKAN NYA AKO. :*

"Mas masarap parin ang halik mo."

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
Chapter 28 When I Loved Darkness


Chapter 28 When I Loved Darkness



Jini Punzalan: ako ang ginaganito-


BAKITTTT GANITOOOOOOO??? Bukas na ang birthday ni JR at Andrea!!!?!? WAAAH.

Alam nyo ba kung bakit ako bothered?

Una...sa mahigit dalawang linggo kaming hindi nag-uusap masyado ni JR.
Pangalawa...wala na naman akong gift sa kanya!
Pangatlo...di ko alam kung ano ang susuotin ko bukas!!!

WHATTTT? Anong sabi mo Jini? Anak ka ng higanteng palaka... Ba't di kaya yung INVITATION ang problemahin ko?

Oo! Tama! Hanggang ngayon, wala parin akong invitation! ANG GALING! GALING-GALING!

Wala sigurong plano si JR na imbitahin ako. WAAAH. Since di naman kami masyadong nag-uusap dahil sa Andreang yun. Naiinis na rin ako dahil feeling ko....di nya na ako mahal! Siguro na inlove na yun kay Andrea? ANOOOO!???!??!?

Kainis naman oh! Di ko na talaga alam. Namomroblema na ako sa kanya. Bahala na kung di ako makapunta sa birthday ni Andrea at JR, basta, magkaayos lang kami ni JR!

Para kasing....so near yet so far...ang drama ko sa kanya. HUHU

"Jini!" Lumingon ako.

Si King.

"O, King!"
"Anong nangyari sayo? Di parin ba kayo nag-uusap ni JR hanggang ngayon?"

Araw-araw na lang...yan ang laging tinatanong ni King sakin. WALANG HIYA!

"Oo." Yumuko ako. "Nag-uusap naman kami eh. Kaso, sumisingit yung epal na Andrea na yun. Hindi ko tuloy masabi-sabi sa kanya na nasabi ko na kay Andrea ang totoo!!!"
"Ganun ba? Hayaan mo! May plano ako!" Tumingin ako kay King... at para bang marami syang ideya.

Kung ano man yun, sana gumana. Sana lang. Para saan naman kaya ang plano nya? Para pabagsakin si Andrea? Para magpansinan kami ni JR? Ano??!? ARGH.

"Ano?!? Jini. May susuotin ka na ba bukas?" Pagkasabi ni King nun, nakita ko si Kenjie...papalapit saming dalawa.

Sa likod ni Kenjie ay si JR at si Andrea at iba pang taga CC. Ba't papunta ang mga taong yun dito sa Lounge?! Ako lang naman ang tumatambay dito ah? GRRR... >.< AYAN... SI JR! NAKU! Hinayupak...

Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. huhuhu.. Nanginginig na ako dito sa inuupuan ko.

"Jini? Papunta sila dito."
"I know!!!"

Ayan na... andito na sila.

"Kayo na naman ba ang magkasama?" Tanya... wag ka nga...
"Oo nga! Kayo na ba ni Ate Jini? King?" ANDREA! >:(
"Hindi Andrea.. May boy--"
"Bakit? Ang hina mo kasi!"

Hindi nya pinatapos si King!!!? BRUHA ka! Nagkamali ako sayo! Kala mo huh? Kala ko mabait ka...pero, hindi pala! Langya.

"Uh..sige King..Tanya... Aalis na ako! Marami pa akong gagawin eh!"

Napatingin ako kay JR habang sinasabi ko yun. Di man lang sya tumitingin sakin. Hindi ko na tuloy alam kung ano kami?

JR? Mahal pa rin kita! Mahal mo rin ba ako? Sabihin mo naman oh?! Don't keep me hanging on! HUHU Umalis na ako...call it, walk-out.

"Jini--" King, I'm walking out. LOL

Hinawakan ni JR ang braso ko.
Ang dating maingay na mga kasama ay natahimik at panay ang tingin saming dalawa ni JR! WAAAAH.

"JR! Yaan mo na sya. Marami pa daw syang gagawin." Sabi ni Andrea. Hinayupak kang haliparot na babae ka!

Oo nga! Marami pa akong gagawin! Pero, kung hihingi si JR ng oras, pwedeng pwede yun!

"JR! Hayaan mo na si Jini. Kasalanan mo naman diba?" Si Kenjie.
"Kenj. Wag kang makealam!" Hinawakan ni Tanya si Kenjie sa braso.
"Totoo naman eh! Palibhasa..."
"Wag ka ngang makealam! Di ako tulad mo!"

Di tulad mo? HUH? Ano? Di mo ako iiwan? Eh..feeling ko nga, bukas, break na tayo eh! GRRR... Di ako makikipagbreak..indi talaga! Bahala na si Tarsan.

"Bitiwan mo ako." :( Wag muna kayong magreact.
"AYOKO NGA!"
"JR! Hayaan mo na sya!!" Pigil ni Andrea.

KINALAS NYA ANG MGA KAMAY NYA SA BRASO KO!

Whaaaaaaaaaaat? Hindi ko inaasahan na gagawin nya yun! Papanu? Papanu na? Last resort? Ano pa nga ba ang magagawa ng isang tangang babaeng tulad ko? Edi, tuloy sa pagwalk-out! Alangan naman, hindi ako magwalk-out eh I startedit! GRRR.. Jini naman eh. Ba't pa kasi may ganun??!

Sana. Sana makita ko si JR ngayon! GAGA! Panu mo sya makikita? eh, andun lang sya! Nag walk-out ka kasi!!! Sana, susundan nya ako!! GAGA! Ba't ka nya susundan!!! May Andrea na yun! Pero, kung may Andrea na sya, ba't nya hinawakan ang braso ko kanina?!?!? WAAAH.

Asan na ba ako? Nasa madilim na part ako ng isang building. PATAY. Nursing building ata to...feeling ko may mga cadaver sa tabi-tabi at feeling ko amoy formalin ang paligid. Pero, feeling ko lang yun. GRRR

Biglang may humila sakin. Ang sakit ng pagkakahila. Sumakit ang likod ko sa pagkakasandal ko sa dingding. Ang lakas...

*BLAAAAAAAAAAG*

"ARAY!"

Sino bang hinayupak ang gagawa sakin ng kahayupang yun? Ang lakas ng loob!

Napapikit ako sa sakit ng likod ko.

"Walang hiya!!!" Pagdilat ng mga mata ko.

NAKITA KONG ANG LAPIT NI JR SA MUKHA KO. At I'm locked in his arms. ANG GUWAPO NYA.... oh my...

Lumapit pa sya ng konti sakin.. hindi konti... malapit na malapit na...TALAGA.

"Ba-ba-ba't ka andito?"

Nararamdaman ko ang paghinga nya.

"A-anong gi-nagawa m-mo?"

Nakakatakot ang mga mata nya. HUHU. Galit sya o ano?

"Panu ba kita maibabalik sa tabi ko!?!?"

Hinampas nya ang papel sa dingding...

"Huh?" Ano yun? Di ko makita! Paglumingon ako...? Di ako makalingon! Kasi, ang mukha nya, ang lapit talaga.

Si ko matanggal ang mga mata ko sa mga mata nya. Dahil, miss na miss ko na talaga sya.

Kung di lang talaga masagwang halikan sya ngayon din...kung di lang talaga.

"Kailangan ko pa bang ulitin ang kontrata para lang maibalik kita sa tabi ko?"

So? Kontrata yun?!

"Ano ka! Ikaw nga ang hindi namamansin tapos, ako ang ginaganito-"

HE


:-*



IS


KISSING

ME


AAAAAAAAAAAAAAAAAAH. JR naman, patapusin mo muna ako!!! Patay...ang lakas ng tibok ng puso koooo! Nararamdaman ko din na malakas ang tibok ng puso nya. WAAH

"Ano?! Huh?!" Speechless ako.

Tulala parin ako sa halik nya. Di matagal, pero, matagal ang after-effects. Langyaaaa. JR TEEEEEEEEEEE! You can really drive me insane!!! Unti-unti kong naramdaman ang sakit ng balakang at likod ko. Lagi na lang talaga nya akong sinasaktan.

Perooo...ang sakit na yun lang ang gusto kong dumapo sakin habang buhay. WAAAAAH.



---


Joshua Rian Te: Kontrata sabi!!!



"Ano?! Huh?!"

Tulala pa sya. PATAY. Ang bilis at ang lakas ng tibok ng puso ko! Jini naman kasi. Pinapahirapan pa ata ako. Binibitin! Nangbibitin! NAKAKAINIS NA. Pero, gustong-gusto ko talaga sya kahit naiinis ako sa kanya! GRRR...

"JR?!" Napalingon ako.

GRRR...sino yun?

"Long time no see!!" Nanlaki ang mata ko nung nakita ko siiii...

"Hans?"

Hans - di kami close neto. Hindi ko sya pinapansin nung highschool pa kami. pero, di nya naman tinapos ang pagha-highschool nya sa school na pinapasukan ko. Sa America na kasi sya nag-aral pagkatapos ng isang taong pag-aaral dito sa pinas. Sino sya? Sya lang naman ang twin brother ni Hayley! Tama! TWIN BROTHER.

Hinead-to-foot nya si Jini.

"You must be Jini!" Sabay lahad ng kamay.
"Uhhh.. yeah!" Shake hands.

EHEM. Wala. Di ako nagseselos. Ano!

"Bakit ka andito?"
"I have a project!"
"Ahhh.. okay!"

Hinawakan ko ang kamay ni Jini at hinila na sya papalayo. Di na ako magpapaalam sa kay Hans. Ano kami? Close? Di kami close! So, ba't ako magpapaalam.

"Your girlfriend is beautiful, Joshua!"

Napatigil ako. Pati na rin si Jini.

"No wonder, Hayley lost."

>.< Nagpatuloy ako sa paglalakad. GRRR...

Hindi lang yun Hans! I love my girlfriend, that's why everyone lost! GRRR...


"JR!" Tinanggal ni Jini ang kamay nya.

Patay, di ko sya napansin. Ang dami kasing mga biglaang pangyayari!

Tumigil ako sa paglalakad...

"Ano?!"

Inabot ko sa kanya ang kontrata.

"Ano to?"
"Kontrata sabi!!!"

HMP.. Hindi ko mapakalma ang sarili ko. Di ko naman alam kung bakit ganito ako.

"Para san-"
"May damit ka na ba para bukas?"

Natulala sya pagkasabi ko nun.

"Ano? May damit ka na?!"
"Wala pa-..."
"Huh? Bakit? Sumama ka sakin ngayon! Bibili tayo!"
"Hindi naman kasi ako invited eh?!"
"Ano?!?"
"Wala akong invitation, panu ako makakasama?"
"HA? Edi, gagawin kitang date!"

Malagkit ang tingin nya sakin. LOL

"Bakit?" huh?
"Buang ka ba? E diba kayo nga ni Andrea ang pares. Tsaka, kay King na ako sasama." >:(
"Ganun? edi, di mo na kelangan ng invitation kasi date ka pala ni King eh!" >:(

I know she is still worried. Bakit kaya di pa sya nabibigyan ng invitation? Birthday ko nga bukas pero di naman ako ang nagpapaparty. Si mama at papa kalilipad lang patungong ewan dahil may project daw sila. Pero, okay lang naman yun sakin eh. Andyan naman si Jini eh.

"Tara na nga!"
"Saan?" Nagtaka sya.
"Bili tayo ng damit mo! >:D "
"Ha?!?! Wag na! May damit ako! Uhhh... mag papatulong lang ako kay Tiya Isabel."

"Yun naman pala eh... JR, lika na! Kanina pa kita hinahanap, magpapraktis pa tayo para sa sayaw natin bukas!" Sabay kaming lumingon at nakita ko si Andrea.

Kanina pa ba sya? HMMM...

"Uh... Andrea, susunod lang ako!"
"Uh. Hindi. Hihintayin na lang kita!"
"Uhh.. sige Jini. Kita na lang tayo bukas."

KELAN NYA BA TALAGA SASABIHIN ANG TUNGKOL SAMING DALAWA? >.<

Umalis kami ni Andrea, pero sya parin ang iniisip ko. GRRR. KAINIS...


---


Jini Punzalan: I love JR


BUKAS! Sasabihin ko kay JR na sinabi ko na kay Andrea! Lagi na lang kasing may sumisingit eh! Dapat kasi, sinabi ko na kanina, pero si Andrea.. GAAAH. Di bali. PANGAKO. Sasabihin ko kay JR bukas. Birthday nya!!! BIRTHDAY NYAAA. Wala akong gift! OHW COM'ON.

Suggest naman kayo ng gift oh?!?! HUHU... Napatingin ako sa kontrata...

"Darkness Contract..."

Napatingin ako sa dulo kung saan andun ang expiration date. Pero, walang nakalagay. Instead: "This Contract will NEVER expire."

HAAAY. JR! I LOVE YOU! Anong nangyayari sayo ngayon ha? Tabatchoy? Kala ko maghihiganti ka? Ba't ngayon ganito na?

"May date ka na ba bukas?"

Anak ng...nabigla ako sa nagsalita. Tumalikod ako para makita ang lalaking binigla ako.

"Hans?"
"Yeah!!" Ngumiti sya.

Blue eyes...blonde hair. GWAPO. Kilala nya si Hayley?

"I'm Hayley's Twin Brother."
"OHW? Talaga! Kaya pala magkahawig kayo." Wow... hindi ko alam yun ah! Alam nyo ba yun?

"Your boyfriend doesn't deserve you..."

Huh? BLABLA... Alam ko na. Siguro pinadala ka ni Hayley dito para guluhin kami? LOL. Bahala ka sa buhay mo.

"Uh...sige, alis na ako ha? May tatapusin pa ako-"

Bigla nyang hinawakan ang balakang ko at linapit nya ang mukha nya sa mukha ko.

OHH MAYGHAD. WESTERNIZED.

"Dance with me..."
"Huh?"
"...On JR's birthday."

HAAAAA? Invited syaaa?? Jini talaga... ang hina ng pick-up! GAGA. Tinulak ko sya papalayo sakin.

"Ano ba! May boyfriend na ako - si JR."
"I know... >:D " Ngiti sya ng ngiti. Hindi ko alam kung anong iniisip nya. WAH.

"I like you!"
"Haw can you layk me when you don't even kno me! besayds, I love JR. and he is my-"
"boyfriend? He is everybody's boyfriend!"

Napatunganga ako. HEH! Kala mo madidiscourage ako? HINDEEEEEEEEEEE NO! Paki update nung utak mo sa pagkakakilala kay JR. MAHAL NYA AKO.. BLEEEH.

"Sino ka ba? Wala akong pakealam sayo!" >:( Kainis.

Makapag walk-out nga... Ayun, pero, sinigawan ako kahit malayo na...

"I ALWAAAAAYS GEEEET WHAAAAAT I WAAAAANT, JINIIIII!"

WAAAAAAAAAAAH... Alam nya rin ang pangalan ko. Well, sya nga ang brother ni Hayley. TWIN BROTHER... Pero, JR! Anong gagawin mo? Anong gagawin ko? Anong gagawin nating dalawa?!?! HUHU

Tiningnan ko ang kontratang dati kong inaayawan at ngayo'y ayoko ng pakawalan.




---


Hans Anderson: Thinking what?


Her girl is really beautiful. I can't believe that she is wasting her beauty for him.

"Hey Hans! Anong iniisip mo dyan?" That's Mr. Chan...

~~~okaaay! Wag muna masyadong mag react!!! pawang kathang isip lang ang lahat ng to kaya wag nyo akong isumbong sa kanya! OKAY? hehe

"You should think about your clothes for tomorrow!"
"Mamaya na tito."

~~~Eheeeeeeeem. pawang kathang isip lang!!!

"I can't find any model for the pictorial yet..."

Andito nga pala kami sa office ni Papa. Si Mr. Chan ay Tito ko na nagmamay-ari ng Bench. Kaya nga kinuhang model si JR dahil malapit sya dito at talagang may mukha ang mokong.

"I like JR's girl!"

Nabigla ko ata sya dahil napatigil sya sa pabalik-balik na paglalakad nya.

"What? I haven't seen her, though. Is she beautiful?"
"Pagmakita mo sya, saka mo malalaman ang sagot."

Tumango sya.

"In speaking of JR, I looove his works so much. That's why I'm thinking...."
"Thinking what?"

Pinaglaruan ko ang pen ni Papa. Asan na ba yun? May meeting pa daw... Dumungaw ako sa bintana kung saan tanaw ko ang soccerfield.

"He will be the photographer for the Valentine Special Billboard of Bench."

Nahulog ko yung pen pagkasabi nya nun.

"OH..."


---



King Alvarez: Wag kang mag-alala!



Nakarating din ako sa Resort. Si JR talaga napaka...HAAAY. Bigla ba naman akong tinawagan at sinabing pumunta dito!? HAY.

Nakita ko syang nakatingin sa kawalan habang sinasayaw si Andrea na nakatitig naman sa kanya. Ano kayang iniisip nya? PREOCCUPIED ata. Nagkausap na kaya sila ni Jini? Alam nya na kaya na sinabi na ni Jini kay Andrea?

Sa tingin ko, di pa. Kasi, kung malaman nya yun, baka wala to dito. HMMPPP. Buti na lang din at di na muna sinabi ni Jini, alam nyo naman siguro ang gagawin nitong pinsan ko pag sinabi nung pinakamamahal nyang girlfriend ang totoo diba? Di yan sisipot ngayon, di nya papansinin si Andrea, at talagang di sisipot bukas.

"King!!!!" Tawag ni Andrea.
"Uyy!" Saka lang lumingon si JR sakin.

Kumaway ako.

"Kasama mo ba si Ate?"
"Di eh. May ginagawa ata."
"Ganun ba?" Kumislap ang mga mata nya. "Ayos ba ang sayaw namin ni JR?" Sabay kapit kay JR.

"UHH.. Oo!" Sabi ko.

Tumingin si JR sakin. HAAAY. The usual tingin.

"Sige, maiwan ko muna kayo huh? May aasikasuhin lang ako! JR! Wag ka munang umalis! Di pa tayo tapos!!!" Sabay alis.

Ngayon, kaming dalawa na lang ang andito.

"Asan si Jini?"
"Nasa skul." Tumango sya.

"Ba't mo nga pala ako pinapunta dito?" Sabi ko habang pareho kaming dumungaw sa pagdadarausan ng birthday ni Andrea. May mga table na at lahaaat. May konteng bulaklak na at mga naglilinis sa lugar.

"Please take care of her while I'm with Andrea tomorrow!"

PLEASEEEEEEEEEEEEEEE..PLEASEEEEEEEEEEEEE???? Hindi pa nya nabanggit ang mga katagang yan simula nung naging magpinsan kami. HMP... He is really in love with his girl.

"Kahit di mo sabihin, gagawin ko naman eh."

Alam kong alam nya.

"Wag kang mag-alala! Alam kong alam mo na gusto ko sya...pero, I want her to be happy. Kahit na nasasaktan mo sya, sayo parin nanggagaling ang mga pinakamaligayang sandali nya."

Tumango naman sya. Mabuti na yung magkalinawan kami. Alam kong ayaw ni Jining magselos si JR eh. Ayaw nyang nag-aaway silang dalawa. Alam ko yun.

"Salamat..."

SALAAAAAAAAMAAAAT????

"Si Hans. Alam mo bang andito sya?" Tanong nya agad.
"Hans? Talaga?"

Hans Anderson? Ba't sya andito?

"Imbitado siguro yun bukas dahil imbitado si Mr. Chan eh!"
"Ganun ba??! Ba't kaya sya andito??"
"Nagkita kami kanina sa skul habang magkasama kami ni Jini!"

Magkasama sila ni Jini? Nagkausap na nga sila. Si Hans Anderson. Isang year ko lang syang nakasama pero kilala na syang playboy. KATAPAT NI JR ang isang yun. Alam kong alam yun ni JR. Ba't kaya sya andito??

Kahit na katapat yun ni JR, talong-talo parin sya ni JR sa mga babaeng naging girlfriend. WELL, alam naman nating di na sya ganun ngayon. Tinamaan ng magaling. Baka naman hamunin nya si JR ngayon? Di naman siguro noh.

"NATATAKOT AKO." Bigla nyang sinabi sakin yun.

Tumunganga ako.

"Natatakot ako---nagandahan sya kay Jini. Di kaya--"

ANOOOO??? Lahat ata ng first time ngayong oras ko naranasan eh. First Please, First Sorry, First NATATAKOT? Bakit?

"--alam mo naman yun diba? Blue eyes, blonde hair, spokening dollar. Panu kung---"

HAAAAAAAAHAHAHAHAHAHHA. Tumawa ako ng tumawa! GRABE. FOR THE FIRST TIME!!! Panu nya nagawang matakot sa kanong yun? Di naman sya ganun dati! Di nya nga pinapansin yun eh! Ba't ngayon ganito? JR!

"King ano ba!!! Wag ka namang tumawa!!!"
"HAHAHA. ;D Insecure ka? Panu nangyari?"
"Lumalabas na ata ang tunay na kulay mo eh! Ba't mo ko kinakantyawan?!" Sabi nya habang natatawa parin ako.
"Pasensya na! Eto ang unang beses na narinig kitang nagsabing NATATAKOT ka!!!"

That's true. Hindi siguro alam ni JR kung gano sya kamahal ni Jini? O baka natural na seloso ang isang to.

"Wag kang mag-alala! Di naman siguro."

Pero panu kung andito si Hans para ipaghiganti si Hayley? Di naman siguro no?!? HMMMM...

Labels:


raindrops are falling like tears, jonaxxstories;
STORIES
of jonaxxstories

FAQs
Tripped
Ripped
Whipped
One Night, One Lie
Every Beast Needs A Beauty
Until Trilogy
Worthless
End This War
Heartless
Baka Sakali (Season 2)
Mapapansin Kaya
Why Do You Hate Me
Training To Love
Baka Sakali
Panimula Kabanata 1-5
Kabanata 6-10 Kabanata 11-12
Chase and Hearts
Introduction C&♥1-5
C&♥6-10 C&♥11-15
C&♥16-20 C&♥21-25
C&♥26-30 C&♥31-35
C&♥36-40 C&♥41-45
C&♥46-50 C&♥51-55
C&♥56-60 Conclusion
No Perfect Prince
Prelude. Stage 1-5
Stage 6-10 Stage 11-15
Stage 16-20 Stage 21-25
Stage 26-30 Stage 31-35
Stage 36-40 Stage 41-45
Stage 46-50 Stage 51-55
Stage 56-60 Stage 61-65
Stage 66-70 Postlude
Invisible Man
Preface A arcs
B arcs C arcs
D arcs E arcs
F arcs G arcs
H arcs I arcs
J arcs K arcs
L arcs M arcs
N arcs O arcs
P arcs Q arcs
R arcs S arcs
T arcs U arcs
V arcs W arcs
X arcs Y arcs
Z arcs Postface
Loving Darkness
Chapter 1 Chapter 2
Chapter 3 Chapter 4
Chapter 5 Chapter 6
Chapter 7 Chapter 8
Chapter 9 Chapter 10
Chapter 11 Chapter 12
Chapter 13 Chapter 14
Chapter 15 Chapter 16
Chapter 17 Chapter 18
Chapter 19 Chapter 20
Chapter 21 Chapter 22
Chapter 23 Chapter 24
Chapter 25 Chapter 26
Chapter 27 Chapter 28
Chapter 29 Chapter 30
Chapter 31 Chapter 32
Epilogue
How To Produce A Prince
Opening Remarks Step 1-10
Step 11-20 Step 21-30
Step 31-40 Step 41-50
Step 51-60 Step 61-65
Closing Remarks
Downfall Chronicles
DC Start Fall 1-5
Fall 6-10 Fall 11-15
Fall 16-20 Fall 21-25
Fall 26-30 Fall 31-35
Fall 36-40 Fall 41-45
Fall 46-50 Fall 51-55
Fall 56-60 Fall 61-65
Fall 66-70 Fall 71-75
Fall 76-80 Fall 81-85
Fall 86-90 DC END
24 Signs of Summer
First Sign Sign 1-5
Sign 6-10 Sign 11-15
Sign 16-20 Sign 21-25
Sign 26-30 Sign 31-35
Sign 36-40 Sign 41-45
Sign 46-50 Last Sign
Remembering Summer
The Awakening 1st
2nd 3rd
4th 5th
6th 7th
8th 9th
10th 11th
12th 13th
14th 15th
16th 17th
18th 19th
20th 21st
22nd 23rd
24th 25th
26th 27th
28th 29th
30th The Aftermath
Just That
Beginning 1-5
6-10 11-15
16-20 21-25
26-30 31-35
36-40 41-45
46-50 51-55
56-60 61-65
66-70 71-75
76-80 81-85
86-90 91-95
95-100 ENDING

author
the jonaxxstories

I'm jonaxx at CreativeCorner and Wattpad, also known as Jonah. I'm human and I'm from the Philippines. I'm a FEMALE and 22 years young as of 2013. I started writing peoms and stories at the age of 10. The first story I posted on Creative Corner was Shakespeare in Love. I don't give copies of Shakespeare in Love and Princess in Disguise anymore. All stories are in TAGALOG/Filipino format. If you have more questions, please ask me in my Formspring. Thank you! :)
claps
credits to freeglitters
Icons: Freeglitters
Buttons: CoolText